Para kay Elaina Duval, perfect na ang masaya at normal niyang buhay kasama ang kanyang mama—yun ay hanggang sa araw na siya ay naging eighteen. Sa kanyang birthday natuklasan niya na ipinangako siya sa malupit at walang puso na si Valentino Acerbi, ang susunod na capo or boss ng Italian Mafia. Walang pagpipilian at walang magawa, nahila siya sa twisted nitong mundo at napwersang tiisin ang mga bagay na hindi dapat gawin sa isang tao pero paano kung magsimula siyang magustuhan ito?
Rating ng Edad: 18+
(Babala sa Nilalaman: Karahasan, Sexual Abuse, Rape, Human Trafficking)
Twisted Minds – Cassandra Rock

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Para kay Elaina Duval, perfect na ang masaya at normal niyang buhay kasama ang kanyang mama—yun ay hanggang sa araw na siya ay naging eighteen. Sa kanyang birthday natuklasan niya na ipinangako siya sa malupit at walang puso na si Valentino Acerbi, ang susunod na capo or boss ng Italian Mafia.
Walang pagpipilian at walang magawa, nahila siya sa twisted nitong mundo at napwersang tiisin ang mga bagay na hindi dapat gawin sa isang tao pero paano kung magsimula siyang magustuhan ito?
Rating ng Edad: 18+(Babala sa Nilalaman: Karahasan, Sexual Abuse, Rape, Human Trafficking)
Orihinal na May-akda: Cassandra Rock
Masaya ka ba?
Alam kong katawa-tawang tanong to para itanong pero seryosong pag-isipan mo ito ng isang segundo. Masaya ka ba?
Kung oo, panghawakan mo yun hangga't kaya mo, dahil natutunan ko na higit sa lahat, hindi lahat ng mga bagay na masaya sa buhay ay tumatagal.
Hindi kahit ako, isang normal na babae mula sa Ohio, ay kayang maging masaya hanggang sa kailanman pagkatapos kong mabuhay ng inakala kong isang normal na buhay.
Bukod sa kawalan ama, mula pa noon ay close na kami ng mama ako.
Pero hindi porket wala akong ama sa buhay ko ay hindi na normal ang buhay ko. Maraming tao ang meron lang isang magulang sa kanilang buhay at lumaki naman sila ng maayos. Kaya ko rin yun.
Sa buong buhay ko, kami lang dalawa ng mama ko ang magkasama, ang babaeng malakas ang loob at ang kanyang nag-iisang anak na babae.
Ang aking mama ay may-ari ng isang cake shop na nagngangalang Duval's Cakes at pagkatapos ko grumaduate ng high school, ginamit ko ang buong summer para tulungan siya sa cakeshop.
Nagdagdag ako ng icing sa paligid ng graduation cake na order sa amin. Habang patapos na ako sa finishing touches ng cake biglang namatay ang lahat ng ilaw sa cakeshop.
“Ma?” Tanong ko. Inangat ko ang ulo ko at sinubukang linawin ang aking paningin pero masyadong madilim ang paligid.
Bumukas ang pintuan ng staff door at lumabas ang mama ko kasama ang bestfriend ko na si Kyra, ang mga mukha nila ay naiilawan ng mga kandila.
Sinimulan nilang kantahin ang “Happy Birthday” para sa akin habang sila ay lumalabas ng staff room at papalapit sa akin. Napatawa ako at itinabi ang icing na hawak ko.
“Magwish ka na, Elaina,” sabi ni Kira sa akin.
Ngayon ang eighteenth birthday ko, ang araw kung kailan ko masasabing nasa hustong gulang na ako at dapat ay ang pinakamasayang araw ng aking buhay.
Hindi ko ito masyadong iniisip. Nakafocus lang ako sa trabaho ko sa shop pero ngayong nandito na ang mama ko at si Kyra, hindi ko mapigilang makaramdam ng kasiyahan.
Pinikit ko ang mga mata ko at nag-isip ng isang hiling bago huyupan ang mga kandila. Wala akong hiniling dahil sa sandaling yun, wala na akong kailangan pa. Nasa akin na ang lahat ng gusto ko.
Nabuo ko na ang buhay na gusto ko at hindi isang hiling ang magbabago noon, mga aksyon lang ang makakagawa noon.
Pagdilat ko ng aking mga mata, ngumiti ako kina mama at Kira. “Hahatiin na ba natin ang cake?”
Sabay sabay kaming naupo sa isang maliit na mesa na malapit sa bintana ng cakeshop. Dahil gabi na at sarado na kami, kami lang ang tao dito.
