Sanay na si Adelie na mamuhay ng parang anino at magkaroon ng ordinaryong buhay kasama ang kanyang pack. Pero nagbago ang lahat nang siya’y tanggihan ng kanyang asawa, ang Alpha, at ngayon ay kailangan niyang maghanap ng bagong titirahan. At ito ay kanyang natagpuan sa pack ni Alpha Kairos.
Si Kairos, magagalitin at kilala dahil sa kanyang masamang ugali, ang second chance mate ni Adelie. Pero mabibigyan ba nang pagkakataon ang dalawa kung si Kairos ay may nakaraan na pumipigil para buksan ang kanyang puso at si Adelie na natuklasang siya ay may kapangyarihan na kahit kailan ay hindi niya naisip na meron siya?
Rating ng Edad: 16+
Ang Second Chance Nymph Ng Alpha – Miss_Toria_blue

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Sanay na si Adelie na mamuhay ng parang anino at magkaroon ng ordinaryong buhay kasama ang kanyang pack. Pero nagbago ang lahat nang siya’y tanggihan ng kanyang asawa, ang Alpha, at ngayon ay kailangan niyang maghanap ng bagong titirahan. At ito ay kanyang natagpuan sa pack ni Alpha Kairos.
Si Kairos, magagalitin at kilala dahil sa kanyang masamang ugali, ang second chance mate ni Adelie. Pero mabibigyan ba nang pagkakataon ang dalawa kung si Kairos ay may nakaraan na pumipigil para buksan ang kanyang puso at si Adelie na natuklasang siya ay may kapangyarihan na kahit kailan ay hindi niya naisip na meron siya?
Rating ng Edad: 16+
Orihinal na May-akda: Miss_Toria_blue
Tandaan: Ito ang orihinal na bersyon ng may-akda at walang tunog.
Ang turo sa akin nang aking ina ay mamuhay na parang isang anino. Magtago lamang sa ilalim nang aking napakalaking kapang itim at titingala lamang sa tao kung kinakailangan.
Laging sundin ang mga patakaran at laging mag-ingat, huwag sumagot pabalik, huwag makipagkaibigan at higit sa lahat itagong mabuti ang iyong lihim.
Lahat nang ito ay dapat kong gawin para hindi ako mapansin. Kapag nalaman ng mga tao kung ano ako, kapahamakan lamang ang maidudulot ko, hindi lamang sa akin, kundi pati na rin ang mga taong mahalaga sa akin. Kapag nagkataon at nangyari iyon, makakagawa lamang ako nang hindi magandang bagay.
Ang mga taong naghahanap sa akin ay nais akong gamitin para sa isang giyera at magparami nang mga kauri ko. Malalakas na mga fighting machine. Iyon ay ayon sa aking ina.
Ako ay nagsusuot nang malaking kapa dahil sabi nang aking ina na ang aking ganda ang siyang magpapahamak sa akin. Madalas hinuhusgahan ng tao ang kapwa nila base sa itsura nito at kung makikita nila ako ay gugustuhin nilang makipagkaibigan sa akin.
Ang mga Nymph ay ipinanganak na may mukha na kaaya-aya at kanais-nais. Sila ay magandang nilalang, iyon ay ayon sa mga libro na aking nababasa. Ayon pa sa aking ina, ako raw ay may napaka-espesyal na kakayahan, pero anong silbi nang mga kakayahang ito kung ako naman ay namumuhay na parang anino. Ang buhay ko’y isang trahedya.
Isa akong Nymph. Ang Nymph ay isang diwata na nag-aalaga sa kalikasan. Trabaho kong panatilihing maayos ang kagubatan at mga halaman sa aking tinitirahan, ang pack ng mga Silver Moon. Tuwing sasapit ang kabilugan nang buwan, pupunta ako sa gitna ng gubat upang magsagawa nang ritwal. Nagpapasalamat ako sa Inang Kalikasan para sa mga regalong bigay niya sa amin. Kailangan kong panatilihing malinis ang kagubatan hangga’t ako ay nakatira sa lugar na ito. Hindi dahil ito ay turo nang aking ina, kundi dahil ito ang ginagawa nang isang diwata. Isa itong katangian namin.
Walang nakakaalam na ako ay isang nymph bukod sa aking ina at ama. Ang mga Nymph at ang mga Werewolf ay may magandang samahan pero kailangan kong itago na ako ay isang nymph para hindi nila malaman kung hanggang saan ang aking kakayahan, iyon din ang dahilan kung bakit inilihim din ito nang aking ina. Wala akong pakialam kung saktan man nila ako. Ang inaalala ko lamang ay ang mga taong nakapaligid sa akin.
Wala pa akong nakilala na ibang nymph bukod sa aking namayapang ina. Siya ay kalahating lobo, kalahating sirena.
Pumanaw ang aking ina noong kami ay inatake sa aming tinitirahan, ang pack ng mga Dark Moon. Namatay siya dahil sa akin. Ang isa sa mga kawal ay natakot sa akin at tinangka akong patayin. Namatay ang aking ina sa pagprotekta sa akin.
