logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Fairy Godmother Inc.

Everyone wishes na may fairy godmother sila at some point, right? Well, nalaman ni Viola na meron pala siya – kailangan niya lang mag-sign sa dotted line, at ang lahat ng kanyang romantic dreams will come true! What could possibly go wrong? How about yung fact na kailangan niya mag-compete sa isang dangerous game against maraming mga babae para makuha ang puso ng gorgeous prince? Tuloy na ang laban!

Age Rating: 18+ (Content Warning: Rape)

 

Fairy Godmother Inc. – F.R. Black

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Everyone wishes na may fairy godmother sila at some point, right? Well, nalaman ni Viola na meron pala siya – kailangan niya lang mag-sign sa dotted line, at ang lahat ng kanyang romantic dreams will come true! What could possibly go wrong? How about yung fact na kailangan niya mag-compete sa isang dangerous game against maraming mga babae para makuha ang puso ng gorgeous prince? Tuloy na ang laban!

Age Rating: 18+ (Content Warning: Rape)

Original Author: F.R. Black

Ang hukay ng Impyerno ay binalot at sinakop ang sangkatauhan ng masalimuot na amoy ng bulok na itlog na nagtataglay ng fiery embers ng Hades.

Dumudugong puso.

Ano ito? Two hundred degrees?

Pinunasan ko ang pawis mula sa kilay ko at huminga ng humid na hangin na tila sino-suffocate ako tulad ng mga kamay na nakahawak sa’king lalamunan, pinapanood ako ng may masamang kasiyahan habang naghihingalo ako sa hangin, sinusubukang ipaglaban ang aking buhay.

Kung ang musky air ay nag-manifest bilang laman at dugo, susubukan kong dukutin ang mga mata nito, nakikipaglaban na parang ligaw na pusa, sinusubukan na putulin ang mahigpit na paghawak nito sa aking leeg.

Hindi ako sigurado kung anong kasarian ang musky, humid demon na ito, pero tinangka kong sipain pa rin ito sa singit. Walang effect, ang phantom creature na ito ay hindi fazed sa pag-crash namin sa pader sa isang laban na mabilis akong natatalo.

Pero hindi ako namatay. Pinahinga ako ng konti ng damp na hangin, sapat lang para manatili akong buhay para ipagpatuloy ang torture.

Ang malakas na tunog ng aking air-conditioner ay tila naging high-pitched na tawa, inilalantad ang tunay nitong sarili, na isa sa mga bad guys this whole time! Hindi nito talaga trabaho ang palamigin ang silid.

Ang mga kasinungalingan—ang pagtra-traydor.

Dramatic ba ako?

Dipende yon sa kung kanino mo ako ico-compare. Kung ico-compare mo ako sa isang first-class Karen na kumakain sa isang restaurant, na natanggap lang ang kanyang bill, hindi alam na ang ranch ay upcharge, then perfectly normal lang ako.

Sa totoo lang, medyo tempted akong buksan ang balita para makita kung ang araw ay babagsak na. Ang New Orleans ay palaging dalawang hakbang lang para maging Impyerno tuwing July.

At hindi nakakatulong na nakatira ako sa top floor ng isang lumang Victorian house. Ito ay halos parang ang matanda, haunted na kahoy ay may deal sa devil, para angkinin ang mga kaluluwang naninirahan sa pugon na ito.

Pero, ang tunay na problema ngayon.

Mas malaki ito kaysa sa kasalukuyang lumulutang na impyerno sa New Orleans.

Hawak ko ang isang liham, isang golden sparkly letter, mind you, na isinuksok sa ilalim ng pintuan ko kaninang umaga. Nung madilim pa sa labas. Talagang maaga pa!

Huling check ko, ang postal service ay hindi naghahatid ng alas kwatro ng umaga sa ilalim ng pinto ng kahit na sino.

Bakit? Dahil creepy yon, at hindi ganoon kung paano nila gawin ang kanilang professional business. Nagtatrabaho sila sa normal, suitable corporate hours.

Mga mentally unstable people lang ang naghahatid ng mga sulat ng alas kwatro ng umaga sa pamamagitan ng pag-slide ng sulat sa ilalim ng iyong pintuan, siguro may kasamang mabigat, excited na paghinga.

Alam mo kung ano ang sinasabi ko: mga stalker, serial killer, psychos.

Freddy.

Sa loob ng sulat: Peek-a-boo, I see you!

Isang bagay na alarmingly sinister, at yon ang magiging simula ng isang budget horror movie.

Ako ay tatakbo, tumatalbog ang cleavage, tapos madudulas sa wala, na magreresulta sa aking brutal death by ax.

But no, hindi yon ang nabasa ko, not even close.

Nag-radiate ito ng ilaw. Saglit lang, sigurado akong iniimbitahan ako sa Willy Wonka's Chocolate Factory, hawak ang golden ticket.

Ito ay mas weird pa doon, trust me. Ang sulat na ito ang dahilan kung bakit nag-aalangan ako ngayon sa aking kakayahang gumana in polite society.

I shifted my weight habang nakatingin ako sa ghostly missive na pinapailaw ang aking mga daliri at kalahati ng aking braso. Ang papel ay malambot parang balahibo, at naririnig ko ang isang mahinang jingle, like if kakalugin mo si Tinkerbell.

Apparently, folks, si Fairy Godmother mismo ay nangailangang sumulat sa'kin at anyayahan ako sa isang romantic fantasy of vast proportions. Isang charming prince na pinili ng Fate.

Inilagay ko ang aking mainit na kamay sa aking nasusunog na noo at binasa ulit ang sulat, para lang kumpirmahin ang aking slow-boiling hysteria.

Dear Viola Del Vonsula,

Congratulations to you.

Kung nakatayo ka, I might suggest umupo ka muna. Napili ka at random para sumali sa ika-two-hundredth anniversary ng Fairy Godmother, Inc.

Kahit na isa itong random picking, marami akong alam tungkol sa’yo—possibly mas marami pa sa alam mo tungkol sa sarili mo. Nakikita kita ngayon, binabasa ang sulat na ito, may frown sa iyong beautiful little face.

Pero makakasiguro ka, Viola, I do have your best interest at heart, at ‘yon ay mas better kesa sa nakasanayan mo.

Alam ko lumalaki ka sa takot at walang pamilya, orphaned bata palang. What a poor, poor child you used to be, sobrang heartbreaking, kinailangan mong lumaki agad.

Pero isa kang dreamer once, puno ng hope and excitement, nakikita ang kagandahan sa lahat at binibigyan ang humanity ng benefit of the doubt. Indeed, a wonderful girl inside and out.

Pero ngayon puno ka ng paranoia. Ang pakikisalamuha sa mga maling tao ay pwedeng maging devastating.

