logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

The Torian Warriors

Ang Earth ay nasa atake galing sa isang lahi ng mga nakakatakot na alien na walang gusto kundi patayin ang mga tao sa mundo. Si Lilly at ang mga kapatid niya ay naipit sa gitna nito at hinaharap ang kamatayan…hanggang sa dumating ang gwapo na warrior na hari na si Bor galing sa ibang planeta at ililigtas sila. Ang mission niya ay protektahan ang lahat na tao, pero nakatingin na siya ngayon kay Lilly. Magiging sagabal ba ang duty niya sa pag-ibig, o ibibigay niya ang lahat para sa kanya?

Rating ng Edad: 18+

 

The Torian Warriors – Natalie Le Roux

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Book One: Hari ni Lilly

Ang Earth ay nasa atake galing sa isang lahi ng mga nakakatakot na alien na walang gusto kundi patayin ang mga tao sa mundo. Si Lilly at ang mga kapatid niya ay naipit sa gitna nito at hinaharap ang kamatayan…hanggang sa dumating ang gwapo na warrior na hari na si Bor galing sa ibang planeta at ililigtas sila. Ang mission niya ay protektahan ang lahat na tao, pero nakatingin na siya ngayon kay Lilly. Magiging sagabal ba ang duty niya sa pag-ibig, o ibibigay niya ang lahat para sa kanya?

Rating ng Edad: 18+

Orihinal na Author: Natalie Le Roux

Tumunog ang mga malalakas na alarm sa pinakamalaking galactic observatory sa universe.

Ang Eye ay tumingin sa daan-daang mga primitive na civilization sa kalawakan, pinag-aaralan ang pag-unlad, ebolusyon at pagbagsak ng daan-daang mga species sa daan-daang libo-libong taon.

Sa ngayon, nagbabala ang mga alarm tungkol sa isang pag-atake sa isa sa mga primitive na mundo na pinapanood ng pinakamatalinong isip ng buong mundo.

“Ano yun?” Demanda ni Kurmar galing sa taas ng kalahating bilog niya na lumulutang na mga holographic screen.

“Planet six-one-six-zero-nine, Commander Kurmar,” Ang isa sa babae na may apat na mata ay nagsalita sa harap, ang mahaba niyang mga daliri ay humahawak sa mga control.

“Nasira na ba nila sarili nila?” Parang masama ang tunog ng boses niya, pero ang galit at takot sa isa sa mga paborito niyang mundo na nagsisimula ng isang laban sa sarili nito, ay masyadong malaki.

Pinanood ni Kurmar ang kakaibang species sa loob ng maraming taon, natutuwa sa emotion na pinakita nila habang natatakot sa mga masasamang ginagawa nila.

“Hindi, Commander,” sabi ni Zunta, ang apat niyang mata ay nag-scan sa lahat ng mga screen sa paligid niya, “Inaatake sila.”

Dumating ang takot kay Kurmar sa pag-iisip na daan-daang mga buhay na na-aattach siya. Ito ay isa sa pinakamasamang bagay na magagawa ng isang Watcher.

Ang pagiging attached sa ilang mga nakatira sa isang race na pinapanood at nirerecord nila ay laging nagtapos ng pareho. Marami siyang napaalis na mga watcher sa tatlong daang taon niya bilang Commander para sa ganun na dahilan.

Pero ang matuwang pagpanood niya sa race na yun ay nagpatayo sa kanya. “Sino?” Ungol niya, dahilan para lumingon ang maraming ulo.

Nang hindi sumagot si Zunta, pumunta siya sa platform niya, hinawakan ang likod ng upuan niya gamit ang isang maputlang kamay, “Sino?” Demanda niya ulit.

Tumingin siya sa kanya na may awa sa kanyang malaki, langis na itim na mata. Si Zunta ay nag-iisa lamang sa libu-libong mga watchers na alam ang secret niya.

Nagulat siya, iningatan niya ito ng higit sa dalawang daang taon, na kahit kelan hindi nagtanong kung bakit gusto niyang ipadala ang feed galing sa primitive world papunta sa pribado niyang observatory.

“Ang spinners, Commander.”

