Hindi pa nakauwi si Maeve mula nang ipadala siya sa boarding school matapos mamatay ang kanyang ama, pero ngayon ay nagbalik siya para ibenta ang bahay at magpatuloy sa buhay. Kauuwi pa lamang niya nang muli niyang makita ang mga kaibigang sina Mary at Nick. Kinumbinsi siya ng mga ito na pumunta sa Mate Ball — isang kakaibang pangalan para sa isang ball, pero sa tingin naman niya ay magiging masaya ito. Gayunpaman, nang makilala niya sa ball ang isang kakaiba pero interesanteng lalaki, at nang sabihin nitong “AKIN KA” … nagsimula ang mga pagbabago sa buhay niya… pagbabagong magbubunyag ng madilim na lihim tungkol sa kanyang bayan at sa kanyang pamilya.
Rating ng Edad: 18 +
Moon River – September Moon

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Hindi pa nakauwi si Maeve mula nang ipadala siya sa boarding school matapos mamatay ang kanyang ama, pero ngayon ay nagbalik siya para ibenta ang bahay at magpatuloy sa buhay. Kauuwi pa lamang niya nang muli niyang makita ang mga kaibigang sina Mary at Nick. Kinumbinsi siya ng mga ito na pumunta sa Mate Ball — isang kakaibang pangalan para sa isang ball, pero sa tingin naman niya ay magiging masaya ito. Gayunpaman, nang makilala niya sa ball ang isang kakaiba pero interesanteng lalaki, at nang sabihin nitong “AKIN KA” … nagsimula ang mga pagbabago sa buhay niya… pagbabagong magbubunyag ng madilim na lihim tungkol sa kanyang bayan at sa kanyang pamilya.
Rating ng Edad: 18 +
Orihinal na May-akda: September Moon
⚠️ Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga tema ng Kidnapping, Sekswal na Karahasan, Panggagahasa, at Pagkalaglag.⚠️
Malamig noon ang dating ng hangin.
Pinangako ko sa sariling hindi ako lilingon, pero hindi nangako nang ganun ang lobo ko. Lumingon siya at napatingin kami sa kastilyo.
Pinanood ko ang unti-unting pagbukas ng mga ilaw para bigyan ng liwanag ang lalaking humahabol sa amin habang hinahanap ako. Narinig ko ang isang alulong na pumailanlang sa hangin, at nagsimulang tumunog ang mga kampanang nagbibigay ng babala.
Napaatras si Una at naramdaman ng paa niya ang gilid ng isang bangin. Tiningnan niya ang paa niya, lumingon sa akin at iginiya ang mata sa akin.
Hindi ko pa kayang umalis, sabi ni Una. Naiisip ko pa rin siya. Humarap siya para tingnan ang gilid ng bangin
Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa manatili doon, sabi ko habang kinakausap siya sa isipan.
TALON!
Ang huling naalala ko ay ang pakiramdam na binabalot kami ng hangin. Sa wakas, naramdaman ko rin ang matagal ko nang hinahanap… kalayaan.
Unti-unting ibinuka ng malamig na tubig ang sarili nito upang yakapin kami… at mayamaya’y nilamon kami ng kadiliman.
Parang katulad pa rin ng dati ang lahat.
Binigyan ko ng tip ang driver bago ako lumabas ng taxi habang sinusuot ang backpack sa balikat. Naglakad ako patungo sa bahay at sinubukang alalahanin kung nasaan ang sobrang susi.
Tumingin ako sa ilalim ng doormat, sa mailbox, at sa paligid ng durungawan. Kung may mapapadaan lang o titingin sa labas ng bintana nila, siguradong aakalain nilang sinusubukan kong pagnakawan ang sarili kong bahay.
Napagpasyahan kong sa likod na lang dumaan, tumalon sa bakod, at sirain ang isang bintana para makapasok. Tumalon nga ako at nakalapag nang maayos, kung ako lang naman ang tatanungin.
