logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Stolen by the Alpha

Nang makidnap si Mara ng misteryosong lobo na si Alpha Kaden mula sa kanyang walang kamuwang-muwang na Purity Pack, natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang mapanganib na hidwaan sa pagitan ng mga matinding magkaribal.

Ngunit, kapag matuklasan ni Mara ang malubhang mga lihim tungkol sa pamilya ni Kaden, maaaring siya lang ang makakapagtanggal ng isang masamang sumpa… at nakatagpo siya ng mga kakampi — at pag-ibig — kung saan hindi niya inaasahan.

Rating: 18+

 

Stolen by the Alpha – Midika Crane

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

MARA

Dahan-dahan kong hinila ang laylayan ng kurtina sa bintana at sumilip sa labas.

Nagdidilim na at ang buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa bakanteng kalsada.

Sa sinumang makakakita,, ang paligid ay tila panatag at matiwasay — payapa. Sarado ang mga pinto, pati ang mga kurtina. Naka-kandado ang kanilang mga gate at ligtas na nasa loob ang kanilang mga anak.

Pero alerto ang lahat, tulad ng ibang mga gabi.

Napa-buntong hininga ako, at lumabo ang tila kristal na bintana sa harapan ko.

Kinusot ko ito ng manggas ko para palinawin ito at makakita ulit ako, ngunit wala namang mamamalas..

Lagi namang wala, dahil , hindi tulad ng ibang mga lupon, napapawi na ang lahat ng bakas ng sigla sa mga kalye pagpatak ng gabi.

Bakit? Dahil ang aking lupon, ang Purity Pack, ay takot sa Vengeance Pack.

O marahil hindi sa Vengeance Pack, kundi sa kanilang pinuno na si Alpha Kaden.

Sa nakaraang dalawampung taon, siya ang sumira ng balanse na itinatag namin sa pagitan ng pagkakapantay-pantay at kaguluhan sa loob ng aming pack.

Ninakaw niya lahat, lalo na ang aming kalayaan.

Ang aming lupon ay hindi gusto ng ibang mga lobo.

Nakatayo ito sa gitna ng Pack Quarter, sa mas malamig na bahagi ng ekwador.

Napapaligiran ng isang makapal na pader na inilaan upang mapanatili kaming ligtas. Protektado kami sa aming maliit na mundo ng relihiyon at kapayapaan.

Ginagambala ni Kaden ang aming mundo sa tuwing sinasalakay niya ang aming teritoryo.

Inagaw niya ang maraming inosenteng batang babae mula sa aming lupon.

Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila, ngunit maraming nag-iisip na pinapatay sila o ibinebenta sa kanyang mga miyembro, na siyang kahiya-hiya rin sa mga mata ng Purity Pack.

Siguro’y gumagawa siya ng isang negosyo dito. Hindi rin kami sigurado. Pinapatay din niya ang mga kriminal namin.

Ang sinumang lumabag sa batas ay responsibilidad ng Discipline Pack.

Ngunit ang sinumang pumatay ay kay Alpha Kaden. Malinawiyon.

“Mara, lumayo ka diyan!”

Hinihila ako sa balikat ng aking nanay palayo sa bintana.

Napaatras ako habang galit na sinasarado ng aking ina ang kurtina.

Humarap siya sa akin, ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang.

Mahal ko ang aking nanay, pero kung minsan ay masyadong siyang mahigpit para sa aking proteksiyon.

Buong buhay niya, naniniwala siya sa isang bagay lamang: ang Buwan ang ating tagapagligtas magpakailanman.

Naniniwala siyang kinokontrol ng Diyosa ang lahat ng aming ginagawa at siyang nagpapasya sa aming hinaharap sa pamamagitan ng ilang uri ng hindi kilalang mahika.

Bagama’t lumaki ako sa lupon na ito, hindi ako naniniwala dito. Pero iginagalang ko ito.

Sa paaralan, tinuruan nila kami ng kaunting awit upang panatilihing buhay sa amin ang takot kay Alpha Kaden:

Ikandado ang inyong mga pinto at selyuhan.

Tuwing gabi, ang mga kurtina’y sarhan

Huwag kang tumingin, kung sakaling nandiyan siya.

Palaging mabuhay sa buong takot.

Kahit na ito’y nangangahulugan ng pagsakripisyo sa iyong sinisinta,

Huwag hayaang selyuhan ng Alpha Kaden ang iyong tadhana.