Isang malamig na matulis na takot ang tumusok sa dibdib niya sa pangalan. Takot ang dumapo sa kanya ng isang sandali habang ang mga mukha ng libu-libong inosenteng mga nilalang ang lumabas sa isip niya.

Ang mga spinners ay ang pinaka nakamamatay na mga nilalang sa universe. Pumapatay sila ng walang dahilan, sinisira ang lahat na buhay na nakikita nila.

Kinakain ang kahit na anong bagay na may pulso, ginulo nila ang planeta hanggang namatay na ang lahat, pagkatapos ay lilipat sila sa susunod na planeta.

Nang may malambot na kamay na humawak sa nakasarado niyang kamay, nagising siya sa pagiisip sa huling beses na nakita nila ang spinners na sumira ng mundo.

“Hindi natin hahayaan na gawin nila ito ulit, Commander,” bulong ni Zunta, ang itim niyang mata na nagmamakaawa sa kanya na gawin ang tama.

“Watchers tayo, Zunta,” Galit niyang sabi, “Manunuod lang tayo at hindi mangingialam.”

Mabilis siyang tumayo sa mga paa niya kaya kailangan ni Kurmar na lumakad pabalik para tumingin sa galit niyang mga mata.

“Ano ang mabuti para satin kung hindi natin sila matutulungan?” Ang malakas niyang boses ay kumakalat sa malaking observatory, na tumitingin na ang iba sakanila.

“Kalmahan mo sarili mo, Zunta,” utos ni Kurmar, ayaw na makarating sa masamang ugali ng Orsinite na ito. Kapag nagalit, ang Orsinites ay pwede makapatay sa malakas, mataas na tunog ng boses nila. Kung gusto niya, mapapatay ni Zunta ang bawat watcher sa kwarto sa ilang segundo.

Napatingin siya sa kanya, “May dapat tayong gawin, Commander. Hindi ako uupo at manonood na ang isa pang race ay masisira ng isang race na hindi dapat nabubuhay kahit dati pa.”

May point siya. Ang nakakatakot na mga hayop ay mabilis sumira ng mga mundo na inaatake nila.

Lahat ng paghihirap na hanapin at patayin ang hive leader ay hindi matagumpay, naiwan ang lahat ng mga planeta sa ilalim ng maingat na tingin ng Eye na nasa peligro.

Alam ni Kurmar na may isang bagay siya na magagawa. Bilang Commander ng obervatory, nagkaroon siya ng malaking kapangyarihan at impluwensya sa mga leader ng Decagon.

Isang sampung species council na namuno sa libu-libong mga planeta at bilyon-bilyong mga beings.

Nagbuntong hininga siya ng mahaba, ibinaba ang mga mata niya kay Zunta. “Tama ka, kaibigan. Hindi natin dapat to hayaan magpatuloy.”

Nag-relax si Zunta, ang maputla niyang puting balat na mas nagiging kulay rosas na. Umupo siya sa upuan niya at huminga ng mahaba.

“Ano ang gagawin mo?”

Sinalubong niya ulit ang mga mata niya, at hindi nalampasan ang takot sa kanila. Hindi lang siya ang napasaya ng race na ito.

“Hindi ko pa alam. Makikipag-usap ako sa Decagon.”

Lumabas ulit sa mga mata niya ang galit, pero alam ni Zunta na ang mga watcher ay walang magagawa para tumulong.

Kung pumayag lang ang Decagon na magpadala ng tulong ay makakatulong sa maliit na race na pinanood nila ng matagal.

“Ipadala mo sakin ang lahat ng meron ka tungkol sa spinners. Bibiyahe ako ngayon sa Decagon.”

Tumango siya, at bago siya bumalik sa mga screen niya, nawala si Kurmar galing sa corporal form niya, kinuha ang totoong niyang itsura at lumangoy sa space sa isang pikit ng mata.

Lumabas siya sa chamber ng mga council member, na ginulat silang lahat.

“Commander Kurmar, anong ginagawa mo dito?”

Habang lumabas siya sa form niya, isang ping galing sa internal communication niya ang tumunog, na nagsasabi sa kanya na ipinadala sa kanya ni Zunta ang information na kailangan niya.

