logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Si Juniper ay isang werewolf na hindi kayang magpalit-anyo. Nang ang kanyang ama, ang Alpha, ay pinalayas siya mula sa kanyang sariling angkan, nakita niya ang kanyang sarili na isang rogue sa isang banyagang lupain. Pero malapit na niyang makilala ang isa pang alpha. Na siyang magpapabago ng kanyang buhay magpakailanman …

Rating: 18+

 

Mateo Santiago – Katlego Moncho

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Si Juniper ay isang werewolf na hindi kayang magpalit-anyo. Nang ang kanyang ama, ang Alpha, ay pinalayas siya mula sa kanyang sariling angkan, nakita niya ang kanyang sarili na isang rogue sa isang banyagang lupain. Pero malapit na niyang makilala ang isa pang alpha. Na siyang magpapabago ng kanyang buhay magpakailanman …

Genre: Romance, Werewolf, Fantasy

Rating: 18+

Kwento ni: Katlego Moncho

Isinulat ni: Jon Altamirano kasama si Brittany Schellin

Tunog ni: Sam Bartlett

JUNIPER

Ito ay dapat na isa sa pinakamasayang araw sa aking buhay. Dapat ay nasasabik ako.

Masaya.

Pero ang bigat na darating sa araw na ito, sa aking ika-labintatlong kaarawan, ay isang walang hanggang pagkabahala at pagkalungkot.

May mga inaasahan na dapat kong gawin. Mga inaasahan na kailangan kong isagawa para matanggap ako ng aking ama at ina.

Ang mga kaarawan ay isang pagsubok, o siguro sa akin lang. Hindi ko eksaktong maalala ang panahon na ipinagdiwang ito kasama ng aking mga magulang. Hindi rin dahil gusto nila ako maliban sa aking kaarawan.

Kundi, pinamigay nila ako sa aking mga lolo at lola, na isang munting himala na natutunan kong pahalagahan habang lumalaki ako. Sila ang nagpalaki sa akin, nagturo sa akin, nagmahal sa akin.

Tulad ng mga nagdaan kong mga kaarawan, ang umaga ay nagsimulang dumilim at naging kulay-abo.

Bumuhos ang ulan mula sa langit at sa mga bintana. Ang tunog ng lagaslas nito sa bahay ay pumapawi, tumatanggal ng pagod sa aking katawan.

Hindi ako kinabahan tungkol sa aking kaarawan. Dahil alam ko, ito ang dapat na mangyari. Lahat ng tao — ang aking ama, ina, aking pamilya, aming mga kapitbahay, aming angkan — ay umaasa na ako ay lalabas doon at magpapalit-anyo sa kauna-unahang pagkakataon.

Ngayon ay kukunin ko ang nararapat na posisyon bilang tagapagmana ng Alpha.

Iyon ay, kung magagawa kong magpalit-anyo sa aking lobo.

Nag-iisa akong kumain, isang pangkaraniwan na agahan na sana hindi ko inaalala.

Ang dagundong ng kulog ay nagpayanig sa kabahayan na sinundan ng malalayong tinig na gustong sumigaw ng napakalakas na nagbibigay babala sa akin sa panganib na maaaring ibunyag nito.

Sa labas, mas malakas ang ulan, at lalo pa itong lumakas ng maabot ko ang harap ng aming beranda. Ang mga tao sa aming angkan ay paikot-ikot at nag bulung-bulungan, pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi ng sinuman.

Nang, isa-isa nila akong makita ay agad silang tumahimik. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, lahat ay nandoon. Mga matatanda at bata at ang aking lolo.

Ang aking ama.

Nasa tabi niya si Jacob, mapagmataas at mayabang. Siya ay bago sa angkan, isang ulila na kinupkop ng aking ama. Ang aking ama ay humanga kay Jacob at tnuring siyang tulad ng isang anak.

Nagselos ako.

“Juniper. Halika. “

Nais kong umatras, bumalik sa aking silid, upang matulog.

Gusto ko sana.

Pero wala akong magawa. Kailangan kong gawin ang hinihiling niya.

Isang hakbang, papunta sa putikan, at ang mga tao ay nagsilayo.

“Dayton, hindi pa siya handa,” pakiusap ng aking lolo. Magkamukhang-magkamukha sila pero ang mga mata ng aking lolo ay puno ng init, sa aking ama ay napakalamig.

“Kailangan niyang maging. Siya ay magiging. Wala akong anak na walang lobo.” Umasa at naghintay ang aking ama habang ako ay palapit.