Pati ang aking ina ay pinapahintulutan ito.

“’Nay, okay lang,” siniguro ko sa kanya. “Walang nakakita sa akin.”

Napabuntong-hininga siya at hinaplos ang isang kamay sa mukha niya.nakaukit sa kanyang pagmumukha ang mga bakas ng taon-taong pag-aalala .

Hindi niya alam kung paano ako disiplinahin minsan — lalo na kapag nagpasya akong lumabag sa mga mahigpit niyang patakaran.

Hindi ko naman sinasadya, ngunit patuloy akong natutukso ng walang tigil kong pag-uusisa .

“Maaaring nakita ka ng mga kapit-bahay natin,” patuloy niya. “Alam mo naman kung anong sinasabi nila sa simbahan tungkol sa ‘yo, Mara. Kung gumasta’y para akong masamang ina. ”

Napairap ako.

“At paano kung nakita ka ni Kaden?” mahigpit na tanong niya.

“Well, hindi ko malalaman kung nakita ako ni Kaden dahil hindi ko alam kung anong itsura niya,” tugonko habang tumataas ang boses.

Nanlisik ang mga mata niya sa akin.

Kinaiinit ng ulo niya ang isipin man lang na may alam ako tungkol kay Kaden.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura niya. Maaari siyang maglakad sa tabi ko sa kalye, at wala pa rin akong malay.

Walang ipinapaalam sa akin si Nanay , ngunit may mga naririnig ako mula sa mga estudyante sa paaralan.

Kapag sinuswerte , nalalaman ko pa kung pumatay siya o hindi.

Minsan, kapag si Nanay at Tatay lamang ang gising, bumababa ako para makinig sa kanilang usapan. Doon ko nalaman ang tungkol sa mga batang babae na nawawala sa bayan.

“Mara, pakiusap. Huwag kang matigas ang ulo, ”pagmamakaawa ni Inay, na inis na inis.

Itiniklop ko ang aking mga braso sa aking dibdib.

Kulang pa ang sabihin na sawa na ako sa pagkukulong tuwing gabi.

Sinukuan ko na ang pagnanais na makagala kasama ang mga kaibigan tuwing Biyernes ng gabi.

sang lukso, laktaw, at talon na lang at magtatapos na ako, pero hindi ibig-sabihin nito’y luluwag na ang mga panuntunan ng aking ina .

Baka nga ay mas maghihigpit pa siya sa paghahanap sa akin ng sinta.

Ang paghahanap ng sinta habang bata pa’y mahalaga sa loob ng aming kultura.

Katawa-tawa ang dami ng mga kinamayan kong mga batang lalaki sa nakaraang buwan .

“Okay lang ba kayo?” Lumingon ako nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto sa harap at pumasok ang aking tatay.

Umuulan sa labas, subalit hindi ko palanapansin iyon habang nakatingin ako sa bintana.

Tinanggal niya ang basang-basa niyang dyaket at inilapag sa mesa ng kusina.

Hindi kalakhan ang aming bahay, kaya nga’t mas mahirap na makulong dito nang matagal.

Sumusunod ang aking mga magulang sa simpleng buhay na nais ng Moon Goddess.

Hindi ako materyalistiko, ngunit kung minsan ay nararamdaman kong ako’y napagkakaitan.

“Wala-“

“Naabutan ko ang ating anak na sumisilip ulit sa bintana,” sinabi sa kanya ng aking ina, na pinigil ako sa pagsasalita.

Tiningnan ko siya nang masama. Palagi niya ‘kong sinusumbong kay tatay.

Sumimangot sa akin ang aking ama.

“Hindi naman lalabas si Kaden doon,” protesta ko. “Masyado lang kayong nag-alala para sa wala.”

Lumipat ang tingin ng aking ama papunta sa aking ina.

Sinasenyasan niya si nanay na umalis dahil alam niya kung gaano kami kadaling magtalo.

Nang wala na siya, dinala niya ako sa sofa para makaupo.

“Kilala mo ‘yong anak ng kapitbahay natin? Mandy, tama?”

“Milly,” itinama ko siya.

Tumango si ama. “Kinuha siya ni Kaden noong nakaraang linggo. Kinuha siya mula mismo sa kanyang kama, at hindi pa siya nakikita. “

Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko.

Milly? Isang taong siyang mas matanda sa akin, at maraming beses na mas kaakit-akit.

