logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Ang Labanan Ng Mga Lobo

Matapos ang ‘Labanan ng mga Lobo,’ nagpasya ang mga lobo at ang sangkatauhan sa isang pansamantalang kasunduan–ang mamuhay nang tahimik at hiwalay sa isa’t isa. Kinuha ng mga Lobo ang kagubatan at kapatagan, at kinuha naman ng sangkatauhan ang mga lungsod at bayan. Ang sangkatauhan ay muli pang nahati sa mga Salat at mga Nakatataas. Dahil sa unti-unting pagkawala ng makakain, nagkaroon ng taggutom para sa mga Salat na kapos sa buhay. Paano na kung ang isang labindalawang taong gulang na Salat na si Ellie ay napadpad sa teritoryo ng mga Lobo dahil sa desperasyong makahanap ng makakain? Talaga bang katakot-takot na mga nilalang ang mga Lobo gaya sa mga kwento o itinago lamang ng mga Nakatataas ang katotohanan?

Rating ng Edad: 18+

 

Ang Labanan Ng Mga Lobo – Michelle Torlot

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Mula sa may-akda ng Choose Me o Lose Me.

Matapos ang 'Labanan ng mga Lobo,' nagpasya ang mga lobo at ang sangkatauhan sa isang pansamantalang kasunduan–ang mamuhay nang tahimik at hiwalay sa isa't isa. Kinuha ng mga Lobo ang kagubatan at kapatagan, at kinuha naman ng sangkatauhan ang mga lungsod at bayan. Ang sangkatauhan ay muli pang nahati sa mga Salat at mga Nakatataas. Dahil sa unti-unting pagkawala ng makakain, nagkaroon ng taggutom para sa mga Salat na kapos sa buhay.

Paano na kung ang isang labindalawang taong gulang na Salat na si Ellie ay napadpad sa teritoryo ng mga Lobo dahil sa desperasyong makahanap ng makakain? Talaga bang katakot-takot na mga nilalang ang mga Lobo gaya sa mga kwento o itinago lamang ng mga Nakatataas ang katotohanan?

Rating ng Edad: 18+

(Babala sa Nilalaman: Panggagahasa at karahasan)

Orihinal na May-akda: Michelle Torlot

Ellie

Nakadungaw mula sa pinaguuupuang puno, kitang-kita ko ang araw na palubog pa lamang. Hindi pa tuluyang lumisan at nasa may gitna pa lamang ng kalangitan, kaya natatanaw pa rin ang magandang kislap at liwanag nitong binababalot ang mundo.

“Hoy, ano ‘yang ginagawa mo, Ell?”

Napatingala ako at nakita ko ang aking kapatid na si Jackson na nakatayo naman sa aking harapan.

“Malapit ka, Ell. Ang lapit mo na sa hatian. Alam mo ang kautusan,” pagbababala ni kuya.

Napaikot na lang ang aking mga mata at napailing sa kanyang mga sinabi.

“Ngayon pa lang, Ell, huwag na huwag mong subukang mag-isip ng kahit anong paglagpas o paglapit sa hatian. Ultimo pag-iisip lamang nito ay kaparu-parusa na. Mag-isip-isip ka at magiging kalahati na lamang ang ating rasyong pangkain,” pananakot ni kuya.

Napairap ako sa inis, “yung kalahati ng kakarampot ay kakarampot pa rin, kuya.”

Tinapik ni kuya ang balikat ko.

“Oh heto, alam kong gutom ka na,” sinabi niya.

Pagtingin ko sa kamay niya, bumuka ang bibig ko sa gulat. May hawak si Jackson na pagkain. Hindi ko pa ito natitikman kailanman, at mas lalong hindi pa ako nakakita ng ganitong uri ng pagkain.

“A… Ano yan? Saan mo nakuha ‘to? ” Sumitsit ako, habang tinitingnan ang balot sa kanyang kamay.

Hinati niya ito sa gitna at inabot sa akin ang isang kalahati, at kinain niya ang natira.

