Matapos ilaan ang kanyang buhay sa pag-aalala na hindi na niya makikita ang kanyang mapapangasawa, sa wakas ay natagpuan na siya ni Alexia — at mas lalo siyang kinabahan! Si Alpha Rainier Stone ng Southridge Pack ay isang mamamatay tao na kilala sa pagiging malupit. Lahat ng gusto niya ay agad niyang nakukuha — at ngayon gusto niya si Alexia. At ang mas malala pa, ay nagkakagusto na rin siya sa kanya! Mapapakalma ba ni Alexia ang galit sa puso ni Rainier? Magagawa ba niyang iligtas ang kanyang sarili mula dito?
Rating ng Edad: 18+
Punished by the Alpha – Lunababy

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Matapos ilaan ang kanyang buhay sa pag-aalala na hindi na niya makikita ang kanyang mapapangasawa, sa wakas ay natagpuan na siya ni Alexia — at mas lalo siyang kinabahan! Si Alpha Rainier Stone ng Southridge Pack ay isang mamamatay tao na kilala sa pagiging malupit. Lahat ng gusto niya ay agad niyang nakukuha — at ngayon gusto niya si Alexia. At ang mas malala pa, ay nagkakagusto na rin siya sa kanya! Mapapakalma ba ni Alexia ang galit sa puso ni Rainier? Magagawa ba niyang iligtas ang kanyang sarili mula dito?
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: Lunababy
Bumababa ako ng hagdan para magtimpla ng kape. Hindi ako makatulog ng ilang linggo na, at alam ko kung bakit. Siya. Sinusubukan kong hanapin siya simula noong una kong pagbabagong anyo sampung taon na ang nakalilipas.
Palaging sinasabi sa akin ng aking ina na ang mapapangasawa ko ang magiging lahat sa akin. Kung pwede ko lang sana siyang hanapin. Dalawampu't anim na taong gulang na ako at hindi ko pa siya nakikilala o kahit man lng makita ang kanyang balat o buhok. Malay ko ba kung siya pala ay patay na.
Nakatira ako sa Wisconsin at kasalukuyang nananatili sa tirahan ng isang pack ng mga lobo. Napakaganda ng lugar na ito. Makikita sa teritoryo na ito ang mga kagubatan na natatakpan ng niyebe at kumikislap na nagyelo na lawa.
Ang aming pack ay binubuo ng mahigit kumulang dalawampu't apat na mga lobo. Ang tirahan namin ay dalawang palapag na may magandang kusina at sapat na mga kwarto para sa lahat ng mga lobo na wala pang kapares, na hindi gaano kadami.
Bumaba ako at naglakad papunta sa kusina — isang magarbong kwarto na puno ng hindi kinakalawang na mga kagamitan at may napakagandang kahoy na sahig.
Nagtimpla ako ng kape at tinitigan ang malaking bintana sa harap ng lababo. Isang probinsya sa mayelo na bansa na ilang milya ang layo.
Gusto ko ang lugar na ito. Napaka tahimik at payapa, hindi ko napansin ang isang tao na pumunta sa kusina at naglakad sa aking likuran.
“Magandang umaga, Lex,” sabi ng aking kapatid na si Adam.
“Magandang umaga,” bati ko. “Gusto mo ng kape?”
“Tinatanong pa ba iyan?” Ngumisi siya.
Si Adam ay matalik ko din na kaibigan at guro. Ang aming ama ay pumanaw noong kami ay bata pa, at pinalaki naman kami ng aming ina ng walang pagkukulang hanggang sa iniwan niya ang mundong ito makalipas ang ilang taon.
Ang aming ama ay isang beta, kaya inaasahan na gagampanan ni Adam ang papel na iyon sa pagtanda niya.
Si Alpha Greg, ang aming alpha, ang kumupkop sa kanya at itinuro ang lahat na kailangan niyang malaman — kung paano makipaglaban, at kung paano maiiwasan ang away hangga’t maaari. Tinuruan siya ng alpha kung paano maging isang tunay na pinuno.
“Nasaan ka kagabi?” tanong niya sa akin.
“Nagehersisyo ako. Kailangan kong magpahangin, at hindi ako iniiwan ng aking lobo. “
Alam niya kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa paghahanap ng kapares ko. Lagi ko iyong iniisip nitong nakaraang taon, pero sabi niya, dapat akong maging mapagpasensya, na darating din ang tamang panahon.