“Ano ang nangyayari?” Ang aking boses ay halos pabulong, at ito ay nawala nang tumingin sa akin ang aking lolo. May takot sa kanyang mga mata. Kawalan ng pag-asa

“Pakiusap, anak. Anak mo siya. ” Sa mga sinabi ni lolo, ang mukha ng aking ama ay napalitan ng isang malupit na ngiti.

“Kung si June ay karapat-dapat, siya ay magpapalit-anyo. Lalaban siya. Tulad ng lahat ng Alphas na nauna sa kanya. ” Si Jacob ay nagpalit-anyo na sa kanyang lobo. Meron siyang dugo ng Alpha, tulad ko, at kamakailan lamang siya ay naging lobo sa kanyang ika-labintatlong kaarawan.

“Masyado pang maaga.”

Hindi ko alam kung nasaan ang aking lola nang umagang iyon, pero si inay ay nasa tabi, tahimik lamang na nanood at larawan ng walang pakialam. Kung magsalita siya, kahit na, ang kanyang mga salita ay kasing lamig nang sa aking ama. “Hindi ko alam kung sadya talaga. Ang bawat kagalang-galang na Alpha ay nagpapalit-anyo sa kanilang ika-labintatlong kaarawan. “

“Hindi mo naiintindihan. Kahit sinuman sa inyo. ”Lumapit ang aking lolo sa aking ama, nagmamakaawa.

“Tama na!” Ang isa pang dagundong ng kulog ay sumabay sa sigaw ng aking ama, at itinulak niya si lolo sa lupa.

“Tigil!” Nakatayo ako sa harap nila ngayon, walang magawa at takot na takot. Ang lobo ni Jacob ay mapanganib na nakatayo sa gilid. Bumaling sa akin ang aking ama, ang kanyang mukha ay puno ng galit at pananabik.

“Panahon na, Juniper. Alam mo kung anong araw ngayon. Magpalit-anyo ka at ipaglaban mo ang titulo mo laban kay Jacob. ”

Hindi ko kaya.

Sinubukan kong tawagin ang aking lobo, para sa anumang senyales ng pagbabago, pero ako ay natigil, nanigas.

Ang pag-click ng baril ay narinig, mas nakakabingi kaysa sa ulan o kulog. Nakita kong namilipit si lolo habang dumikit ang barrel sa kanyang ulo. Nanlaki sa galit ang mga mata ng aking ama, habang binabaon ang armas sa sentido ng aking lolo.

“Magpapalit-anyo ka o papatayin ko siya.” Hindi gumalaw ang kanyang kamay. Hindi nanginig. Ito ay matatag, at ang mga tao ay tahimik na nanonood.

Nakiusap ako sa kanila, at sa aking ama. Nakiusap ako sa aking inner beast.

“Magpalit-anyo ka!”

“Hindi ko kaya!”

Pagkatapos ay pumutok ang baril.

***

Kumakabog ang aking dibdib at basang-basa ng pawis, bumangon ako mula sa kama, ang tunog ng putok ay umalingawngaw pa rin sa aking ulo.

Isa na namang bangungot.

Isa na namang panaginip na muling bumuhay sa pinakamasamang sandali ng aking buhay.

Ligtas ka na, June. Tapos na.

Starlet.Napabuntong-hininga ako, nakaramdam ng kaginhawaan sa kanyang mga sinabi. Bumagal ang pintig ng aking puso, hindi na ito gustong lumabas sa aking dibdib. Sana hindi ko na ito mulingmaranasan.

Sana napunta ako sayo ng mas maaga.

Si Starlet ay dumating sa aking buhay pagkatapos ng isang nakakakilabot na araw limang taon na ang nakalipas, kahit na hindi pa rin namin magawa ang aming pagpalit-anyo. Hindi sinabi sa akin ng aking lobo kung bakit, at ayaw pa rin niyang sabihin. Wala naman akong pakialam. Nandiyan siya sa akin — isang mahal kong kaibigan kung kailan ko kinakailangan — at iyon lang ang mahalaga.

Isang mahinang katok ang gumulo sa amin, at bumukas ang pinto.

Ang aking lola ay pumasok sa loob, nakangiti nang makita niya akong gising na. Ang mga taon ay naging mabait sa kanya, pero ang stress ng pagkawala ng kanyang asawa, limang taon na ang nakalipas ay nag iwan ng mga marka sa mga linya sa paligid ng kanyang mga mata at ang patuloy na pagbagsak ng kanyang mga balikat.

