May perpektong plano na si Lake. Hanapin ang kanyang mate, mamuhay ng mapayapa, at magsimula ng isang pamilya. Ngunit nang tanggihan siya ng kanyang mate para sa iba, nasira ang plano ni Lake… at ganoon din ang puso niya. Maaari ba niyang panatilihin ang pananampalataya na ang Moon Goddess ay may ibang bagay na inilaan para sa kanya? Marahil ay maging mas maganda pa ito kaysa sa kanyang inaasahan.
Rating ng Edad: 16+
Ang Huling Pag-asa – Karrie

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
May perpektong plano na si Lake. Hanapin ang kanyang mate, mamuhay ng mapayapa, at magsimula ng isang pamilya. Ngunit nang tanggihan siya ng kanyang mate para sa iba, nasira ang plano ni Lake… at ganoon din ang puso niya. Maaari ba niyang panatilihin ang pananampalataya na ang Moon Goddess ay may ibang bagay na inilaan para sa kanya? Marahil ay maging mas maganda pa ito kaysa sa kanyang inaasahan.
Rating ng Edad: 16+
Orihinal na May-akda: Karrie
Tinitigan ko ang babae sa salamin at hindi ko makilala kung sino ang nakikita kong nakatingin pabalik sa akin.
Ang dating maliwanag na esmeraldang mga mata ng babae ay ngayo’y malamlam na at tila wala ng buhay. May laway na tuyo sa kanyang kaliwang pisngi at ang ilong niya ay namumula sa sobrang pag-iyak.
Ang damit niya ay punit-punit habang ang mga pasa niya ay nabubuo na sa kanyang tiyan at ribcage. Ang kanyang buhok ay sala-salabid at mamantika dahil sa kawalan niya ng oras para alagaan ang kanyang sarili.
Isang pulso ng hapdi ang tumama sa akin at napasigaw ako sa matinding sakit. Kumikirot ang aking mga buto at kalamnan habang bumabagsak ang aking katawan sa lupa. Tumutulo ang luha sa aking mga mata habang ang isang pares ng mga braso ay marahang nakabalot sa akin.
Yumuko na ang mga daliri ko sa paa na halos mabali na. Yumakap ako sa aking kambal, kay Landon, na tila ba bagong panganak na sanggol at humagulgol. Napaurong ang aking katawan sa sakit.
“Papatayin niya siya!” Naririnig ko ang mahinang hikbi ng aking ina, “Anak ko..”
Humigpit ang hawak sa akin ni Landon at ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang aking mga kuko at pangil ay umurong.
“Huwag mo siyang pakawalan, Landon.” Utos ng aking ama, “Nilalabanan siya ni Lynne.”
Wala ng iba pang gustong gawin si Lynne kundi ang lumabas at gutay-gutayin ang malanding babae na kinuha siya sa amin.
Sumasakit ang aking dibdib habang tumatama ang isa pang alon ng sakit sa akin. Kumapit ako sa t-shirt ni Landon at kinagat ang ibabang labi ko hanggang sa dumugo ito.
Ang aking mga mata ay sarado ng mahigpit at ang aking mukha ay tensionado. Ramdam na ramdam ko ang lahat ng ginagawa nila.
At tulad sa napakaraming gabi bago ang isang ito, ang sakit ay kumukupas nang singbilis ng paglitaw nito.
Dahan-dahang ibinalik ni Lynne ang kanyang sarili sa realidad at lumayo tungo sa likod ng aking isipan. Tumanggi siyang pasanin ko rin ang sakit na kanyang nararamdaman.
“Maaayos rin ang lahat..” Inayos ni Landon ang buhok sa mukha ko. Nakasandal lang ako sa kanyang mga bisig na walang nararamdaman kundi isang bukol sa ilalim ng aking lalamunan.
“Paano niya nagawa sa akin ito?” Tanong ko sa isang basag na boses. Ang aking mukha ay wala ng emosyon habang nakatingin lang ako sa sahig ng banyo na bahagyang nabahiran mula sa dugo ng aking mga sugat.
