logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Destroying the CEO

Si Cece Fells ay isa sa mga pinaka-talentadong batang baker sa London. Iyon ay bago gibain ng kanyang bilyonaryong landlord na si Brenton Maslow ang kanyang bakery para magtayo ng carpark! Ngayon ang inis na inis na cupcake-maker ay nasa isang misyon para sirain ang kaakit-akit na CEO ng Maslow Enterprises – kung hindi siya maunang mahuhulog sa kanya.

Rating ng Edad: 18+

 

Destroying the CEO – Kimi L Davis

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Si Cece Fells ay isa sa mga pinaka-talentadong batang baker sa London. Iyon ay bago gibain ng kanyang bilyonaryong landlord na si Brenton Maslow ang kanyang bakery para magtayo ng carpark! Ngayon ang inis na inis na cupcake-maker ay nasa isang misyon para sirain ang kaakit-akit na CEO ng Maslow Enterprises – kung hindi siya maunang mahuhulog sa kanya.Rating ng Edad: 18+Orihinal na May-akda: Kimi L Davis

CECELIA

Napangiti ako no’ng nag-ding ang oven. Sa wakas, tapos na ang mga cupcake.

Suot ang aking kitchen gloves, hinugot ko ang cupcake tray mula sa oven at nilagay ito sa countertop.

Ang order ng aking customer ay inaasahan sa loob ng dalawang oras, at kailangan kong gawin ang aking makakaya para gawin itong maganda hangga't maaari.

Ang ngiti ng aking customer ay parang isang bonus sa akin. Pinatunayan nito na nagbunga ang aking pagsisikap.

“Cece!” Inikot ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng aking kapitbahay. Eksperto si Mrs. Druid sa pang-gugulat sa akin sa buong maghapon.

Siya ay forty na, pero kung kumilos ay para bang twenty lang siya.

Wala rin akong masabi sa kanyang kakaibang pananamit.

“Ano po iyon, Mrs. Druid?” Ngumiti ako habang hinahanda ang frosting para sa decoration. Pinigilan ko talaga na hindi ngumiwi sa damit niya ngayong araw.

Nakatayo siya suot ang isang neon-yellow na damit na may mataas na pulang takong na pwedeng pagkamalang sandata — na sa tingin ko ay sandata talaga dahil mukhang mamamatay na ang mga paa niya.

Ang stiff niyang mukha — salamat sa Botox — ay natatakpan ng makeup na para bang handang handa na siyang pumarty.

At hindi pwedeng balewalain ang magarbong updo niya.

“Cece, darling! Kumusta ka na? Oh my, nakakapag-enjoy ka pa ba? Palagi na lang kitang nakikitang nagtatrabaho tuwing bibisita ako dito. Bakit hindi ka kumuha ng tutulong sa’yo? Mamamatay ka sa pagod kung ikaw lang ang gagawa ng lahat!” mungkahi niya.

Kakaiba siya magdamit, pero mabait naman siya.

“Mrs. Druid, sabi ko naman sa’yo na gusto kong gawin ‘to mag-isa. Tyaka hindi ako madaling magtiwala. Sanay na ako at masaya naman ako.” sagot ko habang nagpa-pipe ng perfect blue swirl sa cupcake.

“Alam ko, darling, nag-aalala lang ako sa iyo. Napakabata mo pa; dapat mag-enjoy ka tulad ko,” ani niya habang kumikinang ang kanyang light-gray na mga mata.

“Masaya ako sa pagtatrabaho, at ito ang gustong kong gawin habangbuhay.” Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga swirl habang nagsasalita, pinapanood ang mga creamy swirls na nakatayo sa mga cupcake na parang mga korona.

“Kakaiba ka.” Tumigil siya. “Sana hindi magiba yung shop mo.” Napahinto ako sa paglalagay ng toppings.

“Anong ibig niyong sabihin?”

“Wala. Narinig ko sa kaibigan ko na may negosyante raw na naghahanap ng malaking lugar. Kung mapipili niya ang lugar na ‘to, magigiba yung bakery mo, at mawawalan ka ng negosyo,” sabi niya.

