logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Ang Bisita ng Alpha

Lumaki si Georgie sa isang bayan na pagmimina ng karbon ang pangunahing hanapbuhay, pero matapos na masaksihan ang pagkamatay ng kanyang magulang sa kanya mismong harapan, nagbago ang kanyang pananaw sa mundo. At nang naging magulo na ang sitwasyon, napadpad ang labing walong taong gulang sa teritoryo ng mga werewolves na nagmamay-ari ng minahan. Ang kanilang alpha ay hindi natuwa nang makita siya… sa unang pagkakataon!

Rating ng Edad: 18+

 

Ang Bisita ng Alpha – Michelle Torlot

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Lumaki si Georgie sa isang bayan na pagmimina ng karbon ang pangunahing hanapbuhay, pero matapos na masaksihan ang pagkamatay ng kanyang magulang sa kanya mismong harapan, nagbago ang kanyang pananaw sa mundo. At nang naging magulo na ang sitwasyon, napadpad ang labing walong taong gulang sa teritoryo ng mga werewolves na nagmamay-ari ng minahan. Ang kanilang alpha ay hindi natuwa nang makita siya… sa unang pagkakataon!

Rating ng Edad: 18+

Orihinal na May-akda: Michelle Torlot

GEORGIE

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkadapa sa isang maputik na lugar. Napahiyaw ako sa sakit na tumatagos sa aking katawan.

“Kapag nakita kita ulit dito, Georgie Mackenzie, hindi ka namin sasantuhin,” sigaw ng lalaki habang painsultong naka-ngisi.

Dumura siya na may kasamang plema pero nagawa kong makaiwas. Pagkatapos ay isinara niya ang pinto nang napakalakas na parang may personal at matinding galit.

Dahil sa sakit at galit, nanlaki ang mga butas ng aking ilong habang hinahabol ang aking hininga.

“Hayop ka!” sigaw ko.

Alam kong narinig niya ako nang pihitin ko ang hawakan ng pinto. Nagmadali ako palayo sa bilis ng aking makakaya. Hindi ko inisip ang sakit ng katawan, hindi ngayong gabi.

Tinahak ko ang isang bakante at masukal na daanan habang nakalubog ang manipis kong damit na punong-puno ng basang putik. Nanginginig ako habang nilalabanan ang sakit, paparami nang paparami rin ang aking mga sugat.

Naghanap din ako ng konting pagkain, ginalugad ko ang basurahan sa likod ng isang tanggapan. Pero, sa kasamaang palad, pinigilan ako ng guwardiya. Basura lang yan, basura nila.

Nahuli na ako dati pero hindi pa ako nabugbog ng katulad nito. Itinaas ko ang laylayan ng aking damit, tinantya kung gaano ito kalala. Ang mga sugat ay unti-unti nang umulma sa aking tiyan at tadyang at tila ganun din ang kahahantungan ng aking likod.

Tumungo ako pabalik sa baku-bako at dulong bahagi ng bayan, malayong gusali kung saan ako at ang aking ina ay kasalukuyang naninirahan.

Nahanap namin ang lugar ilang gabi na rin ang nakakalipas. Ito ay abandonadong lugar.

Tanging ang mga bakas ng mga dating naninirahan dito ang naiwan.

Iniwan ko ang aking ina na nagpapahinga sa kutson nang umagang iyon. Isinangla ko ang ilang sa mga natitirang gamit namin noong mga nakalipas na araw, ito ay para makabili ako ng gamot para sa kanya. Hindi para magpagaling sa kanya o anupaman pero para maibsan lang ang ilang mga sintomas. Dahil wala ng pera, umaasa akong makahanap ng pagkain sa basurahan.

Pero ang nakita ko lang ay ang walang kwentang Maddox at ang kanyang baseball bat.

Nang marating ko ang bahay, itinulak ko ang lumang yero. Inilagay yan doon para hindi makapasok ang mga iskwater.

Hindi ito naging effective.

