logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Ang Kanyang Nerd

Maituturing man na isang nerd si Ava Darling, hindi pa rin siya makapaghintay na makaalis ng high school. Kapag sineswerte, hindi na siya pinapansin ng ibang estudyante; pero kadalasan, siya ay inaasar nila. Isang taon na lang naman. Pagkatapos ay pwede na siyang magpatuloy sa unibersidad at magsimula.

Pero nang dahil sa isang prank na ginawa kay Ava, nilapitan siya ni Hunter Black, isang bad boy, para sa isang deal. Silang dalawa ay magkaibang-magkaiba, pero kung sila’y magsasama, pwede nilang malaman ang lihim— sobrang lihim — nilang pagkakaparehas na higit pa sa iniisip nila!

Rating ng Edad: 16+

 

Ang Kanyang Nerd – Sir Ellious

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Maituturing man na isang nerd si Ava Darling, hindi pa rin siya makapaghintay na makaalis ng high school. Kapag sineswerte, hindi na siya pinapansin ng ibang estudyante; pero kadalasan, siya ay inaasar nila. Isang taon na lang naman. Pagkatapos ay pwede na siyang magpatuloy sa unibersidad at magsimula.

Pero nang dahil sa isang prank na ginawa kay Ava, nilapitan siya ni Hunter Black, isang bad boy, para sa isang deal. Silang dalawa ay magkaibang-magkaiba, pero kung sila’y magsasama, pwede nilang malaman ang lihim— sobrang lihim — nilang pagkakaparehas na higit pa sa iniisip nila!

Rating ng Edad: 16+

Orihinal na May-akda: Sir Ellious

Tandaan: Ang kuwentong ito ay orihinal na bersyon ng may-akda at walang tunog.

Ava

Nagkaroon ka na ba ng araw na ayaw mo na lang bumangon sa kama?

Oo, ngayon ay isa sa mga araw na iyon. Napadaing ako at gumulong para tingnan ang orasan ko.

Dalawang beses ko na itong pinatay. At kahit hindi man ito ang tamang desisyon, sampung minuto pa lang naman akong huli sa class. Makakahabol pa kapag nagmadali ako at nagpalipas na ng almusal. Kapag sineswerte nga naman.

Bumangon na ako at dumeretso na sa banyo na nasa tapat ng hall.

Habang ako ay nagsisipilyo, tinitignan ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas at bumalik sa kwarto ko para magbihis at maghanda para sa class.

Nagsuot ako ng pantalon na may punit sa bandang tuhod at ng maluwag na Harry Potter na damit na may Hogwarts sa tuktok nito.

Kapag sinabi kong maluwag, ang ibig kong sabihin ay doble ng laki ng petite kong katawan, pero ganoon ko nais itago ang sarili ko sa mundo.

Kinuha ko ang aking “pangit” na malaking itim na pares ng salamin, pangit dahil ito ang tawag ng mga nang-aasar sa akin sa paaralan sa salamin ko kapag napapansin nila ako, at itinali ko ang brown kong buhok nang maluwag at hinayaang lumaylay ito sa likuran ko.

Ito na ang simula ng huling taon ko sa sixth form, panibagong taon pa lang pero kinaiinisan ko na agad. Panibagong taon na maasar, magamit, at takutin.

Hindi na ako makapaghintay na makatakas dito at makaalis papunta sa isang unibersidad kung saan ako magkakaroon ng maayos na simula.

Kahit na ako ay isang nerd, hindi ko pa rin gustong gumising pagsapit pa lang ng madaling araw para matuto at mag-aral.

Kinuha ko ang bag ko na nasa paanan ng kama ko, at buti na lang ay naihanda ko na ito kagabi at pwede nang dalhin, habang ako’y bumababa papunta sa kusina para pumasok na sa paaralan.

Nakapatay ang lahat ng mga ilaw pero nakita ko ang sulat sa ref sa pamamagitan ng liwanag na sumilip mula sa blinds ng bintana.

Paglakad ko papunta sa bintana, hinila ko ang blinds nito at hinayaan kong masilaw saglit ang mga mata ko bago ito masanay sa liwanag.