Nilinaw sa akin ng ama na hindi ko kasalanan ang pagkamatay nang aking ina at alam niyang hindi rin ako sinisisi nito. Pero nakokonsensya pa rin ako. Ang aking ina ay isang nymph at ang mga nymph ay likas na mapagpatawad. Isa iyon sa aming mga katangian, kaya hindi niya ako kayang sisihin.
Nahahati sa tatlo ang aking katauhan. Una ay isa ako diwata ng kagubatan. Ang pangalawa naman ay may isang maliit na bahagi sa akin na taong lobo. Sa sobrang liit ng parte kong iyon, hindi ko siya kayang magpalit ng anyo. May lahi akong lobo pero hindi ko kayang mag-anyong lobo .
Nakakalungkot isipin na ang lobo kong si Madeline ay walang sariling anyo. Nilinaw naman niya nang ilang beses sa akin na ayos lang siya at ayos lang kung paano niya namumuhay. Kung may puwede lamang akong gawin para ibigay ang gusto niya ay gagawin ko.
Ang pangatlong kong katauhan ay mula sa aking ama. Hindi ko siya madalas nakikita dahil kailangan niyang maglakbay kung saan-saan. Makikita ko lamang siya kapag may namatay na malapit sa akin.
Ang aking ama ay si Kamatayan.
Trabaho niyang sumundo nang mga kaluluwa ng mga namatay. Inilalagay niya ang bawat isang kaluluwa sa garapon at inilalagay ito bawat isa ayon sa kinabibilangang pamilya at kinabibilangan na kulay ng mga ito. Kung ang isang tao ay naging masama sa kanyang buhay ang kanyang kaluluwa ay itim, kung sila ay mabuti, ito ay puti. Pero sa buhay ay hindi lamang mabuti o masama. Kadalasan ang buhay ay nasa gitna nang kulay itim at puti.
Ang Kamatayan ay may dalawang anyo.
Ang kanyang unang anyo ay isang kalansay na may suot na itim na kapa. Ito ay pamilyar sa lahat dahil ito ay ayon sa mga libro. Ang kanyang pangalawang anyo ay tulad ng tao. Mukha siyang normal na nilalang tulad nang tao.
Walang nakakakita sa Kamatayan na parang normal na araw lamang pero dahil anak niya ako, nakikita ko siya kapag siya ay nasa paligid. Palagi siyang nagpapakita sa akin kapag nasa malapit lang siya at nagtatanong kung kamusta ako. Alam kong mahal niya ako.
Ang aking ina ang bukod-tanging nilalang na nakakita kay Kamatayan. Hindi alam ng aking ama at ina kung paano ito naging posible. Pero iyon ang naging dahilan kaya nahulog sila sa isa’t isa. Walang kamatayan ang Kamatayan at sa wakas ay natagpuan niya ang isang taong isang milyong taon na niyang hinahanap na makakakita sa kanya. Sa wakas natagpuan niya ang Pag-ibig.
Ang iba ay makikita lamang ang Kamatayan kapag sila ay malapit nang mamatay. Sa mga mabubuting tao ang aking ama ay nagbibigay ng last wish bago sila bawian ng buhay.
Ang Death Wish ay isang hiling nang pag-kumpleto ng kahilingan nang isang mamamatay. Ibinigay sa akin ng aking ama ang aking huling hiling ng huli ko siyang makita, dahil nakikita ko siya maaari kong gamitin ang hiling kahit kailan kapag siya ay nasa malapit.
Maaari mong hilingin ang kahit ano sa Death Wish pero ang hilinging gawin kang imortal o ang mabuhay muli ay hindi pwede. Pinayuhan ako na gamitin ito nang sigurado lamang sa aking hiling dahil kahit na anak ako nang Kamatayan, isang kahilingan lang ang maaari kong makuha.
Namana ko sa aking ama ang kapangyarihan kong itim.
Walang makakatalo sa akin dahil sa kapangyarihan kong ito pero pinagbawalan ako ng aking ina na gamitin ang mga ito. Sinabi niya sa akin na gamitin ko lamang ang mga ito sa harap nang mga mapagkakatiwalaan kong tao, pero kahit kailan ay hindi ito nangyari. Ang isang kapangyarihan na pinayagan niya lang na gamitin ko ay ang kapangyarihan kong magpagaling. Maaari kong pagalingin ang kahit anong uri ng sugat meron ang isang tao pero ang kapalit nito ay mararamdaman ko ang parehong sakit na nararamdaman ng nasugatan. Sa pagpapagaling naman ng may sakit na puno at halaman ay wala akong nararamdaman na sakit. Wala rin akong ideya kung hanggang saan ang kayang pagalingin ng kapangyarihan ko.
Ang lobo ko ang siyang nagsasabi kung sino ang aking mate. At ang mate ko na iyon ang siyang sumira sa akin at patuloy pa rin akong sinasaktan at binibigiyan ng matinding sakit hanggang ngayon.
Ang mga miyembro ng Dark Moon Pack ay tinatawag ako ng kung ano-anong pangalan dahil iniisip nila na kakaiba ako, dahil hindi ako masyadong nagsasalita, dahil laging nakasuot ng kapa at ang akala nila ay mahina ako dahil hindi ko kayang mag-shift. Akala ko, magbabago ang lahat kapag nakita ko ang aking mate at sa aking labing walong taong kaarawan nakilala ko ang aking magiging asawa, si Alpha Hans.