Habang kumakain kami ng cake na inihanda ng mama ko para sa akin, ibinigay na din ng mama ko at ni Kira ang mga regalo nila sa aking birthday.
Nakatanggap ako ng isang bestfriend bracelet charm mula kay Kira at binigyan naman ako ng mama ko ng isang limited edition The Great Gatsby na nagkataong paborito kong novel.
“Sinusubukan ko din kumuha ng ticket sa concert ni Pitbull,” paliwanag sa akin ni Kira na mukhang bigo. “Sold out na sila pero baka makakuha ako ng ticket sa show nila sa New York.”
Bumagsak ang panga ko sa sobrang excitement. “Niloloko mo ba ako? Kira!”
Pasimpleng umiling ang mama ko. “Hindi pwede. Sorry pero hindi ka aalis sa Ohio, Elaina.”
“Ano?” tanong ko.
“Ang sabi ko, hindi ka aalis sa Ohio. Pwede kang pumunta sa concert pero kung dito lang yun…” Nilinaw nito ang kanyang lalamunan. “Ako, uh… Hindi ako komportable na aalis ka ng state natin.”
Sa tingin ko, hindi patas na pakiramdam niya ay meron siyang ganoong uri ng kontrol sa buhay ko, lalo na at ngayon ay nasa legal age na ako.
“Ma, eighteen na ako ngayon. Nasa legal age na ako,” magalang kong paliwanag sa kanya hangga't maaari. “Magiging ayos lang ako. Hindi pa nga sigurado si Kira kung makakakuha siya ng ticket.”
Sinamaan ng tingin ng mama ko si Kira. “Pinapayuhan ko si Kira na huwag ng sayangin ang pera niya dahil hindi ka aalis ng state natin. Kailanman.”
Wala akong balak manatili sa Ohio magpakailanman. Plano kong mag-aral sa ibang lugar at tumakas sa bayang ito.
Pero sa paraan ng pagsabi ng mama ko nito ay hindi ko maiwasang maramdamang parang nakakulong ako. Nagtataka ako kung ano ang kahulugan sa likod ng mga salita niya.
Tila kinakatakot niya ang kawalan niya ng kontrol sa akin ngayong eighteen na ako. Kahit di niya aminin, nakikita ko ito sa kanyang mga mata.
Hindi komportableng nilinaw ni Kira ang kanyang lalamunan. “Kailangan ko ng umuwi. May gagawin pa pala ako… bukas.”
Tumatakas siya—isang bagay na gusto ko ding gawin. Hindi ako sigurado kung bakit masyadong mapilit ang mama ko tungkol dito pero alam ko na higit pa ito sa pagiging overprotective sa akin.
***
Umupo ako sa aking kama kinabukasan at sinubukan pa ring maunawaan ang pangangatwiran ng mama ko sa likod ng kanyang kontrol sa akin. Ngayong naisip ko ito, laging ganito ang ugali niya.
Nung Grade 10 ako, pumunta ang klase namin sa Canada para i-explore ang Niagara Falls pero hindi ako pinayagan na pumunta.
Para sa 16th birthday ni Kira, dinala siya ng magulang niya sa Mardi Gras sa New Orleans at sinama nila ang mga pinakaclose na kaibigan nito pero tumanggi ang mama ko na pasamahin ako.
Ito ay isang walang katapusang cycle at ngayong eighteen na ako, hindi na niya ako mapipigilan na maranasan ang mga bagay na gusto kong i-enjoy sa buhay ko.
Nag-buzz ang phone ko dahil sa isang text galing kay Kira.
Napangiti ako sa sarili ko. Magho-host siya ng isang birthday party para sa akin na sa kabutihang palad ay sa state namin magaganap kaya naman makakapunta ako ng hindi nagagalit at hindi pinagbabawalan ng mama ko.
Siyempre pupunta ako—kahit wala ako sa mood para magcelebrate, para sa akin ang party. Hindi ko maramdaman ang festive mood dahil nararamdaman ko ang lahat ng stress na galing sa mama ko.
Nasaktan siya sa mga salita ko kahapon kahit na nasaktan din ako sa pagpipigil niya sa akin sa mga bagay na normal na ginagawa ng mga teenager na kaedad ko—mga bagay na legally, wala siyang kontrol.
Kahit na ganoon, mama ko siya at iginagalang ko ang opinyon niya kaya hindi ko pa rin kailangang kontrahin siya.
Habang patayo ako sa aking kama, nagpasya akong hanapin ang mama ko at sabihin sa kanya na dadalo ako sa birthday party ko ngayong gabi.
Gusto ko lang na kalimutan na namin ang mga negative na nangyari ngayong araw, tutal at birthday ko naman, at saka na lang pag-usapan ang mga bagay bagay.