“Mga council member,” Nagsimula siya, na hindi nagsasayang ng oras sa mga pagbabati, “May isang sitwasyon na kailangan ng pansin natin.”

Ang council member na si Ark'Mirakam ay umupo, ang mahabang dila niya ay lumalapit papunta kay Kurmar, “Anong sitwasyon?”

Humarap si Kurmar sa serpinamian, “Isang pag-atake ng mga spinners.”

“Saan?” ang isa pang member ng council ay nagdemanda, tumayo.

“Isang planeta na malayo sa universe. Ito ay isa sa marami na pinapanood namin sa Eye.”

“Ito ba ay isang planeta sa ilalim ng Decagon?”

Huminga si Kurmar ng mahaba, dahan-dahang inilabas ito para mapakalma ang nerbiyos niya.

“Hindi. Ito ay primitive.”

Nakita na niya ang sagot na nakalagay sa dulo ng mga bibig nila.

Bago sila makasagot, nagsalita si Kurmar, “Hindi pa ako humingi ng tulong galing sa council dati. Marami na ako nabigay sa inyo ng mga pabor, maging official man to o pribado. Hindi ko na itatago ang kagustuhan ko na tulungan ang race na ito, pero hahawak ako sa bawat isa sa inyo ng pabor na utang niyo sakin.”

Tiningnan niya ang bawat council member ng isang matibay na titig, na pinapalinaw ang punto niya. Magsasalita siya kung wala silang gagawin.

“Ano ang gusto mong ipagawa samin?” Tanong ni Ark'Mirakam, umuupo sa upuan niya.

“Ipadala ang Torians.”

Ang tatlong salitang sinabi niya ay nagpagulat sa lahat na council member, malaki ang mata nila sa gulat.

“Commander Kurmar,” tanong ni Ark'Mirakam, “Alam mo ba kung ano ang hinihingi mo?”

“Oo!” Umungol si Kurmar, papalapit sa isang lakad, “Walang mas makakabuti. Hindi ko gusto lang na patay ang mga spinners, mga member ng council, pero gusto kong maligtas ang race na ito. Nasa dulo na sila sa pagsali sa Decagon.”

Naiinis siya na magsinungaling sa council, pero handa siyang gumawa ng kahit anong bagay para maligtas ang race na nakapasok sa puso niya.

“Ang mga Torians ay hindi laruan, Commander. Kapag binigay na ang order, walang paraan para ihinto ang mga warriors sa kailangan nilang gawin…sa lahat ng mangyayari. Hindi sila kilala bilang sa pagiging pinaka brutal, nakamamatay at magaling na pwersa sa galaxy ng walang dahilan. Sigurado ka bang gusto mong magpadala ng malakas na pwersa sa primitive world?”

Hindi nagisip si Kurmar. “Oo. Ipadala sila ngayon, mga council members. Hindi ko papayagan mahuli pa ito.”

Naniningkit ang mga mata sa kanya sa hinihingi niya, pero alam niya na ang bawat isa sa kanila ay may mga secret na ayaw nilang lumabas. Mga secret na alam niya at tumulong sa pag-aayos para sa kanila.

Sa isang mabigat na buntong hininga, si Ark'Mirakam ay umupo sa unahan, na tinitiklop ang mga braso niya sa makapal na mesa na kahoy sa harap niya.

“Commander Kurmar, handa ka bang gamitin ang lakas na meron ka samin para dito? Kapag napadala na namin ang Torians sa mundo na ito, hindi ka na ulit hahawak sa kahit na anong bagay samin.”

“Alam ko. Ang lahat ng mga nakaraan na pabor ay bayad na sa sandaling naligtas na ang race. Naligtas, mga council members. Wala dapat kukulang pa.”

Naghintay siya, nakita sila na nagpapalitan ng tingin.

Sa wakas, lahat sila ay nakatingin sa kanya at kinagat niya ang ngiti niya.

“Sige, Commander. Matutupad ang gusto mo. Ang Torians ay ipapadala sa primitive world para maligtas ang mga nakatira dito.”

“Ibigay ang order ngayon, council. Walang oras para maghintay.”

Napanood niya ang isang screen na lumitaw sa harap ng isa member ng council.

