Si Everly ay namumuhay sa takot buong buhay niya, pero lumala ang lahat nang ibenta siya ng kanyang mapang-abusong madrasta sa pagkaalipin. Napilitang mabuhay sa isang masalimuot ng kabilang mundo ng mga halimaw na nauuhaw sa kanyang dugong birhen, nawawalan na ng pag-asa si Everly–iyon ay hanggang siya ay nakatakas sa Red Moon Pack.
Doon niya nakaharap ang guwapong Alpha Logan, ang kanyang nakatakdang mate. Pero ang dati niyang mga panginoon ay hinahabol ang kanyang landas.Makakaya ba ng bago niyang pack na ang talunin ang mga ito?
Rating ng Edad: 18+
Ang Nawalang Prinsesa – Holly Prange

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Si Everly ay namumuhay sa takot buong buhay niya, pero lumala ang lahat nang ibenta siya ng kanyang mapang-abusong madrasta sa pagkaalipin. Napilitang mabuhay sa isang masalimuot ng kabilang mundo ng mga halimaw na nauuhaw sa kanyang dugong birhen, nawawalan na ng pag-asa si Everly–iyon ay hanggang siya ay nakatakas sa Red Moon Pack.
Doon niya nakaharap ang guwapong Alpha Logan, ang kanyang nakatakdang mate. Pero ang dati niyang mga panginoon ay hinahabol ang kanyang landas.Makakaya ba ng bago niyang pack na ang talunin ang mga ito?
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: Holly Prange
“Everly! Bumangon ka! Napakatamad mo! Gutom na ako!” tawag ng malakas at nakakasuklam na tinig ni tita sa hagdan.
Nagpakawala ako ng isang pagod na daing habang itinatapon ang manipis at makati na kumot bago magmadali na magbihis.
Mabilis kong hinila ang kupas na kayumangging bestida na nakatiklop sa upuan sa sulok.
Ito ay isa sa tatlong mga damit na pagmamay-ari ko, lahat mana ko mula sa aking Tita Lutessa.
Nakakakuha siya ng isang buwanang bayad mula sa mga account na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Ang pera ay inilaan upang bilhin para sa akin ang mga bagay na kailangan ko.
Gayunpaman, inaangkin niya na sapat lamang ito para sa pagkain at bayarin sa bahay upang mapanatili ang aming tubig at kuryente at isang bubong sa aming mga ulo.
Alam kong nagsisinungaling siya. Sa tuwing siya ay may sweldo, umuuwi siya na may dalang mga bag ng bagong damit at alahas para sa kanyang sarili.
Tiningnan ko ang aking sarili sa basag na salamin na nakatukod sa pader at nagbitaw ng isang buntong-hininga bago ipusod ang aking mahaba at maitim na buhok.
Nagmadali akong bumaba ng hagdan at pumasok sa kusina, kung saan nahanap ko ang aking tiya na nakaupo sa mesa at gumagamit ng cell phone.
Hindi ako sigurado kung ano ang ginagawa niya, bagaman positibo ako na hindi ito mahalaga.
Sa hinuha ko, nagtitingin siya sa isa sa kanyang mga social media account.
“Hay salamat, wala ka talagang silbing bata ka,” sabi niya habang nakikita niya akong papasok sa silid.
“Pasensya na po, Tiya Tessa. Nasobrahan lang po ng tulog,” ang bulong ko habang mapagpakumbabang yumuyuko. Sinusubukan ko ang aking makakaya upang hindi mapasama sa kanya, o sa totoo lang, hindi lalong mapasama sa kanya..
“Ayoko ng palusot, puta! Gumawa ka lang ng agahan nang makapasok ako sa trabaho! Ang iba sa atin dito kailangang maghanapbuhay!”
“Opo, tita. Pasensya na po tita,” mabilis kong sagot habang naglalabas ng mga sangkap sa ref.
Inilagay ko ang lahat sa kalan habang sinisimulan ko siyang gawan ng isang hamon at keso na omelette na may kamatis at spinach.
Umuungol ang aking sikmura at naglalaway ako habang pinapanood na maluto ang pagkain sa kalan. Gusto ko rin.
Pinapayagan lamang ako ng aking tiyahin na kainin kung ano ang natitira sa plato niya, na madalas kakaunti lang. Ginagawa ko ang aking makakaya upang magpuslit, ngunit kailangan kong mag-ingat.
Minsan ay nahuli niya ako na kumakain ng ilang tira niya sa ref, at pinalo ako. Ako ay nasaktan at halos hindi makagalaw nang maraming araw pagkatapos nito.
Galit ako sa buhay ko ngayon. Hindi naman dati ganito. Ang aking mga magulang ay kamangha-mangha at mapagmahal.
Palagi nila akong pinapatawa at sinasabi sa akin kung gaano nila ako kamahal. Inaaliw nila ako at yayakapin tuwing nasasaktan ako o nalulungkot.
Napakalapit namin. Pero anim na taon na ang nakalilipas, naaksidente ang sasakyan nila na siya nilang ikinamatay.
Kasama ko dapat sila ngunit nangyaring nakitulog ako sa isang kaibigan nang gabing iyon. Ngayon, araw-araw kong pinagsisisihan na hindi ko sila kasama. Namimiss ko sila.
Namimiss ko ang dati kong buhay. Nasasabik ako sa aking malaki at magandang bahay na may malaking hardin sa likod kung saan ako naglalaro. Noon ay mayroon akong mga kaibigan, magulang; masaya ako.
“Huwag nang managinip ng gising, taba!” sigaw ni Tita Tessa, na inilalabas ako sa aking iniisip.
Inilipat ko ang omelette sa isang plato at dinala ito sa kanya bago siya ipagbuhos ng isang tasa ng kape na may paborito niyang creamer at isang wisik ng gatas.
Nagsisimula akong maglakad palayo upang masimulan ang natitirang mga gawain sa bahay nang pinahinto niya ako.