Naglakad ako papunta sa ref at kinuha ang sulat.

Ako’y napabuntong-hininga habang binabasa ito.

Magdodoble muna ako ng shift sa trabaho, mayroong pagkain sa ref, ikaw na ang bahala. Mama x

Binuksan ko ang ref at nasagap ng mukha ko ang lamig na dulot nito, at kahit na medyo mainit pa dahil sa autumn na panahon, napataas pa rin ng lamig ang balahibo sa balat ko.

Napabuntong-hininga ulit ako dahil wala akong mapili. Kumuha na lang ako ng mansanas sa gilid matapos kong isara ang ref at ako'y lumabas na ng bahay dahil ayaw kong mahuli sa unang araw ng class.

Huwag kang maguguluhan, naging normal na ito sa akin simula noong ako’y nagbakasyon. Kaya’t kailangan kong ibalik ang dati kong mga gawain at nang hindi na ito maulit pa.

Kami na lang ng nanay ko ang magkasama ngayon at kinakailangan niyang umekstra sa trabaho upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Napilitan nga kaming umalis sa dati naming magandang bahay dahil hindi na namin ito kayang bayaran.

Nagtatrabaho ang nanay ko bilang isang nars pero hindi kataasan ang sahod niya, at malabo itong tumaas dahil kulang sila sa empleyado at pondo, pero masaya ang nanay ko na makapagtrabaho sa NHS dahil nakatutulong siya sa ibang tao, at kapag siya ay masaya, masaya na rin ako.

Namatay ang tatay ko sa isang aksidente. Siya’y nabangga ng isang lasing na drayber dalawang taon na ang nakalilipas. Mabilis na namatay ang tatay ko habang ang nasabing lasing na draber ay nakaalis nang may kaunti lang na gasgas at hirap sa paghinga.

Kahit na siya’y wala na, sobra ko pa rin siyang namimiss. Ako ay daddy’s girl; siya ay laging nariyan tuwing kailangan ko siya at ngayon, wala na siya.

Dalawang taon na ang nakakaraan pero ramdam ko pa rin ang sakit at ang lungkot na nananatili sa isipan ko.

Nararamdaman kong malapit nang tumulo ang mga luha ko, pero pinigilan ko dahil ayaw kong umiyak sa unang araw ng pasukan. Inalis ko na ito sa isipan ko at ako’y naglakad na patungong paaralan.

Nang makarating ako sa gate ng paaralan namin, napansin ko ang mga kotse at ang mga estudyante na nagkita-kita para magkumustahan pagkatapos ng bakasyon.

Pampubliko man nga ang paaralan namin, pero marami pa rin ang pumapasok dito na mayayaman at hindi natatakot na ipangalandakan ang mga magagara nilang sasakyan at mamahaling damit na may mga tatak na hindi pamilyar sa akin.

Naglalakad ako nang nakayuko para masiguro na walang makakapansin sa akin, at ako’y nagpatuloy at pumunta sa locker ko sa dulo ng pasilyo.

Kung di mo napapansin, ako ‘yung babaeng gustong maging invisible, yung tipong hindi mapapansin ng mga tao hanggang mangailangan sila ng tulong sa mga assignment o hindi naging maganda ang araw nila o kailangan nila ng mapapaglabasan ng sama ng loob.

Ito ang regalong binigay sa akin ng mundo at hindi naman ako tanga para hindi ito gamitin, di ba?

Ang locker ko ay nasa dulong bahagi ng pasilyo kaya’t walang nakakahalata kapag ako’y naroon, at isa itong bonus para sa akin. Habang naglalakad, napansin ko ang isang babaeng blonde ang buhok na nag-aabang sa akin. Ako’y napangiti, ito ay ang kaisa-isa kong kaibigan, si Lily.

Magpakilala na tayo, okay?

Si Lily ang matalik kong kaibigan simula pa noong bata ako, nagkakilala kami noong nalaman naming pareho kaming naiinis sa batang kung tawagin ay Jessica, at lagi kaming naghahati sa mga candy dahil ninakaw ni Jessica ang gawa namin at pinunit niya ito.

