Si Aarya, isang 19-year old na taong lobo, ay hindi kailanman itinuring ang kanyang sarili na hopeless romantic hanggang sa iwan siya ng lalaking minamahal niya. Matapos ang pagkabigo, napilitan siyang dumalo sa Lycan Ball, kung saan nakilala niya ang Lycan King na si Dimitri Adonis—nagustuhan nila agad ang isa’t isa. Ngayon ang magkasintahan ay magkasamang haharap sa mapanganib na mundo ng mga intriga ng imperyo habang kalaban ang mga dating kasintahan, inggiterong mabababang uri na nilalang, at marami pang iba.
Rating ng Edad: 18+
Ang Reyna ng Lycan – Laila

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Si Aarya, isang 19-year old na taong lobo, ay hindi kailanman itinuring ang kanyang sarili na hopeless romantic hanggang sa iwan siya ng lalaking minamahal niya. Matapos ang pagkabigo, napilitan siyang dumalo sa Lycan Ball, kung saan nakilala niya ang Lycan King na si Dimitri Adonis—nagustuhan nila agad ang isa’t isa. Ngayon ang magkasintahan ay magkasamang haharap sa mapanganib na mundo ng mga intriga ng imperyo habang kalaban ang mga dating kasintahan, inggiterong mabababang uri na nilalang, at marami pang iba.
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: Laila
“Hinalikan niya ako nang buong puso at alam ko sa sandaling iyon ay magiging maayos ang lahat.” Isinara ko ang katatapos lang na libro at bumuntong-hininga.
Hindi ako ang uri ng babae na obsessed sa romantic stories, pero nabago ito nang nakaraang Linggo.
Wala na akong ibang ginawa kundi basahin ang mga hindi naman totoong romantic stories na ito at ini-imagine na ako ang babaeng bida. Sino ang bidang lalaki, baka nagtataka ka?
Siya nga, ang lalaking nagpatibok sa aking puso makalipas ang apat na taon, si Hunter Hall.
“Aarya, gusto mo bang sumamang mag-grocery?” Sigaw ng boses ng aking ina mula sa hagdan.
“Hindi, Ma.” Sagot ko.
Aarya Bedi, yan ang pangalan ko. Labing-siyam na taong gulang, sa pangalan pa lang masasabi mo na, na ako ay Indian, at oo, ako ay isang taong lobo.
Sa ngayon, nakatira ako kasama ang aking mga magulang, sina Sid at Tara; sila ay dalawampu't pitong taon nang kasal. Ang aking kuya, si Sai, ay dalawampu't apat at ang kanyang mate, si Zoya, ay dalawampu't apat din.
Ang aming pack ay tinatawag na Black Moon; mahal ko ang aming komunidad. Kilalang-kilala namin ang isa’t isa at ang paglaki rito ay sobrang saya. Ngayon ay nagsasanay ako na maging doktor ng aming pack; ito talaga ang pangarap ko.
Naaalala ko noon, lagi akong kinukutya kapag sinasabi kong gusto kong maging isang doktor. Syempre, dahil sa kulay ng balat ko at stereotypes.
Inisip ng lahat na ito ay ang bagay na larangan para sa akin dahil ako ay Indian, lahat kami ay pawang mga doktor, abogado, o accountant. Naiinis ako rito, pero ngayon ay tanggap ko na.
Hindi maalis sa aking isipan si Hunter Hall; siya ang aming Beta. Siya at ang aming alpha, na si Carter Ward, ay ipinadala para sa pagsasanay apat na taon na ang nakalilipas, at babalik sila ngayon.
Naaalala ko pa ang araw bago sila umalis. Lumapit sa akin si Hunter na may magagandang asul na mga mata. Sinabi niya sa akin na hintayin ko siya. Kinse anyos pa lang ako noong panahong iyon, pero alam kong hihintayin ko siya.
Mahal na mahal ko si Hunter. Siya ang aking unang halik; nararamdaman ko pa ang dampi ng kanyang mga labi.
Karamihan sa mga lobo ay nag-aasawa sa labing-walong taong gulang, at dahil wala si Hunter nang ako ay maglabing walong taong gulang, hindi ako nag-asawa. Alam ko na si Hunter ang para sa akin.
Inayos ko ang aking kama at pumunta sa aking lalagyan ng mga libro. Kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko, kung hindi ay maloloka ako. Umaapaw sa dami ng libro ang aking lalagyan. Sabihin na nating, ako ay isang bookworm.
Sinipat ng aking mga daliri ang pabalat ng mga libro bago huminto sa isa. Pagkuha nito, ay napabuntong-hininga ako. Ito ang kasaysayan ng mga tao, taong lobo, at lycans. Hindi isang gawa-gawang kwento lang kung hindi purong katotohanan.