Hindi ako nagulat nang kahit kaunti na napili siyang maging bahagi ng anumang negosyong ginagawa ni Kaden.

“Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?” Tinanong ko siya.

Gusto kong malaman, ngunit hindi ko inaasahan na iyon din ang gusto ng aking ama.

“Nag-aalala ako na baka kuhanin ka rin niya. Tuwing umaga, natatakot akong pumasok sa kwarto mo kung sakaling malaman kong kinidnap ka niya sa gabi. “

Umiling ako sa kanya. Malabong makidnap ako.

Kung kumuha siya ng ibang babae mula sa aking kapitbahayan, ibig-sabihi’y hindi muna siya babalik dito sa susunod na buwan

Ganito niyang paglaruan ang mga tao.

Pinapagod niya muna kami sa isang maling pakiramdam ng seguridad, at pagkatapos, binabago niya ang kanyang galaw para gulatin at lituhin kaming lahat .

Hinawakan ng tatay ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

Pagdarasalin niya ba ako?“Nagtataka tayong lahat kung bakit niya ‘to ginagawa, Mara. Pinapangako ko sa iyo, malalaman natin ‘to, at pipigilan natin siya sa lalong madaling panahon. “

Pinisil niya ng bahagya ang kamay ko.

Pinapatakbo ni tatay ang aming lokal na simbahan. Dahil dito, sa pakiramdam ko’y mahina rin ang kakayahan niyang kalabanin si Kaden.

Ang kinakatakutan namin ay isang alpha ng isang lupon na kilalang-kilala sa kanilang kawalan ng awa.

Matapos ang Dakilang Digmaan na naging dulot ng paghihiwa-hiwalay ng mga lupon sa buong lupa, pinagtibay ang mga bagong anyo ng lipunan at mga kowd ng moralidad.

Pinangalanan ayon sa aming pangunahing paniniwala, ang bawat lupon ay dapat magpanatili ng kapayapaan sa mga kalapit nito, at ang sistema ay napatunayang matagumpay sa loob ng maraming siglo.

Gayunpaman, sa lahat ng mga lupong itinatag batay sa pagkamakatarungan at pagkakapantay-pantay, isang lupon lang ang kailangan para sirain ang katahimikan ng lahat.

Iyon ang Vengeance Pack.

“Magiging maayos din ang lahat,” siniguro ko sa kanya. “Aayusin ni Alpha Rylan ang mga bagay sa huli.”

Napangiti ang aking ama. Si Rylan lang ang inaasahan namin para mawakasan ang paghihirap na ito. Kung hindi niya magawa ito, wala na kaming maipanlalaban.

Nais ko nang magpahinga at nagpasya akong dumiretso na sa kama.

Pagpasok ko sa silid, tinamaan ako ng lamig. Hindi dapat ganito kaginaw.

Binuksan ko ang ilaw at hinanap ang pinagmumulan ng lamig.

Maliit ang silid, may isang simpleng aparador, mesa, at kama. Walang gamit na masyadong marangya o labis-labis.

Malinaw ang pinagmumulan ng lamig. Bukas na bukas ang aking bintana. Kahit kaila’y hindi ko ito binuksan ng ganyan kalawak

Mapapalo ako ng aking ina kung nakita niya na hindi nakasara ang kurtina ‘ko sa gabi.

Tiyak na mapaparusahan ako kung nalaman niya.

Kahit noong bata pa ako, sinusundo na niya ako galing sa eskwela pagkatapos kong makipaglaro sa aking mga kaibigan hanggang sa lumubog ang araw.

Dahan-dahan, lumapit ako sa bintana.

Naririnig ko ang tagiktik ng malakas na ulan sa kalsada sa labas.

May bagyong palakas nang palakas, kasabay ng dagundong ng kulog mula sa malayo.Kung mas mabilis kong maisasara ang bintana, mas mabuti.

Mabilis kong isinara ang bintana at bumalik sa aking silid.

Biglang tumama ang mga patak ng ulan sa bintana, kaya't napatalon ako sa pagkagulat. Talagang ayoko sa kulog at kidlat …

Kailangan ko lang huminahon at matulog, sabiko sa sarili ko habang hinihila ang mga kurtina para isara. Hinayaan kong maapektuhan ako ng nangyari kay Milly..

Hinila ko ang buhok kong nakatali at pumasok sa banyo. Siguro kailangan ko lang na iligo itong pagkabalisa ko.

