logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Maglakbay pabalik sa nakaraan para sa medieval reinterpretation ng nagbabagang ~Requiem City~! Nagsilbi si Madeline para sa mga Dragon shifters ng Requiem Horde simula pagkabata niya. Sa eighteenth birthday niya, ang green emerald eyes ng Dragon Lord na si Hael ay hindi na naalis kay Madeline. Meron siyang ~mas malaking~ plano para sa kanya. Si Madeline ba ang magiging sunud-sunuran na alipin sa kama na kailangan ni Hael? Or natagpuan na ba ng ultra-sexy dom na ito ang match niya?

Age Rating 18+

 

Alipin ng Dragon – C. Swallow

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Madeline

8 taong gulang 

Minsan, ang tadhana, may paraan para sabihin na, maging matatag ka! ’Yan ang sabi ng daddy ko tuwing kailangan niya umalis para magtrabaho sa iba't ibang kastilyo sa iba't ibang lupain. Lagi kong iniisip na malakas ako dahil natutunan kong mag-enjoy mag-isa tuwing umaalis si daddy.

Lagi ako nakakahanap ng paraan para ngumiti at maging masaya. Minsan nagkukulitan kami ng kapatid ko na si Mason at sinasama ko siya sa paggala sa kung saan saan tuwing nasa kastilyo kami ng daddy ko or doon sa mas malaking kastilyo ng pinsan ko.

Hindi ko naisip na maging alipin at utusan kahit minsan sa buhay ko. Lalo na ang maging alipin ng isang Dragon.

Para sakin, ang Dragons ay cute pets lang ng mga tao, at lagi ko nai-imagine na paglaki ko, magiging prinsesa ako tulad ng pinsan kong si Summer.

Pero eksaktong pitong araw na ang nakalipas, kinuha ako ng isang Dragon Lord na matangkad, galit na galit, at kulay emerald green ang buhok.

Isang Dragon Lord na kahit sina Dane at Goldy ay takot sa kanya kahit na sila ang mga Dragon Lord protectors ko!

Pero ngayon, hindi na… Hay, basta. Hindi ‘yon ang point.

Ang gusto kong sabihin ay, hindi ako natatakot kay Hael! Hinarap ko yung Dragon tapos sinipa ko yung human legs niya nung una niyang inaway si Alexa, ang first ever pet Dragon ko.

Nung inaway ko siya, galit na galit si Hael sakin kaya kinuha niya ko papalayo sa mga kaibigan at pamilya ko. Nagtransform siya bilang Dragon at lumipad kami pabalik sa tirahan nila.

Ngayon, mag-isa na lang ako.

Maraming beses ako nakiusap kay Hael na ibalik na ko sa pinsan ko, pero wala siyang ginawa kundi tawanan lang ako. Kinakatakutan siya ng lahat, pero hindi ko hinayaan sarili ko na maging katulad nila.

Araw-araw ako nagmamakaawa sa kanya na ibalik na niya ko kila Summer… pero ayaw pa rin niya pumayag.

Sa huli, tinulak niya ako nang malakas papunta sa isang matandang alipin at inutusan siya na hanapan ako ng kwarto at turuan akong maglinis.

At ngayon… nakakalungkot isipin na luha na lang ang natira sa akin.

Sa nakaraan na linggo, inaral ko kung paano maging isang alipin kahit na ayaw na ayaw ko tong gawin. Sobrang boring! Sinasabi nila na napakabata ko pa para gumawa ng ibang bagay kaya paglilinis lang ang para sakin.

Kaya ngayon, bumabalik sa isip ko ang advice ng daddy ko.

Maging matatag ka.

Umupo ako sa malamig na kamang bato kasama ang manipis na kumot at napayakap na lang ako sa mga tuhod ko.

Napatitig ako sa pader ng mala-kwebang kwarto ko kung saan nakakulong ako tuwing gabi. Ramdam ko kung gaano kalungkot mag-isa. Sobrang namimiss ko na lahat. Lalong lalo na si Mason.

Nagdasal ako pero sa huli ay napakanta na lang ako. Habang humuhuni ako ng isang tono, unti-unting nabubuo ang mga lyrics na medyo familiar sa aking isip… hanggang sa na-realize ko na yon pala ay kanta na tinuro sakin ni daddy noon.