Mabilis akong bumaba ng hagdan patungo sa foyer ng maliit naming bahay. “Ma? Magho-host ng birthday party para sa akin si Kira. Pupunta lang ako—”
Napatigil ako nang mapansin ko ang mama ko sa foyer kasama ang tatlong lalaki na hindi ko pa nakikita noon-hindi sa maalala ko. Mukhang hindi siya masaya na makita sila, at pormal ang bihis ng mga ito.
Baka nag-uusap sila tungkol sa isang order ng cake pero wala kami sa shop. Masyado namang personal kung dumiretso pa sila dito para lang doon.
“Ma?” tanong ko habang pababa ako ng huling baitang ng hagdan at tumingin sa ninenerbiyos na mukha ng mama ko.
“Elaina, akyat,” mabilis na tumugon ang aking mama bago siya putulin ng isa sa mga kalalakihan.
“No, no. Hindi na kailangan yun, Fiona. Hayaan mong manatili si Elaina. Sigurado akong nagtataka siya sa nangyayari.” Nagsalita ang lalaki na may makapal na European accent.
Habang ang dalawang lalaki ay nananahimik, ang lalaking tila nagpapatakbo ng palabas ay nagpatuloy, “Ah, sweet Elaina. Wala kang idea, hindi ba?”
Humakbang siya palapit sa direksyon ko at nag-aalangan akong umatras saka tumingin sa aking mama na mabilis na humakbang para pigilan siya sa paglapit sa akin.
“Vadim…”
“Huwag mo akong gambalain, Fiona. Kinakausap ko pa ang aking anak.” Ang lalaki, si Vadim, ay ngumiti ng madilim sa akin. “Tama yan, sweetheart. Ako ang ama mo.”
Aking ama? Ang aking hindi makapaniwalang mga mata ay sinalubong ang sa mama ko. Mukhang nanghina siya at ni hindi man lang itinanggi ang kahit na ano. Mukhang mas nagulat pa siya na nalaman ko ito sa ganitong paraan
“Ma! Nagsisinungaling siya…” sabi ko at nang wala siyang sinabi, tinaas ko ulit ang boses ko. “Ma!”
“Ah, masyadong mainitin ang ulo mo. Nakuha mo yan sa akin,” sabi ni Vadim sa isang naaaliw na tono. “Magkwentuhan naman tayo, my dear.”
“Ayoko. ayoko!” sigaw ko sa kanya. “Umalis ka sa bahay namin!”
Tumalikod ako para tumakbo paakyat ng hagdan, walang oras para intindihin kung ano man ang nangyayari, bago ko maramdaman na may brasong mahigpit na humawak sa pulso ko at hinila ako pabalik.
“Huwag na huwag mo ako ulit kausapin sa ganoong paraan,” saway ni Vadim gamit ang isang sobrang tigas ng tono pero ang kanyang mga malamig na mata ay tumitig sa akin na para bang meron siyang isang uri ng kontrol sa akin.
Tumitig lang ako sa kanya habang ang mama ko ay hindi umiimik. Ang dalawang lalaki ay nanatili ding tahimik habang ang aking biglang nagpapakilalang ama ay lumitaw mula sa kung saan man.
“Bakit ka nandito?” mahinang tanong ko sa kanya. “Bakit ngayon?”
Kumunot ang noo niya na para bang tinanong ko lang sa kanya ang pinakanakakatawang tanong sa buong mundo. “Alam ng mama mo na darating ako. Ito ang plano, Elaina. Eighteen ka na.”
“Ano naman ngayong kung eighteen na ako? Kahapon lang, seventeen years old ako. Walang masyadong pinagkaiba ang isang araw.” sinubukan kong ipaglaban pero mukhang imposibleng manalo ako.
“Merong pagkakaiba.”
“Vadim, please. Hayaan mong kausapin ko muna siya,” pagmamakaawa ng mama ko sa kanya. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Bakit siya nagmamakaawa sa nakakadiring lalaki na ito? Mukhang hindi siya mabuting tao
Pasimple niyang itinaas ang kanyang kamay para patahimikin ito bago nagpatuloy. “Meron kang eightee years para kausapin siya, Fiona. Sa akin na siya ngayon.”
“Sayo?!” Nanlaki ang mga mata ko bago nagsimulang magsalita si Vadim sa isang wika na sa tingin ko ay Russian. Malamang ay Russian siya base sa accent niya at sa mga features niya.
Hindi ako normal na nagii-stereotype pero ang salita niya ay isang malaking giveaway.
Kung siya ang biological father ko, ibig sabihin ay may dugo akong Russian.
