Tanging ang mate lang ni Lux ang kanyang naiisip sa sandaling nalanghap ang isang pamilyar na amoy niya. Sinusubukan niyang isipin kung anong itsura niya, kung masarap ba siya?… Pero alam niya sa sarili niya na hanggang pangarap na lamang ito. Mula sa pag sikat at pag lubog ng araw, ang mate ni Lux ay laging nandiyan. Nagmamatyag. Hindi alam ni Lux kung anong uri siya, tanging ang alam niya, siya ay si Soren.
Rating ng Edad: 18+
Walang-hangganan – Mikayla S

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Tanging ang mate lang ni Lux ang kanyang naiisip sa sandaling nalanghap ang isang pamilyar na amoy niya. Sinusubukan niyang isipin kung anong itsura niya, kung masarap ba siya?… Pero alam niya sa sarili niya na hanggang pangarap na lamang ito. Mula sa pag sikat at pag lubog ng araw, ang mate ni Lux ay laging nandiyan. Nagmamatyag. Hindi alam ni Lux kung anong uri siya, tanging ang alam niya, siya ay si Soren.
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: Mikayla S
Tandaan: Ito ang orihinal na bersyon ng may-akda at walang sound.
Mate
Para sa mga tao maaari itong: lovers, kaibigan, kakilala. Para sa mga bampira, ito ay isang paalala na nabubuhay lang sila para sa kamatayan. Isang sagradong pag-asa na bigla nalang mawawala sa isang kagat ang kanilang natitirang kaluluwa.
At para sa mga lobo, it’s everything! Ito ay ang bawat kaligayahan, bawat tibok ng puso, bawat pag-kulo ng iyong tiyan ay para lang sa isang tao! Ang amoy, ang lasa nila! Lahat ng bagay tungkol sa kanila ay nakakalasing.
Para sa karamihan ng mga lobo ang paghahanap ng makakasama habang buhay ay madali. Bawat taon ang mga lobo ay nagsasama sama at dumadalo sa taonang ball na isinasagawa ng aking mga magulang. At kada-taon nag iiwan ang grupo ng mga lobo sa mga magulang ko ng “mate”.
Sa loob ng 21 taon pinangarap ko ang tungkol sa araw na makikilala ko ang para sa akin.
Sino siya? Ano ang hitsura niya? Gusto niya ba ako tulad ng pag gusto ko sa kanya? Araw-araw ay nagbibihis ako, lumalabas upang magmukhang maganda hangga't maaari, upang matiyak na mapapansin niya ako. At sa araw-araw lagi akong nabibigo.
Kung titingnan mo, di katulad ng mga mas nakakatandang kapatid ko na kambal na sila Drayden at Draxel, hindi ko pa nakikita ang aking mate like they did. No!
Mapalad sina Draxel at Drayden! Naging kabiyak ni Draxel ang isa sa mga anak na babae ng matalik na kaibigan ng aking mga magulang, si Kimber.
Kilala na namin si Kimber sa aming buong buhay. Hindi lang sya ang kabiyak ni Draxel kundi magiging isang Luna rin ng aming kampo. Lahat ay nagagalak sa mga pangyayaring ito. Bakit naman hindi? Siya ay kamangha-mangha.
Sa loob lamang ng tatlong linggo nung natagpuan rin ni Drayden ang kanyang mate, siya ay si Blair.
Napaka kumplikado ang nagging sitwasyon ko.
Hindi tulad ng iba, nahahanap nila ang para sa kanila at the age of 15. Yung sa akin? I met mine bago pa ako mag 15.
Ibig kong sabihin, way before that. Ang tanging problema lang ay hindi ko sya nakita ng personal.
Ang unang tagpo ko sa kanya ay nung ako ay musmos pa lang sa edad na 6 na taong gulang.
Kami ng aking mga magulang ay bumisita sa aking mga tito Silas at Thackery upang pag usapan ang negosyo ng pamilya. Napaka busy ng araw na iyon nang mapag desisyonan nang aking mga tito, aking nakababatang pinsan na si Kasyn at tita Milani na mag tampisaw sa lawa.