Subalit, alam ko, kung magbabasa ako ng isa pang romantic na istorya, hindi ako patatahimikin ng aking katinuan.
Humiga ako sa kama at nagsimulang magbasa. Ang mga tao, mga taong lobo, at lycans ay magkakasamang naninirahang mapayapa, at nagawa namin makalipas ang libu-libong taon.
Hindi lingid na ang lycans ang namuno sa lahat; sila ay mas malakas at mas makapangyarihan kaysa sa aming mga taong lobo.
Ang aming royal family ay binubuo lahat ng lycans. Lagi kong naiisip na sila ay sobrang nakakatakot; mayroon silang ganitong aura na likas na sa kanila.
Sa pagbabasa ko sa kasaysayan kung paano kami nagkaisa sa isang mahalagang labanan, nakita ko ang kabanata na palaging nakaiintriga sa akin.
Lycan’s mates. Sila ay itinuturing na mahalaga para sa kanila. Sinabi na kapag ang isang lycan ay namatayan ng mate, pwede silang magwala at pumatay ng libu-libong tao at manira ng mga bayan.
May isang espesyal na hukbo na sinanay upang tugunan ang mga ganitong sitwasyon. Ang lycans ay pwede lamang magkaroon ng isang mate. Hindi nila magagawang markahan at umibig sa iba kung namatay ang kanilang mate, di-tulad naming mga taong lobo.
Ito ay kamangha-mangha sa kanila. Kung ang isang taong lobo ay namatayan ng mate, may karapatan kaming makahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagmamarka at pag-aasawa ng iba.
Yun ang dahilan kung bakit ang mate ng isang lycan ay napakahalaga. Dahil dito, sila ay naging napakatapat na asawa. Habang patuloy ako sa pagbabasa, nakita ko ang tungkol sa kanilang pagtanda. Ang Lycans ay tumitigil sa pagtanda sa edad na dalawampu.
Marami pa rin ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan, pero sa totoo lang, sila ay dalawampu pa rin; kaya nilang mabuhay nang daan-daang taon.
Bago ang aming kasalukuyang hari, ang dating hari ay namuno ng limang daang taon bago ipinasa ang trono sa kanyang anak na lalaki. Sinasabing naglakbay ang dating hari kasama ang kanyang asawa, at mula noon walang sinuman ang nakaalam kung ano ang nangyari sa kanila.
Kaming mga taong lobo ay nabubuhay din ng mahabang panahon pero hindi kasing haba sa lycans; mabagal lamang ang aming pagtanda.
Sinasabi rin na kung ang napangasawa ng isang lycan ay isang tao o isang taong lobo, ang kanilang katawan ay nag-aadjust upang maging isang lycan. Sila ay nagiging mas malakas at mas makapangyarihan at maituturing na isang lycan.
Iyon ang laging gumugulantang sa akin, pero alam kong ito ay totoo. Kung tutuusin, ang aking matalik na kaibigan ay isa nang lycan ngayon.
Kahit na hindi ko kailanman inamin ito sa kanya, palagi akong nakararamdam ng takot sa kanya. Nagbago siya, at nakakatakot ‘yun.
Dahil sa ang libro ay luma, hindi nabanggit dito ang aming bagong hari, si Adonis Dimitri Grey. Tinatawag siya ng lahat na Dimitri, at ang mga malalapit lamang sa kanya ang pinapayagang tawagin siyang Adonis.
Kakaiba ang aming hari; nakuha niya ang trono na walang asawa sa tabi niya, walang pa akong narinig na ganito. Ang lahat ng lycan kings bago siya ay may mga asawa na bago naging hari.
Kinamumuhian din niya ang kanyang mga larawan; tatlo lang ang meron siya. Isa nang siya ay ipinanganak, ang isa pa nang ipinanganak ang kanyang mga kapatid, at ang huli ay noong siya ang pumalit sa trono.
Bata pa lamang ako nang pumalit siya sa trono; sampung taon na ang nakalipas. Walang sinuman ang nakakaalam ng tunay na edad ng hari, at hinala ko na hindi rin niya sinabi kanino man.
Isang pamilyar na ringtone ang nagsimulang tumugtog, at tumayo ako upang kunin ang aking phone, na nakacharge. Nang makita ang pangalan na nag-flash sa screen, napangiti ako at mabilis na sumagot.
“Sophia Butler, long time no speak,” pang-aasar ko.
