Si Sydney ay laging sumusunod sa rules… hanggang sa magpasya ang kanyang BFF na si Desiree na kailangan niya ng kaunting fun. Bumili sila ng mga fake ID at pumasok sa isang club, kung saan nakipag-hit off si Sydney sa isang sexy na musikero… para malaman na siya rin ang kanilang bagong English teacher!
Age Rating: 18 +
Unclassic Hero – Jessie F Royle

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Mula sa author ng Behind the Masque at Enforce My Heart.Si Sydney ay laging sumusunod sa rules… hanggang sa magpasya ang kanyang BFF na si Desiree na kailangan niya ng kaunting fun. Bumili sila ng mga fake ID at pumasok sa isang club, kung saan nakipag-hit off si Sydney sa isang sexy na musikero… para malaman na siya rin ang kanilang bagong English teacher!
Age Rating: 18 +
Original Author: Jessie F Royle
“Come on, Syd, hindi ka makakatakas dito,” iniabot sa akin ni Desiree ang fresh fake ID na kinuha niya para sa akin sa linggong ito.
“Paano mo naman naisip na gusto kong i-try?” Tinanong ko siya, kinukuha ang card at sinusuri ito, “Jane Johnson? Pwede pa ba itong maging mas generic?”
“Kailangan madali matandaan, at tandaan mo din ang birthdate, tatanungin nila sigurado kung sa tingin nila ito ay peke,” utos niya.
Si Desiree, ang aking best friend, ay laging gustong pumunta sa mga club, pero dahil hindi siya twenty-one, umaasa siya sa kanyang fake ID. Pinag-aaralan ko ang birthdate at inulit-ulit ito sa aking ulo.
Twenty one ako, hindi eighteen ngayong gabi.
“Lagi kang tumatakas. Sa tuwing papayag ka na gawin ito kasama ko, hindi nangyayari,” reklamo niya, “Pero hindi ngayong gabi. Sa totoo lang, nagulat ako na nadala kita hanggang dito, so that’s a start.”
“Paano kung mahuli tayo?” Nagtanong ako.
“Worst-case scenario, kukunin nila ang ID mo at hahatiin ito sa dalawa, iyon lang. Naranasan ko na iyon ng ilang beses. Pero, kumuha na ako ng mas magaling na gagawa ng ID ko, laging pumapasa yung kanya, flawless ba.”
“Sabi mo eh,” buntong hininga ako.
Si Desiree ay nasa isang mission ngayong buong summer para subukan at mailabas ako mula sa aking safe little bubble, at gusto ko na pwede akong gumamit ng isang masayang gabi bago magsimula ang school sa susunod na linggo.
Senior year. Ngayong summer, medyo naging abala ako sa pagitan ng summer job ko sa isang day camp para sa mga underprivileged na bata at sa pagtututor ng math sa Learning Center.
Nasa mission akong i-fluff up ang aking mga college application, kaya gusto ko na ang mga particular na extracurricular activities na iyon ang gagawa ng trick.
“Ready?” Tanong ni Desiree, kinuha ang kanyang purse sa backseat ng kanyang bagong Jeep Wrangler, isang generous gift mula sa kanyang dad para sa kanyang eighteenth birthday.
Bilang only child, si Desiree ay spoiled, lalo pa mula nang namatay ang kanyang mom noong ten years old siya.
Ang aking kotse, isang lumang black and grey na Chevy Blazer, ay isang hand-me-down mula sa aking mga magulang nong bumili sila ng isang bagong truck noong nakaraang taon.
“Ready,” kinumpirma ko, na kinuha ang aking purse mula sa sahig.
Lumabas kami ng sasakyan, at sinundan ko ng malapit si Desiree habang tumatawid kami sa kalye papunta sa dulo ng isang mahabang linya na papunta sa isang nightclub na tinawag na The Wrecker.
“Kumusta ang buhok ko?” Tanong sa akin ni Desiree, hinimas ang kanyang mga kamay sa kanyang mahabang itim na buhok na inayos niya ng isang oras.
