Si Quincy ay isang human na namumuhay kasama ng isang pack ng werewolves na kinamumuhian siya. Kahit na ang kanyang sariling nanay ay nakikita siya bilang isang drunken mistake. Lumayas siya na may aim na mabuhay ng normal kasama ang mga human, pero nakilala niya si Prince Caspian. Hindi siya human; hindi siya wolf… Ano siya? Ang tanging bagay na sigurado siya ay si Prince Caspian ang pinakamagandang lalaki na nakita niya — at parang mesmerized din ito sa kanya! Pero galing sila sa magkaibang mundo…
Age Rating: 18+
Trapping Quincy – NicoleRidd3y

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Banehallow Palace, Russia
Ang aking trusted assistant, si François, ay hawak ang aking robe habang bumabangon ako sa kama. Mga mahahabang binti na nakapulupot at mga kamay na perfectly manicured ang nag-stick out sa ilalim ng mga kumot.
“Gisingin mo siya at sabihan mo si Beckett na ihatid siya pauwi,” sabi ko kay François habang sinusuot ko ang aking robe.
“Your Highness… Saan ka sa palagay mo pupunta?” sabi ng isang malambing at nakakaakit na boses mula sa kama.
Pagkalipas ng isang segundo, ang kanyang inaantok na mukha na may mga magulo na ringlet ng brown hair ay lumitaw mula sa ilalim ng kumot.
“Matutulog na ako. Kailangan mong umuwi,” maikli kong sabi, handa nang umalis.
“Pero, Prince Caspian, nasa kama na tayo. Ibig kong sabihin ikaw ay…”
Tumayo siya mula sa kama ng wala man lang kahit anong suot at dumikit sa likuran ko. Ang kanyang mga kamay ay nagsimulang gumala sa aking dibdib at pababa sa aking lower region.
Hindi man lang nag-bat ang mga eyelid ni François. Masyado na siyang maraming nakita dati.
“Bumalik ka sa kama at pasasayahin kita, Your Highness.” Lalong naging bold ang mga kamay niya.
Inalis ko ang kanyang mga daliri sa akin at muling itinali ang aking robe. Hindi ko karaniwang kailangan ulitin sa mga tao ang dapat gawin.
“Bakit hindi natin pwedeng i-spend ang buong gabi ng magkasama?” Nararamdaman ko ang pag-pout niya sa likuran ko. Nagiging clingy siya. Ayoko sa clingy. “Bakit hindi ako pwedeng matulog sa kama mo?”
Nope, hindi siya makakalapit sa aking private quarters.
“Last night was magnifique, my prince.”
Siyempre, iyon ang iisipin niya. Dalawang beses ko na siyang nakasama, at nagsasawa na ako. Maganda siya, katulad ng karamihan sa mga babaeng lycan, pero ito na ang huling pagtapak niya dito.
“Anong oras na, François?” Tanong ko sa aking assistant habang sinusuot sa aking tsinelas bago ako lumabas ng kwarto.
“Halos alas kwatro na ng umaga, Your Highness,” sagot niya matapos na sulyapan ang kanyang relo sa bulsa.
“Prince Caspian! Please…” Naririnig ko ang kanyang whiny na boses sa likuran namin.
“Siguraduhin mong nakabihis siya. Pagkatapos i-escort siya palabas,” sabi ko kay François, kahit na alam kong hindi niya kailangan ng instruction.
“Sisiguraduhin kong nakalabas na siya bago siya makita ng sinuman o malaman ng queen ang tungkol sa kanya,” sagot niya.
Tumango ako kahit wala akong pakialam kung makita ni Mother ang aking latest conquest. Sa totoo lang, mas mabuti kung malaman niya. Huminto ako sa paglalakad. “François?”
“Yes, Your Highness?”
“Siguraduhin na i-escort mo siya sa main entrance,” sabi ko sa kanya. Lumalaki ang ngiti ko. Malalaman ito ni Mother.
“Bobo ka, alam mo ba yun?” sabi ng pinsan kong si Constantine. Walang doubt na narinig niya ang tail end ng mga instruction ko kay François.
“Oh, alam niya iyon,” ungol ni Lazarus.
Nag-rerelax na ang aking mga balikat, at ang aking mood ay nag-improve agad nang malaman kong napapalibutan na ako ng aking trusted friends.
Narating ko ang east wing ng palasyo kung saan ako pwedeng maging aking sarili. Kung nasaan ang aking pack members. Ang aking pamilya.