Paglakad ko papasok ng bahay, pumunta ako sa likod ng silid. Ito ang pinakatuyo na bahagi ng bahay. Hinila ko ang isang kutson mula sa itaas para makahiga si nanay. Mas mainam ito kaysa sa malamig na sahig kahit papano.

Pagpasok ko sa likurang silid, naisip kong may hindi tama, sobrang tahimik. Nakahiga lamang si nanay habang nakadilat ang mata at nakatingin sa kisame.

Ako’y nakahikbi habang tumutulo ang luha sa aking mata.

Alam kong hindi na rin siya magtatagal, pero hindi pa rin nya ako lubos na inihanda. dahan dahan kong hinaplos ang kanyang mga mata gamit ang aking kamay at isinara ito. Kahit papaano ay mapayapa na siya.

Mabilis kong pinahid ang aking luha, at ang naiwang mga mantsa mula sa pagkadapa ko sa maputik na kalsada. Pero hindi ko na iyon inaalala.

Wala akong pera, walang pagkain, at itong suot ko lang na mga damit ang meron ako. Wala nang natira para sa akin dito.

Umalis ako ng bahay na hindi alam kung ano ang gagawin. Ang alam ko lang kailangan ko umalis doon, iwan ang bahay, lalabas ng bayan, sa akalang may mas magandang patutunguhan.

Isang lugar na kung saan higit na pinahahalagahan ng mga tao ang bawat isa at hindi dahil sa pera o anumang may kapalit. Kahit man lang sa panaginip, makita ko na may ganoong lugar.

Iniikot ko ang aking paningin hanggang madaanan ko ang isang sign na nagsabing “Welcome to Hope Springs.” Pero tangina parang wala talagang pag asa!

Ang Hope Springs ay naging bagong bayan na nakilala dahil sa pagmimina. Noong nakita ng mga may ari ng lupa na kailangan nila ng mga trabahador sa minahan, biglang sumibol ang bayan.

Dumarami ang mga tao na nagtatrabaho sa minahan. Dati, walang trabaho halos na makuha ang mga tao, pero dahil sa inalok sa kanilang trabaho, bagong bayan at tirahan, nakakita ulit sila ng pag asa.

Isang perfect na pamayanan na hindi na magandang tirahan.

Ang mga may-ari ng lupa at may hawak ng minahan ay hindi kailanman nagkasundo. Ang namamahala ang nag ayos ng lahat. Siguradong masaya ang mga may ari ng minahan sa mga kinikita nila.

Lagi kong iniisip kung alam ba nila na kapakanan ng mga trabahador at pamilya nila ang kapalit ng kanilang mga kinikita.

Syempre alam nila. Alam ng lahat kung sino ang mga may-ari.

Pareho din ng mga malalaking negosyante dito. Matatalino at mautak rin ang mga werewolves.

siguro pagala gala lang sila sa kagubatan. Oo nga, malayo sila, pero mga mapanglamang sa kapwa. Pailalim dumiskarte para kamkamin lahat ng kita sa negosyo.

Namuhay sila ng marangya. Para sa kanila, ang mga tao ay puhunan lamang. Mga basura na pwedeng itapon. Wala silang pakialam kung marami sa amin ang mamatay. Malaki talaga ang pagkakaiba.

Ang mga minero ay binabayaran ng mababa pa sa dapat na sweldo nila. Kulang pa sa renta ng mga bahay nila, halos hindi na sapat para mapakain ang kanilang mga pamilya.magkasakit

Anumang mga reklamo ay hindi nila pinapakinggan. Habang sila ay nagpapakayaman.

Nang magsimulang ang mga minero, napalayas lamang ang kanilang mga pamilya, at sila ay napalitan ng ibang trabahador.

Walang libre sa Hope Springs, at dahil wala sa kanilang natitirang pera, wala silang naiipon para sa pangangailangang medikal o edukasyon.