Ang mga tatlong batang lalaki ay naglalaro sa gilid ng lawa, ang aming mga ina ay nagbibilad sa araw at sila papa ay nag luluto. Habang ako ay masayang nanghuhuli ng mga butterflies.
May natagpuan akong isang neon blue butterfly na lumilipad sa di kalayuan. Sinundan at hinabol ko ito papunta sa isang kakahuyan hanggang sa mabalot ng dilim ang paligid. At ang butterfly ay naglaho.
Nang dahil sa takot, umiyak ako. Hindi ko na makita o marinig ang aking pamilya na nasa lawa. Dulot nang ingay ng hangin na binabangga ang mga puno. “Shhhh, tahan na Lux, it’s going to be alright.” Isang napaka lalim na tinig ang biglang bumulong sa akin. Natakot ako pero nagpakalma sa akin.
Napatalon ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Pero wala. Wala akong makita.
Akala ko mag isa lang ako hanggang sa marinig ko ang boses. “Hindi ka dapat nandito Lux.”
Hinahanap ko ang pinanggalingan ng boses habang sinisinghop ang aking dress. Pero wala. Alam ko andiyan siya.
Napakakalma ng boses niya, kahit bata ako ay gusto ko na itong marinig ulit. “Sino ka?” Naghahanap muli sa paligid at inaasahan ko at nagdasal na sana masulyapan ko ang may-ari sa napakapapawing pagod at tila musika na boses.
Ngunit sa halip ay wala akong narinig at wala akong nakita, dumating ang aking ama at agad akong nakita. Pinagalitan niya ako tungkol sa pagtakbo papuntang gubat. Pinapaalala sa akin na kahit na nasa ligtas kaming teritoryo, kailangan kong may kasama palagi.
Sinubukan kong intindihin, talagang ginawa ko! Ngunit kahit na anim na taong gulang pa lang ako nun pero tinawag niya sa ganoong tono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hanapin siya.
Pagkatapos nito, wala na akong nakita o narinig na kahit ano mula sa misteryosong lalaki hanggang sa ako ay nag tungtong ng 13 taong gulang.
Ito ay isang kakaibang araw para sa akin, bago lang ako nagka period nun. Kami ng aking mga kapatid na lalaki ay nag tatalo ng napaka tindi, so ang ginawa ko tinadyakan ko ang isang puno sa likoran ng bahay namin.
Alam kong ligtas ako roon, na dahil dito lamang ako hindi ina-agrabyado ng aking ama at mga kapatid ko.
Umupo ako sa isang tuod ng kinalimutan at matandang puno. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak dahil sa galit. Bakit sa lahat ng araw, ngayon pa bumisita sa unang pagkakataon itong aking buwanang dalaw?
Bakit hindi maintindihan ng aking mga kapatid na hindi nila kailangan makialam kung magiging dalaga na ako.Wala akong control sa katawan ko o ang natural na pagtanda ng tao. Hello, hindi ako isang bampira.
Matapos ang pag-upo sa tuod ng isang oras, naubos rin ang luha ko at unti-unti humihinahun ang katawan ko pero sumisinok ako ng kaunti. Nang biglang narinig ko na naman sa ikalawang pagkakataon ang boses na napakatagal ko ng di narinig.
“Oh aking maliit na Lux, ikaw na ay dalaga.”
Ang kanyang boses ay nagpa sindak sa akin na sanhi ng pagkawala ko ng balanse.
Hanggang ang kanyang kamay na may kaunting kalyo ay bahagyang humawak sa aking balikat upang pigilan ang aking pagkatumba at paghinga.
Naramdaman kong nagngisi siya sa aking pagiging clumsy. “Mag ingat ka aking munting Lux.”
“Ang pangalan ko ay Zayla, hindi ko alam kung sino si Lux” Umiling ako ng bahagya ng maramdaman kong dumadapo ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Bago pa man ay naramdam ko ang malalim niyang bungisngis sa kanyang katawan na nagpa gimbal sa aking katawan.