Pinalitan ko ang settings ng tubig sa shower ng at piniling maligo sa mainit na mainit na tubig, pagkatapos ay nagtanggal ng aking mga damit.

Sa paghakbang ko sa ilalim ng showerhead, para ba akong nasa ibang mundo — isang mundo kung saan hindi ko kailangang makinig sa mga patakaran ng ibang tao sa lahat ng oras.

Kung saan hindi idinidikta ng aking mga magulang ang bawat desisyon na gagawin ko.

Itinuon ko ang aking ulo sa malamig na pader.

“Siguro nakalaan ako para sa Freedom Pack,” bumulong ako sa sarili. “Isang lupon kung saan magagawa ko ang anumang nais ko.”

Iniisip ko lamang kung gaano ako kawalang saysay pakinggan nang may aninong biglang tumakbo sa harapan ko. .

Bigla kong inalis ang ulo ko sa pagkatuon sa pagkagulat. Sumilip ako sa labas at maingat na tumingin sa paligid.

Katahimikan.

Mas lalo akong nagmukhang katawa-tawa ngayon.

Lumabas ako ng shower at pinatay ang tubig pagkatapos.

Habang binabalot ko ng twalya ang aking katawan, sinikap kong tanggalin ang lahat ng mga paranoyd kong na pinag-iisip.

Kathang-isip at imahinasyon ko lang iyon. Alam ng lahat na malawak ang aking imahinasyon, .

At hindi si Kaden ang karaniwang nakakaimpluwensya sa aking imahinasyon.

Lubos kong nalalaman ang pagbabanta na ibinibigay niya sa akin at sa aking pamilya, ngunit hindi ko magawa na matakot sa kanya sa normal na mga kondisyon.

Ngunit ngayong gabi, nang walang dahilan, nililito ako ng nanlalamig kong takot.

Nang suot lang ang twalya, tumayo ako sa harap ng salamin at sinuri ang sarili.

Katulad ako ng bawat iba pang miyembro ng Purity Pack.

Ang aking buhok ay mukhang kayumanggi kapag basa, ngunit ito ay talagang. halos kulay ginto.

Ang aking mga bughaw na mata ay hindi kasingningning ng sa karamihan.

Ang aking balat ay maputla, at ang aking mga pisngi ay halos walang anumang kulay.

Ito siguro ang mga dahilan kung bakit walang binatang nagnanais akong ligawan. Palaging may mas hihigit na pagpipilian.

Mahal ko pa rin naman ang aking sarili.. Wala naman akong magagawa.

Dumagundong nang bigla ang kulag at napasigaw ako sa takot.

Nagpasalamat ako sa Diyosang Buwan na naharangan ng kurtina ang buong liwanag ng kidlat.

Nagpatuyo ako at bumalik sa aking silid, kung saan mabilis akong nagpalit ng damit.

Pagkatapos ay pinatay ko ang mga ilaw at dumiretso sa kama at nagbalot ng kumot.

Nais ko lamang itulog ang bagyong ito at magising bukas nang walang Kaden na bumubulabog sa aking isipan..

Ngunit kahit anong subok kong maging komportable, hindi siya mawala sa aking isipan.

Kahit nakapikit ay punong puno ng mga kakatwang anino ang aking paningin.

Halos makatulog na ako sa tunog ng pagtama ng ulan sa aking bintana nang maramdaman kong may isang kamay na nagtakip sa aking bibig.

Hindi ako tinuruan kung paano ipagtanggol ang sarili, kaya’t hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.

Sinubukan kong lumaban ngunit naramdaman kong naipaloob ako sa isang mahigpit at hindi pamilyar na yakap.

Nagpupumiglas ako hangga't makakaya ko habang sumisigaw, kahit na ang tunog ay napahina ng kamay na nakatakip sa aking bibig.

Sumisipa ako habang hinihila ako mula sa kama. May nagpapataw ng presyon sa aking leeg, at sa ilang saglit akala ko’y mamamatay na ako.

Ngunit hindi ako mamamatay nang walang laban!

Ang aking mga binti na lang ang natitira kong panlaban.

Nagwala ako at sinubukang kumonekta sa mga binti ng dumadakip ngunit wala akong matamaan kundi ang hangin.

“Tahan na. Malapit nang matapos ang lahat.”

