logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Bitten by the Alpha

Nang maglayas ang dalagang si Quinn at nakagat ng isang lobo sa gubat, natuklasan niya ang isang mundo na hindi niya inaakalang totoo – ang mundo ng mga taong-lobo. Ngayon ay kailangan niyang mag-sanay sa bago niyang buhay bilang miyembro ng tribo ng Shadow Moon, sa ilalim ng gabay ng isang kaakit-akit na pinuno.

Rating ng Edad: 18+

 

Bitten by the Alpha – Chloe Taylor

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Nang maglayas ang dalagang si Quinn at nakagat ng isang lobo sa gubat, natuklasan niya ang isang mundo na hindi niya inaakalang totoo – ang mundo ng mga taong-lobo. Ngayon ay kailangan niyang mag-sanay sa bago niyang buhay bilang miyembro ng tribo ng Shadow Moon, sa ilalim ng gabay ng isang kaakit-akit na pinuno.

Rating ng Edad: 18+

Orihinal na May-akda: Chloe Taylor

Mama
Nasaan ka na??
Mama
Dapat ay nakauwi ka na kanina pa, 15 minutos na ang lumipas.
Mama
Mag gagabi na.
Mama
Hindi na kita papayagan na lumabas pa kung wala ka pa dito sa bahay sa loob ng limang minuto.
Quinn
Ma, ayos lang ako
Quinn
Nasa library lang naman ako
Quinn
Pauwi na rin ako ngayon
Quinn
Di ko lang namalayan ang oras.
Mama
Hindi yan dahilan.
Mama
Maraming hindi maganda na pwedeng mangyari pagsapit ng dilim.
Mama
Gusto mo bang matulad sa Tita Jodie mo ??
Mama
Umuwi ka ngayon din.
Quinn
Sorry po, Ma
Quinn
Pauwi na po
Mama
itago mo yang celphone mo habang naglalakad ka.
Mama
Huwag kang makipag-usap sa di mo kakilala.
Quinn
Opo, ma
Quinn
Hintayin nyo na lang po ako
Quinn

Habang inaayos ko sa counter ang katambak na mga de lata, kumot, baterya, at bote ng tubig para aking bayaran, tiningnan ako ng cashier na may panghihinala.

“Idodonate ko sa mga mahihirap”, ngumiti ako ng may halong kaba.

Pucha, nasabi ko kay mama nasa library ako. Kung hindi ako uuwi na may dalang libro, malalaman niya na nagsinungaling ako.

Napansin ko ang isang kupas na Agatha Christie na libro na nakahalo sa mga magazine at tabloid.

“Bibilhin ko rin ito,” sabi ko, sabay ipinatong ko sa counter.

Nagbayad ako at isinaksak ang mga bilihin sa aking backpack. Dapat maitago ko ito sa damuhan bago ako pumasok sa bahay.

Ngayong gabi na.

Magagawa ko na rin sa wakas.

Magiging malaya na ako.

***

Pagka-dating ko sa aming munting bahay sa kakahuyan, nandoon na naghihintay si mama.

Nag-aalala kong hinawakan malapit sa dibdib ko ang libro.

Tinignan nya ako ng maigi habang tinatapik ang mga daliri nya sa mesa.

“Hindi ko ito pwedeng palampasin, Quinn.”

“Alam ko, sorry po… hindi na po mauulit,” sabi ko, habang nakayuko ang ulo.

“Tama ka hindi na ito mauulit. Dahil hindi ka na pwedeng pumunta ng library sa loob ng tatlong linggo”, madiin nyang sinabi.

Karaniwan, magrereklamo ako. Ang pagpunta ko sa library ang tanging dahilan kung bakit hindi pa ako nababaliw. Halos ikulong na kasi ako ni mama dito.

Sa bahay ako pinag-aral hanggang mag 18 taong gulang ako, binawalan sa kahit anong gawain na may koneksyon sa ibang tao.

Ang pagkawala ni Tita Jodie ang dahilan ng pagka-praning ni mama. Masyado pa akong bata para maalala iyon, pero di ko na siya nakitang ngumiti simula noon.

Sa ngayon, tatahimik na lang. Hindi na magiging importante ang pagpunta ko sa library.

Pagkatapos ng gabing ito, magagawa ko na lahat ng gusto ko.