Maaaring limang taong gulang lang kami noon, pero ano naman? Ang pagkakaibigan ay pagkakaibigan hanggang dulo. Napakaganda ni Lily.

Siya ay may kulot na blonde na buhok na nakalugay sa kanyang likuran, mayroon siyang malinaw na asul na mga mata na nakakakuha ng atensyon ng karamihan.

Siya ay 5’6 na may mahahabang binti na kinaiinggitan ng mga babae. Nasa tamang lugar rin ang mga kurba ng kanyang katawan, at siya’y mayroong natural na kulay tan na balat. Kung ito'y lalahatin, siya ang tipo ng karamihan sa mga lalaki.

Nakakatuwang isipin na hindi nila ako napapansin kapag kasama ko si Lily, pero kung napanood mo na ang pelikulang The Duff, maiintindihan mo kung gaano kadaling hindi na ako pansinin.

Wala naman akong pakialam doon pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit lagi siyang sumasama sa akin. Pero nagpapasalamat pa rin ako doon.

“Hoy bitch, kamusta ang bakasyon mo?”

Napangiti ako sa pagbati niya sa akin bago ako sumagot. Mataas ang kumpiyansa niya sa sarili at hinahangaan ko siya roon.

“Kilala mo naman ako. Marami akong nagawa at naubos ko lahat ng ice cream at nanood ng maraming palabas sa Netflix.”

“Napansin ko nga na pinanood mo lahat ng Shadowhunters sa loob ng dalawang araw.”

Nginitian ko siya, pero totoo naman iyon. Paano mo naman hindi magugustuhan ang Mortal Instruments?

Ngayon, kung nagtataka ka paano ako nakakabayad sa Netflix, hindi ako ang nagbabayad. Si Lily, ang babe ko, ay hinahayaan akong gamitin ang account niya. Mayaman ang mga magulang niya. Kamangha-mangha ang pang-Italyanong restaurant na pagmamay-ari nila!

Kung susubukan mong kumain doon, maiintindihan mo ako. Ako ang kanilang personal na taga-tikim.

Nginitian ko siya habang kinukuha ko ang mga libro ko sa locker. Si Lily ay nagtetext sa kaniyang cellphone na parang baliw sa ingay niyang magtype. Ang tunog ng pagpindot ng mga kuko niya sa screen ay kahit papano’y nakakapagpakalma ng paligid sa akin.

Mahirap ngang isipin na kami ay malapit talaga sa isa’t isa dahil nanggaling kami sa magkalayong lugar.

Napabalik ako sa realidad mula sa mga iniisip ko nang paghahampasin ni Lily ang balikat ko. Umirap ako at inisip kung nasira ba ang kuko niya dahil sa pwersa ng hampas niya. Lumingon ako at nakita ko sila.

Ang tatlong Sex-gods. Ang Three Musketeers.

Natahimik ang buong pasilyo at gumilid ang mga estudyante na tulad ng red sea para magbigay daan habang pinapanood silang maglakad sa hall. Kumikislap ang mga mata ng mga babae sa pag-asang sila ay mapansin ng mga ito, habang ang mga lalaki ay tinitingnan ang tatlo nang masama dahil gusto ng mga itong maging sila.

Ako ay umirap dahil oo, sila’y hamak ngang hot, pero sila’y mga manloloko, player at fuckboys, pasensya na sa paggamit ko ng wikang Pranses. Sila ay nang-iiwan lang matapos makipagsex.

Minsan ito’y dahil kinatutuwaan nila, minsan ito’y laro o pustahan, pero kahit ano pa man, ito’y walang halaga para sa kanila.

Ang lider ng grupo nila at ang pinaka-sexy sa kanilang lahat para sa akin, ay si Hunter Black. Siya ay six footer at matikas ang pangangatawan. Hindi ‘yung sobrang laking katawan na nakakadiri na. Ito 'yung katawan na karaniwan mong makikita sa mga modelo at mga gwapo.

