Ni hindi alam ni Belle na mayroon palang mga shifters. Sa isang eroplano patungong Paris ay nakilala niya ang Alpha na si Grayson, na siyang umaangkin at nagmamay-ari raw sa kanya. Minarkahan si Belle ng possessive na alpha na ito at dinala sa suite nito kung saan pilit niyang sinusubukang labanan ang namumuong pananabik sa kanyang sarili. Makukumbinsi ba si Belle ng kanyang mga ninanais o mapipigilan kaya niya ang kanyang sarili?
Rating ng Edad: 16+
Kidnapped by my Mate – Annie Whipple

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Ni hindi alam ni Belle na mayroon palang mga shifters. Sa isang eroplano patungong Paris ay nakilala niya ang Alpha na si Grayson, na siyang umaangkin at nagmamay-ari raw sa kanya. Minarkahan si Belle ng possessive na alpha na ito at dinala sa suite nito kung saan pilit niyang sinusubukang labanan ang namumuong pananabik sa kanyang sarili. Makukumbinsi ba si Belle ng kanyang mga ninanais o mapipigilan kaya niya ang kanyang sarili?
Rating ng Edad: 16+
Orihinal na May-akda: Annie Whipple
Huminga ako ng malalim habang naglalakad ako sa airport, dala-dala ang aking maleta. Tila hindi ko mapakalma ang aking sarili, kahit anuman ang gawin ko.
Ayoko talagang sumasakay ng eroplano.
At ang pagbiyahe ng labing isang oras patungong Paris ang huling bagay na nais kong gawin isang araw bago ang Bisperas ng Pasko. Ngunit nakiusap sa akin ang aking ina na magpalipas naman ako ng holidays kasama niya at ng kanyang asawa.
Alam kong iniimbitahan lang niya ako dahil nagi-guilty siya.
Hindi ko siya nakita sa loob ng higit limang taon, pero parang wala lang sa kanya noong iniwan niya ako pagkatapos magkasakit ni papa.
Isang taon lamang ang kinailangan niya para makapag-asawang muli at magkaroon ng isa pang anak. Tuluyan na niyang pinutol ang kahit anumang ugnayan na meron siya sa amin ni papa, na para bang balewala na lang kami sa kanya.
Kaya naman nung inimbitahan niya ako para puntahan siya ay asar na asar talaga ako.
Pero wala naman akong choice. Ang pagpunta ng Paris lang ang tanging option ko kung ayaw kong mag-Pasko ng mag-isa.
Ang pagdaan sa security ay mas madali kaysa sa aking inakala, at hindi naman ako nagkaroon ng problemang mahanap ang aking gate. Ngunit kahit na parang ang swerte ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapalagay.
May dalawang iba pang beses akong sumakay ng eroplano sa aking buhay, parehong sa mga kadahilanang nais kong iwasan.
Ang unang pagkakataon ay para sa libing ng aking lola sa Florida. At ang pangalawa ay para sa kasal ng aking ina sa Paris sa isang lalaking hindi ko pa noon kilala – isang lalaking hindi ang aking ama.
Kaya naman, hindi lang paglipad 'yung lubos na nakakatakot, kundi dahil palagi rin ako nitong hinahatid sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon. Alam kong wala ring mag-iiba sa pagkakataong ito.
Halos kalahating oras rin ang hinintay ko para makasakay. Gusto kong maging maaga para ma-sigurado na hindi ako mahuhuli para sa flight ko. Ayoko nang magbayad pa ulit.
Habang nasa eroplano, hindi ko mapigilan ang aking mga kamay mula sa panginginig. Ngumiti sa akin ang isang flight attendant nang madaanan ko siya, at nang mapansin niyang kinakabahan ako ay binigyan niya ako ng isang mapagpanatag na tango.
Sa abot ng aking makakaya ay sinubukan kong masuklian siya ng isang ngiti.
Nang makarating ako sa aking kinauupuan, sa malayong likuran ng eroplano, nasagi ng aking paningin ang isang lalaki na makakasama ko sa susunod na labing isang oras.
Tinitigan niya ang aking katawan pataas at pababa, huminto ng sandali sa aking dibdib, bago magkasalubong ang aming mga mata.
Napangisi siya, “Kamusta ka naman diyan?”
Great. Just perfect.