“Kailangan mong pigilan to..” pagsusumamo ng aking ina sa aking ama, “Hindi dapat nangyayari sa kanya ito.”
Binitawan ko si Landon at nanlambot sa kanyang mga braso. Masaya niyang sinuportahan ang aking bigat at hinaplos ang aking balikat.
“Wala akong pakialam kung ano ang dapat mangyari.” Angal ng aking kambal, “Kailangan tayo ni Lake ngayon. Iyon lang ang mahalaga.”
Makalipas ang ilang sandali ng pagkukumbinsi, hinayaan ko na rin sa wakas si Landon na tulungan akong tumayo at bumalik sa aking kwarto. Ang aking mga magulang ay nanatili para linisin ang gulo.
“Lake..” Bumuntong-hininga si Landon ng makita niya ang tiyan ko. Ang mga pasa ay mas malala ngayong gabi. Maraming mga asul at madilim na lila habang ang iba ay dilaw kulay mula kaninang umaga.
Tinatanggal ng kambal ko ang aking pantulog at pinalitan ito ng kanyang sariling damit.Sapat lang ang luwag nito para hindi mairita ang mga karagdagang sugat na gawa ng aking mga kuko.
“Please..wag mo akong iwan mag-isa..” Bulong ko habang hinihila ni Landon ang kumot para sa akin. Wala siyang sinabing kahit ano pa man at umupo na lamang siya sa sahig sa tabi ko.
Tumalikod ako sa kanya at nakatulog kay Landon habang mahinang humuhuni.
POV 1: Kailan Sapat, Ang Sapat Na?
Kasalukuyang alas-tres na ng umaga. Masyado ng tuyo ang aking mga mata para maglabas pa ng mga luha.
Tuwing nararamdaman kong malapit na akong makatulog, nakikita ko ang pagkasuklam sa kanyang mukha at naririnig ang suklam sa kanyang tinig mula sa gabing iyon. Patuloy na iniisip ng utak ko kung ano ang maaaring naging at kung ano ang dapat mangyari nang magkita kami.
Mated na sana ako at marked ngayon. Ang kasalukuyang Alpha at Luna ay malugod na tatanggapin ang aking pamilya at ako sa pack house. Doon, magsisimula kaming tumira magkasama, gragraduate at tatawagin na bagong Alpha at Luna. Ngunit ang pinakamahalaga, magiging masaya ako at ligtas sa kama kasama siya.
Dumaing ako dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Isa sa mga bagong sintomas ng rejection ay ang patuloy na pagkaramdam ko ng pagkabalisa. Ang pagkawala ng hininga ko ang naging sanhi ng halos pagkabasag ng tadyang ko dahil kay Lynne.
Kapag mayroon tayo nito, hindi lamang ang katawang-tao ang nakakaramdam niyo ngunit pati rin ang katawang-lobo. Sinusubukan ni Lynne na magpalit ng porma para mas dumali ang mga bagay para sa aming dalawa sa puntong ito ngunit patuloy akong tumatanggi. Dahil dito, nagkaroon ako ng tatlong halos basag na tadyang.
Naaamoy ko pa rin ang kanyang amoy sa hangin kahit nawala na siya sa paligid–amoy ng gubat at ng sariwang ulan.
Sinabi ng Moon Goddess at ng kanyang Fates sa aking ina na konti na lamang. Ngunit hindi ko mapigilang mapa-isip kung gaano katagal ko pa kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko.
Halos makatulog ako papunta sa eskwelahan. Ang pagtataksil sa akin ng aking mate kagabi ay tila ba mga hiwa sa aking balat. Ang leeg ko ay parang magsasara sa sarili nito. Mas malala kumpara sa normal.
Kinailangan ko ulit kapalan ang makeup ko sa umagang ito. Ang mga madilim na bilog sa ilalim ng aking mga mata ay ginawa akong mukhang racoon na may rabies.
“Alam mo,” ipinarada ni Landon ang kotse sa kanyang madalas na paradahan, “Pwede ko pa rin siyang sipain sa mukha.” Binigyan ko siya ng kaunting tawa at ngiti. Maririnig sa tono ng boses ko ang sakit.