Buong akala ko ay sisihin niya ako ng umagang iyon. Ang pagkasira ng kanyang mukha nang makita niyang patay na si lolo sa lupa ay nagpakumbinsi sa akin na siya ay mawala na rin sa akin. Ang kanyang sigaw na tumakot sa aking ama ay sapat na para ito ay umatras.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa akin si lola at ako ay niyakap. Dinala niya ako sa kanyang bahay, kung saan ako nanatili sa nakaraang limang taon.

Takot na takot akong umalis, siguradong uulitin ng aking ama sa akin ang ginawa niya kay lolo. Napagpasyahan namin na mas makakabuti para sa akin na manatiling nakatago at ligtas hanggang, kung, may magtulak sa akin para umalis.

“Maligayang kaarawan, June.” Pakaladkad siyang naglakad sa maingay na sahig. Sa kanyang mga kamay ay ang isang maliit na cake na may mga kandila na kumikislap sa itaas. “Humiling ka, baby girl.”

Ngumiti ako at pinikit ang aking mga mata, nag-isp ng mabuti.

Ang simoy ng hangin ay pumasok sa silid. Ang mga kurtina ay bumaliktad, at ang pintuan ay sumara. Nang imulat ko ulit ang aking mga mata, patay ang mga kandila at si lola ay masama ang tingin at magulo ang buhok.

“June!”

“Sinabi mo na dapat akong magsanay sa paggamit ng mga ito!”

“Ang magic ay hindi dapat ginagamit sa ganoong paraan. Lalo na ang mga elemental na kapangyarihan. ” Pinagalitan niya ako habang inaayos niya ang kanyang buhok.

Gamit ang isip, sinindihan ko ang mga kandila, ang maliliit na apoy ay muling pinaliyab gamit ang kislap ng mahika. Pinakunot ko ang aking mga labi at humihip, pa inosenteng nakangiti habang sumisingkit ang mata ni lola na nakatingin sa akin.

“Okay, okay.” Tumatawa ako, sumusuko. “Patawad.”

Lumambot ang ekspresyon ni lola, may ngiti sa kanyang mga labi.

Ang aking mahiwagang kapangyarihan ay lumabas nang paunti-unti sa pagdaan ng mga taon na nakatira ako rito. Ang kauna-unahang pagkakataon na nakitaan ako ng mga palatandaan ng elemental na mahika ay noong nagising akong nilalagnat at agad na pinasingaw ang banyo ng napakatagal.

Humakbang si lola, kahit na isa na naman itong hindi natural na kababalaghan tungkol sa akin. “Espesyal ka kasi, Juniper. Magagawa mo ang mga magagandang bagay, baby girl, ”sabi niya sa akin nang pumunta ako sa kanya na umiiyak.

“Umuulan na naman ba ngayon?” Tumango siya, pero hindi na ako nagulat.

Laging umuulan sa aking kaarawan.

“Lalabas ako ngayon. Kailangan kong tulungan si Tabatha may kung ano sa kanyang bahay. ” Inayos niya ang buhok sa mukha ko, sabi nito na nag-alala. “Magiging maayos ka lang ba kung aalis ako ng ilang oras?”

Mahina akong ngumiti. “Sige po, puntahan mo si Tabatha sa anumang gulo na ginawa niya sa oras na ito.”

Meron akong karaniwang gawain, sa kabila ng, o dahil sa, nakakulong ako sa bahay. Almusal, gawain sa paaralan, maraming eehersisyo hangga’t kaya ko, libreng oras, at pagkatapos ay hapunan. Ang mga gabi ay karaniwang inubos ko kasama si lola at kung anong kasalukuyang palabas na magustuhan nito.

Ngayon, halimbawa, natagpuan ko ang aking sarili na nakatingin sa likod ng bahay. Minsan hinahangad kong lumabas sa init ng araw o sa malamig na buhos ng ulan o maramdaman ang haplos ng hangin. Ang pananabik ay hindi mapigilan noong una, pero natutunan kong pigilin ito.

Akala ko kaya ko.

Hanggang sa nasa kalagitnaan ako ng agahan ng umagang iyon ng narealize ko na itong si Starlet ay panay ang pamimilit, tinutulak akong lumabas..

Dapat tayong lumabas ngayon.

Nanigas ako, ang kutsarang puno ng cereal ay dumikit ang kalahati sa aking bibig.

Starlet, mangyaring. Alam mo hindi tayo pwede.

Kailangan natin, June. Kinakailangan.

Hindi pwede! Anong problema mo?