“Pero Zayla, ikaw pa rin ang aking munting Lux.” Ang boses niya ay mas magalak sa pagkakataong ito. Hinawi ko ang paligid upang makita kung saan nagmula ang boses na iyon, pero malas k, siya na naman ay naglaho.
.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Matapos ang araw na iyon, hindi ko na siya hinanap, gaano man pilitin ako ng aking katawan na hanapin siya, nilalabanan ko at lumalaban ako ng matindi.
Hanggang sa aking ika-15 kaarawan!
Ang ika-15 na kaarawan ang pinakamahalaga sa isang lobo. Mas mahalaga pa kaysa ika-18 o 21.
Pagtungtung ng ika-15 ng isang lobo ito na ang panahon ng pag mature. Ang tamang panahon upang maghanap ng mate, ang magiging kabiyak.
Ito ay kapag handa na siyang markahan, at upang simulan ang kanyang buhay kasama ang kaisa-isahang pag-ibig. Ngunit para sa akin, napagtanto ko na hindi ko na kelan man matatagpuan ang para sa akin.
Ang araw ng aking ika-15 kaarawan ay naging maayos, tulad ng iba ko pang kaarawan, ito ay isang magandang araw, puno ng tawa kasama ang aking mga kaibigan at pamilya, it was great! Hanggang sa oras na nang pack run, ang pack run ay ang panahon na ganap na siyang naamoy ng aking lobo.
Sa panahon ng aming karaniwang pack run ang aming mahabang itim na mga binti at maliit na katawan ay talagang nagbigay sa amin ng lamang tungkol sa pag pwesto sa harap ng pack, sa katunayan halos bawat pagtakbo ng pack ay lagi akong nasa tabi ng aking ama.
Ang aking lobo ay mas maliit ngunit magkapareho na tugma sa kanyang sarili, may magandang makapal na itim na balahibo, na halos tugma sa anino. Kung hindi dahil sa aming mga mata, ako at ang aking ama ay may matingkad na bughaw na mga mata na halos puti na dahil sa sobrang tingkad.
Sa aming huling lap sa paligid ng teritoryo, ang aking lobo ay biglang nakaamoy na sigurado akong naamoy na namin dati, kapansin pansin na ang amoy ay lalong tumitindi at pamupalapit sa bahay. Ang lobo ko humiwalay sa mga tao at pumunta sa amin at hinila ang amg mga damit.
Habang kami ay mas lumalapit, mas naamoy namin ito. Ang amoy ay nagiging dahilan ng tila pagkawala sa sarili ng aking lobo.
Sinundan namin ang amoy sa paligid sa loob ng maraming oras. Sinusubukan naming ng maigi na mahuli siya, upang makita lamang siya, sino siya? Bakit ayaw niyang makita namin siya?
Dahil sa kagustuhang mahuli ito, ang lobo ko ay inipon lahat ng lakas niya at tinapon ang sarili sa lupa at sumimangot.
Ang paghahanap ng iyong kabiyak ay dapat na isa sa pinakamasayang araw mo, pero bakit ayaw niya? Pinaglalaruan ba niya siya?
Nabigo nito ang aking lobo at nasaktan sa akalang hindi sya sapat para dito.
Anak siya ng alpha, anak na babae nina Zayn at Haring Skyla! Siya ay isang mandirigma, isang Reyna.
Kaya bakit pagkatapos ng 5 oras ay hindi niya ipinakita ang kanyang sarili sa kanya? Naglalaro ba siya? Nasasayahan ba sya dahil sya ay may gusto sa kanya?
Sinundan muli naming ang bakas kung saan nagmumula ang amoy. Ito ay napaka pamilyar sa amin at sa sandalling iyon ay nilantad niya ang kanyang sarili sa isang malakas na buhakhak.
Inangat naming ang aming mga ulo sa pagnais na ito ay masulyapan. Kahit anino o bakas nito ay wala.
Hanggang sa magsalita siya “may isang tao na medyo naiinip, aking munting Lux.” Ang kanyang boses kahit na malayo, nagpadala pa rin ng pagnginig na dumaloy sa aking gulugod.