“Landon,” huminga ako, “Gusto ko lang dumaan sa proseso. Maaari niyang gawin ang gusto niya at ganoon rin ang gagawin ko kapag nakatulog na ako ng mahimbing ng dalawang magkasunod na gabi.”
Inikutan ako ng mata ng aking kapatid ngunit tumawa pa rin siya sa aking pagtatangka ng isang biro. Tinanggal nito ang nakatali na buhol sa aking dibdib na nabuo nitong huling mga oras.
“Lake!” Tumakbo patungo sa akin si Riley at inakbayan ako. Hindi ko mapigilang ngumiti saka matawa sa gulat na mukha ni Kuya.
Napansin ito ni Riley, “Ano? Siya ang pinakamatalik kong kaibigan.”
“Hindi ako nakakakuha ng ganyang klase ng reaksyon!” Naging maasim ang mukha ni Landon at nagsimula siyang sumimangot. Inikutan ko na lang ng mata ang dalawang lovebirds habang nagtatanim si Riley ng isang malaking halik sa pisngi ni Landon at isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg nito. Ang ngiti ni Landon ay hindi mabibili ng salapi ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang pangamba at pagkabalisa na alam kong darating ngayon.
Hindi mapakali si Lynne habang papunta kami ni Landon sa Chemistry. Sinusubukan kong kalmahin siya habang papalapit kami ngunit sa segundong ginawa ko ito, nagsisi ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang aking mate kasama ang bago niya. Nakangiti ang labi niya habang nakayakap ang mga braso sa baywang nito. Nakatingin sila sa mga mata ng isa't isa nang may pagsamba.
Nararamdaman ko ang biglang pagsiklab ng galit ni Lynne at aking kalungkutan. Nagsimulang sumakit ang aking katawan ng tila ba ay magkahalikan sila ng mabagal. Nanlalamig at naninigas ang aking katawan ng mapagtanto din ito ni Landon.
“Lake..” Sinubukan ni Landon na kunin ang aking kamay ngunit iniwas ko ito. Nakadikit pa rin ang aking mga mata sa pares na nasa harapan ko. “Kailangan mong hayaan akong tulungan ka. Maraming tao dito. Hayaan akong ihatid kita sa bahay at maaari ka ng tumakbo.”
Biglaan, ang galit ng aking lobo ay natabunan ang aking kalungkutan. Nawala ang ngiti ng aking mate nang magkatinginan kami. Ang aking mga kamay ay nagsisimulang punitin ang mga tali ng aking backpack habang ang babae sa kanyang mga braso ay tumingin din sa aking gawi.
“Oh, hey, Little Miss Rejected.” Ngumisi ang babae.
Angil ng aking kapatid, “Delilah, ayusin mo ang sinasabi mo.” Nagsisimula ng itulak ni Lynne ang aking mga harang. Wala siyang ibang hinangad kundi ang gulpihin si Delilah at sirain ang anumang mga alaala na mayroon sa kanya ang aming mate.
“Ano?” Ngumisi si Delilah at hinalikan sa pisngi ng aking mate. Nagkatinginan ang mga malalamig at tila batong mga mata namin. May makikita ka sa likod ng kanyang mga berdeng matang nagpaikot sa aking tyan. “Lahat ng tao ay nagtataka. Bakit hindi siya naging rogue at inatake ang lahat dito? “
“Dahil siya-” Bago matapos ng aking kapatid ang kanyang pangungusap, ibinaba ko ang aking backpack at tumakbo sa kabilang direksyon. Lumalayo sa daan ang mga tao o binubunggo ko sila. Masasabi kong nasa dulo na ako ng pagkatao ko at kung mananatili pa ako ay mawawala na ito.
Tumakbo ako palabas ng pasukan sa eskwela at nagmamadaling tumungo sa kagubatan. Ang aking mga pangil ay humaba at ang aking mga kuko ay lumabas. Wala ako sa aking totoong pormang lobo, ngunit sapat na ito para makatakbo ko ng maayos at baka makapatumba pa ng isa puno o baka ay dalawa.
