Ilang araw pagkatapos ng kanyang 18th birthday, nakakaramdam si Aurora Craton ng mate pull habang nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa isang pack leadership party. Ang kanyang mate ay ang Alpha Wolfgang ng Blood Moon Pack. Kapag nalaman ng mate niya na siya ay isang kasambahay lamang, hindi lamang siya itatakwil, pero babantaan na mamarkahan siya bilang isang rogue kung maglakas-loob siyang sabihin sa sinuman na siya ang kanyang mate. Walang choice is Aurora kung hindi manatili sa pack, tila ay hinatulan maging mag-isa. Pero, mayroong kadahilanan ang Moon Goddess kung bakit sila pinagsama…
Rating ng Edad: 16+
Hated by My Mate – Natchan93

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Ilang araw pagkatapos ng kanyang 18th birthday, nakakaramdam si Aurora Craton ng mate pull habang nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa isang pack leadership party. Ang kanyang mate ay ang Alpha Wolfgang ng Blood Moon Pack. Kapag nalaman ng mate niya na siya ay isang kasambahay lamang, hindi lamang siya itatakwil, pero babantaan na mamarkahan siya bilang isang rogue kung maglakas-loob siyang sabihin sa sinuman na siya ang kanyang mate. Walang choice is Aurora kung hindi manatili sa pack, tila ay hinatulan maging mag-isa. Pero, mayroong kadahilanan ang Moon Goddess kung bakit sila pinagsama
Rating ng Edad: 16+
Orihinal na May-akda: Natchan93
Mating…
Imprint…
Asawa…
True love…
Growing up sa wolf society, madalas kong marinig ang mga words na ito sa aming village.
Oo, tama ang nabasa mo. Wolf Society.
Ako ay isang wolf. Maniwala ka man o hindi, nage-exist kami. Sa katunayan, nakatira kami kasama ng mga tao nang hindi nila alam.
Karaniwan kaming naglalakad gamit ang aming anyong tao, at may kakayahang magbago ng anyo bilang wolf sa araw na kami ay maging 18 years old.
At kapag nangyari iyon, hahanapin namin ang aming mate.
Kung titingnan, ang Mood Goddess ay nagdisenyo ng significant other para sa bawat isa sa amin. At sa sandaling mahanap namin sila, wala kaming mamahalin na sinuman maliban sa taong iyon buong buhay namin.
Pero, hindi lahat ay may chance makahanap ng mate. Sa panahon ngayon, bihirang makahanap ng mate ang isang wolf.
Siguro, dahil paunti kami nang paunti araw-araw, dahil sa patuloy na paghu-hunt na hinaharap namin mula sa mga hunters at mga rogue trackers.
Ang mga magulang ko ay isa sa mga pinalad na makasal sa kanilang mate.
Nakilala ng aking ama ang aking ina sa isang pagtitipon sa kalapit na village. Love at first-sight sila. pero sa kasamaang palad, namatay ang aking ina sa panganganak sa akin — si Aurora Craton.
Ang aking ama ay nag-asawa muli dahil sa lungkot, at ang kanyang pangalawang asawa, na aking naging stepmother, ang pumalit sa pamamahala ng pamilyang Craton.
Ang aking ama ay isang mandirigma ng aming pack, siya ang Gamma, pero namatay siya sa duty 5 years ago.
Ngayon, ilang araw na lang bago ako mag 18. Kinabahan ako dahil sa wakas, makikilala ko na rin ang aking wolf.
At higit sa lahat, ang paghahanap ng aking mate.
“Aurora! Tapos ka na ba sa paglalaba? Handa na ang dinner,” sigaw ng aking stepmother mula sa loob ng bahay.
“Papunta na ako, Montana!” Sigaw ko habang isinasabit ang natitirang damit sa sampayan. Tumingin ako sa langit, at inenjoy ang init ng araw.
Bihira lang ito, dahil nakatira kami sa isang maliit na village, sa Iliamna, Alaska.