“Tso-ko-late ang tawag dito,” sabi niya, “at kung ‘di mo alam, hindi ka pwedeng makisali sa gulo.”

Mabilis kong sinimulan itong kainin at ninamnam ang matamis na lasa. Ang sarap nito ah!

Natawa ako sa kanyang sinabi, “pero pinagsasabihan mo ‘ko dahil lang tumitingin ako sa hatian.”

Umiling si Jackson.

“Iba ‘yon, ‘pag nahanap ka ng mga guwardyang ginagawa ‘yon, babarilin ka nila ng walang tanong-tanong.

“At kung mahanap ka man nila…” sabay turo naman siya sa kagiliran, “ay, ang Diyos na lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa ‘yo … kung ang mga sinasabi ay totoo,” dagdag pa niya.

Umiling ako, at isinara na lamang ang aking bibig.

“Marami silang pagkain na hindi na nila alam ano ang gagawin dito, at tayo… wala tayong makain. Mas maganda pa ang buhay at mas nakakakain pa ang mga alagang hayop nila kumpara sa atin.”

Pinilit kong pigilin ang luha na nagbabantang bumagsak. Buti na lang at hindi nakita ni Jackson ang aking pagkabalisa.

Tumawa si Jackson, “hayop sila Ell.”

Umirap ako sa kanyang sinabi habang nginunguya ko ang natitirang pagkain. Para paring walang laman ang aking tiyan, pero nakatulong kahit papaano ang tsokolate.

Ipinatong ni kuya ang kamay niya sa aking balikat.

“Tara! Bumalik na tayo habang hindi pa tayo hinahanap. Kailangan mong makabawi sa tulog at alisin mo yang walang kabuluhang ideya sa utak mo ha.”

Tumayo ako at pumayag na bumalik sa work camp.

Kailangan kasi gising na kami nang madaling araw, at kinakalas ang mga tirang gusali o kalat sa bayan na pinakamalapit sa hati. Pagkatapos, ang buldoser na muna ang magtutuloy sa trabaho. At tsaka namin pipiliin ang mga bato bago nila arahin at itanim ito.

Hindi ito lupang pansaka. Ang lupang ito ang natira sa isang matandang bayan na masyadong malapit sa hatian upang tahanan ng mga tao. Bukod pa, kakaunti ang pagkain dito.

Kung may pagkakataong makapagtanim sila ng anumang pagkain, kailangan nila itong kunin.

Ganito ang buong buhay ko, at pati na rin sa aking mga magulang noong nabubuhay pa sila. Matapos ang giyera, nakuha ng mga tao ang mga lungsod at bayan at nakuha naman ng mga lobo ang kagubatan at kapatagan.

Kailangan mo lamang tingnan ang lagpas ng hatian upang makita ang mga hayop at baka, mga lagwerta ng prutas at bukirin na puno ng mga pananim.

Maayos ang pamumuhay sa mga bayan, ngunit hindi ka maaaring makapagtanim ng makakain dito. Ang mga lugar lamang na pwedeng taniman ay ang mga parke na artipisyal na ginawa ng mga tao. Ginamit ang mga parke para sa pagtatanim. Ngunit hindi pa rin ito sapat.

Ang tanging dahilan lamang kaya kami nakaligtas ng aking kapatid nang mamatay ang aming mga magulang ay dahil sa mga work camps.

Nagtrabaho ka nang labindalawang oras? Makakakuha ka ng isang pagkain–kung matatawag pa nga ba ‘tong pagkain. Ang benepisyo ng trabaho ay gulay na nilaga lamang na mas maraming pang tubig kaysa sa gulay, at isang kama.

Kapag nahuli kang nagnakaw ng pagkain, masesentensyahan ka agad ng kamatayan. Ang pagtawid sa hatian ay pareho lang din. Kung hindi ka papatayin ng mga Lobo, papatayin ka naman ng mga guwardiya.