Bilog ang buwan ngayong gabi. Ang aking katawan ay nanginginig mula sa paglaban na ginawa ko laban kay Lynne para sa kontrol. Ginamit ko ang buong lakas ko para makabalik ako sa teritoryo. Dalawa pang oras para magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang aking pamilya. Alam kong malamang ay nag-aalala na sila tungkol sa akin.
Anim na milya ang layo ko mula sa bahay. Kailangan ko ng espasyo at sariwang hangin. Kahit saan sa teritoryo ay naaamoy ko siya. Bilang ang kanyang lobo ang susunod na Alpha, sa kanya nakaatas ang pagsasagawa ng regular na pagsusuri ng mga hangganan na pumapalibot sa teritoryo ng aming pack na nagngangalang Dark Moon.
Kahit na anim na milya ang layo, naaamoy ko ang kaaya-aya na bango ng aking mate. Ang mga imahe ni Delilah habang nakapalibot ang mga kamay nito sa baywang niya kaninang umaga ay di mawala sa isip ko. Ang sakit ay nagpaparamdam muli sa aking dibdib.
Mahigpit kong hinawakan ang damit ko at tumingala sa Buwan. Ang magandang Buwan na minamahal ko sa labing walong taon ng aking buhay.
Palagi akong lumalabas sa gabi at pinapanood lamang ang Buwan. Palagi akong pinapagalitan ng aking ina dahil sa pagtulog sa labas na naging dahilan para pagabawlan akong lumabas ng isa o dalawang araw. Noong nangyari aking unang shift, iyon lang ang ginawa ko. Matulog sa labas sa damuhan o sa ilalim ng lilim ng puno na may isang pugad na ginawa ni Lynne para magbigay ng init para sa Taglamig.
Ang aking ina ay tumigil sa pakikipaglaban sa akin dito matapos magpakita si Lynne sa aking buhay. Kadalasan, dahil gagawin ko rin naman ito sa alinmang paraan kaya sumuko na lang siya.
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa lupa. Sakit lang ang naiisip ko. Ang sakit ng pagkawala ng nag-iisang nakalaan sa akin at kung sino ako nakatakdang maging.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko na kinaya. Lahat mula sa nagdaang dalawang linggo ay nagpatong-patong hanggang sa halos malaglag ko ang isang buong lambak ng mga puno.
“Alam kong sinabi mo na lilipas ito..” Bulong ko at tumingin ulit sa Buwan. Ang tahanan ng aming Moon Goddess at kanyang Fates. “Pero.. Gaano katagal mo hahayaan na mangyari ito ?!” Ang aking mga salita ay ipinapakita ang aking sakit at galit.
Hawak ko ang kaliwang bahagi ng leeg ko.Tila nagliliyab ito simula ng lumubog ang araw.
Nadagdagan lamang ang pagliyab ng aking leeg ng magsimula akong tumili at lumuhod. Mainit ang balat ko. Parang minamarkahan ako ng isang puting mainit na bakal.
Ang sakit ni Lynne ay nilulunod ang aking pandama nang sabay-sabay. Ang aking galit, sakit, kalungkutan, at kawalan ng magagawa ay sumugod sa aking ulo nang sabay-sabay. Sumasakit ang aking katawan at mga kasukasuan.
Pinaparusahan ako ng mate bond. Pinaparusahan ako ng regalo ng Moon Goddess. Pinaparusahan ako ng tadhana ng mga Fate. Pinaparusahan ako ng sarili kong lobo.
Tulad ng paniniwala kong hindi ko na kaya, gumuho ang aking katawan. Nagsisimula akong mawalan ng hininga ngunit ang aking mga mata ay nais na pumikit.
Kung kailan hindi ko na mapanatili ang kanilang pagbukas ng mas matagal, isang madilim na pigura ang humahadlang sa ilaw ng Buwan mula sa aking paningin.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
“Ano ang pangalan mo?” Ramdam ko ang init niya sa pisngi ko. Binalot ng kabilang kamay niya ang baywang ko at hinila ako palapit. Sumandal ako sa paghawak niya at ngumiti.