Ang buhok niya ay dark brown na halos itim na mismo at ang mga mata niya ay kakulay ng isang kagubatan. Nakakasilaw na emerald green. Siya ang tunay na Sex-god.

Siya ay pinapangarap at tulo-laway ang karamihan sa kanya pero ang hindi maganda ay nakipagsex na siya sa halos lahat ng babae sa paaralan namin. Hindi kasi siya sumasama ulit sa isang babae sa pangalawang beses.

Maliban sa bitch na si Jessica na palagi niyang binabalikan at gusto naman ni Jessica ang atensyon na nakukuha niya rito, dahil ang pinakasikat at pinaka-sexy na lalaki sa aming school ay may gusto sa kanya. At lahat ng lalaki ay may gusto sa kanya.

At nandoon ang matalik na kaibigan ni Hunter, si Liam Thorn. Siya rin ay six-footer, mayroong blonde na buhok at asul na mga mata at siya rin ay hot.

Isa siyang swimmer na may magandang katawan pero para sa akin ay hindi naman siya kasing-hot at kasing-fuckboy ni Hunter. Kilala siya sa pagkakaroon ng girlfriend paminsan-minsan na para sa akin ay nakakatuwa at tingin ko ay matututo ang iba sa kanya.

At ang huli ay si Daclan Reed, na mayroong itim na buhok at may taas na medyo mas mataas pa kaysa sa six footer. Mayroon din siyang asul na mga mata.

Kilala si Declan hindi lang sa pagiging isang fuckboy pero sa pagiging isang palabiro rin at ito’y nakapagtataka dahil sa una ay hindi mo iisipin na siya pala’y nakakatawa. Tuwing nakikita ko siya, kadalasan ay parang iisa lang ang pinapakita niyang emosyon at iyon ay ang pagiging sobrang masungit sa ibang tao.

Hindi pa siya katagalang nakakasama nila Hunter at Liam, siguro’y nasa loob pa lang ng tatlo hanggang apat na taon, pero ang itsura niya’y nababagay lang sa kanila at siya’y tapat sa mga kaibigan niya.

Oh, at nabanggit ko na bang ang mga lalaking ito’y mayayaman? Na sa sobrang yaman ay kaya na nilang bilhin ang school namin kung gugustuhin nila at kung walang makakapigil sa kanila.

Sila’y iginagalang ng lahat, mga guro, mga mag-aaral, at sigurado akong maski ang ilang mga magulang ay kinatatakutan sila at handang gawin ang kahit na anong hilingin nila.

Mayroong mga kumakalat na balita kung saan sila ay nadadawit sa mga hindi magagandang bagay tulad ng gang at mga droga, pero ang mga pulis ay natatakot din na aksyunan ito at gamit ang pera nila, ay sigurado akong kaya nilang bayaran na lang ito.

Wala talagang nakakaalam kung ito nga ay totoo o hindi, pero wala namang naglakas ng loob na magtanong.

Kaya ayan, kumbaga ay napapatakbo na nilang tatlo ang school namin at wala namang kumekwestyon sa kanila.

Tumalikod ako sa kanila at yumuko. Ayaw kong nakikita nila ako, ayaw ko ng atensyon, o baka ayaw ko lang ng magiging epekto sa akin ng atensyon, tulad ng sakit at takot.

Dumaing ako sa pagpatay ng bell at pumunta na kami ni Lily sa una naming class, ang mathematics.

***

Habang naglalakad nang dahan-dahan sa paligid ng ibang tao papalabas ng silid ay nagsimula na akong magreklamo kay Lily tungkol sa school namin.

Lahat ay naglalakad nang mabilis kaya’t ako’y maingat na umiiwas para hindi nila ako matamaan.

“Masyadong pahirap! Inaasahan ba talaga nilang gumawa tayo ng Mathematics sa Lunes ng umaga?”

Si Lily ay tumawa at umiling sa walang kwentang kong reklamo.

“Siguro ay may galit talaga sila sa atin ngayong taon.”

Sinabi niya ito nang may sarcastic na tono at kami’y nagtawanan. Hindi naman sa hindi ako magaling sa mathematics, ayaw ko lang talaga ng subject na iyon.