“Great, as always,” siniguro ko sa kanya, kinakalikot ko ang aking buhok, pinulupot ito sa aking mga daliri dahil sa kaba.
“Tumigil ka nga, masisira mo ang lahat ng effort ko,” inalis niya ang aking kamay sa aking mahabang blond na buhok na inayos niya para sa akin, kahit na mas parang assault ito dahil sa dami ng teasing, curling, at hair spraying na naganap.
Ang aking buhok ngayon ay mas kumapal kaysa dati, na nakakulot ang mga dulo.
Pinahubad ni Desiree ang salamin ko para sa mga contacts ngayong gabi, at suot ko ang kanyang damit, sobrang higpit na skinny jeans, at isang slinky black camisole.
Hindi ako katulad ng aking sarili ngayong gabi; Mas kamukha ko siya, na sa palagay ko ay hindi isang masamang bagay. Ang aking karaniwang style, tulad ng sinasabi ni Desiree, ay geeky chic.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, pero sa palagay ko parang hipster o ano.
“So, natapos mo na ba ang history essay mo?” Tanong ko sa kanya.
“Ay hindi, hindi, Sydney, walang usap usap tungkol sa school ngayong gabi. Ngayong gabi tayo ay twenty one years old, at hindi tayo nag-aaral sa high school.”
“Fine. Edi ano ang dapat kong pag-usapan?”
“Wala akong alam kundi ang school. Mayroon na lang tayong isang linggong freedom bago tayo bumalik, kaya gusto kong kalimutan ito.”
“Alam ko, tama ka.”
“Siyempre tama ako, palagi akong tama.”
“Hindi, sa palagay mo palagi kang tama,” natatawa ako sa kanya.
“Well, most of the time tama ako,” balik niya.
“Sabi mo eh.”
Nakarating kami sa harap ng linya kung saan may three hundred pound na bouncer, na balot na balot ng mga tattoo, hanggang sa kanyang ahit na ulo, na nagbabantay sa pintuan.
“ID?” utos niya sa isang malalim at nakakatakot na boses.
Kinuha ni Desiree ang kanyang purse at iniabot sa kanya. Sumulyap siya dati, at pagkatapos ay sumulyap kay Desiree. Ngiting ngiti si Desiree sa kanya na may kasamang pag-bat ng eyelashes. Ngumisi siya pabalik at binalik ang kanyang card.
“Okay,” tumango siya at tinuro ang pinto gamit ang baba para pumasok na siya.
Tumabi siya habang inaabot ko sa bouncer ang ID ko. Sinulyapan niya ito, pagkatapos ay sa akin, pagkatapos ay bumalik sa ID.
“Jane Johnson, di ba?” Tanong niya, parang naghihinala.
“I know, right? Hindi gaanong creative ang mga magulang ko,” sabi ko na may kibit-balikat.
Tumingin sa akin ang bouncer.
“Birthday?” Tanong niya.
“July 3, 1992,” sumagot ako nang mabilis at may confidence na nakasagad.
Napabuntong hininga siya at inaabot sa akin ang ID.
“Okay, pasok,” sabi niya habang winagayway ang kanyang palad papunta sa pinto.
Nakahinga ako ng maluwag at sumama kay Desiree sa may pintuan.
“Muntik na,” bulong niya habang papasok kami sa loob.
“Oo nga, hindi kasi siguro ako kasing charming ng ibang tao,” sabi ko nang mahina.
Masyadong malakas na music ang sumabog sa aking tainga habang papasok kami sa club. Si Desiree ay may isang mahigpit na kapit sa paligid ng aking pulso habang hinihila niya ako papunta sa bar.
“Sa palagay ko dapat tayong magsimula sa ilang mga shot para makaluwag ka,” sigaw niya sa direksyon ko.
“Hindi ko alam, Des…” Sinimulan ko ang aking protesta.
“Hindi. Hindi. Hindi. Ayokong pakinggan ito, Syd.”