“Lake Mavris.” Ang mga tao ay nagsisimulang magtipon sa paligid namin at tumitig sa takot.
Napansin ng aking mate at agad na hinila niya ang kanyang kamay, “Walang paraan na ako ay maaaring maging mate sa anak na babae ng isang Warrior. Tinatanggihan kita bilang mate ko. Umalis ka sa aking paningin!”
Ang aking mga mata ay nagbukas sa isang madumi na kisame. Ang mga ugat mula sa mga puno at iba pang mga halaman ay nakalawit mula rito at bumubuo ng isang cocoon hanggang sa isang pasukan sa kabilang dulo ng silid. Ang amoy ng bagong katay at lutong usa ay pumupuno sa aking ilong.
Sabik si Lynne at handa nang kumuha ng pagkain. Maingat akong bumangon mula sa kama ng tuyong putik at mga patay na dahon. Maingat ako na huwag gumawa ng anumang ingay bago lumabas mula sa labasan patungo sa sariwang umaga ng Taglamig.
Nakaramdam ako ng kaunting panginginig bago masanay sa malamig ng kapaligiran dito. Pakinabang ng pagiging isang taong lobo—patuloy na sobrang pag-init ng katawan at balat na di naapektuhan ng panahon.
Tumingin ako para makita na mayroong malaking bulko ng kinatay na usa na umiikot sa ibabaw ng apoy mula sa campfire na makikita sa ilalim ng isang punong kahoy.
“Magandang umaga din sayo, Moonlight.” Inikot ng lalaki ang kanyang mga mata at umiling, “Sorry kung nagulat ako sa iyo. Hindi ko inaasahan na gigising ka kaagad. ”
Tumalon ako nang maramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko. Mabilis akong lumingon at pumormang depensibo. Isang lalaki na halos tatlong pulgada ang tangkad sa akin ay nakatayo na naka-krus ang mga braso at malayo ang mga paa. Ang aura na ibinibigay niya ay sa isang Alpha.
Ang lalaki ay nakasuot ng isang pares ng itim na maong at bota. Mayroon din siyang isang luma na jacket na para sa taglamig na mahigpit na nakakapit sa kanyang maskuladong katawan. Ang kanyang maitim na kayumangging buhok ay pumapares sa kanyang mga mapusyaw na asul na mata.
“Para sa isa, ang pangalan ko ay hindiMoonlight.” Napangiwi ako sa aking ngipin,”At dalawa, sino ka at nasaan ako?” Humihigpit lang ang porma kong depensiba habang ang lalaki ay humakbang palapit sa akin.
“Woah.” Itinaas niya ang kanyang mga kamay bilang pagsuko,”Hindi mo kailangang magalit sa taong nagligtas sa iyo mula sa isang rogue o dalawa kagabi bago ka pa kumain.”
Binigyan ko siya ng isang nalilito na ekspresyon at pinaluwag ang aking porma saglit,”Mga rogue?”
“Oh oo,” Lumakad sa akin ang lalaki at kumuha ng isang stick. Naupo siya sa isang troso sa harap ng puno ng oak at sinundot ang apoy. Tinignan ko siya ng matagal bago pumunta para tamasahin ang init mula sa apoy.
“Napadaan ka sa bangin na iyon pagkatapos mong sirain ang sampung puno o higit pa sa lambak. At dahil nasa isang parte ka ng teritoryo ko, balak kong tignan kung ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito. Pero, kinausap mo ang Buwan na para bang kilala mo ito ng personal. Nanood ako hanggang sa sumigaw ka at mahulog sa lupa at mawalan ng malay. Pero bago ako makarating sa iyo, mayroong mga isa o dalawa na rogue na iniikutan ka. Kaya pinatay ko sila kaagad at dinala ka dito sa lungga ko.”
Pinakita niya sa akin ang kinalalagyan namin. Napansin ko na ito ay naka-camouflage sa daan-daang mga halamanan sa buong lugar at mga maliliit na puno na nakapalibot sa lungga at malaking puno ng oak sa gitna. Wala halos anumang pagbagsak ng niyebe mula sa puno na nagpapasok ng kaunting sikat ng araw.