***
Nakatayo siya sa tapat ng bahay ko. Napuno ang aking baga nang napakabangong amoy ng napakagandang lalaki na nakatayo sa aking harapan. Nababaliw ang aking isip at hindi mapakali ang aking lobo.
Mate! Mate! Paulit-ulit na sigaw ng lobo kong si Madeline habang inilagay ng aking ina ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Alam niya kung ano ang nangyayari, kaarawan ko kaya alam niyang mangyari ito.
“Alpha Hans …” Hindi makapaniwalang sabi ko habang dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo para tumingin sa kanya. Paano ako naging mate niya? Pakiramdam ko ay panaginip lamang ito.
Isa rin siya sa mga taong tumatawag nang kung ano-anong pangalan sa akin pero handa akong patawarin siya, dahil siya ang aking mate. Hindi ko naman malalabanan ang itinakdang kapalaran namin. Siya ay para sa akin. At ako ay para sa kanya.
“Kailangan nating mag-usap, Adelie. Pumunta tayo sa lugar kung saan mas tahimik.” sabi niya at nagsimulang maglakad papunta sa gubat ng wala man lang pag-sulyap kung susunod ba ako o hindi pero sumunod pa rin ako.
Ayoko rin namang makipag-usap sa aking mate sa kauna-unahang pagkakataon sa harap ng aking ina. Binigyan ko ang aking ina ng huling sulyap at ngumiti na parang baliw. Palagi niyang sinasabi kung gaano siya kasaya sa piling ng aking ama at gusto ko rin ang ganyang klase ng pagmamahal.
Naglakad kami papuntang gitna ng kagubatan, hindi siya nagsasalita lamang habang kami ay naglalakad. Pero masaya ako dahil narito ang aking asawa, kasama ko dito sa gubat. Sabi nila na ang iyong fated mate ang siyang magmamahal sayo hanggang kamatayan. Hindi masisira nito ang tadhana ng mag-mate.
Humarap sa akin si Alpha Hans pero hindi ang ekspresyong iyon ang inaasahan ko. Gusto kong tumakbo siya papunta sa akin, yakapin ako nang kanyang mga bisig, pero malamig lamang siyang tumingin sa akin, na para bang miyembro lamang ako nang pack niya o mas mababa pa doon.
“Hindi kita maaaring maging asawa Adelie. Paumanhin pero mahina ka, at walang sariling anyo ang iyong lobo. Anong klaseng Luna ang hindi kayang magbago ng anyo?” Sinabi niya iyon sa paraang kasuklam-suklam na nagparamdam sa akin ng sakit na para bang tinusok ang puso ko nang isang libong karayom.
Ipinagpatuloy niya lang ang sinasabi. “Kinamumuhian ka sa lugar na ito. At kailangan ng pack na ito ng isang tao na maaari nilang tingalain at hindi ka nabibilang doon.” Ang aking puso ay parang nabasag ng isang milyong piraso. Hindi ba masakit para sa kanya na sabihin ang mga salitang iyon?
“Ano? …” Tanong ko nang hindi makapaniwala sa kanyang mga sinabi “Kaya kong magbago Alpha!” Napaluhod ako. “Maaari akong maging anumang nais mong maging ako, pinapangako ko!” sigaw ko.
Oo, hindi ako makapag-palit ng anyo pero kailangan ko siya. Hindi ko kayang pakawalan ang aking tagapagligtas, siya ang itinakda para sa akin, para unawain ako, na mahalin ako kahit anuman ang mangyari.
“Ako si Alpha Hans Lightwood, tinatanggihan ka, Adelie Murrell, bilang aking asawa at Luna ng Dark Moon Pack,” sinabi niya ang mga salitang iyon at parang nagdilim ang aking paningin.
Namanhid ang aking puso, ang naramdaman ko lamang ay sakit. Kakilakilabot na sakit lamang ang aking naramdaman.
“Hindi!” Sumigaw ako sa galit, lungkot, at sakit. At hindi ko mapigilan ang aking kapangyarihan. May itim na usok ang lumabas mula sa dulo ng aking mga daliri na siyang dahilan kung bakit napaatras sa takot si Alpha Hans at mula sa mga sulok ay lumapit sa akin ang iba pang mga lobo.
Ang isa ay sinubukan akong lapitan sa pero pinatalsik ko siya gamit ang itim na usok. Hindi ko alam na kaya kong gawin iyon. Napaungol ang lobo at ang iba ay umatras sa takot. Natatakot ako sa aking sarili, natatakot ako sa maaari kong gawin.
Tumakbo sa akin ang aking ina. “Ma!” Sigaw ko sa kanya habang hawak siya ni Alpha Hans. Na para bang sasaktan ko ang sarili kong ina.
“Takbo!” Iyon lang ang sinabi niya. Lagi kong sinusunod ang utos sa akin nang aking ina. Pero ngayon lamang ako nagdalawang-isip na sundin siya. Sasaktan nila siya. “Tumakbo ka Adelie!”
Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko, pero lumakad si Alpha Hans palayo para tingnan kung iiwan ko ang aking ina. Dahan-dahan siyang lumakad at itinaas ang kanyang mga kamay bilang pagsuko, ang kanyang ekspresyon ay nakokonsensya.
“Halimaw!” sabi ng isang guwardiya mula sa tabi ko. Nasa tao pa rin siyang anyo at nagtapon ng kutsilyo patungo sa akin pero may pumigil dito. Hinarang ito ng aking ina sa pamamagitan ng pagtalon sa harapan ko. Ang patalim ay nakatarak sa kanyang dibdib nang siya ay nahulog sa lupa.
Nakita ko ang Kamatayan sa harapan ko. Hindi! Nangangahulugan iyon na wala na siya. “Huwag mo siyang kunin.” Halos makiusap ako sa kanya na parang may magagawa siya.
Tumingin sa akin si Itay “Takbo!” Sumigaw siya, at niyanig ang lupa, walang ibang nakakakita sa kanya kundi ako at ang aking ina, hindi niya ako kailanman sinigawan sa buong buhay ko.
May kumawalang itim na usok mula sa akin para ako’y protektahan, hindi ko naisip na gawin iyon, kusa na lang na nangyari.
Tumakbo ako palayo, tumakbo ako hanggang sumuko ang aking mga paa at sigurado akong nakaalis na ako sa bakuran ng mga Dark Moon. Tumakbo ako na parang duwag. Iniligtas ako ng aking ina pero hinayaan ko lang siyang mamatay, hindi man lang ako nakapag-paalam, siya lang ang mayroon ako at ngayon wala na siya.
***
Pagkalipas ng isang taon ay naging miyembro na ako nang mga Silver Moon. Kinupkop ako ni Alpha Archibald sa kanyang tirahan nang matagpuan niya akong gumagala sa paligid ng kanyang teritoryo.
Siya ang pinakamabait na alpha na nakilala ko. Walang kahit sino sa miyembro nito ang tumawag sa akin ng kakaiba o mahina dahil sa walang anyo ang aking lobo, nakatingin lamang sila dahil sa aking kapa.
Kahit na si Alpha Archibald ay hindi alam kung sino talaga ako. Nang tanungin niya ang tungkol sa aking asawa, sinabi ko sa kanya na patay na ito. Mas madali iyon sabihin kaysa aminin na tinanggihan ako.
Nahihiya ako na ang aking sariling asawa, ang taong nakalaan para sa akin na makasama ko habang buhay ay tinanggihan ako. Kung hindi ako naging sapat para sa kanya, hindi ako kailanman magiging sapat para sa kaninoman.
Ngayon ay kabilugan nang buwan at kailangan ko na pasalamatan si Inang Kalikasan. Madilim na at sigurado akong natutulog na ang mga kasama ko sa kwarto. Nanirahan ako sa isang bahay kasama ang mga miyembro na wala pang asawa.
Gumawa ako ng gayuma mula sa mga halaman sa paligid ng gubat at nilagay ito sa kanilang mga inumin para mas mahimbing ang kanilang pagtulog. Hindi nila maaaring malaman na lumalabas ako tuwing pagsapit nang gabi at hindi naman sila mapapahamak dito, palagi lamang silang nagtataka kung bakit laging mahimbing ang kanilang tulog tuwing kabilugan nang buwan.
Lumabas ako ng bahay suot ang aking mahabang itim na kapa na may talukbong para sa ulo at ang hanggang sakong kong puting bestida. Palagi akong nagsusuot ng mahahabang bestida, lagi ring ginagawa iyon ng aking ina at nais kong panatilihin ang ganoong gawi.
Ang sabi ng aking ina na ang mahaba at magagandang damit ay tatak nang isang nymph. Ang istilo ng Nymph ay mas medyebal kaysa sa moderno. Sinubukan kong isuot kung ano ang itinuturing nilang normal na damit pero hindi ako komportable at pakiramdam ko’y hindi ito nababagay sa akin.
Natutulog ang lahat at walang tao sa labas dahil sino nga naman ang aalis sa oras na ito. Ang mga guwardya ay nagpapatrolya sa hangganan ng aming bakuran at hindi naman ako maglalakad nang ganoon kalayo. Halos isang taon ko nang ginagawa ito at matagumpay ko namang nagagawa at hindi pa naman ako nahuhuli.
Naglakad ako palalim sa kagubatan patungo sa lugar kung saan ko laging ginagawa ang ritwal. Pagdating sa lugar ay hinubad ko ang aking kapa. At hinayaan ang kulay kayumanggi kong buhok na mahulog sa aking likuran. Palagi kong tinitiyak na magmukhang presentable at maganda tuwing kabilugan ng buwan para ipaalam sa Ina Kalikasan na karapat-dapat akong maging isang diwata.
Naupo ako sa tabi ng isang malaking puno na napapaligiran ng kulay lila na bulaklak. Ang punong ito ang pinakamalaki sa kanilang lahat, ito rin may pinakamalakas na awra dahil marami na rin siyang nasaksihan.