Dinadala ka sa isang path of darkness and despair ng innocence mo, kinakatakot ko. Nakakalungkot para sa’kin, bilang Fairy Godmother, ayaw ko ng mga tragic story.

Pero meron akong magandang balita, Viola. Ako, the Fairy Godmother, ay may offer na pwedeng baguhin ang buhay mo. God knows kailangan mo ito. You can only go up, dear girl.

Bibigyan kita ng chance para mahanap ang happily-ever-after.

On behalf of Aphrodite Incorporated, iniimbitahan kitang sumali sa isang challenge kalaban ang apat pang mga babae para manalo ng happily-ever-after.

Keep in mind na ang offer na ito ay once in a lifetime opportunity full of adventure, danger, and the ultimate prize of true love.

Love is the secret to life, Viola, at pwede itong maging sa’yo. Please take a moment to imagine falling in love with a handsome, dashing prince.

Alam ko na ang unang instinct mo ay itapon ang sulat na ito, but please wag, dear girl. For Heaven’s sake, ito ang only chance mo for happiness. Trust me, I’ve checked.

Nasabi ko ba na may mga tao na gusto kang ipapatay? Nakakabahala.

I’m the All-Knowing. Fate is my specialty. Destiny is my hobby. Bloody hell, child, Ako ang keeper ng pinaka-makapangyarihang emosyon sa lahat… ang true love.

The choice is yours.

This offer will last until tomorrow night when the clock strikes twelve. Kung tatanggapin mo, ibibigay sa’yo ang lahat ng mga detalye at katanungan to ensure complete and total understanding.

Ang meeting ay gaganapin sa French Quarter malapit sa tall, charming na lalaking nakaputi. Please do not be late, or this fantasy will be nothing more than a rotting pumpkin.

Upon accepting this offer, pumapayag ka na bayaran ang experience na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalahati ng iyong mga assets, including but not limited to:

Bank accounts, IRAs/401Ks, jewelry, vehicles, clothes, shoes, electronics, real estate, animals, and animals’ belongings.

If you fail, mawawala lahat ng mga family ties mo, at magiging mag-isa kasa mundong ito. Lahat ng mga competitors ay pupunta sa isang kingdom; ang pagpili ng Kingdom ay random by a spinning wheel of destiny.

Ang byaheng ito ay pwedeng magcause ng vomiting, diarrhea, nausea, dizziness, lightheadedness, drowsiness, uncontrollable tremors, fatigue, at minsan, death.

Lahat sa Fairytale challenge ay nakadepende sa fate, at lahat ng bagay ay unpredictable and potentially dangerous, na pwedeng maging sanhi ng katapusan mo.

Bawat contestant ay magkakaroon ng chance na mag-spin ng wheel, kung saan malalaman nila kung anong magiging kapalaran nila sa susunod na tatlong buwan.

Whether a contestant spins to be a princess or a pauper, they will have to make the best of it to catch the prince’s eye and heart.

Godspeed,

Fairy Godmother

Fairy Godmother, President & CEO, Fairy Godmother Inc.

“Where dreams come true.”

Kita mo ba kung ano ang ibig kong sabihin?!

Ang babaeng ito ay nakakaalam ng mga tungkol sa buhay ko, at alam kong wala akong sinabihan tungkol sa mga bad life choices ko. Sa akin nalang yon.

At, higit sa lahat, dahil wala akong mga kaibigan at pamilya na pwede kong i-claim.

Minahal lang ako ng aking mga foster parents kapag tax time o kung kailangan nila ng babysitter para sa kanilang pitong anak para sila ay makalabas at maginom.

Lumipas ang mga segundo na nakatitig lang ako, kumakalabog ang puso sa indecision. Ang tanging paraan lang para magkaroon ito ng kaunting kahulugan ay kung ang invitation letter na ito ay tunay. Which is hindi. Tumawa ako.

Ok, Viola, wag na tayong mabaliw agad. Ilista natin ang mga facts at tingnan ito logically:

— Ang sulat ay kumikinang. Parang imposible.

— Ang sulat ay kumikinang at sparkling ng walang source. Parang supernatural.

— Alam ng “Fairy Godmother” ang mga bagay na hindi n'ya pwedeng malaman tungkol sa buhay ko. Napaka-unsettling.

— Naririnig ko ang mga malinaw na tunog ng sparkles.

— Ang Fairy Godmother Inc. ay parang —pero para sa mga hopelessly romantic.

— Isa akong secret lover ng pelikulang Anastasia, wag mo sabihin kahit kanino.

— Ang isang midnight meeting para hanapin si Mr. Charming ay pwedeng isang red flag.

Iniisip ko ito.

Kung ito ay isang hidden camera show o isang scientific study para i-test ang mga dumb at uto-utong kababaihan, then ako ay magiging isang proud statistic. Siguro ay mag-aalok sila ng counseling? Baka makinabang ako doon.

Pwedeng isang study ito na inaprubahan ni Dr. Phil! I mean, dati ko pa gusto na magkaroon ng counseling, isang hidden desire, actually.

Secretly gusto kong tingnan ako ng mga doktor at sabihin sa'kin kung psychotic ba talaga ako o kung ako ay minaltrato buong buhay, at hindi ko kasalanan yon, at pagkatapos ay magkasama kaming iiyak.

Pwede kong ibaba ang emotional walls ko!

Baka ipadala pa ako sa isang magandang rehab facility malapit sa beach.

So gagawin ko ba ito?

Mamayang hatinggabi.

Well, Fairy Godmother, you can count me it. Right amount of messed up ako para magpakita at mag-represent.

Sumulyap ako pabalik sa kumikinang na sulat at hindi mapahid ang ngiti sa mukha ko.

Bumili ako ng ticket papuntang Crazy Town.

O isang magandang kama sa isang rehab center.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

11:34 p.m.

Umalis na sana ako.

Hindi ko sigurado kung anong nagpapa-delay sa akin.

Huminga ako ng malalim at sulyap sa aking reflection na may sick feeling sa aking tiyan. Mukha ba akong mentally stable?

Nakasimangot ako at tiningnan ang discolored gaze na nakatingin sa'kin sa aking maliit na banyo. Probably, siguro, not really. Hindi kapag talagang tiningnan mo ako lampas sa aking magandang mukha at mahabang itim na buhok.

Akala ko dati ang aking napaka-mapalad na exotic looks ay dadalhin ako sa malayo, pero honestly mas nakagawa ito ng mga masamang effect.

Ngayon, bago ka magkaroon ng maling idea sa’kin, pinahahalagahan ko ito. Oo. Nagpapasalamat ako sa nanay ko na iniwan ako sa Water Crest nursing home sa Houston, Texas, para dito.

But in a way, sa palagay ko ay ginawa nito akong tamad sa mga bagay na dapat ay malakas ako, tulad ng common sense? Street smarts?