Gusto kong maniwala sa kanya, pero napakahirap lalo na kung napakatagal na siyang hinahanap tulad ko. Karamihan sa mga lobo ay natagpuan ang kanilang mga kapareha matapos ang kanilang unang pagbabagong anyo.
“Ah. Bago ko makalimutan, nais kong ipaalam sa iyo na ang alpha mula sa Southridge pack at ang ilan sa kanyang mga mandirigma ay darating bukas upang pag-usapan ang ilang mga isyu sa teritoryo. “
“Okay, at bakit mo sinasabi ito sa akin?” Tanong ko sa kanya, medyo kinakabahan.
Alam ng lahat kung sino ang Southridge pack.
Narinig ko na ang kanilang alpha ay walang awa, isang halimaw. Kinukuha niya ang gusto niya at pinapatay ang sinumang magtangkang pigilan siya.
“Hindi tayo binisita ng grupo ng mga taga Southridge sa loob ng maraming taon, mula ng magpalit sila ng bagong alpha, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang aasahan ko. Alam mo naman kung ano ang sinasabi ng lahat tungkol sa kanya. Nais ng alpha na ang bawat isa ay pinanatilihing bukas ang kanilang mga mata at tenga. Ayaw natin ng away. ”
Tumango ako at hinihintay ang pagpapatuloy niya.
“Gayunpaman, maari mong hilingin kay Linda at Julie na tulungan kang magluto ng sapat na pagkain para sa lahat na darating.”
Nagsalin pa ako kape sa aking tasa at binigyan siya ng masamang tingin.
“Tatanungin ko sila, pero kilala mo ang dalawang iyon,” sabi ko sa kanya habang nagsasalin din ng kape sa kanyang tasa. “Kailangan pa magmakaawa sa kanila na gumawa ng kahit ano. Hindi ba ako matutulungan ni Gennie? “
Si Gennie ang asawa ng aking kapatid at nag-iisa kong kaibigan. Hindi gaano marami ang mga lobo dito kaya't mas sanay ako na mag-isa lamang.
“Gusto niya, pero siya ang namamahala sa paglilinis at pag-aayos ng kwarto-kainan.”
Kinuha niya ang tasa ng kape at tumalikod para umalis. Bago lumabas ng pinto, tiningnan niya ako sa balikat niya.
“Taas noo ka lang. Mahahanap mo siya sa lalong madaling panahon, at siguradong mamahalin ka niya ng lubos, ” sabi niya at umalis.
Inirap ko ang aking mga mata habang kumukuha ng isang tinapay at inubos ang aking kape. Sumulyap sa orasan, oras na para maghanda para sa trabaho.
Bumalik ako sa taas, sa aking kwarto at naghubad.
Tumingin ako sa malaking salamin sa banyo, sinuklay ang aking mahaba at itim na buhok na hanggang bewang at tumitig sa mabilog at kulay berde kong mga mata na parang esmeralda.
Napunta ang aking paningin sa mga kurba na humuhubog sa aking katawan, at nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga.
Binuksan ko ang mainit na tubig at humakbang ako sa ilalim ng maligamgam na tubig. Hindi ko maiwasang isipin ang aking kapares habang ako ay naliligo.
Ang aking lobo ay nalulungkot sa pag-iisip sa kanya, na hanggang ngayon ay wala pa sakanya. Ikinukulong ng aking lobo ang kanyang sarili mula sa akin sa mga lumipas na panahon, nais lamang lumabas upang hanapin ang kapares.
Paglabas ko ng banyo, mabilis akong nagpatuyo gamit ang tuwalya, kumuha ng isang pantalon na maong at isang itim na blusa. Nagbihis ako at pinatuyo ang aking buhok bago maglagay ng mascara.
Matapos kong isuot ang aking bota, nagtungo ako sa labas papunta sa aking '78 Pontiac Firebird at sinimulang paandarin ito. Ang “Rainier Fog” ni Alice in Chains ay malakas na tumugtog sa speaker at pansamantala kong nakalimutan ang lahat.
Limang minuto lang ang aabutin papunta sa trabaho. Hindi ko lubos maisip na isang araw ay magtatrabaho ako sa isang bar, pero naging dahilan ito para makalabas ako at makakilala ng ibang tao.
Pagdating ko, dumiretso ako sa likod ng bar at nagsimulang maglinis bago magsimulang dumagsa ang mga kostumer. Narinig ko ang isang tao na pumasok mula sa pintuan at agad akong tumingin.