“Aarya Bedi, tigilan mo nga ang pang-aasar mo sa akin. Alam mo namang busy ako,”paliwanag ng aking best friend na si Sophia.
“Busy ka ba talaga? O sinusolo ka lang ni Luke? ” Nagpatuloy ako sa pang-aasar.
Tumawa si Sophia, “Grabe ka. Alam mo namang busy ako. Bida, malapit na ang Lycan Ball? Hindi ka ba excited? “
Ay oo nga, yung Lycan Ball. Ang paraan ng kaharian upang matiyak na ang lahat ng mga pack ay makita ang palasyo at makilala ang hari. Hindi ko gusto ito.
Ito ang pangalawang pagkakataon ng aming pack na mapili upang dumalo, pero unang pagkakataon ko na pupunta. Wala akong hilig sa mga sayaw, sayaw sa school, pagdalo sa kasal. Hindi ko alam kung bakit, kung hindi lang gusto kong magbihis ng maganda.
Pakiramdam ko, ang kadahilanan bakit ko kinamumuhian ang Lycan Ball, kahit na hindi pa ako nakakapunta, ay dahil sa takot ako sa lycans.
Sa kauna-unahang pagkakataon na napili kami, tinamaan ako ng isang matinding trangkaso. Ang aking lolo't lola ay lumipad mula sa Canada, kung saan sila nakatira, upang alagaan ako habang ang aking pamilya ay nagpunta sa Lycan Ball.
Kaya nagkakilala ang matalik kong kaibigan at ang kanyang lycan mate na si Luke.
Siya yung sinasabi ko kanina. Nakilala ni Sophia si Luke sa ball apat na taon na ang nakalilipas, at mula noon, maraming nagbago sa kanya.
Huwag mo akong pagkamalan, napakasaya ko nang tumawag siya at sinabi sa akin, kahit na sinusuka ko ang aking tiyan noon. Sa kabilang banda, alam kong unti-unting mawawala sa akin ang best friend ko.
Sa kabila ng lahat, siya ay isa nang lycan, at may mga napakahalagang tungkulin at responsibilidad. Ang kanyang mate, si Luke Martin, ay pinuno ng mga mandirigma, kaya't si Sophia ay laging abala.
Dahil gustung-gusto niya ang pag-oorganisa ng mga events, siya ang namamahala sa pag-aayos ng mga importanteng pagdiriwang, at ang Lycan Ball ang pinakamahalaga sa lahat ng pinamahalaan ni Sophia.
“Oh Oo. Talagang hinihintay ko na makadalo doon,” sarkastikong sagot ko.
“Beuno, ang magandang balita ay makikita mo ako.” Sinusubukan ni Sophia na aliwin ako.
“Tama. Isang taon na tayong hindi nagkikita. Huling umuwi ka noong dinalaw mo ang iyong maliit na pamangkin.” Sabay buntong hininga.
“Namimiss din kita. Sana makadalaw ako palagi.” Bumuntong hininga rin ni Sophia.
“Busy ka, alam ko. Pero salamat talaga sa Diyos para sa teknolohiya. Palagi tayong nakakapag-usap kahit hindi tayo magkasama,” saad ko.
“Totoo. Oh, Aarya! Hindi na ako makapaghintay na makita ka! Aalis ka na bukas, di ba?” Tanong ni Sophia.
“Oo, bukas. Maagang-maaga.” Buntong hininga ko. “Tumigil ka na sa pag buntong hininga! At subukan na maging sabik ka naman kahit konti,” sabi ni Sophia.
“Okay, pasensya na. Susubukan ko.” Habang tumatawa.
“Bueno, kailangan ko nang umalis. Tinatawag na ako ng trabaho, pero hindi na ako makapaghintay na makita ka bukas,” sagot ni Sophia.
“Kita na lang tayo bukas,” sabi ko, saka ibinaba ang phone.
Mayamaya pumasok ang aking ina sa aking silid kasama si Zoya, may dalang isang bag. Alam ko kung ano iyon: ang aking damit para sa ball.
“Aarya, kailangan mong mag-impake. Maaga tayong aalis bukas, ” sabi sa akin ni Mama, umiiling sa akin.
Umuungol, humahagikhik sa tawa si Zoya at sinabing, “Tutulungan ko siyang mag-ayos ng gamit.”
Tumango si mama at umalis. Hinila ako ni Zoya palayo ng kama at tinulungan akong mag-impake. Ito ay isang pang-abala mula sa pag-iisip tungkol kay Hunter.
Pagkatapos namin, tinanong ko si Zoya, “May balita ba kung kailan babalik sina Hunter at Carter?”
“Bakit? Atat? ” Tumawa si Zoya.