Hinihila ni Desiree ang isang twenty dollar mula sa kanyang purse at nag-flag ng isang bartender. Hindi ko marinig kung ano ang inorder niya, pero nakikita kong nakahawak siya sa apat na daliri. Napabuntong hininga ako sa pagkatalo.
Hindi niya ako patatawarin ngayong gabi, alam ko na. Tumagal ako ng sandali para suriin ang aking paligid.
Madilim ang club, at may mga kumikislap na ilaw na umiikot sa paligid ng center ng room na may isang malaking dance floor.
Nag-boom ang rock music mula sa bawat sulok ng silid, na hindi binigyan ng pagkakataon ang katahimikan.
Ang lugar ay medyo grungy at amoy lumang beer, pero puno ito, kaya siguro gusto ng mga tao dito.
Ang aking mga mata ay naglalakbay papunta sa isang malaking stage sa harap ng silid na may naka-set up na mga instrumento nong naramdaman ko na hinihimas ni Desiree ang aking balikat.
“Here, uminom ka nito,” utos niya, na inaabot sa akin ang isang shot glass na puno ng isang may sickly green fluid.
“Ugh, ano ito?” Tanong ko, kinusot ang ilong ko.
“Masarap iyan, magtiwala ka sa akin. Tunggain mo na lang.”
Huminga ako ng malalim at pansamantalang itinaas ang baso sa aking mga labi.
“Here goes nothing,” bulong ko bago tinungga kasabay ng pagtungga ni Desiree ng kanya.
Inaasahan kong masama ang lasa kaya nagulat ako na lasang lime pie pala iyong inumin. Tumingin ako kay Desiree, na mayabang na ngumiti.
“Kita mo? Sinabi ko sa iyo na masarap ito. Here, isa pa.”
Pagkatapos ng aming pag-shot, nag-order kami ng ilang mga girly cocktail at nagpasya na subukan ang aming luck sa paghahanap ng isang table.
“Gusto ko sana sa malapit sa stage kung kaya. May banda na tutugtog ngayong gabi na sabi nila mahusay daw.”
“Wala kang sinabi tungkol sa live music,” sabi ko.
“So? Bakit sa palagay mo sikat ang lugar na ito? Tuwing weekend mayroon silang ilang mga banda na tumutugtog dito. Ang ilan ay well established, ang ilan ay up and coming, ang ilan ay… well, ang ilan ay hindi magaling, pero ang mga bandang iyon ay hindi na nakakatugtog dito ulit. May nagsabi sa akin na ang banda na tutugtog ngayong gabi ay laging tumutugtog dito every weekend ngayong summer. Sinabi ni Teagan na nandito siya noong huling linggo at napanood sila, at sinabi niya sa akin na ang galing nila.”
“Ano ang pangalan ng banda?” Tanong ko sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang purse, naglabas ng isang flyer at iniabot sa akin. Apat na mga lalaki na mukhang nasa kanilang late twenties ay tumitig sa akin ng kanilang pinakamahusay na 'I’m a rockstar and don’t give a shit' na hitsura.
Ang kanilang pangalan ng banda, Un-Classic Heroes, ay nakasulat sa kanilang mga ulo.
“Ang isang ito ay cute,” sabi ko, na tinuturo ang isa sa kanila.
“Alin? Lahat sila ay cute,” tanong niya, nakasandal para makita kung kanino ako tumuturo.
“Ang isang ito,” pinindot ng aking daliri ang isang lalaki na may shaggy, dark brown hair na kulot nang bahagya sa ilalim ng kanyang tainga, intense brown eyes, at kaunting balbas sa kanyang solid na panga.
“Cute? Ang hot niya kaya,” pagsang-ayon ni Desiree, “Wow Syd, hindi ko alam na may good taste ka pala. Ang nag-iisang lalaki na nakakasama mo lang ay si Dane.”
“Kaibigan ko lang si Dane,” sabi ko na parang isang milyon beses ko nang inulit sa kanya.
