Si Ava ay ang nag-iisa na bounty hunter na pangalawa sa pinaka-mapanganib na motorista sa Northern California. Pero kapag napilitan siya na makipagtambal kay Bjorn, isang brusko at matipunong viking mula sa mga Rider ng Tyr MC, hindi niya kayang labanan ang apoy na nag-uudyok sa pagitan nila. Hahayaan ba ni Ava na mahulog para sa misteryosong bad boy na ito, o sumabak muli sa kalsada ng mag-isa?
Rating ng Edad: 18+
Mga Rider ng Tyr – Adelina Jaden

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Si Ava ay ang nag-iisa na bounty hunter na pangalawa sa pinaka-mapanganib na motorista sa Northern California. Pero kapag napilitan siya na makipagtambal kay Bjorn, isang brusko at matipunong viking mula sa mga Rider ng Tyr MC, hindi niya kayang labanan ang apoy na nag-uudyok sa pagitan nila. Hahayaan ba ni Ava na mahulog para sa misteryosong bad boy na ito, o sumabak muli sa kalsada ng mag-isa?
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: Adelina Jaden
Hindi ko alam kung ano ang pagmamahal hanggang sa sinubukan niya akong patayin.
Ang tagal ko ng gusto tumakas.
Sinusubukang makatakbo sa aking mga demonyo sa isip kaya't nakalimutan ko makiramdam.
Paano mabuhay.
Pagkatapos ay pumasok siya sa buhay ko at nabihag ako.
… At nakipagtalik hanggang sa nakita ko ang kulay sa mundo muli.
Alam kong hindi ako karapat-dapat na mabuhay, pagkatapos ng lahat ng aking nagawa.
Pero, sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang panahon, nagsimula akong magkaroon ng pag-asa muli…
***
ILANG ARAW NA ANG NAKALIPAS…
Hindi nagbiro si Izzy nang sabihin nitong mapanganib ang taong ito.
Ang karaniwang mga bounties mula sa aking taga piyansa ay kapalit lamang ng mga barya kaya hindi delikado.
Katulad ng mga gago na nakalimutang magbayad ng kanilang mga tiket sa paradahan at nagpasyang laktawan ang piyansa.
Hindi nakakakuntento na mahuli.
Peroang isang ito?
Pinagmasdan ko ang link na ipinadala ni Izzy, habang nakahiga sa upuan ng puting Toyota Prius na inuupahan ko.
Naka-park ako sa kabila ng kalye mula sa isang napakalaking hacienda sa gitna ng San Leandro, California. Ang lugar ay kahanga-hanga, kasama ang mga malalaki na puting haligi at isang malaking bakuran na parang galing sa magasin na Better Homes and Gardens.
May mga pantay at iba ibang hugis na mga halaman na nakapaligid sa lugar, at may mababang pader na gawa sa mga bato.
Nakakagulat ang kanyang bahay para sa isang lalaki na nagtatarabaho sa mga baril at narkotika.
Narinig ko na ang tungkol sa mga Toltec noon. Kahit sino na nakatira sa Bay Area ay may alam tungkol sa mga taong ito.
Nagpakita sila sa San Leandro ilang taon na ang nakakalipas.
Isang grupo ng mga lalake na nakasakay sa mga motorsiklo na Harleys mula sa Mexico City, na may mga baril at mga makakapal na pera sa bulsa nila.
Itong lalaki, si Pasado, ay isang tao na hindi pwede gaguhin.
Magiging armado siya. Halos imposibleng harapin mag-isa.
At kailangan ko siya nang buhay.
Wala akong totoonghamon mula pa noon…
Wag na mag-isip tungkol dito,utos ko sa aking sarili.
Wag maging mahina.
Umupo ulit ako, binaba ang salamin upang ayusin ang hairpin ko na galing Japan mula sa aking makinis, itim na puyos. Palatandaan mula sa nakaraan ko.
Ang aking balat ay maputla kaysa sa dati, na mas lalo naging kapansin-pansin ang aking mga berdeng mata.
Kadalasan ginagawa ko ang karamihan sa aking trabaho sa gabi. Lagi naman.
Maliban sa gabing ito. Itong taong ito ay masyadong delikado na buntotin sa gabi.
