logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

From the day of her birth, si Rieka ay ikinukulong ng kanyang pamilya tuwing gabi, unable to fulfill her one wish: ang makita ang mga bituin sa gabi.

Ngayon, makalipas ang 18 years, ay gumawa siya ng planong lumabas kasama ang mga kaibigan niya, pero hindi niya alam na ang simpleng pagkilos ng pagsuway na ito ang babago sa buhay niya forever at maglalagay sa kanya sa paningin ng isang Alpha na hindi magpapakawala sa kanya.

 

Marked – Tori R. Hayes

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Book One: The Descendant

Pinanganak ako sa malamig na gabi ng November sa ilalim ng liwanag ng kabilugan ng buwan.

Hindi umabot sa ospital ang mama ko. Nasiraan sila ng sasakyan sa gitna ng kagubatan, at hindi nagkaroon ng pagkakataon ang ambulance na makarating sa kanila sa tamang oras.

Lagi nilang sinasabi sa akin na 'yon ang dahilan kung bakit iba ang itsura ko kumpara sa mga magulang ko.

Na ang liwanag ng buwan ang dahilan kung bakit puti ang buhok ko at kasing asul ng malamig na gabi ang mga mata ko nang isilang ako sa mundong 'to.

Mula noong ipanganak ako, hindi na ako pinayagang lumabas pag lumubog na ang araw.

Ang sabi nila sa akin, maraming masamang tao at mapanganib na hayop sa lugar namin at active sila sa gabi. Na ako lang raw ang nag-iisa nilang anak na babae at hindi nila kayang isipin na mapahamak ako.

Hindi ako naniwala na sinabi nila sa akin ang buong katotohanan, pero hindi ko rin inakala na babaliktarin ng katotohanan ang lahat ng nalalaman ko.

Ito ang pumilit sa aking pumili between the love of my life at sa lalaking hindi ko kayang layuan

***

Nine years old ako nung unang beses na nagpaalam ko kung pwede ba akong mag-overnight sa bahay ng kaibigan ko. Pagkatapos noon, narealize ko na kailangan ko ring magpaalam sa kanila kung gusto ko pang makita uli ang liwanag ng araw.

Unang beses kong irequest sa kanila 'yun, pero tiningnan lang nila ako nang masama. Na para bang hiniling ko ang pinaka masamang bagay sa mundo.

Sinigawan nila ako for half an hour, at hindi man lang nila ako nabigyan ng dahilan kung bakit ayaw nila akong payagan at kung bakit ganun ang reaksyon nila.

Sinabi lang nila na umuwi ako ng 7 pm at magstay na lang ako sa bahay kung hindi ko susundin ang condition na ito.

Minsan ay nahuli lang ako ng kalahating oras at tumawag na sila agad sa police station para magpadala ng search party para hanapin ako. Mula noon ay hindi ko na ulit nilabag ang rule na 'yon.

Nang mag fifteen years old ako, never na akong lumabas nang lagpas 7 pm. Nakahiga na ako sa kama pagsapit 10:30 ng gabi, at tumigil na rin akong iquestion ito pagkatapos ng maraming taon.

“Kung hindi ko makukuha ang walo hanggang siyam na oras na tulog ko, hindi ako magiging handa para sa susunod na araw,” ang lagi kong natatanggap na sagot kapag nagkakalakas ako ng loob na magtanong.

Ganyan ang routine ko buong buhay ko. Kahit ngayon, sa edad kong eighteen, wala akong tunay na paliwanag kung bakit.

Hindi ko pa nakikita ang kalangitan sa gabi pero lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam nang maligo sa ilalim ng maliwanag na buwan tulad ng ginawa ko noong ipinanganak ako, pero ang kagustuhan kong 'yon ay tila imposible nang matupad ko pa.

Eighteen years na akong nakakulong sa loob ng bahay ng parents ko, hindi pa ako kailanman naka attend sa party, o kahit sa sleepover man lang. I finally had enough.

Ilang taon ko nang pinaplano ang aking rebellion, at ito na ang gabi para iexecute ang plano ko.

Araw iyon ng birthday ko, at full moon. Inimbitahan ako ng dalawa kong bestfriend sa picnic sa ilalim ng maliwanag na buwan dahil mainit ang gabi ng Nobyembre sa taong ito.