“Hala! Hindi pwede. Hindi siya pwedeng pumunta rito at gibain ang shop ko. Binayaran ko ‘to, at walang sinuman ang pwedeng hawakan ang kahit anong bato nang wala ang aking nakasulat at verbal na pahintulot. Sino ba ang tycoon na ‘yan? “

Hindi niya masisira ng lalaking ‘to ang negosyo ko.

Pinatrabahuan ko ‘to, at hindi ko hahayaan ang kahit sino na sirain ‘to.

“Brenton Maslow.” Iyon lang ang sinabi niya. Ang dalawang salitang iyon ay sapat na para kumulo ang dugo ko.

Si Brenton Maslow, ang bunsong anak ng pinakamakapangyarihang pamilya sa buong bansa. Hindi ko pa siya nakikita, pero alam kong mayabang at makapangyarihan siya.

No worries; kung maglakas-loob siyang sirain ang negosyo ko, sisirain ko ang buhay niya.

Tinapos ko ang swirls sa mga cupcake at mabilis na nag-sprinkle ng edible pearls bago mabuting inilagay ang mga cupcake sa kahon.

“Hindi bale. Hindi niya mahawakan ang shop ko. Hahabulin ko siya kung kailangan,” sabi ko habang nagtatanggal ng apron at nagready mag-deliver ng cupcakes.

“So, kung okay lang, may cupcakes akong idedeliver at may party kang pupuntahan “

“Sige, nakakaintindi naman ako” Nagsimula na siyang umalis sa shop. “Ingat ka, Cece. ’Wag mong hayaan dalhin ka sa gulo ng lalaking ‘yon.”

Inikot ko ang aking mga mata paglabas ng aking tindahan, at tiniyak ko na rin na nakasarado ang shop. Para namang may magdadala sa akin sa gulo.

Inilagay ko ang kahon ng mga cupcake sa container sa likod ng aking scooter para manatiling safe ito bago umupo, at simulan ang scooter.

Nung umandar ito, sinuot ko ang aking helmet at binaybay ang malamig na simoy ng hangin ng siyudad.

Pwede namang piliin ni Brenton Maslow ang kahit anong lupa na gusto niya; hindi naman kailangan na yung akin pa.

Pero kung ito ang piliin niyang bilhin, edi wala siyang pakialam sa buhay ng mga taong nagmamay-ari ng mga tindahan sa paligid ko.

Wala siyang pakialam sa kanilang kabuhayan o kung paano sila mabubuhay.

Pero kahit anong mangyari, hindi ko siya papayagang kunin ang bakery ko.

Hinding hindi niya mararanasan kung gaano ko pinaghirapan ang bakery ko. Walang makakaalam na nakaipon ako mula sa rami ng trabaho ko noon.

Kinailangan kong magtipid kasi mahalaga ang bawat sentimo. Kahit nga ngayon na may bakery na ako, kailangan ko pa rin magtipid.

Hindi ako makabili ng mga bagay na hindi ko kailangan. Ang karamihan sa kinita ko ay napunta sa aking bakery.

Pagdating ko sa aking pupuntahan, ipinarada ko ang aking scooter sa gilid, tinanggal ang aking helmet, at lumakad papunta sa container ng cupcakes.

Noong hawak ko na ang kahon, pumunta ako sa pintuan at pinindot ang doorbell.

Mabilis kong pinasadahan ng isang kamay sa aking blonde na buhok para magmukha akong maayos habang hinihintay ko ang aking customer.

Matapos ang ilang segundo, bumukas ang pinto, at isang babae na mukhang eighteen years old na may blue eyes na nakangiti at itim na buhok na may purple streaks ang lumabas.

“Hello. Nandito na ang mga cupcakes mo,” sabi ko habang inaabot sa kanya ang kahon ng nakangiti.

Ngumiti siya. “Maraming salamat. Sandali lang at kukunin ko ang pera.”

“Oo naman. Walang problema,” sagot ko. Tumingin ako sa paligid ng kalsada, pinapanood ang isang pares ng mga nagbibisikleta na umiwas sa mga naglalakad na para bang sila ang mga nagbibisikleta.

May mga batang naglalakad at kumakain ng ice cream, habang hawak ng mga magulang nila ang kanilang kamay. Kumakapal na rin ang mga ulap, kailangan ko na mag-ready para sa snow.