“Tapos na ang hapunan – 15 minutos na ang lumipas” pa tampo na sinabi ni mama “kaya matutulog ka ng hindi kumakain”.

Habang kumukulo ang tiyan ko sa gutom, naisip ko yung mga de lata na nakatago sa damuhan, pero kaya ko pa namang tiisin ng ilang oras.

Habang naglalakad ako papuntang kwarto, narinig ko ang pagbulong niya ng paulit-ulit.

“Tangang bata.Tanga, tangang bata. Tanga, tanga, tanga. “

“Hindi ako si Tita Jodie,” sabi ko, pero hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya ng paulit ulit.

***

Nagtalukbong ako sa kumot. Ilang minuto lang, si mama ay—

Eksakto sa oras. Sumilip siya sa pinto, tinitiyak na natutulog na ako.

Makalipas ang ilang sandali, sinarado niya ito, at nilock.

Ayos lang— hindi naman ako sa pinto dadaan.

Tinanggal ko yung kumot ko,at bumangon sa kama ng nakabihis na.

Hinila ko ang isang libro mula sa cabinet, nakatago doon ang mga pliers.

Ginamit ko ang mga ito upang kalasin ang mga turnilyo ng aking bintana at dahan-dahang ko itong iniangat.Tumingin ako sa ibaba, hindi naman gaanong mataas, pero mas gusto ko nang maka sigurado.

Kung may isang bagay na kailangan sa paglalayas, iyon ay ang malalakas na binti.

Pinagbuhol-buhol ko ang mga kumot at inihagis palabas ng bintana, tiniyak ko na nakatali ito ng mahigpit sa poste ng kama.

Tinignan ko ang aking kwarto sa huling pagkakataon, wala akong naramdaman na lungkot o alinlangan. Mahirap magkaroon ng magandang ala-ala sa lugar na pawang bilangguan.

***

Pinalo ko ang aking flashlight hanggang sa umilaw ito.

Puro puno ang matatanaw sa lahat ng direksyon. Sa kung anumang dahilan, pakiramdam ni mama na mas ligtas manirahan sa bahay na walang katabi, pero lalo lang akong nakaka dama ng panganib dahil dito.

Madilim at nakakalito ang paligid, ngunit kailangan ko nang lumakad.

Kapag nadiskubre ni mama na umalis ako, tiyak na tutugisin niya ako upang mahanap.

Hindi na ako magiging preso. Na sakripisyo na ang labing-walong taon ng aking buhay dahil sa nangyari sa tita ko na di ko man kilala.

Panahon na para magsimulang mabuhay.

Naglakad ako papasok ng gubat, umaasa na makalayo na sa bahay bago pa sumikat ang araw.

Habang palalim ng palalim ang pagpasok ko sa gubat, naalala ko ang mga librong nabasa ko tungkol sa mga batang babae na naligaw sa kakahuyan.

Naisip ko yung mga sinabi ni mama…

Maraming maaring mangyari pag sapit ng gabi.

***

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga akong naligaw. Bawat puno ay pare-pareho. Bawat hakbang pasulong ay mistulang hakbang pabalik.

Baka di ko alam, pabalik na pala ako sa bahay.

Malaking pabigat ang aking bag, pero mas mabigat ang pagpikit ng aking mga mata..

Kailangan kong makahanap ng lugar na pwedeng ayusin para may matulugan.

Antok na antok akong naglalakad nang may makita akong kaunting liwanag.

Nakakita ako ng mahaba, ma-alon, at kulay puting-dilaw na buhok na mistulang nawala sa likod ng puno.

Imahinasyon ko lang ba iyon o may ibang tao talaga dito?

Habang papalapit ako sa puno, isang anyong babae ang nakita ko na mabilis ding gumalaw sa di kalayuan.

Nakaka siguro ako may narinig ako na tumatawa.

“Hoy, sino ka?”, sigaw ko.

Sinundan ko ang sumasayaw na anyo habang siya ay palipat-lipat sa bawat puno na hindi lumilitaw ang kanyang mukha.

Maganda at misteryoso ang kanyang kilos, at ang mahaba niyang buhok parang ilaw na nagtuturo sa akin ng daan.