Ang bestfriend kong si Everly, na nasa tabi ko na noon pa lamang, at ang lalaking matagal ko nang crush, si Archer.

Siguro ay may mangyayari ngayong gabi. Walang kaduda-dudang confident si Everly tungkol sa pagtulong na mangyari 'yon.

Hindi ako kasing confident niya, pero hindi naman masamang mangarap.

And this night was going to be magical. Literally.

***

“Nakauwi na ako!” sigaw ko.

Nagvavacuum si Mama, pero pinatay niya ito agad nang marinig niya ako. Tumakbo siya papuntang sala at pumasok sa hall kung nasaan ako.

I prepared myself for the inevitable.

Sa wakas ay lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Happy Birthday! Ang bilis mong umalis kaninang umaga kaya't hindi kita halos nakita!” reklamo niya at niyakap ako ulit.

“Kailangan ko nang pumasok sa school no'n,” paliwanag ko.

Tumingin siya sa akin na para bang alam niyang nagsisinungaling ako.

“Hindi mo naman ako papayagang umalis kung nagtagal ako, Ma,” pag-amin ko at umikot ang aking mga mata.

“Ito na ang huling birthday ko nang nakatira sa bahay, at kilala kita. Besides, hinihintay na ako kanina nina Archer at Everly sa school.”

Bago pa niya maipagtanggol ang sarili ay may narinig na akong yapak mula sa hagdan.

Bumaba si Papa sa hagdan sing bilis ng liwanag, at mukhang buong gabi siyang nagtrabaho.

Mabilis man siyang kumilos at mukhang masigla, ay kitang kita naman ang itim sa ilalim ng mga mata niya, kaya't nahalata namin ito.

“Nagpuyat ka na naman ba magdamag, Pa?” Tanong ko nang akbayan niya ako para yakapin.

“Siyempre. Birthday mo ngayon, and I have something special planned for you,” tuwang-tuwa niyang sabi. “Happy birthday, by the way, my girl,” sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

“Thanks, Pa,” sagot ko at ngumiti. “Ano ba ang plano mo?”

“Nice try. Pero maghintay ka,” pang-aasar niya.

Naputol ang usapan namin nang magsalita si mama. “Pagod ka ba? Gusto mo ba ng tea? O pagkain?” sunud-sunod niyang tanong hanggang sa pinutol ko siya.

“Hay nako, Ma! Half day lang naman akong nawala para sa school. Hindi isang taon.”

“I'm sorry, honey. Pero birthday mo ngayon, at gusto kong masaya ka.” Maganda ang mood niya, kaya nagpasya akong makipagsapalaran tutal ay 18th birthday ko naman.

“Ma?” Nagsimula ako. “I was wondering, tutal ay 18th birthday ko naman, pwede ba kong magstay nang medyo mas matagal sa labas?”

Napalingon siya sa takot.

“Medyo mas matagal lang naman. Naisip ko na siguro pwedeng…”

“No!” angal niya. Nagulat ako rito. Maging si Papa ay tila nagulat sa kanyang reaksyon.

“I… I'm sorry, honey,” sabi niya, at tila nagsisi siya agad sa desisyon niyang sumigaw.

“Alam kong gusto mo talaga, pero may dahilan kung bakit may kasunduan tayo, and I don't like seeing boundaries being pushed.”

Natahimik kaming lahat saglit bago ako nagsalitang muli.

“Akyat muna ako sa taas para gumawa ng homework,” sabi ko at umalis na.

“Okay, darling, but the cake will be ready by three,” narinig kong sigaw ni mama.

“Sure!” Sigaw ko pabalik.

Inihagis ko ang bag ko sa sulok, tapos ang sarili ko sa kama.

Finally, a little peace.

Hindi pa halos ako nakakahinga nang tumunog ang phone ko sa desktop mula sa tapat ng kwarto.

Tinatamad akong bumangon, kaya't hindi ko ito pinansin hanggang sa tumunog ito ulit.

Bumuntong hininga ako at kinaladkad ang sarili ko tungo sa mesa. Binuksan ko ang screen at muntik ko pa itong malaglag sa sahig nang makita ko kung kanino galing ang mensahe.