Humihirap ang buhay kapag winter, pero kinakaya ko naman at natutuloy ko ang trabaho ko. Hindi pwedeng gawing excuse ang pagbabago ng panahon para hindi magtrabaho.

“Ito na.” Tumingin ako sa pinto para makita ang babaeng nakatayo na may hawak na twenty-pound note.

“Maraming salamat. Magandang gabi po, ”sabi ko bago bumalik sa scooter ko. Hindi ko na narinig ang sagot niya; isinuot ko na lang ang helmet at nagdrive palabas ng kalsada.

Pagbalik ko, kailangan ko na magsimula para sa susunod na order, na dapat madeliver sa loob ng apat na oras.

Dapat nakakarelax na yung travel ko pabalik, pero hindi ko maiwasang isipin si Mrs. Druid at yung sinabi niya sa akin tungkol kay Brenton Maslow.

Wala siyang dahilan para bilhin ang lupa; marami na silang lupa. Hindi rin naman sosyal ang lugar namin, kaya dapat wala ng interes ang katulad niyang bilyonaryo.

Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang aking sarili na si Brenton ay hindi magiging malaking bangungot, hindi pa rin ako mapakali.

Nagmadali na ako pero syempre kailangan ko pa rin sumunod sa batas.

Binilisan ko magmaneho pabalik habang kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero may masama akong kutob na hindi ko magugustuhan ang mangyayari.

Gayunpaman, tumanggi akong matakot dahil alam kong kahit ano pa man ang mangyari, kakayanin ko.

Pero nagkamali ako.

Hindi ako sigurado kung ano ang una kong nakita.

Ang lumalaking usok ba, o ang mga gumuhong bato na parang bundok?

O baka ang pagkawala ng aking bakery na tumambad nung lumiko ako para sa street namin.

“H-hindi,” sabi ko noong nakita ko ang isang higanteng bulldozer at mga lalaking may yellow hats na nagpapaalis ng mga tao.

Sinubukan kong hanapin ang aking bakery pero hindi ko ito mahanap.

At alam kong nagkatotoo na ang binabangungot ko.

Itinapon ang aking scooter sa parke, tumakbo ako papunta sa kung nasaan dapat ang aking bakery. “Miss, bawal ka rito,” mahinang narinig kong sabi ng isang lalaki, hindi ako nakinig sa kanya.

Wala na ang bakery ko.

Ang lahat ng perang kinita ko at ang aking dugo at pawis ay naging bato at alikabok. Lahat ng oras na ipinuhunan ako ay naging bato.

Wala na. Wala na ang lahat.

“Miss, sinabi ko nang bawal ka rito. Umalis ka na.” Sa pagkakataong ito ay narinig ko nang malinaw ang lalaki, at humarap ako sa kanya.

“How dare you?” Giit ko.

Nanlaki ang mga mata nitong beady. “Ano?”

“How dare you?! How dare you?! ” Sinigaw ko, wala akong pakialam kung sino ang makarinig o kung ano ang maisip nila tungkol sa isang babaeng sumisigaw sa gitna ng isang kalsada.

“Miss, huminahon ka,” sabi ng lalaki.

“Anong karapatan mong gibain ang bakery ko?! Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang pumunta dito at gawin ‘to?! Sagutin mo ako! ” Nagpatuloy ako, sumisigaw.

Mas mabuti pang magkaroon siya ng mabuting dahilan para gawin ito, o manumpa ako na hindi ako magdadalawang-isip na saksakin siya.

“Huminahon ka muna, ipapaliwanag ko ang lahat,” sabi ng lalaki, nakikiusap ang mga mata niya na ako ay sumunod, pero hindi niya alam kung sino ako. Hindi ako susunod.

“Sabihin mo sa akin ngayon o susunugin kita, at sinusumpa ko hindi ako nakikipagbiruan,” angal ko, gusto kong sakalin ang matambok niyang leeg.

“Hoy, hoy! Ano ang nangyayari dito? ” Isang matalim na boses ang narinig ko sa galit.

Isang lalaki na mukhang nasa thirties ang lumapit sa amin at tumayo sa harapan ko. “Bakit ka sumisigaw na parang baliw?”