Bilang crown prince, natutunan ko nang napaka-aga at sa mahirap na paraan na hindi lahat ay mapagkakatiwalaan.
Lahat may gusto mula sa akin. Iniingatan ko ang mga iilang pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan.
Si Lazarus ang guardian at head of security ko. Siya rin pala ang pinsan ni Constantine mula sa mother’s side.
Ilang siglo na kaming magkasama. Lahat kami ay magkakasing-tangkad, around six feet five, pero si Lazarus, na isa sa aming best warriors, ay mas malaki ang katawan.
“Ano ang ginagawa niyong dalawa at wala kayo sa kama sa oras na ito? Wala ba kayong mates para pasayahin?”
Pareho nilang natagpuan ang kanilang mga mate o sa halip ay “erasthai” para sa amin mga lycans. Lucky bastards.
Ang kanilang mga mate ay bahagi na rin ng aming maliit na pack. Natagpuan ni Lazarus ang kanyang erasthai, si Serena, over sixty years ago.
Inangkin ni Constantine si Genesis three years ago. Parang mga kapatid na sa akin sina Serena at Genesis.
“Sinasamahan ni Genesis si Penny sa airport habang nag-uusap tayo,” sagot ni Constantine.
“Ano? Ngayon?” Tinanong ko siya. “Hindi man lang naghintay ang aking Beany para magpaalam? Wala siyang sinabi tungkol sa pag-alis niya kagabi.”
Si Penny, o Beany na tawag ko sa kanya, ang matalik na kaibigan ni Genesis. Natuklasan namin na siya ang erasthai ni Commander Darius Rykov, isa sa aming malapit na kaibigan.
Tinanggap namin siya bilang isa sa amin, kahit na hindi pa siya inaangkin ni Commander Darius, na ikinalulungkot namin.
Siya ay mapagkakatiwalaan, matapat, at malakas… kahit na napaka-pikon. Natutuwa ako sa pang-gugulo sa kanya.
“May nangyari siguro kagabi para umalis siya. Ayaw niya sabihin kung ano ito, pero mukhang upset siya,” paliwanag ni Constantine.
“Nabanggit ni Darius na may iba siyang gustong markahan,” ang sagot ni Lazarus.
“Edi tanga siya!” Ungol ko. Hindi ako naniniwala na naiisip niya ring markahan ang iba kahit na natagpuan niya ang kanyang erasthai.
“Huwag kang makisali,” babala ni Lazarus. Hindi ako gagawa ng ganoong mga pangako.
“Oo, masyado kang maraming problema, Caspian,” pagsang-ayon ni Constantine.
“Magkakagulo kapag narinig ng queen ang tungkol sa iyong latest indiscretion. Paalisin mo ba naman sa main entrance.”
Umiling siya sa aking newest stunt. “Sasabog ang impyerno.”
O, inaasahan ko iyon.
Ngumiti ako at hinila ang pinto pabukas nang maabot namin ang aking kwarto. Binigyan ko sila ng mabilis na pag-saludo bago ako mawala sa loob. Naghihintay ako ng pagsabog ng impyerno.
***
Palaging may tensyon sa pagitan namin ni Mother. Bilang crown prince, may responsibilidad akong mag-mate at palitan ang tatay ko sa trono.
Ang aking ina, si Queen Sophia, ay nilinaw ang choice niya sa anyo ni Lady Celeste, ang anak ng isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan.
Kalimutan na ang idea ng paghahanap ng aking erasthai. Markahan si Lady Celeste at maging hari.
Bilang isang lycan, ipinanganak kami para makilala ang The One. Ang aming erasthai. Ang aming life force.
Ang tumatawag para sa aming kaluluwa. Ang magfi-fit sa amin ng higit pa sa pisikal, sa pangkaisipan, at sa espiritual na aspeto kapag namarkahan at inangkin na namin.
Pwedeng ako ay isang player, pero kapag nabuhay ka ng daan-daang taon habang naghahanap, nagsisimula na gumapang ang kalungkutan.
Alam ko na walang dami ng meaningless hookups ang magpaparamdam sa akin ng kabuuan.
Lahat ng mga babaeng nakaka-hook up ay ko alam ang score. Karamihan sa mga ito ay mga sophisticated socialite. Tiyak na walang blushing virgins. Alam nila kung anong makukuha nila sa akin. Pag-sasaya lang.