“May bisita ako ngayong gabi. Linis-linisin mo naman ang bahay. At habang nandito siya, huwag kang makakaalis sa iyong silid. Huwag ka ring mag-iingay, ”utos nito habang dinuduro ako.
Mabilis kong tinango ang ulo ko bago umalis.
Madalas siyang may iba't ibang mga lalaki na dumarating at ilalabas siya; madalas silang bumalik at magtungo sa kanyang kwarto.
Sa lahat ng oras, nagpapanggap ako na wala ako sa aking tinaguriang silid, ang maliit na espasyo ng attic sa itaas ng sala.
Ang natitirang araw ay ginugugol ko sa paglilinis, pagpupunas, pagwawalis, paglalampaso, paghugas ng pinggan at paglalaba, at paglilinis ng banyo at lahat ng iba pa.
Hindi ko na kailangang bigyan ng iba pang dahilan ang aking tiyahin para bugbugin ako. Katatapos ko lang nang marinig ko ang doorbell.
Napatalon ako sa gulat at tumingin sa pintuan, iniisip ko kung dapat ko itong buksan o hindi.
Karaniwan ayaw niyang malaman ng kahit sino sa kanyang mga “bisita” na nandito ako, ngunit sigurado akong magagalit siya sa akin kung aalis sila dahil hindi ko sila pinapasok.
Tumayo ako sandali bago magbitaw ng buntung-hininga at magtungo sa pintuan.
Binuksan ko ito upang makita ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko na may maitim na balbas at bigote.
Napapanot na siya, at mas matangkad lamang siya sa akin nang kakaunti.
Nanliit ang kanyang mga kayumanggi na mata sa akin habang tinitingnan ang aking katawan, na nagpaparamdam sa akin ng pagkahilo.
Ang sulok ng kanyang manipis na bibig ay naging isang ngisi, at nanigas ang aking katawan.
Hindi ako komportable sa pagtingin sa akin ng taong ito, at ngayon ay pinagsisisihan ko na ang pagbukas ng pinto.
Isinara ko ito nang bahagya upang maging handa akong ibagsak ito sa kanyang mukha kung kinakailangan.
Itinuwid ko ang aking katawan hanggang sa aking buong taas at inipon ang aking lakas ng loob. Tinanong ko siya, “Ano po ang maitutulong ko?”
“Nandito ako para kay Lutessa. Hindi ko alam na mayroon siyang katulong…” nagsimula siyang sabihin habang humakbang siya papalapit, at nilalabanan ko ang kagustuhang umatras.
“Wala pa siya sa bahay,” sagot ko bago huminto, hindi sigurado sa kung ano pa ang dapat kong sabihin. Dapat ko ba siyang hilingin na mag-iwan ng mensahe? O bumalik na lang?
Dapat ba akong mag-alok sa kanya ng maiinom? Hahayaan ko ba siyang maghintay sa sala?
Ayokong mapag-isa kasama siya, ngunit hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ni Lutessa kung paalisin ko siya.
“Ayos lang. Maghihintay ako, ”ang wika ng lalaki habang tinabig ako pagpasok niya sa harapang silid, na ikinadapa ko.
Nasalo niya ako sa baywang at hinila ako palapit, napasimangot ako sa amoy ng panis na sigarilyo.
Humahawak siya ng mas matagal kaysa sa kinakailangan, at mabilis akong kumawala sa kanyang hawak at humakbang palayo.
“O — Okay, p — puwede na lang po kayong maghintay d — dito, kung ganun,” nauutal na sabi ko nang magsimula akong pangunahan ng aking nerbiyos.
Nginisian niya ako, tila nasisiyahan na pinakakaba niya ako.
Lumakad siya patungo sa akin habang patuloy akong umaatras hanggang sa mabangga ko ang pader.
Ang kanyang mga kamay ay umakyat sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako habang nakasandal siya sa akin at marahang nagsasalita malapit sa tainga ko.
“Maaari akong mag-isip ng ilang mga paraan upang palipasin ang oras …,” sabi niya habang ang kanyang kamay ay nagsisimulang hawakan ang aking hita at magpunta sa ilalim ng laylayan ng aking damit.
Kinuha ko ang bisig niya at pinigilan ito, at nagtagpo ang mga mata namin.
“Tumigil ka,” pilit kong sagot.
“Huwag ka nang patukso diyan,” sabi niya bago hinawi ang kanyang kamay mula sa mahigpit kong hawak.
“Ako — hindi ako. Hindi lang ako i—interesado,” wika ko bago huminga nang malalim upang kumalma.
“Si Lutessa ay pauwi na rin, at maaari kang maghintay sa sofa,” mahigpit kong sabi sa kanya bago tumalikod at maglakad palayo.
Kinuha niya ang bisig ko at hinila ako papunta sa kanya, at agad ko siyang hinampas ng aking libreng kamay.
Isang malakas na palo ang umalingawngaw sa maliit na bahay, na sinundan ng isang saglit ng katahimikan.
Nanlaki ang mga mata ko nang sumeryoso ang mukha niya at lumingon siya sa akin. “Ikaw puta ka!” Nagsisimula na rin siyang sumugod sa akin, at tumalikod ako para tumakbo.
Nahila ang ulo ko patalikod sa pagsabunot niya sa akin. Nagpakawala ako ng isang daing bago niya ako ibinangga sa pader.
Sumasayaw ang mga madilim na tuldok sa aking paningin habang ako ay napaluhod.
Bulag kong inaabot ang aking mga kamay, sinusubukang itayo ang aking sarili, ngunit tumama ang kamao niya sa mukha ko at natumba ako.
Nagpakawala ako ng daing habang namimilipit sa sahig sa sakit. “Parang awa niyo na po!” Nagmamakaawa ako. “Tama na po!”
Hindi siya nakikinig habang ibiniling niya ako pahiga at sumampa sa akin upang pumatong sa balakang ko.