Ang aming pack, ang Blood Moon pack, ay naninirahan kasama ng mga tao na walang ideya sa aming existence.
Pagpasok ko sa bahay, sumalubong ako sa kakila-kilabot na sermon ng aking stepmother.
“Bakit ang tagal mo? Nagugutom na ako!” sabi niya.
“Nagsimula ka na sana kahit wala pa ako,” Sabi ko habang umuupo sa hapag-kainan at nagsimulang kumain.
Kailangan kong ibigay ito kay Montana. Napakagaling ng kanyang pagluluto.
“Rory … sa isang araw ay magiging 18 ka na diba?” tanong ng stepmother ko.
Tumingin ako sa kanya mula sa plato ng pagkain. “Ha? Oh… oo, ”bulong ko, at muling ibinaling ang aking atensyon sa aking pagkain.
“Alam mo … oras na para magsimula kang gumawa ng sarili mong pera. Bumababa na ang pensyon ni Rodrick. ”
Tumingin ulit ako sa kanya, halos mabulunan ako. “Po?”
“Oo, at hindi rin naman gaano kalaki iyon. At malaki ang epekto ng paghahati natin,” sabi niya.
“Kaya, nagdecide akong ialok ang pangalan mo sa leader’s house. Sobrang nangangailangan sila ng mga katulong sa bahay dahil sa birthday celebration ng Alpha, “dagdag niya.
“Anong ginawa mo!” Sigaw ko. Tumayo ako bigla, nahuhulog ang upuan ko sa likuran ko. “Paano mo nagawa ‘'yun?”
“Kumalma ka, Rory! Panahon na para tumulong ka sa mga gastusin. “
Napahawak siya sa dibdib. “Ang party ng Alpha ay isa sa mga pinakamalaking events ng taon. Kailangan nila ng anumang labis na tulong na makukuha nila. “
Tinaasan niya ako ng kilay. “Pag-isipan mo! Baka makilala mo ang mate mo sa gabing ‘yon. ”
Hindi ako makapaniwala sa kanya. Napa-buntong hininga ako sa inis at daling umakyat sa aking kwarto. Hindi ko na kaya ang pagiging malapit ko sa kanya.
Hindi siya masamang tao. Siya ang nagpalaki sa akin pagkamatay ang aking ama.
pero nakakainis siya minsan, akala niya na lahat ng desisyon niya sa akin ay tama.
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-videocall sa aking best friend, si Emma Johnson.
“Hey boo!” greet niya habang may itim na mask sa kanyang mukha..
“Anong meron sa mukha mo?” Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
“Oh, charcoal mask ito. Ni-recommend ni Tracy, kaya nag-decide akong i-try, “sabi niya nang nakakibit balikat habang kumakain ng Cheetos.
“So, anong plano para sa iyong birthday! Excited ka siguro kasi mag-18 years old ka na. Makikilala mo na ang mate mo! ” napatili siya sa saya.
Inirapan ko siya.
“Hindi na ako makapaghintay mag 18 ako,” patuloy ni Emma.
“Una sa lahat, hindi ako sigurado kung mami-meet ko ba ang aking mate. Alam mo, iyan ay nangyayari lang once in a blue moon. ”
Umikot ako sa kama at niyakap ang teddy bear ko. “At magta-trabaho ako sa aking birthday, kaya wala akong magagawa.”
“Anong ibig mong sabihin na magta-trabaho ka sa gabing ‘yon?” napahingal siya. ” Oh my Goddess! You didn’t” Binato niya ako ng suspicious na tingin.
“Hindi ako. Si Montana may gawa. ” Sabi ko, na may kasamang pag-irap.
“Ano?! Bakit niya nagawa ‘yon? ” Tanong ni Emma, naguguluhan.
“Sinabi niya na ito ang best way para mahanap ko ang aking mate.”
“Ano ba naman ‘yan! Seryoso ba siya! ” Nanglaki ang butas ng ilong ni Emma. “Minsan talaga hindi ko maintindihan ang iyong stepmom, dude.”