Habang hinahawakan ko ang hairpin na matalim, hindi ko sinasadyang matusok ang aking daliri.
Puta.
May isang maliit na patak na dugo na lumabas sa dulo.
Tinitigan ko ito, nawala sa pag-iisip.
Iniisip kung gaano na karaming dugo na aking natapon sa mga kutsilyo na ito.
Iniisip ang lahat ng kanilang nakita.
Iniisip siya.
WAG KA MAGING MAHINA.
Kumagat ako ng malakas, itinutulak ang madilim na mga kaisipan pabalik sa aking utak.
At saka ko siya nakita.
Si Javier.
Putanginang.
Pasado.
Hinila niya ang kanyang Harley sa dulo ng daanan, na sinalihan ng isa pang biker ng Toltec, at pareho silang bumaba.
Si Pasado ay hindi kamukha ang kanyang mugshot.
Siya ay gwapo sa rugged na paraan.
Napaka perpekto ng mga parte ng mukha niya. Ilang makukulay na mga tattoo sa leeg ay lumalabas mula sa kanyang dyaket.
Maaari kong sabihin sa isang sulyap lamang sa taong ito ay siya ay manloloko.
Pinapanood ko siyang naglalakad sa daanan patungo sa kanyang bahay, sinundan ng kanyang alagad.
Hindi ako makapaniwala kung gaano ako kaswerte.
Sapagkat si Pasado ay maaaring hindi ganap na mag-isa, ito ang pinakamalapit na pwede ko siya malapitan.
Habang lumalabas ako sa aking sasakyan, huminto ako bigla, tumingin ako sa isang lalaki na nasa isang Harley na tumigil sa gilid ng kalsada na nauna sa akin.
Ang kutob ko ay nagsasabi sa akin na maghintay muna.
Pinapanood ko ang isang napakatangkad na lalaki na bumababa sa motorsiklo at lumalim ang aking paghinga.
Gago.
Ang macho nitong lalaki!
Nakasuot siya ng itim na mga bota, itim na maong, at isang fit na T-shirt, na nakakapit sa bawat tabas ng kanyang magandang hubog na katawan.
Ito ay… kahanga-hanga.
Puno ng mga tattoo.
Ang kanyang mahaba, at itim na buhok ay magulo pero sa nakakaakit na paraan.
Oh Diyos ko… Bakit tumigas ang aking mga utong?
Hesus, Ava!
Mag pokus ka!
Habang ang lalaki ay lumingon upang tumingin sa bahay ni Pasado, lumubog ako sa aking upuan, tiningnan ang kayang balbas na bagay sa kanyang magulong itim na buhok.
Puta.
Sinoangtaong ito?
Alam ko nang mabuti na kapag nasusundan ako, ito ay alin man sa mga pulis o isang karibal na gang.
At siya siguradoay hindi mukhang isang pulis.
Maingat na tumawid sa kalye ang lalaki na nakapokus ang mga mata sa bahay, at napansin kong bigla na may isang bagay sa kanyang kamay.
Isang itim na kahon.
Lumapit siya sa gilid ng bahay, tumitingin sa pagitan ng mga bakod at sa pader upang makita kung walang tao.
Ano ang ginagawa niya?
Isang pakiramdam ng takot ay unti-unting nagsisimulang mabuo sa aking tiyan.
Lumabas si Pasado mula sa bahay, nakatalikod. Humarap ako sa mabalbas na lalaki, nahuli ko siyang nagulat.
At pagkatapos ay tumatakbo siya mula sa pader, nakayuko sa ilalim ng mga bakod, at papalapit sa motorsiklo ni Pasado.
Maingat niyang ikinabit ang itim na kahon sa gulong sa likod ng motorsiklo, na may uri ng mekanismo dito.
Ano ang bagay na iyon?
Mukhang sariling gawa na bomba.
At doon ko na naisip…
Putanginang gago!
Sinusubukan niyang patayin ang aking bounty!
Hindi ngayon.
Tumalon ako mula sa aking sasakyan habang siya ay lumiliko palang upang makatakas.
Wala akong pakialam kung ang taong ito ay kaya akong patayin gamit lang ang kanyang dalawang daliri.
Wala akong pakialam na makita niya ako.