Pinadala niya sa isip ang lahat ng information na kailangan ng mga Torians para sa mission na to, at inaasahan niya sa loob niya na hindi siya gumawa ng pagkakamali.

Ang mga Torian warriors ay ang pinaka kinakatakutan at malakas na force sa buong libu-libong mga planeta sa ilalim ng Decagon. Walang awa, nakakamatay, at may mga galing na tumalo sa mga magagaling na warriors.

Ang Torian warriors na ang huling pagpipilian, na tinawag para sa pinaka-malakas at delikado na mga kailangan gawin sa Decagon.

Isang soft ping na galing sa screen ang kumuha ng atensyon niya at si Kurmar ay napangiwi sa malakas na boses na nagsalita.

“Si Bor to.” Tumawag ang malamig at malalim na boses.

“Lord Bor,” Sinabi ng isa sa mga babaeng member ng council, ang boses niya nanginginig sa takot niya, “Ito si Lucila ng Council ng Decagon.”

Walang dumating na sagot, pero nandun padin ang connection. Napalunok si Lucila, “Sa order ng Decagon, ang mga serbisyo mo ay kailangan sa isang top secret na mission na may pinakamataas na kahalagahan at pagkamadalian.”

“Sakin…O ang Torians?”

“Ang Torians,” ungol ni Kurmar, hindi gusto na magsayang ng oras sa pabalik-balik.

Ang isang tawa ay dumating sa linya, na nagpapadala ng hindi pagpapakali kay Kurmar. Wala itong tono ng katatawanan o saya, kundi isang tao na inaasahan ang isang laban.

“Ano ang mission, mga council members?”

Sumenyas si Lucila na magsalita si Kurmar.

“Ang mga spinners ay nag-atake sa isang primitive world. Pumunta ka sa world na ito, papatayin ang lahat ng mga spinners, at iligtas ang mga nakatira sa planeta.”

“Sino ka?”

“Ako si Commander Kurmar, ang leader ng mga watcher sa Eye.”

“At sa tingin mo mabibigyan mo kami ng utos.”

“Binigyan ka ng utos ng Decagon, Bor! Malinaw ang mga order mo, Warrior na Hari. Pumunta ka sa planeta na ito, patayin ang mga spinners, at iligtas ang maraming mga residente sa makakaya mo at ng mga warriors mo.”

“At kung hindi namin gawin?”

Nagkiskis ng ngipin si Kurmar, at tiningnan niya ang council members.

Umupo si Ark'Mirakam, “Ang lahat ng pera para sa division mo ay galing sa council na ito, Lord Bor. Tulad ng napagkasunduan, bibigyan namin ng pera ang division mo sa pag-iintindi pag kailangan, ikaw at ang mga warriors mo ay tutulong sa Decagon.”

Pagkatapos ng isang sandaling katahimikan, nagsalita ulit si Bor, “Anong mundo ang ililigtas namin ngayon?”

Hindi nalampasan ni Kurmar ang sarkismo sa boses ng lalaki. Sa sandali, pinapaalala nito sa kanya ang race na matagal na niyang napapanood.

“Ang lahat ng information na kailangan mo ay napadala na sayo, Lord Bor. Ipunin mo ang mga warriors mo. Naghihintay ang Earth sa pagdating mo.”

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

Isang malalim na tawa ang pumuno sa space habang natapos ang connection sa council ng Decagon.

Tumingin si Bor galing sa screen, nakita sa ilang mga segundo ang malalim, maitim na brown na mga mata.

“Nalibang ka, Korom?” Tanong ni Bor, ramdam na natunaw ang tensyon galing sa balikat niya.

Umiling si Korom, “Nakakatawa, diba? Ilang sandali lang ang lumipas, sinasabi mo na kailangan nating lahat ng isang magaling na laban para mapagaan ang ilang tensyon na nasa pagitan ng ilang mga warriors. Ngayon dumating ang tawag na to.”

Si Bor ay tumawa sa second in command niya at matagal na kaibigan. Kung may nakakaalam kung paano makita ang katatawanan sa isang sitwasyon kung saan marami sa mga warrior ang mamamatay, ito ay si Korom.