Naupo ako, mabilis kong pinag focus ang aking human form at lumuhod na walang saplot sa putikan.
Pag-angat ng aking ulo at pagtitig ng diretso sa harapan ko hindi ako sigurado kung nandiyan pa rin siya, pero ang kanyang bango ay napapadpad kahit saan. Patuloy ang pag-ikot niya sa akin walang tigil. “Ngayon ang aking kaarawan.”
Matapos makakuha ng walang tugon, yumuko ako at sobrang pagod, napabuntong-hininga, bago tumayo at lumakad papunta sa troso kung saan ko itinabi ang aking damit.
Pagkatapos magbihis ay inilagay ko ang aking mga kamay sa aking bulsa habang nagsisimulang maglakad pauwi, nararamdaman ng aking mga daliri isang malamig na enerhiya na alam kong wala pa bago ako huminto sa aking mga hakbang.
Dahan-dahang inilabas ang manipis na kadena, napansin ko na ito ay isang magandang maliit na gintong kuwintas na may isang maliit na puting gintong butterfly na nakakabit sa manipis na materyal.
Natigilan ako habang hinihila ang isang kwintas malapit sa aking mukha. Namangha ako sa kagandahan ng paru-paro, napakaliit nito ngunit ito ay napakaganda at detalyado. Hanggang sa dalawang napakagandang asul na hiyas na nakalagay sa pagitan ng maliliit na malinaw na brilyante sa mga pakpak nito.
Hindi ko mapigilang pagmasdan ang napakagandang disenyo at halos ayaw ko na itong bitawan. Instead of wanting to put it in my hand forever, hindi ko alam pero mas kinikilig akong isipin na ginawa niya ito para sa akin, at ang ideyang iyon ang nagpagising sa aking diwa at sinuot ang kwintas sa aking leeg.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapatakbo ang aking mga daliri sa bawat hibla ng kwintas, tulad ng pagdampi ng aking mga daliri sa paru-paro nararamdaman kong dumampi ang hangin sa paligid ko at narinig ang boses na aking kinasabikan. “Maligayang kaarawan Lux”
Bumubuntong-hininga habang ang huli ng kanyang tinig ay umalis sa mga puno na tinatambukan nito, lumakad ako sa likuran ng bahay, ang aking pamilya ay nagtipon-tipon sa paghihintay sa akin na may malaking ngiti sa kanilang mga mukha at isang higanteng cake sa kambal na mga kamay na nagsasabing “Maligayang kaarawan Zayla”
Hindi mapigilan ang napakalaki kong ngisi na nagpapaliwanag sa aking mukha, yumuko ako at nag blow ng candle pero hindi bago ako mag wish.
Matapos ang pagdiriwang nang matapos na ang lahat sa aking pag-ayos ay nagtungo na ako sa aking silid, pinihit ko ang aking door know ngunit bago ko pa man mabuksan ang pintuan, tumama sa aking ilong ang isang pamilyar na amoy.
Binubuksan ang aking pinto, inaasahan na makita siya ay nabigo ako, ngunit maingat akong pumapasok na parang anumang sandali ay maaaring lumabas siya mula sa pagtatago.
Wala siya, at makalipas ang ilang minuto hindi ako sigurado kong narito siya dahil hindi ko siya maamoy, ngunit tumayo ako malapit sa bintana, nararamdaman ko ang presensya niya, na binabantayan ako.
Binuksan ko ang bintana at tumayo, umaasa na siya ay darating ngunit wala.
“Salamat sa kwintas, nagustuhan ko” bulong ko upang hindi makakuha ng atensyon mula sa iba na maaaring bukas mga bintana.
Pagkalipas ng 10 minutong pagkakatayo, napagpasyahan kong hindi ko siya makikita ngayong gabi, kaya't sa isang malungkot na buntong hininga ay sinirado ko ang bintana. Paghiga ko sa kama agad akong nakatulog, at habang ang utak ko ay mahimbing na natutulog biglang may narinig akong isang bulong.
“Walang anuman, my beautiful Lux”
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!