Sasabihin ko sa aking younger self na ang pagiging involved sa gwapong anak ng isang kilalang drug dealer ay dapat na iwasan.

Dahil hindi sila ganoon kahusay tumanggap ng break-up. Gusto ka nilang hanapin at ibalik ka para makipag-usap.

11:49 p.m.

“Oh noooo,” naghiss ako sa sarili.

Sinimulan muli ng puso ko ang crazy drum roll habang tumatakbo ako para kunin ang aking purse at iPhone. Kinuha ko ang ngayon ay hindi na kumikinang na sulat at isinilid sa aking leopard pack at nagdarasal habang palabas ako ng pintuan.

Hinihiling ko talaga na ang kumikinang na sulat ay hindi isang kathang-isip ko lang, o hindi ko hahayaang mabuhay ang sarili ko ng ganito.

Kakailanganin ko ng tulong para mahahanap ko ang taong ito in eight minutes. Sinasabi ng aking violet romper na ako ay cute at approachable, makakahanap ako ng lalaki para tulungan akong maghanap.

Sa kabutihang palad, nakatira ako sa isang block mula sa French Quarter. Makakahanap ako ng tulong. Five-five lang ako, susko—like, adorable ako.

Damsel in distress.

5 minutes later…

Mali.

“Excuse me—” binangga ako sa balikat ng isang parang bampira na may bright purple cape at sobrang costume makeup.

“Hey!” Umiwas ako at tiningnan s’ya ng masama with poison-death-rays mula sa mata ko. Mamamatay siyang masakit ngayong gabi. O, marahil ay bibigyan s'ya ng karma kahit papaano ng explosive diarrhea.

Siguro naman may nakakaalam! Lumapit ako sa isang grupo ng mga middle-aged tourists na mukhang nakainom, lahat may hawak na baso, at malakas ang tawanan.

“Hi, pwede n’yo ba akong tulungan?!” Sinubukan kong ipakita sa kanila ang aking golden letter, “Kailangan kong mahanap ang isang Charming na lalaki, alam kong weird, pero ito ay parang isang game show.”

Iwinagayway ko ang aking kamay habang ipinapaliwanag ko, “Siguro nakasuot s’ya ng isang suit—”

Nilampasan nila ako na parang ako yung crazy one!? Napakagat ako ng ngipin sa kahihiyan. Yung lalaki na may camera ay nakasuot ng puting medyas at velcro sandals.

Isang totoong crime against humanity.

Talagang may trabaho si Karma ngayong gabi.

I am on my own.

Dalawang at kalahating minuto ang lumipas nang walang swerte. Wala akong nakitang mga karatula na nagsasabing: Dito mga loka-lokang kababaihan! Fairy Godmother Inc.!

Ano ba ang iniisip ko na naglaan lang ako ng sampung minuto para hanapin ang mystery man na ito? Ano nga ba ang ibig sabihin noon?

Ako ay isang kakila-kilabot na procrastinator, laging naghihintay hanggang sa huling minuto para magdecide. Iniisip ko nalang na ginagawa nitong interesting ang mga bagay. Sasabihin ko nalang yon sa sarili ko para hindi panic.

Bumabangga ako sa mga tao kaliwa’t kanan, at nakaapak ako ng isang gum na ngayon ay gumagawa ng isang malagkit na tunog sa tuwing tumama sa lupa ang aking itim na takong.

Perfect.

Chineck ko ang aking telepono.

11:59

“I'm a pumpkin!” Sumigaw ako sa pagkatalo, nararamdaman ang failure sa bawat pulgada ng aking katawan. Binasa ko ulit ang sulat, at hindi ito nagbigay ng malinaw na mga direksyon. Son of a monkey's uncle!

“I’m a rotten pumpkin,” daing ko sa sarili.

Dumaloy ang luha.

Malamang sisimulan ko na si Mrs Flow. Karaniwan hindi ako ganito ka-emosyonal.

Lies.

Isang babaeng kasama ang pinapauna sa’kin ang kanyang gummy-faced na anak na para bang aabutin ko s'ya at hawakan s'ya tulad ng oogy-boogy!

“Oh great!” Umalis ako sa daanan habang dumadaan sila. “Ako ay isang panakot sa mga bata,” daing ko. Suminghot ako, pero anong uri ng ina ang nagpapanatili sa kanyang anak ng ganito ka-late anyway?

Nararamdaman kong hinawakan ng isang kamay ang braso ko. Lumingon ako para makita ang isang matangkad, lovely redhead, ang kanyang buhok ay A-line hanggang sa kanyang balikat.

Ang kanyang puting summer dress ay maganda, at ang kanyang ngiti ay lalong mas maganda. Para siyang isang Southern belle.

“Maari ba kitang tulungan?” Mas galit na sabi ko kaysa sa gusto ko.

Wala ako sa good mood, lady.

“Napansin ko ang sulat na hawak mo.” Tumango s'ya sa papel, kumapit sa aking hawak. “Mukhang pareho tayong nagkakaproblema sa paghanap kay Mr. Charming.”

Ano?!

Dumaloy sa’kin ang relief na parang isang waterfall. So hindi lang ako ang nagiisang idiot ngayong gabi. “Hatinggabi na,” sabi ko in defeat.

“Well,” nagsimula s'ya habang sumusulyap sa paligid ng mga abalang kalye, “Hindi sila magagalit kung mahuhuli tayo dahil sa mga direksyong tulad nito. Ibig kong sabihin, this is silly anyway.”

Tumawa s'ya at tumingin sa'kin na parang desperadong naghahangad na kumpirmahin ko ang kanyang saloobin.

At talagang, ito ay silly. “Sa palagay ko ay medyo nahihiya ako dahil naghahanap ako ng Mr. Charming. Natalo ako ng curiosity.”

Humagikhik s'ya at bumuga ng isang malaking hininga at nagsimulang paypayan ang kanyang mukha. “I know, at napakainit ngayong gabi. Taya ko na nirerecord nila tayo ngayon. Tayo lang yata ang nagpakita.”

Gumaya ako kasi wala kaming ibang magawa kundi ang paypayan ang aming sarili.

Tumingin kami sa paligid para sa nakatagong camera o mga tao na tumitingin sa aming at nakaturo.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita ang isang napaka gwapong lalaki na nakasuot ng crisp white suit. Nakatayo hindi masyadong malayo sa amin, sa alleyway sa kabilang kalye.

Namatay ang aming tawa habang kapwa kami nakakalinga at nakatingin sa kanya.

I swear tumingin ako sa direksyong na yon kanina, at hindi s'ya nakatayo roon na may makinang na ngiti sa amin. Siya ba to?!

Magaan ang ulo ko at bumalik ang tingling sa aking tiyan, tumibok ang aking pulso.

“Nakikita mo rin ba siya?” Bahagya kong natanong. “Yung lalaki.”