Gayunpaman, ang ilan ay nagiging clingy. Karamihan sa kanila ay umaasang maging susunod na reyna.
Tumanggi akong markahan ang sinuman. Hindi kailanman masa-satisfy ang aking kaluluwa sa pagmamarka sa ibang tao bukod sa mate ko. Tiyak na hindi iyon si Lady Celeste. Hahanapin ko ang aking erasthai balang araw. Kailangan kong hanapin siya.
Gaya ng inaasahan, sumabog nga ang impiyerno. Nagkaroon kami ng aking ina ng isang malaking pagtatalo kinaumagahan.
Winasak ko ang ilang bahagi ng palasyo dahil sa pagtatalo, kasama ang aking sariling kwarto.
Ang laban ay mayroon ding inaasahang resulta: in-encourage ako ng aking ama na si King Alexandros na magpahinga.
Nangangahulugan iyon na malaya akong manatili sa Banehallow Palace at Russia sa loob ng ilang taon. May plano ako.
“Dalian mo na, Red, ibato mo na ang dart,” urge ko kay Genesis matapos ang aking huling dart na lumapag sa isang lugar sa gitna ng Lake Huron.
Oo, tama. Ang aking grand plan ay ang magbato ng isang dart sa mapa para malaman kung saan namin sasayangin ang mga susunod na taon.
“Napakabobo nito, Caspian. Pagbabato ng dart? Talaga? Bakit hindi na lang tayo pumili ng magandang college na nag-ooffer ng magandang program na gusto natin, mag-apply tulad ng ginagawa ng mga normal na tao, at pumunta na lang?”
Boring.
“Walang kwentang paraan iyon. Tyaka, mas masaya ito,” sabi ko. “Tingnan mo, sa huling pagkakataong ginawa ko ito, nakilala mo si Constantine. Iniisip mo pa ring kabobohan ito?”
At least plano ko na mag-aral sa college sa halip na isang high school tulad ng last time. Ang mga taong ito ay dapat na nagpapasalamat. Nasaan ang pasasalamat?
“Sige na nga!!!! Akin na iyan!” bulalas niya sa inis.
Sumusumpa ako sa tingin ng kanyang mga mata na mas gugustuhin niyang ibato iyon sa aking noo. Oh, Red.
Alam kong naiinis siya kapag tinawag ko siyang Red, pero sa kanyang distinctive red hair at kabaliwan, nagfi-fit ito.
“Sinabi mo ba sa iba pa na ganito mo pagpapasyahan ang gagawin nila for the next few years? Sa pagbato ng isang dart sa mapa?”
Napapikit siya at naghahanda na mag-aim.
“Hindi! Ikaw lang ang sinabihan ko ng secret. Dapat maging honored ka, Red.”
Ang dart ay nag-whizz sa hangin at nag-land mismo sa gilid ng USA. Malapit sa karagatan.
“Ayan na! Nagsalita na ang dart. I-pack mo na ang bag mo, Red. Pupunta tayo sa California.”
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Kung gumawa ka ng masamang bagay, hindi ka na nila sasabihang umulit. Yan ang sinabi sa akin ng aking Nana.
“Quincy!!!!!”
Sinigaw ng sinuman ng aking pangalan mula sa kusina. Jeepers!!!! Sa palagay ko ay na-discover na nila ang mga itlog na iyon.
Well, sinabi ng aking Nana na baka hindi na nila hilingin sa iyo na gawin ito muli, pero hindi niya sinabi na hindi ka masisigawan.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking paa sa bintana at papunta sa ledge. Noong nahanap ko ang footing ko, inilipat ko ang aking buong katawan habang ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa frame ng bintana.
Yessss!!! Halos naaamoy ko na ang kalayaan ko. Freedom, narito ako!!!
“Ayan na siya,” sabi ng pamilyar na boses mula sa ibaba. Tumingin ako sa ibaba para mahanap ang ilang set ng mga angry-looking eyes.
“Sinabi ko na sa iyo na susubukan niyang makatakas dito,” dagdag ng aking fifteen-years old na half-sister na si Caitlin Rose, nakaturo pa rin sa akin ang kanyang daliri.
Naku, sayang! Ang lapit na!!!
***
“Hindi ako makapaniwala na hindi mo kayang maglaga ng mga itlog nang hindi sinusunog!” sigaw ni Luna Bianca.