“Manahimik ka ngang puta ka. Ibigay mo na lang sa akin ang gusto ko,” utos niya bago hawakan ang leeg ng damit ko at winarak ang harapan upang ilantad ang payak na bra na suot ko sa ilalim.
Ang aking mga kamay ay umabot sa aking harapan habang sinusubukan kong itulak siya palayo.
Nagpupumilit siya na kunin ang aking mga bisig, at sa wakas ay nakaya kong makuha ang isang mabigat na ceramic na ashtray sa ibabaw ng lamesa.
Hinampas ko ito sa ulo niya and bumagsak siya papalayo sa akin.
Mabilis akong bumangon upang tumakbo palayo, ngunit ang kanyang kamay ay dumakma sa aking bukung-bukong, dahilan upang madapa ako sa aking mukha.
Sa sandaling iyon, narinig ko ang tunog ng pintuan habang pumipihit ang hawakan nito at ito ay bumukas. Pumasok si Tita Tessa at agad na nanigas nang makita kami.
“Anong nangyayari dito?!” sigaw niya habang nagmamartsa patungo sa amin habang ang lalaki ay nagkukumahog na tumayo.
Habang nagsisikap din akong tumindig, hinatak ako ng aking tiyahin sa braso.
“Nilalandi mo ba si Dean, hayop ka?!” sigaw niya habang niyuyugyog ako.
“H — HINDI! S — sinubukan niya po akong gahasain! ”
“SINUNGALING!” sigaw niya habang inaalog niya ulit ako.
“Sinong lalaki naman ang magnanasa sa isang mataba at walang kwentang pokpok na tulad mo?! Wala kang kwenta! At oras nang malaman mo iyan! ”
BInuhat niya ako sa harapan niya bago ako hinampas sa mukha.
Agad ang kirot habang lumipad ang aking kamay upang takpan ang aking pisngi at luha ang pumuno sa aking mga mata.
Bahagyang huminahon ang kanyang mukha bago siya lumingon sa kababuyan na nakatayo lamang doon at pinapanood ang eksena.
“Dean, hintayin mo ako sa sasakyan. Kailangan kong turuan ang haliparot na ito ng aral bago ang ating date. Lalabas din ako. ”
Tinitigan ako nito at tumango bago umalis.
Pinunasan ko ang aking basang pisngi habang naririnig ko ang pagsara ng pinto, at ang aking tiya ay tumungo sa aparador at bumalik na may sinturon.
“Parang awa nyo na, Tiya Tessa,” pagsusumamo ko sa kanya. “H-hindi ako nagsisinungaling! Pinilit niyang pumasok. S — sinaktan niya ako… ”
“Bakit mo palaging sinisira ang buhay ko?!” sigaw niya sa akin habang hinahagupit ako ng sinturon.
Likas na ihinarang ko ang aking mga bisig sa harap ko upang maprotektahan ang aking sarili, at kumagat ang sinturon sa aking mga braso.
Itinapon niya ako sa sahig, at napadapa ako nang paluin niya ako ulit ng sinturon.
Paulit-ulit niya akong hinahampas habang nakayuko na ako sa sahig, sinusubukan ang aking makakaya upang protektahan ang aking ulo at leeg sa paghagupit niya.
Nang sa wakas ay nagsawa na siya, binitawan niya ang sinturon sa sahig at tumungo sa harap ko.
“Pagkabalik ko, malinis na dapat itong lahat! Naririnig mo ako, tamad na puta ka?! “
Nagsisimula akong humikbi, kinakaya na lamang na bigyan siya ng kaunting tango.
Tumalikod na siya at iniwan akong nakahandusay sa sahig na may mga pasa at hiwa na bumalot sa aking katawan.
Nanatili ako roon habang ang aking katawan ay napupuno ng aking malulungkot na daing. Ang aking buong katawan ay madulas at malagkit sa dugo.
Masakit gumalaw, ngunit ayaw ko nang mabugbog ulit.
Matapos ang parang magpakailanman, naibangon ko ang aking sarili at nilinis ang kalat bago gumapang sa shower upang magbanlaw.
Sa paglaon ay bumagsak ako sa aking kama, na isang luma at maruming kutson sa sahig. Bumaluktot ako at nagtalukbong sa makati kong kumot.
Lahat ng aking galaw ay mabagal at masakit, at kung hindi dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung makakatulog ako.
Sa kabutihang palad ko, pagod na pagod ako, at kinuha na rin ako ng kadiliman. Hindi ko alam kung gaano katagal ako makatulog bago punan ng boses ng tiyahin ang silid.
“Bumangon ka, Everly! Bihis! Kailangan na nating umalis!” utos niya.
Bumukas ang aking mga mata at tumingin ako sa paligid na naguguluhan. Madilim pa rin.
“Ano ang nangyayari? Pupunta saan? ” inaantok kong tanong, sinusubukan pa ring maintindihan kung ano ang nangyayari.
“Basta bilisan mo at gawin mo na ang sinabi ko, wala kang kwenta!” tugon niya bago ibinagsak ang pinto at nagmartsa ulit pababa.
Nagsusumigaw ang aking katawan habang pinipilit kong bumangon at magbihis ng isang maruming puting damit.
Isinuot ko ang aking sapatos at bumaba, kung saan nakita ko si Tiya Tessa na naghihintay sa pintuan na nakasuot ang kanyang coat.
Ang kanyang paa ay tumatapik sa sahig nang walang pasensya, at tumingala siya sa akin habang nagsisimulang bumaba ng hagdan mula sa attic.
“Bilisan mo! Tumatakbo ang oras!”
Binuksan niya ang pintuan at nagsenyas sa labas sa kanyang kotse na naka-park sa harap. “Ti—”
“Manahimik ka! Halika na lang! Pasok!” Umiling ako at sumakay sa harap bago mag-seatbelt.
Isinandal ko ang aking noo sa bintana habang papalibot ang aking tiyahin at sumakay sa driver seat.