Pakiramdam ko … oras na. Hindi tamang manatili kang nakakulong. Hindi para sa isang lobo. Hindi para sa isang tao.Ramdam ko ang pagka desperado ni Star, isang balon ng kabiguan na bumubula patungo sa ibabaw.

At sa totoo lang? Nais kong ring lumabas.

Masyadong mapanganib. Paano kung may makakita sa atin?Tanong ko, pero ang mga salita ko ay walang katapatan.

Sa tingin ko hindi naman siguro marami ang lalabas ngayon.

Tama si Starlet, syempre. Kulay-abo, at ang panahon ay hindi maganda. Karamihan ng aming mga kalahi ay pipiliing manatili sa loob ng bahay, tama ba?

Pwede tayong mag lakad-lakad sa kagubatan. Alam mo, mahirap kang makita doon.

Hindi ko na kailangan ng mas maraming pangungumbinsi.

May kagat ng hangin sa labas, pero bumuhos ang ulan. Sa kabila nito, nagmadali ako papunta sa likod ng balkonahe hanggang sa ilalim ng mga puno.

Ang bahay ni lola ay nakahiwalay at nakabantay sa mga kagubatan na nakapalibot sa aming angkan. Halos walang tao ang nakipagsapalaran malapit dito, at hinala ko si lola ang nasa likod nito.

Ang paglalakad sa mga kakahuyan ay nakapagpapalaya. Ito ay payapa, tahimik maliban sa mga dahon at mga sanga na nadudurog at pumuputok sa ilalim ng aking mga paa. Mahinang huni ng mga ibon mula sa kanilang mga pugad.

Sana maramdaman natin ang araw.

Napakagandang isipin. Ang kawawang si Starlet ay nakatikim lamang sa labas ng mundo bago siya nakatago sa bahay kasama ko.

Wala ka bang magagawa, June?Nagsusumamo siya sa akin.

Gusto ko. Si Starlet ang matalik kong kaibigan. Sinamahan niya ako sa lahat ng hindi magagandang bahai nitong nakaraang limang taon. Pinapanatili niya akong matino at isa sa iilan na tunay na nagmahal sa akin.

Pero ano ang magagawa ko? Hindi ito tulad ng panahon na pwede kong pigilan..

Pasensya na, Star.Bumuntong-hininga ako.

Naramdaman kong nanlumo si Star, nadurog ang kanyang puso, nabasag ito kasama ng sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata, isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.

Anong klaseng buhay ito? Kailangan naming lumusot sa aming sariling bakuran sa takot na makita kami. Kailangan naming ipagsapalaran ang aming buhay para matikman ang hangin, ang maramdaman ang araw sa aming balat.

Kung pwede sana …

Bigla, lumakas ang hangin, kinaluskos ang mga puno at ginulo ang mga ibon.

Nanlaki ang aking mga mata nang ang mga ulap ay biglang nagbago at lumiwanag, at lumabas dito ang araw.

Maningning at mainit at maliwanag.

Nakatayo ako doon , hindi gumalaw, nakababad dito. Nararamdaman kong dumipa si Star na parang isang bulaklak na namumukadkad, ang kanyang kaluluwa ay umakyat sa kalangitan.

Hindi ko mapigilang tumawa. Marahil ang maliit na swerte na ito ay ang regalo sa akin ng mundo sa aking kaarawan.

“Ikaw!”

Tumalon ang aking puso nang manumbalik ako sa aking katinuan.

Sa isang iglap, isang malakas na kabog, ang nagpaikot-ikot sa akin nang makita ko ang isang estranghero, lumilitaw at hindi kilala.

Congrats!

Natapos mo ang iyong unang daily episode ng Mateo Santiago.

Ito ay isang immersive na kwento designed to fit sa iyong busy schedule.

Everyday, may isang bagong episode na 5-10 minutes ay mare-release.

Gusto Mo Pa?

Kung gusto mong magbasa nang magbasa, you can do this sa pamamagitan ng pagbili o pag-earn ng mga points via the Skip the Wait button na nasa dulo ng episode.

Pwede ka ring magkaroon ng mga points via the Free Points button sa Discovery Page, at kapag nag iwan ka ng comment sa bawat countdown screen.

1 comment = 1 point (max. 1 point bawat araw)

Mga Tip sa Pro …

Pwede kang manatiling up-to-date sa mga darating pa na mga kwento via the News icon.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-navigate sa app, o may mga question ka or issue, pwede mong gamitin ang Support icon.

Ang mga icon na ito ay matatagpuan sa Discovery Page.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

ROYCE

Maganda.