Nagbibigay rin sila ng libreng edukasyon para sa kabataan hanggang trese anyos. At pagkatapos nito, ang pamilya na ang magbabayad ng matrikula. Kaya ang tanging oportunidad na makukuha ng mga bata ay ang magtrabaho sa minahan.

Nang nagkasakit ang aking ama, nagsimula nang magtrabaho ang aking ina doon para mabayaran namin ang renta.

At nang mamatay ang aking ama, sinubukan kong mag apply ng trabaho doon noong ako ay katorse anyos, pero hindi nila ako kinuha.

Pagkalipas ng isang taon, nagkasakit naman ang aking ina.Dahil wala kaming kita, hindi namin nabayaran ang renta, kaya pinalayas kami.

Noong nakaraang taon, kahit saan kami tumira. Binenta namin lahat ng gamit para lang makabili ng pagkain at gamot. Nitong nakaraang mga linggo, namulot ako ng basura para makaraos.

Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking mga bulsa para magpainit, basa at malamig ang aking mga paa. Siguro kailangan ko nanaman maghanap ng masisilungan dahil mukhang uulan ulit.

Wala talaga akong pakialam.

Yumuko lang ako at naglakad.

Lumulutang ang aking isip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa kakahuyan at tumatama na ang mga sanga sa aking mukha. Napatingala ako at biglang tumulo ang dugo sa aking mga pisngi. Pero hindi ko ito pinansin.

Noong sumapit na ang dilim, bigla akong nalungkot. Pero may nakita akong liwanag sa gitna ng kakahuyan. May nakita akong kamalig at sa isip ko, pwedeng may pagkain dito o matuluyan ko ngayong gabi.

Nakita ko ang sign na nagsabing “No Entry — Private Property” pero hindi ko ito pinansin. Noong nakapasok na ako, napansin kong hindi lamang ito isang cabin, kundi isang malaking bahay na may mga maliliit na gusali sa paligid.

Syempre, alam ko na lahat ngayon. Iyong sign na “keep out” at maraming gusali sa gitna ng kagubatan. Dito naninirahan ang mga hayop na werewolves.

Dapat kinakabahan ako, pero hindi. Kung noon siguro, iiyak ako sa ganitong sitwasyon. Pero naubos na ang luha ko.

Kung ang mga hayop na ito ay mayaman tulad ng sabi ng lahat, malamang marami ang nasasayang na pagkain.

Gumapang ako sa likuran ng malaking bahay. Naghanap ng mga basurahan at nagsimula akong mangalakal sa loob.

Sa kabila ng kamalasan ko ngayon, napangiti ako nung nakakita ako ng kapirasong tinapay. Medyo panis na ito pero pwede pa namang kainin. Agad ko itong kinain at nagkalkal pa sa ilalim.

Hanggang sa may humablot na sa akin hila-hila ang aking damit sa likod na para bang isang pusa.

“At ano ito, may isang magnanakaw!” malakas niyang sigaw.

“Bitiwan mo ako, hayop ka!” sigaw ko.

Tapos sumigaw ako at napahiyaw sa sakit ng katawan dala pa ng pambubugbog ni Maddox.

“Manahimik ka, magnanakaw!” sigaw ulit niya. “Hindi nga kita inaano!”

Dinala niya ako palayo sa bahay at dinala sa isa pang gusali.

Sinubukan kong magpumiglas noong una, pero wala itong silbi. Nasasaktan ako nang sobra. Malaki itong lalaki, siguradong hindi ko kakayanin ang kanyang hampas.

Dinala niya ako sa ibang gusali. Dahil pumipikit na ang mata ko, di ko na halos maaninag ang lugar na parang isang kulungan.

May mga rehas na hiwa-hiwalay. Binuksan niya ang isang pintuan at ipinasok ako.

Napa-aray ako noong bumagsak ako sa konkretong sahig.

“Kakausapin ka ng alpha bukas ng umaga!” malakas niyang sigaw.

