logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Medyo boring ang buhay para kay Alice: pumapasok siya sa high school, nanonood ng ~Gossip Girl~ kasama ang BFF niyang si Sam, at nagtatrabaho siya nang part-time sa isang kainan. Walang kahit na anong exciting na nangyayari sa kanya — hanggang sa isang gabi, habang nagtatapon ng basura sa trabaho, nakagat siya ng isang lobo!

Ang nakakapagtaka lang pag gising niya noong sumunod na umaga, magaling na agad ang sugat niya at para bang mas lumakas pa ang pakiramdam niya! Higit na mabuti kaysa sa dati. Problema nga lang, hindi lang siya ang nakakapansin sa mga magagandang pagbabagong ito… Maging ang Bad-boy na si Ryder at ang buong gang, biglang na lang naging interesado sa kanya, bakit nga kaya?

Rating ng Edad: 16+

 

Chasing the Omega – Jessica Edwards

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Medyo boring ang buhay para kay Alice: pumapasok siya sa high school, nanonood ng Gossip Girl kasama ang BFF niyang si Sam, at nagtatrabaho siya nang part-time sa isang kainan. Walang kahit na anong exciting na nangyayari sa kanya — hanggang sa isang gabi, habang nagtatapon ng basura sa trabaho, nakagat siya ng isang lobo! Ang nakakapagtaka lang pag gising niya noong sumunod na umaga, magaling na agad ang sugat niya at para bang mas lumakas pa ang pakiramdam niya! Higit na mabuti kaysa sa dati. Problema nga lang, hindi lang siya ang nakakapansin sa mga magagandang pagbabagong ito… Maging ang Bad-boy na si Ryder at ang buong gang, biglang na lang naging interesado sa kanya, bakit nga kaya?

Rating ng Edad: 16+

Orihinal na May-akda: Jessica Edwards

ALICE

Di naman ganun ka-pangit ngayong gabi, ibig kong sabihin, may mga magaganda at pangit kang araw, ‘di ba? Madalas, tahimik dito pag linggo, pero ayos lang, di na masama.

Mababait at galante ang mga regular customers magbigay ng tip, at maging ang boss kong si Robbie, okay din siya.

Oo, may pagkatamad siya at medyo matagal kung tumitig sa likod ko, pero at least, palagi naman siyang nagpapasahod on time at pinapayagan niya akong dalhin ang mga natitirang pagkain sa bahay.

Tumingin ako sa luma at bilog na orasan na nakabitin sa dingding at nagbuntong-hininga.

Kalahating oras na lang.

Tinitingnan ko ang huling customer ngayong gabi, nagdadasal ako na sana malapit na siyang matapos. Kinuha ko ang coffee pot at naglalakad papunta sa cutomer na may pilit na ngiti.

“Kape pa po, sir?” Nakikiusap ang mga mata ko na magsabi siya ng “no”

“No thank you, my dear,” sagot niya habang tumatayo na sa mesa.

Tinulungan ko siyang isuot ang kanyang amerikana at kinuha ko ang payong niya. Inaabot niya sa akin ang limang daang piso at lumabas na siya ng pintuan nang walang anu-ano.

Inilagay ko ang pera sa drawer at pinatay ang mga ilaw sa diner.

Pagkatapos, nagtungo ako sa likuran ng kainan kung nasaan ang kusina, at narealize kong kami na lang palang dalawa ni Terry ang natira.

Tinitingnan ni Terry ang schedule na nakabitin sa dingding ng opisina na may ng pag-aalala sa mukha.

Malakas na nagbuntong-hininga si Terry habang tinitingnan ang mga araw ng trabaho niya. Higit tatlumpung taon na siyang nagtatrabaho dito sa diner, at wala ni isang beses siyang nagkaroon ng day off.

Pumuputi na ang buhok niya, pero kaya niyang lutuin ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko.

“Uy Terry, kakaalis lang ng huling customer. Gusto mo bang i-lock ko na ang diner para sa iyo? “

Sinagot ako ni Terry nang hindi inaalis ang tingin niya sa schedule, “I-lock ko ang harap, pero pwede ba isang favor bago ka umalis, dear?”

Bago pa ako nakasagot, tinipon na ni Terry ang anim na plastic bag na puno ng basura at nilagay ang mga ito sa paanan ko.

“Gusto mo bang ilabas ko ang mga ito sa dumpster?” Tanong ko. Kinuha ko ang lahat ng anim na bag, tatlo sa bawat kamay, at tumingin kay Terry.

“Please? Salamat.”

Kinuha niya ang jacket niya, kumaway sa akin, at umalis na.