Umiling siya sa lalaki na nakahiga sa upuan sa harap ng mesa niya, tumayo si Bor at lumipat sa mga may inumin sa likod niya.

“Kunin ang information ng planeta na tinatawag na Earth. Hiningi ng council na iligtas natin ang mga nakatira sa mundong ito. Gusto kong malaman kung ano ang hinaharap natin.”

Sumunod si Korom sa utos. Yun ang isang bagay na gusto ni Bor tungkol sa second niya. Mapapatawa niya si Bor pero isa pa rin siya sa nakakamatay na warrior sa buong army.

Kahit si Bor ay kailangang pahalagahan ang lakas ng lalaki na pumatay. Hindi lang siya magaling kumuha ng buhay. Si Korom ay isang master dito. Walang ibang makakakuha ng buhay katulad ni Korom.

Pero tulad ng pagpapakita ng lalaki sa grabeng galit, siya rin ay isa sa pinakatapat at marangal na lalaking nakilala ni Bor.

Inabutan ni Bor ng inumin ang kaibigan niya habang umupo ulit sa mesa. Ang tagal na simula ng humingi ang Council ng Decagon sa mga Torian warriors ng tulong.

Pero tulad ng nasabi ng takot na council member, ang lahat na pera na nakuha ng mga Torian warriors ay pinapanatili hindi lamang ligtas ang sariling mundo nila, pero lahat ng mga planeta na nahahawakan ng Decagon, hindi maganda na hindi sundin ang gusto nila.

“Mukhang ang Earth na ito ay tinitirahan ng isang maliit na race ng mga lalaki at babae na nilalang. Hindi sila naiiba satin, brother.” Sinabi ni Korom, itinaas ang inumin niya sa bibig.

Sinipsip ni Bor ang maitim na likidong amber, pinapanood ang information na tumatakbo sa mga screen.

Mga tao. Yun ang tawag sa race na to. Maliit at mahina. Nagungol siya ng mahina, ang inis niya lumalaki sa pagtulong sa isa na naman na mahinang race.

“Hindi sila parte ng hinahawakan ng Council ng Decagon. Bakit ang council ay nadamay sa isang planeta na primitive?” Tanong ni Korom, nakatingin kay Bor na may nakataas na kilay.

“Hindi ang council ang humingi ng tulong samin. Ito ang watcher, si Commander Kurmar.”

“Mga watchers? Mga chismis lamang sila…tama?”

Umiling si Bor. Maraming beses na nila itong pinagusapan dati. Ang mga kwento ng watchers, at ang observatory na tinatawag na Eye ay kumalat sa universe sa daang mga taon.

Pero para marinig ang lalaki sa komunikasyon na sabihin ang mga salita ay nagdala ng katotohanan sa mga kwentong nakadistorbo kay Bor.

“Hindi na ngayon. Si Commander Kurmar ang leader ng watchers. Ang lugar na narinig ko na ginamit ang titulo na yun ay kapag nasabi ang tungkol sa Eye.”

Ang isang malalim, mapanganib na ungol ay lumabas kay Korom, na ginulat si Bor para tingnan ang kaibigan niya.

Ang mabigat, madilim na ulap na nanginginig sa paligid ng napakalaking katawan niya ay naglarawan tungkol sa halos hindi mapigilan na galit na naramdaman ng lalaki para sa mga nanunuod sa hirap at kamatayan na nangyayari sa iba, at walang silang ginagawa tungkol dito.

“Nagbabago to, kaibigan,” nagsalita si Bor sa isang mahinang boses, “Ang watchers ay nakikisali sa mundong ito. Baka senyales ito sa mangyayari sa hinaharap.”

“Hindi ko maintindihan ang pangangailangan na manuod sa mga hindi pa umuunlad na mundo. Para saan? Kaalaman? Gaano ba matutunan ng mga kisak na yun galing sa simpleng pagtingin sa isang race sa malayo.”

Alam ni Bor kung saan galing ang galit ng lalaki. Ang planeta niya ay nagdusa din ng walang tigil na puwersa ng spinners maraming taon na ang nakalipas.