Palilipasin ko ang susunod na labing-isang oras na pinagnanasahan ng creep na iyon.
“Okay naman,” bulong ko.
Ipinagwalang bahala ko si Mr. Creeper, kinuha ko ang aking dalahin at binuhat ito para mailagay sa overhead compartment.
Nang mapansin ko na yung ungas-na ngayon ay pinapanood akong magpakahirap-ay inilagay yung maleta niya sa gitna ng compartment, nagalit ako, sinubukan kong i-usog iyong maleta niya gamit yung isang kamay ko habang nagpupumilit na isiksik yung sa'kin sa tabi nito.
Aayusin ko na sana ang aking bagahe nang maramdam ko na may mga kamay na naka-paikot sa aking baywang, humihipo sa lantad na balat ng aking tiyan, kung saan tumaas ang aking kamiseta.
Sa buong pag-aakalang si Mr. Creeper ito, sinubukan kong lumukso papalayo, ngunit napatigil ako nang humigpit ang hawak ng mga kamay na ito sa akin at nakaramdam ako ng nginig sa aking buong katawan.
Lumingon ako para makita kung kanino yung mga kamay na nakahawak sa akin, at naramdaman ko na lang na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.
Napakakisig niya…Napaka matipuno na halos parang nakakatawang narito siya sa maliit na eroplanong ito.
Yung muscles niya ay batak na batak sa kanyang itim na shirt at maong na pantalon, na nagpapahiwatig sa akin na marami siyang inubos na oras sa gym.
Mayroon siyang kulay tsokolateng buhok, nakakahalinang kulay luntiang mga mata, at isang panga na tila maaaring makakahiwa ng papel.
Ang kanyang mga labi ay nakakaakit at buong buo, at hindi ko namalayang napasandal na pala ako sa kanya, iniisip kung ano ang pakiramdam kapag dumampi ang aking mga labi sa mga labi niya.
Isang biglaang malalim na ungol ang nagpabalik sa akin sa pagkakatayo, at aming mga mata ay nagkasalubong kaya't nalaman kong pinapanuod niya ako habang sinisiyasat ko siyang maigi. Agad na namula ang mga pisngi ko, ngunit bago pa ako mapahiya ng sobra, nagsalita siya.
“Mine. Mate,” aniya, ang kanyang malalim at husky na boses ay ruminig sa aking tainga. Mahigpit niyang hinawakan ang aking baywang habang binababa niya ang kanyang noo upang salubungin ang sa’kin, at huminga siya ng malalim.
Sasampalin ko na sana siya, ngunit sa halip ay ipinikit ko na lang aking mga mata at sinamyo ang pakiramdam ng mga braso niyang nakapalibot sa akin habang ang nakakahalinang kilig ay dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko lubos maisip na posibleng makaramdam ako ng ganito.
Naramdaman kong iginalaw niya ang ulo niya tungo sa bandang leeg ko upang sumiksik rito. Ikiniling ko naman ang aking ulo upang magbigay daan sa kanya, na siya namang kinatuwa niya.
Matapos ay naramdaman kong naglagay siya ng isang malumay na halik sa pagitan ng aking leeg at balikat. Una kong naramdaman na nanghina ang aking mga tuhod, sinundan ng pamamanhid ng aking katawan habang isang buntong hininga ang lumabas sa aking mga labi.
Ngumiti siya sa aking leeg, marahang natawa at sinuportahan ako sa kanyang mga braso upang tuluyan akong makasandal sa kanya at hindi matumba.
Pakiramdam ko, ako’y parang nasa langit.
Isang pagtikhim ang nagmulat sa akin mula sa aking ulirat, bumahing na lang ako at pilit na kumalas mula sa pagka kakapit, inaalala kung nasaan ako.
Sa kasamaang palad, habang sinusubukan kong itulak ang misteryoso at napaka gwapong lalaking iyon palayo sa akin, nakalimutan ko na nakahawak pa rin pala ang isang kamay ko sa aking bagahe sa overhead compartment.
Narinig ko ang aking maleta na dumulas pabagsak sa akin at mabilis na pinangsalag ang aking mga braso, wala nang magawa kundi hintayin na matamaan ng matitigas na sulok nito ang aking ulo.
Ngunit walang nangyari, at sa halip ay narinig ko ang mga katagang, “Careful, beautiful.”