Siguradong gulo-gulo na ang bakuran namin.
Kung nandito lang si Grace at makikita niyang ganito kagulo ang garden, baka himatayin ‘yon. Pinuntahan ko ang sliding door at nagdesisyong subukang dumaan doon, pero alam mo kung ano mo ‘yong nakakainis? Bukas lang pala ang pinto.
Mas naramdaman ko ngayon ang kalungkutan sa bahay. Pinagdaan ko ang mga kamay sa mesa sa kusina at hinawi ang alikabok na nadaanan.
Ginamit ko na ang lahat ng dahilang alam ko sa abot ng aking makakaya para maantala ang pagbabalik ko.
Mula nang mamatay si Papa, ipinakita na ni Grace ang totoong kulay niya.
Pinadala niya ako sa boarding school ilang araw lang matapos mamatay ni Papa.
Tuwing bakasyon, pinipilit niya akong manatili doon habang nakauwi na ang lahat. Kaya iginugol ko ang lahat ng oras sa pagpaplano. Ipinangako ko sa sariling mabubuhay ako nang hindi nakaasa kahit kanino.
Hindi ko kailangang umuwi tulad ng iba. Pinipili ko ang manatili para makapag-aral pa at makabuo ng buhay na gusto ko. Hindi ko kailangan ng iba basta nasa akin lang ang mga libro ko. Pero heto na naman ako. Hindi ko inakalang babalik pa ako sa lugar na 'to pero may mga dapat pang ayusin. Hindi ko kailanman nagustuhan ang bahay na ‘to, at makatutulong sa pag-aaral ko sa grad school ang mapagbebentahan.
Kakaiba ang mga nakalagay sa huling habilin ni Papa nang mamatay siya.
Kaka-twenty one ko pa lang at ilang linggo na lang ay makukuha ko na ang mana ko. Pagkatapos nun, pwede ko nang ibenta ang bahay at magpatuloy na sa buhay.
Pero bago ang lahat, kailangan ko munang pumasok sa mga kakaibang trabaho, linisin ang bahay na ‘to, at magsimulang planuhin ang buong buhay ko.
“May tao ba d’yan?” Nagmula ang boses sa pintuan. “Gusto kong malaman mong inalerto ko na ang mga awtoridad, Rogue!”
Tumakbo ako sa pinto, sininghot ang hangin at nakaamoy ng pamilyar na amoy ng pancake at honey.
“Mary?” tanong ko habang binubuksan ang pinto.
“MAEVE?” Niyakap niya ako nang mahigpit at mabilis siyang kumawala. “Patingin nga. Oh my goodness! Ang tagal na nung huli kitang nakita! Kumusta ka na?”
“Okay lang naman ako.”
“Akala ko makikita ka namin sa libing,” sabi niya habang pinupunasan ang luha, “pero pagkatapos kang tratuhin ni Grace nang ganun… hindi na ako nagtataka kung bakit hindi ka pumunta.”
“Mahirap kasi para sa akin dahil sa finals pero sinikap kong gawan ng paraan, at para na rin sa kagustuhan niya,” sagot ko.
“Gusto mo bang pumasok? Alam kong magulo pa ang bahay pero baka gusto mo ng tubig?
“Sigurado akong nandyan na mamaya ang mga pulis at magtatanong tungkol sa mga nangyayari– bakit ‘di ka muna mag-relax habang naghihintay?”
Sinundan ako ni Mary sa kusina. Naghanap ako ng tasa sa cabinet. Mabuti na lang lumapit siya at siya na mismo ang kumuha ng baso.
Maraming binago si Grace dito at hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay. Lalo ko tuloy naramdamang hindi ako kabilang dito.
Nakarinig ulit ako ng katok kaya nagpaalam muna ako.
“Maeve?”
“Tylor!” Ngumiti ako.
“Ang tagal na rin, ah!” Niyakap niya ako nang mahigpit. Sa higpit ng yakap niya, langhap ko na ang pagiging amoy-araw ng balat niya.