Si Luna Bianca ay mas matanda lang sa akin ng isang taon, at hindi niya ako gusto dati. Ngayon tingin ko kinamumuhian niya ako.
“Huwag ka na mag-abalang bumaba para sa hapunan ngayong gabi. Kakain ka ng itlog sa susunod na mga araw.”
Naririnig ko ang ilang mga snicker na nagmumula sa pintuan. Sigurado akong ang ilan sa kanila ay galing sa pinsan kong si Joelle, at sa kanyang barkada.
O-kay, sunog na mga itlog ng ilang araw. Got it.
So, hindi ako marunong magluto. Sue me. Sinubukan akong turuan ng aking Nana. Pati siya sumuko! Sinubukan ko naman.
Bakit, isang buwan lamang ang nakakalipas, si Gemma, ang pack cook, ay iniwan ako. sa paggawa ng isang pasta dish. Sinunod ko ang instruction niya to a T. Sumusumpa ako na ginawa ko.
Hindi ko kasalanan na nagpasya mag-clump ang pasta at ang sauce ay nagpasya na tumalon mula sa kaldero. Naging isang malaking clump ang pasta… o kung ano man.
Ang sauce ay sumabog at umusbong na parang molten lava sa buong lugar. It was everywhere! Mas maganda pa ito kaysa sa science project namin sa school.
Maliban sa lahat ay sumigaw, at kailangan kong maglinis pagkatapos, at lahat ay asar na asar, at kailangan kong matulog na gutom… muli.
Hindi na nila ako hinayaang magluto ulit. Hanggang ngayon.
Nakalimutan siguro nila ang pasta fiasco na iyon. Sinabihan ako na pakuluan ang mga itlog kaninang umaga. Ang daming itlog!
Sa palagay ko gusto ni Gemma na gumawa ng mga deviled eggs, o kung ano man. Naghintay ako at hinintay na kumukulo ang tubig. Oh, ang tagal kong naghintay!
Tapos nagsawa na akong maghintay. Noon ako umakyat at nagpasyang magbasa nang kaunti. Nang maamoy ko ito, huli na ang lahat.
Tumunog ang smoke alarm. Itim na mabahong usok ang lumalabas sa kaldero. Ang isang buong level ng pack house ay naging foggy at nangamoy na nasunog na itlog.
Ang tubig ay nag-evaporate na talaga. Ang mga itlog sa ilalim ng kaldero ay nangitim at nadurog. Ang natitirang mga itlog ay amoy sunog.
Tumakbo ako sa paligid ng kusina at pinaypayan ang alarm ng basahan, binubuksan ang lahat ng mga bintana, nagmumura na tulad ng isang marino.
Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin! Eeekkk!!! Narinig ko ang pagpasok ng mga yabag. Kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ko at sinubukang tumakas sa bintana, at doon nila ako nahuli.
***
Nakatira ako sa isang pack house ngayon. Gusto nila akong maging isa sa mga cook sa bahay. Hindi naman sa isang Omega ako o kung ano.
Nope, mas malala ako. Human ako! Paano titira ang isang katulad kong human sa isang pack house na puno ng mga werewolves?
Well, ito ay isang mahabang kwento, pero ang maikling version ay, ang aking nanay ay isang werewolf.
Siya ay nagkaroon ng drunken night sa bayan noong nagrerebelde siya. Masyado siyang nag-saya kasama ang isang human. Bibbidi-bobbidi-boo! Pagkalipas ng siyam na buwan. Voilà ! Ako!!!
Soo paanong isa akong human. Hindi ba ibig sabihin non na kalahating werewolf ako?
Sa totoo lang, technically, oo, pero ang amoy ko ay katulad ng sa human, at wala akong inner wolf para magbago ng anyo.
Hindi ko nakuha ang pangalan ng aking werewolf na binubulong sa isang panaginip, signal na ang pagbabago ko ay malapit na mangyari sa ilang araw kapag ako ay naging thirteen o fifteen years old.
Kaya isa akong human. Ang galing lang diba!
Sino ba ang gusto na maging isang werewolf?
Sino ang gusto na mag-transform sa isang ugly, furry… pero medyo cute, fierce-looking na hayop at magta-tatakbo… at magkaroon ng mga magulang na ipinagmamalaki sila at tinatrato nang mas mabuti…
Well, hindi ako. Halata naman!
Sa palagay ko nangangahulugan ito na hindi ko mase-sense ang aking mate kapag ako ay naging eighteen sa loob ng ilang araw.