Napakarami kong natutunan mula sa pakikinig lamang mula sa kanya at iba pang mga puno. Ang mga puno ang nagturo sa akin ng aking mga tungkulin bilang isang diwata ng kagubatan. May kakayahan silang kausapin ako at tinuruan nila ako kung paano ko sila aalagaan lahat.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpasalamat sa lahat ng bagay sa paligid ko. Tinitiyak kong tanungin ang mga puno kung may nangyari man hindi pangkaraniwan, hindi lamang nila sinasabi sa akin ang tungkol sa kagubatan kundi pati na rin tungkol sa kung sino man ang pumapasok sa kagubatan, ngayon ay isang tao lamang lumapit sa aming parte ng kagubatan.
Habang nagpapasalamat ako naramdaman ng aking katawan ang enerhiya na nagmula sa mga ugat.
Palagi kong binabantayan ang kagubatan kaya't walang malungkot na mga puno at mahinang mga halaman. Iyon ang aking tungkulin. Naglilingkod ako para sa kagubatan.
Pakiramdam ko’y pinanganak akong muli. Ang kabilugan ng buwan ang siyang rason kung bakit nais kong mabuhay. Kalikasan na lamang ang masasabi kong akin.
Lagi kong iniisip ang aking mate na si Hans, hindi siya nawala sa isip ko kailanman. May gusto akong gawin upang tumigil na ang sakit ngunit hindi ko magawa at ayokong mawala siya.
Kahit na ang natitira lamang na alaala ng aking asawa ay sakit ay gusto ko pa rin itong nararamdaman. Kahit na naramdaman ko ang matinding sakit ng pagmamarka at pakikipagsiping niya ng ibang lobo. Ang sakit ay nagpapaalala ng isang bagay na muntik ko nang makamit.
Naglakad ako sa paligid ng kagubatan, hindi suot at malaya mula sa aking mabigat na kapa. Nilanghap ko ang sariwang hangin habang nakatingala ang ulo. Umikot-ikot ako at hinayaang dumaloy ang hangin sa aking tabi. Ang kagubatan ang paborito kong lugar, aking paboritong pinapantasya ng kaligayahan.
Nang oras na para umalis, kinuha ko ang mabigat kong kapa at sa aking pagkuha ay nakarinig ako nang mga yabag na papalapit sa akin. Agad akong tumingala para makita ko kung sino ang naglalakad.
Isang lalaki, may kalakihan ang katawan, at kita ko ang kanyang matipunong katawan sa likod nang suot niyang damit.
Siya ay isang lobo at hindi katakataka ang brusko nitong tindig dahil na rin sa lahat ng karaniwang ginagawa ng mga lobo tuwing sila ay nasasanay.
Ang kanyang buhok ay mas maitim na kayumanggi, kulot at sapat ang haba para makita ko ang kanyang mga mata, ito ay mas mahaba sa tuktok at mas maikli sa mga gilid, at ang kanyang buhok ay nakahawi pagawing kanan. Ang mga mata niya ay perpektong kulay ng hazel, nakalimutan ko na ang tungkol sa aking kapa.
Tumalikod ako at sinuot ang aking kapa pati ang hood nito para itago ang aking mukha, alam kong nakita niya aking buong mukha dahil nagtama ang aming mga mata.
May kakaiba akong pakiramdam sa kanya, isang bagay na kakaiba pero nakakaakit, ang kanyang presensya ay tila nakakapagpa-kalma, pero napaka-kakaiba.
Narinig ko siyang humakbang palapit at bigla kong naamoy na iyon. Banayad na amoy ng pine na may halong bergamot at kaunting peppermint, hindi pa ako nakakaamoy tulad nito pero isang pagkakataon lamang tulad nito ang nagparamdam nang ganitong pakiramdam noon. At iyon ang pagkakataong hinayaan ko aking lobo na makipag-usap sa akin.
Mate!
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Kinakausap ako ng lobo ko. Sa Werewolves normal na lamang iyon pero sa akin ay hindi. Ang lobo kong si Kye ay kinakausap ako sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.
Galit sa akin ang lobo ko at marahil ay ganun pa rin hanggang ngayon. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko, ako ang dahilan kung bakit niya ako hindi kinakausap. Nasaktan ko siya sa pinakamasakit na paraan na alam nang kahit sinong lobo. Tinanggalan ko siya ng asawa, pati na rin ang sarili ko.
Ngayon nagpasya ang aking lobo na magsalita, hindi niya sinagot ang anuman sa aking mga katanungan at hindi rin niya ako pinapansin.
Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Patuloy lang siya sa pagsasalita, hindi ko man naiintindihan, masaya ako na narinig ko na ulit ang boses niya. Kahit na nasa anyong lobo ako noon, hindi niya ako kinakausap.
Nakaupo ako sa aking opisina ng pumasok ang aking beta na si Raphael pagkatapos ng isang katok. Si Raphael lamang ang pinapayagan kong pumasok sa aking silid kahit walang permiso mula sa akin. Bago ang trahedya dalawang taon na ang nakalipas siya ang aking pinakamalapit na kaibigan pero ngayon hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng isang kaibigan, mas mabuti nang walang taong malapit sa akin.
“Alpha! Nakatanggap ako ng mensahe mula sa pack ng mga Dark Moon.”
“Ano iyon?” Hindi kami nakakakuha ng mga mensahe nang madalas dahil sa reputasyon namin.