Kahit gaano man kasakit sa akin upang maligtas ang buhay ng isang walang kwenta tulad ni Pasado, walang dapat umagaw ng aking bounty.
Kahit pa itong matipunong lalaki na nakaitim..
Bago ako magkaroon ng oras upang maproseso ang aking susunod na galaw, nakikipag-karera na ako sa kalye ng sobrang bilis, lampas sa lalaking nakaitim na nakasira ng araw ko.
Naninigas siya ng maabutan niya ako, nanlalaki ang mga mata niya ng malampasan ko siya.
At pagkatapos ay ang kanyang napakalaking kamay ay humawak sa aking pulso, hinihila ako pabalik.
Tangina!
Napadulas paatras, napaikot ako at napaharap sakanya, habang nahihirapan ako magbalanse ng sarili.
Inikot niya ako papunta sa kanyang dibdib, nakahawak ang isa pang napakalaking braso sa akin at hinahatak ako sa isang yakap.
“Putanginang… gago!” Sinusubukan ko makawala mula sa kanyang mahigpit na hawak. Nakadikit ako sakanya.
At doon ko napansin.
Ang kakaibang agos na ito na tila dumadaloy mula sa kanyang paghawak, na nakakapagpatayo ng balahibo.
Nararamdaman ko ang pag labas nila sa likuran ng aking leeg, aking mga braso, aking dibdib, aking…
Putanginang gago!
Ayusin mo sarili mo!
Habang yumuyuko, sumisid ako at napaharap sa kanyang berdeng mga mata, na tumitig sa akin na may pag akit.
Hangga't gusto ko, hindi ko mapigilan ang susunod na kaisipan na lumilitaw sa aking isip.
Tangina.
Siya ay…
Napaka-matipuno.
Tulad ng isang uri ng diyos, bawat hulma niya ay inukit mula sa marmol. Ang mga malalaking balikat, mga braso… na puno ng mga tattoo.
Ang isa sa partikular na tattoo sa kanyang braso ay:
RoT
At sa ibaba nito, ang ulo ng isang lobo, na nakalabas ang mga ngipin.
Hinanap ko sa isip ko… saan ko nakita ang simbolong iyon dati?
Pinanood niya ako ng para bang natutuwa, pero—
Itigil na ito!
Siniko ko siya sa kanyang tadyang at lumuwag ang kanyang paghawak sa akin. Napahinga siya ng malalim.
Tumakas ako sa kanyang mga bisig at tumakbo ako palabas ng mabilis.
Hindi na ako nag-abalang sumulyap patalikod. Wala ng oras.
Si Pasado at ang kanyang tauhan ay nasa gilid ng daanan ngayon, na paikot ikot sa gate at lumabas sa daanan.
Habang nakikita nila ako, pinapanood ko ang pagkuha ng tauhan ni Pasado sa baril sa kanyang balakang. Pero mas mabilis ako.
“Ano ang—” sigaw ni Pasado ng tumalon ako papunta sa kanya, natumba siya patalikod, habang sumabog ang bomba sa likuran ko.
BOOM!
Sumakit ang mga tenga ko. Nararamdaman kong sumasakit ulo ko, pinilit ko binuklat ang aking mga mata at umupo ng dahan-dahan.
Pumikit ako ng ilang beses, sinusubukan kong mag pokus.
Ang daming mga materyales na sira sa paligid namin. Isang motorsiklo ay nasusunog. Isa naman ay sirang-sira na.
Sumulyap ako sa aking bounty.
Puta.
Siya ba…
Si Pasado ay nakahiga sa tabi ko, di na gumagalaw.
Sinusuri ang kanyang pulso, nakahinga ako ng malalim at nakabalik sa pag upo.
Walang malay lang. Hindi siya patay.
Marahil ay natumba mula sa pag untog sa kanyang ulo sa simento.
Pagmasid ko sa eksena, mukhang hindi maswerte ang kanyang kaibigan…
Habang humuhupa ang matinis na tono sa aking tenga, napalitan ito ng ibang tunog. Isang ingay na parang wangwang pero parang ang layo nito. Mahirap alamin kung saan nanggaling.
Pero sa bawat sandali na lumilipas, lumalakas ang tunog.
Hayop!
Ang mga pulis!
Mga sirena ng pulisya — marami sa kanila, na may tunog nito — na papalapit sa bawat segundo.