“Oo.”

“Anong gagawin natin?” Pinagsapalaran ko ang isang sulyap sa kanya, ang aking pulso kumakalabog.

“Gumawa ka ng kissy face sa kanya? Wala akong clue,” hingal na alok nito, nanginginig ang boses.

Masyado akong nabigla para ngumiti. Sumulyap ako pabalik sa lalaki, napagtanto ng utak ko na ang lalaking ito ay hindi kapani-paniwalang gwapo, nakatayo doon na may isang kamay na kaswal na nakalagay sa bulsa ng suit.

Nakasandal s'ya sa isang pintuan, nakatingin lang sa amin na may isang natutuwang ngisi na lubos na kaakit-akit.

“Sa palagay mo magugustuhan n’ya?”

“An ano?”

“Kissy face.”

Hinawakan n'ya ang kamay ko at tiningnan ako, hinahatak ako.

“Tara doon.”

Sa palagay ko may sinabi ako, pero nawala ito sa hangin sa gabi.

Ang paglalakad sa kanya ay hindi magpakalma sa aming nerbiyos, masasabi ko dahil si Tall Redhead ay hinahawakan ang aking kamay nang mahigpit.

Ngumiti s’ya brightly sa akin, pagkatapos sa kanya, at binabago ang kanyang tayo. Ang kanyang tingin ay napunta sa'kin muli, at isang bagay na kakaiba ang kumikislap sa kanyang perpektong asul na mga mata na pinanginig ang aking likuran.

“Late na kayo girls.” Ang kanyang tinig ay smooth at kaibig-ibig. Ang kanyang blond na buhok ay perpekto ang pagkakasuklay, at ang kanyang mukha ay parang sa isang prinsipe.

Binuka ko ang aking bibig para magsalita, pero walang lumabas.

Ang aking isip ay nagfla-flat-line.

“Please, come in. Ayaw ni Fairy Godmother na maging off-schedule,” sabi n'ya na parang naguusap kami tungkol sa panahon, something na normal.

Binubuksan n'ya ang pintuang kahoy na papunta sa taas.

Madilim doon.

Pupunta ba kami sa isang mental institution? Kukunin ba kami ng mga lalaki na naka white medical outfit at ilalagay kami sa isang padded room at paiinumin kami ng mga pills?

“Hey, gagahasain mo ba kami?” Tanong ko saka namula.

Filter?

Tumabi si Redhead sa’kin saka tumingin sa kanya.

Binigyan ko lang s’ya ng idea, di ba? Though let’s be honest, ang ma-rape n’ya ay hindi ganon kasama. Pwede akong magplay-fight sa una, pero pagkatapos ay magiging okay ako dito.

I’m a sicko.

Binaling n'ya ang gulat n’yang mukha sa'kin at tumawa ng malakas pero hindi nagsalita, nawala sa hagdan. “Come on, ladies.”

Nagkibit balikat s'ya at sumunod sa kanya.

“Oo ba iyon?” Bulong ko habang sinusundan sila, nararamdaman ang aking balat.

Humarap s'ya sa'kin habang naglalakad kami sa madilim na hagdanan. “Sa palagay ko isang maybe yon.”

Taya ko na pwede kong maunahan si redhead if shit hits the fan. Hey, hindi ko kailanman sinabi na noble ako, isa itong personality flaw na inaayos ko.

Nakarating kami sa tuktok, at binubuksan n'ya ang isang malaking pintuang silver, at nagtense ako, inihahanda ang aking sarili. Biglang isang cool, hindi pangkaraniwang, kamangha-manghang hangin ang tumama sa amin. Ang sight sa harap ko ay umugaw sa aking hininga.

What the…

Ang silid ay maluwag at sobrang ganda, jaw-dropping. Sa palagay ko naririnig ko ang pag-gasp ni Redhead, inilalagay ang isang kamay sa kanyang bibig.

Ang lahat ay white at sky blue. Ang mga sahig ay kumikislap na puting marmol na may light blue glittering swirls sa buong paligid.

Ang kisame ay vaulted na may shimmering bits of glass, at ang seating area ay exquisite na may mga puting sopa at sapphire accents.

Ang buong lugar ay hindi mukhang totoo. Huminga ako at pilit na bumilang hanggang sampu sa aking isip.

“Welcome to Fairy Godmother Inc., ladies. Please check in sa front desk,” sabi ni Mr. Charming sa isang sing-song voice. “Please paki bilisan.”

Sumulyap ako kay Mr. Charming, nakabuka ang aking bibig. “Check-in?”

Tinuro n'ya ang isang malaking U-shaped desk na may isang magandang babaeng nakangiti sa amin.

Nagta-type s'ya sa isang computer at may isang earpiece, nakikipag-usap sa ibang tao. Nakasuot s'ya ng all-white dress na akma para sa isang tanghalian sa royal castle.

Ang kanyang ginintuang buhok ay tumatalbog habang nagta-type, tila nage-enjoy s’ya sa kanyang trabaho. Nakakakuha ako ng isang creepy Stopford wife vibe.

Tina-tap ko ang aking hysteria, tinitingnan ang lahat for potential threat. Lumakad kami papunta sa kanya, at itinuro n'ya ang sparkling na papel at panulat at patuloy na nagsalita.

“Oo, kararating lang nila—uh-huh,” huminto siya, nakikinig, “of course, alam kong late sila.” Sumulyap s'ya sa amin na may isang mahigpit na tingin.

“Iche-check in ko sila mabilis then—I understand. Pababalikinin ko sia, my lady. Alam kong ang importante ang oras.”

Sumulyap s'ya sa amin at pinilit ang isang ngiti. “Please sign in at umupo doon, pagkatapos ay dadalhin kayo ni Pierce sa arena.”

Arena?

What the hell?

Ang lugar na ito ay hindi ganoon kalaki para doon, at kahit ako hindi ako ganun ka-gullible. Sinulat ko ang aking pangalan at napansin ang limang iba pang mga pangalan sa listahan. Pitong babae? Akala ko sabi ng sulat lima lang?

Hmm, fascinating. Ine-expect ko na isang advertisement stunt lang, though. Naglalakad ako sa isang sulok para makita ang limang kaibig-ibig na kababaihan na nakaupo sa mga puting sofa, na parang kasing kabado ko.

Tumango sa kanila si Redhead, at umupo kaming sa tanging walang laman na sofa sa tabi ng isang refreshment table. Okay, weird ito.

“Anong lugar ‘to?” Bulong ni Redhead.

Napalunok ako at nagkibit balikat, sumulyap sa magandang silid. “Lalo itong nagiging weird,” bulong ko.

Si Redhead ay nakipagusap sa iba pang mga babae. “Hi.” Nilinaw n'ya ang kanyang lalamunan, “Ako si Cherie, nakatanggap ba kayong lahat ng sulat kaninang umaga?” Ang kanyang pangalan ay Cherie, noted.