Well, good! Sino ang gusto ng mate na magiging possessive at restrictive… pero protective at loving, kahit anong mangyari…
Well, hindi ko kailangan ng mate! Hindi. Ayaw. Hindi ko kailangan ito.
Ang aking nanay ay nakilala ang kanyang mate isang buwan o higit pa pagkatapos niya ako ipanganak. Iniwan niya ako sa nanay niya, ang aking Nana, na naninirahan nang mag-isa matapos mamatay ang kanyang mate hindi masyadong matagal bago iyon.
Kaya, pinalaki ako ng aking Nana. Siya lang ang nagmahal sa akin. Tumira ako sa kanya hanggang three months ago.
Siya ay namatay. Ilang buwan na lang bago ako mag-eighteen.
Napakarami namin na mga plano. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya.
Ibinebenta nila ang bahay niya, kaya inilipat nila ako rito. Sa palagay ko dapat akong magpasalamat na hindi nila ako itinapon sa kalye.
Kaya nakatira ako dito ngayon kasama ang aking nanay at ang kanyang pamilya — ang kanyang asawa, AKA ang aking stepdad, si Jon, at ang kanilang anak na si Caitlin Rose.
Ang bawat pamilya ay may isang unit dito na may isang maliit na family room at mga kwarto, depende sa kung gaano karaming mga anak ang mayroon ang isang pamilya. Sabay sabay kaming kumakain sa malaking dining room ng pack.
May sarili akong kwarto. Maliit lang. Okay, sobrang maliit at walang bintana.
Sa tingin ko ito ay walk-in closet talaga para kay Caitlin Rose, pero whatever. Kahit papaano may privacy ako. Sino ang nangangailangan ng isang malaking kwarto kung ako ay pwedeng maging katulad ni Harry Potter?
***
Lagpas 9 pm na, at umuungol ang aking tiyan. Wala akong kinain ng buong araw ngayon. Nagtago ako sa kwarto ko mula sa egg fiasco kaninang umaga.
“Tumigil ka sa pagtitig sa akin ng ganyan, Oliver,” babala ko sa best friend ko. “Hindi ako duwag. Wala lang akong ganang mag-socialize ngayon.”
Well, okay, si Oliver ay isang lumang teddy bear, pero may mga mata ito na pwedeng tumitig at pwersahin umamin ang kahit sino sa isang krimen na hindi naman ginawa.
Itinalikod ko si Oliver para humarap sa dingding.
Umuungol na naman ang tiyan ko, at bumuntong hininga ako.
Ang TV ay nasa family room. Siguro hindi sila matutulog anytime soon.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at gumapang mula sa kwarto, maingat na hindi magingay.
Nakaupo ang mama ko sa gitna ng sofa. Nakayakap sa kanya si Jon. Ang aking kapatid na si Caitlin Rose, ay nakaupo sa kabilang panig habang nakasandal sa balikat ni mama.
Ang daliri ni mama ay naglalaro ng marahan sa kanyang malambot na brown hair. Perfect model sila ng isang perfect family.
Tatlong set ng mga mata ang dumating sa akin nang sabay-sabay habang tumatawid ako sa family room mula sa likod ng sofa.
That damn werewolf hearing!
Tinitigan ko sila, at tumitig din sila agad. Medyo ginalaw ko ang aking mga paa, inililipat ang aking timbang mula sa isang paa papunta sa isa pa.
“Ano uh… kukuha ako ng mga itlog para sa hapunan,” ungol ko. Walang nagsasabi ng kahit ano.
“Well, okay,” dagdag ko pagkatapos at alanganing lumabas sa pintuan na may tatlong set ng mga mata na nakatitig pa rin sa akin.
Minsan naiisip ko kung ano talaga ang pakiramdam na belong sa kung saan, alam mo. Maramdaman na talagang ginusto, hindi lang tino-tolerate.
Katulad ni Caitlin Rose.
Pero, hindi ko ito bibigyan ng pansin. Mayroon akong isang medyo okay na buhay. Talagang swerte kung tinanong mo ako.
Mahal ako ng aking Nana. Oo naman, wala na siya ngayon, pero mahal niya ako noong siya ay nabubuhay pa.
Hindi ako kinamumuhian ng aking stepfather o anupaman. Kahit papaano, hindi naman siguro.
Madalas hindi ako pinapansin ng mama ko, pero minsan, okay naman siya sa akin.