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko, na may isang kamay pa rin na nakaalalay sa ilalim ng aking kamiseta, mismo sa aking lantad na likuran. Ang isa niyang kamay ngayon ay nakasalo sa aking maleta na nasa itaas ng aking ulo.
Ngumiti siya sa akin at kumindat bago isuksok ang bag ko sa kompartimento at isara ito ng tuluyan.
Habang ang kanyang kamay ay nanatili sa aking likuran, lumingon siya upang tingnan ang babaeng nasa likuran niya na nagsisikap na makuha ang aming atensyon sa matinding iglap naming iyon. Mukha namang nagulat ang babae, at nag-aalangan ng tumikhim muli.
“Sorry, kailangan ko lang pumunta sa pwesto ko, at nakaharang kayo sa daan. Hindi ko sinasadyang madistrobo ang reunion ninyo. Halatang matagal kayong hindi nagkikitang dalawa.” Aniya ng may matamis na ngiti.
Gusto ko sanang linawin ang katotohanan, kaya naman ay ibinuka ko ang aking bibig upang sabihin na hindi ko kilala ang lalaking iyon pero naunahan niya ako.
“Hinahanap lang namin yung pwesto namin. Paalis na rin kami. ” Ang kanyang boses ay matatas at tiyak.
Mapagpasalamat na tumango ang babae.
Nagsimula na akong lumakad palayo, upang makatakas sa pambihirang sitwasyong iyon, ngunit hinigpitan lamang ng lalaki ang kanyang pagkakahawak sa akin.
Sumandal siya at bumulong sa tenga ko: “Not so fast … You’re not getting away that easily.”
Pagkatapos ay napatingin siya sa nakakilabot na lalaking magiging katabi ko sa flight na ito. “Lumipat ka,” sabi niya rito.
Si Mr. Creeper ay nakaupo pa rin doon at natulala ng ilang segundo, malamang na pinoproseso pa rin ang mga pangyayari. Naisip ko ay mabuti na lang at nakita niya kami.
“Ano?” tanong niya.
“Alis,” ulit ng makisig na lalaki. “Ako ang nakaupo riyan.”
“Sorry? Hindi ako lilipat. Ito ang upuan ko.”
Napaangil ang lalaking nakahawak pa rin sa akin. “Heto, kunin mo na yung sa akin.” Inabot niya kay Mr. Creeper ang kanyang ticket. “First class yan,” aniya, habang pinapanood ang lalaking nakatitig sa tiket nang nakataas ang isang kilay.
“Ngayon, umalis ka na riyan,” dahan-dahan niyang sinabi—halos nagbabanta—na para bang hinahamon niya ang lalaki na kuwestiyonin pang muli ang kanyang mga utos.
Tumingin sa amin yung creep na yun ng isa pang beses bago siya tumayo at mabilis na kinuha ang kanyang bag, nagmamadaling dumaan sa amin nang hindi man lang nakikipag eye contact. Pinanuod ko ang mga pangyayaring ito, manghang-mangha.
Ano’ng nangyari? Naging kakaiba talaga ang araw na ‘to.
“Go on, gorgeous,” sabi ng bago at misteryosong kapitbahay ko, marahan niya akong pinadaan tungo sa window seat habang malapit na nakasunod sa aking likuran.
Umupo ako at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko. Hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin, medyo nabigla pa rin at nahihiya sa mga nangyari.
“Um, sorry tungkol sa kanina,” bulong ko, habang iniipit ang isang hibla ng ligaw na buhok sa likod ng aking tainga, at nakababa ang tingin. Gusto ko talagang magustuhan niya ako. “Hindi talaga ako ganun ka-pisikal sa mga taong hindi ko naman kilala, promise.”
Kabado akong natawa. Nang hindi siya tumugon, tumikhim na lang ako.
“O sige … bakit mo na lang pinagpalit yung first class ticket mo para lang sa pwestong ito?”
Biglang may humawak sa aking baba at ibinaling ang ulo ko. Nagtama ang aking mga mata at ang kanya, at hinawakan niya ang aking pisngi sa kanyang kamay.
“Dahil gusto kong makasama ka,” mariing sabi niya.
Hinaplos niya ang aking pisngi ng kanyang hinlalaki habang lubusang sinisiyasat ang aking mukha.