Matapos niyang magsalita sa kanyang sariling wika, isa sa mga lalaki ang lumapit at hinawakan ako ng mahigpit para hindi ako makagalaw habang ang isa naman ay pinahinto ang mama ko sa anumang balak niyang gawin.
Hindi ito totoo. Isa lang itong practical joke.
“Alam mo, Elaina, alam ng mama mo na mananatili ka lang sa kanya ng eighteen years…” paliwanag sa akin ni Vadim.
“Nagbibigay ako ng sustento para sa inyong dalawa kapalit ng kondisyon na kapag naging eighteen ka na, sasama ka na sa akin.”
Pero bakit ngayon at bakit sumang-ayon dito ang mama ko? Buong buhay ko, alam ng mama ko na nawawalan siya ng oras kasama ko at hindi man lang niya sinubukan na sabihin sa akin ito.
Napatingin ako sa mama ko na may mga luhang dumadaloy sa pisngi habang binibigkas niya ang mga salitang, “I’m sorry.”
I’m sorry? Seryoso ba siya? Hindi sapat ang I’m sorry.
“Ayokong sumama sayo. Tinatanggihan ko ang alok mo,” sabi ko kay Vadim habang nagpupumiglas sa kapit ng lalaking may hawak sa akin.
“Elaina, kailangan mong makinig sa kanya,” binalaan ako ng aking mama pero tapos na akong makinig sa anumang sabihin niya.
Sinet-up niya ako. Baka nakatakbo pa ako o kaya naman ay nakapagtago sa lalaking ito na nagpapakilalang ama ko pero ngayon, na-trap ako ng hindi ko alam kung gaano katagal.
Itinaas ni Vadim ang aking baba at nagbigay ng ngiting nakakanginig ng buto. “Sweetheart, wala kang ideya kung sino ang kausap mo, tama?”
“Hindi ang ama ko,” sagot ko saka lumingon palayo sa kanya pero mabilis niyang hinila pabalik ang baba ko na hindi ko inaasahan.
Tinitigan niya ako. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto ng matagal na panahon. Malamang parang isang dramatic buildup sa kanya yun pero para sa akin ay nakakatakot na sandali dahil sa kawalan ng ideya kung ano ang dapat kong asahan.
“Ako si Vadim Vasiliev, pinuno ng Russian Mafia, my dear. At ibig sabihin noon, aking nag-iisang anak, ikaw ay si Elaina Vasiliev.”
Itim. Iyon na yun—naging itim ang lahat. Pero hindi ito katulad ng iniisip mo. Hindi ako hinimatay. Hindi ako sobrang nagulat na bumagsak ako sa lupa dahil sa pagkabalisa.
Habang napuno ng itim ang aking paningin, naramdaman ko ang isang kurot sa aking tagiliran tulad ng sensation na nararamdaman mo kapag kinuhanan ka ng dugo o kaya’y binabakunahan.
Pagkatapos ko marinig na sabihin ng lalaki sa harap ko na parte siya ng Russian Mafia, tinurukan ako ng isang bagay na dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
”Bilisan mo, honey. Kailangan na nating umalis.” Pinagmadali ako ng mama ko pero hindi ko alam kung bakit. Maayos ang lahat bago ako pumunta sa kama. Laging ayos ang lahat.
Pinanood ko mula sa tabi ng aking kama ang pagpasok ng mama ko sa ilan sa aking damit sa loob ng isang suitcase at and tangin nasabi ko ay, “Aalis ba tayo, Mama?”
Tumingin siya sa akin at natakot ako dahil sa kanyang expression. Mukha siyang takot. Kung natatakot si Mama, dapat matakot rin ako. Siya ang taga-protekta ko.
“Maikling panahon lang.”
“Pero bakit? Ayokong umalis.”
Kinuha ko agad ang stuffed bunny sa kama ko at niyakap ito ng mahigpit. Kung pipilitin akong umalis dito, kakailanganin ko ang stuffed bunny ko.
“Pangako, maiintindihan mo rin kung bakit ko ito ginawa balang araw,” sinabi sa akin ng mama ko bago niya kunin ang aking kamay at akayin ako pababa ng hagdan sa aking mga PJ.
Meron nang isang maleta na naghihintay sa baba. Malamang kay Mommy yun. Kahit na sinabi niya na maiintindihan ko din ang lahat, nakakalito pa rin ang mga bagay ngayon.
”Dadalhin ko ang mga bag natin sa sasakyan. Hintayin mo ako dito, okay?” sinabi niya sa akin at tumugon ako ng isang simpleng tango.
Pinanood ko habang dinadampot ng mama ko ang kanyang maleta at binuksan ang pinto.
