logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Dalhin ang Panganib

Si Kara ay isang pangkaraniwang high school senior lamang, hindi sikat, pero hindi naman loner. Mayroon siyang kasintahan, si Adam … hanggang nadiskubre niyang linoloko siya nito. Ngayon ay gusto niyang kalimutan ang lahat tungkol kay Adam, ngunit patuloy itong nagpapakita.

Pagkatapos ng isang party ay nagsimulang maging pisikal si Adam sa kanya. Sa kasamaang palad para kay Adam, ito ay party ni Jason Kade. Matapos bugbugin ni Jason si Adam, nakapako na ang tingin ni Jason kay Kara, at ayaw nya ang salitang hindi. Ngayon, sina Kara at Jason ay nahuli sa isang laro ng pusa at daga, pero alin ang alin?

Rating ng Edad: 18+

 

Dalhin ang Panganib – Mars

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Si Kara ay isang pangkaraniwang high school senior lamang, hindi sikat, pero hindi naman loner. Mayroon siyang kasintahan, si Adam … hanggang nadiskubre niyang linoloko siya nito. Ngayon ay nais niyang kalimutan ang lahat tungkol kay Adam, ngunit patuloy itong nagpapakita. Pagkatapos ng isang party ay nagsimulang maging pisikal si Adam sa kanya.

Sa kasamaang palad para kay Adam, ito ay party ni Jason Kade. Matapos bugbugin ni Jason si Adam, nakapako na ang tingin ni Jason kay Kara, at ayaw nya ang salitang hindi. Ngayon, sina Kara at Jason ay nahuli sa isang laro ng pusa at daga, pero alin ang alin?

Rating ng Edad: 18+

Orihinal na May-akda: Mars

Tandaan: Ang kwentong ito ay orihinal na bersyon ng may-akda at wala itong tunog.

KARA

“Halika, Kara,” bulong sa akin ng aking kaibigang si Layla, pinapaypayan ang aking mukha ng kanyang hiningang amoy alak.

Napaungol ako habang akay ko ang kanyang braso sa aking balikat. Sumandal si Layla sa akin at ginawa ko ang aking makakaya para hindi kami matumba. Halos isang oras palang kami dito at siya’y lasing na.

Dumaan ako sa malaking bahay na puno ng amoy ng alak at pabango. Ang malakas na amoy ay nakakakiliti ng ilong.

“Nasaan si Jess?” Tinanong ko ang kaibigan kong lasing, na pakiramdam ko parang nakikipag-usap ako sa pader.

Sandaling huminto si Layla para ayusin ang kanyang makintab na berdeng palda. Ang kanyang mahabang blond na buhok ay perpektong nakakulot pa rin at inilipat ko ito sa likuran ng kanyang tainga para hindi dumikit ang mga ito sa kanyang mukhang kulay rosas.

Kahit na dumating na ang taglagas, ang bahay ay mainit at humid.

“Doon.” Inistretch niya ang isang payat na daliri at itinuro ang direksyon ng maliit na grupo ng taong wild na sumasayaw. Nasa gitna si Jess, nakikipag-gilingan sa isang lalaki.

“Ako nang mag-aalaga sa kanya.” Nagpakita ang nobyo ni Layla. Sila na simula palang ng second year. Inayos ni Milo ang kaniyang buhok na kulay buhangin mula sa kanyang mukha bago lumapit para buhatin si Layla mula sa akin.

“Oh, salamat sa Diyos.” Maingat kong tinanggal si Layla mula sa aking balikat at huminga ako ng maluwag. Tumili si Layla at ibinalot ang kanyang mga braso sa kasintahan niya, na natawa sa kanyang ginawa.

“Mag-enjoy ka na, Kara.” Nginitian ako ni Milo at ginawa ko ang aking makakaya para ibalik ito. Pakiramdam ko sobrang antisocial ko ngayong gabi. Ang aking puso ay nasa isang mabigat na lugar at nais kong pagaanin ito.

“Kara!” Sinigaw ni Jess ang pangalan ko sa ibabaw ng malakas na musika. Napalingon ako para makita ang namumulang mukha ng aking kaibigan na sumusulyap mula sa grupo ng mga tao. Halata namang buong gabi siyang sumasayaw.