“Yeah, well … wala akong magagawa. Pupunta na lang ako sa bwisit na ball, magtatrabaho sa gabi, kikita ng pera, at uuwi. ” Sinabi ko, habang pinipigilan ang isang hikab.
“Well … sabi mo eh. Call kita mamaya. Alisin ko muna itong nasa face ko at kukuha ng makakain. Love ya, boo, ”sabi niya habang paalis sa kanyang kama.
“Love you more.”
Inend ko ang call at humiga sa kama.
Importante ba talaga para sa akin na hanapin ang aking mate?
Hindi na nga ito common ngayon.
Paano kung weirdo siya?
Paulit-ulit na mga tanong ang naglaro sa aking isipan hanggang sa ako ay nakatulog.
Nagising ako pagkalipas ng ilang oras. Tumayo ako sa kama at tumungo sa baba nang malaman na mag-isa lang ako sa bahay.
“Lumabas siguro si Montana,” pasalita kong pagtataka bago bumalik sa aking kwarto. Wala akong gana kumain, kaya hindi na ako nag-abala na maghanda ng dinner.
As usual, wala ang aking stepmother, kaya hindi ko na rin siya inaalala. Pero ang mga nakakainis na sinabi niya ay patuloy na na-replay sa utak ko.
Paano kung makikilala ko ang aking mate sa gabing iyon?
Aalis ba ako kasama siya kaagad?
Magugustuhan ba niya ako? Magugustuhan ko ba siya?
“Ugh! Nakakainis! ” Hinawakan at pinisil ko ang aking unan.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa kalabog sa pintuan ng kwarto ko.
“I’m up, I’m up!” Sigaw ko. Umikot ako sa kama, tumayo, nadapa papunta sa may pintuan at binuksan ito para makita ang aking stepmother.
“Ano ba ‘'yun?” Tanong ko.
“Sweetie, dapat magbihis ka na ngayon. Kailangan mong magpunta sa leader’s house sa loob ng isang oras, ” sabi niya habang ngumingisi sa akin.
“Bakit?” Naiinis ko na tanong.
“Anong, 'bakit'? Pinag-usapan na natin ito, Aurora, ” sabi niya..
“Hindi! Ikaw nag-decide para sa akin! ” Sagot ko pabalik. “Alam mo? Pupunta ako, at sana makita ko ang aking mate, para mailayo niya ako sa lugar na ito, at malayo sa iyo! ”
Sinara ko ang pintuan sa mukha niya.
Makalipas ang isang oras ay bihis na ako at patungo sa bahay ng pinuno, bumubulong kung gaano kamiserable ang aking buhay.
Hindi ko lang alam …
“Siguro dapat akong humingi ng sorry kay Montana pagbalik ko sa bahay,” bulong ko sa sarili.
Paglapit ko sa bahay, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa ganda nito. Labis-labis ang laki nito..
Ilan kaya ang nakatira dito?
Isang guard ang nakabantay sa entrance. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya magsalita.
“Ano ang dahilan ng iyong pagbisita?”
“Umm, tinanggap ako bilang isang kasambahay para tumulong sa party celebration ng Alpha,” sagot ko, medyo natatakot.
“Pangalan?” Tanong niya, habang kumukuha ng clipboard.
“Oh, um… Aurora Craton, Sir,” napatili ako.
Tiningnan niya ang listahan, pagkatapos ay tumango. Isang segundo bago ko narealize na pwede na akong pumasok.
Isang beses pa lang ako nakarating sa leader’s house, noong buhay pa ang aking ama.
Halos anim na taong gulang lang ako, kami ay naglalaro nang magkasama sa park nang siya ay pinatawag para sa isang urgent na meeting.
Since wala siyang mapag iwanan para mag-alaga sa akin, sinama niya ako.
Naalala ko na pinaupo niya ako sa isang upuan sa labas lamang ng meeting hall.