Si Gennie, ang asawa ng aking kapatid at aking kasamahan sa trabaho, ay pumasok sa pintuan at binigyan ako ng itsura ng may tanong.
“Bakit hindi mo sinagot ang selpon mo kagabi?”
“Marami akong iniisip. Lumabas lang ako para mag ehersisyo at hindi nakabalik agad, ” sabi ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng isang munting ngiti na puno ng awa.
“Huwag mo akong tingnan ng ganyan.”
“Gusto ko lang maging masaya ka.” Malungkot siyang ngumiti.
Lumapit siya sa likuran ng bar at sinimulang punasan ang mga baso na hinuhugasan ko, tsaka ko siya binigyan ng aking pinakamalaking ngiti.
“Magiging okay ako. Kailangan ko lang na maging abala upang maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano. “
Sa huli ay hinyaan niya na ako, at natapos namin ang paglilinis bago pa magsimulang dumating ang mga kostumer. Pagkalipas ng ilang oras, ang gabi ay buhay na buhay na.
Ang mga parokyano ng bar, tao at lobo ay sabay na nagdadatingan, at masasabi kong ito ay magiging isang mahabang gabi.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
Tumagilid ako sa pagkahiga at sinarado ang alarm clock. Eksaktong alas kwatro na. Araw-araw ay pareho. Gumising, maligo, kumain ng agahan, mag ensayo kasama ang aking mga kapwa mandirigma. Ngunit iba ngayon.
Ngayon, maglalakbay ako paakyat sa hilaga para makilala ang grupo ng Northridge para pag-usapan ang pagpapalawak ng aking teritoryo.
Ramdam ko ang lamig ng tiles sa pagpasok ko sa banyo, maya-maya pa ay puno na ng mainit na hangin ang malaking kwarto ng magsimula akong maligo. Nagsutsot ako ng napaso ako ng tubig sa aking likuran, pero sapat na ito upang maramdaman ko na hindi pa ako patay sa loob.
Palaging sinabi sa akin ng aking ina na ang kalungkutan ay imahinasyon lamang, pero ano itong nararamdaman ko na para bang kinakain ng lungkot ang aking pagkatao araw-araw?
Marami akong mga babaeng kaibigan na sinasamahan ako sa tuwing kailangan ko sila, pero hindi na ako pinapayagan ng lobo ko na tingnan sila..
Ang gusto lang niya ay siya, pero ang mga pagkakataon upang makahanap ng mapapangasawa na biyaya ng buwan ay nababawasan araw-araw habang tumatanda ako.
Sinarado ko ang tubig, lumabas at kumuha ng damit. Nakaramdam ako ng gutom habang isinusuot ko ang isang itim na T-shirt kaya't lumabas ako upang maghanap ng agahan.
Tinatawag ang pangalan ko ng berdeng kagubatan. Hinubad ko ang aking damit, kaagad na pumasok sa kakahuyan at ramdam ko ang pagiging isa ko sa aking lobo. Tinawag ko siya at agad na nagbago ang aking katawan, mas malaki at mas malakas.
Ang aking mga kamay ay mabilis na naging mahabang, matutulis na kuko, at itim na balahibo ang umusbong mula sa aking balat.
Mabilis akong tumakbo hanggang sa gitna ng kakahuyan na pinalilibutan ng mga malalaking puno ng Oak at malambot na berdeng lumot.
Yumuko ako sa lupa at lumanghap, nahuli ang amoy ng isang usa sa malapit.
Pinagpatuloy ko na sundan ang amoy nito at tinahak ang kanyang daan, sa wakas ay nakita ko ito sa isang kasukalan na kumakain ng mga berry.
Ito ay isang lalaking usa, at alam kong kayang-kaya ko itong ipabagsak. Sinunggaban ko ito, agad itong tumakas, pero mas mabilis ako.
Tinalunan ko ang likod ng usa, at lumubog ang aking mga ngipin sa kanyang lalamunan. Ang sarap ng lasa ng dugo na pumupuno sa aking bibig, at makalipas ang ilang segundo, tuluyan nang naging lanta ang katawan ng lalaking usa.
Nasiyahan ako sa mabigat na agahan hanggang sa maubos ko ito. Dinilaan ko ang dugo mula sa aking nguso, bumalik ako sa pack house at nagpunta sa kung saan ko inilapag ang aking mga damit.