“Nag-eenjoy ka ba?” tanong niya habang papalapit siya sa akin ng may pag-aalala ang tingin.

Tumango ako. “Sa abot ng makakaya ko.” Bumuo ng ngiting nababalisa ang aking mga labi at pinisil ni Jess ang aking kamay bago ito hawakan ng mahigpit.

“Halika, sayaw.” Hinila niya ako patungo sa makapal na grupo ng taong sumasayaw bago ako makatanggi. Mahilig sumayaw si Jess. Ito ay bahagi ng roots namin sa Mexico, gusto niyang sabihin.

Hinila pa ako ni Jess papunta sa gitna ng mga sumasayaw. Ang mga katawang tumutulak sa akin, ang malakas na amoy ng alak, at ang nakakahilong mga pabango ay nagsama-sama para maging isang nakamamatay na kumbinasyon ng mga bagay na sumasakal sa akin.

Pinanood ko ang aking kaibigan na medyo lasing na nagsimulang igiling ang kanyang katawan kasabay ang malakas na musika. Ang kanyang makapal na itim na buhok ay sumasayaw rin, at pansin na pansin ang kanyang mga kayumangging mata dahil sa suot nyang asul na vestido.

Nahihiya akong tumayo doon nung una, pinapanood ang mga taong sinasayaw at ginagalaw ang kanilang mga katawan sa tugtog ng musika, na parang walang pakialam. Medyo naiinggit ako sa kanila. Isa sa mga masasamang ugali ko ay ang sobrang pag-iisip.

Sumandal si Jess at linapit ang mga labi niyang pula sa tenga ko. “Sayaw, Kara. Huwag nang isipin si Adam.”

Agad na sumakit ang aking puso sa tunog ng kanyang pangalan. Nais kong hindi na marinig muli ang pangalan na iyon, ngunit alam kong hindi ito maiiwasan.

Tatlong linggo na ang nakalipas. Naglakad ako papasok sa bahay ng aking boyfriend kasi akala ko na mag-dedate kami, pero sa halip ay nakita ko siya sa kanyang silid na nakikipaghalikan sa ibang babae.

Sinigawan ko siya, may nasabi siyang masasakit na salita, at umalis ako. Tapos na, at hindi ko na siya nakausap mula noon. Ito ay naging isang napakasakit na tatlong linggo.

Tama naman si Jess. Hindi ako umalis sa aking silid sa loob ng isang buong linggo, at kung hindi dahil sa kanya at kay Layla, marahil ay emotional wreck pa rin ako ngayon.

Inabot ako ng apat na season ng Supernaturalpara mawala ang pangunahing sakit ng aking puso, at kahit na gayon, masakit pa rin ito.

Nagsimulang tumugtog ang isa pang sikat na kanta at malakas na tumili si Jess, dahilan para matawa ako. Nagsimula akong dahan-dahang sumayaw kasama ang tugtog, habang tinutulak palabas ang anumang mga saloobin sa aking isipan.

Habang nagiging mas komportable ako, mas napapasayaw ako kasama si Jess at napuno ako ng adrenaline. Sa wakas, napakasarap makaramdam ng konting ginhawa.

Ang pakiramdam ng kalayaan at walang pag-alala ay nangibabaw sa akin, at ang aking isipan ay magaan sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo. Kasama ko ang aking dalawang matalik na kaibigan, at iyon lang ang kailangan ko.

Ng matapos ang kanta, naramdaman kong mawala ang aking high at sa kabutihang palad ay medyo mas kalmado na ako. “Kuha lang ako ng tubig,” sigaw ko sa ibabaw ng malakas na tugtugin.

Tumango si Jess bilang tugon at nagpatuloy sa pagsayaw kasama ang isa pang kaibigan na nagpakita habang ako’y naglakad paalis ng dance floor. Ang babaeng iyon ay literal na kayang sumayaw ng buong gabi.

Ang aking lalamunan ay tuyo, at sobrang kailangan ko ng magpapalamig sa akin. Ang aking unat na buhok ay kumulot at gumulo dahil sa init, at parang gusto kong itapon ang aking sarili sa isang pool ng yelo.