Nalaman lang namin na may matangkad na lalaking naghihintay sa kanya nang buksan niya ang front door ng sasakyan. Ang makita lang ito ay nagdala na ng takot sa kanya, sapat na para mapasigaw siya at mapaatras.
”Ano ang sinabi ko, Fiona? Hindi ka aalis. Palagi akong nauuna ng isang hakbang sayo,” ang nakakatakot na lalaki ay tumawa bago tumingin sa akin. “Matulog ka na ulit, Elaina. Hindi kayo pupunta kahit saan ng mama mo.”
Minulat ko ang aking mga mata at napansin na nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Malaki ito at masyadon malawak. Hindi ko kailangan ang halos kalahati ng kwarto pero yun ang pinakamaliit na alalahanin ko.
Wala ako sa bahay, at wala akong idea kung nasaan ako.
Maingat akong dumulas sa kama, tumayo ako ng mabuti at naglakad papunta sa pintuan. Baka may tao sa labas. Baka nasa labas si Vadim.
Pero masyadong halata naman sa puntong ito kung bubuksan ko ang pintuan.
Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito mula sa labas. Kahit na anong hila at yugyog ko sa doorknob, hindi ito gumalaw ni minsan kaya hinampas ko na lang ng mga kamay ko ang pinto.
Hindi na makatotohanan ito. Biglang nabaliktad ang buhay ko dahil sa mga kadahilanang hindi ko na maintindihan.
Biglang may tumulak ng pinto kaya nahulog ako sa sahig.
Tumingala ako para makita ang isa sa mga lalaking nasa bahay namin bago ako nag-blackout. Nakasuot pa rin siya ng isang suit at hindi pa rin siya nakangiti.
“Gusto kang makita ng papa mo.”
“Hindi siya ang papa ko,” sagot ko nang hindi ko talaga iniisip ang anumang maaaring maging kahinatnan ng ginawa ko.
Hindi siya tumugon maliban sa pagsenyas ng kanyang ulo para tumayo ako. “Tayo.”
Hindi mo siya kailangang pakinggan, ang patuloy kong sinabi sa sarili ko pero alam kong hindi ko alam kung magagawa ko yun. Pero sinunod ko siya. Kung totoo ang sinabi ni Vadim tungkol sa mga taong ito, pwedeng nasa panganib ako.
Kung paano ako napunta sa sitwasyong ito, hindi ko alam, tulad na lang ng hindi ko alam kung paano ako makakatakas.
Tumayo ako mula sa sahig at sumunod sa likuran ng lalaki habang inaakay niya ako sa hallway. Ang hallway ay mahaba, bahagyang madilim, at hindi medyo nakakaengganyo sa aking palagay.
Ang mga sahig ay natatakpan ng red carpet, at sa opinyon ko, pangpelikula lang ito pero para sa akin lang yun.
Ang hall ay puno ng iba’t ibang pinto at hindi ko maiwasang isipin kung ilang tao ang nakatira dito at kung nasaan ba eksakto ang dito. Masyadong malaki ang bahay na ito. Walang sinuman sa Ohio ang may bahay na ganito kalaki.
Huminto ang lalaki sa isang pintuan na medyo mas malaki kesa sa iba at kumatok. “Sir, si Viktor ito.”
Narinig kong tumugon si Vadim, “Pasok, Viktor.”
Binuksan ni Viktor ang pinto. Nakaupo si Vadim sa likod ng isang malaking kulay cherry na mesa at nagsusulat ng mga bagay na para bang isa siyang negosyante.
Pero ang naging sanhi ng pagbagsak ng aking puso ay ang baril na napansin kong kaswal na nakapatong sa tuktok ng kanyang lamesa.
“Napakaganda, di ba?”
Tumingala ako at pagkatapos ay napansin na nakatingin ako sa baril. “Ako…”
“Malamang tinatanong mo sa sarili mo, 'Pumatay na ba siya ng tao gamit ang baril na yan?' o, 'Nagsasabi ba talaga siya ng totoo?'
“Well, my dear, ang sagot sa parehong mga katanungang yun ay oo,” sabi ni Vadim na may isang mayabang na ngiti sa mukha bago ibinaba ang ballpen na hawak niya. “Iwan mo muna kami, Viktor.”
Tumango si Viktor at lumabas ng kwarto. Ngayon, kami lang ni Vadim ang nasa kwarto, kasama ang nakakakilabot na silver na baril na hindi ko mapigilang titigan.
“Umupo ka, Elaina. Marami tayong dapat pag-usapan.” Sumenyas siya sa upuang nasa harapan niya. Nang kunin niya ang baril, agad akong napaatras na naging sanhi ng pagtakas ng isang ngiti sa kanyang mala-demonyong mga labi.