Ang mga pulis na under ng mga Toltec.
Marahil ay babarilin nila ako agad, wala ng katanungan.
O akusahan ako para sa bigo na pagtatangkang pagpatay.
Napalunok ako, ang aking mga mata ay napupunta pabalik sa hindi gumagalaw na katawan ni Pasado.
Gago.
Paano ko ilalagay ang kanyang katawan sa kotse mag-isa?
Siguro kung mayroon akong higit sa tatlumpung segundo…
Pero hindi.
Mahuhuli nila ako.
Kukunin ko nalang si Pasado mamaya.
Pero ito ay magiging mas mahirap ngayon…
Ngayon na ang RoT — kung sino man sila — ay inalerto ang mga Toltec sa target sa ulo ni Pasado.
Kung sa palagay ko mahirap siya kunin dati…
Nagmura ako ulit.
Hindi pa ako nabigo sa trabaho dati.
Ito ay kanyangkasalanan.
Ang lalaking nakaitim.
Galit na galit ako — desperado na malaman kung sino siya.
At kung paano niya ako nagawang malito at napainit ang katawan ko…
Nang walang pag aalinlangan, hinila ko ang aking sarili at tumayo papunta sa aking sasakyan.
Kung makikita ko siya ulit, gigilyitin ko ang kanyang putanginang lalamunan.
Pagkatapos niyang paglaruan ang aking—
BOOM!
Hayop!
Sumabog ang pangalawang motorsiklo sa likuran ko.
Pumunta ako sa aking Prius, inilalagay ito sa paraan na pagmamaneho habang lumiliko ang mga pulis sa kabilang dulo ng kalye.
Habang papalayo ako, sumulyap ako sa salamin para makita ang kalat na naiwan ko, ang naiisip ko lang ay ang mga berdeng mata na iyon…
At ang RoTtattoo.
Gagawin ko ang lahat upang malaman kung ano ang ibig sabihin nito…
Upang malaman kung kailan ko ulit makikita siya.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Lagot ako, Paulit-ulit kong iniisip, habang kinukuskos ko ang dumi mula sa gulong sa likuran ng aking motorsiklo.
Nakatago ako buong gabi sa aking pagawaan, sa garahe sa tapat ng kalye mula sa aming clubhouse.
Valhalla.
Naririnig ko ang musika sa kabila ng kalsada. Nagkikiskisan na mga bola ng billiards. Tawa ng mga babae.
Ang aking mga kapatid, aking hari, lahat ay gustong malaman ang kwento ng pagkamatay ni Pasado.
Isang kamatayan na hindi pa nangyayari.
Nagsalita ako ng isang tahimik na panalangin kay Tyr, ang diyos ng giyera at hustisya, na sana ay si Haring Haf ay hindi pupugutan ang aking ulo at itabi sa ulo ng moose na binaril niya sa Sweden.
Mayroon akong isang trabaho:
Patayin ang putanginang gago na si Javier Pasado.
Ang mga Toltec ay ang aming tanging karibal lamang sa bayan, bukod sa mga Russian — na medyo pinapabayaan lamang kami basta manatili kami sa Bay Area.
Ngunit ang mga Toltec… ang mga iyon ay sakim.
Anim na buwan na ang nakalilipas, sinimulan nila ang pagtaksil saaming kasunduan at sinubukang barilin ang aking mga bror—ang aking mga kapatid. Pagnanakaw pa ng mga kagamitan namin.
Walang sinumang manggagago sa mga Rider ng Tyr at mabubuhay pa upang makita ang pagsikat ng araw.
Pero…
Ang mga Toltec ay nananatiling buhay.
Dapat tapos na ang lahat ngayon.
Papatayin ko sana ang putanginang na nangangasiwa sa mga pagsalakay, sa pag-asang maaari na kaming magsimulang makakuha ulit ng pera.
Maliban…
Maliban sa pinakaseksing babae na nakita ko na sinira ang lahat.
Bumalik ang aking isip sa mga kulay berdeng mata na iyon. Ang hubog ng kanyang maliit na katawan. Ang pagbaba ng kanyang shirt sa kanyang balikat…
” Mukha kang tae, bror,” sabi ng isang boses, at itinaas ko ang aking ulo upang makita si Tor na nakatayo sa pintuan ng garahe.