“Uh… Tylor…” sabi kong tila nabubulunan, “hindi ako makahinga.”
“Ay, sorry,” sabi niya nang pakawalan ako. “Nandito ba si Mama? Nagpadala siya ng isang babala tungkol sa Rogue. Mabuti na lang natanggap ko ang mensahe niya. “
“Tylor, nasa kusina ako,” tawag ni Mary.
“Okay, Ma!” sabi niya at inanyayahan na ang sariling pumasok.
“Oo, ikaw nang bahala, pasok ka,” sabi ko.
Palihim akong tiningnan ni Tylor sabay kinindatan.
“Hanggang kailan ka dito?” tanong niya nang makapasok na kami ng kusina.
“Hindi rin ako magtatagal. Kukuha lang ako ng gamit tapos aalis na rin. Kaka-graduate ko lang at natanggap sa isang Master’s program para sa Creative Writing. Kaya naisipan ko munang bumalik para ayusin ang mga bagay.”
“Ibig sabihin aalis ka rin kaagad?” nadidismayang tanong ni Tylor.
Para naman akong nakaramdam ng bukog sa lalamunan dahil sa nakita kong kalungkutan niya.
Ibang-iba na ang itsura niya mula noong huli kaming magkita. Walong taon pa lang kami noon. Oo, mas matangkad siya… pero… ‘yong ngiti kasi niya… ang hirap tanggihan ng ngiti niya.
“Ibig kong sabihin, wala pa akong matutuluyan ngayon kaya dito muna ako. Mga buwan siguro, o hanggang sa Taglagas,” sabi ko at muli ko na namang nakita ang ngiti sa mukha niya.
“Mabuti naman!” ani Mary. “Saktong-sakto lang ang dating mo para sa Ball. Sa weekend na ‘yon.”
“Anong Ball?”
“May kinalaman sa pag-me-mate,” sabi ni Tylor habang pinaiikot ang mata.
“Teka, ano? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko. Tila nagulat sina Tylor at Mary.
“Alam mo…” pagsisimula ni Tylor.
“Hindi, hindi ko pa alam,” sagot ko.
Nakipagpalitan ng tingin si Tylor sa mama niya. Parang may mali akong nasabi. Magsasalita na sana siya nang biglang maingat na sumingit ang mama niya. “Tylor, bakit hindi natin bigyan ng panahon si Maeve para maka-adjust?” Tumingin siya sa akin. “Maeve, bakit hindi mo kami samahan sa hapunan kapag ayos ka na? Nakita ko ‘yong fridge, alam kong marami ka pang aayusin. Sumunod ka kaagad, okay?”
Tumango lang ako at sinamahan na sila sa labas. Tiningnan ko sila habang tumatawid ng kalsada. Pagkatapos ay binalikan ko ang backpack na naiwan ko sa labas. Buti na lang hindi nila napansin, hindi ako nagkaproblema.
Ang kailangan ko lang ay laptop at ilang bihisan. Habang naglilibot, napagtanto kong pwedeng magpatatag sa akin ang lahat ng bagay: bawat libro, bawat damit, bawat piraso ng papel.
Bawat tao.
Maingat ako sa lahat ng tao at bagay.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Ang daming nangyari nung hapunan. Nakalimutan ko kung gaano kalaki ang pamilya ni Tylor.
Ang gugulo ng mga kapatid niyang kambal, sina Caroline at Christine. Idagdag pa ang nakababatang kapatid nilang si Nathan. Ipinagtataka ko tuloy kung paano sila kinakaya nina Mary at Nick.
Natutuwa akong naroon silang lahat, ni hindi ako makapagsalita dahil sa ingay sa harap ng lamesa. Ang ingay ng mga bata pero hindi nila alam kung paano nila pinadali ang hapunan para sa akin.
“Ano ang gagawin mo habang narito ka, Maeve? Magtatrabaho ka ba ngayong summer?” tanong ni Mary.