“Wag mo sabihin sa akin na sa tingin mo nagpakahirap akong dalhin ka dito para lang patayin ka? Umupo ka, Elaina. Hindi na ako magtatanong pa.”
Nagpakahirap dalhin dito? Gaano kami kalayo sa bahay namin sa Ohio?
Dahan-dahan akong umupo sa isang upuan na nakaposisyon sa harap ng kanyang mesa at inilagay ang aking mga kamay sa aking kandungan. “Saan… nasaan tayo?”
“Habang natutulog ka, dinala kita sa bahay natin sa Chicago,” sagot niya na naging sanhi ng paglaki ng aking mga mata.
Nagsimulang magkarera ng aking puso nang maging malinaw ang mga bagay. Kidnapping ito. Wala na ako sa parehong state.
“Nasaan ang mama ko?”
“Huwag kang mag-alala tungkol sa kanya. Ayos lang siya… sa ngayon. Hangga't sinusunod mo ang mga utos ko, hindi masasaktan ang mama mo,” pagtitiyak sa akin ni Vadim pero dahil hindi ko alam kung anong mga iuutos niya, nag-alala ako.
“Anong mga utos?”
Tumayo siya mula sa kanyang mesa at nilibot ito para maabot ang gilid ko. “Ang pinakamahalaga sa ating family business ay ang tiwala, Elaina. Yun at bonds.
“Kailangan nating magkaroon ng malapit na ugnayan sa maraming tao hangga't pwede, malalakas na tao, para sa ating pakinabang.”
Tinutukoy niya ang Mafia stuff na ito bilang isang family business, na para bang ito’y isang bagay na maipagmamalaki. Kriminalidad ito at walang pumipigil sa kanila.
Kung Mafia sila, nasaan ang mga pulis?
“Bumubuo kami ng ugnayan kasama ang Italians. Magandang pagkakataon to at isang magaling na galaw,” patuloy niya pero kung paano ako nasasangkot dito ay wala akong idea.
“Si Marco Acerbi ang head ng Italian Mafia. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng Acerbi, Elaina?”
Pasimple akong umiling.
“Ang ibig sabihin nito ay malupit. Malalakas silang tao-isinasabuhay nila ang kanilang apelyido. Kailangan natin sila.” Tinaas ni Vadim ang aking baba para tumingin sa kanya bago sinabi na, “Para makuha yun, magsasama ang ating mga pamilya.
“Ikakasal ka sa anak ni Marco na si Valentino.”
Hindi to totoo.
Nalaglag ang panga ko. Tumingin ako sa kanya ng puno ng pagkabigla ang aking mga mata bago sinabi sa isang mahigpit na tono, “Ayoko.”
Bago ko pa mapagtanto kung gaano ako katanga para sumagot pabalik sa mapanganib na estranghero sa harap ko, sinalubong ng likod ng kanyang kamay ang aking mukha. Napahawak ako sa gilid ng upuan para sa suporta.
“Huwag na huwag mo akong masagot ng ganyan. Igagalang mo ako at oras na dumating ang mga Acerbi ngayong gabi, igagalang mo rin sila.” Ngayon ay nakairap na siya sa akin at nagsasalita sa pagitan ng kanyang mga ngipin.
Nag-aapoy ang aking mukha at alam kong may maiiwan na marka kung pagbabasehan ang sakit na nararamdaman ko. Kahit kailan sa buhay ko hindi pa ako sinasaktan ninuman. Hindi ng mama ko at kahit ng ibang bata sa eskuwela. Ito ang una.
Pupunta sila dito. Ang mga Italian. Nakakulong ako sa isang bahay na puno ng mga Mafia na balak akong gamitin bilang isang pawn sa kanilang laro.
Ayon kay Vadim, malupit ang mga ito. Hindi ito nakatulong na pagaanin ang pakiramdam ko sa pakikipagkita sa kanila.
Pipilitin niya ako na magpakasal sa isang estranghero, sa isang kriminal, lahat para lang lumikha ng isang bond sa loob ng iligal nilang business.
Hindi nagsimula ang adult life ko sa eighteenth birthday ko; natapos ang buong buhay ko.
***
Nagpadala si Vadim ng damit sa kwarto kung saan ako nagising kanina lang para maihanda ko ang aking sarili para sa hapunan kasama ang Acerbis.
Kulang na lang ay siya mismo ang magbalot sa akin at maglagay ng isang bow sa akin na para ba akong isang regalo. Halos magmukha na itong isang sex trade.
Para isipin na sa baluktot na mundong ito, siya ang biological father ko ay lalong pinalala ang muhi na nararamdaman ko.