Ang aming earl — ang tinatawag namin sa aming bise presidente.
Si Tor at ako lang ang dalawang Rider na lumaki sa club — lumaki sa mga tradisyon ng aming mga ninuno na viking.
Sa ganon, hindi lahat sa kanila.
Itinatag ng kanyang ama ang Amerikanong kabanata ng mga Rider ng Tyr, at pinapatakbo pa rin ng kanyang lolo ang inang kabanata sa Sweden.
Kung hindi pinilit ni Tor na ipagupit ang kanyang buhok na maikli, siya ay magiging hitsura na ng isang viking. Gintong buhok, Asul na mga mata. Isang grupo ng mga babae ang sumusunod sa bawat galaw niya.
“Hinahanap ka ni Haf,” dagdag ni Tor, na nakaupo sa upuan sa tabi ko at tinatanggal ang kanyang mga bota.
“Alam ni Haf kung saan ako hahanapin,” sagot ko, na bumalik sa aking trabaho.
“Ayos ka lang, bror?”
Napabuntong hininga ako, iniiwan ang aking proyekto upang umupo sa tabi ng aking matalik na kaibigan. Inabutan niya ako ng sigarilyo.
“Tungkol ba ito kay Lily?”
Nanigas ako sa tunog ng pangalan niya.
Lily.
Siya lang ang maliwanag na ilaw sa madilim na mundong ginagalawan natin.
Halos dalawang buong taon na mula nang…
Ang aking selpon ay tumutunog sa bulsa ng aking pantalon. Inilabas ko ito, nagpapasalamat sa distraksyon.
Pero nanigas ang selpon sa aking kamay.
“Gago. Si Haf yun.”
Daing ko.
Ngayon mukhang ang bilang ng katawan ay magiging dalawa para sa presyo ng isa…
Gago!
Paano ko siya mahahanap?
Bumangon ako, hinuhukay ang aking mga kamay sa bulsa ng aking dyaket, naghahanap ng lighter.
“At saan ka pupunta?” Tanong ni Tor.
“Upang makita ang isang babae,” pag sabi ko.
“Gusto kong maging seryoso ka, bror,” tugon ni Tor, na sinusundan ako habang pinapalabas ko ang aking Harley palabas ng garahe. “Sa ikabubuti mo yan.”
Oo nga, tama.
Pagod na ako sa lahat na tumitingin sa akin na para akong isang kawawang nasugatang tuta.
Wala akong sinabi, nilalagay ang aking susi sa motor.
Ang makina ay nabuhay at nalunod ang anumang sasabihin pa ni Tor.
Sa aking pagsakay sa gabi, hindi ko maiwasang makonsensya.
Nakokonsensya dahil… Nasasabik ako.
Makikita ko ulitsiya.
Ibig kong sabihin, kailangan ko siyang patayin, pero…
Belyy Krolik.
Ang Puting Kuneho.
Nakatayo ako sa gitna ng naka-ilaw na sahig, sa gitna ng maraming mga sumasayaw na puno ng leather at pintura ang katawan, at sinusubukan kong alalahanin kung ano ang ginagawa ko dito.
Ang techno club ay madilim, malawak, at madampog — tulad ng isang gubat sa gabi.
Pamilyar ang pakiramdam sa lugar… nakapunta na ba ako dito?
Hindi ako makapag desisyon.
At pagkatapos ay nakita ko siya.
Nakaupo sa likurang sulok ng kwarto sa may red velvet na lubid — ang seksyon ng VIP — kasama ang dalawang malalaking lalaki na nakatabi sa kanya.
Gwapo talaga siya. Maayos ang pagkaahit sa balbas. Ang kulay-abong-kulay-asul, maitim na kayumanggi na buhok ay nakaayos sa mala-moreno niyang mukha. Alam ko maraming mga kababaihan ay nahuhulog sa kanyang mga paa.
At ngayon, naalala ko kung bakit ako napunta dito.
Para sa kanya.
Maswerteng lalaki ngayong gabi.
Habang papalapit ako sa kanya, ramdam ko ang kanyang madilim na mga mata na gumuhit patungo sa aking katawan, kumuha ako ng lipstik mula sa aking pitaka at hinayaan itong dumulas sa aking mga daliri.