Ang malamig na salamin ay masarap sa aking balat, at ipinikit ko ang aking mga mata, huminga ng malalim.
Nagmamaneho kami sandali, at maya-maya ay nakakatulog ako.
Paggising ko wala akong kaalam-alam kung nasaan kami, ngunit napansin ko na tatlong oras na mula nang umalis kami sa bahay. Saan niya ako dadalhin? Ano ang nangyayari?
Nagsisimula na akong kabahan. Umayos ako ng upo at nagsimulang tumingin sa paligid, sinusubukan kong malaman kung mayroong anumang mga palatandaan o landmark na nakikilala ko.
Hindi nagtagal, pumasok kami sa isang malaking lungsod, at siya ay paikot-ikot sa mga kalsada.
Ang aking pagkabalisa ay patuloy na lumala sa patuloy kong pagsisikap na alamin kung saan kami papunta. Lagi niya lang akong sinasabihang manahimik o hayaan siya.
Kumakalam ang aking tiyan habang pinapanood ang mga gusali sa paligid namin. Tila paluma nang paluma ang mga ito habang nakakalayo kami.
Sa wakas, huminto kami sa harap ng isang simpleng bricks na warehouse na may itim na pintuan. Kinakaladkad ako ni tita rito at nag-doorbell.
Isang malaking lalaki na nakasuot ng masikip na itim na T-shirt at maong ang sumagot na nakahalukipkip. “Sabihin niyo ang pangalan niyo at kung ano ang pakay niyo dito,” masungit nitong sabi.
“Lutessa Andrews. May meeting ako kay Lord Vlad Lacroix,” sabi niya habang mahigpit na hawak ang aking braso.
Tumango ang guwardiya at humakbang pabalik,at pinadaan kami bago kami patuluyin sa isang madilim na pasilyo.
Parang kung anong lumang bodega lang ito maliban sa lahat ng mga tunog na naririnig ko mula sa mga silid na hindi ko makita.
May malakas na musika na tumatagos sa mga pader na parang may club sa kabilang panig.
Habang patuloy kaming naglalakad, naririnig ko ang mga daing at hiyawan mula sa iba`t ibang mga silid. Sa bawat hakbang, lumalaki ang aking pangamba. Nasaan na ba kasi kami?
Pinadaan kami sa isang hanay ng mga dobleng pintuan, at biglang ang lugar ay nagbago sa isang makapal, marangyang karpet ng pula at puti at itim na pader.
Nang maabot namin ang isang pintuan sa dulo ng pasilyo, kinatok ito ng lalaki, at may boses mula sa loob sa tumatawag, “Tumuloy kayo.”
Binuksan ng guwardiya ang pinto at sumenyas sa amin na pumasok bago isara ito sa likod namin.
May isa pang lalaki na nakaupo sa isang upuan na mataas ang sandalan sa likod ng isang napakalaking mesa na mahogany.
Tila patay sa putla ang ang kanyang kutis at ang itim na buhok niya ay nakasuklay pabalik. May hitsura siya sa kanyang tangkad, balingkinitan na pangangatawan at kulay-abong mga mata, ngunit siya rin ay… nakakatakot.
Ang mga sulok ng kanyang bibig ay umakyat patungo sa isang masamang ngiti sa aming pagpasok, at tumayo siya mula sa kanyang mesa at lumapit upang salubungin kami.
Itinulak ako ng aking tiyahin pasulong, at sinimulan akong ikutan ng lalaki habang ang kanyang mga mata ay bumabakat sa bawat pulgada ng aking katawan.
“Puwes, ito siya?” mahina siyang nagtanong, at nagtataka ako kung tanong nga ba talaga ito.
“Oo. Ito ang sinabi ko sa iyo, ”sagot niya.
Tumango siya habang papalapit ulit sa harapan ko.
“Mabuti. Puwede na ito. ” Lumingon siya at lumakad papunta sa kanyang mesa habang kinukuha ang isang maliit na kayumangging bag at dinala ito sa tiyahin ko, at ihinulog ito sa kanyang kamay.
“At ang bayad mo. Tulad ng napag-usapan. “
“Salamat po sir,” sagot ni Tita Tessa.
Paglingon ko sa kanya. “Bayad saan?”
“Sasabihin niya sa iyo. Hindi na kita problema.” At ganun ganun lang, ang aking tiyahin ay lumingon at lumayo sa akin, at iniwan akong mag-isa sa silid na ito kasama ang kakatwang lalaki.
Tumingin ako sa kanya, naghihintay ng paliwanag.
“Hindi ba halata, hija?” Tanong niya na may tonong mapangutya. Kumunot ang aking kilay habang sinusubukan kong pagtagpi-tagpiin ang lahat, ngunit hindi ako sigurado.
Kung hindi lang ako nag-iisip nang mas matino, sasabihin ko na parang ipinagbili lang ako ng tiyahin sa lalaking ito. Ngunit parang hindi naman tama yun. Hindi naman kaya?
Ngumiti ang lalaki. “Magaling, hija. Tama ka.” Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling ang aking atensyon sa lalaki. Hindi ko winika iyon nang malakas.
Binasa ba niya ang isip ko? “Tama ulit,” sabi niya na may masamang ngiti.
“P — Pero p — paano? Bakit? Ito ay iligal! Ito ay— ” pagsisimula kong sabihin, habang sinusubukang maintindihan ang lahat.
“Hindi ako apektado ng mga batas ng tao,” sabi niya habang kumalat ang kanyang masamang ngiti sa kanyang mukha, at ipinakita sa akin ang kanyang dalawang matalas na pangil.
Ang kanyang mga mata ay naging matingkad at pulang-pula, at isang gulat na singap ang lumabas sa aking mga labi bago magdilim ang lahat.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
MATAPOS ANG PITONG TAON
“Palakpakan para kay Ruby Red, lahat!” tawag ng tagapagbalita, na nagreresulta sa silid na sumabog sa mga sigawan, palakpak, at mga paswit habang nagmamadali akong bumaba sa entablado.