Para bang impyerno ang buhay ng mga tao. Kailangang katumbas ng pasakit at peligro ang mga makukuha kapag tumawid sa hatian, magnakaw ng ilang pagkain at bumalik sa bayan.

Kung hindi kami nakakita ng paraan upang makakuha ng maraming pagkain, mamamatay ang sangkatauhan sa gutom.

Nakakuha kami ng ilang nanghihinalang mga tingin mula sa mga guwardiya habang pabalik sa kampo. Napatahimik na lang kami. Nang makabalik kami sa blockhouse, tumungo kami sa aming mga higaan.

Karamihan sa mga pamilya ay magkakasamang natutulog. Kung ikaw ay mag-isa lamang, pwede kang mapasama sa mga lalaki o mga babae, depende sa iyong kasarian. Masuwerte kami ng aking kapatid, at kaagapay namin ang isa’t isa.

Humiga ako at umupo si Jackson sa paanan ng kama. Parati niya ‘yong ginagawa, hanggang sa makatulog ako.

“Sa tingin mo, alam kaya nila na mamamatay na tayo sa gutom?” bulong ko.

Sumimangot si Jackson, “Sino?”

Nag-alangan ako, bago ko ibinaba ang aking boses, “Yung mga lobo.”

Umiling si Jackson, at kumunot ang kanyang noo.

“’Wag mo na isipin ‘yon, Ellie. Hindi mo nga dapat pinag-uusapan sila eh.”

Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at sabay napahinga ng malalim.

Alam kong para sa ikabubuti ko lamang ang iniisip ni Kuya Jackson, ngunit hindi ko masikmurang isipin na mamamatay lamang ako sa gutom, o dahil sa sakit na hindi kayang labanan ng aking katawan dahil naman sa gutom.

Inabutan din ako ng antok, ngunit hindi nagtagal ang aking mahimbing na tulog. Ginising ako ng nagrereklamo kong kalamnam dahil sa kawalan ng kinain.

Tulog na ang lahat, maliban kay Jackson, na ikinagulat kong wala sa kanyang higaan.

Naisip ko ang tsokolateng pinaghatian namin kanina. Nagnanakaw kaya siya ng pagkain? Bakit hindi siya nag-iingat? Napadpad ang aking isipan sa hatian. Kung ako man ay magnanakaw ng makakain, kailangan ko itong gawin–ngayon na.

Maiintindihan ito ni Kuya Jackson. Mas onti ang mga nakabantay na guwardya sa gabi. Pwede akong lumagpas sa hatian at bumalik agad, saka humanap ng pagtataguan ng pagkain. Pagkatapos nito ay paghahatian namin ni kuya ang mga ito.

Kapag nasa sukdulan ka na talaga ng kahirapan, mapipilitan kang gumawa ng kahit ano para lang mabuhay. At desperado na ako ngayon. Lahat kami, sa katunayan. Unti-unti kaming pinapatay ng gutom. Hindi naman siguro lahat, pero kami ang nasa pinaka ibaba sa antas ng lipunan.

Ang pinakamababang uri ng manggagawa. Patapon lamang kami rito.

Sumampa ako sa kama, at dali-daling nagtali ng buhok. Kinuha ko ang maliit na backpack mula sa ilalim ng kama, bago gumapang palabas ng blockhouse.

Madilim ang aking suot na damit kaya mabilis akong nakatago at hindi agad makita. Nagpapasalamat ako na maitim ang kulay ng aking buhok at humalo ito sa kadiliman ng gabi. Ang buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa daan.

Matagal ko na itong pinaplano. Alam ko eksakto kung saan ang mga guwardiya nagbabantay. Palagi silang dumadaan sa parehong ruta, binabantayan ang bawat gilid at ang hatian.

Nagmasid ako habang naglalakad ang guwardiya sa kabilang dulo ng kampo at patungo sa hatian.

Nagtago ako sa mga anino hanggang sa ang bantay ay tumungo sa sunod na pwesto.