Napatingin ako sa swinging door, napatulala, at umiling.

Hawak ang mga bag ng basura, lumabas ako sa likod at naglakad papunta sa tambakan. Napailing ako nang makita kong bumubuhos na ang ulan.

Ayos. Salamat, Terry. Salamat nang marami.

Itinulak ko ang tuktok ng dumpster, at kinuha ang unang dalawang bag para itapon ang mga ito nang biglang, mula sa kadiliman sa likuran ko, nakarinig ako ang mahina, at hindi maitatangging tunog ng ungol.

Nanigas ako, iniisip kung imahinasyon ko lang ba yung naglalaro sa akin.

Takot na takot, hinawakan ko ang mga plastic nang mahigpit at humarap, hinawakan ko ang mga bag ng basura na para bang isang espada, handa nang makipaglaban.

Pag dilat ko, nakita ko ang pinagmumulan ng ungol. Nakatayo nang wala pang dalawang metro ang layo mula sa akin ang pinakamalaking lobo na nakita ko sa buong buhay ko.

Napahikbi ako sa takot at dahan-dahang nagsimulang umatras, nabitawan ko ang aking pansamantalang sandata. Atras, hanggang sa naramdaman kong dumikit na ang likuran ko sa tambakan at narealize kong wala nang tatakbuhan.

Nangangatog sa takot, ipinikit ko ang mga mata ko, nagdasal na sana hindi isang banta ang tingin sa akin ng lobo.

O mas malala, isang pagkain.

“Huwag mo akong saktan,” paulit-ulit kong bulong sa sarili.

Iminulat ko ang mga mata ko sabay nagsisi na sana hindi ko ito ginawa.

Nanlilisik ang mga pulang mata niya sa akin, at siguradong hindi niya ako iiwang buhay.

Nababalutan ng mapusyaw na kulay abo ang malaking bahagi ng balat nito sa katawan, walang balahibo, para bang binunot at kinalbo ito.

Mukhang may peklat ang lobo sa buong katawan niya. Paano kaya siya naka-survive nang matagal na panahon?

Ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko. Lumuhod ako sa basang semento nang nakayuko ang ulo, sa pag-asang magiging hudyat ito ng pagsuko ko.

Umalulong ang lobo sa lalim ng gabi at bumulusok sa akin.

Sumisigaw ako habang nilalapa ako nito, ngunit pagkatapos ay tumatakbo ito sa mga matataas na damo at nawala sa paningin ko. Tiningnan ko ang direksyon kung saan tumakbo ang lobo at maya-maya pa’y natawa na parang isang baliw.

tang ina!…?

Umiling ako at binangon ang sarili ko mula sa sahig, sira ang uniform ko.

Chineck ko ang sarili ko, at doon ko napansing wasak ang damit ko sa may kanang balikat.

Bakit ang sakit ng balikat ko?

Parang may kumuha ng isang tipak mula sa t-shirt ko.

“Aray!” Napangiwi ako habang hinahawakan ang balikat ko, nakita ko ang kamay kong nababalot ng dugo.

Dugo! Kinagat ba ako nun!?

Tumingin ako sa paligid, nag-iisip kung totoong nangyari iyon.

Nanginginig pa, dinampot ko’t tinapon ang huling plastic ng basura, Kinuha ang bag ko, nilock ang diner at umuwi.

Habang naglalakad ako sa dilim, pauwi ng bahay, hindi na bumubuhos ang ulan, tumingala ako sa langit, at napansin ang kabilugan ng buwan.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

ALICE

Pagdating ko sa eskwelahan kinaumagahan, ang tanging nasa isip ko lang ay yung nangyari kagabi. Maaga akong nagising para i-check kung totoong nangyari yun, at napatunayan kong totoo nga nang makita ko ang mga marka ng kagat.

Dahil doon, hindi ako nakatulog. As in. Sobrang sakit matulog nang nakatagilid sa kanan.

School ang pinakahuling lugar na gusto kong puntahan.

Naglalakad ako papunta sa locker ko para kunin ang English book, tapos naririnig ko ang BFF ko na tinatawag ang pangalan ko mula sa kabilang dulo ng corridor.

“Alice! Napanood mo ba ang Game of Throneskagabi? “

Isang bagay tungkol kay Sam, wala siyang pakialam sa kahit na anong isipin ng ibang tao sa kaniya.

Ako? Masyado akong nag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip ng mga tao.

Pagdating ni Sam sa locker ko, namaywang siya at bahagyang tinabingi ang ulo habang hinihintay ang sagot ko.

“Ano, pinanood mo ba?”