Binilisan ko ang pagtakbo. Kailangan kong malaman kung sino siya.

Maya-maya, lumingon siya at tinitigan ako. Taglay niya ang pinaka magandang mukha na nakita ko. At ang kanyang mga mata …

Kulay pilak na kapareho ng sa akin.

Sa isang kurap, bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Siguro talagang namalik-mata lang ako.

Naka-abot ako sa isang malinis at maaliwalas na lugar. Sinimulan kong gumawa ng matutulugan, naglatag ako ng isang kumot sa sahig, at nagsabit ng isa upang maging bubungan.

Di ko alam kung yung nakita kong babae ay totoo o imahinasyon lamang dahil na rin sa antok at dahil beans na de lata lang ang kinain ko. Pero kahit ano pa man, kailangan ko ng magpahinga.

Nakatulog ako kaagad, umaasa na makakamtan ko na bukas ang inaasam na kalayaan.

***

Ar-rooo-ooo!

Bigla akong nagising sa tunog sa di kalayuan – malamang galing sa isang lobo.

Madilim pa rin; hindi pa ako nakatulog ng matagal

Pinipilit ko na makakita sa dilim nang may narinig ako na kumakaluskos sa mga dahon sa di kalayuan.

Pinaghandaan ko ang maraming bagay, pero hindi ako handa kung atakihin ako ng mga lobo.

Pinasok ko ulit sa bag ang mga gamit ko. Mabuti na siguro na tumuloy. Hindi ako sigurado kung gaano ito kalayo, ngunit hindi ko na gustong malaman pa.

AR-ROOO-OOO!

Lumakas lalo ang tunog ng ungol. Ito ay lumalapit.

Kailangan kong makahanap ng bagay na pwedeng gawing sandata. Mabilis kong binali ang pinaka malapit na sanga at hinawakan ko ito na parang espada.

Sana ay muling lumitaw ang misteryosong babae para tulungan akong makaligtas, ngunit alam ko na ako ngayon ay mag-isa.

Tumakbo ako, bumabangga at sumasabit sa mga sanga at tinik. Kailangan kong makalabas ng kagubatang ito.

Ang tunog ng mabibigat na paa ng hayop na tumatapak sa mga tuyong dahon ay dinig na dinig sa buong kakahuyan

Mabilis itong lumalapit.

Sinubukan kong bilisan ngunit nadapa ako sa ugat ng puno at sumubsob sa lupa.

Habang nakaluhod ako para bumangon, nakita ko sa harapan ko ang isang malaking lobo – nakalitaw ang matalas na pangil at naglalaway.

May bakas ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha..

Kinuha ko ang sanga at hinampas hampas ito sa hangin ngunit hindi ito natinag.

Sinunggaban niya ako, ngunit natamaan ko ng pamalo ang kanyang ilong, at ito ay napaiyak.

“Lumayo ka”, sigaw ko, umaasa na masisindak ko ito.

Tumitig sa akin ang kanyang kulay pula na mga mata at unti-unti itong lumalapit.

Wala na akong matatakbuhan

Walang makakarinig sa aking sigaw.

Sinunggaban ako ng lobo at itinulak pabagsak sa lupa, ang mga kuko nito ay bumabaon sa aking dibdib.

O Dios ko, mamamatay na ako.

Umatungal ito sa akin na gutom na gutom at pawang kinakain ang takot ko.

Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Binaon ko ang mga daliri ko sa lupa,, sinusubukan kong gumapang papalayo, ngunit sobrang bigat ng lobo.

Mistulang naka ngiti ito habang binubuka ang bibig at-

CRUNCH.

Napasigaw ako sa matinding sakit na naramdaman ng aking buong katawan.

Kinagat ako ng lobo at bumaon ang malalaki nyang pangil sa aking binti.

Bumitaw siya at umalis papunta sa dilim ng kagubatan, iniwan akong dumudugo.

Akala ko ay pinapatay lagi ng mga lobo ang kanilang nahuli, pero ang isang ito ay wala man lang pakialam

Nagsimula akong mahilo habang ang pantalon ko ay basang-basa na sa dugo.

Hindi na ako makagalaw. Dito na ako mamamatay.

Lumalabo na ang aking paningin nang may isang lobo na lumabas sa talahiban.