Mabilis kong sinuot ang saplot kong sutla at itinali ito sa aking pagbalik sa dressing room kung saan naghahanda ang ibang mga babae para sa kanilang sariling mga set.
Naabot ko ang aking lamesa at salamin at hindi pa halos nakaupo nang pumasok si Mistress Victoria Dupont.
“Scarlet Kiss, susunod ka na. Maging handa sa limang minuto,” sabi niya habang kinakausap niya ang babae sa isa pang salamin sa likuran ko.
Tapos lumingon siya sa akin. “Ruby Red, may mga customer na naghihintay sa iyo sa silid D ng Blood Bank.”
Napapailing ako sa loob-loob ko habang pinapanatili ang aking mukha na walang pakiramdam at binigyan siya ng isang maliit na tango bago pumunta sa exit na humahantong sa isa pang pasilyo. Ayoko na sa buhay na ‘to.
Ginugol ko ang mga taon na inaabuso ng aking kinamumuhian na tiyahin, at ngayon ay alipin ako ng pinakamabangis na master na bampira.
Pinapatakbo niya ang ilalim ng lupa kung saan ang kanyang negosyo, ang Blood Bank, ay nagsisilbi sa lahat ng uri ng mga pangangailangan at fetish.
Gayunpaman, ang pangunahing aspeto ng kanyang negosyo ay ang iligal na human trafficking na nagaganap. Wala sa mga “tagapagbigay-aliw” ang narito sa kagustuhan nila.
Lahat kami ay biktima ng pagkidnap o trafficking. Mayroong mga kababaihan at kalalakihan ng lahat ng uri at magkakaibang edad dito, at nag-aalok kami ng ilang mga serbisyo.
Ang gusali ay may isang strip club na madalas akong pilit na gumaganap. Mayroon ding isang club ng BDSM, isang bahay-aliwan, at ang Blood Bank.
Sa kabutihang palad ko, hindi pa ako napipilitang magtrabaho sa bahay-aliwan. Si Master Lacroix ay may mahigpit na mga utos na panatilihin akong birhen.
Ilan lamang sa atin ang mayroong pribilehiyong iyon.
Kami ang mga birhen noong binili o ninakaw. Naging mahusay kami sa aming pagsasanay at pinakapaborito sa mga nagbabayad na kliyente niya.
Kami ang itinuturing na pinakamaganda sa mga babae sa kanyang “koleksyon.” Ang problema dito ay ang dahilan kung bakit nais niyang manatiling buo ang ating kadalisayan.
Dahil sa pagdadala ng mga dalaga ng pinakamataas na halaga ng dolyar sa auction.
Sa sandaling maramdaman niya na papatapos na ang aming katanyagan sa kanyang mga kliyente, ibebenta ang aming pagkabirhen sa pinakamataas na magbabayad.
Sana makahanap na ako ng isang paraan upang makatakas bago mangyari iyon, kahit na sigurado akong malapit na ang aking oras.
Bente-tres na ako ngayon, kaya't nasa isa o dalawang taon pa bago ako mag-alala tungkol doon.
Sa kasamaang palad, ang karamihan sa mga babae ay ibinebenta pagsampa nila ng bente.
Ang nag-iisang dahilan kung bakit ko naprotektahan ang sarili ko nang ganito katagal ay dahil napakalaki ng kinikita niya sa akin.
Sinubukan ko ng maraming taon na takasan ang impiyernong ito, ngunit palagi akong nahuhuli. Ang mga pagkakataong tumakbo ay palaging kaunti at malalayo ang pagitan.
Ang pinakamasama pa rito ay nakakabasa ng isip ang mga bampira, kaya't kailangan kong maging maingat sa kanila.
Hindi lang iyon, nasa sistema na nila ang iyong dugo mula sa pagsipsip sa iyo, kung gayon hindi mo na kailangang maging malapit sa kanila.
Nagkaroon lamang ng isang beses na nagawa kong lumabas sa compound, at natagpuan ako sa kabilang bayan dahil nakainom sa akin si Master Lacroix.
Kitang kita niya ang lahat ng nakita ko at madali akong nahanap.
Sa tuwing nahuhuli akong nagtatangkang makatakas, binubugbog ako. Wala silang pakialam kung bugbugin ka nila hanggang sa halos mamatay ka na.
Kung umabot sa puntong iyon, bibigyan ka lang nila ng isang sipsip ng kanilang dugo, na may kapangyarihan sa pagpapagaling.
Nagbibigay sila ng napakakaunti lang na hindi ka ganap na pagagalingin, ngunit ito ay mabubuhay ka.
Pagkatapos ay maiiwan ka sa iyong kulungan upang magpagaling sa mabagal at masakit na paraan. Hindi ka man lang makakapahinga pagkatapos mabugbog.
At kung hindi mo magagawang magtanghal, hindi ka pakakainin. At least, mas maayos ang pagpapakain nila sa akin dito kaysa sa aking tiyahin.
Lahat kami ay may mahigpit na diyeta at mga ehersisyo upang mapanatiling malusog. Mas masarap ang malusog na dugo.
Sa wakas, naabot ko ang silid D at huminga ng malalim habang isinuot ko ang aking katauhan na si Ruby Red.
Ang tanging paraan lamang upang malampasan ko ang bangungot na ito ay upang pagbukurin ang mga bagay-bagay.
Ang aking kakayahang magbigay ng palabas at magpanggap ay ang dahilan kung bakit gusto ako ng maraming kliyente.
Ito ang nagprotekta sa akin mula sa pagkawala ng aking pagkabirhen sa sinumang hinayupak na pumupunta dito.
Binuksan ko ang pinto sa madilim na silid na may malaking pulang sofa na hugis kalahating bilog.
Bilog ang silid na may malaking salamin sa kisame at isang poste na pangsayaw sa isang maliit na stage sa tapat ng sofa.