Umiling ako, “Hindi … Na-miss ko.”

“Ano? Paanong na-miss mo? Alam mo namang ending na yun ‘di ba?” pa-sigaw na sabi niya sa akin.

“Sam.” sinenyasan ko siya na babaan ang boses niya. “Nakatingin lahat satin.”

“Sa tingin mo ba may paki ako sa iniisip ng mga tao?”

Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot. Sa halip, lumingon siya at humarap sa lahat ng mga nanonood.

“Wala bang nakapagsabi sa inyo na hindi magandang maki-osyoso? Palaging sinasabi sa akin ng nanay ko na huwag titigan ang kahit na sino, dahil pag ginawa nyo yun, may mga taong hindi ganun kabait katulad ng mangyayari sa akin.

Tumalikod siya at nagkibit balikat sa akin nang makita ang pagkabigla sa mukha ko. “Sabi ko naman sa iyo, wala akong paki sa iniisip ng ibang tao.”

Tiningnan ko ang loob ng bag para makita kung meron na ako ng lahat ng kailangan ko, sabay wala ang pencil case ko. Binuksan ko ulit ang locker at narinig ang buntong-hininga ni Sam.

“Nakatingin pa ba ang mga tao?” Tanong ako.

“Ha? Ah, hindi si Ryder lang at ang tropa niya. Kung maglakad sila dito akala mo pagmamay-ari nila ang buong lugar, pero seryoso, bakit ba sobrang lakas ng dating ng lalaking yan?”

Matapos kong kunin ang pencil case ko, isinara ko ang locker ko at tumingin sa bff kong nakanganga.

“Sam! Nakatitig ka, mahal, at naglalaway.” Isinasara ko ang bibig niya, isinuksok ang pencil case sa bag at tumingin sa kanila.

Lahat ng tao tumatabi sa gilid para magbigay daan sa kanila kapag naglalakad sila.

Kita mo, ang gang na ito ang halos nagmamay-ari ng paaralan, at kapag sinaktan mo ang isa sa kanila, parang sinaktan mo rin silang lahat.

Kilala sila ng bawat isa dito, at walang sinumang naglalakas-loob at sumubok na kausapin sila, o kahit lapitan sila.

Magkakahelera silang naglalakad sa isang perfect line: Sina Bane at Silver sa dulo, kasama sina Kellan at Ryder sa gitna.

Si Bane ang pinaka mukhang nakakatakot sa kanilang lahat. Pahabang bilog ang hugis ng mukha niya at may maliliit na butas ang mga asul na mata. Buo at firm ang bibig niya. Naging firm dahil sa palaging naka-ismid.

Kayumanggi ang kulay ng balat niya, warm golden brown na lalong nagpapalutang sa matipuno niyang katawan. Makapal, maitim, at madulas ang buhok niya pababa sa magkabilang gilid ng naka-shave niyang ulo.

Mayroon din siyang itim at malagong balbas na dekorasyon sa kanyang mukha. Mahirap, minsan, na seryosohin siya dahil sa balbas niya, kasi nagmumukha siyang isang adult teddy bear.

Pero kung totoo ang chismis, siguradong hindi mo yun dapat sabihin sa harap niya – pwera na lang kung gusto mong mauwi sa ospital.

Nakasuot siya ng plain white na fit sando na sakto lang ang haba para makita ang buhok niya sa dibdib, at ang isang mahaba at itim na kuwintas.

Ang kuwintas ay gawa sa tatlong magkakaugnay na swirl na sa palagay ko ay triskelion kung tawagin. Nakasuot siya ng masikip at itim na pantalon at itim na boots na may mababang takong.

Sumunod, tiningnan ko si Silver, na naglalakad sa dulong kanan, at walang habas ko siyang tinitingnan.

Lahat ng babae gustong maging siya, at lahat ng lalaki sa eskwelahang ito gustong i-date siya. Pero alam ng lahat na inlove siya kay Ryder.

Yung paraan ng pagtingin at pagngiti niya kay Ryder, with her perfect teeth and her perfect body. Mayroon siyang heart-shaped face, makinis at maputing balat, at bright blue eyes.

Buo at perpekto ang hugis ng bibig niya, na lalong nagpapalutang sa kanyang pouty lips. Nakasabit ang kanyang mahaba, natural, at hindi nakaayos na itim na buhok sa kanyang kaliwang balikat at nakalugay hanggang sa kanyang baywang.

Maliit lang ang built niya pero maganda ang pangangatawan. Sabi sa chismis, minsan daw niyang ginulpi ang isang varsity player nang hampasin nito ang pwet niya.