Tinignan ko ang aking sarili sa isang salamin at napangiwi nang makita ko kung gaano pumula ang aking mukha.

Naglakad ako papunta sa kusina para lang mabulaga ng mahabang linya ng mga taong nagtutulakan. Puno ng tao ang maliit na kusina at nainis akong bumulong habang nakatayo sa dulo ng linya.

“Kara!” isang boses ang tumawag sa akin sa kabila ng musika at pag-uusap ng mga tao. Ganado akong naghanap sa paligid ng abalang pasilyo para makita kung sino ang tumawag sa aking pangalan.

Sinuri ko ang mga mukha sa mataong lugar at nanigas ang aking katawan nang makita ko ang isang pares ng pamilyar na mga berdeng mata. Ang aking puso ay tumalon sa aking lalamunan at humina ang aking kalooban na para bang nahuli ako sa akto.

Nabalot ako ng taranta at sinubukan kong pigilan ang ipoipo ng emosyon na dumadaloy sa akin.

“Fuck off,” sabi ko, habang tinapunan ko ng kumukulong tingin si Adam. Kailangan kong lumayo ng tuluyan sa kanya. Ang aking puso ay tumakbo ng mabilis habang hinanap ko ang isa sa aking mga kaibigan.

Maraming damdamin ang nagsimulang lumunod sa akin, kailangan kong pigilan ang aking mga luha. Hindi ito maaaring mangyari. Hindi pa ako handang harapin siya. Ito ay masyadong biglaan.

“Kara, teka!” sigaw ni Adam sa akin.

Huwag kang maglakas-loob sumunod sa akin. Ngumisi ako sa sa posibilidad na mag-uusap kami. Kung mangyari iyon, hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin.

Ang aking nararamdaman para sa kanya ay hindi kasing lakas ng dati, ngunit nandoon pa rin ito.

Akala ko ay mabilis akong lumalayo sa kanya, pero napahinto ako nang may mahigpit na kamay na humawak sa aking siko at pinaikot ako.

Napangisi ako sa inis. Wala akong pasensya na makasalamuha siya ngayon.

“Please huwag mo kong takbuhan,” nagmakaawa si Adam, habang nakatitig sa akin. Binuo ko ang aking mga kamao at sinusubukan kong kolektahin muli ang lahat ng aking damdamin. Hindi ko dapat maipaalam sa kanya kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin.

Napakahigpit ng pagpisil ng aking mga kamay na namumutla na ang aking mga kamao. Siguro kung sinuntok ko siya, matatauhan siya. Bago pa ako sumabog, bahagyang natulak si Adam mula sa likuran.

“Ano ba,” ungol ni Adam sa tumulak sa kanya, nakatitig pa rin siya sa akin. Sinubukan ko ang aking makakaya para lumayo mula sa kanyang paghawak, ngunit nabigo ako. Masyado pa kaming malapit sa isa't isa, at nababaliw na ako.

“Excuse me?” ungol ng malalim na boses. Humarap si Adam sa lalaking nasa likuran niya. Mabilis siyang magalit, kaya ayokong mapanatili doon para makita kung anong mangyayari.

Kung totohanin, ito ang dahilan para mas lalo akong mapatakbo papalayo sa kanya.

“Ikaw ang bumangga sa akin,” mahinang sinabi ni Adam, sinusubukang magtunog na mapagbanta.

Sa totoo lang, hindi ito nakakatakot. Sinusubukan lang niyang maging macho at halos matawa ako. Walang linoloko si Adam; nagdudulot lamang siya ng mas malaking eksena.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sakin at sinamantala ko ang pagkakataon para humiwalay, pero kakatalikod ko palang ay hinawakan niya agad ng mahigpit ang aking pulso dahilan para ako ay mapa-aray.

Nang lumingon ako, tumama ang aking mata sa dalawang matitingkad na asul na mata. Jason Kade. Si Adam ay nakikipag-usap – nakikipagtalo — kay Jason fucking Kade. Hala.

“Ganyan ba ang pagtrato mo sa girlfriend mo?” Sumenyas si Jason patungo sa pagkakahawak sa akin ni Adam.

Nanigas ang katawan ko. Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng galit sa buong katawan ko, at hinila ko ang kamay ko mula sa mahigpit na kapit ni Adam.