Makapangyarihan.

Ang kanyang buhok ay dumaloy na parang gintong sutla, at kahit mula rito, kitang kita ko ang kanyang berdeng mga mata, kumikislap at masaya.

Limang taon na mula nang mawala si Juniper Evigan, anak na babae ng Alpha. Ipinagpalagay ng mga tao na tumakas siya upang maging isang rogue matapos mabigong magpalit-anyo. Sabi ng iba na siya ay pinatay ng kanyang ama, ang kanyang katawan ay naiwan sa kalikasan at panahon.

Isa iyong trahedya.

Nang maglakad ako sa hawan ng araw na iyon upang makita si Dayton at ang aking kapatid na si Jacob, na kinorner siya, naiinis ako. Wala na siya bago pa ako makagawa ng kahit na ano, tinangay, hindi na muling nakita pa.

Ang estranghero na ito ay nagpaalala sa akin nang sobra.

Posible kaya?

Si Juniper ba ay nanatili sa Litmus, nakatago?

May katwiran ito, lalo na ang lahat ng mga banta na inilabas ng ina ni Dayton na mangyayari kung ang sinuman, kasama si Dayton, ay muling lumapit sa kanya o sa kanyang tahanan. Lahat ay inisip ito bilang galit at poot sa nangyari sa kanyang asawa at apo.

Paano kung nagkamali kami?

Una kong namataan ang kanyang buhok na kumikislap sa mga puno at sinundan ang tunog ng kanyang mga paa. Pagkatapos ay biglang lumakas ang hangin ng di pangkaraniwan, pinapalo ang lahat nang nasa paligid namin hanggang sa ang mga ulap ay nagkalat. Tumayo siya sa ibaba, nagbabad sa biglaang liwanag na nakaunat ang mga braso.

Alam ko na agad. Alam kong special siya.

Alam kong kailangan kong makalapit sa kanya.

“Ikaw!”

Sa aking pagsisikap na makalapit, pinutol ko ang mga sanga na humahadlang sa aking daan at halos madulas ako sa isang troso.

“Sandali!”

Nagulat siya at lumingon. Napakaganda ng kanyang mga mata, nakakaakit.

Siya ay nabigla at gustong umalis, ang paggalaw ng katawan, handang tumakbo. Pero mas mabilis ako. Sa oras na humakbang siya sa ibang direksyon, isinasara ko at hinaharangan ang kanyang daraanan..

“Ikaw ba — Ibig kong sabihin, ikaw ay si Juniper Evigan, tama?”

Ang babae ay mukhang tatanggi, at alam kong tama ako. Lumapad ang kanyang mga mata at tikom ang bibig. Mahina kong naririnig ang kabog ng kanyang dibdib.

“Alam ko kung sino ka. Kilala kita. ” Ngumiti ako, gusto kong mag mukhang mabait. Ayokong takutin siya.

“H-hindi ako. Hindi ko kilala ang tinutukoy mo. ” Tumingin siya sa ibaba, nahulog ang blonde niyang buhok at natakpan ang kanyang mukha.

“Ako si Royce. Hindi ka dapat matakot. “

Nairita siya, at ako ay lalong ngumiti.

“Ang iyong mga magulang ay may itinabing mga larawan, kahit may hinala ako na mas higit pa ang iyong mga lolo't lola kaysa sa kanila.”

Lalong sumimangot si Juniper.

Lumakas muli ang hangin, kumaluskos ang mga puno at mapanganib na umalingawngaw. Tumingin ako sa paligid, biglang pumalo ang malakas na hangin sa aking buhok. Na para bang ang mundo ay nakisabay sa reaksyon ng kanyang emosyon.

JUNIPER

Ang puso ko ay para bang tatalon palabas sa aking dibdib.

Ginulo ko ang lahat.

Hindi ako dapat lumabas. Dapat sana akong nanatili sa bahay kung saan ligtas, kung saan maaari kong sayangin ang mga oras na nakatingin sa aking bintana. Umikot ang hangin sa paligid ko, na halos hiwain ang aking balat.

Huminga ka, June,Sabi ni Star. Hindi ka nag-iisa. Hinga.

Pinanghahawakan ko ang tinig ni Star, ginamit ko siya upang maisaayos ko ang aking sarili. Naramdaman kong medyo kumalma ako habang ang hangin ay unti-unting bumagal, na nag-iwan ng isang nakakakilabot na katahimikan.

Ang estranghero ay tumingin sa akin, ang kanyang mga mata ay nangingislap sa pagmangha.