“Di ah, nagtatanong lang eh.” Sabay irap.
Si Zoya lang ang nakaalam na hinalikan ako ni Hunter, mahal ko siya. Akala ng iba ay may crush lang ako sa kanya.
Ayokong malaman ng mga magulang ko, at lalong hindi ng kapatid ko. Hindi niya magugustuhan pag nalaman niya, pero alam kong mapagkakatiwalaan ko si Zoya.
“Bueno, dapat nandito na sila. Kinakabahan ka ba?” Tanong ni Zoya.
“Kaunti. Di na ako makapag-antay na makita siya,” inaamin ko.
Umupo kami sa aking kama at nagkwentuhan saglit. Gustung-gusto ko na nakakapag-open up ako kay Zoya; para ko na siyang kapatid.
Sinabi ni Sai na gusto niyang makita na ang kanyang kapatid at asawa ay may masayang relasyon. Swerte ko lang si Zoya ay mabait! Pag-alis ni Sophia, pakiramdam ko na mag-iisa na lang ako, pero si Zoya ay laging nandiyan para sa akin.
Hindi nagtagal, nakarinig ako ang tunog ng mga umaandar na sasakyan sa daan. Nagitla ako, mabilis ang tibok ng aking puso, kinabahan ako bigla.
Sa wakas, heto na. Makikita ko na si Hunter pagkatapos ng apat na taon.
Hinawakan ni Zoya ang kamay ko, sabay kaming bumaba sa hagdan. Ayos lang ba ang itsura ko? Sabay ayos ng aking buhok, at umiling si Zoya.
Hingang malalim, Aarya, kaya mo ito. Ayos lang yan. Nataon na ang aming bahay ay malapit sa bahay-panuluyan ng pack, dito nakatira ang alpha at beta kasama ang kanilang mga pamilya.
Hinihintay kami ni Sai sa baba, hinawakan niya ang kamay ni Zoya. “Hali kayo at tingnan natin ang ating alpha at beta.”
Hindi binitiwan ni Zoya ang aking kamay habang naglalakad kami kung saan naka-parada na ang mga sasakyan. Kinakabahan ako, gusto ko lang makita si Hunter.
Naglakad kami papunta sa mga sasakyan, at ang lobo ko ay hindi mapakali. Senyales na ba ito? Nandito ang mate ko?
Matutupad na ang pangarap ko. Lalabas si Hunter sa kotseng iyon, at makikilala niya ang kanya mapapangasawa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, napalingon ako.
Unang lumabas ang aming alpha, si Carter Ward. Halos hindi siya nagbago. Bueno, maliban sa naging mas macho siya. Ang kanyang berdeng mga mata ay mapanukso at nakangiti. Oo, si Carter nga.
Hinawi niya ang kanyang blond na buhok na dumidikit sa kanyang mukha bago niya niyakap ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid. Saksi ako habang kinakamusta niya ang lahat bago tumigil sa akin.
Masuwerte ako na ang aming alpha sa hinaharap ay gusto na maging kaibigan ako. Habang kami ay nag-aaral pa, si Carter ay laging nandiyan para sa akin, at hindi ko pa siya lubos na napapasalamatan.
Itinuring ko siyang isa sa aking matalik na kaibigan, saka si Sophia.
Isang nakakahawang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha, at napangiti rin ako. Ang susunod na nangyari ay di ko inaasahan, binuhat ako ni Carter at umikot-ikot kami, na naging sanhi ng tawanan ng mga nakatatanda.
“Aarya! Sobrang namiss kita! Medyo nagbago ka. Pagdadalaga, hey? ” Pang-aasar ni Carter.
Inirapan ko siya at saka niyakap.”Masaya ako na makita ka, Carter. Hindi ka man lang nagbago. Huwag kang mag-alala, minsan talaga may mga late bloomers,” biro ko, tawa nang tawa ang mga magulang ni Carter.
Ngumiti si Carter at niyakap ulit ako.”Namiss talaga kita, Smiley.”
“Na-miss din kita,” nakangiti nang mapakinggan ang nickname na binigay ni Carter sa akin, na hindi niya nakalimutan.
Narinig ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, sumilip ako mula balikat ni Carter upang makita ang isang pamilyar na nilalang na lumabas sa kotse. Nakatalikod siya sa akin, kaya hindi niya alam na nakatayo ako sa likuran niya.
Ibig kong makita ang kanyang bughaw na mga mata na puno ng pagmamahal at pagsamba.
Nagbigay daan si Carter at tumabi sa akin, na sa tingin ko ay medyo kakaiba. Babatiin niya pa ba ang lahat?