“Wow, paano ako naging ganito kaswerte?”
Humiwalay ako sa kanya, hindi sigurado kung paano tutugon. Mali siguro ang pagkakarinig ko.
“Sorry, ano’ng sinabi mo?”
Ngumiti lang siya at umiling. “Nothing. Don’t worry about it, beautiful.” Humilig siya sa akin mula sa tapat ng armrest. Masyado kaming magkalapit para sa dalawang estranghero.
“I’m Grayson. Ano’ng pangalan mo?”
Halos para akong nataranta, narinig ko na lang ang sarili kong nag salita, “Belle.”
Lumawak ang ngiti niya. “Belle,” sabi niya sa sarili. “My Belle.”
Napakaganda ng kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang titigan ang mga ito. “U-huh…,” wala sa sariling sabi ko.
Nagpakawala siya ng buongpusong halakhak. May sinabi ba akong nakakatawa? “Malakas ang ating bond; Nasisiguro ko.”
Ako lang ba, o sadyang walang katuturan ang mga pinagsasasabi niya? “Ano? Anong bond?” Tanong ko.
Inalis niya ang isang ligaw na hibla ng buhok mula sa mukha ko. “Huwag mo nang pag alalahanin ang sarili mo tungkol doon.”
Muli na naman akong hinila mula sa kawalang-ulirat na tila ay patuloy niya akong ipinasasailalim, nang may isang sanggol sa likuran namin na umiyak ng malakas. Nang mapagtanto ko kung gaano ako kalapit sa lalaking iyon—Grayson—napaatras ako.
Naramdaman ko na ang kanyang paghinga sa mukha ko.
Muli ay kabado akong tumawa, saka pinatong ang mga kamay ko sa aking kandungan, habang sinusubukang hindi magmukhang asiwa gaya ng tunay na nararamdaman ko.
Iniisip siguro ng lalaking ‘to na isa akong nutjob.
“So, business or pleasure?” tanong ni Grayson.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
“Ano?” Napatingin ulit ako kay Grayson.
“Ano ang pakay mo sa pagpunta ng Paris, business o pleasure?”
Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan kung nasaan ako. Hindi ko mapigilang nerbiyosin nang maalala kong lilipad na ang eroplanong sinasakyan namin anumang minuto.
“Ay, um, wala sa nabanggit. Bibisitahin ko ang aking ina at ang kanyang asawa.”
Nakasimangot yata ako dahil napatanong si Grayson, “Hindi ka ba masayang makita ang mama mo at ang asawa niya?”
Umiling ako.
“Hindi, mula nung iniwan niya ako at ang papa kong may sakit, para pumunta sa Paris at pakasalan yung mayaman niyang kalaguyo,” narinig ko na lang na sinambit ko.
Napatigil ako. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ‘yun.
Wala akong pinagsasabihan ng tungkol sa aking ina, at ngayon ipinagdaldal ko ito sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala.
Napatingin ako sa kanya. Parang napapaisip siya.
“Sorry. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun. Promise, hindi ako yung tipo ng tao na makakasakay mo sa eroplano at bigla na lang magkukwento ng buong life story niya sa kahit na sinong makatabi niya.”
Masidhing tinitigan ni Grayson ang aking mga mata—na para bang may hinahanap siya—at pagkatapos ay hinawakan niya ang armrest at inangat ito para wala ng harang sa pagitan naming dalawa. Pinagmasdan kong mabuti ang mga kilos niya.
“Um… Anong ginagawa mo?”
“Shh…,” bulong ni Grayson. Hinawakan niya ang balakang ko, na siyang nakaharap na sa kanya, at hinila ako kaya naman ay sumagi ang mga tuhod ko sa kanya.
Yung masarap na pakiramdam ay muling nanumbalik sa aking katawan nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng aking kamiseta tungo sa aking bandang likuran, sa pagitan ng aking balakang, kung saan hinahaplos niya ako ng paikot-ikot gamit ang kanyang hinlalaki.
Napahangos ako. Gamit ang kabilang kamay niya ay hinawakan niya ang aking mukha.
“Wala ka nang dapat pang alalahanin ngayon,” bulong ni Grayson. “Ako na ang bahala sa’yo.” Humilig siya sa akin kaya dumampi ang labi niya sa tainga ko. “You’re mine.”