Buti na lang, walang mga bakod ang hatian at mayroon lamang nakahilerang malalaking bato. Alam ng lahat na bawal lumagpas sa linyang ito. Ngunit ngayong gabi, isasantabi ko ang batas. Ngayon, maghahanap ako ng makakain.

Ang pagtawid sa hatian ay mas madali kaysa sa inaasahan ko. Wala kasi sa isip ng mga guwardiya na may sinumang susubok na tumawid nito.

Natural lamang ito dahil maaga pa lang ay sinaksak na sa isipan ng mga kabataan na bawal itong gawin.

Ang mga patakaran, ang mga parusa, at higit sa lahat, na ang mga lobo ay mga halimaw na pinagpipiyestahan ang laman ng mga sanggol.

Lahat kami rito ay ulila. Ang mga magulang namin ay namatay sa sakit o dahil sa gutom. Ang ilan ay pinatay ng mga guwardiya, para lamang sa pagsubok na magnakaw ng kaunting pagkain para sa kanilang mga anak.

Ang magulang namin ni kuya ay namatay dahil sa sakit. Ito ang aking buhay sa loob ng apat na taon. Ako ay nagtatrabaho hanggang sa mahapo na ako sa pagod. Si Jackson naman ay mas matanda sa akin at mas malakas.

Ito ang kanyang huling taon dito, pagkatapos ay iiwan na niya ako. Ipapadala kasi si Jackson para sa pagsasanay sa pagbabantay, pwera na lang kung siya ay nag-AWOL o nawala nang bigla. Nagtataka ako kung ang kanyang gabi-gabing pagkawala ay may kinalaman doon.

Hindi namalayan ni kuya na alam kong umaalis siya gabi-gabi. Hindi ko nga lang alam kung saan siya nagpunta.

Ang lupa sa kabilang banda ng hati ay katulad ng sa amin, matigas na luwad na mahirap hukayin. Hula ko ay may halo itong kongkreto.

Lagpas isang daang yarda, ang matigas na putik ay naging matabang lupa, at makikita na ang mga halamang tumutubo. Kitang-kita ang maliliit na damo-damong lumaki sa kapatagan hanggang sa nababalot na ito ng mga luntiang damo.

Yumuko ako at dinamdam ang mga damo. Ngayon ang unang beses ko pa lamang makaramdam ng damo. Nakikita ko lamang ang mga ito sa litrato noong bata pa ao, ngunit hindi ko pa ito nadama ni naamoy. Ito ay may natatanging amoy.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa aking sarili. Palagi kaming tinuturuan ng aking ama noong nabubuhay pa siya. 'Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo' sinasabi pa niya lagi.

Ibig sabihin ay dapat tayong magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo. Sa katunayan, walang damo kung saan ako nanggaling.

Tumungo ako palalim sa teritoryo ng mga lobo. Nagtatago at nagpapakatahimik upang ‘di mahuli.

Hindi namalayan ni Jackson, ngunit nakita ko na ang mga tinatawag nilang halimaw. Sa huling gusaling kinalas namin, nakakita ako ng isang libro at isang pares ng binoculars.

Itinago ko ang binoculars sa aking dyaket, at tinitingnan ang libro. Hindi nahanap ng mga guwardiya ang binoculars, pero nabugbog naman ako di kalaunan dahil ako’y nagpahinga nang labas sa oras.

Limang minuto lamang, ngunit ang mga batas ay batas. Kung nahanap nila ang binoculars, mas malala pa ang nangyari sa akin.

Ginamit ko ang mga ito makalipas ang ilang araw, pagkatapos ng trabaho. Ang mga guwardya ay nasa ibang checkpoint, at may liwanag pa rin ang araw.

Noon ko sila nakita. Nagtatrabaho sila sa bukid. Hindi naiiba ang itsura sa amin, mas matangkad lamang, mas malaki at batak.

Bakit namin sila kinamumuhian? Talaga bang iba sila sa amin?

Doon ko napagpasyahang tumawid sa kabilang dako. Marami silang mga pagkain, habang kami ay walang-wala na. Hindi naman sila mukhang mga halimaw sa malayo.