“Giniba mo ang bakery ko at inaasahan mong kalmado ako?!” Gusto kong sampalin ang lalaking ito, at kung hindi niya maintindihan kung bakit ako nagagalit, sasampalin ko talaga siya.

“Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kung meron kang problema, kausapin mo si boss,” ang sagot ng lalaki.

“Sino ang nagsabi sa iyo na gibain mo ang bakery ko? Akin ang bakery na ‘yon. Kumpleto ako ng dokumento. Ikaw o ang boss mo ay walang karapatang sirain ang pag-aari ko, ”sinabi ko.

Nagsisimula na dumami ang mga tao sa paligid, pero wala akong pakialam. Ang importante ngayon ay ang pinahirapan ko at kung paanong nawawala na ito.

“Miss, makinig ka nga…” Binigyan ako ng isang card noong lalaki.

“Pwede mong makausap ang boss namin dito. ‘Wag kang sumigaw, nangi iskandalo ka lang. Inutusan lang kami na gibain ang mga negosyo dito; iyon lang. Kung may problema ka, pwede mong kausapin ang may pakana nito. “

Nilukot ko ang card sa aking kamay habang pinanuod na umalis ang lalaki. Sinabihan niyang umalis na ang mga tao niya at marami pa silang pupuntahan.

Sinundan ko ng tingin ang mga taong sumira ng lahat, alam kong hindi ako titigil hangga't hindi ko maibabalik ang aking bakery.

“Cece? Cece?! ” Narinig ko si Mrs. Druid na tumatakbo papunta sa akin sa habang nakatakong. “Anong nangyari? Anong nangyari sa bakery mo? “

“Wala na, Mrs. Druid. Wala na ang lahat,” ungol ko habang pinapanood na umalis ang mga lalaki.

Paano nila nakakayanang umalis na parang wala silang ginawa? Wala ba silang pakialam na ninakawan nila ng buhay ang isang babae? Paano na ako kikita ngayon?

Ayokong magtrabaho para sa ibang tao; mas gusto kong may sarili kong negosyo, gaano man kaliit ito.

“Oh, darling.” Bago pa ako makapagsabi ng kahit ano, niyakap niya ako, binigyan ako ng comfort na hindi ko namalayang kailangan ko.

“I am so sorry, Cece. Kilala mo ba kung sino ang may pakana nito? “

Humiwalay ako sa kanya habang umiling.

“Hindi. Hindi ko alam kung sino ang responsable para dito, wala siya rito. Inutusan lang ang mga lalaking ‘yon na pumunta at sirain ang lahat ng mga tindahan, at isang tao lang ang responsable para dito, pero hindi ko alam kung sino. “

“Si Brenton Maslow. Wala nang iba,” sagot niya, na naglabas ng tisyu mula sa loob ng kanyang purse at inabot sa akin.

“Heto, pahiran mo ang luha mo, Cece.”

“Hindi ako umiiyak, Mrs. Druid,” sabi ko, iniisip kung ano ang gagawin ngayon. “Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko ngayon.”

“Bakit hindi tayo umuwi at pag-usapan ito,” iminungkahi niya. “Gagawan kita ng tsaa para makapagpahinga ka, tapos pwede natin pag isipan kung anong gagawin.”

Umiling ako. “Hindi. Hindi ako gagalaw mula sa lugar na ito hangga’t wala akong plano. Aalamin ko kung sino ang taong ito, at pupuntahan ko siya ngayon. “

Ang problema lang ay wala akong paraan para alamin kung sino ang responsable para dito.

“Hindi mo ba tinanong ang mga lalaking iyon?” tanong niya.

“Kahit na, hindi ka pwedeng manatili dito. Magkakaron daw ng snow sabi ng weather channel, at ayokong manigas ka rito dahil sa tigas ng ulo mo. “

Tyaka ko lang narealize na sobrang higpit ng kamao ko. Noong nirelax ko ang mga kamay ko, nakita ko ang lukot na card na binigay noong lalaki kanina.

Ito na yun. Sabi niya kanina dito ko daw mahahanap ang boss niya.

pero, noong nakita ko ang pangalan na nakaukit ng sosyal sa card, pakiramdam ko may bulkan na pumutok sa dibdib ko.

Brenton Maslow.