Tumango silang lahat at nagbubulung-bulungan na hindi marinig.

Ang isang snobby na blond-haired na babae ay nagsniff at tumayo para tumingin sa paligid, ang kanyang rosas na takong ay nag-click sa marmol.

Sinasabi kong snobby dahil meron siyang mean-girl look. Perpektong blond na buhok, Barbie body, pink sundress, at isang perpektong resting-bitch-face na mas mabuti pa kaysa sa akin.

Siguro nagkaroon s'ya ng maraming taon ng practice. Bravo.

“Ako si Laura Rogers. Sigurado akong narinig mo ang tungkol sa kapatid ko. Luke Rogers? Siya ang pitser ng Red Socks.” Nagbeam s’ya, masyadong smug.

Sinuri ni Laura ang kanyang manicure at naglakad sa silid, nakikinig sa papuri ng lahat. “I hope may kinalaman ito sa TV.”

“Hindi ako nanonood ng baseball, ang boring,” daing ko bago gumana ang aking sirang filter. Nararamdaman kong tiningnan ako ni Cherie saka ngumiti, tinatakpan ang ngiti ng kanyang kamay.

Tumuon sa’kin ang mga tingin ni Laura at binibigyan ang sarili ng oras para tingnan ako mula baba pataas. Tinaas n'ya ang isang manipis na kilay at lumapit sa akin, kinurot ang mga labi. Napakapayat ng labi niya, napapansin ko, na naging isang linya.

“At sino ka? Isang bampira? Madame Darkness?” Mahina siyang tumawa.

Hindi naman nakakatawa ‘yon.

Nilabanan ko ang isang eye roll. “Viola Spear, at narito ako for pure curiosity,” bumulong ako. Hindi sigurado kung bakit binigyan ko lang s'ya ng isang bogus na apelyido.

“Whatever,” balik niya. “Hindi ba tayong lahat?”

Isang itim na babae na nakaupo sa couch sa tapat ko ang nagsalita. “Hi, ako si Destiny. Ang creepy ng lugar na ‘to—masyadong sterile. Nararamdaman n’yo rin ba?”

Inaayos n'ya ang kanyang maong at puting tank-top. Mayroon siyang cute na silver pumps, pansin ko.

Ang babae sa tabi ni Destiny, na may maikling platinum hair, ay tumango bilang pagsang-ayon. Tinaas n'ya ang kanyang kamay,

“Ak si April. Medyo kinakabahan ako sa setup na ito. Sana walang auditioning o anything. Hindi ako magaling sa harap ng madla, magpapanic attack ako.”

“Nasa isang documentary o movie set tayo.” Mahinahong sabi ni Laura sa sobrang inis sa incompetence ng lahat.

Tumawa ang isang matangkad na morena. “Wag nating kalimutan kung gaano ka-hot si Mr. Charming,” sapat na ang bulong n'ya para marinig naming lahat at tumingin sa corner. “Oh, at ako si Ivy, isang dating Marine.”

Lahat kami ay nagbubulungan tungkol sa kanyang pambihirang serbisyo sa aming bansa.

Ang huling babae na may medium-brown na balat at isang Cuban bun, itinaas n’ya ang kanyang kamay para ipakilala ang kanyang sarili, pero pumasok si Mr. Charming.

Napatahimik ang bibig ng lahat, at nanlaki ang mga mata. Ang aking puso ay tumibok, tulad ng isang lasing na tap dancer na uminom ng limang Red bull.

Ngumisi s'ya at naglalagay ng kamay sa kanyang puting suit pants.

“Ladies, handa kami para lumipat kayong lahat sa Arena kung saan lahat ng inyong mga katanungan ay masasagot. Medyo nasa late tayo sa schedule, kaya't mangyaring wag nating hayaan si Fairy Godmother na maghintay pa.”

Naririnig ko ang isang muffled na hagikgik sa aking kaliwa.

Sumulyap s'ya sa aming lahat. Isang severe look ang tumatawid sa kanyang mga gwapong mukha habang pinag-aaralan kami.

“Please take this seriously. Ang makikita n’yo ay totoo. May dahilan bakit napili kayo ng Fate, at bago kayo pumasok, huminga kayo ng malalim at hanapin ang iyong inner calm.”

Kumunot ang noo ko, hindi ko nagustuhan ang sinabi n’ya.

Kung papasok kami sa isang sex dungeon tulad sa Fifty Shades, tatapidin ko si Laura at tatakbo ako. Walang biro, survival of the fittest, kaya kong lumaban na parang isang wildcat kung kailangan.

Pumila kami at sinundan si Charming sa malaking sliding door na gawa sa bubog.

Okay, kailangan kong ipaliwanag ito nang dahan-dahan para maunawaan mo ang nakikita ko pagkalampas ng pintuan.

Naglakad kami papunta sa isang malaking U-shaped na seating are, tulad ng makikita mo sa isang university, isang lecturing room na may high seating.

Kinakalma ko ang puso kong kumakabog habang ini-steady ko ang aking sarili sa upuan.

Ang problema ay…

Ang problema ay kung saan dapat may chalkboard at dingding, ay walang kahit na ano. Walang kahit na ano sa likod ng malaking puting desk at podium.

Hindi, I don’t mean wala as in wala. Ano ba kasing sinasabi ko?!

Baka masuka ako.

Sa likod ng mesa ay outer F-ing space.

Kung sakaling hindi mo ito naintindihan, sa likod ng mesa kung saan dapat naroroon ang pader ay ang OUTER SPACE.

Nakatingin ako sa malaking black abyss na ang ating universe. Tulad ng may humati sa isang spaceship, at kami ay nakatayo sa gilid.

May mga malalayong shooting stars, comets, at isang napakalaking planeta sa malayo na makikita mo ang atmosphere na gumagalaw sa paligid nito.

Oh, at may hangin. Nakikita ko ang mga hibla ng buhok ko na nagflo-flow sa hangin.

Naramdaman ko ang kamay ni Cherie sa braso ko, pumipisil, namumuti ang mga daliri habang nanginginig ang braso n’ya. Manhid ako sa sakit ng pagkahawak n'ya.

Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko si Charming na naglalakad sa marmol na hagdan sa bottom level, kung saan nakalagay ang malaking desk.

Dear goodness, mayroong pang makintab na mansanas sa ibabaw, parang nasa grade school kami.

“Ladies!” Sigaw ni Charming nakaunat ang mga kamay. “Please have a seat kahit saan n’yo gusto.

“Alam kong ang nakikita n’yo ay parang hindi totoo, pero malalaman n0yo agad na ang silid na ito ang pinakaleast sa inyong worries. Sinasabi ko ito with the deepest part of my heart. Welcome.”