“Siguro para sa’yo, pero inlove siya sa’yo, at alam ng lahat bukod sa’yo.”
“Kalokohan,” pag-iling kong ulo.
“Sige, patuloy mo lang sabihin sa sarili mo ‘yan,” sabi niya.
Sa kabutihang palad para sa akin, ang mga ilaw sa stage ay lumiwanag, at ang natitirang mga ilaw sa paligid ng silid ay dumilim, na huminto sa aming pag-uusap.
Hindi ako pinaniniwalaan ni Desiree nang sabihin ko sa kanya na magkaibigan lang kami ni Dane. Kilala ko na siya simula noong grade five; para na siyang kapatid ko.
Wala siya buong summer, nagvolunteer sa isang charity na tinatawag na Homes for the Heart, nagtatayo ng mga bahay sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo. Hindi ko siya makikita hanggang sa bumalik kami sa school.
“Ladies and gentlemen, maligayang pagdating muli sa The Wrecker stage, Un-Classic Heroes,” malakas na anunsyo ng isang DJ sa system.
Nagsisimulang pumalakpak ang lahat habang pumasok sa stage ang banda. Mabilis na nahanap ng aking mga mata ang hot na lalaki, na mukhang lead guitarist.
“Ooh, lead gitar. Napaka-sexy,” sigaw ni Desiree.
“Mas pogi siya sa personal,” dagdag ko.
“Dapat sumukan mo siyang kausapin pagkatapos ng show,” iminungkahi niya, na binigyan ako ng isang encouraging nudge.
“Baliw ka ba? Tingnan mo siya. Mukha na siyang thirty years old.”
“So?”
“Des, eighteen pa lang ako.”
“Iyon ay legal enough na.”
“Isa pa, ang isang tao na kamukha niya, siguro ay mayroon nang girlfriend, o isang dosenang groupies na nakapila sa likod.”
“Ew, groupies. Come on, Sydney. Pwede mo siyang kausapin. Hindi naman ibig sabihin n’on na may gusto ka pang gawin bukod don, hindi sa kung isusuko mo na ‘yan,” humagikgik si Desiree.
“Oo, oo. Alam kong nakakatawa para sa’yo ang virginity ko,” irap ko.
“O, dahan-dahan lang, tiger. Hindi ito nakakatawa. Proud na proud naman ako na pinanghahawakan mo ‘yon. Gusto kong rin sana na masabi ko rin ‘yan, kaso may Sean Harris na dumating at… well, alam mo ang trahedyang kwento na iyon.”
“Pagkatapos si Curtis, at si John at…”
“Hoy! Shhh…”
Pinalo ako ni Desiree sa balikat, at parehas kaming nagtawanan. Sa kabila ng aming mga pagkakaiba, palagi kaming nag-click ni Desiree. Dumating siya sa aming school noong grade nine at agad na naging popular.
Naging magkatabi kami sa upuan sa Science, at nalaman ko na siya ay ibang-iba kaysa sa ibang mga popular na babae. Siya ay mabait, nakakatawa, at walang pakialam sa mga social clique.
Gusto niya ang kung sinong magustuhan niya, anuman ang isipin ng ibang tao. Agad niya akong dinala sa ilalim ng kanyang pakpak, at hindi kami mapaghihiwalay mula noon.
Pwede siyang magmukhang medyo brash sa ilang mga oras, pero ang aking level-headedness ay nagpapantay sa amin. Complement namin ang isa’t-isa.
Nagsimula nang tumugtog ang banda, at nalaman agad namin ni Desiree kung ano ang pinagkakaguluhan sa kanila. Ang galing talaga ng banda.
“Alam mo, medyo hot din ang lead singer. Siguro pareho tayong dapat subukan na kausapin sila kapag nagpahinga sila,” sabi ni Desiree.
“Sa palagay mo ay magiging malapit tayo sa kanila? Ilan mga babae sa palagay mo ay naghihintay na gawin ang parehong bagay?”