Si Brenton Maslow. Siya ang sumira sa aking mga pangarap.

At ngayon ay sisirain ko siya.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

CECE

Ang Maslow Enterprises ay isang malaking gusali, pero hindi ibig sabihin non ay tatalikuran ko ‘to.

Nandoon ang lalaking sumira ng buhay ko, at hindi ako aalis hanggang sa ibalik niya sa akin ang tindahan ko.

Pinaghirapan ko ‘yon, at kung kailangan kong makipag-away sa bawat security guard, gagawin ko.

Pinasok ko ang lungga ng mga leon dala ang kaisa-isahang pakay ko. Marami ang natatakot pumasok sa gusaling ito pero iba ako.

Malakas ako at mabangis, at walang leon ang kayang takutin ako.

Ang mga pinakintab na sahig na gawa sa marmol at ang malinis na dingding ang unang nakakuha ng aking pansin. Ang lugar na ito ay para sa mayayaman; walang lugar para sa mga mahihirap dito.

Gayunpaman, walang sinuman ang pwedeng magpayaman gamit ang pagnanakaw sa mga mahihirap. Hindi patas yon, at sisiguraduhin kong naiintindihan iyon ni Brenton Maslow.

“Excuse me, miss? Saan ka pupunta?” Tanong ng receptionist, kumunot ang kanyang ilong habang tiningnan ang aking trench coat na binili ko mula sa isang thrift shop.

Alam ko nang agad kung anong klase siyang isang tao, na nagbigay sa akin ng clue kung anong klase ng tao ang kaaway ko.

Ang mga aroganteng katulad niya na gumagamit ng halos sandaang produkto sa buhok ay komportable lang ng mga katulad niya; sinumang nasa ibaba nila ay tatratuhin nila na parang mga insekto.

“Kailangan kong makausap si Mr. Maslow,” sinabi ko sa kanya, naiinis ako na sinasayang niya lang ang oras ko.

Ang opisina ni Brenton ay nasa third floor, ibig sabihin ang kanyang mga kapatid ay may mga opisina sa ibang palapag.

“Sino sa kanila?” Tanong niya, suot ang crisp blue suit na para bang mas nakakataas siya.

“Brenton,” sagot ko, pinipigilan kong paikutin ang aking mga mata. Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa kanya?

“I’m sorry pero kailangan mong maghintay. Nasa meeting si Mr. Brenton Maslow. Tyaka, hindi siya nakikipagkita kapag walang appointment. Kaya, I suggest na umalis ka at bumalik na lang pag may appointment ka na,” nakangiting sabi niya.

Anong akala niya sa akin? Dahil lang mayaman siya ng kaunti, akala niya mapagsasabihan niya ako. Nagkakamali siya.

Pumunta ako dito na may pakay, at hindi ako aalis hanggang sa matupad iyon.

Para naman kay Brenton na nasa meeting, wala akong pakialam. Kakausapin niya ako, at wala akong pakialam kung sino ang nandoon. Kakausapin niya ako, at kakausapin niya ako ngayon.

“Paano kung mag-set ka ng appointment sa isang derma? Mukhang inapakan yang mukha mo. Kahit ang buwan ay mas makinis pa kaysa sa’yo, kaya nga hindi na n’on kailangang mag-make up.”

Napangisi ako nang bumagsak ang kanyang panga, at lumakad ako papunta sa mga elevator, naiwan ang snobby na receptionist na gulat na gulat.

Pinindot ko ng pinindot ang elevator button hanggang bumukas ang mga pintuan.

Kapag nakabawi mula sa pagkabigla ang receptionist, tatawag iyon ng security guards, at hindi ako papayag na may pipigil sa akin na makausap si Brenton.

Ibabalik niya ang negosyo ko at hindi papayag na tapak-tapakan niya ako.

Pagkabukas ng mga pinto, pumasok ako sa loob at pinindot floor button papunta sa opisina niya.

Pinahina ng red carpet ang tunog ng sapatos ko nong sumakay ako sa elevator. Sana hindi pa inalerto ng receptionist ang mga tao sa third floor tungkol sa akin.

Kung kailangan kong makipagsuntukan para makita siya, makikipagsuntukan talaga ako.