Marahil ay gusto niyang makita ang sandaling si Hunter at ako ay magkitang muli. Oo, baka ganun.
Ang aking lobo ay nagpatuloy sa paglalakad, pinasisigla ang aking imahinasyon na si Hunter talaga aking magiging mate. Pinagmamasdan ko ang kanyang light brown na buhok na hinihipan ng hangin. Nakatalikod pa rin siya; Gusto ko siyang lumingon.
Ano pa ang hinihintay niya?
Tulad ng inaasahan ko, siya ay humarap sa akin, at ang mahiwagang sandaling iyon na pinangarap ko ay mangyayari na, subalit tumalikod muli si Hunter at bumalik sa kotse iniabot niya ang kanyang kamay sa lalabas sa sasakyan.
Nadurog ang puso ko nang nakita ko ang isang kamay ng babae na inabot ang kamay ni Hunter. Nabura ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng pagtataksil.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Hinawakan ni Carter ang aking kamay, ngayon ko napagtanto kung bakit siya tumabi sa akin. Alam niya ang tungkol sa paghalik sa akin ni Hunter, alam niya na crush ko si Hunter, at alam niyang masasaktan ako kapag nakita ko siya.
Napako ang aking mga mata sa likod ni Hunter habang inaalalayan niya ang isang napakagandang babae palabas ng sasakyan. Isang tingin lang sa kanilang dalawa at alam mo na sila ay mga magkasintahan. Ang puso ko ay parang nadurog nang milyun-milyong piraso.
Ang paglalakad ng aking lobo ay hindi dahil siya ang magiging asawa ko kundi dahil siya ay mayasawa na. Malaki ang pagkakaiba nun.
Nagbabadyang tumulo ang luha sa aking mga mata, subalit pinigil ko. Hindi dapat makita ni Hunter kung gaano ako kaapektado; Kailangan kong magpakatatag.
Lumingon ako kay Carter, halatang guilty siya. Malungkot akong ngumiti sa kanya at umiling. Hindi niya ito kasalanan, at lalong hindi kasalanan Hunter, oo; totoong hindi mo mapipili ang iyong magiging mate.
Bagaman ngayon lang ako naghangad na sana pwede. At ang makita ang taong mahal mo na ipinakikilala ang kanyang asawa ay para akong sinasaksak ng harap-harapan.
Sinayang ko ang apat na taong paghihintay. Nagpakatanga lang ako sa kanya.
Naglakad na si Hunter kasabay ang kanyang asawa. Ang saya sa kanyang mukha ay suntok para sa akin.
Yan sana ang hinahangad kong ngiti nang tumingin siya sa akin, pero ang ngiting iyon ay nakalaan lang para sa kanyang mate, at hindi iyon para sa akin.
Binitawan ko ang kamay ni Carter at ipinahid aking mga pawisang palad sa aking maong. Ipinakikilala ni Hunter ang kanyang asawa kina Sai at Zoya; ako na ang susunod. Hindi ko siya hahayaang makita kung gaano ako nasaktan.
Sa halip, magiging masaya ako para sa kanya, tulad ng iba. Sana malampasan ko ang pagpapakilala niya sa kanyang asawa nang hindi umiiyak. Kaya mo yan girl!
Huminga ako ng malalim nang si Hunter ay humarap sa akin. Biglang bumalik sa aking alaala noong apat na taong nakalipas. Ang kanyang magandang ngiti, ang kanyang halik, ang kanyang mga pangako.
Napapikit ako, Kumawala ako sa aking pananaginip. Pagdilat ko, nakangiti sa akin si Hunter, hindi tulad ng dati. Pawang kaibigan na lang ang turing sa akin, tulad ng iba pa.
“Aarya, gusto kong ipakilala ang aking asawa, si Lana Reed.” Inaya ni Hunter ang asawa.
“Masaya akong makilala ka, Lana. Good luck na lang kung mapatino mo ito,” biro ko.
Natawa si Lana at sinabing, “Gusto kita! Nakakatawa ka. Sana makapag-hang out tayo ng madalas. Kailangan ko ng maraming kaibigang babae.”
Parang nasusuka ako sa pinagsasabi niya; Ang bait niya. Ang hirap niyang kamuhian.
“Oo naman. Gusto kong makipag-hang out sayo.” Ngumiti ako. Kabwiset ang galang ko dun ah. Sabihin ko kayang ayoko ko sa kanya?
Ngumiti ulit si Lana, at nagpatuloy ang mag-asawa sa pagbati sa lahat. Umalis na si Carter, at naiwan akong nakatayo roon kasama ang mga nasa isip ko.