Tumingin ako sa lalaki, pagkatapos ay sa apoy, “Kung ganoon.. Salamat sa pagligtas sa akin. Humihingi ako ng paumanhin para sa aking naging pakikitungo sayo ngunit hindi para sa pagtatanggol ko sa aking sarili. Pinalaki ako ng aking ama na binibigyang halaga ang pagprotekta sa sarili ko sa hindi pamilyar na lugar, higit sa anupaman. “
Tumawa ang lalaki at tumingin sa akin, “Naiintindihan ko.Ganoon rin naman ang magiging reaksyon ko kung sakaling may estranghero na niligtas ako, binigyan ako ng lugar na matutulugan at pagkatapos ay nanghuli pa ng makakain at niluto ito, lahat para gumaling ako.. “
“Kapag inilagay mo sa ganoong salita, parang wala akong utang na loob.” Bumuntong-hininga ako.
“Niloloko lang kita.” Ang lalaki ay humalakhak ulit, “Pero mukhang hindi ka nakatulog sa walumpu't apat na taon at mula sa nakita ko, masasabi ko na hindi naging ganoon kaganda ang mga huling linggo mo. Ano bang iniisip ng isang maliit na lobong tulad mo? “
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko, “Basta.. Ano..”
Itinapon ng lalaki ang kanyang stick sa apoy, “Hindi ko na dapat tinanong. Hindi ako isa sa mga taong malapit sa iyo. Patawarin mo ako.”
Dahil sa kanyang pag-uugali, napabalik ang isip ko sa huling mga ginawa niya bago niya ako hinayaang kumain ng usang niluto niya bago pa man siya lumapit dito. Hindi karaniwan para sa isang Alpha na hayaan ang mga may mas mababang rangko sa kanya na kumain bago siya. Ang mga taba at madugong karne ay sapat na para pawiin ang lobo ko at ang kanyang gutom. Para doon, nagpapasalamat ako.
Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan at paggalaw ng mga buto ng usa, tinanong ko sa wakas, “Ano ang iyong pangalan?”
Mabigat ang kanyang buntong hininga at napapikit siya ng panandalian. Tila nasa malalim siyang pag-iisip bago lumingon sa akin at sinabing, “Ang pangalan ko ay Jake.”
Hindi ko mapigilang magtanong, “Mula sa State Farm?” Umiling si Jake at agad na tumawa.
“Oo. Mula sa State Farm. “
“Saan ka nagmula?”
Nakangisi si Jake at binigyan ako ng isang sulyap sa gilid, “Mula sa kawalan.”
Hindi nagtagal ay dumating na ang kalagitnaan ng gabi. Dinala ako ni Jake para maglibot sa kanyang teritoryo at ipinakita sa akin ang ilan sa kanyang mga paboritong lugar para manghuli at mga lawa na may isa sa mga pinakamalinis na tubig na nakita ko.
“Dito ka lang ba nakatira?” Tanong ko. Nagsalubong ang aming mga mata at sa sandaling iyon, nakita ko ang kalungkutang nakatago sa likod nito.
Umubo si Jake saka tumingin sa dulo ng lawa, patungo sa kabilang banda, “Oo, simula pa nung bata pa ako. ”
“At ang iyong pack?” Sinusundan ko ang kanyang titig at nakita ang isang bagay na kakaiba habang ang mga dahon ay nagsisimulang gumalaw.
“Iyon ay isang kwento para sa ibang oras.”
“Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin.” Ngumiti ako kay Jake habang sinisiga niya ang apoy gamit ang kanyang stick. Matapos ang ilang pagsubok, wala na akong nakuha pang ibang impormasyon mula sa kanya. Maaaring nagalaw ko ang isa o dalawang sensitibong mga bagay para sa kanya pero hindi ito mababasa sa kanyang mukha. “Sa palagay ko, dapat na akong umalis ngayon. Malamang ay nag-aalala na ang aking mga magulang sa kalagayan ko.”