Tumingala ako para makita ang mga mata niya. “Anong ibig mong sabihin?”
Ngumisi siya. “I mean…” Hinaplos ng hinlalaki niya ang babang labi ko, at napa buntong hininga ako.
“Everything”—hinalikan niya ang talukap ng mata ko—”about”—hinalikan niya ang isa ko pang takipmata—”you”—ang dulo ng aking ilong—”is mine.” At sa wakas, sinalubong ng labi niya ang labi ko.
Napapikit ang aking mga mata sa halik niya. Napaka euphoric ng pakiramdam na ito, parang may mga fireworks at explosions. Umakyat ang aking mga kamay sa kanyang malaki, at matipunong balikat at pinisil ito.
Isang mahinang ungol ang pinakawalan ko.
Naramdaman kong ngumisi siya sa aking labi, at napatigil ako saglit. Wag, wag kang ngumisi. Pag ngumisi ako, baka tumigil siya sa paghalik sa akin at ayokong mangyari ‘yun.
Habang hindi inaalis ang mga labi ko mula sa kanya, tumayo ako at idiniin ang dibdib ko sa kanya, nadadarang sa init na dala ng mga sandaling nagdidikit ang aming mga katawan.
Ang aking mga kamay ay naliligaw na sa buhok niya habang hinihigit ang kanyang mukha papalapit sa akin.
Umungol siya nang may pagsang-ayon.
Bigla niyang niyapos ang balakang ko, matapos ay itinaas ako upang ilagay sa kandungan niya para naka paibabaw ako sa kanya. Idiniin ko ang dibdib ko sa kanya, at pinalalim niya ang aming halik, habang inilulusok ang kanyang dila sa aking bibig.
Hinihimas ng mga kamay niya ang tagiliran ko, tapos ay dahan-dahan itong sumuot sa ilalim ng kamiseta ko upang hawakan ang aking baywang, ang mga hinlalaki niya ay sumasagi na sa underwire ng aking bra.
Oh my god, bakit ang init dito?
May tumikhim sa tabi namin, at para bang may nag flip ng switch sa utak ko: Bigla kong narealize kung ano yung ginagawa namin.
Napaatras ako bigla, pero hinigpitan ni Grayson ang pagkakahawak niya sa’kin, pinapanatili akong pirmi sa kandungan niya.
Napatingin ako sa flight attendant na nakatayo sa tabi namin.
“Sorry, miss, ngunit inaanyayahan ko po kayo na bumalik sa inyong upuan at magsuot ng inyong seatbelt. Palipad na po ang eroplano.”
Tumango na lang ako ng mabilis, ramdam kong namumula na ang mukha ko. Nagpumiglas ako mula sa kandungan ni Grayson, at buti na lang, ay hinayaan niya naman ako. Bumalik ako sa aking upuan at madaling nagsuot ng seatbelt ko.
Pinagmasdan ng flight attendant habang isinuot din ni Grayson yung seatbelt niya, nang matapos ay tumango ito at naglakad na palayo.
Oh my God. Oh my God. Oh my God.
Tinakpan ko ng aking mga kamay yung mukha ko para pahupain ang init na namuo sa aking mga pisngi.
Hindi ako makapaniwala na ginawa ko ‘yun. Ano bang nangyayari sakin?
Sa sobrang hiya ko, ni hindi ko magawang tignan si Grayson. Ginapang ko siya at pumatong ako sa kanya habang dinidiin yung sarili ko sa kanya na parang prostitute na nagmamakaawang pasukin niya yung panti ko.
“Hey, hey, hey,” narinig kong pag-alo ni Grayson. “What’s wrong?” Hinipo niya ang braso ko.
Na siya namang nilayo ko, binabalewala kung gaano ko ka-gustong hinahawakan niya ako.
“Wag mo ‘kong hawakan,” singhal ko.
Nakarinig ako ng nakagigitlang angil mula kay Grayson. Tinignan ko siya at nakita ang isang intense na ekspresyon sa kanyang mukha.
Nagtiim ang kanyang panga at malalim ang paghinga niya, mabilis ang pagtaas at pagbagsak ng kanyang dibdib. At bukod pa rito ay itim na itim ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga inla, iris, at ang mga puti ng mga mata niya ngayon ay ganap nang itim.