Marahang tinapik ni Zoya ang balikat ko, nagulat ako. Tinitigan ko siya. Nababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako at umiling.
Ayoko ng kausap, at ayoko ng simpatya. Gusto ko lang umupo sa aking silid at umiyak, pero hindi pa ako makaalis.
Sa halip na sundan ng tingin sina Hunter at Lana, nakatuon ako kay Carter, na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga miyembro ng konseho.
Pagkatapos niya ang makipag-usap sa mga miyembro ng konseho, lumingon siya sa akin, marahil ay nararamdaman na nakatitig ako sa kanya.
Lumapit siya sa akin at bumulong, “Umuwi ka na, Aarya. Binibigyan kita ng pahintulot. Naiintindihan ko. Kailangan mo ng umuwi.”
Tumingin ako sa kanya habang umiiyak at bumulong, “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Mababakas ang lungkot sa mukha ni Carter. Pinunas ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
“Pasensiya ka na Smiley. Hindi ko alam kung paano. Ayokong sabihin sa iyo sa phone o sa sulat. Gusto kong sabihin sayo nang personal, pero wala akong pagkakataon. Pasensya ka na.”
Kinalma ko ang aking sarili at nagbuntong hininga, “Hindi mo ito kasalanan. Kailangan kong mag move on, kailangan ko lang ng panahon para malampasan ito.”
Tumango si Carter, naiintindihan niya ako. Hinalikan niya ako sa noo, ako’y umalis at bumalik sa aming bahay.
Narinig kong sinabi ni Carter sa aking pamilya at sa lahat na pinauwi niya ako dahil ako’y pagod na. Pagdating sa bahay ko, umakyat agad ako at nagpalit ng komportableng damit.
Dati lagi kong suot ang T-shirt ni Hunter sa gabi sa aking pagtulog, tinanggal ko na sa aking aparador at itinapon sa basurahan. Hindi ko na dapat isuot yun; Nawalan na ako ng karapatan kay Hunter nang makatagpo siya ng mapapangasawa.
Ang kanyang asawa. Lalo pang nadurog ang puso ko, kung posible yun.
Bumagsak ako sa aking kama, hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Hinayaan kong mabasa ang aking unan, at hinayaan ko ang aking sariling umiyak. Ang lahat ng pighati na ito ay sobra sa akin.
Matapos ang pagnagusto ko na makahanap ng mate, na magkaroon ng kung anong meron sa aking mga magulang, parang ayaw ko ng mag-asawa. Ayokong may magmamahal pa sa akin; Sobra akong nasaktan. Di ko gusto ang sakit na nararanasan ko.
Ang pag-ibig ay mahiwaga, at naniniwala ako rito ng buong puso, pero ngayon hindi na. Ang makatagpo ng mate ay nagdudulot lang ng ng sakit at kalungkutan. Sino ang may gusto niyan?
Hindi ako tumugil sa pag-iyak hanggang makauwi ang aking pamilya. Narinig ko na tumigil ang aking ina sa labas ng pinto, sana hindi siya pumasok.
Pinigil ko ang aking paghikbi. Pag narinig ako ni mama na umiiyak, ni hindi siya mag-aalangan na pumasok sa aking silid.
“Tara, hayaan mo siyang magpahinga. Maaga pa tayo bukas,” bulong ng aking ama. Narinig ko ang mga yabag papalayo, tumingin ako kisame. Tama si Tatay, maaga pa kami bukas. Kailangan ko ng matulog.
Ipinikit ko ang aking mga mata, hinayaan kong maglakbay ang aking diwa sa aking mga panaginip.…
**
Isang malakas tunog ang gumising sa akin kaya ako’y bumalikwas at pinatay ang alarm ng phone. Ngayon ang araw ng Lycan Ball.
Sinusubakan kong kalimutan ang mangyayari sa araw na ito, tanging alam ko lang ay pagod na ako. Sana makatulog ako sa sasakyan.
Pinilit ko ang aking sariling bumangon, nagbihis ako at napasimangot nang mapansin ang aking eye bags. Malinaw na kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos.
Bumubuntong hininga, naghanda na ako at naglagay ng makeup para magmukhang masigla.
Pagbaba ko, ang aking mga magulang ay umiinom ng tsaa, sina Sai at Zoya ay kumakain ng agahan.
Biglang tumitig sa akin apat na pares ng mga mata, at mapapansin ang parehong bagay sa kanila. Simpatya.
Ayoko ng pakikiramay nila. Ang gusto ko lang talaga ay humiga sa kama at umiyak buong araw, pero alam kong hindi mangyayari ito. Kailangan kong patunayan kay Hunter at sa sarili ko na malakas ako.