Archer
Uy, gusto mo bang lumabas ngayong gabi? Celebrate lang natin birthday mo.

Hindi ako makapaniwala sa sarili kong mga mata. Archer is actually asking me out! Ang bilis ng tibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay inakala kong gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

May dumating na bagong text message.

Archer
Aantayin ka namin ni Everly sa labas ng bahay niyo mamayang 11:15

He wasn’t asking me out. They were. Medyo nadismaya ako roon pero nakaramdam rin ako ng onting ginhawa. Mamamatay siguro ako sa kahihiyan kung mag-isa lang kaming dalawa buong gabi.

Sasagot na sana ako without hesitation nang maisip ko ang mga magulang ko. Hinding-hindi nila ako papayagang lumabas ng ganoon ka-late. Pero… Paano kung hindi naman nila malalaman?

Chance ko na ito to finally see the starry night with my own eyes at kung papalarin ay magkaroon ng pagkakataong mapag-isa kasama si Archer.

Alam ni Everly ang feelings ko para kay Archer, kaya umaasa ako na kahit papaano ay gagawa siya ng opportunity para sa akin. Hindi ko pwedeng palalampasin ang pagkakataong iyon.

Nawala ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan, pagkatapos ay pumasok si mama. “Tapos ka na ba sa homework mo?” tanong niya.

“I saw my bed, at mas kaakit-akit pa 'yung kama ko kaysa sa homework ko,” pag-amin ko.

Tumawa siya. “Bakit alam ko ang feeling na 'yan?”

“Naisip rin namin na baka gusto mo nang makuha 'yong regalo mo,” sabi niya. Tumingala ako.

“Unfortunately, nawalan kami ng oras para bilhin 'yon, at hindi pa tapos ang Papa mo sa ginagawa niya, kaya… napag-isipan namin na ikaw na lang ang pumili ng sarili mong regalo ngayong taon.”

Nagliwanag ang mata ko. “With limits,” mabilis niyang sabi, at bumaba ang mga balikat ko sa pagkadismaya. Tumawa siya.

Kinailangan kong mag-isip nang konti bago ko nahanap ang sagot ko. “Okay,” sabi ko. “Gusto kong magpakulay ng buhok.”

Tumingin sa akin si mama na parang nawawala ako sa aking sarili. “Pero sobrang special ng buhok mo. Bagay na bagay ito sa mga mata mo.”

“I don't want to be special. At least hindi ganito. Gusto kong maging kamukha kayo. To look like your actual daughter and not just know it. Katulad ng kapatid ko…,” bulong ko.

Napabuntong-hininga siya. “Sige, pero 'yung hindi masyadong kakaiba. Then you might as well keep your hair as it is,” pagsuko niya. Napatili ako at hinila siya para yakapin.

“Pero 'wag muna 'yung permanent,” mabilis niyang idinagdag. “Ayokong pagsisihan mo ang desisyon mo.”

“Sige.” Okay lang naman sa akin magcompromise muna, kaya pumayag ako.

“Magkita tayo sa bathroom in one hour, at titingnan ko kung ano ang magagawa ko,” sabi niya at bumangon.

“Akala ko ba ay hairdresser lang dapat ang nagkukulay ng buhok?” Tanong ko.

“Usually oo, pero ako lang rin naman ang nagkukulay sa sarili kong buhok, kaya sa tingin ko ay kaya naman natin.” Tumawa siya.

“Right, dahil ayaw mong mapansin ng mga tao ang mga puting buhok mo,” pang-aasar ko.

“You're not getting any younger yourself, little lady,” sagot niya at tumawa bago siya bumaba para siguraduhing handa na ang lahat para sa pangkulay ng buhok ko.

“Mama?” Tanong ko bago siya lumabas. “Bakit kayong dalawa ni papa brown ang buhok at mga mata, pero white ang buhok ko at blue ang mata ko?”

Tumingin siya sa akin. “Anak. Ipinanganak ka sa ilalim ng liwanag ng full moon. Maraming hindi maipaliwanag na mga bagay ang nangyayari sa kabilugan ng buwan. Siguro ay nag-react ang katawan mo sa liwanag at ginawa kang espesyal na babae.”