Pagkatapos, kinausap ko ang aking beta sa aking isip at sinabihan na makipagkita sa akin sa opisina.
Hindi nagtagal, nakaupo na ako sa aking mahogany na lamesa na puno ng mga papeles, at ang aking beta, si Lucas, ay kumatok sa pintuan bago sumilip sa loob.
“Alpha, gusto mo ba akong makita?”
“Oo,” sabi ko sa kanya. “Sabihin mo kay Jay na maghanda sa pag-alis alas dos ng hapon. Siguraduhin mo na handa ring umalis sina Toby at Damon. ”
“Oo, Alpha,” sabi niya. “Sisiguraduhin kong handa na sila.”
“Oh,” pagpapatuloy ko. “Pakisabi sa pack na mawawala lang tayo ng dalawang araw. Gusto kong makabalik sa lalong madaling panahon. ” Hindi ko gustong iwanan ang aking pack, pero alam kong sila ay nasa mabuting mga kamay.
Tumango si Lucas at lumabas ng aking opisina, iniwan ako sa malalim na pag iisip.
Makaraan ang ilang oras, nasa daan na kami.
“Alpha,” sabi ni Jay, “ano ang plano mo pagdating natin?”
“Sasabihin natin sa kanila na gusto natin ang bahagi ng kanilang lupain. Narinig kong nagkaroon sila ng problema sa mga magnanakaw na malapit sa teritoryo ng kanilang pack, kaya ibibigay natin ang proteksyon bilang kapalit,” kaswal kong sinabi.
“At kung tanggihan nila ang iyong alok?”
“Kung ganon kukunin natin ang kanilang lupain nang sapilitan,” sabi ko. Sina Jay, Toby, at Damon ay nagkatinginan pero wala silang sinabi.
Gagawin ko ang anumang bagay para sa aking pack para sigurado na maaalagaan sila. Kailangan namin ng mas malawak na lupa, at ang Northridge pack ay may malawak na lupain.
Ang bilang ng mga lobo doon ay konti lamang kumpara sa amin, pero ang kanilang teritoryo ay sumasaklaw sa maraming mga estado.
Sigurado na ang isang alok para sa proteksyon kapalit ng lupa na hindi nila ginagamit ay magiging isang malaking pakinabang sa kanila.
Naglakbay kami ng tahimik sa sumunod na oras, at mula sa masukal na kakahuyan ay narating namin ang lugar na puno ng niyebe.
Hindi mapakali ang aking lobo habang kami ay papalapit sa aming patutunguhan, siguro ang rason ay dahil malayo na ako sa aking pack.
Nang sa wakas ay malapit na kami sa labasan, nagsalita si Toby. “Kailangan ko ng makainom paglabas ko sa pagsakay sa kotseng ito ng mahabang panahon,” sabi niya, at kaagad na sumang-ayon si Damon.
Kinabukasan pa dapat ang aming pagdating kaya inisip kong magpalipas nalang muna kami ng gabi sa hotel sa bayan at makipagkita sa Northridge pack sa umaga.
Huminto ako saglit sa isang maliit na bar sa gilid ng bayan at dumiretso sa parkingan. “Tara na,” sabi ko sa kanila, “uminom muna tayo ng kaunti bago pumunta sa hotel.”
Si Damon ay unang lumalabas at umunat, sinundan nina Toby at Jay. “Sana makahanap tayo ng magagandang babae dito,” sabi ni Toby, na iniunat ang mga braso sa taas ng kanyang ulo.
“Para namang alam mo kung ano ang gagawin sa kanila,” sagot ni Damon.
Hinampas siya ni Toby sa kanyang batok, at nagpatuloy sila sa pagtatalo at pagtawa. Ang dalawang magkapatid na ito ay laging nagbibiruan at nag-aaway na parang mga bata.
Naisip ko tuloy kung ano kaya ang pakiramdam ng mayroong kapatid, pero agad ko ding inalis ang ideya na iyon.
Nahihirapan na nga ako sa pagprotekta sa aking ina habang tumatanda ako.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay lalong naging balisa ang aking lobo at nakaramdam ng pananabik habang naglalakad kami patungo sa bar. Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ng bango ng mga orchid at blackberry na lalong nagbigay buhay sa aking pandama.
Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim, ang mabangong amoy na pilit kumukuha ng aking pansin. Ang aking mata ay agad na napunta sa isang napakagandang babae sa likod ng bar, at sa isang iglap, agad kong napagtanto kung sino siya. Mate.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!