Inabot sa akin ng tatay ko ang isang tasa ng kape, ngumiti ako.
Pinag-uusapan nina Mama at Zoya kung gaano kasaya ang ball lalo pa’t ito ang aking unang pagkakataon. Nagpapasalamat ako para sa abala.
Pagkatapos naming kumain, ay umalis na kami. Sumakay ako sa sasakyan at agad na nilakasan ang tugtog sa aking headphones at hinilig ang aking ulo sa malimig na salamin ng bintana.
Hinayaan lang ako nina papa at mama habang ako’y dinuduyan ng musika sa sarili kong mundo. Hindi nagtagal, nakatulog ako, nakatikim din ang aking katawan ng higit sa kailangan niyang pahinga.
“Aarya, gumising ka.” Marahan akong niyugyog ng aking mama.
Pinahid ko ang antok sa aking mga mata at namalayang na nasa station service na pala kami. Iniunat ang aking mga braso, bumaba ako ng sasakyan. Bumaba sina Zoya at Sai sa kanilang sasakyan at kumaway sa akin.
“Bumili ka muna ng makakain at huwag mo ring kalilimutang magbanyo bago tayo umalis. Mayroon pa tayong dalawang oras na natitira,” sinabi sa akin ni mama, at inaabot sa akin ang perang pambili.
Napabuntong hininga, lumakad na ako at bumili ng makakain sa tindahan. Sa tingin ko, buong oras ay nakasimangot ako kaya lahat ng nakatingin sa akin ay lumilingon agad palayo.
“Smiley. Or dapat kong sabihin na Scowly? Bakit ang sungit ng mukha mo? ” Ginulo ni Carter ang buhok ko.
“Urgh, grabe? Bakit buhok ko? ” Reklamo ko, tinulak ko si Carter palayo at inaayos ang buhok ko.
“Dahil hindi ko nagawa iyon sa nakalipas na apat na taon, at ang iyong reaksyon ay walang katumbas, gaya ng dati.” Napatawa si Carter.
Inirapan ko siya, nagpatuloy ako sa paglalakad at pagtitingin-tingin sa mga tindhan pero napatigil ako nang marinig ko ang nakakainis na matamis na tawa ni Lana. Magaling, ito ang huling bagay na kailangan ko, ang makita sina Lana at Hunter.
“Halika, Smiley. Kain tayo!” marahang sabi ni Carter, dinala niya ako sa kabilang banda ng shop.
Kumuha ko ng makakain, isang chocolate bar at isang bote ng tubig. Habang nakatayo ako sa pila, narinig ko ulit ang tawang iyon. Nasa likod ko sila.
Hinga nang malalim Aarya, hinga ng malalim. Kaya mo yan girl! Ang kailangan mo lang gawin ay magbayad at umalis. Huwag mo silang pansinin, sinabi ko sa aking sarili.
Inilapag ko ang aking mga pinamili sa counter at muling umirap nang marinig ko muli ang hagikhik ni Lana na parang kinikilig. Ano kaya ang sinasabi ni Hunter sa kanya? Sa totoo lang, basura lang yun, ayokong malaman.
Matapos kong magbayad, lumabas ako agad ng shop, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Hihintayin ko sana si Carter, pero hindi ko rin gustong makita pa sina Hunter at Lana.
Mag-isip ka girl, mag-isip ka. Okay, ang pinakamagandang opsiyon ay bumalik sa saksakyan, at iwasan sina Hunter at Lana.
Buti na lang at nasa sasakyan na si papa. Ngumiti siya nang sumakay na ako sa likuran. Napatingin ako sa labas ng bintana, at nakita ko sina Hunter at Lana.
In fairness sa kanila, mukha silang lovey-dovey couple na kinaiinisan ng lahat. Yung palaging nagpi-PDA, napakalalandi. Ew!
Si Hunter ay nakaakbay kay Lana at hinahalikan ang leeg, sa publiko! Kung nakikita ko sila, syempre mapapansin din sila ng iba. At yung talanding babae ay parang nasasarapan naman.
Nagmi-make-face ako sa kanilang dalawa, habang nakatingin din kay Carter na napatingin sa akin habang tawa nang tawa sa likod nila. Natawa narin ako sa pinaggagawa ko. Ngumiti siya sa akin, nang nakikita akong tumatawa.
At least alam ko na hindi ako ang nag-iisang naiinis sa kalandian nila.
Pagbalik ni mama sa kotse, ayon kay papa ay wala pang dalawang oras kami ay andun na. Alas-11 na ng umaga, kaya't makakarating kami ng mga ala-una.