Walang ni isang lobo ang makikita ngayong gabi. Ang sinumang may matinong isip na nilalang, lobo o tao, ay natutulog na ngayong dis oras ng gabi.

Lumapit pa ako sa kanilang teritoryo, pagkatapos ay may nakita ako sa ‘di kalayuan. Isang gusali. Para itong kamalig. Medyo malapit ito sa isang kural na naglalaman ng mga hayop.

Mabilis kong sinuri ang aking paligid at mukhang wala namang bakas ng kahit sinuman, kaya dumiretso na ako sa gusali.

Tama ako sa aking palagay na isa itong kamalig. Binuksan ko ang pinto at hinayaang pailawin ang loob ng kislap ng buwan.

Muntik na akong tumili sa aking nakita. Sinuswerte nga naman ako. Mayroong mga sako ng prutas at gulay. Pati isang kahon ng nilipasang tinapay. Kumuha ako ng isang mansanas at kinagat ito.

Hindi pa ako nakakakain ng mansanas dati, pero nakakita na ako ng litrato nito. Ang loob ay kayumanggi at malambot. Masarap sa panlasa.

Dumukot ako at pinasok sa aking backpack habang inuubos ang kinagat na mansanas. Kumuha rin ako ng tinapay. Matigas na ito at hindi na malambot pero hindi pa naman sira.

Tinikman ko ang tinapay. Hindi ito masarap gaya ng mansanas, pero mamimili pa ba ako sa lagay na ‘to?

Mukhang karot ang mga gulay. Ang ilan ay maliit, ang iba hindi na rin maganda. Kinagat ko ang isa at hindi pa naman masama ito. Nilagay ko ang ilang gulay sa aking backpack na ngayon ay punong-puno na.

Habang nilalagay ko ang backpack sa aking likuran, kumuha ako ng isa pang mansanas at tinapay, at tumungo sa pintuan.

Doon ko narinig. Isang alulong, kasunod ng isa pa.

Tumakbo ako. Sasabog na ang aking puso sa aking dibdib, at dali-dali akong bumalik sa hatian o border.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

Ellie

Tumakbo ako nang mabilis, hindi ako naglakas-loob na lumingon pa pabalik sa likuran. Hindi kaya nagiging halimaw rin ang mga normal na tao pagsapit ng gabi? O baka nagtatago ang mga halimaw at nakikitira kasama ang mga normal na tao. Bahala na at wala akong alam.

Iniisip ko kung alam kaya ng mga nagturo sa amin ng mga batas ito. Kung alam man nila, hindi nila sinabi ang lahat sa amin. Sapat lang na impormasyon para manakot sa amin. Curiosity killed the cat nga naman sabi nila. Ito na talaga ang ending ko.

Noong malapit na ako sa hatian o border, bigla akong napahinto. Naririnig ko kasi ang mga guwardiyang sumisigaw. Narinig din siguro nila ang mga alulong. Kapag bumalik ako ngayon, patay na talaga ako. Kapag nanatili naman ako rito patay pa rin ako.

Ang malakas na pagputok ng baril at ang lumalaking kirot sa aking braso ang tumulong sa aking magpasa. Hawak at iniipit ang aking braso, tumakbo ako palayo sa border. Nararamdaman ko ang aking dugong tumutulo sa aking braso.

Nagpapasalamat akong mga may hawak na baril pa lamang ang mga halimaw na nakikita ko sa ngayon hindi ang mga lobo. Bumalik ako sa teritoryo ng mga lobo dahil ito na lang ang huli kong opsyon. Kailangan ko na lang maghanap ng mapagtataguan.

Dali-dali kong tiningnan ang lugar. Lagpas sa mga taniman at kamalig ay ang kagubatan. Doon ako magtatago hanggang umaga.

Nang sigurado na akong hindi na ako maabot ng mga lilipad na bala, tiningnan ko ang aking braso. Hindi maganda ang kalagayan nito. Wala masyadong naitulong ang aking kamay upang mapigilan ang pagdanak ng dugo.