Kumapit ako sa mga rehas at sinubukang yugyugin ito pero ito ay walang saysay.

“Hayop ka, at hayop ‘yang alpha mo!” sigaw ko.

Wala siyang sagot, at wala akong makitang iba dahil may mga pader na metal sa bawat pagitan ng bawat selda.

At may narinig akong boses sa karatig na selda.

“Tumahimik ka, taong bubwit! Matutulog ako!”

Siguro ito ay kulungan ng mga werewolves. May nakita akong kama sa likod ng selda. Buti naman makakatulog ako sa kama ngayong gabi, at may kumot pa.

“Hayop!” sigaw ko habang papunta sa kama.

Binalot ko ang sarili ko sa kumot at binaluktot ang katawan sa kama. Ito ay malaki, at posibleng dinesenyo para sa isang wolf, hindi para sa maliit na tao.

Hindi ako masyadong lumaki dahil kulang kami sa pagkain. Hindi kami naging sagana sa pagkain, yung mga pangunahing pangangailangan lang talaga. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong lumaki.

Giniginaw ako. Basa, nilalamig, at nagugutom. Iyong panis na tinapay ay hindi sapat para magkalaman ang aking tiyan. Pero mas mabuti na iyon kaysa wala.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at dahil sa sobrang pagod at gutom, agad akong nakatulog.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

GEORGIE

Nagising ako sa tunog ng rehas na bakal na kumakalansing. Ang selda ay mas maliwanag kaysa kagabi, na naisip ko na dahil sa bintanang bakal sa tuktok ng pader.

Nagulat ako nang makita ko ang isang tray ng pagkain sa harap ng pintuan ng selda.

Isang malaking guwardiya na nakatayo sa labas ng pinto ang sa aki’y ngumisi. Ibang iba ito sa guwardiya kagabi.

Gumapang ako palabas ng kumot. At napangiwi sa tumitinding sakit ng aking dibdib at likuran. Kinuha ko ang tray at sumandal sa mga metal na humahati sa katabing selda.

Tinitigan ko ang guwardiya pero mabilis na ibinaba ang aking tingin. Sabi nila ang pagtingin daw sa mga mata ng werewolf ay ikinagagalit nila.

Sa isang sulyap sa mukha at tindig ng guwardiya, ay alam ko na. Sa kanyang itsura ay may kakaibang anyo na wala sa isang natural na tao. Na tila ba sa isang pitik lang ng kamay at ako’y mabibiyak na.

Kahit galit ako, pinigilan ko ang aking sarili.

Tiningnan ko ang pagkain sa tray, may lugaw, tinapay at tubig. Hindi ko inaasahan na ako ay papakainin, kaya't sinulit ko ito.

Konti palang nakain ko nang marinig ko ang boses mula sa katabing selda.

“Ang baho mo!”

Parehong tinig ng narinig ko kagabi na nagsabing tumahimik ako.

“At ikaw din!” bulong ko.

Halos hindi ako makapagsalita ng isang iglap, may isang kamay ang humablot sa aking kulay ginto na buhok, at hatakin patungo sa bakal.

“Amoy tao!” malakas na sigaw niya. “At kailangan mong matuto!”

Binitawan niya ang buhok ko, at agarang lumayo.

“Lumayas ka!” sigaw ko.

Humagikhik sya at umiling sa kabila..

“Palaban ka!” hindi ba?

Inilibot ko ang mata ko at umupo sa kama. Hindi ko sasayangin ang pagkaing ito; Hindi ko alam kung kailan ako makakain ulit. Hindi din naman ganun kasama ang makulong dito.

Buti nga may kama at pagkain ako.

Hangga't hindi nila ako sasaktan.

Ang werewolf sa katabing selda ay tumingin sa akin at ngumisi.

“Kailan pa kayo nagsimulang manakit ng mga taong walang kalaban laban!” sigaw nya.

siguro nakita niya ang ilang mga pasa sa aking mukha. Pero hindi niya nakita buong katawan ko.