Pumunta ako agad sa nag-iisang opisina sa floor na ito pagkabukas ng elevator. Pero piniglan ako ng isa pang receptionist.

Pinigilan ko talaga ang sarili ko na suntukin siya. Bakit ba ang daming pumipigil sa akin?

“Excuse me, miss? Bawal ka pumasok diyan. Nasa meeting si Mr. Maslow, at bawal na bawal siyang istorbohin, “sabi ng babae, nakatali ang kanyang light brown na buhok.

“Makinig ka. Sinira ni Brenton Maslow ang buhay ko. Sinira niya ang negosyo ko nung kinuha niya ang lupa ko. Hindi ako pwedeng umupo lang at hayaan siyang isipin na walang kapalit ang mga aksyon niya. Kailangan ko siyang makausap ngayon dahil may utang siyang negosyo sa akin,” sabi ko, inaasahan kong mauunawaan niya at hayaan ako.

Tumikom ang kanyang bibig. “Nalulungkot ako sa nangyari sa negosyo mo, pero ipinagbabawal talagang abalahin si Mr. Maslow ngayon sa meeting. Pwede ka namang umupo muna at hintayin siyang matapos. ”

“Alam mo, hindi dahil mayaman siya eh ibig sabihin n’on mas mahalaga ang oras niya kaysa sa akin. Kaya ako pumunta dito ngayon dahil marami pa akong gagawin. Kaya, please, pakisabi na kailangan ko na siyang makausap,” naiirita kong sagot sa kanya.

Sinasayang lang ng babaeng ‘to ang oras ko; baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko.

Umiling siya, at alam kong wala akong mapapala. “Pasensya na, miss, pero hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Pwede mo namang unahin ang iba mong gawain tapos bumalik ka na lang. “

“Pasensya ka na rin.” Sinuntok ko siya nang walang pag aalinlangan, tumama ang kamo ko sa ilong niya. Umungol ang receptionist bago siya nawalan ng malay sa sahig.

Noong hindi na siya sagabal, tinignan ko ang mga pinto at nag-martsa papunta roon.

Itinulak ko pagilid ang glass door at pumasok, napahinto ako nang makita ko ang mga kalalakihan na nakaupo sa isang mesa na may mga nakakalat na mga papel at dokumento.

Gayunpaman, ang lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang aking pakay.

Brenton Maslow.

Kahit na hindi pa ako minamalas na makaharap siya hanggang ngayon, tiniyak ko na i-Google ang kanyang mukha.

Mula sa kulot na blond na buhok at berdeng mga mata, si Brenton Maslow ay isang lalaki kayang magpaluhod ng mga kababaihan basta makita lang siya.

Gayunpaman, napatitig lang ako sa kanya at na-realize na hindi siya kayang ikumpara sa mga litrato niya. Talaga namang mas nakakaakit pa siya kaysa roon.

“Ano ang ibig sabihin nito?!” Tumayo si Brenton nang makita niya ako, nagliliyab ang kanyang mga berdeng mata sa galit. “Sino ang nagpapasok sa’yo? Nasaan si Mariam? “

“Hello.” Pineke ko ang isang matamis na ngiti para mang-asar. “Ako si Cecelia.”

“Wala akong pakialam kung sino ka. Lumabas ka sa opisina ko! Mariam! Mariam! ” Pasigaw niyang tinawag ang receptionist.

Ang ibang mga lalaki na nakaupo sa opisina ay nanatiling tahimik, nakayuko ang mga mata nila na para bang sanay na sila sa init ng ulo ng amo nila.

“Hindi na kailangang abalahin ang iba, Mr. Maslow. Masyadong busy ang receptionist mo para makinig pa sa’yo, ”sinabi ko.

“Lumayas ka sa opisina ko o tatawag ako ng security,” banta niya, nakapatong ang kanyang mga kamay sa glass tabletop.

“Pwede kang tumawag ng security pagkatapos kong magsalita. Kapag tumawag ka sa kanila bago ako matapos, sinusumpa ko talaga na hindi ako magdadalawang isip na sirain ang reputasyon mo sa harap ng mga empleyado mo,” sagot ko, nananatiling matatag ang aking boses.