Higit na mas malaki ito kesa sa nauna, kulay abo na may pagkadilaw ang balahibo nito, ang mga mata niya ay kulay kayumanggi na may halong berde, ngunit hindi ito agresibo.

Sa halip, inamoy-amoy lang ako nito hanggang sa pumikit na ang aking mga mata.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

Quinn

Isang makapal na hamog ang bumalot sa kagubatan habang ako ay naglalakad, hinahaplos ko ang mga sanga ng mga puno dito.

Tuyo na ang mga puno dito ngunit mas maganda pa sila kesa sa mga puno na may dahon.

Kasing puti ng perlas, makinis, at parang abot-langit ang taas na hindi ko na makita ang tuktok.

Lahat ay magkakatulad kahit saang anggulo mo tignan, pero hindi ko nararamdaman na naliligaw ako.

Ito ay may dalang kakaibang katahimikan.

Isang mahinang huni ang nagbibigay ng magandang tunog sa paligid at ang mahinang pag ihip ng hangin na dumaplis sa buhok ko ay para bang may ibinubulong sa akin.

Nasulyapan ko ang mahabang buhok na kulay puting-dilaw na nakita ko na dati.

Tumakbo ako palapit dito, isang manipis na usok ang pumalibot sa akin na biglang nag-anyo na isang magandang babae.

Pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko siya, hinawakan niya ang kamay ko, lumutang kami ng ilang talampakan mula sa lupa, ramdam ko na mapagkakatiwalaan ko siya.

.” Marami ka pang dapat na matutunan,Quinn”, sabi niya habang nakangiti sa akin. “Hindi magiging madali sa umpisa, pero may mga tutulong at gagabay sa iyo sa paglalakbay na ito.”.

“Ikaw ba yun?” tanong ko.

“Hindi, anak, dinala kita hanngang sa abot ng makakaya ko. Ang lugar ko ay hindi sa mundo mo.”

“Hindi ko maintindihan…. Ano ang mangyayari sa akin? Buhay pa ba ako?” tinanong ko, gulong-gulo na ang utak ko.

“Oo, pero pagkagising mo, ang buhay mo ay hindi na tulad ng dati. Ikaw ay tinadhana para sa mga bagay na higit na mahalaga, aking anak.”.

“Sino ka? Bakit kita kilala?”

”Kilala mo ako sa puso mo, Quinn.”

Inilagay niya ang kanyang mga mahaba at magandang daliri sa puso ko.

“Tandaan mo ang mga salitang ito- malalaman mo kung sino ang pagkakatiwalaan mo…” sabi niya, habang unti-unti siyang naglalaho.

””Sandali, anong salita? Huwag ka muna umalis!”

Inabot ko siya, at biglang nakaramdam ako ng koneksyon

”Ikaw ba… Ikaw ba ang tita ko?”

“Lupus Paolo”, mahina niyang sinabi bago siya tuluyang naglaho”.

***

Beep. Beep. Beep.

Beep. Beep. Beep.

Anong nangyari? Nasan ako?

Bangag pa ako, pero kita ko ang kwarto na napaka linis –lahat puti.

“Malalim ang pagkakagat sa kanya, pero hihilom din ito– sa paglipas ng panahon. Pero bibilis ang pag-hilom kapag magbabago na ang katawan niya.

“ At kailan kaya yun, doktor?” tanong ng malalim at paos na boses.

“Hindi natin masasabi pero hindi naman magtatagal.”

Sino ba ang mga taong ito? Ano yung tunog na yun?

Isang suwero ang nakakabit sa aking pulso at ang monitor sa tabi ko ay mahinang tumutunog.

Ospital ba to?

“Tingin mo kakayanin ba ng katawan niya ang pagbabago?” tanong ulit ng paos na boses. “Masyado siyang… maliit. Baka mahati ang katawan niya.”

“Maari, aking Alpha, pero panahon lamang ang makakapagsabi.”

Alpha? Pagbabago? Ano bang pinag-uusapan nila? Ano ang maaring mangyari sa akin para mahati sa dalawa ang katawan ko?

Bumilis ang tibok ng puso ko, at ang monitor ay bumilis din ang pagtunog.

Ang suwero ay automatic na may itinurok sa aking braso na nagpa kalma sa akin.