May dalawang lalaki na nakaupo sa sofa, tinitingnan ako nang hayok habang naglalakad ako papasok.
“Kamusta, boys,” mapang-akit kong bulong habang hinahaplos ang isang daliri pababa sa aking katawan upang bitawan ang aking saplot. “Ano’ng sa’tin ngayon?”
Ang tela ng seda ay dumulas sa akin at lumapag sa ligid ng aking mga paa habang ang isang lalaki ay tinapik ang espasyo sa pagitan nila.
“Pagkatapos ng pagganap mo, alam namin na gusto namin ng isang tikim. Halika, upo ka, ”giit ng isa sa kanan. Parehong matangkad at payat ang dalawanglalaki.
Ang kanilang mga pangil ay tumambad na habang sila ay nakatingin sa akin at dinidlaan ang kanilang mga labi.
Ang nagsalita ay may blond na buhok at asul na mga mata, habang ang isa ay may kayumangging buhok na nakapusod at kayumanggi ang mga mata.
“Mukhang napakasarap mo,” sambit ng nasa kaliwa. Naupo ako sa pagitan nila at inayos ang aking buhok habang inalay ko ang aking leeg sa may kayumangging buhok.
Lumapit siya sa akin at ibinalot sa akin ang braso habang hinahawakan ang dibdib ko.
Nararamdaman kong dumapo ang ilong niya sa aking leeg habang inaamoy niya ang aking bango bago ilubog ang mga pangil niya sa aking laman.
Lumuhod sa harap ko ang blond habang ipinapatong niya ang aking kaliwang hita sa kanyang balikat.
Hinalik-halikan niya ang aking hita ng ilang beses bago tumusok ang kanyang ngipin sa ugat sa singit ko.
Kilala ang mga bampira sa pagiging napaka-sekswal na nilalang. Kahit na kailangan nila ng dugo upang mabuhay, madalas nilang gustong paghaluin ang kanilang pagkain sa ligaya.
Habang umiinom sila mula sa akin, kinakapa at hinahaplos ako ng kanilang mga kamay. Ang dalawang ito ay tila medyo mabait kumpara sa karamihan sa mga bampira na pumapasok dito.
Alam nilang lahat na hindi namin ginustong mapunta rito. Karaniwang walang pakialam ang mga bampira sa buhay ng tao, na parang na nasa ilalim tayo ng mga ito.
Sa ilang taon ko na sa negosyong ito, marami akong nakilalang mga bampira na malupit at walang awa. Gayunpaman, may nakilala akong ilang mabubuti.
Sa aking mga naunang taon, nahulog pa ako sa isa. Ang pangalan niya ay Phillipe. Napaka gwapo at napaka sweet niya.
Palagi siyang maginoo sa akin at kakausapin ako, at sinusubukan na makilala ako.
Sasabihin pa niya sa akin na balang araw gusto niyang mailayo ako sa kakila-kilabot na lugar na ito. Na dapat akong kalingain, hindi gamitin at abusuhin.
Isang gabi, bumili siya ng kaunting oras sa akin, at ang mga bagay ay mabilis na nag-init. Nang hiningi niya ang aking pagkabirhen, pumayag ako.
Ayokong ibigay ito sa kahit kanino lang. Hindi ko nais na ang aking unang pagkakataon ay sa pagkagahasa ng sinumang susnod na pagbebentahan sa akin.
Nais kong maging desisyon ko ito. Nais kong ako ang masusunod at magpapasiya.
Sa kasamaang palad, napagtanto ni Master Lacroix kung ano ang nangyayari at tiniyempuhan kami. Sinaksak niya sa puso si Phillipe sa mismong harapan ko.
Ang buong oras na nanlilisik sa akin na para bang walang imik na sinasabi na ang pagkamatay ni Phillipe ay aking kasalanan. Naiyak ako hanggang makatulog noong gabing iyon.
Doon ako nagpasya na huwag kailanman maging tunay kong sarili sa mga kliyente.
Kailangan kong protektahan ang aking sarili, at ang pagpasok sa aking kahaliling persona ay ang tanging paraan na naisip ko upang makaligtas sa buong pagsubok na ito.
Ngayon, ginawa ko ang sarili kong maging anuman ang gusto nila. Maaari akong maging sunud-sunuran o maalab. Maaari akong maging malandi at nakakaakit o mahiyain at maselan.
Ako ay naging mas mapagmasid, at ang aking kakayahang magbasa ng mga tao ay ang dahilan na napapanatili ko ang aking pagkabirhen sa loob ng mahabang panahon.
Ang sumisipsip sa aking leeg ay pinahid ang dila sa sugat bago humalik sa aking lalamunan.
Pinisil niya ang utong ko sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo sa likod ng manipis na tela ng aking itim na lingerie at pinilipit ito nang magaan.
Marami silang nainom mula sa akin, at pakiramdam ko magaan ang ulo ko. Ang mga ilaw sa silid ay kumislap, pinapaalam sa kanila na ang kanilang oras ay tapos na.
Ang nasa pagitan ng aking mga hita ay dumila sa mga sariwang marka ng kagat na natitira, at hinayaan silang magsara.
Ang laway ng bampira ay mayroon ding kakayahan sa pagpapagaling, kung kaya't kapag natapos na sila sa pagsipsip, madali nilang maisasara ang mga sugat sa isang simpleng pagdila.
Tumayo silang pareho at sumandal ako sa sofa, pagod sa pagkawala ng dugo.
“Ikaw ay tunay na napakasarap, mahal,” sabi ng lalaking may kayumangging buhok habang pinupunasan ang mga sulok ng kanyang bibig gamit ang hinlalaki.
“Tama,” sang-ayon ng blond. “Mukhang mapapadalas tayo rito.”
Inayos nila ang kanilang mga damit at naglakad palabas bago pumasok ang isa sa mga guwardya at binuhat ang aking ngalay na katawan.