Wala siyang ni isang paternal bone sa kanyang katawan. Ang mahalaga lang sa kanya ay kapangyarihan pero yun naman ang aasahan mo sa isang Mafia sa pagkakaalam ko.
Hanggang ngayon, hindi ko alam na meron pa rin pa lang mga Mafia. Sa isip ko ay nawala na ang mga ito noong seventies o kaya naman ay noong eighties.
Tumayo ako sa harap ng isang stand-up mirror na nakalagay sa kwarto at tinitingnan ang damit, malalim na nag-aalala dahil masyadong perpekto ang fit ng damit sa katawan. Hindi ito masyadong maliit, o masyadong malaki. Perpekto lang ang laki nito.
Niyakap ng black fabric ang aking katawan at umaabot ito hanggang sa taas ng aking tuhod. Bahagya rin itong nagpapakita ng cleavage.
Kung ako ang papipiliin, hindi kulay black ang pipiliin ko para sa okasyon. Pakiramdam ko ay pupunta ako sa isang libing—pero sa isang banda, pwedeng ito na ang aking libing.
May kumatok sa pintuan, at kinakabang sinulyapan ko ito. “Bakit?”
Nang bumukas nang bahagya ang pinto, sumenyas si Viktor sa akin. “Bilisan mo. Dumating na ang mga Acerbi.”
“Uh… meron ba tayong makeup?” Ito ay isang katawa-tawang tanong, alam ko pero tumatawag ng pansin ang malaking pasa sa mukha ko mula sa sampal na ibinigay sa akin ni Vadim.
Kung meron lang sana akong foundation para takpan ito.
Inikot ni Viktor ang kanyang mga mata. “Makinig ka, princess, hindi ka dinala ng papa mo dito para i-spoil. May dalawang minuto ka na lang.”
Iyon ay isang bagay na napagtanto ko: hindi siya isang ama; siya ay isang businessman. Ayokong magpakasal pero gusto ko ring maging ligtas ang mama ko.
Kaya ngayon, kailangan kong bumaba at maghapunan kasama ang isang grupo ng mga maniac na may mga baril na nakakabit sa kanilang balakang.
Walang maidudulot na ginhawa ang sitwasyon na yun pero kailangan kong sundin ang ama ko habang hindi pa ako nakakahanap ng paraan para makatakas—at ako ay makakahanap ng paraan para makatakas.
Inayos ko ang aking mahabang brown na buhok, pinapanatili itong simple at nakababa. Wala din naman akong magagamit para mag-ayos at wala rin akong balak na iimpress ang sinuman. Isang malaking pagdurusa.
Nang buksan ko ang pinto, nakita ko ang inip na naghihintay na Viktor na sinimulang akayin ako pababa nang walang salita.
Medyo intimidating siya. Hindi ko pa siya nakita na magpakita ng emotion and hindi rin siya madalas magsalita. Palagi lang itong sumusunod sa mga utos.
Hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataong umikot sa paligid, kahit na hindi ako sigurado kung papayagan nila ako. Naka-lock ako sa kwarto na yun buong araw na parang si Rapunzel pero hindi ako maililigtas ng buhok ko mula sa gulo na ito.
Nang makarating kami sa baba, binuksan ni Viktor ang malalaking pintuan na patungo sa dining room. Sa tapat ni Vadim, dalawang lalaki ang nakaupo at nakasuot din ng mga mamahaling suit.
Sa tingin ko narinig nila ang paglunok ko dahil sabay sabay silang lumingon sa direksyon ko ng gawin ko yun.
“Ayan na siya,” anunsyo ni Vadim bago sumenyas sa upuan sa tabi niya. “Umupo ka, Elaina.”
Inilagay ko ang isang hibla ng aking buhok sa likuran ng aking tenga at dahan-dahang lumakad papunta sa mesa. Nararamdaman ko ang pag-alog ng aking katawan, at alamkong nakita din nila ito.
Kinikilabutan ako. Hindi ko basta basta lang maitatago yun. Lalo na ngayon na maraming mga tao ang nag-uusap tungkol sa buhay ko at wala akong kontrol dito.
Dahan-dahan akong umupo sa upuan sa tabi ni Vadim pero nakatingin lang ako sa platong walang laman sa harapan ko. Walang laman tulad ng puso ko.
“Elaina, huwag kang maging bastos. Payagan mo akong ipakilala sila sa iyo,” saway sa akin ni Vadim, na naging dahilan ng pag-angat ko ng aking ulo. Ang huling bagay na gusto ko ay isa pang sampal sa mukha.
Sumenyas siya sa direksyon ng matandang lalaki na may itim na buhok na nahahaluan ng ilang gray hair. “Ito si Marco Acerbi.”