Sa ambulansya ang bagsak ng lalaki, at hindi nakabalik ng eskwela hanggang noong sumunod na buwan. Mula noon, wala nang umulit na manghipo sa kanya. Wala na pagkatapos nun.

Nakasuot siya ng itim na leather jacket na hanggang baywang, plain black shorts, at itim na high boots na hanggang hita.

Si Kellan ang may pinakamabait na itsura sa kanilang lahat. Parang weird nga na makita siyang kasama ang mga taong ito.

Oval-shaped ang mukha niya, katamtaman ang kulay ng balat, dark brown eyes na mukhang mabangis pero mukha ding maamo at the same time.

Walang ekspresyon ang mukha niya, kaya mahirap malaman kung masaya o malungkot siya. Saktong-sakto ang curly brown hair niya para sa kanyang perfectly shaped face.

Nakahikaw siya ng black stretcher plug sa kaliwang tainga, at natatakpan ng colourful art ang mga braso niya. Slim ang katawan niya, walang kahit isang ounce ng taba sa katawan, purong muscles lang.

Nakasuot siya ng fit, plain white na sando, tight black jeans, at itim na sneakers.

Maaaring si Kellan lang ang tanging approachable sa kanilang lahat. Mayroon siyang aura ng kabaitan na nag-aattract sa mga tao palapit sa kaniya at dahilan kung bakit imposibleng kaayawan siya.

Naalala ko noong magkasama sila ng kasintahan niya.

Si Anna ang isa sa pinakasweet na babae dito sa school. Lahat ng mga tao dito nirespeto at trinato siya nang maganda.

Pero nawala kay Kellan ang mahal niya mahigit isang taon na ang nakakalipas, matapos matagpuan ang katawan ni Anna sa may tabing ilog isang madaling araw.

Sabi ng mga tao, parang isang horror movie ang crime scene. Nakakatakot.

Gayunpaman, nawalan ng isang bahagi si Kellan matapos mawala si Anna, at hindi ko siya masisisi.

“Anong meron siya na wala ang iba? Malamang may mahiwagang kipay siya o magic vagina, ganun! At, malamang nakipagsex na yan diyan sa kanilang tatlo.” Pabulong na sabi ng friend ko habang nakatingin kay Silver.

Inilayo ko ang tingin ko mula kay Kellan habang nilalampasan niya kami at huminga ako nang malalim sa bestfriend ko.” Sam, tigilan mo na ang pagtitig bago ka pa niya bugbugin, at bago ka pa abutin sa ospital!”

“Bakit ba? As if naman naririnig niya ako.”

Hinawakan ko ang kamay ni Sam at hinila ko siya pababa ng corridor patungo sa English class namin. Umupo kami malapit sa harapan, at inilabas ko ang reading book habang hinihintay si Mr. Daniels.

“Sa totoo lang, paniguradong natutulog siya kasama ang isa sa kanila.” Itinuro ni Sam ang dulo ng ballepen niya sa likuran ng klase nang hindi lumilingon.

Tumingin ako sa balikat ko papunta sa likuran at nakita ko silang apat na magkakahelerang nakaupo, pero wala ni isa man sa kanilang nakikipag-usap.

Nakaupo si Silver sa tabi ni Ryder, as always. Palagi naman siyang nasa tabi niya.

Tiningnan ko si Ryder, patay-malisya lang siya habang hinahaplos-haplos ni Silver ang braso niya.

Kahit sinong makakita makakapagsabing sinasamba niya siya.

Si Kellan naman nananatiling tahimik, nakaupo habang nakapangalumbaba.

Si Bane naka-dekwatro ang legs sa ibabaw ng mesa, habang nasa likod ng ulo ang mga kamay niya. Tinitingnan niya ang buong classroom na parang inoobserbahan ang lahat ng bagay sa paligid niya. Saka ko lang narealize.

“Sam!” Nasagi ko ang kamay niya paglingon ko, at di sinasadyang mahulog ang ballpen mula sa kamay niya.

“Paboritong bolpen ka yan.” Tinuro niya ang sahig. “Hindi naman ito nang-aano ah” “Dapat bang nandito sila sa klaseng ito? Bakit ngayon ko lang na-realize?” Bahagya akong nag-sideview at lumingon sa may likod.

“Kalagitnaan na ng senior year so… hindi. Hindi pinapayagan ng school ang mga estudyante magpalit ng course sa kalagitnaan ng taon, pero hindi ko alam. Baka ginawan nila ng paraan kay Mr. Daniels?” Opinyon ni Sam.