“Mayroon akong mga paraan. Hintayin mo lang at tingnan, tayo ang aalis kasama nila ngayong gabi.”
“Confident mo naman,” sabi ko, umiling sa kanya, “at hindi ako aalis kasama ang sinuman ngayong gabi, maliban sa iyo, kapag pauwi na tayo.”
“Okay fine, pero makikipag-usap pa rin tayo sa kanila, siguro makuha ang kanilang mga number.”
Napagtanto kong hindi ito isang senaryo na makakausap ko siya, kaya sasabay na lang ako.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Sa buong oras na tumugtog ang banda, nahirapan akong tanggaling ang aking mga mata sa kanya.
Pinapanood ang eksperto niyang pag-strum ng mga string sa gitara, ang paraan ng pagkahulog ng kanyang buhok sa kanyang mukha at kung paano niya pinapatakbo ang kanyang mga daliri dito para hawiin ito.
“Wow, may nahuhulog,” binasag ng boses ni Desiree ang pagkatulala ko.
“Hmm? A-ano?”
“Exactly.”
“Sobrang ano lang niya…”
“Sexy, dark, mysterious, talented, hindi isang immature high school boy? Oo alam ko.”
“Hindi ko lang alam kung may lakas ng loob ako para lang lumapit at kausapin siya. Baka ay hindi siya interesado sa mas bata pang mga babae.”
“Mayroon siyang dick, hindi ba? Magtiwala ka sa akin. Magiging interesado siya, Syd. Ang hot mo kaya ngayong gabi.”
“Siguro hindi lang naman siya ganon,” sabi ko.
“Oh, tingnan mo, pinagtatanggol mo na siya kahit hindi mo pa siya nakakausap.”
“Wishful thinking lang iyon. Baka hindi niya nga ako pansinin.”
“Hoy, itigil mo nga ‘yan, Sydney. Kailangan mo talagang magkaroon ng kaunting confidence sa sarili mo. Ikaw ay maganda, matalino, mabait, at a little of everything else. Sinumang tao ay magiging swerte na makuha ang pansin mo.”
Naramdaman kong namula ako sa kanyang papuri, pero hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko rin naman na kailangan kasi tumigil na ang musika, at ang silid ay napuno ng malakas na palakpakan.
“Salamat guys. Magpapahinga lang kami. Babalik kami in thirty minutes,” sabi ng lead singer sa mic.
Inayos ng banda ang kanilang mga instrumento at nagsimulang pumunta sa gilid ng stage.
“Halika, Syd, tara na,” sabi ni Desiree, na mabilis na tumayo, “unahan natin ang karamihan.”
Nanatili akong nakaupo, kinakabahan. Bumuntong hininga si Desiree at hinila sa aking braso nang walang pasensya.
“Halika na, duwag.”
Napabuntong-hininga ako sa pagkatalo at hinayaan kong hilahin niya ako papunta sa kung saan lalabas ang banda. Nabitawan ni Desiree ang aking kamay noong may bumangga sa akin.
“Sorry…” bulong ko sa taong matagal nang nawala.
Noong lumingon ako, bumangga ako ulit sa isang tao ng sobrang lakas na napaupo na naman ako sa pwet.
“Ouch,” daing ko.
Ang matigas na kongkreto ay walang anumang kapatawaran.
“Oh shit! I’m so sorry. Heto, hayaan mo akong tulungan ka,” sabi ng isang boses mula sa itaas nang may makita akong kamay na lumitaw sa harap ko.
Umangat ang aking mga mata para makita ang sanhi ng aking sakit. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang mukha. Siya yun! Mas matangkad siya kaysa sa hitsura niya sa stage.
“Um… uh… salamat,” sabi ko habang hinawakan ko ang kanyang kamay.
Hinila niya ako sa aking mga paa na parang wala lang. Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko sa kahihiyan; sa lahat naman ng oras para maging isang klutz. Mainit ang kamay niya at medyo may kalyo.