Ang mga watchers at ang Council ng Decagon ang hindi inisip na handa na silang sumali sa iba pang mga planeta sa maraming taon. Swerte lang na nakaupo ang kaibigan niya sa harap niya ngayon.

Iniwan sa isang sasakyan para mamatay ng mag-isa sa dilim, si Korom ay naligtas ng tatay ni Bor sa isang mission na hanapin ang mga pirata na umatake at nagnakaw sa sakayan, pinatay ang lahat na nakasakay.

Tinago ng nanay ni Korom ang baby sa mga gratings sa sahig, na nagligtas ng buhay niya.

Pagkatapos dumaan ng sasakyan sa teritoryo ng Decagon na ipinadala ang mga Torians para magimbistiga.

“Ang pagtatanong sa mga rason para sa Eye at ang hindi mararangal na pag-uugali ng mga watchers ay hindi para sa interes ng mga tao natin, kaibigan. Ang mundo natin ay umuunlad na sa wakas. Kung papayagan natin ang sarili natin na pag-isipan ang nakaraan, hindi tayo makakaalis sa mahigpit na paghawak nito.

“Binigay ko sayo ang salita ko maraming taon na ang nakakaraan, Korom, at paninindigan ko pa rin ito. Hahanapin natin ang pumatay sa pamilya mo, at maghihiganti ka. Sa ngayon, meron tayong bagong mission.”

***

Hindi gumalaw si Lilly sa ilalim ng napakalaking truck na nakapark sa gilid ng field. Sinubukan niyang hinaan ang paghinga niya, hindi gusto na gumawa ng kahit konting tunog.

Ang isang maliit na grupo ng mga pangit na alien na umatake sa Earth tatlong linggo na ang nakalipas ay gumagalaw sa direction niya. Ang halo sa pagitan ng butiki at gagamba na nilalang ay isang bagay galing sa isang bangungot.

Pero, tulad ng natutunan ni Lilly sa nakaraang ilang linggo, meron silang isang maliit na disadvantage. Bulag sila. Hanggang di siya gumagawa ng tunog, lalampas lang sila sa kanya.

Inaasahan niya na lalampas lang sila. Kung may pag-asa siyang makabalik sa mga kapatid niyang babae, kailangan niyang makatakas sa field na ito at bumalik sa maliit na bayan ng Sikes, Louisiana.

Pit stop lang to para sa kanila, na lumakad galing sa Monroe sa mga nakaraang linggo.

Natigil ang hininga niya sa dibdib ng palapit na ang tunog ng mga nagkikiskis na mga kuko.

Pinagilid ang ulo niya, pinigilan ni Lilly ang hininga niya habang pinapanood ang grupo na dumaan sa kanya, papunta sa direction kung saan siya nanggaling.

Wala siyang idea kung bakit marami sa kanila ang nandito. Galing sa nakita niya sa mga halimaw na alien, gusto nilang kumain ng kahit na anong gumagalaw o may pulso.

Walang masyadong laman sa Louisiana, kaya nalito siya sa malaking grupo ng mga nilalang.

Daan-daang mga binti ang sumira sa aspalto habang lumampas sila sa truck, pinapatunog ang mabibigat na piraso ng makinarya sa lakas ng pagtama ng mga katawan nila sa pagdaan nila.

Pinikit ni Lilly ang mga mata niya, humihinga ng tahimik na paghinga at naisip ang tungkol sa mga kapatid niya na naghihintay sa lumang farmhouse na nakita nila kagabi.

Nadurog ang puso niya sa memorya kung gaano kasakit si Violet.

Ang malakas niyang ubo ay halos pumatay sa kanila ilang araw na ang nakakaraan, pero salamat sa mabilis na pag-iisip ni Tulip, nagawa nilang makalabas sa maliit na gasolinahan ng buhay.

Ang nag-iisa lamang sa apat na kapatid na na hindi masyadong magaling sa katapusan ng mundong ito, ay si Rose.

Hindi naman sa natutuwa sila dito, pero ang spoiled na babae ay mas sanay sa sosyal na buhay.

Ngumiti si Lilly sa memorya ng kapatid niya na umihi sa unang pagkakataon sa mga halaman sa gilid.

Ang mga mura na lumabas sa bibig niyang mapula ay sapat na para ipagmalaki ang kahit na sinong sailor.