Ang marahang boses ng lalaking iyon ang huling naririnig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

MARA

Unti-unti na akong nagkakamalay, at bumukas na ang aking mga mata.

Gayunpaman, madilim ang aking kapaligiran kaya’t ako’y muli na namang nabalisa ng isang saglit.

Tumagos ang sakit papunta sa likod ng aking ulo, at ang paningin ko’y tila hiniwa ng maliliwanag na mga kulay.

Nasaan ako?

Ramdam kong nakatali ako sa kung anuman, at mahigpit ang pagkakatali nito kaya’t parang halos mapunit ang balat sa aking kamay. Huminga ako ng malalim, at sinubukang kumalma at mag-isip.

Halos himatayin ako sa sakit na nararamdaman ko, ngunit walang mapapala kung iyon na lamang ang bibigyang tuon ko.

Nakidnap ako, iyan lang ang alam ko.

Kung sino at bakit, hindi ko pa mapagtanto.

Mayroon akong ideya kung sino, pero ayaw kong harapin ang iyon..

Kung ako ay nakidnap …niya… kakila-kilabot pagnilayan.

Lahat ng aking mga pinaka-kinakatakutan ay ngayon nang nasa totoong buhay, at tila wala akong magagawa para mapigilan ito.

Kahit na madilim, alam kong nakaupo ako sa isang upuan sa isang malamig na silid.

Sinusubukan kong ituon ang pansin sa aking paligid, pero ang aking lobo ay hindi mapakali.

Nararamdaman kong may nanonood sa akin.

Hinila ko ulit nang mas malakas ang tali sa kamay ko, ngunit wala itong pag-asa.

Mahigpit ang pagkakagapos sa akin at, kahit ang aking mga paa’y a nakatali sa mga binti ng upuan. Hindi ako makakawala, kaya’t dapat akong maghintay.

Siguro kung mananatili akong kalmado, makakahanap ako ng isang paraan upang makaalis dito.

Maya-maya’y nakarinig ako ng mga yabag. Huminto ako sa paggalaw, at kinabahan. Mayroon akong kasama sa silid na ito. Ngayon mismo. Kinumpirma ito ng mga yapak.

Hindi ako nagpumiglas. Nanatili lamang akong tahimik.

Nakinig akong mabuti sa mga yapak at sinubukang sukatin kung saan nagmumula ang tunog at kung nasaan ang tao sa silid.

Kung sino man yun, malapit sila sa akin. Nararamdaman ko ito, at naririnig.

Huminga ako ng malalim at pumikit.

Naisip kong magsalita, ngunit alam kong hindi naman ito makakatulong.

Kung sino man ang kumidnap sa akin ay may dahilan para dito… Kailangan ko lang alamin kung ano ang dahilan na iyon.

Sa tingin ko’y may talino naman ako. Sa lupon namin, ako iyong laging nag-iisip bago gumawa. .

Pero ngayon, ang kaya ko lang gawin ay ang mag-alala kung ano ang magbibigay sa akin ng kalayaan.

Isang mabigat na katahimikan ang pumuno sa silid.

Ang mga yabag ay tumigil, at nararamdaman kong nagsisimulang muling bumilis ang tibok ng aking puso.

Nakakapanghina ang mapaglaruan ang aking pandama ng ganito.

Kakila-kilabot ang pagkidnap sa akin mula mismo sa kwarto ko, ngunit ang kaalamang may isang tao rito, pinapanood ako, at hindi ko sila makita …lubos na kasuka-suka.

Nakaramdam ako ng sobrang takot at pag-iisa; ang nakakasakal na katahimikan ay nagpabigat sa aking mga balikat.

“Ikandado ang inyong mga pinto,” isang malambing na boses ang bumulong sa aking kaliwang tainga.

Napatalon ako. Lumingon ako para makita kung sino ang nasa likuran ‘ko, pero kadiliman lamang ang aking nakikita.

Nakakagulat na hindi pamilyar ang boses.

“Shut them tight,” muling bulong ng boses, sa aking kanan namang tainga.

Lalaki ang nagmamay-ari ng boses. Ito ay malambot at mababa, hindi katulad ng kahit anong narinig ko na dati .

Kung sino man ang kidnapper na ito, hindi ko siya kilala, hindi sa personal.

“Tuwing gabi,” ang boses ay nagpatuloy, sa oras na ito sa harap mismo ng aking mukha. “Isara mo ang bintana mo.”