Napabuntong hininga ako at napaatras hanggang sa tumama ang likod ko sa pader sa likuran ko.
“Diyos ko. Ang mga mata mo.”
Minulat niya ang mga mata niya at bigla itong ipinikit. Huminga siya ng malalim, at nang dumilat siyang muli ay bumalik na ito sa normal.
Nababaliw na ako. Iyon lang ang tanging lohikal na dahilan. Ang pagkamatay ni papa at ang takot na makita ulit ang aking ina ang nag udyok sakin na mawala sa katinuan.
“I’m sorry,” aniya. “Pero hindi mo ako pwedeng pagbawalan na hawakan ka.”
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Baka siya yung nababaliw. “Anong ibig mong sabihin?”
Humilig siya palapit, isang masinsin na titig mula sa kanyang mga mata.
“Oh, baby girl, have you forgotten already?” Pinisil ng kanyang kamay ang aking tuhod at hinimas ng pataas at pababa ang aking binti.
“You’re mine, remember?”
Kumulo ang dugo ko. Pangatlong beses na niya kong tinawag na pagmamay-ari niya. Sino ba siya sa akala niya?
Oo, ang gwapo nga niya. Halos ihagis ko na yung sarili ko sa kanya at sobra akong naaakit sa kanya, pero hindi naman ibig sabihin non na pagmamay-ari niya na ako. Ako ang nagmamay-ari sa sarili ko. Walang ibang nagmamay-ari sa’kin.
Lalo ng hindi ako pagmamay-ari ng isang lalaki na ngayon ko lang nakilala at walang alam tungkol sa personal boundaries.
Binuka ko ang aking bibig upang magbigay saloobin sa kanya, ngunit natigil ako nang maramdaman ko na biglang gumalaw ang eroplano.
Mukhang hindi ko yata narinig yung part kung saan ipinaliwanag nila kung nasaan ang lahat ng mga exit at kung paano magsuot ng maayos ng seatbelt.
Pero mas mabuti nga siguro yun: dahil baka mas kakabahan lang ako kung narinig ko pa 'yun.
Habang mabilis ang pag-angat ng eroplano, lumakas rin ang pintig ng puso ko at nagsimulang manginig ang aking mga kamay. Inabot ko ang kamay ni Grayson na nakahawak pa rin sa aking binti at pilit kong ipinikit ang aking mga mata.
Sinubukan kong huminga ng malalim upang mapakalma ang aking sarili, ngunit sa halip ay para akong hiningal lalo.
Diyos ko… Nagha-hyperventilate na ba ako?
“Belle,” narinig kong sinabi ni Grayson. “Belle, baby, anong problema?” Naramdaman ko ang kamay niyang umangat para hawakan ang balikat ko.
Balisa kong iniling ang aking ulo, hindi mahanap ang sariling boses. Natatakot ako na kapag nagsalita ako, ay baka maiyak lang ako.
“Belle,” wika ng boses ni Grayson. Mas kalmado sa mga oras na ito.
“Look at me, Belle. I need you to look at me, gorgeous. Let me see those beautiful blue eyes.”
Umiling akong muli. Parang lumundag ang eroplano habang umaangat ito mula sa lupa. Nagpakawala ako ng isang maliit na ingit at sinandal ang aking sarili sa pader.
“Belle, I swear to God, if you don’t look at me, I will kiss you again, and who knows where that will lead…”
Sinabi ba talaga niya ‘yon? Halos atakehin na ako sa puso, tapos nagbabanta pa siyang halikan ako?
Iminulat ko ang aking mga mata. Halos isang talampakan na lang ang layo ng mukha ni Grayson mula sa akin. Ngumiti siya.
“Ayan yung mga magagandang matang hinahanap ko.”
Medyo huminahon na ang aking paghinga. Hindi kapani-paniwala yung kakisigan niya. Paano naging posibleng maging ganito siya kagwapo?
At charming, at sweet, at comforting, at isang amazing kisser…
Biglang yumanig muli yung eroplano—mas malakas sa pagkakataong ito—at karamihan sa mga pasahero ay nagulat.
Ang boses ng piloto ay narinig namin mula sa mga cabin speakers, humihingi ng paumanhin para sa turbulence, at nagsasabing ang panahon ay tila mas seryoso kaysa sa orihinal na inaasahan.