“Hindi ko siya boyfriend,” sinumbat ko. Nararamdaman kong kumukulo ang dugo ko kaya't nagsimula akong huminga ng malalim para mapigilan ang aking lumalaking galit.

Hindi makapaniwalang humarap sa akin si Adam, puno ng sakit ang kanyang mga berdeng mata. Mabilis itong napalitan ng pag-aangkin.

“Girlfriend pa rin kita.” Binigyang diin niya ang girlfriendng nakangisi, habang hakbang papalapit sa akin.

Kumunot ang noo ko at umiling. Sa paglipas ng panahon napagtanto ko kung gaano kasama ang ugali ni Adam, hanggang ngayon. Ang kanyang totoong kulay ay nagniningning nang maliwanag.

“Hindi, hindi mo ko girlfriend.” Pinapaikot ng buong sitwasyon na ito ang aking ulo.

Niloko ako ni Adam, tinawag ako ng maraming masasama at masasakit na salita, at inaasahan niya akong makipagbalikan sa kanya matapos akong hindi kausapin ng ilang linggo?

Hindi mangyayari iyon. Sa wakas na-realize ko na karapat-dapat akong makasama ng mas mahusay sa kanya.

Mahigpit na hinawakan ni Adam ang braso ko, at napangiwi ako. Hindi ko kailanman naramdaman ang labis na takot sa kanya, at makita ang ugali niyang ganito.

“Anong ginagawa mo?” Narinig kong ungol ni Jason. “Sinasaktan mo siya.” Napuno ako ng takot. Mayroon akong pakiramdam na hindi ito magtatapos ng maganda.

“Huwag kang makialam.” Binaling ni Adam ang kanyang ulo sa gilid para kausapin si Jason.

Nais kong mawala ng parang bula nung marami nang mga taong nagtipon sa paligid ng dalawang galit na lalaki. May maliit na grupo ng tao na bumuo, at ang aking balat ay nagsimulang kumulo mula sa kahihiyan.

Kung maaari lamang akong matunaw sa sahig at mawala mula sa gulo na ito.

“Hindi lang ako tatayo at manonood habang mabigat ang kamay mo sa pakikisalamuha sa isang babae,” putol ni Jason at hinawakan niya ang braso ni Adam sa pagtatangkang pigilan siya. Agad na lumingon si Adam at sinubukang suntukin sa mukha si Jason.

Iniwasan ito ni Jason na parang balewala. Umungol si Adam at sinugod si Jason, at ako’y nabitawan sa proseso. Pareho silang nahulog sa sahig ng may malakas na kalabog. Ang atensyon ng lahat ay nasa kanila na ngayon.

Agarang tumayo si Jason at pinagmasdan pababa si Adam.

“Bumangon ka,” sambit niya habang sinipa niya sa tagiliran si Adam, sanhi para siya ay umungol.

“Kung kaya mong manakit ng babae, kaya mo ring subukang gamitin ang mga kamao mo sa akin.”

Namasa ang pagitan ng aking mga binti. Fuck, sa lahat ng sitwasyon, hindi dapat isa ito kung saan ako maturn-on. Ang malalaking braso ni Jason ay nag-flex at dumampi ang aking mga mata sa kanyang maskuladong katawan.

Nagdilim ang paningin ni Adam nang tumayo siya at sinubukan niya ulit na suntukin si Jason. Sa pagkakataong ito ay dinakma ni Jason ang braso ni Adam at pinilipit ito.

Napahiyaw si Adam nang hinigpitan ang kapit ng kanyang braso sa likod niya. May isang malakas na crack ang nadinig sa buong silid.

Bumagsak ang aking panga sa gulat nang makita ko ang mga mata ni Adam na tumirik sa likod ng kanyang ulo at siya ay bumagsak sa sahig.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

KARA

Holy Shit. Natulala ang aking mga matang hindi makapaniwala sa walang malay na katawan ni Adam. Napakabilis ng mga pangyayari na halos hindi ko ito maproseso. Ito ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Tapos na ang gabi kong masaya at walang pag-alala. Nangibabaw na ang drama at ngayon ang aking ex-boyfriend ay nakahiga sa sahig na may nabubuong marka sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Patakbong lumapit sa akin si Jess at nagulat nang nakita ang nakalatay na katawan ni Adam. “Oh shit. Anong nangyari?” tinanong niya ng may sorpresa ang mga mata.