Paulit-ulit kong kinakanta ang nag-iisang bahagi ng kantang naaalala ko, at kahit ang mga salita na yon lang ay sapat na para ma-relax ako.

Sa lahat ng oras, laging may mga nakikinig sa paligid, kahit na hindi ko sila nakikita.

At kahit na ganon, kumanta pa rin ako.

Ang simpleng verse na ito ay ang magiging mantra ko sa susunod na sampung taon.

Kapag ako ay natumba

Mapupuno ng pag-asa ang aking mga pangarap

Ang iyong mga kamay ay hindi ako mahahawakan

Mararamdaman ko ang init ng aking katawan

Ang mga mata ko ay lilinaw ang paningin

Maliliwanagan ang aking kalooban

At sa gayon ay itatayo mo ako at tutulungan bumangon

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

10 taon na ang lumipas

Madeline

“Kuhain mo tong mga to.” Hinagis ni Layla ang dalawang knapsack para sakin at kay Darshan.

Mabilis nasapo ng bulag kong kaibigan yung knapsack niya habang ako naman ay excited na kinuha ito, hindi ko mapigilan na mapangiti.

“Ito na yung dalawang bagong 'recruits' ngayong araw, Axel. Bantayan mo silang mabuti. “

“Copy that, Layla!” Umakyat si Axel at sinabihan kaming pumila kasama ang malaking grupo ng kanyang mga alipin, na ang tanging trabaho ay bumaba sa pinakamalapit na bayan para kumuha ng mga supplies para sa Requiem Horde.

Hindi ako pinapayagan na lumabas sa teritoryo ng Requiem mountains, pero dahil sa sobrang gusto kong masubukan, kinulit ko si Layla na payagan ako kahit isang beses lang na magpunta sa bayan.

Syempre, alam ko na si Layla—isang young, blue-headed dragon na in charge magbantay sa mga younger slaves—ay kaibigan ko rin naman kahit na patago.

Sa Requiem Horde, ayaw ni Hael na merong nabubuong friendship with the mortals. Mahigpit siya sa pagpapatupad ng rule na ito at lagi niyang inuulit na kami ay mga alipin lang at wala kaming silbi lalo na sa pakikipag-kaibigan.

Kahit isang beses, tuwing naiisip ko si Hael, hindi ako naiinis at hindi rin ako nagagalit to the point na gusto ko nang patayin yung hayop na yon.

Pero this time, every time naiisip ko siya, hindi ko mapigilang mapangiti – dahil pinaplano ko na ang grand escape ko at he has no idea kung ano ang gagawin ko.

“Madeline.” Nagkatinginan kami ni Layla habang kasama ko si Darshan at iba pang mga alipin sa labas ng mga kweba papunta sa kagubatan sa kabila.

“Wag kang lalayo kay Axel. Make sure na susundin mo lahat ng instructions niya, at wag kang gumala-gala. Malaking city ang Haven at hindi safe na wala kang kasama.”

Minsan, nakakatakot isipin na baka nababasa ni Layla ang mga naiisip ko, pero alam ko naman na hindi yun mangyayari.

“Mabait yan si Maddie. Don’t worry,” Pinagtanggol ako ni Darshan habang sinasabi niya ito kay Axel at Layla.

Pero syempre, sa tono pa lang niya halatang sarcastic na siya. Inirapan ko lang siya. Pero kahit na hindi niya yon nakita, alam kong naramdaman niya.

“Mag-ingat kayo sa paglalakbay,” sabi ni Layla sa isang group at palayong naglakad sa kanyang human feet. Habang naglalakad siya pabalik sa bundok, lalong kumikinang ang blue hair niya tuwing natatamaan ng mga huling sinag ng araw bago siya mawala sa kadiliman ng mga kweba.

Tinignan ko si Axel, ang Healer na mas nakakatanda sa amin na inutusan para bantayan ako.

“For sure matutuwa kayo sa sight-seeing sa city,” sabi ni Axel sa amin ni Darshan.

“Pareho na kayong sixteen years old, kaya pwede na kayo sumali sa grupo namin. Pero wag niyo maliitin ang mga taong nasa paligid niyo. Halos buong buhay niyo napapalibutan kayo ng mga makapangyarihang Dragon. Ganon rin ang dalang panganib ng mga tao. Kaya wag kayong lalayo sa grupo.”