Tiningnan n'ya ang lahat sa silid habang nakaupo kami sa aming mga nanginginig na binti. Ang kanyang mga mata napunta sa'kin isang segundo mas mahaba kaysa sa iba pa.

May kakaibang pakiramdam ako na may alam s'ya tungkol sa akin, pero sobra akong na-overwhelmed para bigyan ito ng anumang pag-iisip.

“May drink na darating para tulungan kayong i-take in ito, sa isang mas kalmadong state of mind. Pwede kayong magpass kung gusto mo, pero I strongly suggest na kunin n’yo ito.”

Sinenyasan n’ya ang dalawang babaeng nakaputing damit na pumasok na may mga trays at iabot ang ilang kulay-rosas na fizzy drink na nasa flute glass.

“Ito ay makakatulong sa inyo, ladies, so please drink up. Wala kaming oras for panic attacks o fainting spells.”

Hawak ni Destiny ang kanyang ulo sa pagitan ng kanyang mga hita, humihinga nang husto, at pinapakiramdaman ni April ang kanyang pulso sa kanyang leeg, mukhang pawis na pawis. Tahimik na naupo si Laura, nanlalaki ang mga mata at hindi naniniwala.

“Viola? Maaari ba kitang bigyan ng inumin?” Yumuko s'ya para bigyan ako ng isang flute glass na hindi man lang naghintay ng sagot.

“Oo,” bahagya kong masabi sa sarili ko. Bumaba na ako sa rabbit hole, kaya't mahuhulog nalang din ako nang hindi sumisigaw.

Tumingin ako sa kanan, nakita ko si Cherie at ang lahat na iniinom ang fizzy drink na may mga desperadong gulp.

“Meron ba ditong takot sa date rape drug?” Nagpatuloy ako, hindi sigurado kung malakas kong sinabi. “Totoo yon, people.”

Nakita ko ang isang malayong shooting star na marahil ay milya-milya ang layo, na pumigil sa paghinga ko. Okay, I’m losing it fast. Nararamdaman kong nagsisimula ng mag-twitch ang aking kaliwang mata. Bottoms up.

Nilunok ko ang fruity-flavored drink at pinigilan ang isang burp mula sa carbonation.

Well, wala nang atrasan ngayon. Kinuha ko lang ang blue pill, at dumadaloy ito sa system ko. Nararamdaman kong humuhuni ang aking katawan, nagrerelax ang aking kalamnan.

Papasok na ako ngayon sa matrix.

Cue ang electronic computer sound habang papasok ako sa ibang reality.

“Kakalma kayong lahat in about two minutes,” sabi n'ya habang nakangisi sa aming lahat, ang mga braso ay nasa sa kanyang dibdib. Ang kanyang nagniningning na blue eyes ay nanonood sa amin.

“Let me know pag naramdaman ninyong lahat na pwede na kayong magfocus, at magsisimula na tayo.”

Nakasandal si Charming sa mesa at nagsindi ng cigar na parang nasa bahay s'ya at nakaupo sa harapan ng fireplace. O nasa isang high-end lounge.

Huminga ako at naramdaman ang pag-ayos ng aking nerves; isang wave ng init ang kumalat sa'kin tulad ng isang mabagal na ilog ng lava. Huminga pa ako ng malalim, at tumigil ang aking mga braso sa pagshake, at ang aking mata ay napatigil.

Okay…

Okay.

Kaya ko ito. Sumulyap ako sa paligid, nakikita ang iba na relaxed din, nakaupo nang mas tuwid sa kanilang mga upuan. Ano ang nasa inumin na ‘yon? Ang ganda ng pakiramdam ko. Ngayon pwede ko na ma-enjoy ang view sa harap ko.

Ito ay totoo, unbelievable. All this time totoo ang sulat.

“Alright, nakikita ko na handa kayong magsimula.” Nakangiting sabi n'ya at tinuro ang braso sa universe. “Ladies, may I present you to her Fairy Godmother.”

Bigla, may bumukas na pinto, at isang stunning na babae ang lumakad sa archway. Ang mga stars at planets ay illusion lang then? Amazing technology.

Ang kanyang midnight blue gown ay naggli-glitter at ang kanyang silver hair ay nasa isang bun sa tuktok ng kanyang ulo. Mukha siyang celebrity noong 1950s.

Ang damit ay dumadaloy sa masikip na baywang at hanggang sa ilalim ng tuhod tulad ng nagsusuot s’ya ng petticoats. Ang off-the-shoulder neckline ay elegant, marahil ang kaiinggitan ng bawat trophy housewife.

Para siyang isang version ni Meryl Streep sa pelikulang The Devil Wears Prada. Mukha s’yang kasing nakaka-intimidate.

Ang kanyang expression habang naglalakad ay one of utter seriousness. Hindi ako makapaniwala na nakatingin ako sa legendary Fairy Godmother. Ang aming reality ay mas strange sa fiction.

Wala pa ring ngiti, walang masayang pagbati tulad ni Mr. Charming. Sumulyap s'ya kay Charming na may hindi natutuwang expression.

“Pierce, handa na ba tayong magsimula?” Tanong n'ya habang ini-scan ang silid, nakatingin s’ya sa akin.

Pinigilan ko ang aking hininga.

Meron ba akong something sa mukha?

Tinagilid n'ya ang kanyang ulo, at sa palagay ko nakikita ko ang isang hint ng isang ngiti. Ang Fairy Godmother ay tumingin pabalik kay Charming, at binigyan n'ya s'ya ng isang kindat at nag-blow ng usok. “The floor is yours.”

Tumango ang Fairy Godmother at humakbang patungo sa amin, kumikislap ang kanyang gown at ang kanyang itim na takong ay tumunog. Tumigil s'ya ilang sandali na parang nagtitipon ng thoughts.

“I will have all your undivided attention.”

Walang nagsalita.

Malalaman namin ngayon kung bakit kami nandito.

“I will assume binasa n’yong lahat ang sulat na ipinadala sa inyo kaninang umaga. Ang bawat isa sa inyo ay napili para sumali sa Fairytale Challenges bilang aming agents,” patuloy n'ya habang lahat kami ay naghihintay sa bawat salita.

“I’m afraid that this time, magbabago ang lahat, dahil sa ilang unfortunate circumtances.”

Sumimangot ako.

Huminga s'ya at inilagay ang isang kamay sa bridge ng kanyang ilong.

“Dalawang daang taon ko nang pinapalakad ang Fairy Godmother Incorporated, palaging nagbibigay ng happily-ever-after.” Huminto s'ya ulit na para bang nahihirapan s'yang sabihin kung ano ang gusto niya.

Naglakad paabante si Charming at inilagay ang isang kamay sa kanyang balikat at may binulong sa kanyang tenga. Umiling s'ya at bumulong din, labis na upset.