Siguro akala nya werewolves lamang ang may kakayahang manakit mga tao.

Tinitigan ko ng malapitan ang isang lalaki sa kabilang selda na halos kasing laki din ng guwardiya. Inisip ko ang nagawa niya para makulong. Kamangha mangha ang kaniyang kagwapuhan. Hanggang balikat ang haba ng mala tsokolate niyang buhok at mga mata niya ay brown na may pagkadilaw.

Pinagmasdan ko habang papalapit ang guwardiya sa pintuan ng kanyang selda.

“Manahimik ka, Ash, o gusto mong burahin ko yang pagmumukha mo!” malakas na sigaw niya.

Umirap si Ash at nagsabing “Hanggang kailan mo ipapakain sa akin ang basurang ito? pwedeng ayos ito lang para sa isang maliit na tao, pero kailangan ko ng karne!” malakas na sigaw niya.

Pumasok ang guwardiya sa selda, sinakal siya habang hinampas sa pader sa pagitan namin.

“Kailan ka titigil, hangal!” sigaw ng guwardiya.

Kinabahan ako nang kaunti. Kung gawin nila iyon sa akin, malamang patayin nila ako.

Mapanghamon na tiningnan ako ng guwardiya habang pinakawalan niya ang bilanggo sa tabi ko, na tinawag niyang Ash.

Tumayo si Ash. Napasulyap siya sa akin habang patungo sa harap ng selda.

naisip kong ginawa niya iyon para inisin ang bantay. At itoy simula pa lamang.

“Gamitin mo yang mata mo, tanga! para malaman mong ang tao dito ay kagabi pa nasasaktan!” malakas niyang sigaw.

Naglakad ang guwardiya papalapit sa akin, at ako'y tinitigan.

“Nasaktan ka ba?” utal nya, sabay kalam ng sikmura nya.

Nagkibit balikat ako at mabilis na yumuko sa pagkain. Bago pa ako ihagis sa seldang ito.

Hindi siya nasiyahan sa sagot ko at pumasok siya sa selda ko. Hinablot ako sa leeg at tinulak sa pader.

Napangiwi ako nang tumama ang aking likod, at tinaas ang damit hanggang makita niya ang aking tiyan.

“Hoy!” sigaw ko. “Lumayas ka na!”

Sinubukan kong lumaban pero para akong himahampas sa malaking kahoy.

Sumigaw siya habang naghahabol ng hininga “Sino ang may gawa nito?”

Tinitigan ko siya. Hindi ako umimik habang sinusubukan niya akong sakalin..

Sa wakas ibinaba niya ako at umatras. Napahawak ako sa aking lalamunan na may galos pero malayo sa bituka. Namula pero hindi naman masyadong masakit. Pero, galit pa rin ako sa kanya sa ginawa niya sa akin.

“Bakit ka nandito? Bakit may isang batang nakakulong dito?” malakas niyang sigaw.

Narinig kong tumawa si Ash. “Magaling kang bantay, hindi mo alam kung bakit mo ikinukulong ang mga tao.”

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya at isinara nang malakas ang pintuan sa likod niya.

Tiningnan ko si Ash. “Salamat!” ang sabi ko.

Sumandal siya sa rehas sa pagitan namin.

“Huwag mag-alala, bata, hindi sila karaniwang nagkukulong ng mga tao dito, makakalabas ka bago mo pa malaman.”

Nilingon ko siya.

Inilibot ko ang aking paningin. “Bakit mo ako tinutulungan?” sabi ko nang medyo paos. Mas malala pa ang ginawa ng bantay sayo kaysa sa inisip ko..

“Mukhang pwede tayong magkaibigan bata,” ngisi ni Ash.

Tumingin ako. “Mukha nga!”

Ngumisi si Ash. Parang natutuwa pa siya para sa akin na muntikan ng masakal.

“Anong pangalan mo?”

Napatango ako. “Georgie,” sagot ko.