Binuhat niya ako pababa ng hagdan at ipinatong ako sa manipis na kutson na dayami sa sulok ng aking kulungan.
Sa kabutihang palad, dulo na ito ng gabi ko dahil malapit na ang alas-singko ng umaga.
Hinila ko ang kumot sa aking katawan at namaluktot habang hinayaang manaig ang antok.
*****
Sa sumunod na gabi, nagising ako na may bagong hanay ng mga alipin na nagmamartsa pababa sa mga hagdan na bato patungo sa basement kung saan dikit-dikit ang mga selda sa pader.
“Kilos, mga walang kuwentang yagit!” sigaw ng guwardiya bago manghagupit ng latigo.
Ilang babae ang sumigaw sa hagupit ng latigo sa kanilang mga hubad na bisig habang dinadala sila lalong paloob sa silid.
Tumayo ako at lumapit sa pintuan ng kulungan ko habang pinapanood ko sila.
Nababasag ang aking puso para sa kanila habang kumikilos silang lahat na may luhang dumadaloy sa kanilang maruming pisngi.
Ang isa sa mga mas dalaga ay nagpapalabas ng malakas na mga hikbi bago dumating ang isang guwardya at sinapak siya sa mukha, sumisigaw sa kanya upang manahimik.
Gusto ko siyang sigawan na tumigil na, ngunit alam kong mabubugbog lang ako nang duguan. Maghihintay ako hanggang sa mawala sila upang subukang aluin ang kawawang mga bata.
Ang mga dalaga ay nakahanay muna bago kaming lahat mapalabas mula sa aming mga selda.
Agad akong nagtungo sa mga bagong dating at hinawakan ang mga kamay nila.
Napagtatanto na nilang kakausapin ko sila, kaya kaagad silang umakbay sa paligid ko upang marinig ang sasabihin ko.
“Dadalhin na nila kami sa training center ngayon. Gawin ang sinabi sa inyo at ibaba lang ang inyong mga ulo. Kung gagalingan niyo at hindi niyo sila sinasagot, hindi nila kayo sasaktan. Bibigyan ka rito ng regular na pagkain at ligo. Gawin lamang ang iyong makakaya upang maging matapang at maging malakas, at laging tandaan na puwede kayong lumapit sa akin,” sabi ko sa kanila habang ang aking mga mata ay lumilipat sa bawat isa sa kanila, nakikipag-ugnay upang malaman nila na kinakausap ko silang lahat.
Tumango silang lahat habang ang ilan sa kanila ay nagpupunas sa kanilang pisngi upang matuyo ang kanilang luha.
Tumayo ako at humarap sa exit habang binubuksan ng mga bantay ang pinto at sinimulang akayin kami patungo sa gym.
Ang mga nakapagsanay na sa amin sa pagiging alipin ay papanatilihin namang malusog ang aming mga katawan.
Ang mga bagong rekrut ay matututo nang mas masasaklap na mga bagay. Namimilipit ang aking tiyan nang maalala ko ang aking unang ilang linggo dito.
Nakaramdam ako ng sobrang hiya, sobrang dumi.
Tinanggal ko ang mga saloobing iyon sa isip ko, at naglakad papunta sa isang treadmill at sumakay bago itakda ang bilis.
Matapos kong tumakbo ng limang milya, nagpa-planks ako, sit-ups, squats, at iba pa, tinitiyak na gagana ang lahat ng aking kalamnan.
Papatapos na ang aming oras, at nakikita ko na ang mga bagong rekrut ay inaatasan na linisin ang gym ngayon na tapos na kami dito.
Para sa kanilang pagsasanay, nagsisimula sila sa paglilinis at pagsunod bago magpatuloy sa pagsayaw sa poste, pagiging isang submissive, fellatio, at iba pang mga kakayahan na nakalulugod sa aming mga kliyente.
Pinanood ko ang isa sa mga mas dalaga na huminto sa pagkuskos sa sahig at sumandal sa kanyang takong.
Pinunas niya ang likod ng kanyang kamay sa kanyang ulo, at agad na nakita siya ni Mistress Dupont, nagmartsa sa kanya nang nakatitig.
“Ano ang ibig sabihin nito?!”tili niya bago kaladkarin ang dalaga patayo. “Sinabi ko bang makakapagpahinga ka ?!”
“H — Hindi po, m — ma'am,” mahinang nauutal na sabi ng dalaga habang nakatingin sa sahig.
“Edi kung gayon bakit hindi ka nagkukuskos?!”
“P — pagod na po ang mga b — braso ko,” paliwanag ng dalaga habang ang kanyang mga mata ay napuno ng hindi pa tumutulong luha.
“Pagod na po ano mga braso ko,” mapangutyang ginaya ni Mistress Dupont pabalik. “Ayoko ng palusot! Sampung hagupit sa iyong kawalan ng kakayahan! Luhod! ” hinihingi niya.
Hindi mapigil ang pagnginig ng katawan ng dalaga habang ibinababa ang sarili sa lupa.
Hinubad ng Mistress Dupont ang likod ng gusgusing damit ng dalaga, inilantad ang likod bago tumayo sa likuran niya.
Mayroong isang malakas na tunog habang ang latigo ay buagsak sa dalaga. Agad niyang pinakawalan ang isang masakit na daing bago siya umiyak.
Nang walang pag-iisip, tumungo sa kanya, naninikip ang aking puso sa aking dibdib.
Dapat mas nakakaalam ako. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko alam.
Hindi ko lang kinakayang pagmasdan lang na mabugbog ang mga dalagang ito nang katulad ng pinagdaanan ko. Hindi ito karapat-dapat sa kanila. O sa kahit sino sa amin.
Habang muling inaangat ang latigo, mabilis kong ibinaling ang aking sarili sa pagitan nito at ng dalaga.
Ang aking katawan ay bumalot sa kanya habang tumutulad ang posisyon ko sa kanya, habang pinoprotektahan siya ng aking katawan.