“Oo. Baka magsimula na akong maghanap ng trabaho bukas. Naghahanap lang ako ng medyo madaling trabaho.”
“Sigurado akong makakatulong sa iyo si Tylor na makahanap ng trabaho,” sabi ni Nick.
Halatang bihirang magsalita si Tylor dahil saglit na namayani ang katahimikan at nabaling ang lahat ng tingin sa kanya.
“Malapit sa kastilyo ang trabaho mo kaya siguradong matutulungan mo siyang maghanap ng trabaho. ‘Di ba lagi silang naghahanap ng server sa mga event nila?”
“Dad! Sigurado akong mas gugustuhin niyang pumunta sa party, ‘di ba, Maeve?” alok ni Caroline.
“Alam mo kung ano, sa palagay ko tama ka,” sabi ko kay Nick. “Titingnan ko kung gusto nila akong kunin.”
“Paniguradong kukunin ka nila,” sagot ni Nick, “lalo na kung ilalakad ka ni Tylor.”
“Sigurado ka bang mas gugustuhin mong magtrabaho sa halip na pumunta sa party?” tanong ni Tylor.
“Wala akong maisusuot, at sa palagay ko hindi ko ma-eenjoy ang mga bagay na katulad nun.” Narinig ko ang isang pigil na tawa mula kay Nathan at singhap nina Caroline at Christine.
“Seryoso ka?” sabay na sabi nina Caroline at Christine. Pagkatapos ay nagsalita si Caroline. “Kung tungkol lang sa damit, siguradong mapapahiram ka namin.”
“I-re-recommend kita,” putol ni Tylor bago pa man ako makasagot. Tiyak kong alam niyang napanatag ako dahil ngumiti siya nang matamis sa akin.
Sinubukan ng kambal na magsalita pa pero sigurado akong narinig kong umungol si Tylor. Naputol ang kung ano mang sasabihin nila bago pa man sila makapagsalita.
Hindi rin nagtagal nang bumalik ang kambal sa pagbubulungan tungkol sa mga pagpapalit sa eskwelahan nila at kung sino sa tingin nila ang mga pupunta sa ball.
Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko maintindihan… pero hindi naman ako kilala o may alam kung ano ang astig para sa kanila.
Nagpasalamat ako kay Mary para sa masarap na hapunan at nagpaalam na sa lahat. Sinimulan ko nang isara ang pinto nang may biglang pumigil sa akin.
Lumingon ako at sumalubong ang matalim niyang tingin. Napahigit ako ng hininga at iniwas ang tingin.
“Ihahatid na kita.”
“Alam mo naman sigurong nasa kabilang kanto lang ang bahay ko.”
“Nakatanggap ako ng babala tungkol sa mga Rogue,” tugon niya, “kaya hindi ako sigurado kung gaano kaligtas sa labas.”
Tumingin ako sa kanya at napabuntong-hininga. Sinubukan kong itanggi sa sarili kung gaano siya kagandang lalaki. Mayroong kung ano sa kanya na gugustuhin ng iba na hawakan ang kamay niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad bilang tugon. Nakakagaan ng loob kapag nandyan si Tylor at pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama ko siya. Inihatid ako ni Tylor sa balkonahe, pagkatapos umupo siya sa hagdan at niyaya rin akong umupo.
“Seryoso ako sa sinabi ko kanina. Kung gusto mo ng trabaho, pwede kitang tulungan sa Sabado at Linggo, pero sa palagay ko dapat mo ring isipin ang pagsama sa ball,” walang emosyong sabi niya.
“Hindi pa ako nakakapunta ng mga sayawan tsaka wala akong kakilala doon… isa pa, hindi ko gusto ang magsuot ng damit na pangpirata– basta, hindi lang talaga ako mahilig sa mga theme dance party,” sabi ko habang ikinukumpas ang kamay sa hangin.
“Anong ibig mong sabihing pirata?”