Ginagalang namin ang isa’t isa, bagamat hindi namin sabihin.
“Pwede kang bumalik dito anumang oras, Moonlight.” Tumayo si Jake at inabot ang kanyang kamay, “Kung sakaling magkaroon ka ng anumang problema, palagi kang tanggap dito.”
Nag-aalangan akong sinabi ang aking mga paalam sa kanya matapos ang ilang minuto, sa dulo ng kanyang teritoryo.
“Ituloy mo lang ang paglalakad hanggang sa makita mo ang higanteng ilog, pagkatapos ay sundin mo ito at sa huli ay mahahanap mo ang gusto mong puntahan.”
Tinanguan ako ni Jake habang nagsisimula akong tumakbo palayo. Nagsisimula ng gumana ang aking adrenaline at ramdam kong nagsisimulang mabiyak at pumorma ang aking mga buto. Tumalon ako mula sa isang malaking, puno ng oak at lumapag sa lupa gamit ang apat na biyas.
Tuwang-tuwa si Lynne na pagkakawala niya. Tumalon siya at pakiramdam niya ay malaya siya habang ang malamig na Amihan ay dumadaloy sa kanyang balahibo. Kahit na nasasabik, alam ni Lynne na hindi dapat siya lumayo sa daanan hanggang sa matagpuan nila ang ilog na tinutukoy ni Jake.
Ginamit ng aking lobo ang lahat ng oras na maaaring gamitin para magtampisaw sa sariwang tubig ng ilog bago siya masayang tumakbo habang nakataas ang kanyang tenga at buntot. Tulad ng gagawin ng isang totoong Luna sa teritoryong hindi pamilyar sa kanya.
Hindi nagtagal at nakarating na kami sa isang hangganan ng pack. Makikita dito ang mga Warrior at Guard na nasa grupong nasa lideratura ng aking ama. Kasama rin nila ang purong puting lobo nila Landon at Riley.
“Lake!” Ang boses ng aking ama ay galit ngunit nahahaluan ng maliit na tono ng kaginhawaan, “Nag-aalala kami na may nangyari na sayo!”
Si Lynne ay yumuko sa kanyang tiyan sa aking ama bilang respeto. Ang kanyang mga tainga ay baluktot at ang buntot ay nakalatag sa lupa. Ito ang paraan niya ng paghingi ng tawad nang makita niyang siya ang malaking dahilan kung bakit ako umalis at lumayo mula sa teritoryo namin.
“Lake Mavris.” Ang tono ng alpha ay maririnig sa hangin. Ang bawat isa ay tumitigil at yumuko sa kanilang pinuno. Parehong mga pormang lobo at pormang pantao.
“Narinig kong dahil sayo ay hindi naging mapayapa ang gabi ng mga taong nasa paligid.”
sa isang biglaan ay nabangisan ang aking mata ng nakatayong pigura ng mate ko sa tabi ng kanyang ama. Pinupuno ng kanyang amoy ang aking ilong. At dahil nasa porma ako ni Lynne, mas matalas ang aking pang-amoy ng libong beses.
Hindi kaya ni Lynne ang makita siya. Pinipilit niya ang magpalit ng porma, gaano man kasakit. Nabali ang mga buto ko at nabuo sa dati nilang lugar at hindi ko mapigilang umaray sa sakit.
Namula ang mukha ko sa kahihiyan habang mabilis na inilalagay ng aking ama ang kanyang amerikana sa aking katawan habang ako ay bumalik sa aking anyong tao.Tumayo ang mga tenga at tinignan ng lahat ng hindi mated na lalaking lobo ang aking pigura. Marami sa kanila ang nakatingin sa leeg ko at hindi sa aking katawan.
“Saan ka pumunta?” Ang alpha ay tumitingin sa akin, hindi apektado sa kung ano ang naganap lamang, “Nakatitiyak akong mayroon kang isang magandang dahilan para talikuran ang teritoryo ng pack.”