Hinahampas ng latigo ang aking likuran at nagngangalit ako, at hindi umiimik ng kahit anong tunog.
“Alis diyan, Ruby!” sigaw ng mistress, gamit ang pangalan ko sa entablado. Bihira nilang gamitin ang totoong pangalan ko. Minsan nga naiisip ko kung naaalala pa nila ito.
“Ayaw po, ma'am,” sagot ko, habang naninigas sa aking posisyon.
“Ayaw?!” hindi makapaniwalang tanong niya. Kapag hindi ako sumasagot o gumalaw, tinuring niya iyon bilang aking sagot.
“Bueno, ikaw ang tatanggap sa natitira pang mga hagupit ni Anna at labinlimang pa sa pakikialam mo,” sabi niya.
“Opo, ma'am,” sagot ko bago magngalit ang aking ngipin at dahan-dahang huminga sa aking ilong, hinanda ang sarili para sa sakit.
Ang tama ng latigo ay tumunog muli habang umiiwa sa aking likuran. Tiniis ko ang lahat ng ito at naramdaman ko ang init ng dugo habang tumutulo ito sa aking likuran.
Nanahimik ang buong silid habang ang lahat ay nakatayo, natatakot na gumalaw o gumawa ng kahit anong ingay habang nakikita nila akong hinahampas.
Matapos ang huling hagupit, nanigas ang lahat na para bang sa pagkabigla.
Bigla na lang, matapos humakbang ni Mistress Dupont papalayo sa amin, ang mga babae ay naglapitan sa akin at sa nakabadalaga na nagngangalang Anna.
Agad nila kaming tinulungan habang bumubulong ng mga nakakaaliw na salita at pampatibay.
Ang dalawa sa mga dalaga, na nagngangalang Mina at Callie, ay tumabi sa magkabilang panig ko, at inakay ang tig-isang braso ko sa kanilang mga leeg habang inaangat nila ako.
“Napakatapang ng ginawa mo,” mahinang sabi sa akin ni Mina.
“Paliguan ka na natin,” dagdag ni Callie habang tinutulungan nila ako patungo sa exit.
Ang lahat ng mga dalaga ay pumalibot sa amin ni Anna habang inaakay kami sa labas ng silid ng pagsasanay at sa mga shower.
Pagkalipas ng isang oras, nakaligo na kaming lahat, at ang isa sa mga dalaga ay nagpahid ng isang antibiotic sa aking mga sariwang sugat upang hindi ako makakuha ng impeksyon.
Nakaupo kami sa isang bench habang tinatapos namin ang pagbibihis nang pumasok si Mistress Dupont.
“Ruby Red, gusto kang kausapin ni Master Lacroix,” malamig na pahayag niya bago tumalikod at lisanin sa locker room.
Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko habang ang mga dalaga sa paligid ko ay hinawakan ang aking mga kamay at pinisil ang aking balikat, lahat sila ay nagsisikap na aliwin ako at bumabati sa akin.
Nang maipon ko na ang aking lakas ng loob, tumayo ako. “Ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala sa akin,” sabi ko sa mga dalaga.
“Mabuting maghanda na kayo at pumunta sa inyong susunod na istasyon bago pa kayo mapahamak.”
Tumango sila at yumakap sa akin bago magmadali na matapos habang ako ay nagtungo sa pintuan.
Pinihit-pihit ko ang aking mga kamay sa harap ko habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa master's office.
Inangat ko ang aking kamay upang kumatok, ngunit narinig ko na ang kanyang tinig na tumawag bago ako magkaroon ng pagkakataon. “Pasok,” malakas na bigkas ng boses nito.
Sinunod ko ang utos at isinara ang pintuan nang tahimik sa likuran ko bago maingat na naglakad papunta sa kanya habang nakaupo siya sa kanyang mesa.
“Ipinatawag mo raw ako, Master,” mahinang sabi ko habang nakayuko.
“Oo, upo,” mahinahong tugon niya.
Umupo ako sa tapat niya, at pinaglapat niya ang mga daliri niya sa isa’t isa sa harapan niya na para bang may iniisip siya habang tinititigan ako.
“Sinabi sa akin ni Mistress Dupont ang nangyari ngayon sa pagsasanay. Ano ang maipapaliwanag mo sa sarili mo?”
“Patawad po. Ang dalaga ay napakabata, at ito ang kanyang unang araw. Hindi ako makatiis at panoorin siyang binugbog dahil lang sa pagpapahinga. Malinaw na hindi siya sanay sa ganoon kahirap na manu-manong paggawa, ”sagot ko.
“Sa kasamaang palad, problema iyan, Ruby. Hindi ka puwedeng makialam sa pagsasanay ng aming mga bagong bata. Ang ginawa mo ngayon ay maaaring mapanganib sa aking negosyo, ” mabalasik niyang banggit, at napanganga ako.
“Mapanganib? Paano?” reklamo ko.
“Nagpapakita ka ng hindi magandang halimbawa. Baka kung ano na ang isipin ng mga dalaga. Maaari silang magsimulang maghimagsik. Hindi uubra uyan sa akin, ”paliwanag niya.
“Pero–“
“Magiging abala, ngunit maaari silang mapilit na sumunod. Gayunpaman, tulad ng alam mo, hindi iyon gumagana sa iyo, sa ilang kadahilanan.”
Itinikom ko ang aking mga labi. Bukod sa pagbabasa ng isip, ang mga bampira ay may kakayahang magkontrol ng isipan. Tinawag nila itongpamimilit.
Maaga nilang nalaman na hindi nila ako mapilit na makinig. Hindi ko alam kung bakit hindi ito gumagana sa akin.
Sa kasamaang palad, ang masama rito ay mas maraming paghahagupit at paruas ang natatanggap ko bago ako mapasunod.
“Dahil hindi ko matitiyak na hindi na ito mangyayari muli, napagpasyahan kong oras na upang ipadala ka sa auction.”
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!