Nagpumiglas ako at sinubukang makaalpas, habang mahigpit na ipinipikit ang mga mata.

Nilamon ng takot ang aking buong katawan. Nawala ang kapasidad kong mag-isip nang may katwiran, at walang ibang naiwan kundi ang pagnanasang makatakas.

Isang daliri ang dumapo at humaplos sa aking pisngi.

Ito’y banayad sa pakiramdam, pero may inilalapat na presyon. Maikukumpara ito sa haplos ng isang makintab na guwantes na gawa sa katad.

“Huwag kang lumabas, kung sakaling nandyan siya,” nagpatuloy ang boses, na ngayo’y galing sa mas malayo.

Gusto kong sumigaw sa takot. Gusto kong magwala. Gusto kong tumakbo.

Pero sa takot ko’y hindi ako makakibo. Hindi ako makagalaw. Kahit na ako’y nakatayo at walang gapos, hindi pa rin ako makakagalaw.

Papalapit ang mga yabag hanggang sa tumigil sila sa mismong harap ko.

Ang aking tiyan ay bumulusok pababa sa mga talampakan ng aking mga paa.

Ang lalaking ito, kung sino man siya, ay kayang patayin ako sa isang iglap lamang. Maaari niya akong patayin at wala akong magawa upang pigilan siya.

“Palaging mabuhay sa buong takot.”

Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko. Hindi maikakaila na malapit siya sa akin.

Bigla, sa kabila ng aking takot, napagtanto ko kung ano ang kanyang binibigkas.

Ang malambot, nakakatakot, at malambing na boses na ito’y binibigkas ang eksaktong tula na itinatak sa aking ulo ng aking mga magulang at guro sa mga nakaraang taon.

“Kahit ito’y nangangahulugan ng pagsakripisyo sa iyong mate,” ang mahinay niyang sabi mula naman sa likuran ko.

Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg, pinapalamig ang nanginginig ko ng balat.

Pagkatapos ay napansin kong ang mga gapos sa aking mga bisig ay pinuputol.

Natigilan ako at hindi malaman kung paano aasal.

“Huwag hayaang i-seal ng Alpha Kaden ang iyong tadhana…”

Yumuko ako. Nagpupumilit na kalasin ng aking nagpapawis na mga kamay ang gapos sa aking mga binti.

Ang tanging hangad ko lamang ay agad na makalaya dito, palayo sa kung sinuman ang nasa silid na ito na pinaglalaruan ako.

Siguradong naaaliw siyang makita ako na nagpupunyagi para mabuhay, ngunit hindi ko siya bibigyan ng mas higit pang kasiyahan.

Nang makalas ang parehong buhol, tumalon ako at sinubukang lumayo. Ang aking mga kamay ay nakaunat kung sakaling ako’y tumama sa isang pader.

Wala pa rin akong makitang kahit ano, pero natatakot akong kapag hindi ako kumilos nang mabilis, ito na ang magiging katapusan ng istorya ko.

Maya-maya pa’y nakahanap ako ng pader.

Makinis at komportable ang pakiramdam ng wallpaper sa ilalim ng aking mga kamay kung ihahambing sa malamig at matigas na kongkreto sa ilalim ng aking mga paa.

Itinuon ko ang aking noo dito, habang sinusubukang magpokus at obserbahan ang kapaligiran..

“Hindi ka makakatakas mula sa isang bagay na hindi mo nakikita,” sabi ng boses ng lalaki mula sa likuran ko.

Sa oras na ito, sumigaw ako. Isang malakas, matinis na hiyaw habang pinapaikot-ikot ang aking mga kamay ngunit wala akong masunggaban. .

Nababaliw na ba ako?

Nadapa ako papuntang kanan, ngunit pinatiling nakatuon ang aking kamay sa pader.

Kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas mula dito. Ang tawa na nagmumula sa kabilang dulo ng silid ay nagbibigay sakin ng sakit ng ulo.

“Isang laro ba ‘to?” Sigaw ko.

Hindi ako sigurado kung makikita pa ako ng aking kidnapper.

Alam kong oo,dahilan ko, kung alam niya kung nasaan ako sa lahat ng oras.

Siyempre, ito’y isang laro — isang brutal at walang awang laro na pinapangunahan ng isang brutal at walang awang tao.

Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa makapa ko ang makinis na salamin ng bintana.

Napuno akong muli ng pag-asa, pero kailangan kong mag-isip.