Saka siya nag walk out.

Muli kong ibinagsak ang sarili ko sa aking kama. It sounded as surrealistic as the first time I heard it. Hindi pa ako nakakarinig ng ibang tao na katulad noon ang na-experience.

Tapos naisip ko yung birthday gift ko. Pinayagan niya talaga akong magpakulay ng buhok, which finally meant I could finally look at least a bit normal.

Magugulat sila mamayang gabi. Kaya kinuha ko ang phone ko at sinagot ang text ni Archer.

***

Lumipas ang isang oras, at handa na ang birthday gift nila sa akin. Bumaba ako at pumunta sa banyo kung saan naghihintay sa akin si mama.

Nakatayo na siya at may hawak na gloves, may bote ng pangkulay ng buhok sa kanyang kamay, at may malaking ngiti sa kanyang mukha. “Ready na, birthday girl?” tanong niya. Tumango ako at umupo.

Habang tinatapos niya ang mga huling run ng pangkulay, ay naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Wala nang balikan ngayon.

“There we go. Ngayon, huwag mong alisin 'yung takip hangga't hindi pa zero 'yung nasa timer. Then shower na, pero tandaan mong gamitin ng shampoo at conditioner ko.

Matagal akong nag-antay. Masyadong matagal. Sa wakas ay tumunog na ang alarm, at tinanggal ko ang takip bago ko ito binanlawan sa tubig para matanggal ang sobrang dye.

Pagkatapos kong mag-blow-dry ng buhok, ay oras na. Ginusto ko 'to, diba? Isang regular na kulay ng buhok. Bakit ako kinakabahan?

Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Ibang-iba ang itsura ko.

Narinig ni Mama na pinatay ko ang hair dryer kaya't lumapit siya sa banyo. Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan.

“Ano sa tingin mo?” tanong niya.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. “Medyo weird, pero not in a bad way,” amin ko. Medyo kumikinang ang mga mata ko kontra sa maitim na buhok.

Hindi sa naabala ako nito. Mas gusto ko ang mga mata ko kaysa sa buhok ko. Nagugustuhan sila ng mga tao.

“Satisfied ka ba?” she asked.

“Yeah, I like it,” sagot ko. “Nakakatawa lang na makita kung gaano ko talaga kayo kamukha, ngayong pareho na ang kulay ng buhok natin.”

Tumawa siya at inakbayan ako. “You have always been our daughter. Kahit anong kulay ng buhok mo.”

Ngumiti ako, at hinalikan niya ako sa pisngi. “Bigyan muna kita ng ilang minuto mag-isa sa salamin para masanay ka sa bagong kulay ng buhok mo.”

She closed the door behind her, at ako ay naiwang nakatayong mag-isa with my new look.

Medyo naguilty ako tungkol sa pagtakas mamayang gabi. Mahal ko ang mama ko, at alam kong gusto niya lang akong protektahan.

I shook it off and ran downstairs into the living room.

Nakaupo ang papa ko sa paborito niyang upuan, nagbabasa ng libro. Pero bago pa ako makapagsalita ay binalita na ni mama. “Nagustuhan mo ba ang birthday present niya, James?”

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang malawak. “Kamukhang-kamukha mo ang mama mo noong bata pa siya.”

“Binobola mo naman ako, James.” Narinig ko ang tawa ni Mama mula sa kitchen. “Mas maganda si Rieka.”

“Siguro,” pang-aasar sa kanya ni Papa at tumawa. Isang bimpo ang lumipad sa silid mula sa kusina diretso sa kanya. Hindi talaga kailanman nagmukhang boring ang pagsasama nila.

“You look beautiful, Rieka,” he finally said.

“Salamat, Pa.”

“Sino 'yan?” Narinig ko ang boses ng isang maliit na bata na nagsalita sa likod ko. Lumingon ako, nanlaki ang mata niya.

“Ate Rieka?”

“Oo. How do you like it, Luca?” Tanong ko at binuksan ang braso ko para sa kanya. 10 years old pa lamang si Luca. Malaki ang age difference namin, but it hadn't made me love him any less.

Tumakbo siya papunta sa braso ko at niyakap ako. “Ang weird. Kamukha mo si mama.”