“Dito ka lang, Rory. Hindi ako magtatagal. ” Tinapik niya ang ulo ko at lumakad sa isang kwarto na puno ng iba pang mga werewolves.
Habang nakaupo ako, isang malaking lalaki ang dumating at naglalakad sa direksyon ng aking inuupuan.
Siya ay may long jet black hair, black na mga mata tulad ng onyx, at isang nakakakilabot na hiwa sa kanyang mukha.
Sa tabi niya ay isang bata, katulad na jet black hair at blue na mga mata. Nakikipagtalo siya sa matandang lalaki.
“Pero ako ang future Alpha, Tay! Dapat kasama ako sa meeting na ‘yon! “
Ito ang Alpha ng pack at ang kanyang anak.
“Hindi ka pa rin handa para sa mga meetings tulad nito, anak,” tugon ng Alpha gamit ang monotone voice at stoic na ekspresyon.
Habang papalapit sila sa inuupuan ko, mabilis akong tumayo sa pakaka-upo at iniyuko ang ulo bilang respeto.
Iyon ang laging ginagawa ng aking ama at ng iba pang mga taga village kapag nakita nila ang Alpha.
Hindi nila ako pinansin, kahit na nakatayo sila sa harap ko mismo. Pinagpatuloy lang nila ang kanilang usapan.
“Pinatay nila ang aking ina! Pinatay siya ng mga bastard na iyon, at gusto kong magbayad sila!” sigaw ng bata sa kanyang ama.
Siya ay nanginginig, at nagbabantang tumulo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Nakatayo lang ang kanyang Ama, walang ekspresyon, bago siya tuluyang magsalita.
“Anak, pagdating ng oras, sasali ka sa amin sa meeting hall. pero sa ngayon, ipagpatuloy mo muna ang iyong defense lessons, ”sinabi ng lalaki habang hinawakan ang door knob.
“Paghihigantihan ko ang iyong ina,” sinabi ng Alpha sa isang deathly tone bago nawala sa likod ng pintuan.
Inangat ko nang kaunti ang aking ulo para makita ang batang lalaki na nakatingin sa pintuan. Namumula at may mga luha na naipon sa kanyang mata, naka kamao nang mahigpit ang kanyang mga kamay.
Napansin niya ako sa wakas. Tumingin siya sa akin nang masama, at mabilis na pinahid ang kanyang luha sa braso.
“Gaano ka na katagal na nandito? Sino ang nagpapasok sayo? ” tanong niya, nakatingin pa rin sa akin nang masama.
“Um … Si Tatay ay tinawag para sa isang mahalagang meeting kasama ang Alpha at mga elders, Sir.” Mabilis kong sagot, yumuko ulit ang ulo ko.
“Sino ang tatay mo? Ano ang kanyang pangalan?” tinanong niya, hindi pa rin kumbinsido.
“Rodrick Craton, Sir.” Sumagot ako habang kinakalikot ng aking mga kamay.
“Craton? Ang tatay mo ang Gamma? ” tanong niya, mas passive.
Sa oras na ‘yon, hindi ako gaanong pamilyar sa mga status ng pack. Alam kong mayroong Alpha, ang pinuno. Pagkatapos ay mayroong Beta, ang kanyang pangalawa sa utos.
At ang Gamma, na responsable para sa pag-diskarte at pag-aayos ng lahat ng mga kaganapan at meetings.
Sunod ay ang mga elders, healers — o mga wolf doctors—, mga warriors, mga seekers at peacemakers.
Noon, alam kong may mahalagang papel ang tatay sa pack, pero hindi ko naiintindihan kung gaano kalaki iyon.
“Um … oo?” Sumagot ako.
“Sagot ba ‘yan o tanong?” sabi niya.
“Um… sagot, Sir. Ang tatay ko ang Gamma, ”sagot ko habang nagta-try na magsalita nang may sapat na confidence.
Saglit niya akong tinignan, saka umiling at iwinagayway ang kamay.
“Ah sige carry on …kung ano man ginagawa mo, I guess.” At doon, tumalikod siya at umalis.