Pinaandar na ni papa ang sasakyan at umalis na kami, ginugol ko ang unang oras sa pagkain at pagbabasa ng aking aklat na dala. Wala nang mga romatic novel, ito ay isang kapanapanabik na mystery book. Mas gusto ko ito.
Sa sumunod na oras, nakatulog ako ulit. Magandang bagay kasi; kailangan ko ng tulog bago ang Lycan Ball ngayong gabi.
Ginising ako ni mama pagdating namin sa hotel. Lumapit si Carter sa aming sasakyan at natawa nang makita niya akong kinukusot ang mata dahil sa katutulog.
“Sa wakas si Sleeping Beauty ay gising na,” sabi niya, inaabot sa akin ang kanyang kamay.
Inabot ko ang kamay niya at sinabing, “Ano man. Kailangan ko ng tulog, kung hindi, hindi ako makakasurvive ngayong gabi.”
“Kailangan ko nga rin ng tulog eh, kaso walang ibang marunong magdrive sa amin maliban sa akin, badtrip” reklamo niya habang papasok kami sa reception ng hotel.
Natawa ako sa mukha ni Carter at sinabing, “Bueno, di matulog ka kapag nag-check in na kayo.”
“So, Smiley. Pwede bang ikaw na lang ang date ko sa Lycan Ball ngayong gabi. Hindi ko maatim na sumama sa iba. Ikaw ang buhay ko, ang…, ” makabagbagdamdaming sinabi ni Carter.
Pabirong binatukan ko siya, “Okay, Mr. Dramatic. Tumigil ka na. Sasama ako sa iyo.”
“Mabuti. Kung sinabi mong hindi, pipilitin lang din naman kita.” Kinindatan ako ni Carter at pumunta sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.
Humagikgik ako, nakakatawa talaga siya. Malaki ang naitutulong ni Carter para makalimutan ko ang nangyari, at alam ko kaya siya mas naging makulit at palabiro kaysa dati.
Habang naglalakad ako papunta kina mama at papa, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nina Hunter at Lana.
“Hindi ako na makapaghintay na makapasok ng kwarto natin. Gusto ko nang punitin ang suot mo,” sabi ni Hunter.
“Ano ba, tumigil ka nga! Baka may makarinig,” bulalas ni Lana.
“Di makinig sila. Wala akong pakialam. Gusto ko lang magpakitang-gilas sayo ngayong gabi sa ball,” sagot ni Hunter.
Umiling ako, at itinuon ang pansin sa iba. Pakiramdam ko ay nanghihimasok ako sa usapan ng may usapan, pero nakichismis pa rin ako.
Malinaw na hindi naalala ni Hunter ang nangyari apat na taon na ang nakalilipas, o wala siyang pakialam. Masaya na siya, at nakamove on na.
Ang plano ko ay makipagdate kay Hunter mamayang gabi dahil sa panaginip ko, naisip kong ako ang kanyang magiging mate. Mapupunta ako sa posisyon na kinalalagyan ni Lana, pero ngayon hindi na.
Maaga kong narealize ito, mas mabuti para sa akin.
Bumubuntong hininga, lumapit ako sa aking mga magulang, na inabot sa akin ang susi ng aking kwarto. Salamat sa Diyos, may sarili akong kwarto sapagkat sa ngayon sinusubukan ko talaga na hindi na muling umiyak.
Nasa ibang palapag sina papa at mama, kaya tumuloy na ako. Pinaalalahanan ako ni mama na magsimulang maghanda ng 4pm dahil ang mga kotse ay nandito na nang 7 ng gabi upang sunduin kami.
Si Zoya at Sai ay kasama ng aking mga magulang sa iisang palapag, kaya't nag-iisa ako dito.
Sa wakas, tumama rin ang swerte na wala sina Hunter at Lana sa floor na ito. Nag-message sa akin si Zoya pagkapasok ko sa aking silid at sinabing nasa iisang floor sila.
Nag-message sa akin si Carter na nagtanong kung anong palapag ako, at syempre nasa iisang palapag lang kami.
Mabilis kong kunuha ang phone ko at sinaksak ang charger. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga imahe nina Hunter at Lana.
2 pm na, kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang isip ko. Pumasok ako sa banyo at naghubad, at binuksan ang shower.
Kasabay ng pagtulo ng mainit na tubig ng shower, nagsimulang bumagsak ang aking mga luha. Ayaw nilang tumigil, at napagpasyahan kong hayaan na lang silang bumuhos. Kailangan kong tanggalin ito mula sa aking sistema. Hinayaan kong malunod ito ng aking luha at kalungkutan.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!