Tumawa ako. “Talaga?”

“Handa na ang cake,” sigaw ni Mama at pumasok sa dining room dala ang isa sa mga sikat niyang cake.

“Ako muna, ako muna!” sigaw ni Luca at binitawan ako para tumakbo papunta sa cake. Humagikgik ako at sumunod sa kanya.

Pagkatapos ng dinner, umakyat na ako sa kwarto ko para ihanda ang sarili ko para sa mga mangyayari mamayang gabi.

Bago ako matulog, tinext ko sina Archer at Everly na may surprise ako sa kanila mamaya.

Nagset ako ng alarm sa cellphone at gumamit ng isa sa mga wireless earbuds ko. Alam kong masasabi ni Mama kung nagkukunwari lang akong tulog, kaya kailangan kong mag-ingat.

Nag good night na ako sa pamilya ko at natulog na.

Nakatulog ako agad, walang kamalay malay na ang gabing ito ang magbabago sa lahat.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

Tumunog ang alarm, at kinailangan kong tanggalin agad ang earbud sa tainga ko. Hindi ko napansin na naka-max pala ang volume nito bago ako natulog.

Napatingin ako sa phone ko. 11 o'clock na. Parating na sila.

Nagmadali akong bumangon at nagbihis ng napili kong damit. Mula roon, ay naghintay ako.

Tumunog ang phone ko at hinihintay nila ako sa labas. Bumaba ako sa hagdan at nilampasan ang kwarto ng mga magulang ko nang walang ingay.

I closed the main door as quietly as possible at ni-lock ito sa likod ko.

Nahanap na ni Everly ang bike ko at iniabot ito sa akin habang papalapit ako.

“Anong nangyari sa buhok mo?” bulong niya.

“Sasabihin ko sa iyo kapag malayo na tayo sa bahay,” bulong ko pabalik sa kanya.

“Ready?” tanong ni Archer.

“Ready,” bulong ko sa kadiliman.

***

Nakaparada ang bike nila halos kalahating milya mula sa kalsada.

Ordinaryo lang ang bike ni Everly katulad ng sa akin, pero maingay ang motor ng motorsiklo ni Archer at kinailangan naming siguraduhin na walang magigising na kahit sino.

Hindi naman kami nagmamadali, kaya't naglaan ako ng oras para i-enjoy ang mga kumikinang na bituin na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan. They were even better in real life than through the amazing pictures I had found online.

Pinatay ni Archer ang kanyang bike nang makarating kami sa isang maliit na clearing.

“Kailangan nating maglakad nang konti mula rito,” sabi niya.

Inilagay namin ni Everly ang aming mga bike sa tabi ng kaniya at sinundan siya sa tuktok ng burol, kung saan may nakikita akong maliit na setup ng picnic. It was beautiful.

Ang maliit na lugar ay naiilawan ng mga lantern at mga torch na inilagay sa paligid ng carpet.

“Happy birthday, Rieka,” sabay nilang sabi.

“This is the best spot for moon gazing,” mabilis na dagdag ni Everly. “Lalo na at napakalaki at napakaliwanag ang buwan ngayong gabi. Tinatawag nila itong supermoon.”

It was true. Malaki ang buwan ngayong gabi. Higit na mas malaki kaysa sa naisip ko.

Sa sobrang pagkamangha ko sa laki ng buwan, nakalimutan kong tingnan ang nilalakaran ko.

My foot got caught in a root, at natapilok ako, pero mabilis at naka-react agad si Archer bago ako tumama sa lupa.

Hinawakan niya ang pulso ko at niligtas ako mula sa pagkakaroon ng sirang pantalon at sugat. “Thanks,” sabi ko, nakahinga na nang maluwag.

“Alam kong excited ka, Rieka, but maybe watch the ground, too.” Tumawa siya. I pushed him forward for laughing at me, but I was secretly hoping na hindi niya napansin ang namumula kong mukha.

“So…,” sabi ni Everly. “Care to tell us about the new look?”

Lumingon si Archer at ginawaran rin ako ng nagtatakang mga mata.