Sa sandaling dumaan ang grupo, humiga si Lilly nang ilang sandali pa, ang backpack na ginamit niya para kolektahin ang gamot ay mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

Lumaban ang isip niya tungkol sa lahat ng gamot na nahanap niya sa maliit na pharmacy sa gilid ng bayan.

Bilang isang medical na studyante, dapat niyang malaman kung ano ang lahat na ito, pero kasama ang pharmaceuticals sa field niya. Isang surgical intern siya na may natitirang pang isang taon ng residency.

Nung magkagulo ang planeta, tumakbo siya at ang mga kapatid niya.

Ang isang bagay na nagpapasalamat siya, ay ang umuwi siya para bisitahin ang tatay nila para sa seventieth na kaarawan niya.

Ang lahat ng mga babae ay umuwi para makasama sa linggo ang tatay nila. Yun ay pagkatapos ang unang napakalaking bola ng itim ay nahulog galing sa langit.

Walang umasa na ang mga meteor na ay sasabog sa mga nakakatakot na nilalang na kumakain ng kahit na anong gumagalaw sa daan nila.

Sa isang huling tingin sa paligid niya, gumalaw si Lilly ng tahimik sa matigas na basang lupa.

Lumabas siya sa ilalim ng truck, tinitingnan ang lugar kung may maliit na galaw, bago siya tumayo.

Sa hindi malayo, nakikita niya ang grupo ng mga nilalang na nagmamadali pabalik sa bayan na kinunan niya ng mga supply na nahanap niya.

Sa isang tahimik na galit ng paghamon, tinaas ni Lilly ang gitnang daliri niya sa umaalis na grupo, tinataas ito ng ilang segundo, pagkatapos ay binagsak ang kamay niya sa gilid niya.

Sa mahabang paghinga para mapakalma ang nerbiyos niya, umikot si Lilly at mabilis na lumakad papunta sa farmhouse na isang milya lang ang layo.

Kailangan niyang makapunta kay Violet at sa iba pa. Kailangan ng kapatid niya ang gamot, at wala sa kanila ang kumain sa loob ng dalawang araw.

Sa lahat ng kamatayan na nangyayari sa paligid nila, inaasahan ni Lilly na makahanap ng maraming pagkain sa mga bahay.

Pero, tulad ng laro ng tadhana, ang mga nilalang ay kumain ng kahit na ano na hindi na nasa lata, o nilagyan ito ng slime na galing sa mga bibig nila.

Habang tumatakbo siya papunta sa bahay, tumitingin sa paligid niya, hindi mapigilan ni Lilly ang ngiti na sa mukha niya. Nakatakas siya.

Itinulak niya ang pinto, walang imik habang pumunta siya sa likod na kwarto. Sinalubong siya ni Rose sa may pinto kung saan ay dati itong magandang sala.

“May nakita ka ba?” Bulong ni Rose, may pag-asa sa mga mata.

Tumango si Lilly na may ngiti, tinanggal ang bag sa likod niya.

Lumapit sa kanya si Tulip, binigyan siya ng isang mahigpit na yakap at hindi nakalampas kay Lilly ang luha sa mga mata ng nakakabata niyang kapatid.

“Bakit ang tagal mo?” Tanong ni Tulip sa isang tahimik na boses, ang maliit niyang katawan, nanginginig.

“Kailangan kong maghintay na makalampas ang grupo ng mga alien. Hindi ko alam kung ano ang nakagalit sa kanila, pero nagmamadali silang pumunta sa kung saan.”

Nanliit ang mga mata ni Rose, at nakikita na ni Lilly ang mga salitang nabubuo sa mga mata ng kapatid niya. Pinahinto niya to bago pa makapagsalita.

“Wala akong magagawa, Rose. Ayos lang ako. Nakahanap ako ng mga gamot kay Violet at pagkain para sating lahat.”

Nakatigil yun sa sermon ng kapatid niya. Sa isang kindat, sumandal si Lilly at kinuha ang apat na lata ng beef stew na nakita niya pati ang isang maliit na supot ng bigas galing sa bag.