Dapat tumakbo ako. Dapat akong tumakas nang malayo at mabilis hangga't maaari. Dapat akong tumakbo pauwi, magbalot ng gamit, at umalis papunta sa pinakamalapit na istasyon ng bus bago pa malaman ng aking ama na narito pa rin ako sa kanyang teritoryo.

Pero ang paraan ng kanyang pagkakangiti sa akin … Nabibilang lang sa aking isang kamay ang mga tao na tumingin sa akin ng may pagpapahalaga. Na ako ay importante.

Ano ang dapat nating gawin?Tinanong ko si Starlet. Ang kanyang tugon ay mabagal at hindi nakatulong.

Hindi ko alam.

Starlet?Panay ang pilit ko sa kanya, pero nanatili siyang walang kibo.

Binalik ko ang atensyon ko sa kakaibang lalaking nasa harapan ko. Matangkad siya pero hindi gaanong malapad ang katawan. Pero, may isang bagay na nakakatakot sa kanya. Mayroon siyang kapangyarihan, pero ano ito?

“Anong gusto mo?”

“Hinahanap kita, sa totoo lang.”

Umatras ako, bahagyang kumaluskos ang mga dahon sa ilalim ng aking sapatos.

“Sinadya ko iyon para hindi masyadong nakakatakot.”

“Sino ka?”

“Ako si Royce.”

“Narinig ko na ang tungkol sa iyo dati.”

Ngumiti siya ng isang nakakaakit na ngiti, tamang-tama habang kumikislap ang mapuputi nitong ngipin.

“Royce Fallon. Ang susunod na Alpha ng Litmus Pack. ” Ang mga huling salita ay sinambit na may magulong emosyon na hindi ko masyadong maintindihan, at ito ang pumigil sa akin sa pagtakbo palayo na sumisigaw. Paghamak, pagbibitiw sa tungkulin?

“Hindi ka masyadong masaya tungkol doon.”

“Masaya ka bang papalit ako para sa ama mo?”

Ngumisi ako, at ngumiti siya ng may simpatiya.

“Nandoon ako limang taon na ang nakaraan. Nakita ko ang ginawa niya. ” Dumura siya, at kumalma ako. Malinaw na hindi siya tagahanga ng aking ama.

“Kung nakarating ako nang mas maaga doon, siguro may nagawa ako. Maaaring nailigtas ko ang iyong lolo. ” Ang itsura niya ay larawan ng paghingi ng paumanhin kaya mahirap na hindi ka humakbang palapit at mag-alok ng kaginhawaan.

“Hahabulin ka rin sana niya kung nakialam ka.”

Dahan-dahang lumipat si Royce at umupo sa isang nahulog na troso na may buntong hininga. Alam niyang tama ako.

“Malupit ang iyong mga magulang at hindi karapat-dapat na mamuno. Ang iyong buong angkan ay hindi karapat-dapat para sa iyo.”

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. “Hindi nila pwedeng labanan ang kanilang Alpha.”

“Ang bawat isa ay may pagpipilian.”

“Hindi ka ba masaya na pumalit?” Tinanong ko siya. “Kapag bumaba ang aking ama at gagawin kang Alpha, hindi na siya magkakaroon ng kontrol. Mas mahusay mong mapamunoan ang ating mga kalahi.”

“Sa aking palagay, ang hindi pagkilos ng ating mga kalahi sa araw na iyon ay parang sila na rin ang may kasalanan. Ayokong maging responsable para sa mga taong ito.”

Kinagat ko ang labi ko, nag-aalangan. “Maaari silang maging mas mabuti, kung may tamang pinuno.”

“Siguro.”

Nag-aalangan ulit ako bago nakiupo sa kanya sa troso. Ngumiti ulit siya. Tumigil ba siya? Hindi naman sa hindi ko gusto. Lalo lang itong nakadagdag sa kanyang kagwapohan. Ang kanyang magiging asawa ay magiging isang maswerteng babae.

Mayroong isang bagay tungkol sa kanya na naramdaman kong nakakagaan ng loob, madali siyang kausap. Tahimik kaming nakaupo nang ilang sandali, ang aking mga binti ay nangangatog habang nakaupo ako sa troso. Ang aking mga sipa ay nagdala ng maliliit na putok ng hangin sa lupa, ang mga dahon at dumi ay umiikot sa hangin.

“Um, Juniper?”

“Yeah?”

“Ikaw ba ang gumagawa niyan?”

Ang kanyang mga mata ay nanlaki, pinapanood ang paglalaro ko ng aking mahika habang sinisipa ko ang mga nahulog na dahon sa umiikot na hangin.