“Ikaw, diyan!” Nawala ako sa aking pag-reminisce dahil may biglang sumigaw sa akin.
Isang babae na nasa late fifties ang naglalakad papunta sa akin nang mabilis. Nakakunot ang kanyang mukha.
“Isa ka ba sa mga volunteer na kasambahay para sa celebration?” tinanong niya ako.
“Opo ma’am. Ako si Aurora Craton, Ma'am. ” Sagot ko habang nakayuko ang ulo.
May naramdaman akong magaan tapik sa aking balikat, at pagka-taas ko ng aking ulo, nakita ko na nakahawak ang babae sa kanyang bibig.
“Rory?” tanong niya.
“Opo, ma'am,” sagot ko, hindi ko maintindihan ang pagbabago ng ugali niya.
Nagulat ako nang bigyan niya ako ng isang malaking yakap.
“Oooh, Rory! Ang bata mo pa nung huling beses na nakita kita, ang laki-laki mo na ngayon!” Tinulak niya ako pabalik, tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Nakahanap ka na ba ng mate?” tanong niya.
“Ummm, hindi, ma'am. Mag 18 pa lang po ako sa susunod na araw. Kilala ko po ba kayo?” Tanong ko.
“Oh! Sorry anak. Ako si Kala. Ang head housemaid dito sa leader’s house, at ang midwife ng village. Kilala ko ang tatay mo dati, noong siya ang Gamma ng pack. Kilala ko rin ang nanay mo.”
Naging malungkot ang mukha niya. “Nandoon ako noong araw na siya…” sunod niya. “Sorry hindi ko siya nailigtas, dear.”
Inilagay ko ang aking isang kamay sa balikat niya para pakalmahin ang loob niya. “Ok lang, Mrs Kala,” nakangiting sabi ko. “Masaya akong na-meet kita.”
“So, narito ka para tulungan kami sa big night bukas, hun?” Tanong niya habang nagsisimulang maglakad patungo sa direksyong pinagmulan niya.
Sinundan ko siya.
“Opo ma’am. Inalok ng aking stepmother ang aking pangalan. Sorry po pero hindi ko alam na kailangan ng tulong, ”sabi ko habang napakamot ng ulo.
“Kaya, salamat sa Goddess.. Kailangan natin ang lahat ng tulong na makukuha natin,” sabi niya. Habang nagsasalita siya, binuksan niya ang dalawang malaking golden doors na daanan papunta sa isang napakalaking hall.
Hindi nakakagulat na kailangan nila ang lahat ng tulong na makukuha nila, Naisip ko.
Napakalaki ng lugar na ito!
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Inabot kami ng isang buong araw at kalahati para maihanda ang lugar para sa celebration.
Sinabi sa akin ni Ma’am Kala na magkakaroon ng higit sa 600 na mga guests, ang aming pack at ang mga kalapit, kung saan mayroong peace treaty.
Pagkatapos, pinauwi ako ni Ma’am Kala para makapagpahinga ng ilang oras. Kailangan kong bumalik sa leader’s house sa gabi. 9 pm pa naman ang start ng celebration.
Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng pangit na view ng aking stepmother na naglalakad nang naka-hubad.
“Eww!” Pasigaw kong sinabi, para makuha ang atensyon niya. “Alam mo, ang mga rooms na ito ay ginagamit para sa ating privacy. Hindi para sa paglalakad nang hubad. “
Tumalikod ako, naghihintay na kumuha siya ng damit.
“Ay, sorry, hon. Hindi ko inakala na uuwi ka nang maaga. kakauwi ko lang galing sa south area ng village,” kalmadong sagot niya.
Ang aking stepmother ay isang seeker na may matalas na pang-amoy.
Paminsan-minsan, inuutusan siya ng Alpha na magpatrol para malaman kung kaya niyang maamoy ang scent ng mga rogues na nagtatago sa paligid ng border.
“Whatever.” umirap ako sa kanya, pagkatapos ay dumiretso sa aking kwarto at humiga sa kama.