“Ang kanilang Alpha at ang kanyang mga pinakamagaling na mandirigma ay nais na bumisita upang magsanay dito.”
Ito ay bagong balita, wala nang nagnanais pang pumunta dito ng kusa, noon ay dose-dosenang mga mensahe ang natatanggap ng aming pack mula sa iba pang mga pack.
Ngayon ay narinig nila ang iba’t ibang mga kwento tungkol sa akin at sa aking nasasakupan. Malakas na ang aming pack ngayon, at kaunti lamang na taga-labas ang nakakaalam ng sa tunay na nangyari para mabigyan kami ng ganitong reputasyon at walang sinuman ang pwedeng magkamali na ungkatin pa ang gabing iyon.
Napaisip ako sandali at tumayo mula sa aking upuang katad at pumunta sa bintana na nasa aking likuran. “Ano ang magandang maidudulot nito sa atin?” Tanong ko, habang nakatanaw sa mga bahay ng aking nasasakupan.
Hindi ako nakatira kung saan nakatira ang ibang mga lobo. Mag-isa akong nakatira sa aking malaking bahay. Kahit ang kapatid kong si Fala ay hindi tumira kasama ko. Nais kong siyang tumira dito kasama ko pero sabi niya ay napakalungkot dito kaya't napagdesisyonan niyang tumira kasama ang karamihan.
Ang sabi niya ang lugar daw na ito ay nawalan na ng karangalan at pagpapala. Malayo ito sa lahat at sa iba pang mga bahay, marahil iyon ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ito ng sobra. Gusto ko lang mapag-isa.
Hangga't maaari ay gusto kong mag-isa, mas nais ko iyon ngayon higit pa sa dati.
Mula sa itaas, tanaw ko ang ilang mga taong naglalakad. Ang aking mga tauhan, ang mga Night Walkers, dati ay mayroon lamang na higit sa dalawang libong mga miyembro, ngayon ay may isang daan at walumpu't isa nalang, hindi pa kasama sa bilang ang mga bata.
Maraming kaming batang miyembro dahil ang karamihan sa kanila ay nawalan ng mga magulang dahil sa giyera habang sila ay pinoprotektahan, at ang iba naman ay alaala ng mga namatay na miyembro.
Kasalanan ko ang lahat. Bulag na lamang ang aking mga miyembro kung hindi nila makita na ito ay aking kagagawan, kung naagapan ko sana ito bago mahuli ang lahat pero nabulag ako ng pag-ibig. Kahit kailanman ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa nagawa.
Gayunpaman ay nakuha ko ang higit na paggalang mula sa kanila pagkatapos ng gabing iyon na naging sanhi nito, at kinamumuhian ko ito. Napakaraming mga tao ang napatay, napakaraming nawalan ng mga mahal sa buhay. Pero pinuri pa rin nila ako.
“Ang sabi ni Alpha Hans ay babayaran niya tayo ng patas.” Paliwanag niya sa akin. “Kairos, ang ating pack ay may pinakamalakas na mga kawal, ang ibang mga pack ay takot sa atin. Malalaman nang iba pang pack na tayo maaasahan at mapagkakatiwalaan ulit, magiging malaking tulong tayo sa kahit sino.
Nagpatuloy siya. “Kailangan nating palawakin ang ating pack hangga't maaari. Kairos, karapatan iyon ng ating mga miyembro, na tayo ay makita nang higit pa sa preso.”
″Iyan ba ang sinasabi nila? Na sila ay mga preso?″ Mas sinasabi ko iyon sa aking sarili.
Tumawa si Raphael na nasa likuran ko. ″ Ang mga kwento ay hindi tumitigil, sa sobrang takot nila sa atin, lahat ng palusot ay kanilang sasabihin para tayo ay kamuhian. ″
Matalino ang aking Beta, pero iniisip niyang kami ay magkaibigan, kung di ba naman sira. Kasama ko na siya mula nang ako’y idineklarang Alpha. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi siya natatakot sa akin.
“Hindi sila natatakot sa atin?” Tanong ko sa kanya pero naglabas lang siya isang buntong hininga na parang nalilito. “Hindi sila natatakot sa ating pack, ganoon pa rin sa nakalipas na dalawang taon.”
“Hindi nila alam kung anong nangyari. Ang bawat isa ay may iba't ibang kuwento ng gabing iyon. Ikaw ay isang alamat sa lahat. “
Ayokong isipin ang nakaraan. Ang kailangan ko lamang gawin ay kung ano ang makakabuti para sa aking pack “Ipaalam kay Alpha Hans na pumapayag ako at ipapadala ko sa kanya ang araw kung kailan sila makakapunta para makapag-sanay.”
Masaya siyang tumango at lumabas nang aking silid.
Malapit nang mag hatinggabi peor hindi pa rin mapakali ang aking lobo. May bumabagabag sa kanya. Maaaring nababaliw na siya sa tagal na niyang hindi nagsasalita.
Ano ‘yon? Tanong ko sa kanya.
Takbo! Tumakbo tayo. Papunta sa gitna ng kakahuyan. Mayroon sa gitna nito. Napakalaking puno. Kabilugan ng buwan. Doon! Pumunta tayo ngayon doon …
Kakaiba ang kanyang kinikilos pero kahit papaano ay sinagot niya na ako. Ang maaari ko lang gawin sa ngayon ay ang sundin siya. Baka sa susunod ay kausapin niya na ako ng mas matagal.