“ Pwede mo ba akong balitaan palagi sa kanyang kalagayan?” tanong ng lalaki na tinawag na Alpha.

“ Syempre po, aking pinuno. Babalitaan ko kayo kaagad kapag nagkaroon ng pagbabago”.

Nawawalan na naman ako ng malay, pero hindi na ako binalikan ng magandang babae.

Tanging ang mga salita nya lamang ang naalala ko.

Lupus Paulo

***

Nang magising ako, nasilaw ako sa liwanag ng mga ilaw sa kisame.

Tinakpan ko ng maiitim kong buhok ang aking mga mata.

Hindi ko talaga gusto ang ilaw sa mga ospital.

Sinubukan kong gumalaw ngunit kaagad kong nalaman ang pagkakamali ko.

Napangisi ako at napakagat sa sobrang sakit. Hindi ako makakaalis dito. Tumingin ako sa aking nakabalot na binti.

Pucha. Napilayan yata ako.

Napaisip ako kung sino kaya ang nagdala sa akin dito.

Sa isip ko, dapat tinga-tinga na lang ako sa ngipin nung lobo ngayon.

Nang tumunog ang pag-ikot ng door knob, bigla akong nakadama ng takot sa aking sikmura.

Paano kung si mama yun? Ano ang gagawin niya sa akin? Nakaratay na ako sa ospital, pero mas natatakot ako sa kanya kesa sa lobo na kumagat sa akin.

Pero imbes na nanay ko, isang maganda, cute, at mukhang mabait na babae ang pumasok na may dalang mga magagandang rosas.

“Hey there”, sabi niya na may kaunting accent. “Nagising ka na sa wakas”.

Tumatagos ang kislap ng kulay berde nyang mata sa kaniyang ma-alon na gintong buhok, at ang kanyang mga pisngi ay mas mapula pa sa mga bulaklak.

Nilagay niya ang mga rosas sa tabi ng higaan ko at umupo siya, tinititigan ako ng mabuti.

Bakit siya namamangha? Ako nga ang maraming itatanong.

“Sino… sino ka?” pautal kong tinanong. “At paano ako napunta rito?”

“Ako si Sky”, masigla niyang isinagot. “Alam mo, tulad ng pangalan ng lugar kung saan andoon ang mga ulap, ibon, at sikat ng araw.”

Oo nga naman. Ang sobrang pagka masiyahin ng babaeng ito ay nakakahawa.

“Ako ang taga bati sa mga bagong dating dito” naka ngiti niyang sinabi.

“Bagong dating saan?”

“Edi sa tribo ng Shadow Moon, saan pa nga ba.”

Siguro nakita niya ang pagkagulat ko kaya bigla siyang huminga ng malalim at nagtakip ng bibig.

“Hay naku, hindi ko muna dapat sinabi yun. Ang daldal ko talaga. Wala kang alam kung ano ang nangyayari sa iyo, ano?”

“Kinagat ako ng lobo at ngayon nasa ospital ako… hanggang doon lang ang alam ko.”

Kinagat ni sky ang mga kuko niya sa kaba nang mabanggit ko ang lobo.

“Dios ko, paano ko ba ito ipapaliwanag sa isang tao?” sabi niya.

Isang tao? Ok, anong klaseng kalokohan ang pinagsasabi nya?

“Nagsisimula na akong matakot sayo, Sky…ano ang tribo ng Shadow Moon?”

“Para itong… isang uri ng pamilya… pamilyang magiging, umm, kabilang ka… dahil sa nangyari sayo.”

“O Dios ko, hindi naman kaya kayo isang kulto? Marami akong nabasang libro, at hindi laging maganda ang kahihinatnan ng mga naglalayas at sumasali sa kulto,” sabi ko, nagsisimula na akong mataranta.

Si Sky naman ay parang kalmado lang.

“Hindi ah, hindi naman ganun. Siguro naisip mo na isa akong weirdo”, sabay tawa niya. “Ganito ah, kami ay pamilya ng mga taong-lobo, isang tribo.”

Napanganga ako. Kalokohan ba to? Prank? May mga camera ba na naka tago sa paligid?

Kasasabi lang niya taong-lobo, werewolf

Naalala ko yung lobo na umatake sa akin sa gubat – basta na lang akong iniwan pagkatapos kagatin.