“Finally ay pinayagan na ako ni mama na kulayan 'to bilang regalo sa'kin. Hindi naman sa hindi ko gusto ang kulay ng buhok ko dati, pero pansinin kasi 'to minsan, at gusto kong malaman kung anong feeling na maging normal, kahit konti lang…

“Do you like it?” Tanong ko at pinasadahan ng kamay ang buhok ko.

Archer cleared his throat. “It… It looks good, I mean… Medyo curious talaga ako na makita 'yan sa liwanag ng buwan.”

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa pangalawang pagkakataon. “Really?” Sinubukan kong itago ang kilig ko.

“Oo, bagay sa'yo.”

Nahiya ako at nawalan ng sasabihin.

Siniko ako ni Everly sa tadyang. May mapanuksong ngiti sa labi, at paulit-ulit na tumataas-baba ang mga kilay.

Gets ko naman kung ano ang ibig sabihin ng tingin niya, pero dinilaan ko lang siya para siya'y patigilin. Nagkibit-balikat siya at tumigil na.

Nilagay ni Archer ang lalagyan ng pagkain sa tabi ng carpet at muling tumingin sa akin.

He stared at me with his golden eyes. Matagal ko nang kinumbinsi ang sarili ko na siguradong may maingat na pumili sa kulay ng mga mata niya para itugma nang perpekto sa blond niyang buhok.

Halos kuminang sila sa liwanag ng buwan.

“I will admit that you actually do look a lot like your mother like that,” pag-amin niya.

“Hindi 'to ang unang beses na narinig ko 'yan ngayong araw.” napangiti ako.

“Mas gusto ko pa rin 'yong kulay dati,” narinig kong bulong niya bago siya may abutin sa bulsa ng kanyang jacket.

“Happy birthday,” aniya at iniabot ang isang maliit na itim na kahon sa kanyang kamay.

Tumakbo si Everly mula sa likuran at halos itulak ako sa kandungan ni Archer. “Nagdala ka ng regalo!? Akala ko ba nagkasundo tayo na hindi tayo magdadala!”

“I'm sorry, Everly,” sabi ni Archer na may malokong ngiti. “Hindi ko napigilan ang sarili ko nung nakita ko 'to.”

Tinanggap ko ang regalo niya at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ni Everly nang makita ang nasa loob ng kahon.

Isa itong kwintas. Sa dulo ng mahabang kadena ay isang bilog na figure na kumakatawan sa full moon tulad ng nakikita ko sa harapan ko. “Ang ganda, Archer. Thank you.”

“Here” sabi niya at inilahad ang kamay niya. Binigay ko sa kanya 'yung kwintas at tumalikod. “Ayan.”

Hinayaan kong bumagsak ang buhok ko at tumalikod para makita niya.

“Bagay sa'yo,” sabi niya at ngumiti. Umabot ito halos sa gitna ng aking tiyan, pero ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko.

“Rieka! Halos hatinggabi na!” sigaw ni Everly. “Ready ka na bang mag eighteen?”

I took a deep breath of the moist night air. “It's going to be the best birthday ever,” sabik kong sagot.

Tahimik ang kapaligiran. Tanging hangin at mga kaibigan ko lang ang naririnig ko.

“Upo ka muna,” sabi ni Archer at tinapik ang unan sa tabi niya. Kaya umupo ako at naghanap ng magandang pwesto.

Isang minuto na lang at mage-eighteen na ako, at nandito ako kasama ang dalawa kong bestfriend. Nothing could make this night any better. Almost.

Inakbayan ako ni Archer at hinila ako palapit, na nagpabilis naman ng tibok ng puso ko.

Inilagay ni Everly ang kanyang ulo sa kandungan ko at pinakita sa kanyang cellphone ang countdown sa eksaktong oras ng aking kaarawan.

Limang segundo na lang bago mag alas dose, narinig kong bumulong si Archer, “Happy birthday,” tapos ay hinalikan niya ang tuktok ng buhok ko.

Nagulat ako. He had never done anything like that before.

Ililingon ko na sana ang ulo ko para tignan siya nang pumatak nang alas dose ang orasan. Tila sumabog ang ulo ko at nagdilim ang lahat.

I woke up to the howl of a wolf. Parehong nakatayo sa harap ko sina Archer at Everly at nag-aalala ang itsura.