Sinubukan ko, pero hindi ako makatulog, kaya bumangon ako at pumunta sa baba para maghanda ng dinner.
Pagdating ko sa 1st floor, napansin kong nag-iisa ako sa bahay. Lumabas na naman siguro si Montana.
I shrugged. “Mas okay para sa akin.”
Pumunta ako sa kusina at gumawa ng pasta, pagkatapos ay umupo sa harap ng TV at nagsimulang maghanap ng movie.
Nagring ang phone ko. Tiningnan ko at napangiti nang makita kong kaibigan ko ang tumatawag.
“Hey, Em,” sagot ko habang nag-scroll sa listahan ng mga movies sa TV.
“So … kumusta ang paglilinis at pag-set up para sa engrandeng party?” tanong niya.
“Sa ngayon, nakakapagod. Napakalaki ng lugar. Akala ko hindi na kami matatapos sa mga decorations. ” Sinubo ko ang isang tinidor na puno ng pasta habang nagsasalita.
“Ugh, naiimagine ko. Anong oras ito mag start?” tanong niya.
“Dapat nandoon ako mga bandang 5:30. Pero magstart ang ganap ng 8 pm. “
“Alam mo ba kung anong oras ka matatapos?” tanong niya.
“Hindi nga eh, pero sigurado akong hindi before 12.”
“Well … that sucks. Bukas na lang kita babatiin ng happy birthday”
“Sige, inutusan nila akong iwan ang cellphone sa bahay, kaya hindi ko mababasa ang mga texts hanggang makabalik ako.”
Ungol ni Emma. “That sucks.”
Hindi ko mapigilang mapatawa.
Pinalipas namin ang natitirang oras sa pakikipag-chat at tawanan. Di ko na masyadong napansin ang oras.
Makalipas ang ilang oras, natagpuan ko ang aking sarili na papunta sa leader’s house. Pinresenta ko ang aking sarili sa gate, pagkatapos ay pumunta ako sa loob.
Pagdating ko sa loob, pumunta ako sa maid's quarters, kung saan nagpalit ako ng aking official uniform.
Ito ay white button-up shirt na may mahabang manggas, isang red bow tie, high-waisted black pants, at black na heels.
Pagkatapos naming magbihis, lahat ng maids ay pumunta sa gala room, kung saan dim lang ang lights Kanya-kanya kaming naglabas ng tray at nagprepare na salubungin ang mga guests.
Inutusan ni Ma’am Kala ang bawat isa sa amin sa isang certain area kung saan kami nakabantay sa mga tables, pagkatapos ay inutusan kaming tumayo sa pader na pinakamalapit sa section na iyon.
Ang lugar ay nagsimula ng puntahan ng mga tao, lahat ay nakabihis sa kanilang pinakamahal na mga damit.
Ang huling pumasok ay ang aming mga allies, ang Blue Moon pack mula sa west.
Ang kanilang Alpha ay pumasok, kasama ang kanyang anak na babae, si Tallulah Wilhelm. Siya ang pinakamagandang batang babae na nakita ko.
Siya ay may mahaba at napaka gandang blonde hair, sun-kissed skin, at bright hazel na mga mata. Perfect ang buong pagkatao niya..
Pagkatapos nila, pumasok ang Gamma ng aming pack, si Remus Boman, nasa late 20s. Kasama niya ang kanyang asawa na si Aspen.
Si Remus ay may dark brown na buhok na may kaunting gray hair isa bang parte. Siya ay may dark brown na mata at isa sa pinaka pandak na lalaki sa aming village..
pero sa kabila ng kanyang pagiging maliit, hindi lamang siya isa sa pinaka matalino sa pack, pero isa sa pinaka malakas.
Sumunod ay dumating ang aming Beta, si Maximus Barone. Matangkad siya, may dirty blond na buhok at green eyes.
Lahat ng mga batang babae ay nababaliw sa kanya, kahit babaero siya. Siya ang pangalawang pinaka malakas sa aming pack.