Nanigas ako, naririnig ko ang kabog ng aking puso.

tanga, tanga, tanga, tanga.

Tiningnan niya ako ng may pananabik habang ang mga dahon ay lumulutang pabalik sa lupa.

Lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Ipapakita ko ba talaga ito kay Royce? Hindi ko siya kilala, pero—

Starlet, dapat ba nating sabihin sa kanya?

Napakatagal bago ito sumagot naisip kong binibigyan pa rin niya ako ng tahimik na pakikitungo.

Sa palagay ko dapat lang.

Well.

At ayan nga.

“Oo.”

ROYCE

Mahika.

Meron siyang mahika.

Elemental na mahika.

Makapangyarihan, malakas na mahika.

Paano naging napakatanga ng kanyang ama? Paano naging ang angkan? Upang itapon ang ganoong regalo? Sayangin ito? Kung hindi ko siya natagpuan ngayon, mananatili ba siyang nakatago sa mundo?

Kapaki-pakinabang si Juniper. Ang kanyang ama ay masyadong bulag upang makita kung gaano siya kahalaga.

Pwede naman ako.

Ang araw na itinakwil siya ng kanyang ama sa kanyang kaarawan ay ang araw na ginawa niya ang kanyang unang pagkakamali. Ang gawin akong tagapagmana imbes na ang aking kapatid ay ang pangalawa.

Akala ni Dayton ay nabigo ang aking kapatid. Nabigo siya na makuhang magpalit-anyo ni Juniper sa araw na iyon, pagkatapos ng lahat. Iniwasan niya si Jacob. Tulad ng pag-abandona ni Dayton kay Juniper, ginawa din niya ito kay Jacob.

Mabilis ang mga pangyayari, pinangalanan niya ako bilang kapalit.

Nagtataka ako kung nasaan siya ngayon.

Marahil ay naging rogue siya, gumagala sa kagubatan.

“Nasa iyo ang aking salita. Walang makakaalam kung ano ang kaya mong gawin. “

Ngumiti siyang maginhawa.

“Hindi mo naman dapat itong itago. Kung ano ang kaya mong gawin, Juniper, ito ay isang regalo. Isang bagay na hindi dapat ilihim . “

“Iyon ang sinabi ng aking lola.”

“Matalino siya. Nakita kong kinuha ka niya. Noong araw na iyon. Inaasahan kong nagawa niya ang tama sa iyo.”

“Iniligtas niya ako. Kung hindi dahil sa pagtatago niya sa akin ng maraming mga taon, siguro nahanap na ako ng aking ama at malamang ay napatay na din niya ako tulad ng— ”nasamid siya sa kanyang mga salita.

“Ang iyong lolo.”

Taos-puso siyang tumango. Dumilim ang kalangitan nang magbalik ang mga ulap. Tahimik kaming nakaupo ng ilang sandali. Sa pagbagsak ng kanyang mga balikat ay ninais kong ibaluktot ang aking braso sa kanya, upang aliwin siya at sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat.

Pero baka matakot siya sa akin.

“Muntik ko ng makalimutan. Happy birthday, ”sabi ko.

Nagulat siya.

“Paano mo nalaman?”

“Ang iyong kaarawan ay medyo mahirap makalimutan, lalo na pagkatapos ng ginawa ng iyong ama.”

“Oh. Salamat, sa tingin ko nga. ”

“Ano ang gagawin mo upang magdiwang?” Ngumiti ako sa kanya, nasiyahan na nagawa kong mailayo siya sa mga iniisip niya sa ngayon.

“Wala talaga. Sa totoo lang, ang aking paglalakad sa kalagitnaan ay isa nang regalo para sa akin. Ilang taon na akong hindi lumalabas. ” Mahina siyang tumawa, nagtatago sa likod ng hibla ng kanyang buhok.

Nabigla ako pero hindi rin nagulat. Hindi nakakagulat na walang nakakita sa kanya sa limang taon. Naiimagine ko kung gaano siya kalungkot, nakahawla ng mahabang panahon, nakakulong sa kanyang sariling tahanan …

“Dapat may gagawin tayo kung ganun!” Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya patayo. Alangan siyang sumunod pero may pagkamangha na ningning sa kanyang mata.

“Hindi ko alam. Dapat akong bumalik bago makita ako ng iba. “

“Walang magsusumbong sa iyong ama. Pinapangako ko. Bilang tagapagmana ng Alpha, mayroon akong kapangyarihan. Sa ilang kadahilanan, gusto ng mga tao na kumampi sa akin. ” Kinindatan ko siya.