Hindi ko rin alam kung bakit ito ang pinili ko bilang A-level. Ito’y wala namang katuturan at kailan ba ako tatanungin tungkol sa algebra o circle theorems? Ang sagot ay hindi kailanman!

Naglalakad na kami ni Lily papunta sa susunod naming class habang iniiwasan ang mga tao at hindi pinapansin ang sigawan ng mga estudyante at mga guro. Ako’y naiistorbo na ng ingay sa paligid ko kaya hindi na ako makafocus sa dinaraanan ko. Ako’y nagulat nang makabanggaan ko ang isang lalaking lumitaw sa harapan ko nang walang babala na siyang nagpatigil sa akin.

Napatumba ako ng hangin nang bahagya at hinawakan ko ang tiyan ko habang nakatingala sa mga mata ng lalaking nagdulot sa akin ng sakit na ito.

Ako ay maluha-luha na habang tinititigan namin ang isa’t isa bago siya umalis at bago niya ako matamaan. Ang mga libro ko ay nagkalat sa sahig at ako rin ay mauntik na niyang maihulog.

Akala mo namang hindi pa sapat ang hangin para ako’y matumba. Kinailangan niya pang ikalat ang mga aklat ko pero nakayanan ko naman itong saluhin sa una niyang pag-atake.

“Pasensya na, gorgeous.”

Sinabi niya nang may kasamang kindat bago siya umalis. Ako’y nakatayo lang sa sobrang gulat. Isang hot na lalaki ang tumawag sa akin ng gorgeous at kinindatan pa ako! May nakapansin sa akin!

Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko habang naglalakad nang nakayuko at kinaladkad ko ang naguguluhan na si Lily at pinulot niya ang lahat ng mga libro ko habang ako'y nahihiya sa nangyaring aksidente.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

Ava

Matapos ang nakakatuwang Lunes na iyon at ito’y na-survive ko naman kung tatanungin mo ako, ako na ngayon ay umupo sa sobrang busy na canteen ng school namin.

Sa wakas ay Biyernes na, at ang ibig sabihin nito’y lahat ay excited na para sa pagtatapos ng linggo. Ang mga kabataan ay nagtatawanan at naghihiyawan sa isa’t isa habang pinupuntahan nila ang mga kaibigan nila habang ako ay dumadaing lang sa mesa.

Sa akin ang mesang ito dahil kami lang ni Lily ang umuupo rito.

Alam kong nakalulungkot, pero walang sinuman ang gustong makipagkaibigan sa akin dahil mapapababa nito ang social status nila at pwede rin silang pag-initan ng iba, maliban na lang kung sinusubukan nila akong gamitin.

Tiningnan ko si Lily at siya’y nakatitig sa mesa ng mga sikat, partikular na kay Declan Reed. Matagal na niya itong hinahangaan simula pa noong hingan siya ng sagot nito sa isang pagsusulit sa science.

Ito’y nakakakilig pero ayaw ko naman siyang makitang nasasaktan.

Alam ko kung anong klaseng tao si Declan at ayaw kong lokohin niya ang best friend ko. At kahit na magbago pa siya, pupugutan ko talaga siya ng ulo kapag sinaktan niya si Lily.

Ako ay napabuntong-hininga nang tumalikod ako at pinanood na rin ang mesa ng mga sikat. Si Declan ay nakikipag-usap sa kambal, malamang ito’y tungkol sa isang party na gaganapin nila.

Ang kambal ay ang mga palabiro at nagbibigay kaligayahan sa school.

Sila ay parang sina Fred at George Weasley. Katulad ng kambal, mayroon din silang mapupulang buhok at parehong katatawanan at kakayahang mapatawa ang lahat kahit na anong sitwasyon pa ang pinagdadaanan mo.

Dati ay naging classmate ko sila sa iilang subjects kaya alam ko kung paano nila napapatawa ang mga tao maski na ang mga guro. Nakakalungkot lang dahil madalas ako ang naloloko o napagtitripan nila tulad ng paglalagay ng timba sa ibabaw ng pintuan na malalaglag sa ulo ko kapag binuksan, paglalagay ng pandikit sa upuan ko para hindi ako makatayo, paglalagay ng gum sa buhok ko, at ang pagkukulong sa akin sa aparador na lagayan ng mga gamit panglinis.