“Bakit tinawag na Haven tong city na to kung di naman pala safe dito?” Nagtataka kong tinanong, habang ninanamnam ko ang simoy ng hangin sa kagubatan. Lumubog yung boots ko sa damuhan at pilit kong pinipigilan matawa sa nangyari. Sobrang tagal na simula nung na-feel ko yung ganito.

Syempre, may mga time na lumalabas ako sa kagubatan kahit saglit – pero lagi naman ako natatakot na baka mahuli ako, kaya hindi ko naeenjoy yung presko at malamig na hangin sa kagubatan.

“Pangalan lang naman yon Maddie.” Mabilis na naglalakad si Darshan sa harap ko at ni Axel. “Tong mga huni ng ibon at kaluskos ng dahon… hay, sobra ko tong namiss!”

“Bilib talaga ako sa batang yan,” sabi ni Axel sa hininga. “Kahit hindi siya nakakakita, maingat siya sa pagkilos pero mabilis pa rin 

“Darshan!” Tinawag ko siya, dahil habang sinasabi ito ni Axel, nakita ko si Darshan na mabilis naiwasan ang isang puno at yung kasunod, pero bigla siyang napatid sa halamanan at sumubsob ang mukha sa putikan.

Kinabahan si Axel sa nangyari pero natatawa na lang ako, dahil kilalang kilala ko si Darshan.

“Alam mo, ganyan kasi siya kapag may bagong experience. Masyadong excited,” binulong ko kay Axel.

Tinulungan ng isa sa grupo si Darshan para makatayo, pero bago pa niya magawa ay nakatayo na siya. Lumingon siya para 'tumingin' sakin na may ngiti sa maduming mukha niya at buhok na may mga dahon at sanga.

“This is awesome!” tuwang-tuwa si Darshan at tinataas pa ang mga kamay niya pabalik sa paglalakad sa kagubatan. Papalapit na siya sa pinakaharap ng grupo nang biglang hinawakan ng leader namin ang mga braso niya at tinulak papalayo.

“Hoy. Tagasunod ka lang sa linya, hindi ka pwedeng manguna.” Sinabihan siya ng machong alipin na medyo maangas at pinabalik siya sa tamang posisyon niya.

“Gaano na katagal simula nung ginawa kang alipin?” Nagtatakang tinanong sakin ni Axel. Hindi naman kasi kami sobrang close.

Sa buong Requiem mountains, merong five thousand slaves ang nakatira at halos two hundred Dragons. Sa lahat ng yon, itong grupo ng isang daang alipin lang ang maswerte na pumunta sa Haven para kumuha ng mga supplies at pagkain para sa ibang alipin.

“Sampung taon na,” sabi ko. ”Kinidnap ako ni Hael nung six years old pa lang ako. Simula non, natuto na ko maglinis at dream ko talaga na makasama sa group na to. Swerte mo nga, madalas kang makapunta sa city. A taste of freedom!”

“Dahan-dahan ka sa mga naiisip mo, bata,” sinabi ni Axel sakin na parang binabantaan ako at binulong ang mga sumusunod.

“Hindi namin pinag-uusapan to pero kung may isang alipin sa group natin na maglakas-loob na tumakas, lahat tayo mapaparusahan… at yung alipin na makakatakas ay makakatikim ng matinding parusa galing mismo kay Hael. Naiintindihan mo ba sinasabi ko, Madeline?”

Hindi ako sumagot. Napatulala na lang ako sa kagubatan. Yung pag-asa ko na makatakas unti-unting nawawala habang tinitingnan ko si Darshan at lahat ng iba pang mga alipin.

Paano kami makakatakas, kung pati yung mga alipin na wala namang kasalanan, kasama rin sa paparusahan?

“…unless, sama-sama tayong tatakas…” bulong ko sa sarili ko, narealize ko na dapat pala hindi ko na sinabi. Hinawakan ako ni Axel sa braso at pinigilan ako, may galit sa mga mata niya habang nakatingin sakin.

“Wag kang magsalita ng mga ganyang kalokohan. Magpasalamat ka na isa ka sa mga napiling alipin para sumama sa Requiem Horde. Maganda ang buhay na binigay para sayo.”

Tinitigan ko si Axel nang masama at hinila ko yung braso ko palayo sa kanya. Pinuntahan ko si Darshan at habang naglalakad, humuni na lang ako para hindi ako tuluyang maiyak.