Hindi ako bastang papayagan ng dumakip sa akin na makatakas nang ganito kadali lang. Marahil ay may isang patibong.

Pero wala akong ibang magagawa kundi ang sumugal. Iyon na lamang ang paraan.

Hinampas ko ang salamin sa bintana, ngunit hindi ito nasisira. Bumabaluktot lang ito nang bumabaluktot kahit ilang tama.

Napaluhod ako. “Bakit ako nandito?” Tanong ko sa hangin.

Paglabas ng mga salita sa aking bibig, kumislap ang ilaw at halos mabulag ako sa biglang pagdagsa ng liwanag.

Tinakpan ko ang aking mga mata hanggang masanay ulit sa liwanag ang mga ito. Napakatagal kong nasa dilim.

Matapos kong kumurap ng ilang beses, sinimulan ko nang maaninag kung ano ang nasa paligid ko.

Ang silid na aking kinalalagyan ay mas malaki kaysa sa inaasahan. Ang upuan na tinakasan ko kailan lang ay eksaktong nasa gitna.

At sa upuang iyon ay ang isang lalaki.

Hindi ko siya masyadong makita. Nakasuot siya ng isang uri ng hood na nagtatakip sa kanyang mukha.

Ang natitirang mga damit niya ay itim na katad, ngunit nakikita ko pa rin na isa siyang malaking lalaki at mukhang malakas ang katawan.

Nakakawala ng lakas ng loob na makita ang kumidnap sakin sa kauna-unahang pagkakataon. Manginig-nginig ako sa takot ngunit parang may nagtutulak din saking sugurin siya’t atakihin.

Komportable ang kanyang upo, habang pinapaikot-ikot ang isang piraso ng lubid sa kanyang nakaguwantes na kamay.

Sa palagay ko’y yun ang lubid na ginamit upang mapanatili akong nakatali sa upuan.

“Gusto mong malaman kung bakit ako kumuha ng mga batang babae mula lamang sa Purity Pack?” tanong niya.

Malambing at makinis ang kanyang tinig, ngunit malinaw ang bawat salita. Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagtanong rin ako pabalik .

“Ikaw ba si Alpha Kaden?”

“Mayroon akong reputasyon,” halakhak niya. “Ngunit matalino kang babae. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ko tinatarget ang mga batang babae ng Purity Pack? “

Wala akong oras upang mag-isip ng matalinong tugon, kaya't lumabas na lang sa bibig ko ang unang bagay na pumasok sa isip.

“Dahil duwag ka.”

Naaliw siya sa sagot ko’t naglabas ng marahang tawa. Pagkatapos ay kaswal niyang ipinatong ang tali sa kanyang balikat at tumayo.

Kakaba-kaba ko siyang pinanood habang papalapit siya. Napakarahan ng kanyang mga hakbang at tila siya’y lumulutang. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pader at wala nang iaatras pa.

“Wala itong kinalaman sa pagiging duwag. At bago ka magtanong, hindi ito ganti sa iyong alpha. Siya’y isang kaaya-ayang tao,” sabi niya sa akin.

Malapit na siya sa akin ngayon at nakakiling pababa ang kanyang ulo para ako’y tingnan, ngunit hindi ko pa rin maaninag ang kanyang mukha.

Itiniklop niya ang kanyang mga kamay sa harapan.

“Ayoko ng kaaya-aya.” Lumuhod siya sa harap ko upang kami’y maging magkasintaas, at napahinto ang aking paghinga.

Ayaw na ayaw kong malapit siya sa akin.

At ayokong wala akong lakas ng loob na lumaban at saktan siya.

“Kinikidnap ko ang mga batang babae mula sa Purity Pack dahil mahina sila, nakakaawa, at naniniwala sa kalokohang may nilalang na nabubuhay sa kalangitan,” sinabi niya sa akin.

Kaya pala. Wala naman akong inasahang mabuti sa kanya. Mas lalong nanlisik ang mga mata ko sa kanya sa kabila ng aking takot.

“Nakakaaliw,” tugon niya habang tumatawa.

Gusto ko siyang sampalin dahil sa mga sinabi niya, pero hindi ko naman sigurado kung talagang may mukha siya. At iyon ang pinaka-nakakatakot para sa akin.

“Ano na ngayon … Alipin mo na ba ako ngayon? O ibebenta mo ‘ko sa iba mo pang mga desperadong miyembro? ” Galit na tanong ko.