Sumulyap ako sa aking bintana at nakita kong bumubuhos ang ulan, at ang langit ay natabunan ng mga kidlat.
“Oh Diyos ko, ganito ako mamamatay,” ani ko. Nanginginig ang buong katawan ko.
Ang eroplano ay muling yumanig kasabay ng pagbagsak ng malakas na kulog mula sa labas. Napatili ako sa takot habang nagsimulang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
“Belle, baby, come here,” nababagabag na sabi ni Grayson. Napatingin ako sa kanya at nakita kong inaabot niya ang kanyang braso, niyayaya akong sumandal sa kanya.
“Ano?” Nanginginig kong tanong. “Hindi-hindi!”
May humigpit ng kapit sa kamay ko. Napatingin ako sa ibaba upang makita na hawak ko ang isang kamay ni Grayson sa pagitan ng aking mga kamay. Dali-dali akong kumalas at tinulak ito palayo sa akin.
Bakit ba napaka-touchy ko sa lalaking ito?
Hinawi niya ng isang kamay niya ang kanyang buhok habang pinapanood ako na natataranta. Para bang nasasaktan siya. “Please, Belle, hayaan mong tulungan kita.”
Napahawak ako sa pader sa likuran ko, inaasahan kong mapipirmi nito ang nanginginig kong katawan. “Paano?”
Bago ko malaman ang sagot niya, niyanig ang eroplano ng isang malakas na kulog at napakaliwanag na kidlat na isinusumpa kong tumama talaga sa amin. Naghiyawan ang mga tao nang magkandahulog ang mga bagahe mula sa overhead compartments.
Sumigaw ako ng para bang walang bukas at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.
“Oh my God. Oh my God. Oh my God,” hikbi ko. Marahil ito na ang pinakamasahol na bangungot ko.
“Belle,” sabi ni Grayson. Napaka linaw ng kanyang boses, at sa isang iglap ay nawala ang lahat ng iba pang mga ingay sa paligid namin. “Tumingin ka sa akin.”
Tila nasa ilalim ako ng kanyang kontrol, tinanggal ko ang mga kamay ko sa aking mukha at tumingin kay Grayson. Ang mga mata niya ay itim na naman.
Ngunit sa oras na ito, hindi na nakakatakot. Ngayon, ay halos nakakakalma na ito.
“Halika dito,” marahan niyang sinabi.
Tumango ako at halos ihulog ang aking sarili sa kanyang dibdib, kung hanggang saan lang hinayaan ng aking seatbelt. Pinaikot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan sa isang yapos at sinikbit ang kanyang damit sa aking mga kamao.
Inakbayan niya rin ako, habang inaangat ang aking kamiseta upang ang kanyang lantad na balat ay dumampi sa aking likuran at tiyan.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko, nanginginig mula sa pakiramdam na dala ng kanyang balat na dumadampi sa akin, at ang masarap na sensasyon na dala niya ay tumatakbong muli sa aking buong katawan.
Naramdaman kong hinihimas niya ang buhok ko. “Sorry, alam kong ang weird nito para sayo. Pero kapag mas maraming kasi tayong skin-to-skin contact, mas magiging mahinahon ang pakiramdam mo.”
Inalis niya ang aking mga braso mula sa pagkakayapos ko sa kanya, at, panandalian akong nakaramdam ng pagkadismaya. Ngunit hinubad niya lang ang kanyang pang-itaas at ibinalik ang aking mga braso sa orihinal nitong pwesto.
Nararamdaman ko ang abs niya…
“Kita mo? Mas okay, di ba? Nakakatulong ang paghawak mo sakin.” Naramdaman kong hinalikan niya ang taas ng aking ulo.
Tama siya. Nararamdaman ko na bumabagal ang pintig ng aking puso at nagsimula akong huminahon. “Paano ito nangyayari?” Tanong ko. Labis akong naguguluhan.
Ano ang nangyayari?
Ngunit bago pa siya makasagot, ay may bumagsak muli na kulog. Ngumisi ako at ibinaon ang aking mukha sa dibdib niya.
Humigpit ang yapos niya sa akin, habang ang mga kamay niya ay patuloy na minamasahe ang likuran ko.