“‘Yong tema? ‘Di ba? Pirata? Parang yo-ho matey… ARRRRG!” Itinaas ko ang braso ko pero pinigilan niya ako, dahilan para matumba ako.
“Teka, ano?!” Tumayo siya at agad din akong inakay na tumayo. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ka pa nakakapunta sa kahit na anong Mate Ball?”
“Hindi naman sa ganun, ang sabi ko hindi ako mahilig sa kahit na anong party na may tema.”
”May, hindi ‘to nakakatuwa,” singhal niya. “Naiintindihan mo ba kung ano ang mate?”
“Mabuting kaibigan?” sabi ko.
“May,” huminga siya nang malalim, “nasubukan mo na bang makapagpalit?”
“I mean… nakapaglipat-lipat na ako ng mga lugar pero ako pa ‘rin ‘to. Hindi naman siguro ako nakapagpalit ng personalidad, ako pa rin ang dating si Maeve.”
“ANO?” Gulat na gulat siya. “Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa sarili mo?”
“Ummm… anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan akong tumingin sa kanya, lalo na at pigil niya pa rin ang braso ko, at sa hindi ko malamang dahilan, para bang ayaw niya akong pakawalan. “Sa tingin ko kailangan mong maging partikular sa sinasabi mo.”
“Nagkasakit ka na ba? Nasubukan mo na bang masugatan at napansing mabilis lang itong maghilom? Nagkaroon ka na ba ng makapal na balahibo sa katawan?” aniyang nanginginig ang boses sa galit.
“H-h-hindi ko a-alam ang sinasabi mo,” sabi kong pilit pinakawalan ang braso ko. Pinilit ko ang sariling tumingin sa kanya at nakita ko ang pagdidilim ng mga mata niya.
“Please, Tylor, kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan, pagpasensiyahan mo na ako. Hindi ko maintindihan.” Grabe, sabi ko sa sarili, importante talaga ang mga party dito.
“Hindi, pasensiya na,” sabi niya habang pinakakawalan ang braso ko. Napakalapit niya pa rin sa akin at sigurado akong parang inamoy niya ako. Tiningnan ko siyang muli at kumurap siya sa akin. Nakita kong tila nagbalik na sa pagiging kulay asul ang mata niya.
Kinusot ko ang mata at tumingin sa paligid.
“Tingnan mo, dumidilim na,” sabi ko. “Napagod ako sa mahabang biyahe kaya sa tingin ko kailangan ko nang magpahinga.”
“Ah, May,” sabi niyang hinawakan ulit ako sa braso. Tiningnan ko siya, at humakbang siya para lalong mapalapit sa akin. “Hindi ko intention na takutin ka.”
Hindi ko alam kung bakit pero para akong nahihilo tuwing lumalapit siya.
Para siyang kaamoy ng chocolate at… hindi ko matukoy, nasa dulo ng dila ko. Hindi ako mahilig sa chocolate pero may iba pa siyang kaamoy na hindi ko mapangalanan.
“May nakapagsabi na ba sa ‘yong kapareho ng amoy mo ang ch–”
“Chocolate at ensina?” bulong niya. Lumapit pa siyang lalo. “Paano? Paano mong…” Natigilan siya.
Pinakawalan ko ang sarili ko mula sa pagkakahawak niya, pumasok sa loob ng bahay, at isinara ang pinto.
Wala sa sariling naisara ko ang tarangkahan.
Sigurado akong narinig niya ako habang paalis siya. Hindi siya lumingon pero saglit siyang tumigil. Halos parang naramdaman niyang tinitingnan ko siya habang papalayo.
Mabilis na lumipas ang mga sumunod na araw. Nagawa kong linisin ang lahat pero kailangan ko pa ring bumili ng ilang pangangailangan. Nabubuhay na lang ako ngayon sa pizza.
Matapos lang ang pagdiriwang na ito, pwede na akong bumili ng grocery at mamuhay na tulad ng sa normal na tao.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!