Tumingin ako kay Jason, na maiging nakatitig sa akin. Nagkadikit ang tuhod ko. Nakakatakot ang titig ni Jason, subalit ang kanyang mga mata ay nakaka-hipnotico.

Parang nababasa niya ng eksakto ang iniisip ko.

“Salamat.” Ang aking lalamunan ay tuyo at nilunok ko ang bukol na namuo, medyo napawi ang aking tuyong lalamunan.

“Kara?” Tinawag ulit ni Jess ang pangalan ko, nabalik ang diwa ko. Inilayo ko ang aking mga mata kay Jason at bumitaw ako ng malalim na hininga, pinagdadasal na maging ayos si Adam. Kahit na deserve niya ang nangyari.

Binuhat siya ng isa niyang kaibigan at sinimulang hilahin patungo sa sala.

“Um, medyo naging pisikal si Adam,” bulong ko kay Jess para siya lamang ang nakarinig.

Mayroon na ngayong isang malaking grupo ng tao na nakapaligid sa eksena. Nagbubulungan sila at namamanghang nakatitig kay Jason. Nainis ako sa kanilang pagtingin sa kanya na parang diyos.

Alam kong karapat-dapat ito kay Adam, ngunit hindi ganun kalala. Wala siyang malay, at hindi na ako magtataka kung ang kanyang panga ay na-dislocate. Muli kong narinig sa aking isipan ang malakas na crack at napangisi ako.

Napabuntong hininga si Jess sa sinabi ko sa kanya. “Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? ” Ang nag-aalala niyang hitsura ay naging galit na simangot.

“Karapat-dapat lang iyon sa gagong iyon,” dagdag niya, at tama naman siya. Bagaman sa kalaliman ng puso ko, isang bahagi ay laban dito.

Ang aking damdamin ang tanging bagay na bumubulag pa rin sa akin.

Umiling ang aking ulo matapos mapagtanto ang kanyang tanong. ”OK lang ako. Medyo nataranta lang. ” Hindi ko inasahan na makikita ko si Adam dito. Inaasahan kong maiwasan siya ng mas matagal.

Paminsan-minsang nakikita ko siya sa paaralan, pero palagi siyang lumalayo sa akin. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya rito.

Si Adam ay hindi mahilig sa mga party, kaya't ginugol namin ang karamihan ng aming oras na magkasama sa panonood ng mga pelikula o paghabol sa aming mga paboritong palabas sa TV.

Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

“Ngayon na nagsanhi ka ng isang eskandalo, maaari ka na bang umalis?”

Napatingin ako bigla sa mga matang kulay sapiro ni Jason na nakatitig sa akin. Napakatindi ng titig niya na muntik ko na siyang sundin. Sa kabutihang palad, hindi ako grabeng natulala sa kanyang mga mata.

“Naging sanhi ako ng isang eksena?” Hindi ako makapaniwala. Si Jason ang nagpasimuno ng gulo!

“Oo, ikaw,” sagot ng mayabang na lalaki na may halong inis. Sinalubong ko ang kanyang mga mata at hinawakan ang pagtitig dito, pinapaalam ko sa kanya na hindi ako umaatras ng ganun ganun lang.

Hindi ko namang gustong makita si Adam dito. Na para bang hindi pa ako nakakaramdam ng galit at inis, pinapalala lang ng ugali ni Jason.

“Kakasuntok mo lang ng mukha ng isang tao, at ako ang sanhi ng eskandalo?” Itinaas ko ng kaunti ang aking boses, ipinapakita ang aking pagkagalit.

“Aba, dinala mo siya rito, at ayoko ng mga negatibong tao. Bukod dun, magagawa ko ang anumang nais ko. Ito ay aking party.” Huminto ang pintig ng puso ko sa aking dibdib at namula ang mukha ko sa kahihiyan.

Itong isang simpleng, maliit na katotohanan ay nagpawala ng bawat onsa ng lakas ng loob na naiwan sa akin, ngunit hindi ako mapipigilan nito.