Pinulot niya ang ballpen at chineck ang sira. “May utang ka sa aking bagong ballpen, ha. Regalo sakin ‘tong fountain ballpen na ‘to”

“Oo na” Muli akong tumingin sa likuran ng klase, at napansin kong nakatitig din sila sa akin.

Nakaka-intimidate talaga sila.

Bahagyang tinabingi ni Silver ang ulo niya sa gilid at tinitingnan niya ako nang masama, habang tumutunog mga panga ni Bane.

Kumunot ang noo ko at ibinaling ang tingin kay Kellan. Ngumiti siya nang kaunti kasabay ng mga mata niya noong ngumiti ako sa kanya.

Isang segundo lang siyang nakangiti, at pagkatapos ay muling tumingin sa mesa niya. Tuluyan na akong humarap sa likod para makita si Ryder, at sa kauna-unahang pagkakataon sa maraming taon, natitigan ko siya nang maayos.

Parang inukit ang mukha niya, na may makinis at kayumangging balat, at kulay berdeng esmeraldang mga mata na siyang dahilan kung bakit hindi ko maalis ang tingin, ngunit walang pananakot, o pagkamuhi, just a pure, curious stare.

Tiningnan ko siya, tinitigan niya rin ako habang nakangisi. Ang kanyang mga labi ay buo at firm.

Siguradong marami nang nahalikang babae ang mga labing yan…

Matapos ayusin ang sombrero niya, hinawi niya ang kanyang makintab at itim na buhok sa isang side at nilabas ang dila habang nakatingin sa akin. Muling kumunot ang noo ko sa kalituhan, at tumalikod.

“Asshole,” mahinang bulong ko.

Habang nakaharap na ako sa blackboard, ang tanging naririnig ko lang ay si Ryder na tumatawa mula sa likuran.

Shit! Nakakabasa ba siya ng labi o ano?

“Sinong asshole?” Tumingin si Sam sa paligid para hanapin ang tinutukoy ko, pero nakita niya akong nakatingin sa kanya.

Nagpanic siya at tinuro ang sarili na para bang nagtatanong. “Kung tungkol yan sa ballpen, huwag mo nang isipin yun”

“Hindi, wala yun. Wala lang ako sa mood magtrabaho ngayong gabi.”

Kinuha ko ang libro at ini-skim ang cover.

“Nahuhuli ka ba sa homework? Pwede kitang tulungan sa diner ngayong gabi, kung gusto mo? ”

“Salamat, pero sigurado makakahabol naman ako sa oras.”

Naglabas ako ng ballpen sa pencil case nang biglang bumukas ang pinto ng classroom.

May sakit ba si Mr. Daniels ngayon?

“Magandang umaga class, Ako si Mr. Edmund, at ako ang magiging guro nyo sa Ingles sa natitirang semester ng taon. Alam ko binabasa nyo ngayon ang nobelang Wuthering Heights. Mayroon bang pwedeng magvolunteer para magsimula tayo? “

Isinulat niya ang kanyang pangalan sa whiteboard bilang Oliver Edmund.

“Nasaan si Mr. Daniels?” Tanong ni Sam.

“Hindi ako obligadong i-share ang impormasyong iyan sa iyo, Ms. Frey.”

Tumalikod siya at tinitigan si Sam nang malamig.

“Sir? Pinangakuan kaming ibabalik sa amin ang mga resulta ng exam ngayon, ”sinabi ko nang may paggalang.

Ang practice test ang tanging kailangan ko para maipasa ang pagsusulit sa susunod na linggo.

Kapag bumagsak pa ako ulit ng isa pang subject, hindi ko na alam kung paano ako makakasurvive sa natitirang taon ng senior year.

“Alice, tama?”

Naglalakad siya sa pasilyo, hawak ang clipboard na may pangalan ng bawat isa sa klase, at ipinaling ang ulo sa gilid.

“Tama po,” sumagot ako nang kalmado at buo ang boses.

“Palaging itaas ang iyong kamay kung mayroon kang katanungan.”

Tiningnan niya ako nang mabilis, at pagkatapos ay naglakad sa harapan ng klase, at itinuro ang pisara.

“Ako na ang teacher nyo ngayon. Anumang itinuro sa inyo ni Mr. Daniels noon, kalimutan nyo na dahil hindi na siya babalik.”

Pumalakpak siya nang isang beses at tiningnan ako. “Ngayon, Alice, bakit hindi mo simulan ang pagbabasa para sa amin. Pakibasa ang Chapter eight.”

Umupo siya, at sumenyas gamit ang kamay para simulan ko ang pagbabasa.

Nasaan ka, Mr. Daniels?

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on email

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+