“Shh, baby girl. Mag relax ka lang…,” bulong niya, dumampi ang labi niya sa aking tainga. Naramdaman kong dahan-dahang pinakawalan ng aking mga balikat ang namumuong tensyon dito. Napaka suave ng kanyang boses, nakaka panatag—para bang mayroon siyang magical powers.
Yung tipong gagawin ko ang kahit anumang hilingin niya sa’kin, marinig ko lamang ang boses niya.
“There we go. That’s what I like to see.”
Mas maraming kulog ang yumanig sa eroplano. Lalo kong idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya at humangos.
“Nuh-uh,” sabi niya. “None of that.” Dinikit niya ang mga labi niya sa aking tainga, at nag-iwan ng isang maliit na halik.
“Pakinggan mong mabuti ang boses ko. Boses ko lang ang naririnig mo, baby. ” Hinalikan niya akong muli pababa hanggang sa aking leeg.
Tama siya. Muli, naglaho ang iba pang mga ingay. Ang mga umiiyak na sanggol, ang mga sumisigaw na mga pasahero, ang umuugong na kulog, ang malakas na ulan—lahat ay nawala.
Ang natira na lang ay siya at ako.
“Boses ko na lang ang naririnig mo. Hindi ba?”
Tumango ako.
“Good. Now, slow your breathing.”
Ang aking paghinga ay nagtungo mula sa mabilis at hingal na hangos ay naging mabagal at malalim na pagbubuntong hininga.
“Good girl.” Patuloy na gumagalaw ang kanyang labi sa aking leeg. “Don’t be scared. I’ve got you. I’ll take care of you.”
Ang mga halik niya ay tila mahika. Ang boses niya ay tila mahika. Lahat ng tungkol sa kanya ay mahiwaga. Wala na ako sa isang eroplano ngayon. Ni hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon.
Ang alam ko lang, ay ako lang at si Grayson—ang mga braso niyang nakabalot sa akin, ang mga labi niya sa aking balat. Ito lang ang kailangan ko para kumalma.
At matapos ay nakahanap ang kanyang mga labi ng isang dako sa aking leeg na naghatid ng init sa buong katawan ko. Napasinghap ako dahil dito.
Napangiti si Grayson sa balat ko. “Hmm…” Sinimulan niya sipsipin ang balat ko rito, habang ang kanyang dila pinadudulas niya sa aking lantad na balat, na nag-iiwan ng sensasyong mangilig na umaabot sa kadulu-duluhan ng aking mga daliri.
Ang kanyang mga daliri ay bumabaon sa aking baywang, at may naramdaman akong namumuo sa loob ko—isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nadarama.
Nanginginig ang aking buong katawan, at ikiniling ko ang ulo ko sa gilid upang magbigay daan sa kanya. Ang kanyang malalim na hagikhik ay umugong sa aking buong katawan.
“Hmm… Ganyan ba, gagawin natin?” binulong niya sa aking hubad na balat.
Ni hindi na ako makasagot. Para bang nasa ilalim ako ng impluwensya ng droga. Napakabagal ng paggalaw ng lahat.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga na parang pag angal dahil tumigil siya sa paghalik sa akin. Hindi ko tiyak kung ano ang gusto kong mangyari, pero higit pa rito ang kailangan ko—isang bagay na alam kong si Grayson lang ang makapagbibigay.
Idinikit ko pa ang aking ulo, inaasahan kong patuloy niya akong halikan.
Napabuntong hininga siya. “I know, beautiful, I know. Pero hindi dito. Hindi ngayon.” Naglagay pa siya ng isa pang maliit na halik sa dakong yun. “But I promise, I will make you mine. Soon.”
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kaya't lumapit nalang ako sa kanya, nilalanghap ang kanyang mahalimuyak na amoy. Anong klaseng cologne kaya ang ginagamit niya?
“Tama yan,” aniya. “Nandito lang ako at ligtas ka na. Wala nang mangyayaring masama sa’yo. Gagawin anting pinakamagandang yung buhay nating dalawa na magkasama. Hindi na kita kailanman pakakawalan.”
Ano’ng sinabi niya?
“Pero sa ngayon,” sabi niya, “kailangan mong magpahinga.”
Tumingin ako sa kanya. Itim pa rin ang mga mata niya.
“Matulog ka na muna.”
At tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!