“Rieka! Naririnig mo ba kami?” sigaw ni Archer.

I sat up. “Anong nangyari?” I asked and tried to wrap my head around it.

“Hinimatay… ka lang naman,” sabi ni Everly.

Pumipintig ang ulo ko sa sakit na para bang may humahampas ritong pamalo pero wala itong pasa.

“Let's get you home, Rieka,” sabi ni Archer at tinulungan akong tumayo.

Nakarating kami sa mga bike, at pinuntahan ko ang bike ko, pero hinawakan ako ni Archer sa aking baywang at itinaas ang aking katawan sa kanyang motorsiklo.

“'Wag ka nang magtangka,” sabi niya. “You're riding with me. There's no way I am letting you ride by yourself.”

“Pero…” reklamo ko.

“You are riding with me,” ulit niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Kilala ko ang boses na iyon, at alam kong katangahan lang kung susubukan kong makipagtalo pa ulit sa kanya. Hindi ako mananalo sa pagtatalong 'yon.

Binigay niya sa akin ang helmet niya at ipinuwesto ako sa upuan sa likuran niya.

Hinawakan ko ang isang maliit na bahagi ng kanyang T-shirt para maiwasang malaglag, pero agad na hinawakan niya ang aking mga pulso at hinila ang aking mga braso para ipuwesto sa kanyang baywang.

“Rieka,” sabi niya at ibinalik ang tingin sa akin. “Kailangan mong kumapit nang mahigpit.”

I nodded without looking at him in the eyes.

Idiniin ko ang mukha ko sa mainit niyang likod, at habang sinisimulan niya ang motorsiklo ay naramdaman ko ang mga muscle niya sa ilalim ng kanyang damit. Natigilan ako at napaisip kung naramdaman ba niya na natetense ako.

None of us said anything on the way home. Inihinto ni Archer ang bike sa parehong lugar, na may distansya sa aking bahay.

Hinubad ko ang helmet at inabot iyon sa kanya. “Thanks,” I mumbled.

“No worries,” sabi niya. “Kaya mo na bang maglakad mula rito mag-isa?” Tumango ako, at tinulungan niya akong bumaba ng bike niya.

The second my feet touched the ground, my legs disappeared underneath me.

“Rieka!” sigaw ni Archer at lumapit sa akin kaagad.

Kinakapos ako ng hininga, at ang sakit ng buong katawan ko. Anong nangyayari?

“Can you stay here, Everly? Hahatid ko lang siya pauwi.” Tumango si Everly at mukhang nag-aalala rin.

Kinuha ni Archer ang isang braso ko at ipinulupot sa kanya para magamit ko siya bilang suporta. Hindi pwedeng malaman nina Mama at Papa.

“Archer…,” bulong ko. Tumingin siya sa akin. “Please, 'wag niyong sabihin sa parents ko.” Nakita kong umigting ang panga niya, pero wala siyang sinabi. “Please,” pakiusap ko.

Sa sandaling iyon, hindi ako sigurado kung makikinig siya, pero sapat na ang tunog ng sakit ko para sumuko siya. “Sige, I promise. But if it gets worse, I don't think I have a choice.”

“Salamat,” I whispered.

Binuhat niya ako sa kanyang mga bisig para hindi ko na kailanganing maglakad sa natitirang bahagi ng daan. Normally, tatanggihan ko 'yun, pero sa ngayon, sobrang hina ng katawan ko na halos hindi na ako makalakad, kahit may suporta niya.

Hindi ako kailanman nagkasakit. Not one day in my entire life. Kaya't hindi natural sa akin na makaramdam ng ganito.

Hindi ako maihahatid ni Archer sa loob nang hindi nagigising ang parents ko, kaya kinailangan kong hanapin ang daan ko paakyat nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

I finally reached my bed and couldn't wait for the soft pillows to keep me comfy and warm.

Pagod na ang katawan at isip ko, but the memories were clear as day.

Ramdam ko pa rin ang init ng katawan ni Archer. Ang mga kamay ko matipuno niyang katawan. I held on to that memory until my mind gave up, and I drifted into sleep.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Share on facebook
Share on twitter
Share on whatsapp
Share on email

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+