“Ano ang ginawa mo? Para saktan ka nang ganoon?”

Ngumisi ako sa kanya. Sa tingin ko okay naman siya.

“Anong ginawa mo?” sabat ko.

Tumawa siya at umiling. “Wag mo nang alamin, bata!”

Tumango ako, pero binalik nya ang usapan sa akin.

“Ginawa ba iyan ng mga tauhan mo?”

Inilibot ko ang aking paningin. “Kung ang ibig mong sabihin ay ibang tao, oo, ginawa nila, pero hindi ko sila mga tauhan!”

Umiling si Ash. “At tinawag nila kaming mga halimaw!”

Tiningnan ko siya sa mata. “Ang mga halimaw ay magkakaiba. Mukhang walang pakialam sayo ang mga tauhan mo.”

Ngumisi si Ash. “Hindi ko rin sila mga tauhan!” bumulong siya.

Bumukas ang pinto ng aking selda na kumuha ng aking atensyon.

Pumasok ang guwardiya kanina.

“Pwede maglakad ka, tao?” sugo ng guwardiya.

Inilibot ko ang aking mata at tumayo. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya. Bahagya akong napaatras nang mapagtanto kong hindi lamang ang pang-itaas kong katawan ang nabugbog.

“Huminto ka!” sigaw ng guwardiya.

Umiling ako. “Ano! Akala ko gusto mo akong maglakad, bobo!”

Ang alam ko ang mga werewolves ay sobrang bilis, ngayon alam ko na.

Isang iglap lang ay inihampas ako sa pader na metal na namamagitan sa amin ni Ash.

“Putang ina mo!” daing ko.

Nasasaktan ako. Pinalaki ko ang aking mga mata at nagngangalit kong ngipin.

Huwag mong ipakita na natatalo ka, saway ko sa aking sarili.

“Matuto kang gumalang, tao,” malakas na sigaw ng guwardiya.

Hinawakan niya braso ko at may lumagatik. Malamig na posas bumalot sa kamay ko habang itoy nilalagay sa aking likuran.

“Malaking tao, duwag!” napamura ako.

Humagikhik si Ash. Habang ang pisngi ko ay nasa rehas, hindi ko mapigilang mapangisi.

“Ano ang sinabi mo?” malakas na sigaw ng guwardiya.

Hindi ako sumagot. Na lalong ikinagalit niya, Hinila niya ako at hinampas sa rehas

“Anong sinabi mo?” sigaw ng guwardiya.

Kagat labi akong umiling at yumuko na tila ba sunud-sunuran.

Ito ang gusto niya. Hinawakan niya ang braso ko at tinulak palabas ng pinto.

Nagtataka ako kung saan niya ako dadalhin. At naalala ko ang sinabi ng unang guwardiya

Haharapin ka ng Alpha bukas ng umaga.

Sa pagkakaalam ko ang werewolves, mayroong isang mahigpit na pamunuan. Alpha, beta. Hindi ko na alam kung anong sunod pa. At ang mga bantay, ay pinakamababang klase nito.

Parang wala akong pag-asa. Ang mga hayop na ito ay walang awa kung mambugbog.

Siguro hindi siya papatay, kung hindi desisyon ng alpha.

Papatayin ako o pakawalan ako dito lang hantong nito.

Habang itinulak ako ng guwardiya, pumasok kami sa isang pasilyo. Ito ay naiiba mula sa mga selda. Huminto siya sa labas ng isang pintong bakal. Nakasulat sa karatula “Interrogation Room 1.”

Patay! Lagot ako. Hindi ko alam kung para saan ito. O baka naman dahilan lang nila ito para patayin ako sa bugbog.

Tama si Ash, hindi nila iniingatan ang mga tao dito. Pinapaalis lang nila kung kelan nila gusto. Siguro ako ang susunod na pagkain ng mga werewolves.

Good luck lang sa akin. Ako’y buto’t balat na din naman.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+