Hindi naman talaga iyon masama dahil kahit papaano ay nagagawa ko nang tahimik ang mga gawain ko dahil doon. Wala rin namang ginagawa ang mga guro tungkol dito kaya hinayaan ko na lang at sinanay na ang sarili ko na harapin ito.

Buti na lang at hindi kasinglakas ng kambal ang karamihan, pero ang ibig sabihin nito’y ibang tao naman ang bumubuhat sa akin para itapon ako sa aparador.

Sila ay mga nasa 5’10 ang taas at nagngangalang James at Justin, at kung ito’y iisipin mo ay maguguluhan ka dahil napagpapalit din sila ng ibang tao sa sobrang pagkakapareho ng itsura nila.

Sweet naman sila kung hindi nila ako pinagtitripan, pero wala naman talaga silang pakialam sa mga babae tulad ng ilang mga lalaki.

Sila ay masyadong abala sa pakikipagbulungan kay Declan tungkol sa bago nilang kalokohan o di kaya ay ang pagbibiro nila.

Dahil napapansin kong hindi pa sila lumabas kasama ang isang babae, palihim ko na ring iniisip na baka sila’y bading, pero hindi ko naman ito sasabihin sa harapan nila.

Ang katabi ni Declan sa mesa ay si Liam na nakikipag-usap sa isang napakagandang babae para sa akin, at parang siya ay kinakabahan habang nakikipag-usap dito habang ang babae ay namumula at tumatawa at pinalakas nito ang kumpiyansa ni Liam.

Masayang makita ang isa sa kanila na sinusubukan talagang mapamangha ang isang babae at hindi naghahangad na makipagsex na karaniwang nangyayari tuwing tanghalian.

At ayon si Hunter na mayroong babaeng nakakandong sa kanya habang sila’y naghahalikan. May mas kadiri pa ba rito?

Ang mga kamay ni Hunter ay nakabuhol sa kinulayang blonde na buhok ng babae habang hinihila niya ito papalapit sa kanya na para bang hindi pa rin sila malapit sa isa’t isa.

Naramdaman kong nawawalan na ako ng ganang kumain nang balikan ko ang pagkain ko. Pero ang itsura ni Hunter na nakikipaghalikan sa isang babae ay habangbuhay nang tumatatak sa isipan ko, habangbuhay na akong binibigyan ng bangungot.

Alam ba nilang ito ay isang canteen kung saan kumakain ang mga tao at hindi ito strip club o kung ano pa man?

Ang babaeng nakakandong sa hita ni Hunter ay halos wala nang suot na damit, ang suot niya ay sobrang maiksi sa kanya na halos kita mo na ang lahat ng mayroon siya at hindi ko iyon gustong makita. Binigyan ko sila ng nakakadiring tingin at tumingala ako kay Lily na mukhang malungkot habang siya ay nakikipagtext sa cellphone niya.

Ako’y napabuntong-hininga at hiniga ang ulo ko sa mga braso ko na nakapatong sa mesa habang hinihintay na lang na matapos ang pag-aaral.

Mayroon pa akong natitirang dalawang lesson, pero buti na lang at libreng oras ang isa rito na ang ibig sabihin ay magagawa ko na at matatapos ang mga kailangang gawin para sa susunod na linggo. Buti na lang at tinanong ko sa mga guro ko ang mga araling ituturo sa susunod na linggo.

Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko at parang may isang tao ang umupo rito. Bilang isang nerd, hindi ako nakikipag-usap sa iba at hanggang kaya kong umiwas ng tingin sa tao, ay ginagawa ko ito.

Tumingala ako at tinitigan ko ang lalaking umupo sa tabi ko. Mayroon siyang malaking ngiti sa mukha niya na parang hindi niya naiisip na siya ay tumatabi sa akin at pwede kong mapababa ang social status niya at pwede rin siyang mapahamak nang dahil dito.