Ano ang nangyayari?nag-shift ako sa aking kinauupuan at tiningnan si Cherie, napansin na tila nababahala ang lahat. Nagkibit balikat si Cherie at tumingin ulit sa dalawa.

Nakita naming yumakap sa kanya si Pierce, at ang Fairy Godmother ay umalis sa silid na may kamay sa kanyang bibig, sobrang distraught. Sinamahan s'ya ni Charming papunta sa pintuan, pagkatapos ay bumalik s'ya sa amin at huminga.

“Humihingi ako ng paumanhin para sa delay.” Pumunta s'ya sa mesa at umupo sa gilid.

“Ako ang magle-lead sa discussion today; maraming iniisip ang Fairy Godmother ngayon, at meron siyang mga appointments na hindi n'ya pwedeng palampasin. Tatanggap ako ng mga tanong shortly, pero sa ngayon, makinig lang muna kayo. ”

Ang kanyang asul na titig ay napunta sa akin, then sa iba pa.

“If everyone here agrees to the terms, lahat sa'yo ay dadalhin sa ibang mundo, isang kaharian kung gusto n’yo.

“At oo, ladies, magagawa namin ‘yon. Mayroong maraming iba't ibang mga dimensions, kaya meron ding maraming planeta na may mundo tulad ng Earth. Believe it, dahil totoong totoo ito.”

Tumayo s’ya sa likod ng desk at nagsimulang mag-type, pagkatapos ay ini-wave ang kanyang mga kamay sa hangin habang lumalabas ang mga 3D images.

Sa isang iglap, ang paview ng universe ay nagbago.

Napabuntong hininga ako.

Parang insanely high technological PowerPoint display ito.

Sa 3D screen, tatawagin ko ito, ay mga planeta na nakalsita mula sa number one hanggang a thousand o higit pa. Ang top half ay may label na puti, ang gitna asul, at iba't ibang mga kulay ng pula sa ilalim.

“Tulad ng nakikita n’yo, ito ang mga planeta na kasalukuyang nakakontrata sa Fairy Godmother Inc. Hindi ito ang normal na speech na ibinibigay namin sa aming mga agents, at para doon, humihingi ako ng paumanhin.

“Kailangan namin ng tulong; isang understatement ang desperation para dito. Ang Fairy Godmother Inc. ay nasa verge ng pagiging out of business. Ito ang pinakamahusay na paraang mailalarawan ko ito para maunawaan n’yo.

“Ipapaliwanag ko kung bakit, at kayo ang unang grupo na makakarinig ng behind-the-scenes information. Ang buong layunin ng kumpanya ay para makontrol at mapanatili ang kapayapaan sa buong universe.

“Si Fairy Godmother ay sumasagot sa mas mataas na authority, na nagbigay sa kanya ng responsibilidad na panatilihin ang isang level ng kapayapaan sa pagitan ng lahat ng mga mundo.”

Huminto s'ya habang nakatingin sa paligid.

“Ang lahat ng mga planeta ay invisibly connected, at kapag ang isa ay nagtataglay ng kasamaan, nakakaapekto ito sa iba na parang dark oppression, isang chain reaction of negativity. Ang kasamaan na ito ay hindi okay, at kailangan i-manage.

“Naniniwala si Fairy Godmother na ang lahat ng kasamaan ay pwedeng pagalingin ng pag-ibig; ito ang lagi niyang slogan. Siya ay isang kamangha-manghang babae, palaging iniisip na ang redemption ay pwedeng maging bahagi ng pinaka-corrupt.”

Huminto s'ya sa aming naguguluhan pa ring expression.

“Kailangan naming panatilihin ang bawat planeta na higit sa fifty percent— kasamaan vs. kabutihan. Hindi namin matatanggal completely ang kasamaan, pero mapapanatili namin itong manageable gamit ang sistemang ginagamit namin nang daan-daang taon.

“Pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga taong naninirahan sa kanila, ang kanilang mga kaluluwa ay pinagsama para sa total percentage. Kung hindi namin ito magagawaover a period, mawawala kami sa negosyo, at ibang kapangyarihan ang magta-take over.”

Tinaas ko ang kamay ko.

Tumingin s'ya sa akin, tapos tumango.

Lahat nakatingin sa akin. “So,” nilinis ko ang lalamunan ko, “Si Fairy Godmother ay mawawala sa negosyo dahil nagkakaproblema s'ya sa pagpapanatili ng kasamaan na mas mababa sa fifty percent?”

Sinusubukan kong kumplikadong dilemma. Namula ako, sana hindi ako nagtanong ng isang bobo na tanong.

Tumatagal s'ya sandali. “Oo, nagkakaroon kami ng problema sa isang planeta. Keep in mind na ang bawat planeta ay hinuhusgahan serparately,” patuloy ni Charming habang itinuturo n'ya ang 3D screen.

“Ang huling mundo sa ibaba ang sinasabi ko, yung bright red. Tulad ng nakikita n’yo, ang iba pang mga planeta sa itaas nito ay apektado nito, nagsisimula narin maging pula.

“Ito ay tulad ng isang impeksyon, kumakalat maliban kung pwede natin itong pagalingin, mabilis.”

“Gets ko,” malakas na sabi ni Laura at tumingin sa paligid. “Gusto n’yong ma-fall in love sa isa amin ang leader ng isang kingdom. Para mapagaling ang kanilang masasamang kaluluwa. How romantically heroic for us.”

Ang kanyang mga mata ay puno ng excitement, “So kami ay parang mga heroes—love heroes.”

“Para baguhin ang puso ng mga corrupt,” tahimik kong sabi, hindi pinapansin si Barbie.

“Oo.” Sumulyap s'ya sa amin. “Ang isang planeta na ito ay gusto kaming sirain. Tatlong beses na naming sinubukan at nabigo. Hindi pa ito nangyari dati. Magiging heroes kayong lahat; hindi ito madaling misyon.”

“Tatlong grupo tulad namin?” tanong ni April na nakakunot ang noo.

“Tama.” Humahakbang s’ya patungo sa amin at nage-exhale.

“Ito ang last chance namin, kaya pwede n’yong isipin kung gaano nababagabag ang Fairy Godmother. Mawawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan namin. Napakalapit na namin noon huling misyon, forty percent.

“Pero sadly, halos hindi ito sapat, kailangan naming ng higit sa kalahati. Napakahigpit ng fairy council tungkol sa pagsunod sa mga patakaran na panatilihin ang balance ng universe.

“Ang aming Fairy Godmother ay papalitan ng iba.

“Isang fairy na—Hindi ko sasabihin ang pangalan—na hindi naniniwala sa ginagawa ng aming Fairy Godmother. Ang babae ay isang masamang nilalang at kapatid ng aming Fairy Godmother.”