Ang lipstik ay gumulong sa madulas na sahig, huminto bago ang kanyang mga paa.
Nakangisi, yumuko ang lalaki upang kunin ito at lapitan ako.
“Naniniwala akong iyo ito,” sabi niya sa kanyang makinis na accent sa English, nakasandal sa aking tenga.
“Oh! Salamat!” Kinuha ko ang lipstik mula sa kanyang kamay, nararamdamang dumidikit ang mga daliri sa akin.
Sumandal siya para mas makita ako, na dumidilat ang mga mata niya..
“Sana sabihin mo sa akin na narito ka lang mag-isa,” sabi niya.
“Mukhang ganun na nga.” Ngayon naman ay ako ang bumulong sa tenga niya. “Pero sana hindi masyadong mahaba pananaliti natin.”
“Bulok na ang lugar na ito,” sagot niya, landi sa aking nakabitin, na mga hikaw na pilak, na bumabagay sa mga hairpin na nasa puyos ko. “Nananatili ako sa Ritz. Ano kaya kung…”
“May alam ako na lugar… mas malapit,” pagsabi ko, at kumindat. “Kung gusto mo talaga.”
Bago pa niya ito mabigyan ng pangalawang pag-iisip, sumandal ako at kinagat ang kanyang mga labi, sinisipsip ito.
Siya ay umungol, hinatak ako sa kanyang katawan, at nararamdaman kong tumigas siya sa kanyang pantalon.
Bigla siyang tumingin sa paligid, may binulong sa isa sa kanyang mga kasama. At pagkatapos ay hinihila ko siya patungo sa sayawan…
Bumaba sa butas ng kuneho.
Ginabayan ko siya sa isang madilim na daanan, sa isang makitid na hagdanan…
Simula doon, ang lahat ay nagbago.
Wala na ako sa club, pero sa balkonahe ng isang yate, na gumagabay sa isang walang kaalam alam na bilyonaryo, malayo sa party sa loob.
Isang bibong, blond ang buhok na money launderer na may ugaling pagbibilang.
Ang karagatan ay tahimik — na parang nagpipigil hininga.
Itinapon ko siya sa dikit ng pader, gumagalaw ang aking mga kamay upang hubarin ang kanyang sinturon.
Kinuha niya ang aking makinis, itim na buhok na nakapuyos, habang hinihimas ang ulo ko.
Ang mga bituin sa itaas ko ay kumukupas, at ang aking paligid ay nag iiba muli.
Nakatayo ako sa loob ng banyo ng eroplano, nakasuot ng unipormeng pang stewardess, habang ang pangalawang pinakamalaking tagabenta ng kokaina sa Moscow ay hinahalikan ako pababa sa aking leeg.
Ipinasok niya ang isang kamay sa aking blusa, habang minamasahe ang dede ko.
“Gustung-gusto ko sa babae ang nakapuyos,” aniya niya, habang tinutulak ako sa may lababo.
“Alam ko.”
Ang kanyang mga kamay ay humahaplos sa aking likuran, habang hinahawakan pwet ko.
“Tangina, baby, gusto ko na ito ipasok sayo,” buntong hininga niya.
“Edi gawin mo,” pang-aakit ko.
Nilapat ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang minamasahe ito.
Umungol siya, sinusubukan na alisin ang isa kong kamay mula sa kanyang leeg at dalhin ito sa naka umbok sa kanyang pantalon.
“Ipikit mo ang iyong mga mata, baby,” pang-aasar ko. “Meron akong sorpresa para sa iyo.”
Ginagawa niya ang utos ko, at dinilaan ang kanyang mga labi.
“May tiwala ka ba sa akin?” Tanong ko.
“Oo.”
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti.
“Bakit?”
“A-Ano?” Ang kanyang mga mata na nagpapaawa ay bumukas ng tanggalin ko ang hairpin mula sa aking puyos.
Hinawakan ko ang kanyang ulo.
“Binabati ka ni Dmitri Vasiliev.”
At pagkatapos ay sinaksak ko ang lalamunan niya.
Habang nawawala ang buhay mula sa kanyang mga mata, lahat ng kapaligiran ay nagbabago.