Kiniliti nito ang mga kamay ko.
“I’m so sorry. Hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko,” pag-amin ko.
Mainit ang kanyang mga mata, at nakangiti siya sa akin, pagkatapos ay mahinang tumawa siya.
“Walang problema, hindi rin talaga ako nagbigay ng pansin,” sabi niya, kahit na sigurado akong pinapagaan lang niya ang loob ko.
Tumitig ako sa kanya, ayokong umalis siya, at kaya sinubukan kong mag-isip ng sasabihin bago siya umalis.
“Hey, nasa banda ka,” sabi ko ng walang ibang maisip.
Tumango siya.
“Oo. Natutuwa ka ba sa show?”
“Oo naman.”
Okay, siguro kaya ko pa itong patagalin.
“Ngayon ko pa lang kayo nakita pero sinabi ng kaibigan ko na magaling daw kayo,” dagdag ko.
“At sumasang-ayon ka ba doon?” Tanong niya, nakangiti sa akin.
“Oo, ang galing niyo nga. Para bang dapat nabalitaan ko na ang tungkol sa inyo noon pa.”
“Salamat. Medyo bago kami dito, mga ilang buwan pa lang. Sumali lang ako sa banda noong May. Bago pala ako sumali, tumutugtog lang sila ng maliliit na bar, iyon siguro ang dahilan kung bakit wala talagang masyadong nakarinig tungkol sa amin bago ang summer.”
“Mukhang nagtayo na kayo ng isang napakalaking fanbase, though baka di na magtagal bago kayo magkaroon ng mas malalaking gigs.”
Sige Syd, mambola ka pa, sige. Sa kabutihang palad ay tumawa siya bilang sagot.
“Sana. Iyon ang goal.”
Tumango lang ako. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko pa. Nasaan na rin si Desiree? Tumingin ako sa paligid at nakita ko siya sa malapit, nakikipag-usap sa lead singer.
“So, ano ang pangalan mo?” Tinanong niya ako pagkatapos na ikinagulat ko.
“Pangalan ko?”
Galing mo talaga, duh!
“Yeah, gusto kong malaman kung sino ang bibilhan ko ng drink.”
Ano?
“Um…”
Tumawa siya. Oh man, ang sexy niyang pakinggan.
“Ang pangalan ko ay…”
Sasabihin ko ba sa kanya na Sydney o Jane?
“Sydney,” pagpasya ko.
“Nice to meet you, Sydney. Ako si Conrad.”
Conrad. Hay.
“Nice to meet you, Conrad,” sabi ko, at ngumiti ng masigla sa kanya.
“So, tungkol sa drink.”
Sumenyas siya na akayin ako papunta sa bar. Nagsimula akong maglakad, at naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko, sobrang lapit niya. Ang aking tiyan ay gumawa ng maliliit na tumbling.
Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Magkatabi kaming umupo sa bar, at tinawag ni Conrad ang isang bartender na kaagad na lumapit.
“So Sydney, anong gusto mo?” Tanong niya sa akin.
“Kung ano na rin ang kukunin mo,” sabi ko sa kanya.
Ayoko talagang orderin iyong ininom namin ni Des kanina.
“Sige. Tingnan natin…”
Kinunot niya ang noo niya na parang nagiisip talaga siya bago ngumiti at lumingon papunta sa bartender na naghihintay ng matiyaga, sa kabila ng dami ng tao.
“Jimmy, dalawang shot ng tequila tyaka dalawang beer, please.”
Tequila? Yikes!
“Paparating na,” tumango si Jimmy na bartender bago gawin ang mga inumin.
Bumaling sa akin si Conrad habang naghihintay kami, maraming tanong sa mukha niya. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa ilalim ng kanyang titig.
“So Sydney, ilang taon ka na?” Tanong niya.
Hindi eighteen.
“Twenty-one?” Sinagot ko siya, at tumawa siya.
“Tanong ba iyan?”