“May pangalan ba ang ating Fairy Godmother?” Tanong ni Destiny. “O lahat sila ay tinatawag na Fairy Godmothers.”

Ngumiti si Charming. “Ang pangalan n'ya ay Zora, at hindi mo ‘yan narinig sa akin.” Sumandal s'ya sa lamesa. “Ang bitch na kapatid n’ya ay si Mildred. At oo, katulad s'ya ng pangalan n’ya.”

Hindi ko mapigilang humagikgik. So, meron tayong family feud na puno ng selosan, napaka-human.

No pressure

Pero nalilito ako. Ano itong tungkol sa isang mission? Akala ko pupunta kami sa isang adventure para makahanap ng love.

“So, ano ang ibig mong sabihin na malapit na kayo? Halos na-fall in love s'ya sa isang babae sa huling misyon?” Sa ilang kadahilanan, hindi ito maayos sa akin.

He chuckles and rubs the back of his neck. “Not even close.” Tumingin sa'kin si Charming at huminga.

“Ang pinakamahusay na paraan na mailalarawan ko ito, sa maikling panahong na meron tayo ay ito. Isipin n’yo ito na parang isang video game, kung saan ang mga bagay na ginagawa mo ay bibigyan ka ng points.

“Ang ma-in love sa’yo ang main ruler sa tamang reasons ay parang forty percent boost. Lahat ng iba ay minor lang. Tulad ng pag-aalis sa bad guy, paglutas ng hunger issue, slavery, at so on.

“Mayroon lang tayong tatlong buwan; iyon lang ang panahon na pinayagan tayo ni Fate mag-intervene. Kaya, kung pipiliin mong malutas ang kanilang mga world issues sa halip na umibig, iyon ay mahirap na makumpleto sa loob ng tatlong buwan.

“And not to mention delikado. Don’t get me wrong; ang pag-ibig ay mahirap din pero higit na mas plausible,” patuloy niya, “at generally kapag na-fix mo ang pinuno ay mafi-fix mo rin ang lahat ng mga maliit na issue.

“Para itong chain reaction ng joy at happiness. Therefore labis na naniniwala si Zora sa true love dahil inaayos nito ang lahat.”

Wow, complicated ‘to.

Medyo iba sa mga Disney movies, pero pareho rin.

“So, noon huling misyon sinubukan nilang ayusin ang mundo, hindi ang kanilang pinuno?” Tanong ko, umiikot ang aking isip sa magkakaibang direksyon.

“Wala silang choice, dahil hindi interesado ang leader nila sa sinuman sa mga babae na pinadala namin. Sinubukan lang nilang sulitin ang kanilang oras at sinubukan na tulungan si Zora sa abot ng kanilang makakaya.”

Bumaba ang tingin n'ya na parang lost in thoughts.

Tumawa si Laura at umiling. “Ang picky ng guy na ito, gusto ko ng mga picky na lalaki, at gusto ko ng challenge.”

Tiningnan s’ya ni Charming at tumitig, marahil ay sinusubukan malaman kung seryoso s’ya.

“Siguro masasabi mo na picky s’ya. Nararamdaman ko na alam n’ya, na may nalalaman s’ya tungkol sa kung ano ang ginagawa namin. “

Itinulak n'ya ang desk at sinimulang pumalakpak.

“Panahon na para sabihin sa inyo ang mga rules. Napakakonti ng oras para magawa ito dahil binigyan lang kami ng council ng isang araw para magpadala ng isa pang team.”

Naririnig ko yata siyang nagmura pabulong. Yes, oo nga, ang Pierce Charming na ito ay hindi masaya tungkol dito.

“Lahat kayo ay nasa kamay ng Fate. Ganoon, para mapanatili ang balance, dapat nating sundin kung ano ang idinidikta sa atin ng Fate.” Inaabot n'ya ang kanyang kamay, at nanginig ang sahig.

Tumayo ako sa aking upuan at pinanood habang ang isang bato—isang fountain?—ang tumataas mula sa lupa, at sa paliguan ay isang metallic-like liquid. How very curious. Ano to?

“Simple lang ito, ladies, at muli akong sorry na minamadali namin ang lahat.

“Bawat isa sa inyo ay ilalagay ang inyong mga kamay sa Bowl of Destiny at ide-determine ng Fate ano kayo sa challenge na ito. Isang prinsesa o isang pulubi.

“Ito ay crucial, dahil hindi mo pwedeng baguhin ito sa sandaling ang title ay ibinigay sa iyo”

Nanlaki ang mata ko. So katulad ito noong hat sa Harry Potter.

Naririnig ko ang mga bulung-bulungan sa buong silid, ang ilan ay nasasabik at ang ilan ay nag-aalala. Ako, ang aking sarili, ay may mixed emotions na dumadaloy sa aking katawan tulad ng isang crowd ng mga lunatic na tumatakas mula sa institution.

Pero mostly… excited ako. Natutuwa akong Fate ang mamimili, mas lalo itong exciting. Dahil alam nating lahat na lahat ay pipiliing maging isang prinsesa. Duh.

“Matapos n’yong makuha ang inyong title, pag-uusapan natin saglit ang tungkol sa Delorith, ang mundong bibisitahin n’yo.

“Then pwede n’yong baguhin ang tatlong bagay tungkol sa iyong sarili para matulungan kayong mahuli ang puso ni Apollo Augustus Garthorn.

“Maaari kayong pumili na baguhin ang appearance n’yo o matuto ng isang ability. The choice is yours and yours only.”

“Wow,” bulong ko. Humarap sa'kin si Cherie nanglalaki ang mata at bumubulong ng isang OMG. Ngumiti ako at sumulyap pabalik.

Apollo Augustus Garthorn. Mukha s’yang hot at powerful, at napaka-curious kong makita kung ano ang itsura ng mdark ruler na ito. Cute? Gwapo? Average? Sexy?

Pinag-isipan ko ito. Siguro gwapo s’ya, tama ba? O siguro hindi, at iyon ang dahilan kung bakit walang babae ang gumana. Crap. Mahirap yun. Siguro funny s’ya. Funny naman ako.

“Alright, maguusap pa tayo pagkatapos ng mga titles.” Tumayo s'ya habang si Zora, ang Fairy Godmother ay pumasok. Mukha siyang composed, hindi katulad kanina.

Habang nakatayo katabi ni Charming, nagsalita siya, “Please let us begin, wala ng turning back ngayon. Andyan ang pintuan, kung gusto nyong umalis ngayon na. Kung hindi, wag nating sayangin ang oras ng Fate.”

Bigla akong kinabahan, sick even. Ito ay totoo. Walang turning back. Napalunok ako at tumayo kasama ng iba, nervous na humihinga.

Well, Viola, mukhang iinumin mo ang blue pill at tatakas sa matrix.

Bring it on.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+