Namukhaan ko siya at na-realize na siya ang lalaking nakabangga sa akin kanina at tinawag akong gorgeous.

Naramdaman kong nag-init nang kaunti ang pisngi ko at ginamit ko ang nakatali kong buhok para ipantakip sa mukha ko habang ginagawa ko ang lahat para hindi ko na mapansin ang presensya niya.

“Hi.” Malumanay at nag-aanyaya ang boses niya na para bang hindi niya alam na mapapahamak siya rito.

Kinakausap ako ng estranghero, ano’ng gagawin ko? Kapag umalis ako, baka isipin niya na weird ako. Sige, magsasabi na lang ako ng hello. Kaya ko to.

Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko at naririnig ko ang daloy ng dugo ko, at nararamdaman ko na ring para akong nanghihina at malapit nang mahimatay.

“Hello.” Mas mataas ang lumabas na tinig sa akin kumpara sa karaniwan, at mas lalo pang lumalim ang kahihiyan ko. Nginitian niya ako. Cute siya at mayroong dimples kapag ngumingiti pero hindi pa rin nito naaabot ang kanyang mga mata.

“IKaw si Ava, di ba?”

Tumango ako ay nilunok ang naipong laway sa bibig ko at nagdarasal sa kung sino mang nakikinig na sana ay hindi niya narinig ang paglunok ko. Paano niya ba nalaman ang pangalan ko?

“Ava, pwede ka bang makipagkita sa akin sa library matapos ang 5 minuto?”

Tumango ulit ako at pinanoood ko siyang umalis papuntang library at dumaan siya sa dalawang pintuan at siya ay tuluyang nang nawala sa paningin ko. Bakit naman ako pumayag na makipagkita sa isang estranghero?

Tiningnan ko si Lily para humingi ng payo pero napansin kong iniwanan na niya ako. Malamang ay nakaalis na siya noong dumating dito ang mga lalaki. Traydor talaga.

Mabuti pa kung simulan ko nang umalis papuntang library. Siguro ay ipapagawa niya sa akin ang assignment niya, o di kaya'y gagamitin niya ako para mapagaan ang pinagdadaanan niyang hindi maganda sa buhay niya.

Iyon ang kadalasang nangyayari, gagawin ko ang mga assignment nila at hindi na sila ulit kakausapin pa at ako ay igo-ghost na nila sa hall o kaya naman ako ay gugulpihin nila at sila'y magpapanggap na hindi ito nangyari.

Ako ay nagbuntong-hininga, lumabas na ako ng canteen at pumunta sa library. Tahimik dito at nakakaramdam na ako ng kaba rito. Habang naglalakad sa hall ay naririnig ako ang pag-echo ng mga yapak ko.

Ang saya na hindi ako napapalibutan ng mga estudyanteng nagmamadali para makarating sa class nila sa tamang oras. Para sa isang taong tulad ko, mahirap na makaalis sa siksikang mga tao, madalas akong nakakaladlad at natatangay ng mga taong nakapaligid sa akin.

Hindi na iyon mahalaga dahil wala naman silang pakialam kahit na makita nila ko dahil kadalasan ay iniisip kong gusto lang nila akong itulak dahil kaya nila dahil hindi naman ako umiimik tungkol dito dahil mas lalong mapapalala lang nito ang sitwasyon.

Pagpunta ko sa library, napansin ko kung gaano ito katahimik, kadalasan ay dahil ang mga nagpupunta rito ay dito tinatapos ang mga gawain nila o di kaya'y dito sila patagong kumakain dahil natatakot din silang kumain sa canteen. Alam ko ito dahil kung minsan ay nagtatago rin ako dito dahil wala namang sikat na tao ang gustong makita silang pumupunta rito.

Wala naman akong nakikitang tao dito habang pinagkamasdan ko ang library.

Nakita ko na ang lalaking nag-aya sa akin na pumunta rito. Siya ay nagtatago sa anino ng isang bookcase na siyang nagbibigay ng nakakatakot na liwanag sa kanya.