Ayaw sa akin ng half-sister ko, pero isang bata lang siya.
Nakapasok ako sa kusina na hindi nakakasalubong ng kahit sino. Tumingin ako sa paligid ng kusina at nakakita ng isang malaking plastic container ng nasunog na mga itlog sa sahig malapit sa lababo.
Tinaas ko ang lalagyan hanggang sa counter ng kusina at tinanggal ang takip. Ang kakila-kilabot na amoy ay kumalat sa hangin.
Siguro iniwan nila sa akin ang mga nangitim sa ilalim at kinuha ang lahat ng pwede pang makain sa itaas.
Tiningnan ko nang hindi maganda ang black matter sa lalagyan. Kumulo ang aking tiyan, pero pag kinain ko ito, para na rin akong kumain ng uling.
“Oh, tingnan mo! Kakainin niya ang mga itlog na iyon!” bulalas ng pinsan kong si Joelle mula sa may pintuan.
“Dapat kumuha tayo ng pictures,” ang bitch clone niya, sorry, ibig kong sabihin ay sumali ang kanyang best friend, si Kelly.
“Hindi, kumuha ka ng video!” bulalas ng isa pang babae.
Isang group of eight o higit pang mga teenager ang nakatayo sa likuran nila. Excited lahat ng mukha nila. Sabik silang panoorin akong kumain ng maitim at nasunog na mga itlog.
Lahat maliban sa pinsan kong si Jorden at ang bestfriend niya na si Trey.
Si Jorden ay kapatid ni Joelle. Ang kanilang papa ay ang kapatid ng mama ko, na siya ring beta ng pack na ito. Si Jorden ay isang taon na mas matanda, habang si Joelle ay isang taon na mas bata sa akin.
“Dalian mo, isubo mo na!” sigaw ni Joelle. Nakahanda na ang kanyang iPhone.
“Galing! Pwede naming i-post ang picture para makita ito ng lahat,” sabi ni Dan, isa pang moron sa grupo.
Sumulyap ako kina Jorden at Trey. Naka-clench ang panga ni Jorden at nakatikom ang mga labi, habang si Trey naman ay umiiwas ng tingin sa akin.
Kinuha ko ang itim na mash ng nawasak na mga itlog, at lalo silang umingay. Kita ko ang kanilang mga mata na lumiwanag sa tuwa.
Mga bobo na werewolves! Hindi sapat ang entertainment sa pack house, siguro. Dapat silang makakuha ng Netflix para sa lugar na ito. May ganon ang Nana ko.
Nag-focus ako sa malaking noo ni Joelle, at ang aking mga labi ay nag-stretch sa isang malaking ngiti.
Thwack! Bull's-eye!!! Natahimik ang room.
Si Joelle ay may malaking glob ng egg pulp sa gitna ng kanyang noo. Ang itim na goo na may kaunting gray at yellowish mush ay dahan-dahang tumutulo sa kanyang mukha.
Pagkatapos ay nahuhulog ito sa sahig na may isa pang thwack , nag-splash ng black goo. Tumalon pabalik ang kanyang mga kaibigan.
“Aaarrrrgghhhhh!!!!!” Ang boses ni Joelle ang sumira sa katahimikan. Ang mga kaibigan niya ay nakatitig sa kanya sa sobrang takot.
Ang ilang mga batang lalaki ay nag-snicker, habang ang ilan, lalo na sina Jorden at Trey, ay nagpupumilit na pigilan ang pagtawa. Ipinakita sa akin ni Jorden ang isang proud smile bago siya lumingon para itago ito.
“How dare you, stupid human whore!!!! Pagbabayarin kita!” sigaw ni Joelle.
Bigla siyang lumapit. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na naka-fist sa kanyang mga tagiliran. Ang mga mata niyang hazel ay kumikislap at nagdidilim. Ang kanyang posse, si Kelly at ilang iba pang mga babae, ay lumapit sa akin.
Habang si Joelle ay mukhang galit na galit, si Kelly at ang iba pa ay mukhang masaya. Ang kanilang mga mata ay nanlilisik sa cruel delight. Oh uh… papatayin nila ako.
Kumuha ako ng isa pang dakot ng nasunog na mga itlog, handa nang ibato sa sinumang mangahas na lumapit.
“Hoy! Ano ang ginagawa niyong mga bata dito?” suway ni Old Mr. Maddox, ang aming dating Alpha.