Inilagay ko ang aking ulo sa lupa bilang paggalang, “May isang bagay na naging dahilan ng pagkabalisa ng aking lobo, Alpha. Kailangan kong umalis bago ako makitang mga tao sa eskuwela na magpalit ng porma. “
“Sana naman ay bumalik ka bago gumabi.” Humakbang ang alpha papunta sa akin. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng aking baba at itinaas niya ang aking mata para tumingin sa kanya ng direkta, “Anak ko, ano ang gumugulo sa iyo?”
Ang mga lobo sa paligid namin ay gumalaw, hindi komportable sa sitwasyon. Umubo ang mate ko. Malinaw na hindi alam ng alpha ang sitwasyong nangyari sa pagitan ng kanyang anak at sa akin.
“Sabik na naghihintay si Lynne sa pagdating ng kanyang mate, Alpha.” Pinilit kong sabihin ang mga salita. Ito ay tulad ng mga bloke ng metal na inilalagay sa aking lalamunan, “Nagseselos siya at pakiramdam niya’y hindi makatarungan ang sitwasyon niya tuwing nakikita niya ang iba na kasama ang kanilang mate.”
“Ganoon ba? Mabuti,” Tinapik ng Alpha ang aking balikat at umubo, “Magpapakita rin sa iyo ang iyong mate sa lalong madaling panahon. Kamakailan lamang ay naging labing-walong anyos ka na, konting oras na lang. ”
Hindi ko mapigilang tumingin sa mga mata ng aking mate. Ang kanyang ekspresyon ay tensionado habang ang kanyang mga labi ay nasa isang manipis na linya at ang mga masel niya sa mukha ay nakabungkos. Tila makikita ang isang emosyon sa berde niyang mga mata.
“Lake..” Nagpakita sa likuran ko si Landon at pinapunta ako palayo sa karamihan. Pumunta kami sa likod ng isang malapit na kubo na ginagamit ng mga Warrior para magsanay.
“Salamat.” Bulong ko sabay layo namin sa mga mapanuring mga mata ng mga lobong nasa paligid. Ang aking puso ay nagkakarera na sa puntong ito. Kailangan ko ang ilang saglit para bumalik sa normal ang aking paghinga.
“Ipakita mo sa akin ang leeg mo.” Hinawi ni Landon ang amerikana na itinakip sa akin ng aking ama. Ang kanyang mukha ay naging mabangis at tensiyonado. “Sabi na nga ba.”
Ang aking kambal na kapatid ay nagmura sa ilalim ng kanyang hininga at sumipa ng isang bato patungo sa likuran ng kubo. Ang pagkalito at pagkabalisa ay bumaha sa aking isip at katawan.
“Landon, ano iyon?” Tanong ko. Hindi niya ako pinapansin at nagmura ulit siya sa ilalim ng kanyang hininga.
“Wala yun.” Sagot ni Landon, “Umalis na tayo at ng malinis ka na.”
Lumipas ang ilang oras at sa wakas ay nasa init na ako ng aking sariling kutson. Hinayaan kong lamunin ako ng aking mga comforter at unan papunta sa siang masaya na estado. At sa kauna-unahang pagkakataon, kahit ilang saglit lamang, nakakatulog ako nang maayos.
Halos matulili ako sa tunog ng alarm clock ko kaya napaungol ako. Nang mapatay ko ito, tumayo na ako at nag-inat. Magulo pa ang isipan ni Lynne pero mas maayos na ang pakiramdam niya kumpara kahapon at noong nakaraan.
Binuksan ko ang ilaw at humikab.Tumagal ng ilang minuto bago mapag-adjust sa ilaw ang mga mata ko at nang magawa nila ito, doon ko ito nakita.
Nakalagay sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Isang bagay na hindi ko akalain na malalagay sa aking katawan.
Mayroong mga madidilim na ugat na nakausli mula rito at nabugbog. Ang mga marka ng kagat ng lobo at ang tuyong dugo. Ang aking balat ay hindi gumagaling tulad ng karaniwang ginagawa nito at mayroong makikitang pangangati sa mga pulang bilog na pumapalibot sa mga marka ng ngipin. May mga nanang lumalabas sa mga namamaga at nakapalibot na balat.
Ang Marka ng Pagtataksil.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!