“Hindi… hindi, twenty-one na ako.”
Tumango siya, pero mukhang hindi ko siya nakumbinsi.
“So sabi mo hindi mo pa kami nakikitang tumugtog? Edi hindi ka pala madalas pumunta rito?”
“Hindi. First time ko dito.”
“Talaga? Saan ka pumupunta para mag-enjoy?”
Hindi ko alam kung sinusubukan niya ako ngayon, o matanong lang talaga siya. Ang problema, wala akong magandang maisagot.
“Hindi ako lumalabas nang madalas, sa totoo lang,” Inamin ko, “Hindi ako gaanong isang bar fly.”
“Mabuti rin naman iyon. Kaya ano ang ginagawa mo para magsaya? Kung hindi ang mga bar…”
“Lagi akong nasa summer job ko. Kapag hindi naman, nagbabasa ako ng libro. Hindi ako masyadong fun, sa palagay ko. Kaya kinaladkad ako ng kaibigan kong si Des ngayong gabi.”
“Nagbabasa, huh? Nakakapanibago yan. Madalas ko rin gawin iyan. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?”
Nong sasagutin ko na ang tanong niya, lumapag ang mga drinks sa harap namin. Binigyan ni COnrad si Kimmy ng pera at binigay sa akin ang isang shot glass.
“Kaya mo bang tunggain o kailangan natin ng lime at asin?” Tanong niya.
“Hindi ako gaanong umiinom…”
“Limes and salt it is,” mahinang tawa niya at kumuha ng salt shaker at dalawang lime.
Pinanood ko siya ng mabuti, at nahuli niya ako.
“Kilala nila ako dito, no worries. Okay, Sydney, alam mo kung ano ang gagawin, tama ba?”
“Hindi ako madalas uminom, pero alam ko kung paano gumagana ang isang tequila shot,” ngiti ko sa kanya.
“Sinisiguro ko lang. Tara?”
Dinilaan niya ang gilid ng kanyang kamay at naglagay ng asin, pagkatapos ay iniabot sa akin ang shaker, at ginagawa ko rin ang ginawa niya.
“Okay, handa na? Go,” malakas niyang sabi.
Tinungga namin ang mga shot ng sabay, gayunpaman, habang pinapanatili niya ang isang tuwid na mukha, ang aking mga kumulubot sa pagkasuklam.
“Ay! Grabe,” daing ko, umiling.
Sinimulan akong pagtawanan ni Conrad, isang bagay na madalas niyang ginawa mula nang makilala ko siya.
“Sinabi ko sa iyo na hindi ako masyadong umiinom.”
“Nakita ko yun, pero alam mo? Hindi iyon masamang bagay.”
Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon ay nagpadala ng isang electric tingle sa aking gulugod, at nagsimulang pawisan ang aking mga palad.
Nagkaproblema ako na tumingin ng derecho sa kanya, kasi sa tuwing titingnan ko siya sa mata, umiinit ang aking mga pisngi. Itinulak ni Conrad ang isang beer papunta sa akin.
“Heto, sundan mo nito,” iminungkahi niya.
Kinuha ko ang bote at humigop. Hindi ito masyadong panget ang lasa, pero hindi pa rin ito ang magiging first choice ko. Oh well, iinumin ko ito dahil binili ni Conrad ito para sa akin.
“Hindi mo ito kailangan inumin kung hindi mo gusto,” bigla niyang sinabi habang binubuhat ko ito sa aking mga labi para sa isa pang paghigop.
“Hindi, gusto ko ito,” hibla ko.
“Hindi, hindi. Masasabi kong hindi. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo Syd,” giit niya.
Alam kong tungkol sa inumin ang sinasabi niya, pero ang mga salita niya ay parang may nakatagong kahulugan, at gusto ko ito.
“Hindi, ayos lang talaga.”
“Kapag sinabi ng isang babae na okay lang, bihira lang na okay lang talaga.”