Pinunit ko ang damit na suot ko at tinali sa aking braso. Hinigpitan ko ang tali para kahit papaano ay matigil ang pagdurugo.

Nang makaabot ako sa kakahuyan, nagsisimula na akong mahilo.

Masyadong tahimik. At ang buwan na lamang ang huling nagbibigay liwanag sa lugar.

Napaupo ako sa lupa at inalis ko muna ang backpack sa aking likuran. Sumandal ako sa puno at pumikit nang saglit.

Binuksan ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng tunog ng isang maliit na sanga na naputol.

Isang lalaki ang biglang sumalubong sa harapan ko. Para siyang higante sa kanyang laki.

Tumingin siya sa backpack, tapos tumingin siya sa akin. Nanliit ang mata niya.

“Ano ang ginagawa mo dito, tao?”

Naramdaman kong nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso, biglang natuyo ang aking mga bibig.

“A … A …” nauutal kong sabi.

Humakbang siya papalapit. Tulad ng ginawa niya, tinulak ko ang sarili ko patalikod sa puno. Wala namang itong naitulong, pero wala ng paraan upang makatakbo pa ako. Hindi ko na maramdaman ang aking mga binti.

“May sugat ka,” sinabi niya.

Napatingin ako sa aking braso. Ang bendahe ay punong puno na ng dugo.

Ito na talaga. Magdudugo ako hanggang sa mamatay o di kaya papatayin ako ng lalaki o halimaw na nasa harap ko.

Siya ba ang halimaw na binalaan kaming layuan at katakutan? Sa pagtawag niya saking tao, malamang isa siyang lobo. Pero, hindi naman siya mukhang naiiba sa amin? Parehas naman ang lahat bukod sa malaki siyang nilalang.

Hindi lang siya matangkad, kung hindi maskulado rin.

Ang kanyang buhok ay makapal at magulo na hanggang balikat, at may balbas siya na parehong kulay sa kanyang buhok na nakaayos.

Tumingin na lamang ako habang nakaluhod siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking braso nang marahan at sinimulang hubarin ang pansamantalang bendaheng ginawa ko.

Sumimangot siya, at tumingin sa akin.

“Sarili mong tao ang bumaril sa iyo!” bulalas niya.

Tumango ako. Hindi ko mapigilang maluha nang nagising ako sa katotohanan na may posibilidad na hindi na ako makakabalik pa sa amin. Pupuwera na lang kung gusto ko talagang mamatay. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Ayokong tumulo ang aking mga luha.

Kailangan kong piliting maging malakas at matapang, kahit takot na takot na ako.

Kinuyom ko ang panga ko at huminga nang malalim.

Nang buksan ko ang aking mga mata, hinuhubad na ng lalaki ang kanyang pantaas.

“Baka sumakit ito ng onti, bata,” sinabi niya.

Pinunit niya ang kanyang T-shirt, at saka itinali sa aking braso.

Sinubukan kong pigilan umiyak pero hindi ko mapigilang umungol sa sakit nang itali niya nang mahigpit ang bendahe sa aking braso.

Biglang nalipat ang kanyang tingin sa aking backpack na puno ng pagkain. Sinubukan kong agawin ito, pero napakabilis niya at nakuha niya ito.

Nang buksan niya, biglang nabalot ang kanyang mukha ng pagkadiri.

“Bakit ka nagnanakaw ng bulok na pagkain?” hiningi niya.

Sumimangot ako, “mas maayos ‘to kaysa sa mayroon kami.”

Tinitigan niya ako, at umiling habang tumatayo.

“Kaya mo bang tumayo?” Tanong niya.

Tumango ako, at kumapit sa puno para makatayo. Nang nakatayo na ako, halos hindi ko na maramdaman ang aking mga binti. Ganoon ba talaga karaming dugo ang nawala sa akin?

Tiningnan niya yung backpack ko at saka tinapon. Pagkatapos ay humakbang siya papalapit sa akin. Hindi ko man lang namalayan ang mga nangyayari at binuhat niya ako at kandong kandong sa kanyang sa balakang.