Kung alam lang niya … galing ako sa pamilya ng mga hari at reyna pero ito ang inabot ko. Naging isang babae ako na walang pangalan at halaga.

Alam ko naman na hindi naman sobrang bad ang pag-trato samin ng Requiem Horde pero…

Alam ko na mas magandang buhay ang nakatadhana para sakin.

At sobrang gusto gusto ko na makasama ulit ang kuya ko: Si Mason

“I can feel your pain, Maddie,” sabi ni Darshan habang magkatabi kami sa pila, naglalakad kasama niya.

“Ano ka ba Darshan, malakas ako no. Dedma lang ako sa pain na yan,” sabi ko. Ayoko ipakita sa kanya yung weaknesses ko at naiinis rin akong isipin na unti-unting nasisira yung plano kong tumakas.

“Sa tuwing humuhuni ka, yan ang nagiging way mo para hindi maisip yung mga pinagdadaanan mo. Ganon din kapag kumakanta ka,” he says. ”Wag ka na mag-alala, Maddie–”

“Hindi natin magagawa ang pinaplano nating gawin,” sinabi ko sa kanya pabulong at agad siyang tumahimik.

Nagulat siya sa sinabi ko at muntik nang bumangga sa puno kaya hinawakan ko agad siya sa braso at tinulungan na iwasan yon. “Careful.”

“Alam ko Maddie…narinig ko naman yung sinabi niya pero pwede pa rin naman tayo mag-enjoy e. We are so lucky na nakalabas tayo kahit na sobrang ganda nung lugar na yon. Enjoyin lang natin tong temporary freedom natin habang nandito tayo. Okay?”

Napaisip ako sa sinabi ni Darshan.

“Good girl yang Maddie na yan e. Yiiieee,” sabi niya kahit alam niyang ayaw na ayaw kong sinasabihan niya ako ng ganon.

“Hmp! Bahala ka na mauntog sa puno kung lagi mo lang ako iinisin,” naiinis kong sinabi sa kanya nang bigla niya ko hinila papalayo sa grupo ng mga alipin.

“Alam mo, meron ako bright idea e … may iba pang way para makatakas ka,” binulong niya sakin.

“Wait lang, Darshan. Di tayo pwede lumayo masyado sa kanila,” kinakabahan akong tumitingin sa likod kasi alam kong malalaman ni Axel na gumagala gala kami.

“Ganito gagawin mo. Kailangan mo mag-plano ng fake death,” bulong niya.

“Ha?! Yan ang pinaka-stupid na planong narinig ko!”, sinigaw ko sa mukha niya at tinulak siya papalayo sa sobrang baliw niya. Pagkatapos non, bumalik kami agad sa main group ng mga alipin.

“Wait, Maddie! Ikaw naman oh, tinatry ko lang naman tulungan ka, grabe ka naman” nagaalangan na sinabi ni Darshan, pero nahalata ko na medyo na-badtrip na siya sakin. Hindi niya gusto yon kapag nasasabihan ko siya ng masasakit na salita pero galit ako e.

Magpa-plano ako ng fake death… Hindi ko kayang gawin yon no!

“Hoy ikaw. Kilala kita.”

Nawala ako sa malalim na pagiisip ko nang may lumapit samin ni Darshan na medyo matandang lalaki.

“Huh? Di kita kilala no.” Tinitigan ko siyang mabuti kasi di ko talaga siya makilala.

“Ahh, hindi mo pala talaga ko makikilala… Di kasi ako masyado lumalabas e. Pero nakita na kita noon. Narinig ko na rin boses mo. Diba mahilig ka kumanta?”

Nginitian niya ko na may halong yabang. Mahaba at maitim buhok ng lalaking to at meron din siyang nose piercing. Ayoko sa gwapong itsura niya at ayoko rin na narinig niya kong kumakanta.

“Are you stalking me?”, tinanong ko siya at inirapan.

“Sabi ko sayo Maddie e. Naririnig ka ng ibang tao kapag kumakanta ka.” Naiiritang sinabi sakin ni Darshan at umalis. Iniwan niya ako kasama tong stalking slave na to.

“Darren ang name ko.” Nagpakilala siya na may halong yabang. Napatigil ako.