Biglang kinuha ni Conrad ang bote mula sa kamay ko at inilapag sa bar. Hindi niya hinila ang mga mata niya palayo sa akin habang tinatawag niya ulit si Jimmy.
“Jimmy, ang lady ay nangangailangan ng medyo… mas madaling lunukin.”
“Sa palagay ko magagawa ko iyon,” tumugon si Jimmy.
Pinapanood ko ang bartender habang sinimulan niya ang pag-kuha ng ilang mga random na bote, naglagay ng kung anu-ano at hinalo kasama ang yelo at binuhos ang isang purple liquid sa isang baso.
Dinala niya ito sa amin at inilagay sa harap ko.
“Subukan mo ito,” sabi ni Jimmy.
Pinanood ako ni Conrad na may ngisi habang kinuha ko ang baso at nilagay ang straw sa aking bibig. Humigop ako ng isang beses, pagkatapos ay isa pa.
“Good?” Tanong ni Conrad.
“Kasing lasa ng Jolly Rancher,” sabi ko, humigop ulit.
“Salamat, Jim,” sabi ni Conrad, na inabot sa kanya ang bayad.
“Hindi mo talaga kailangan gawin ito.”
“Gusto ko.”
Sinalubong ko ang kanyang tingin at hinawakan ito ng isang segundo. Ang kanyang mga mata ay napakalalim at madilim na para nila akong hini-hypnotize. Sa takot na masyado akong nakatitig, lumayo muna ako ng tingin.
Isang tunog ang nagmula sa stage, at bumaling kami para makita ang natitirang banda na bumabalik sa stage.
“Aba, kailangan ko na yatang bumalik. Mag-stay ka ba para sa natitirang show?”
“Hindi ko ito palalampasin,” sagot ko sa kanya, nadismaya na natapos ang aming oras na magkasama.
“Great. Puntahan mo ako, okay lang ba?”
Ano? Hindi ko ito inaasahan.
“Talaga?” sabi ako.
“Oo. Bakit hindi?”
“Sige.”
“Pangako?”
“Pinapangako ko,” siniguro ko sa kanya, sinubukang itago ang aking lumalaking excitement.
“Sabi mo yan ha,” sabi niya bago ako nginitian ng malawak at bumalik papunta sa stage.
Tumayo ako roon, pinagmamasdan siya na parang tulala nang makita ko si Desiree na papalapit sa akin. Maliwanag ang mukha niya.
“Oh my god, sabihin mo sa akin ang lahat,” irit niya.
“Wala ako masyadong masasasabi. Binilhan niya ako ng ilang drinks, at nagkaroon kami ng kaunting usapan.”
“Kalokohan. Mula sa nakita ko, parang may major flirting na nangyari.”
“Wala akong alam tungkol diyan.”
“Please naman Syd. Nagsisinungaling ka man, o hindi mo talaga alam kung paano basahin nang mabuti ang mga signal.”
“O sige, baka kaunti. Hindi ko alam.”
“Edi oo pala.”
“Gusto niyang hanapin ko siya pagkatapos ng show,” Inaamin ko.
Pinalo ni Desiree ang balikat ko.
“Um, ouch.”
“Kung hindi iyon isang big fat signal, hindi ko alam kung ano ito. Magaling iyon noon kasi nakikipag-chat ako sa lead singer nila, si Harrison, at hiniling niya sa akin na gawin din iyon. Mukhang pareho tayong naka-score.”
“Kinakabahan ako. Ibig kong sabihin, diyos ko Des, sila ay mas matanda kaysa sa atin. Saan ito pupunta? Sa palagay ni Conrad ay twenty-one ako.”
“Oh, ang pangalan niya ay Conrad? Gusto ko ito. Bagay sa kanya. Anyway, ano naman kung mas matanda sila. Magkakaroon lang tayo ng kaunting end of summer fun. Wala naman tayong pinag-usapan tungkol sa long-term, Syd. Sa susunod na linggo, babalik na tayo sa school, at siguro ay hindi na natin sila makita muli.”
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!