Isinantabi ko muna lahat ng aking trabaho at ginawa ang sinabi sa akin ng aking lobo. Lumabas ako na may bitibit isang bag. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng aking lobo, pero hindi ito mahalaga, maliit na pabor lamang iyon na magagawa ko para sa kanya.
Pagpasok sa kagubatan hinubad ko at inilagay ang lahat ng mga damit sa aking bag at nagiba ng anyo papuntang pinaka-maitim na lobo at kinuha ang aking bag gamit ang aking ngipin.
Hinayaan ko si Kye. Tumatakbo siyang parang baliw. Malayo na kami sa bakuran ng aming pack.
Medyo malapit na si Kye sa teritoryo ng kapitbahay naming pack din nang mga lobo. Dahan-dahan lang. Nasa labas tayo nang ating teritoryo, sabi ko sa kanya habang kinokontrol ko ulit siya.
Kailangan nating pumunta doon, aniya.
Bakit? Tanong ko.
Hindi mo ba maramdaman? Sabi niya.
Mayroong humihila na kung ano sa amin patungo sa kabilang pack, pero sa isang direksyon lamang.
Hindi ko alam kung ano iyon, may posibilidad na patungo ako sa aking kamatayan, kahit na alam kong ang pack na ito ay mababait at maayos makisama.
Sinuot kong muli ang aking damit at naglakad kung saan man ako dinadala ng aking mga paa na para bang may sariling pag-iisip.
Ang kagubatang ito ay napakaganda at napakamalinis. Walang sangay o dahon na nakakalat sa lupa. Ito ay hindi katulad ng kagubatan sa teritoryo ko. Masasabi mong ang gubat na ito ay inaalagaan. Ang paglilinis ng ganitong kagubatan ay napakahirap na gawain, paano nila ito nagawa? Paano sila nagkaroon ng oras gawin lahat ito?
Habang naglalakad ako palalim sa teritoryo ng aking kapitbahay ay naamoy ko ang isang kaaya-ayang amoy na sobrang tamis. Ito ay may sariwang amoy ng mga katulad sa mga lilies na may halong amoy sariwang kakahuyan, malakas pero banayad ang amoy at nakakapagpa-kalma.
Nakakalasing ito. Nakakaliyo ang amoy. Kakaiba. May pamilyar na pakiramdam ang bumalik sa akin at tila matagal ko nang nakalimutan ang ganitong pakiramdam. Ano nga ba ito? Pamilyar sa akin pakiramdam na’to, ngunit saan ko siya naramdaman?
Ang aking lobo ay tahimik na, at para bang naghihintay sa susunod kong gagawin. Hindi ako tumigil, hindi na ang lobo ko ang nag-udyok sa akin maglakad kundi ako mismo.
Isang babae ang nakita ko sa aking paglalakad. Hindi lang isang babae kundi isang dalaga. Naglalakad siya sa paligid ng mga puno at umiikot na parang bang ito ang kauna-unahan niyang paghinga ng sariwang hangin.
Nakasuot siya ng mahabang bestidang puti, nilalaro ng hangin ang kanyang damit, hapit sa kanya ang kanyang damit at makikita ang kurbada niyang katawan. Magaan siyang tignan na parang isang balahibo sa paraan niya ng pagkilos.
Ang kanyang kagandahan ay walang katulad, para siyang inukit ng may buong ingat. Ang buhok niyang itim ay sobrang kintab sa ilalim ng ilaw ng buwan habang ito ay nakalagay sa kanyang likuran.
Ang aking mga paa ay patuloy lamang sa paglalakad habang kinukuha niya ang isang tela mula sa lupa ng napansin niya ako at tumingin deretcho sa aking mata.
Ang kanyang mga mata ay kulay ng perpektong pilak na halong kulay berde na parang gubat, ang kanyang mga labi ay mabilog na makapal, at ang kanyang balat ay mukhang malambot at tulad ng isang porselana, walang anumang kapintasan.
Siya ang pinaka-tamang representasyon ng mala-dyosang kagandahan. Siya ay perpekto na parang anghel.
Nilihis niya ang kanyang mata at isinuot ang tela na kinuha niya, ito ay isang kapa. Tinakpan niya ng hood ang kanyang ulo pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Napahinto ako sa aking paglalakad. Mate! Humihingal na sabi ng aking lobo.
Mate? Hindi. Hindi ito maaaring mangyari!
Humarap siya sa akin pero nakatingin siya ay nakayuko, hindi ko makita ang kanyang mukha.
Siya ang aking pangalawang pagkakataon. Tumingin ako buwan.
Bakit Moon Goddess? Bakit mo pinarusahan ang babaeng ito ng asawang tulad ko? Hindi ko siya kayang alagaan kung paano dapat alagaan ang isang asawa. Hindi ko hahayaang maulit ang nakaraan, alang-alang sa aking pack.
At ngayon na nakita ko siya hindi ako maka-papayag na hindi ko siya kasama at hindi niya ako kasama. Hindi ako magiging karapat-dapat na asawa para sa kanya at ni subukan ay hindi ko gagawin. Paumanhin Moon Goddess kung hindi ako karapat-dapat na maging asawa niya.