Kasya na to para mapakain sila ng hindi bababa sa tatlong araw, kung maingat sila sa pagsukat ng pagkain. Nilabas niya ang tatlong kahon ng gamot at tumayo.

“Kailangan kong ibigay to kay Violet. Rose, ikaw at si Tulip ay magluto na ng dinner. Matutulog tayo dito ng isa pang gabi, pero kailangan nating umalis. Ang mga alien na yun ay may pupuntahan at hindi ko to gusto. Ayoko nito. Baka may dadating pa, at talagang ayokong tumambay dito para malaman.”

Tumango si Rose, kinukuha ang mga lata kay Lilly at sumenyas kay Tulip para sumama sa kanya.

Pumasok si Lilly sa kwarto, kung saan nakahiga si Violet sa sofa. Ang putla niya, kulay-abo na ang balat niya, at ang manipis na pawis sa balat niya ay nagpaalala kay Lilly.

Lumuhod siya sa tabi ng bunso ng magkakapatid at inilagay ang isang kamay sa noo niya. Nasusunog siya.

Isang mabilis na takot ang napuno kay Lilly sa pag-iisip na kahit bilang isang doktor, hindi niya matutulungan ang maliit niyang kapatid.

Ang problema ay, si Violet ay nagpitas ng isang mansanas galing sa isang puno sa paglabas ng Monroe. Isang mansanas na merong slime ng mga nilalang sa paligid nito.

Natuyo ito sa gitna ng araw ng Agosto ng Louisiana, pero hindi ito nakapagpigil sa kanya sa pagkakaroon ng malalang sakit at panghihina.

Napuno ng luha ang mata niya sa pagisip na wala siyang idea kung ano ang hinaharap niya dito. Sa lahat ng alam niya, wala sa mga gamot na nakita niya ang makakatulong sa matamis, mapagmahal na labing anim na taong gulang na kapatid niya.

Inalis ang takot na mawawala ang isa pang miyembro ng pamilya niya, inilabas ni Lilly ang gamot at tiningnan ang mga label. Isang kahon ng mga antibiotics, isang kahon ng gamot sa sakit at isang kahon ng contraceptives. Magaling.

Sa kanyang pagmamadali para makalabas sa pharmacy, hindi siya nagka oras para basahin ang mga label.

Nilagay niya ang dalawang kahon sa bag niya, halos umaalis sa pharmacy, hanggang sa yumuko siya nang may dumaan na alien at nakita ang mga antibiotics sa ilalim ng aparador.

Bumukas ang mga mata ni Violet, ang malalim niyang asul na mga mata ay tumitingin sa kisame. Lahat ng magkakapatid ay may parehong genetics. Lahat sila ay maitim ang buhok, na may asul na mga mata.

Isang bagay na ipinagmamalaki ng tatay nila sa buong buhay nila.

“Huy,” bulong ni Lilly, hinaplos ang pisngi ni Violet, “Meron akong mga gamot para sayo. Kaya mo ba umupo?”

Binigyan siya ni Violet ng mahinang pagtango, pero nasamid siya at nagsimulang umubo kaagad ng umupo siya. Natakot si Lilly sa malakas na tunog na pumuno sa tahimik na bahay.

Tinakpan ni Violet ang mukha niya sa unan, na pinipigilan ang tunog sa makakaya niya habang ang katawan niya ay gumagalaw galing sa pag-ubo.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagpahinga si Violet, nakapikit ulit, at pinikit ni Lilly ang luha ng makita ang dugo sa unan sa tabi ng ulo ni Violet.

“Oh God, wag.” Bulong ni Lilly sa sarili, tinanggal ang buhok sa mukha ng kapatid niya.

“Hindi kita hahayaang mamatay, Vi. Pangako ko, gagawin ko ang lahat, pero hindi ka mamamatay. Naririnig mo ako?”

Umungol si Violet, nakapikit padin. Hinayaan ni Lilly na bumagsak ang isang luha, isang natalo na pakiramdam ang gumagapang sa katawan niya. Wala na tatakbuhan pa.

Wala kahit saan para magtago galing sa mga nilalang, at ang katawan niya at isip ay dahan-dahang sumusuko na para sa laban na dadating palang.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on email

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+