Nanlaki ang mga mata ni Brenton na para bang sinampal ko siya bago naningkit ang mga ito. “Sino ka ba sa palagay mo? Sa palagay mo pwede mo akong pagbantaan? “

“Tulad ng sinabi ko, ang pangalan ko ay Cecelia. At kung bakit ako nandito ay dahil sinira mo ang negosyo ko nong inangkin mo ang lupa namin kahapon. Dumating ang mga trabahador mo at winawasak ang tindahan ko. Wala kang karapatang gawin iyon, Mr. Maslow, lalo na kapag legal akong may-ari ng property na ‘yon. Wala kang karapatang i-demolish ang aking bakery nang walang pahintulot. Ang ginawa mo ay labag sa batas, at gusto kong bayaran mo ako,” sabi ko.

Parang gusto niya akong sampalin. “Mukha talagang hindi mo alam kung sino ang kausap mo.”

“Wala akong pakialam kung gaano ka kayaman. Tao ka, tulad ko. At may consequences ang mga aksyon mo, Mr. Maslow. Utang mo sa akin ang bakery ko, at hindi ako aalis hanggang sa ibalik mo sa akin ang ninakaw mo sa akin,” sabi ko sa kanya.

“Binibigyan kita ng limang segundo. Kung hindi ka pa aalis, tatawag ako ng security at ipapakaladklad kita. Ang mga taong katulad mo ay walang pera o kahit ano. Ang tanging mayroon lang kayo ay dignidad; tama ba ako? Kaya't binibigyan kita ng pagkakataon na i-save ang dignidad na iyon, dahil pagkatapos ko mag bilang hanggang lima, hindi lang negosyo mo ang nanakawin ko, pati na rin ang dignidad mo,” binalaan niya ako.

Ngumiti ako. “Naiintindihan ko na ang katulad mong magnanakaw ay walang alam bukod sa magnakaw. Gayunpaman, handa akong bigyan ka ng benefit of the doubt. Wala akong problema kung makikipagusap ka ng maayos.”

“Hindi, hindi mo naiintindihan.” Pinanood ko haban lumapit siya sa akin, ang kanyang lakad na predatory, na para bang ako ang kanyang susunod na kakainin.

Huminto siya sa harap ko, sa sobrang lapit niya, naaamoy ko na ang cologne niya.

“Hindi ako magsasayang ng oras na makipag-usap sa mga tulad mo. And the fact na pinipilit mo akong makipag-usap sa’yo ay parang krimen sa akin. Dapat kitang ipakulong. “

Napangisi ako. “Projecting your crimes to me? Okay lang; sa palagay mo makakatakas ka gamit ‘yan, pero hindi ako papayag na makatakas ka ng ganyan kadali, Brenton…”

“Mr. Maslow para sa’yo,” irap niya.

“Respect is earned, Brenton. Maaaring nananakot ka para respetuhin ka ng iba, pero hindi iyon gagana sa akin. Gumawa ka ng krimen, at hanggang sa ibalik mo ang bakery ko, ipapapulis kita at isusumbong ko sa kanila ang lahat ng ginawa mo,” sinabi ko sa kanya.

Akala ng mga mayayamang taong ito na sa kanila ang mundo, pero hindi ko hahayaang tapak-tapakan nila ako.

“Talaga?” Gumawa siya ng isa pang hakbang papalapit sa akin, halos magdikit ang aming mga ilong. “Sige, punta ka sa kung sino man sa tingin mo ang makakatulong sa iyo. Pero kung sa tingin mo kaya mong manalo laban sa akin, nagkakamali ka. ”

“Hindi ako aalis hangga't hindi mo ibibigay ang gusto ko. Wala akong pakialam kung kailangan mong putulin ang meeting mo para ibigay ang aking mga demands. Gagawin mo ang sinabi ko dahil kayang kaya kitang sirain sa loob ng dalawang segundo. ”

Ito ay isang exaggeration, pero inaasahan kong siya ay isang mababaw na snob na nagmamalasakit sa kanyang image sa harap ng mundo.

Napasinghap ako nang sakalin niya ako at itulak sa pader.