“Hello,” mahina ang salita ko pero lumabas ito bilang isang matinis na bulong. Tulad siya ng inilarawan ni Vadim. Matigas ang hitsura nito at walang makikitang pagbati sa kanyang mukha.
Ni hindi man lang niya binalik ang bati ko.
Pagkatapos ay lumingon si Vadim sa nakababatang lalaki. Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha at alam ko na kung sino ito. “Ito naman si Valentino Acerbi. Siya ang next in line para maging capo ng mga Italian.”
“Capo?” tanong ko. Naalala kong narinig ko na ang salitang yun mula kay Vadim kanina pero hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin.
“Leader,” sinabi sa akin ni Vadim.
Sinulyapan ko si Valentino. Ang kanyang mga mata ay dark brown at walang anumang damdamin. May itim itong buhok at wala ni isang hibla ng buhok nito ang wala sa ayos. Meron rin itong stubble sa mukha.
Hindi siya isang teenager, doon sigurado ako, at mukhang nakuha rin niya ang kanyang matigas na hitsura mula sa kanyang ama.
Ang kanyang mga labi ay nasa isang manipis na linya, at walang sinumang nagmalasakit na banggitin ang tungkol sa balak nilang pilit kaming ipakasal.
“Hanga din ako sayo, Vadim,” kalaunan ay nagsalita si Marco. “Eighteen years mong itinago ang anak mo para ingatan. Well done.”
“Mapanganib ang business natin,” mabilis na tugon niya, “at inaasahan kong seseryosohin ni Valentino ang trabahong yun pag naging isang Acerbi na si Elaina.”
Hindi nagkaroon ng pagkakataong magsalita para sa sarili niya si Valentino; ang kanyang ama ang nagsalita para sa kanya. “Pinapahalagahan namin ang pamilya.
“Ang pangalang Acerbi ay importante at sa sandaling maging bahagi na siya ng pamilya, magiging untouchable din siya.”
Napansin kong lumaki ang ngisi sa mukha ni Vadim. “Mukhang meron pa tayong kasal na kailangang planuhin.”
Tayo. As insila ay may kasal na plaplanuhin. Binebenta ako sa isang lalaking hindi kayang ngumiti o magsabi man lang ng hello. Baka nga sa garahe pa ako tumira habang nakahiwalay siyang nakatira sa totoong bahay.
Gustong gusto kong tumanggi pero sa huling pagkakataon na ginawa ko ito, sinampal niya ako.
“Mas maganda kung gawin natin ito sa madaling panahon,” maikling sagot ni Marco. “Hindi na bumabata si Valentino at tulad ng pagkakaalam mo, Vadim, ang mga union ay napakaimportante.”
“Oo naman.”
Pinatunog ni Vadim ang kanyang mga daliri at sa loob ng ilang segundo, inabutan siya ng mga maid ng tatlong tabako. Pinasa niya ang isa kay Marco, na magiliw nitong tinanggap, at inabot ang isa pa kay Valentino.
“Hindi bagay sa panlasa ko ang mga tabako,” sagot niya.
“Isang pagdiriwang ito, anak. Ang pagsasama ng dalawang makapangyarihang pamilya. Napakagandang oportunidad nito,” giit ni Vadim na hinihimok si Valentino na kumuha ng tabako.
Napansin kong naging madilim ang mga mata ni Valentino habang nakatingin kay Vadim. “No. Non mi prova.”
Translation: Huwag mo akong subukin.
Napatingin ako sa kinalalagyan ko, hindi komportable. Naramdaman ko ang pagbabago ng hangin sa paligid. Kaya akong sampalin ni Vadim pero ibang usapan na ang pagsampal kay Valentino.
“Calma, figlio,” sabi ni Marco kay Valentino bago muling ituon ang pansin kay Vadim. “Nasaan na ang pagkain, Vadim? Medyo matagal na tayong naghihintay.”
Translation: Huminahon ka, anak.
Mabilis na nagbago ang usapan at halos buong gabing nanatili ito sa English, na hindi rin mahalaga sa akin dahil hindi naman ako kasali sa usapan.
Nag-usap ang mga kalalakihan, kadalasan sina Vadim at Marco, habang ako ay nakaupo lang ng tahimik sa buong hapunan. Ako ay isang rebulto, takot na takot na huminga at takot na takot na gumalaw.
Malamang ay hinahanap na ako ng mama ko ngayon. Sa unang pagkakataon na meron ako, tatakas ako. Wala akong balak gugulin ang buhay ko na sangkot dito. Hindi ko ginugol ko ang buhay ko na kasangkot dito. Katawa-tawa.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!