Huminto sila sa kanilang mga track at mabilis na ibinaba ang kanilang mga ulo sa pag-submit. Kahit na ang Old Mr. Maddox ay hindi na namin Alpha, nag-eemit pa rin siya ng Alpha powers.
At least yun ang naiintindihan ko sa naririnig ko. Hindi ako nakakaramdam ng pag-submit kahit kanino, kahit na sa kasalukuyang Alpha.
Sinabi ni Nana na siguro dahil ako ay isang tao.
“Anong nangyayari dito?” tanong niya ulit. Old Mr. Maddox ay talagang matanda na, kahit na siya ay tough-looking parin.
Ang mukha niya ay kulubot na at leathery tanned na para bang nagtagal siya sa ilalim ng araw.
“Ginawa niya ito sa akin,” sabi ni Joelle, na nakaturo sa sarili.
“Dapat may mabuting dahilan siya para gawin iyan. Binubully niyo siguro siya,” sabi niya. “Ngayon, umalis ka na rito. Pabayaan mong mag-isa ang kawawang bata.”
May kung ano sa mga mata na Joelle habang lumalayas sila ng mga kaibigan niya na sinasabi sa akin na hindi pa ito tapos. Napansin kong hindi umalis si Jorden.
“Ano pa ang ginagawa mo dito?” tumahol si Old Mr. Maddox, nakatingin kay Jorden.
Nag-flash sa akin si Jorden ng isang nag-aalala na hitsura bago siya nawala sa pintuan.
“Okay ka lang ba, Quincy, my dear?” tanong ni Old Mr. Maddox, lumingon sa akin nang may pag-aalala.
“Uh… opo. Okay lang po ako… salamat,” napansin kong lumipat siya sa akin ngayon. Masyadong malapit. Bago ako makahakbang palayo, inilagay niya ang kanyang kamay sa aking likuran.
Mayroong isang bagay sa kanyang mga mata at ang paraan ng pagtingin niya sa akin na creepy para sa akin.
“Kaawa-awang bata.” Ang kamay niya ay nagsisimulang kumuskos pataas at pababa sa aking likuran. Nagsimulang mandiri ang aking balat.
“Okay lang po ako. Talagang maayos po ako.” Humakbang ako, sinusubukang lumayo mula sa kanyang seeking hand, pero siya ay humakbang palapit at idinikit ang kanyang katawan sa akin. Oh, fuck! Ibig kong sabihin, fiddlestick!
Humiwalay ako habang pilit na tinutulak siya palayo. Biglang wala akong pakialam kung maparusahan ako dahil sa pagiging walang galang sa isang mataas na werewolf.
Sa kabutihang palad, binitawan niya ako.
Ibinaba ko at inilagay ang plastic na lalagyan na may sunog na mga itlog malapit sa lababo at tumalon palabas ng kusina.
Nag-chuckle siya. “Good night, my dear Quincy.”
“Yeah, good night, Mr. Maddox!” at mabulunan ka sana ng itlog o lemon. O mas mahusay kung tumalon ka isang high-flying airplane nang walang parachute!!!
Tumakbo ako palayo at nakasalubong ang pinsan kong si Jorden na nakatambay sa hall sa pagitan ng kusina at ng hagdanan.
Mukha gumaan ang pakiramdam niya ng makita ako. Tumango kami sa isa't isa, at umakyat ako sa hagdan ng kasing bilis ng kakayanin ng mga binti ko.
Tumalon ako diretso sa aking maliit na kwarto at ikinandado ang pinto. Hindi ko gusto ang pagtingin sa akin ng Old Mr. Maddox. Binibigyan niya ako ng mga kadiring hitsura mula noong twelve years old ako.
Buhay pa ang asawa niya. Ang dating Luna ay bedridden for years na.
Hindi ko alam kung paano siya naging ganoon, pero kailangan may isang tao na itali at maglagay ng muzzle sa asawa niya.
Humiga ako sa maliit na kama ko, nakayakap kay Oliver. Ang aking tiyan ay umuungol, at ang aking balat ay gumagapang pa rin mula sa kung paano ako hinawakan ni Mr. Maddox.
Gusto kong maligo at kuskusin ang hawak at amoy niya sa balat ko, pero hindi ko gusto na harapin muli si Mama o si Caitlin Rose ngayong gabi.
“Ayokong maging social ngayong gabi,” paliwanag ko kay Oliver. “Anong gagawin ko, Oliver?”
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!