Ako ay naglakad papunta sa kanya habang ginagalaw nang malamya ang mga kamay ko. Nginitian niya ako mula sa anino at dahil dito'y hindi na ako naging kumportable dahil para siyang pusa, at ako ang daga.

“Ang ganda mo.” Malalim at malumanay ang boses niya na siyang nagpagaan at nagpakilig sa buong katawan ko.

Nararamdaman kong uminit nang bahagya ang pisngi ko at nagpapasalamat ako na madilim dito kaya hindi niya makikita ang epekto niya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin at kung bakit mayroon pa akong pake rito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya at ako'y nakulong sa pagitan ng bookcase at ng katawan niya.

Naramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya at ang hininga niya na umiihip sa mukha ko na parang maliliit na matatamis at mint na halik.

Tumatama na ang hininga ko sa lalamunan ko at ang puso ko'y handa nang kumawala sa dibdib ko na parang isang hayop na kinulong sa hawla. Siya ay lumapit pa lalo sa akin at isinara niya ang agwat sa pagitan naming dalawa, at ang mukha niya ay ilang inches na lang ang layo sa mukha ko.

Nakita ko siyang tumingin sa mga labi ko. O Diyos ko! Ano na ang gagawin ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ko naman kilala ang lalaking ito at hindi rin ako sigurado kung gusto ko ba siyang halikan.

Ako ay nawala sa sarili at hindi makagalaw habang mas lalo pa siyang lumalapit sa akin. Isang inch na lang ang pagitan ng mga labi namin.

Nararamdaman kong mas lalo niyang sinasadya ang paghinga sa mukha ko, na ang amoy ng mint nito ay tumatama sa akin na parang alon ng dagat.

Bigla akong nawala sa sarili habang pinapanood ko ang pagpikit ng mga mata niya. Hindi ko alam kung handa na ba ako para rito, hindi ko rin naman kilala ang lalaking ito.

Ako ay hindi na mapakali, hindi ko naman siya kilala kaya hindi ito tama; hindi niya pwedengpwedeng kunin ang unang halik ko.

Pagkatapos ay umatras siya at nagsimulang ngumiti at tumawa. Naguguluhan na ako. Tiningnan niya ako at hindi na maamo ang itsura niya, mukha na siyang halimaw.

Ang mga mata niya ay matatalim at nanlalamig, at ang mga ngiti niya ay napalitan ng isang nakakatakot na ngiti. Wala na ang pamumula ng mukha niya, dahil nabalutan na ito ng matitigas na linya at galit.

Umatras siya at tumingin sa paligid na parang inaasahan niyang mayroong mga taong lalabas at babati sa kanya para sa isang kamangha-manghang prank na ginawa niya sa akin.

“Akala mo ba talaga hahalikan kita? Tingnan mo nga ang itsura mo, hindi ka naman maganda. Mukha kang puwet ng baka. Sa tingin ko nga hindi ka pa nahahalikan ng isang lalaki, tama ba?

“Ikaw ay nerd at hanggang ganyan ka lang!”

Nararamdaman kong nangingilid na ang mga luha ko. Niloko niya ako para lang saktan ako. Ni hindi ko pa nga siya kilala eh, paano niya ito nagawa sa akin?

Naririnig kong dumarami na ang mga taong nakikitawa, at nakita kong nagsilabasan ang mga taong may hawak na kamera at cellphone na nakatutok sa akin.

Si Jessica ang nasa harapan nila, ang babaeng sobra naming kinaiinisan ni Lily. Nararamdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko habang tinuturo at pinagtatawanan ako ng mga tao.

Inilapit ni Jessica ang kanyang cellphone sa mukha ko habang nakangiti. Ang sakit na nararamdaman ko sa panloloko sa akin sa ganitong paraan ay sinisira ang pagkatao ko. Sobra na ang kahihiyan at sakit kaya tumakbo na ako. Lagi akong tumatakbo.

Tumakbo ako nang sobrang bilis palabas ng library at habang naiisip ko pa rin ang mga mukha nila, naririnig ko pa rin ang mga tawanan nila na parang balang nang-aasar sa isipan ko, na tulad ng isang demonyo.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+