Mananatili siyang malapit sa amin para hindi kami tuluyang mabaliw ngunit hindi ko siya pahihintulutan na maging malapit sa aking puso. Hindi ko na hahayaan maulit ang nakaraan.
“Ano ang iyong pangalan?” Tanong ko sa kanya.
“Ang pangalan ko ay Adelie Murrell.”
Ang kanyang tinig ay mala-anghel at kaibig-ibig, nagsalita siya ng may hinhin at kagandahan, at kahit na siya ay nakayuko, ang kanyang pustura ay perpekto.
“Ako ang Alpha ng Night Walkers Pack, Kairos Garcia.”
Ang aking pahayag ay muntik nang magpatingala sa kanya pero dahil sa kanyang hood ay hindi ko makita ang kanyang mukha. Malamang ay narinig na niya ang aking pangalan. Iniisip ko tuloy kung aling bersyon ko ang kanyang narinig.
“Maaari ka bang sumama sa aking pack?” Tanong ko sa kanya.
Nag-atubili siya ng kaunti “Sa tingin ko’y oo. Kung iyon ang nararapat kong gawin, Alpha. ”
“Sabihin mo sa iyong Alpha na susunduin kita bukas, dalhin mo iyong mga gamit at maghanda bago mag-ika 5 ng hapon. Ako ang personal na susundo at magsasama sayo pauwi,” sabi ko nang may awtoridad na tono. Pagkatapos ay lumakad ako pabalik sa daan na dinaanan ko ng hindi na lumingon pa.
Walang sinabi ang aking lobo. Galit siya sa hindi ko pagyakap sa babae. Hindi ko kaya. Hindi ko rin siya kayang tanggihan, mamamatay siya at pati na rin ako. Bilang lang ang mga lobo na nabuhay sa kabila ng pagtanggi sa kanila, at kung nabuhay silang ganoon, ang karamihan ay nabuhay nang may galit.
Ang hindi pagtanggap sa kabiyak ay pinakamalaking pagkakamali.
Bumalik ako sa aking bahay at agad kong tinawag gamit nang aking isip ang aking Beta. Pumunta ka sa aking silid. Ngayon din!
Hindi siya sumagot pero alam ko na narinig niya ako. Alam kong naistorbo ko kanyang pagtulog, pero hindi nako makakapaghintay pa hanggang bukas.
Pumasok si Raphael sa aking silid “Kairos. Ano naging problema ngayong gabing ito? ” Tanong niya inaayos niya ang jacket. Palagay ko na mabilisan niyang isinuot dahil sa kanyang pagmamadali.
Sumandal ako sa upuan ko “Lumabas ako para tumakbo…” bigla kong putol sa aking sinasabi.
Kunot ang noo niya “Ano? May mga bampira? Rogues? ” Mabilis akong umiling.
“Hindi … May nakita ako … May nakilala akong isang dalaga” sabi ko at hinintay ang reaksyon niya. ″ Isang babae na nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon na makapag-asawa muli. ″
Ngumiti siya at tumawa, “Napakagandang balita” bulalas niya pero di nagtagal nagbago ang kanyang reaksyon nang makita niya akong nakatitig sa sahig.
“Pero … hindi ka masaya Kairos? Bakit?”
“Kung alam ko lang bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon ng Moon Goddess, magmamakaawa akong huwag niyang gawin,” sabi ko sabay hampas sa kamao sa lamesa. Nahati sa galit at lungkot ang nararamdaman ni Raphael.
“Pero ang pack … karapatan ng mga ito na magkaroon ng Luna,” aniya. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya kayang pakawalan.
“Oo. At iyon ang dahilan kung bakit siya pupunta dito bukas.” Pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong ekspresyon.
″Pupunta siya dahil siya ang Luna at hindi dahil siya ang iyong asawa?″ Naguguluhan niyang tanong.
″Hindi ko siya magiging asawa!″ Bulalas ko
“Ayaw mo sa kanya ngunit pupunta siya rito?” Tumawa ito nang may pangungutya. “Hindi mo maaaring kalabanin ang tadhana.”
“Kaya ko! At gagawin ko,” tumaas ang aking boses “At gagawin ko iyon sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaang mabulag ako muli. “
“Kairos, bigyan mo siya ng pagkakataon, bigyan mo ang sarili mo nang pagkakataon,” aniya. Paano niya nasabi iyon pagkatapos ng nangyari sa dating Luna? “Hindi siya katulad… niya. Kailangan mo… “
Pinutol ko siya. “Tama na Raphael. Sa umaga ipaalam sa mga tauhan ang tungkol sa kanyang pagdating!”
″Hindi ka patas Kairos, ibibigay ko ang lahat para magkaroon ng asawa, at ganoon din ang lahat ng iba pang mga lobo na walang kabiyak” pasigaw niyang sabi sa akin, at sinara ng malakas ang pinto paglabas niya.
Magiging tulad siya nang ibang mga miyembro, na nakatira sa ilalim ng ating pamahalaan. Ang Tadhana ay hindi ako mahahawakan…
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!