“Hoy!” Sumigaw ako.

Naisipan kong hampasin siya pero naalala kong walang mabuting madudulot kung gagawin ko ‘yon.

“Kung palalakarin kita, madaling araw pa tayo makakarating doon at kailangan pang gamutin yang braso mo,” paliwanay niya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi siya mali, pero saan niya ba ako dadalhin, at higit sa lahat, ano ang mangyayari sa akin pagkatapos?

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya. Ako lang ba o parang ang init ng kanyang balat?

Ngumisi siya.

“Di hamak na mas mataas ang init ng aming katawan kumpara sa inyong mga tao. Hindi rin ba sinabi sa inyo ‘yon ng mga matatanda sa inyo, bata?”

Umiling ako, “hindi nila kayo masyado kinukwento sa amin, maliban na lang ang parte na halimaw kayo.”

Nanlisik ang kaniyang mga mata. Putek, hindi ko dapat sinabi yun. Pwede niya akong hatiin sa dalawa nang ganon-ganon na laman. Tsaka isa pa, kalaban niya nga pala ang lahi ko. Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip sa mga sinasabi ko?

Lumambot ang kanyang mga mata at nawala nang bahagya ang galit sa likod ng mga ito.

“Huwag kang mabahala, hindi namin kami nananakit ng mga bata, hindi namin iyon ugali. Siguro dapat isipin mo yan sa tuwing tinatawag niyo kaming mga halimaw” tugon niya.

Napatingin ako sa baba.

“Sorry,” sabi ko.

Tama naman siya. Binaril na nga ako ng sarili kong lahi at niligtas ako ng mga dapat ay kaaway namin. Ligtas pa naman ako–sa ngayon.

Ngumiti siya, pagkatapos ay inayos ang aking buhok.

“Ano ang iyong pangalan, bata?”

“E … Ellie po,” nauutal kong sabi.

“Aber, Ellie, humawak ka nang mahigpit at ipikit mo na lang ang mga mata mo. Tatakbo ako at baka mahilo ka sa bilis kapag nakabuka ang iyong mga mata.

“Mahirap na baka masukahan mo pa ako kung ganon.”

Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang upang ‘di ako matumba.

Ipinikit ko na lang ang aking mata. Baka ano pa ang gawin niya sa akin kapag nasukahan ko siya.

Hindi ako sigurado kung gaano siya kabilis tumakbo, pero nararamdaman ko ang simoy ng hangin sa aking mga buhok sa kanyang bilis. Parang malalagutan na ata ako ng hininga.

Sampung minuto pa lamang siyang tumatakbo nang bigla siyang napahinto.

Narinig ko siyang tumawa.

“Maaari mo nang buksan ang iyong mga mata ngayon, bata.”

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Pagbukas ng aking mga mata, napabuntong hininga ako.

Nasa ibang lugar na kami. Tumingin ako sa paligid, at hindi ko makita ang border. Sa halip, isang malaking bahay ang sumalubong sa aking harapan.

Napakalaki ng bahay, parang isang mansyon. Mayroon itong tatlong palapag. May iba pang mas maliit na mga gusaling nakapaligid, pero walang mga tao o mga lobo rito. Saka ko naalalang gabi na pala.

Habang tinitignan ko ang mukha niya, biglang kumislap ang kanyang mga mata. Iba ang totoong kulay ng kanyang mga mata. Nagulat ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Magiging halimaw kaya siya bigla?

Nawala ang kulay sa aking mukha, at pakiramdam kong parang sasabog ang aking puso sa aking dibdib.

Ilang sandali pa ay bumalik sa normal ang kanyang mga mata.

Napagtanto niya siguro ang nangyari at marahan niya akong pinakalma.

“Kalma ka lang bata, huwag matakot.”

Nakagat ko ang aking bibig sa aking takot.

“Y … Yung mga mata mo …” nauutal kong sabi.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on email

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+