At yung malaking lobo na kulay abo at ginto—yung pag-amoy at pag-dikit nya sa akin na parang gusto akong protektahan…

Maari kaya na ang sinasabi niya ay… ?

“Alam ko mahirap paniwalin ang lahat ng to, Quinn, pero ang mga taong-lobo ay totoo. Ilang daang taon na rin kaming namumuhay ng patago. Magpakatotoo tayo, hindi kayang tanggapin ng mga tao ang ganitong katotohanan. Siguro ay susugod agad ang mga ito na may dalang sibat at apoy kapag nalaman nilang may mga nilalang na tulad namin.”

Hindi. Hindi. Nakakaloka ito. Imposible.

“Alam mo, Sky, mukha ka namang mabuting tao, promise, pero hindi ako interesado na sumali sa inyong werewolf na kulto o kung ano man yan. May mga bata na goth na mahilig mag cosplay sa library tuwing biernes… baka gusto nila mag-apply sa kulto niyo—”

“Nakakatawa ka talaga, Quinn. Ang kulto ay para sa mga mangkukulam. Kami ay tribo. At hindi mo kailangang mag-apply. Miyembro ka na namin.” sabi nia, sabay turo sa kagat ko sa binti.

May nakakatawa nga dito, pero hindi ako yun.

“Gusto ko na lang sanang makausap ang doctor, kung pwede -“

Biglang bumukas ang pintuan, isang lalaki na may kulay abo at ginto na buhok ang pumasok sa kwarto. Bakat na bakat ang mga muscles niya sa suot niyang manipis na puting t-shirt at ang mga kulay-ginto nyang mata ay nakaka bighani.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapong tao sa buong buhay ko, nakakahumaling ang naramdaman kong pagka-akit sa kanya.

Sabay kong naramdaman ang takot at kilig..

Bakit masyado akong na-aakit sa kaniya? Hindi ito normal.

Nang magsalita siya, nakilala ko ang kanyang paos na boses. Siya yung tinutukoy nung doctor na Alpha.

“Sky, ano ang sinabi mo sa kanya?” matigas na tinanong nito.

Namutla bigla si Sky. “Winewelcome ko lang siya sa tribo. Naisip ko kasi na baka kailangan niya ng, alam mo na, mahinahon na pagbati para di siya mailang.”

Parang hindi alam ng lalaki ang salitang “mahinahon”. Mukhang ang nasa bokabularyo lang niya ay puro pwersa, lakas at hampas.

“Labas. Kailangan ko siyang kausapin ng mag-isa.” utos nito

Tiningnan ako ni Sky na parang gustong mag-sorry habang lumalabas siya ng kwarto. Naisip ko tuloy na sana bumalik yung loka-lokang babaeng-lobo na yun.

Iniwasan ko ang tumitig sa mga mata ng lalake. Ang kanyang mga gintong mata ay tumitig sa akin mula ulo hanggang paa, at kahit nakakailang, gustong-gusto ko na tinititingan niya ako.

“Pangalan mo,” matigas nyang tinanong.

“Quinn.”

“Quinn……,” inulit niya.

“At ikaw?” patakot kong tinanong ng hindi tumitingin sa kanya.

Hindi siya sumagot, pero lumapit siya sa tabi ng higaan ko. Nararamdaman ko na may init na nanggagaling sa kanya at ito ay nagpainit sa kaloob-looban ko.

“Tumingin ka sa akin,” utos niya.

Sino ba siya sa tingin niya? Gwapo man o hindi, wala siyang karapatan na utusan ako…

Sa pagtingala ko at pagtitig sa mga mata niya, para akong nasa isang panaginip. May nadama akong hindi maipaliwanag na koneksyon sa taong to na hindi ko man kilala. Naramdaman ko na parang naging parte siya ng katauhan ko.

Batay sa pagkagulat sa mukha niya, tingin ko ay naramdaman din niya ito.

“Paano… paano nangyari ito? Hindi ka pa nagbabagong-anyo,” gulat niyang sinabi.

Ang mga ginto niyang mata ay nanatiling nakatitig sa aking mga mata na kulay pilak. Walang bumitaw ng tingin.

” Ikaw, ikaw ang ka-pares ko…

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+