Sumulyap ako sa paligid at nalaman na nakatayo ako sa sala ng aking mga magulang.
Pumapatak ang ulan sa bubong. Ang buong silid ay puno ng nakasisindak na mala-bughaw na ilaw.
Nakita ko ang lalaking nasa sahig.
At nang makita ko ang mukha niya…
Doon nagsimula ang sigawan.
Umupo ako ng biglaan, kumakabog ang dibdib.
Panaginip lamang ito,sinasabi ko sa sarili ko.
Mas madaling magpanggap na wala akong nakita na totoo.
Pinahid ang malamig na pawis mula sa noo, sinulyapan ko ang paligid ng aking motel room.
Maliwanag sa labas.
Umaga na? Parang nakapikit palang ako kanina…
Sabagay, hindi ako yung tipong tulog mantika.
Simula nung umalis ako ng bahay.
Sinusuri ko ang aking selpon at nakita ang tatlong mga mensahe.
***
“Pakiusap. Huwag mo gawin ito!” Isang mataba na matandang lalaki na nakasuot ng Battlestar GalacticaT-shirt na may alikabok na Cheetos sa kanyang mga daliri ay gumagapang sa lote na nakaluhod.
Sinusubukan niya akong takasan.
Minsan nakakaaliw na panoorin silang sumubok.
Pero ang taong ito, ang tatlumpu't pitong taong gulang na tamad na tumakas sa piyansa noong nakaraang buwan matapos nakawan ang isang tindahan na Dunkin Donuts… Napuno na ako sa kanya.
Nabali ko na ang pareho niyang tuhod, at siya ay nagsisikap pa ring tumakbo…
Tinapakan ko siya sa kanyang likuran, at sa wakas ay sumuko siya, at tinanggap ang kanyang kapalaran.
“Mga kamay sa likuran mo,” utos ko, at sinunod niya.
Habang pinoposasan ko, itinulak ko ang gago sa likuran ng aking sasakyan.
Tumagal lamang ako ng ilang oras upang hulihin ang lalaki. Siya ay nakatira sa ibaba ng bahay ng kanyang ina.
Sinubukan ng duwag na tumakas palabas sa likuran, pagkatapos ay pinahinabol niya pa ako sa Starbucks sa kalye. Gago talaga.
Hay…
Isang araw na naman nakalipas, pera nanaman.
Pinapalipas ko lang ang aking oras hanggang sa aking tunay nasweldo.
At hindi ko tinutukoy ang limampung libong dolyar.
Matapos ang lahat ng kalokohan na nangyari kay Pasado kahapon…
Personalan na to.
Ang paghuli sa kanya sa wakas ay mas matamis pa sa kapeng Unicorn Frappucino.
Umakyat ako sa upuan ng aking sasakyan, palabas papunta sa kalsada.
“Pakiusap! Hindi ko nagawa yun!” sigaw ng ang aking bounty mula sa likod. “Sumusumpa ako sa diyos!”
Umirap ako.
Habang tumigil kami sa pulang ilaw, binuksan ko ang radyo upang malunod ang kanyang mga sigaw. Naglipat ako sa mga estasyon, at sa wakas ay nakahanap ng ilang kalahating disenteng disko.
Isang madilim na pigura sa isang motorsiklo ang humila sa tabi ko sa kaliwang kalsada.
Habang idinikit ko ang aking mga kamay sa manibela, humuhuni sa matamis na musika, kaswal kong sinulyapan ang rider na nasa motorsiklo.
Tangina.
Siya yun.
Ang gwapong biker na nagtangkang pumatay kay Pasado!
Dumapo ang aking mga mata ang kanyang masikip, itim na pantalon.
Ang itim niya na T-shirt ay nakakapit sa bawat hulma ng kanyang katawan.
Gustong-gusto niya talaga ang kulay itim.
Diyos ko, ang sarap talaga ng lalaking ito.
At hindi ko tinutukoy ang Frappuccino.
Nadistract ako na hindi ko narinig ang mga busina sa likuran ko.
“Um… miss?” sabi ng aking bounty mula sa likurang upuan. “Alam mo na berdeng ilaw na, diba?”
Habang bumalik sa katinuan, ang lalaking nakaitim ay lumingon ng kanyang ulo…
… at direktang tumingin sa akin.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!