Walang paraan para maipaliwanag ko ang ginawa ni Adam, pero ayaw kong maiugnay sa kanya.

Kaya sa halip na subukang ipaliwanag ang aking sarili at ipakitang kalunos-lunos ako, hinayaan ko ang aking stress at galit na mangibabaw.

“Wala akong pakialam. Get off your high horse, Jackson. Hindi ko hahalikan ang lupang tinatapakan mo tulad ng ibang mga tao dito,” sumbat ko, hinayaang lumabas lahat ng galit na nabuo sa loob ko.

Lahat ng emosyon na naramdaman ko para kay Adam ay sumasabog lahat kay Jason.

Nanlamig ang mga bughaw na mata ni Jason, at humakbang siya palapit sa akin. Bakit kailangan niyang magmukhang sobrang hot?

“Jason ang pangalan ko,” sambit niya sa’kin, krinoss niya ang kanyang mga braso para magmukhang nakakatakot. Ang kanyang malalaking muscles ay umumbok sa ilalim ng tela ng kanyang damit.

Gumana ito.

Ang mga tao ay nagsimulang bumulong. “Papahiyain siya ni Jason. Nakakaawa naman siya,” may bumulong mula sa usyosong grupo ng mga tao.

Nanigas ang aking panga ng marinig ko ang puna. Kung talagang iniisip nilang may pakialam ako sa anumang sinabi ni Jason, mali sila.

“Wala akong pakialam. Ikaw ay isa lamang mayabang na asshole na gustong magtulak ng mga tao na para bang mas mahusay siya kaysa sa kanila. Sa kabutihang palad para sa iyo, hindi ako isang tao na itutulak mo,” sinabi ko bago ko siya tinulak papalayo habang palakad akong papunta sa pintuan.

Napuno ng kanyang bango ang aking pang-amoy at halos napadaing ako sa amoy niya.

Ang mga tao ay tahimik habang naghihintay ng isang uri ng pagganti mula kay Jason, ngunit walang nangyari. Ni hindi ko namalayan na may huminto sa musika. Malawak ang mata ng lahat habang ako ay dumaan.

“At aalis na ako dahil gusto ko,” sambit ko.

Binati ako ng malamig na hangin, hinihipan ang mga hibla ng aking kayumangging buhok papunta sa aking mukha. Hinabol at naabutan ako ni Jess at nanginig siya dahil sa malamig na panahon.

“Napagtanto mo kung ano ang iyong ginawa, tama?”

“Hindi ako nakakapag-isip ng diretso ngayon,” bulong ko, habang naglalakad papunta sa aking kotse. Ang nais ko lang gawin ay umuwi at manood ng Supernaturalbago pumulupot sa aking malambot at komportableng kama.

“Hindi papayag si Jason na makawala ka sa ginawa mo,” sabi ni Jess, halata ang takot sa boses niya. Hindi niya pinagaan ang aking pakiramdam, sa totoo lang, pinasama niya pa ito.

Iyon ang pinakapangit na bahagi ng high school — lahat ng drama at tsismis. Sa kabutihang palad mayroon na lamang akong isang taon ng pagtitiis. Hindi ko maiwasang magtaka kung anong mangyayari.

“Alam ko,” bulong ko pabalik, tinutulak ang mga naiisip kong senaryo palabas ng aking utak – na napakagulo.

Sa wakas ay nakapag-isip na ako ng maayos nang nakapasok na ako sa aking sasakyan. Fuck. Anong ginawa ko? May pakiramdam ako na ang paaralan ay magiging torture. Pero tama lang na inilagay ng isang tao ang asshole na iyon sa kanyang lugar.

Naupo ako sa sasakyan pauwi at iniisip ang dapat kong gawin. Alam kong dapat isinara ko ang aking bibig, ngunit ako ay naiinis na kina Adam at Jason.

Hindi ko hinayaang kausapin niya ako nang ganoon. Mabilis akong magalit at wala akong pasensya sa mga tao na susubukang umaway sa akin.

At least napagsabihan at nasagot ko siya.

Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kung hindi nakialam si Jason. Kinabahan ako sa naisip ko.

Ang Lunes ay magiging isang mahabang araw.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on email

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+