Tumawa siya, matamis at malambing. Ang kanyang mga pisngi ay namula na animo malinamnam na kulay rosas, at kinakailangan kong talian ang aking beast’s primal urges.

Hindi ngayon ang tamang oras.

“Mauna ka na, Alpha-to-be.” Sabi niya sa pagitan ng mga tawa habang magkasabay kaming naglalakad sa kagubatan.

JUNIPER

Nakakaakit si Royce. Hindi rin nakakasakit ang kanyang itsura. Sa bagsak niyang buhok at mga mala-demonyong mata na maaaring tumukso kahit sa pinakamahinhin na babae, hindi maikakaila na siya ay kaakit-akit.

Siguro iyon ay maaaring may kinalaman sa aking desisyon na sumama sa kanya, higit sa kanyang itsura kung kaya ako ay naglalakad sa tabi niya. Siya ay mabait, maawain, at si Starlet ay tila walang problema sa kanya.

Nagulat ako, dinala niya kami sa mas malawak na kakahuyan. Tahimik siyang kumilos kumpara sa pagtadyak ko. Sa di kalayuan, narinig ko ang pagdaloy ng isang sapa, isang nakakapawi ng pagod na tunog ng kagubatan.

“Saan tayo pupunta?”

Ngumiti siya sa akin.

“Bahay ko.”

Biglang nasira ang linya ng puno, at nakatayo kami sa isang hawan. Malaki at rustic ito.

Isang maliit na cabin ang nakatayo sa gitna na may mga katakam-takam na hardin na nakapalibot dito. Napakaganda nito.

Sa pagitan ng mga palumpong at matatayog na gulayan, parang nakakita ako ng tao. Pabalik-balik sila, pumipitas ng pagkain sa hardin. Medyo napakalayo nila at natakpan ng mga halaman para malaman ko ang tungkol sa kanila, pero ang liliit nilang tingnan.

Nang sila ay gumalaw at nakakita ako ng mga mata na sumisilip sa pagitan ng mga dahon at tangkay, niyuko ko ang aking ulo. Maaaring mapagkakatiwalaan si Royce, pero hindi iyon nangangahulugan na lahat sila.

“Halika.” Hinila ako ni Royce papunta sa pintuan at sa loob.

Ang loob ay kasing rustic ang itsura tulad ng labas nito. Napakakomportable sa pakiramdam at nag-aanyaya.

Naiinggit ako.

Inakay ako ni Royce pailalim ng bahay, ang aming mga hakbang ay umalingawngaw laban sa matigas na sahig. Bigla kong namalayan ang kanyang mga kamay sa paligid ko, napakalaki at napakainit sa pakiramdam.

Ang aking puso ay tumibok ng mabilis, at natatakot akong maramdaman niya ang pintig ng aking pulso.

Makalipas ang ilang sandali, nakarating kami sa isang pintuan. Binuksan niya ito at pinanatiling bukas para sa akin, nakangiti ang nakasisilaw nitong ngiti. Napatingin ako sa aking mga paa habang dumaan sa harapan niya, sinusubukan kong itago ang aking mukha sa likuran ng aking buhok.

Ako ay nabigla sa pag atake ng mga paru-paro sa aking tiyan.

Ito ang kanyang kwarto.

Ito ay katulad ng kanyang amoy.

Napatalon ako nang bahagya ng marinig ko ang mahinang pag-click ng pintuan at ang pagsara nito.

“Umupo ka,” sabi niya mula sa aking likuran. “isipin mong bahay mo ito.”

Tiningnan ko ang buong silid na may pagkagulat. Walang masyadong kasangkapan ito. Ang aparador nito ay naka linya sa isang pader na puno ng mga libro at journal, at may isang malapad na kama na itinulak hanggang sa sulok.

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama, diretso ang likod, tuluyan ng nanigas. Si Royce ay kaakit-akit; walang duda tungkol doon. Ang isipin na malapit siya sa akin ay nagdulot ito ng kaguluhan sa aking tiyan.

Pero hindi ko kailanman naranasang humalik sa isang lalaki. Handa na ba talaga ako para sa isang bagay na tulad nito?

Umupo si Royce sa tabi ko, ang kanyang bigat ang dahilan para umalog ang kama. Ang aking puso ay sumipa sa sobrang bilis ng titigan niya ako sa mata.

Ngumiti siya sa akin.

“Sa wakas tayo na lang dalawa.”

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+