Last but not the least, humakbang na sa hall ang man of the hour.
Ang aming Alpha, Wolfgang Fortier Gagliardi. Kung ang mga kababaihan ay nababaliw sa Beta, siya ang totoong panty dropper.
Mayroon siyang isang jet black na buhok na palaging mukhang kagagaling lamang niya sa kama, at blue eyes na kasing ningning ng sapphires.
Ang laki niya, at kitang-kita ‘yung ang mga muscles sa ilalim ng kanyang damit. Parang ‘yung Dyosa mismo ang gumawa sa kaniya.
Pero, may isang problema sa kanya …
Hindi alam ng lalaki kung paano ngumiti, o maging mabait kahit kanino.
Kahit na siya ay drop dead gorgeous, ang kanyang sneer, na sinamahan ng kanyang malakas na Alpha aura, ay reason kung bakit nilalayuan siya ng mga tao.
Kadalasan, nakikita lamang siya kasama ang kanyang Beta, na childhood friend niya. O kasama niya si Tallulah, ang anak na babae ng isa pang Alpha.
For a moment, nagtagpo ang aming mga mata, at dahil sa kanyang intense look ay tila naiwan akong nakaugat sa aking pagkaka tayo. It’s only for a fraction of a second, pero enough na ito para mag cause ng matinding epekto sa akin.
Nang umupo na ang Alpha, lahat ay umupo na rin.
At doon, nagsimula na ang celebration.
Napakabilis lumipas ng lahat. Abala ako sa aking tables kaya hindi ko napansin kung gaano kabilis lumipas ang oras.
“Rory, kailangan ka ni Mrs Karla sa kusina sandali,” sabi ng isa sa mga katrabaho ko.
“Punta ako in a minute,” sagot ko habang kumukuha ng walang laman na pinggan at pinupunan ulit ang ilang mga champagne flutes.
Pagka pasok ko sa kusina, biglang sumabog ang mga confettis.
“Happy birthday, Aurora!” Sigaw ng lahat. Isang magandang cake na may kumikinang na 18 candles, ang nasa harapan ko.
“Oh my Goddess! Guys, nag-abala pa kayo! ” Sabi ko habang nakatingin sa cake.
“Ay, talaga! Hindi araw-araw ay 18th birthday mo, ”sabi ng isa sa mga kusinero.
“Oo, malapit mo na rin marinig ang iyong wolf. Pagkatapos ay magta transform ka, at—, ”dahan-dahang sinabi ni Ma’am Karla habang nakatingin sa lahat. “—mahahanap ang iyong mate!!”
Inikot ko ang aking mata at tumawa silang lahat.
Matapos kumain ng ilang cake, bumalik kaming lahat sa hall para magpatuloy sa aming trabaho.
Biglang may narinig akong kakaibang boses sa aking ulo.
“Hi, Aurora …” Ito ay mahina, pero as clear as the day.
Ito ang aking wolf. Sa wakas ay nagising na siya
“Um … hello?” Sumagot ako sa aking isipan.
Tumawa siya, at nagpakita. Ang kanyang balahibo ay kasing white ng snow at ang kanyang mga mata ay purple.
“It’s a pleasure to meet you. Ako ang wolf mo. Ang pangalan ko ay Rhea. ” Sabi niya habang nakaupo, at nakatitig sa akin.
“The pleasure is all mine, Rhea” sagot ko. “Sana magkasundo ta—”
Naputol ang aking mga salita dahil napuno ng isang masarap na scent ang aking nostrils. Ang scent ay halo ng mga wild pine, almonds at amber.
Nakakaakit-akit ito, halos para akong hinihila papunta rito.
May naamoy rin na konting scent si Rhea. Inilagay niya ang kanyang ilong sa langit, at nag-sniff.
Pagkatapos ay sinabi niya ang isang bagay na ikinagulat ko nang sobra.
“Nandito ang mate natin. Naaamoy ko siya. “
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!