Hindi ko kailanman ginustong manakit ng isang tao tulad ng gusto kong saktan ang lalaking ito.

Paano niya ito nagawa sa akin? O sa sinumang tao?

Ninakaw niya ang buhay ko bago pa ako magkaroon ng pagkakataong tamasahin ito.

“Hindi mangyayari sa iyo ang nangyari sa kanila. Maipapangako kong hindi mo man lamang makikita ang mga miyembro ko katulad nila. May iba akong balak para sayo.”

Dahan-dahan niyang sinabi ito, na parang may magagawa ako tungkol sa bagay na ito.

“Kanina pa kita pinapanood, “ sabi niya. “Alam kong madalas ay wala kang takot sakin.” Pinagkawit niya ang kanyang mga kamay. “Pero ngayon, baka takot ka na….”

Nagpasya akong gumawa ng aksyon. Sinugod ko siya at sinubukang saktan sa kahit anong paraan.

Pero sinunggaban niya lang ako bago ako may magawa pa.

Nakipag-ugnay ang aking balat sa kanyang suot na katad ng ilang segundo habang hinahawakan niya ako sa mga braso. Pagkatapos ay ihinagis niya ako nang walang kahirap-hirap palayo sa kanya na parang ako’y basura .

Tumalsik ako sa sahig at napapulupot sa sakit. .

“Matapang ka,” walang sigla ngunit mapanuya niyang sinabi. “Sigurado ka bang galing ka sa Purity Pack?”

Nanatili akong nakayuko sa lupa, habang inaasikaso ang aking mga sugat.

“Ang kailangan mong maunawaan,” matiyagang sinabi niya sa akin, “ay ako ay isang alpha, at ikaw ang aking laruan. Hindi ako iyo. “

Nagtatakda ba siya ng mga patakaran? Binabalaan ba ako na huwag na iyong subukan ulit?

Kung hindi ako lubos na nakadepende sa kanyang awa, susubukan ko ulit siyang labanan para ipakita sa kanya kung ano ang saloobin ko tungkol sa mga patakaran at babala niya.

Pero pwede ko pa namang gamitin ang boses ko bilang panlaban.

“Hinding-hindi ako magiging alipin mo,” galit kong winika.

Tumawa siya.

Tumawa si Kaden … Nasa presensya ako ng pinaka-nakakamatay na alpha sa buong mundo.

Hindi pa siya nagpapakita ng awa sa kahit kanino, kaya bakit siya magpapakita ng awa sa akin?

“Mas interesting pa ang iyong magiging kapalaran kaysa sa isang alipin,” bulong niya.

Lumapit siyang muli sa akin at inilahad ang kanyang kamay.

Ayokong kunin ito, pero alam kong kung hindi ko gagawin ay maaaring gawan niya ‘ko ng masama.

Hinayaan kong hilahin niya ako patayo.

Higit sa isang braso ang tangkad niya sa akin, ngunit hindi ko pa rin makita ang nasa ilalim ng kanyang hood.

Anino at kadiliman lamang ang natatanaw ko at ang tanging gusto ko’y sindihan ng ilaw ang dilim na ito.

“Gusto kong makilala mo ang isang espesyal na tao,” sabi niya.

Pinalakpak niya ang kanyang mga kamay, at umatras ako habang nagbubukas ang mga pinto sa dulo ng kwarto.

Kung sa direksyong iyon pala ako dumiretso kaninang madilim pa, malamang nahanap ko ang mga pintuang iyo at nakatakas. Kung anuman ang nasa kabila ng pintuang iyon ay mas mabuti kaysa dito.

Pumasok nang may angas ang isang lalaking mukhang mas bata.

Mayroon siyang dose-dosenang mga galos at gasgas sa kanyang mga bisig, at ilan sa kanyang mukha.

Kapag tiningnan ang disenyo at ang bilang ng mga kuko, walang dudang galing ang mga iyon sa isa pang lobo.

Isang tinging laman sa kanya ay malinaw na siya’y isa pang miyembro ng Vengeance Pack.

Masasabi ko sa masamang tingin sa kanyang malagim na mga mata na hindi ako makakakuha ng tulong o pakikiramay sa kanya.

Mukha siyang binugbog o nahulog mula sa isang napakataas na lugar. Papilay-pilay pa siya kung maglakad.

“Mara, nais kong makilala mo ang aking kapatid na si Kace. “

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.