“Tulad ng sinabi ko, hindi ako nagsasayang ng oras sa mga hampas lupa. Kaya lumayas ka sa opisina ko. I-save mo ang kaunting respeto na mayroon ka at kumuha ng trabaho. Ang mga katulad mo ay walang kwenta maliban sa paglilingkod sa iba. Dapat ka pa ngang magpasalamat na sinagip kita mula sa abala ng pagnenegosyo. “

Binitawan niya ako at pinunasan ng panyo ang kamay niya na para bang humawak siya ng dumi.

“Pinaghirapan ko ang bakery na iyon. Kumuha ako ng maraming trabaho para makapagsimula. Hindi mo pwedeng alisin sa akin iyon, Brenton,” sigaw ko.

Bilang tugon, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng kanyang opisina. Nakakagulat na siya ay malakas, dahil sinubukan kong lumaban sa pamamagitan ng pagdiin ng aking sapatos sa carpet, pero wala itong silbi.

Pagkalabas namin ng kanyang opisina, tinulak niya ako ng malakas na nagpaluhod sa akin sa sahig.

“Sinabi ko na sa iyo, wala kang kwenta bukod sa paglilingkod sa iba. Iyon ang lugar mo sa mundong ito — sa sahig. At ginusto ko ang lupa na iyon kaya kinuha ko. Wala akong kahit anong butil ng pakialam para sa kung sinumang maapektuhan. Pagmamay-ari ko ang mundong ito; kaya lahat ng ginagawa ko, bawat piraso ng lupa na binibili ko ay ligal. Dahil sa at the end of the day, mananalo ako at lahat ay magiging akin. Kaya lumayas ka rito, at huwag kang magpapakita sa akin ulit,” saad niya bago humakbang pabalik, at sa pagkakataong ito ay tiniyak niya na ikinandado ang pintuan ng kanyang opisina.

Masakit ang mga salitang binitawan ni Brenton, at sigurado namang iiyak ang iba. Pero hindi ako isang regular na tao.

Alam kong may mga taong katulad niya; nakapagtrabaho na ako sa mga ilang ganon nong nag-iipon ako para sa bakery. Kaya wala na para sa akin kasi narinig ko naman na lahat yon dati.

At alam ko din na mali lahat ng sinabi niya. Hindi ako inilaan para sa magpakaalipin sa iba. Lahat ng tao ay may purpose sa mundong ito, at alam kong ang akin ay hindi maglingkod.

Kaya ako nagsimula ng negosyo ay para ako ay maging isang mabait at makatarungang boss, at iyon mismo ang gagawin ko.

Wala akong pakialam sa sinabi niya tungkol sa akin; ibabalik niya sa akin ang aking bakery, kahit na kailangan kong sirain ang kanyang pamilya para dito.

Huminga ako ng malalim, tumayo at binigyan ng huling tingin ang malalaking pintuan.

Babalik ako, Brenton. Hindi mo ako ganon kadali matatanggal sa harap mo,naisip ko bago sumakayng elevator.

Aalis ako at gagawin ang aking mga gawain, at pagkatapos nito ay babalik ako. Hindi ko siya titigilan hangga't ibigay niya ang gusto ko, kahit na insultuhin niya ako sa pinakamasamang paraan.

Pagkabukas pa lang ng elevator, sinalubong ako ng dalawang malalaking pulis. Anong klase ba ng negosyo ang meron siya at napakabagal ng mga security guard?

Tapos sasabihin niya na hindi bagay sa akin mag-negosyo? Pino-project niya talaga ang insecurities niya sa akin.

Pero ayos lang ‘yon; kahit papaano alam ko kung ano ang defense mechanism niya; pwede kong gamitin ‘yon laban sa kanya.

“Huwag na kayong ma-abalang hulihin ako; paalis na ako, ”sabi ko sa mga security guard habang papalabas ako ng gusali.

Pero sa mga huling sandali, naawa ako na nagtatrabaho sila para sa isang masamang tao, kaya't nagpasya akong bigyan sila payo.

“Ang by the way, may mga mas maayos na kumpanya kayong pwedeng pasukan. Mga kumpanyang tatratuhin at babayaran kayo ng mas maayos. Goodbye, ”sabi ko bago tuluyang lumabas.

Para sa iba, ang sinabi ko ay ibig sabihin ay tapos na ang lahat, pero hindi para sa akin.

Nagsisimula pa lang ako.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+