“Darren?” Tinanong ko ulit “As in yung…?”

“Oo, ako yung personal slave ng Princess Dragon.” Tinaasan niya ko ng kilay na parang may ibang gustong sabihin.

“So, narinig mo na ako, at least?”

“Yuck. Diba ginagawa kang alipin para sa katawan mo?” talagang sinabi ko yon sa kanya. Nilagay niya yung kamay niya sa dibdib niya at nagkunwaring nasaktan siya sa sinabi ko.

“Hmm…ayoko naman isipin na ganon… pero syempre, may ilang utos din si Adara sakin na kailangan kong gawin.” Feeling ko na-excite si Darren aminin tong mga sinabi niya.

“Nakakadiri. Ginagamit ka lang para sa katawan mo. Eww. Teka, bakit ka nakangiti?” Tinitigan ko siya nang masama at hinaplos niya ang dark auburn hair ko.

“So innocent… at napakaliit mong bata ka. Alam mo, hindi ka dapat nakasama dito papuntang Haven.”

Ugh! Final na. Ayoko talaga tong Darren na to, masyado siyang mayabang at GGSS! Meaning: gwapong-gwapo sa sarili! Lalo pa siyang natutuwa na nakikita niya akong naiinis sa kanya.

“Hahaha tinatry ko lang na turuan ka, little Maddie. Hindi mo alam no?” Iba kutob ko dito kay Darren, may alam siya na hindi ko alam.

“Ano yon?” Curious ako.

“Hmmm… ganito na lang. Last time I checked, pinalayas ni Hael ang personal slave niya, hmmm, kagabi? Oo, tama. I remember kung paano niya tinaboy yung babaeng yon at sinabihang wag na bumalik habang kumakain kami ng dinner!”

“Usually, I think alam naman ng lahat to, na tatlo ang slaves niya sabay sabay. Alam mo kung ilan ang hawak niya ngayon?”

Nararamdaman ko yung init sa mukha ko, sobra na kong nagagalit sa gusto niyang iparating sakin.

“Wala na siyang personal slaves ngayon, dear Madeline. At ang mga babaeng kinukuha niya para sa kanyang Horde…always end up with the same fate.”

“Shut up. Bakit mo sinasabi sakin yan? Sa tingin mo ba, naiisip niya pa rin ako kahit kinidnap niya ako nung six years old lang ako? E hindi ko nga nakakausap yon kahit–”

“Hay, Madeline. Marami nang beses kayong nagtagpo,” sumabat si Darren sa sinasabi ko habang tinatapik niya ang ulo ko at pinaparamdam kung gaano ako kaliit.

“Masyado ka lang mahiyain at kabado palagi to the point na hindi mo na napapansin kung sino ang nasa paligid mo tuwing pinapapunta ka niya sa Royal Chamber to ask about your progress as a slave.”

“Sa palagay mo ginagawa niya yon sa bawat alipin sa buong Requiem mountains? You think marami siyang oras at patience para gawin yon?” Huminto si Darren. Natutuwa siyang nakikita kung gaano ako ka-shocked sa mga nalalaman ko.

“And did you know…” binulong niya sakin. “Alam ko birthday mo today. Eighteen ang right age para –“

“Che! Bahala ka dyan, ayaw na kitang kausapin,” bigla kong sinabi sa kanya at tumakbo para hanapin si Darshan.

Naririnig ko na sa likod na natatawa si Darren.

Unti-unting nagsi-sink in sakin ang mga sinabi ni Darren.

I mean, nagkakamali siya sa mga yon. In fact, walang katotohanan lahat ng sinabi niya.

Pero naisip ko lang din na hindi ba masyado namang coincidence na pinalayas ni Hael yung huling alipin niya kagabi?

At sumakto pa talagang 18th birthday ko ngayong araw?

Ahh, hindi, hindi, hindi.

Ayokong maniwala kay Darren na pinalayas ni Hael ang huling slave niya para ako ang pumalit.

Hindi pwede maging totoo yon. Dapat matagal nang sinabi sakin yon ni Layla kung ganon.

Andami-daming pwede pagpilian na babae ni Hael no.

Pero…

Kahit anong sabihin ko sa sarili ko, bumabalik pa rin ako sa sinasabi ng puso ko.

Na tama si Darren.

Ayoko lang talaga maniwala.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+