Nabuhay si Clarise kasama ng kanyang overprotective na ama at hiniwalay sa kanyang totoong pagkatao, ang pagiging isang wolf o lobo. Kaya naman nang mawalan siya ng kontrol sa kanyang pag-shift ay nakuha siya ni King Cerberus Thorne, ang kilalang pinuno ng lahat ng mga werewolves.
Habang nakakulong siya sa castle ni Cerberus ay natuklasan niyang hindi na niya matatakasan pa ang kanyang kapalaran at habangbuhay na siyang nakatali rito. Pero may pag-asa pa bang mapaamo niya ito bago pa mahuli ang lahat?
Rating ng Edad: 18+
Taken – DzenisaJas

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
1
Nabuhay si Clarise kasama ng kanyang overprotective na ama at hiniwalay sa kanyang totoong pagkatao, ang pagiging isang wolf o lobo. Kaya naman nang mawalan siya ng kontrol sa kanyang pag-shift ay nakuha siya ni King Cerberus Thorne, ang kilalang pinuno ng lahat ng mga werewolves. Habang nakakulong siya sa kastilyo ni Cerberus ay natuklasan niyang hindi na niya matatakasan pa ang kanyang kapalaran at habangbuhay na siyang nakatali rito. Pero may pag-asa pa bang mapaamo niya ito bago pa mahuli ang lahat?
Rating ng Edad: 18+
Orihinal na May-akda: DzenisaJas
Tandaan: Ang kwentong ito ay orihinal na bersyon ng may-akda at walang tunog.
Isang maingay na tunog ang maririnig sa gitna ng madilim na kagubatan. Magkahalong hingal at ungol.
Wasak at nagkalat ang duguang katawan sa lupa.
Makikita ang kalmot ng mga kuko nito sa ilang mga puno at maging sa biktima nito.
Nakakapangilabot ang tanawing iyon kung tutuusin. Ang mga damo ay nadiligan na ng kumalat na dugo. Ang katawan ay walang awang pinagpira-piraso at iniwan na lamang sa putikan.
Kasunod nito ay ang paglagitik ng mga buto at ang malakas na pagsigaw bago muling bumalot ang katahimikan.
Isa na namang katawan ang muling bumagsak sa lupa. Muli, wasak ang katawan nito at halos wala ng buhay. Saka siya nito muling hinawakan ng marahas.
Naisip nang lalaking iyon na sana nga ay nawalan na lamang siya ng buhay kaysa makita niya ang sariling dumadaloy ang sariling dugo mula sa kanyang putol na braso at kalahati ng kanyang katawan!
Ngunit hindi niya kayang harapin ang lalaking gumawa sa kanya ng mga iyon. Dahil ang nilalang na nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking laman ng mga kwentong hindi na maaaring mabanggit pa. Ang lalaking kinakatakutan ng lahat. Ang lalaking ni hindi niya kayang tingnan ng diretso dahil sa nararamdaman niyang matinding takot.
Ang lalaking walang awang pinagpira-piraso siya ay walang iba kundi ang Hari ng Lahat ng mga Wolf Bornes at tiyak na hindi siya nito pakakawalan kaagad.
Ang mga mata ng lalaki ay halos lumuwa na at unti-unti na rin itong nauubusan ng dugo. Alam nitong wala na siyang pagpipilian pa kundi ang tanggapin ang kanyang kapalaran. Wala siyang lakas o kapangyarihan para labanan pa ito.
Ang nilalang ay nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa sa lalaki at itinatapon ang bawat piraso ng katawan nito sa kung saan. Hindi na ito katakataka pa dahil mayroon itong mga kukong mas matalas pa sa kutsilyo at walang makakapantay ang mala-bakal nitong mga kamay.
Namimilipit na siya sa sobrang sakit at alam niyang hindi na siya magtatagal pa kahit anong gawin niya kaya kahit na nahihirapan ay hindi niya lubusang iniyuko ang kanyang ulo para kahit papaano ay may maiwan pa ring dignidad sa kanya.
Bahagyang natawa ang Alpha King. Gustong-gusto niya ang nakikitang takot sa mukha nito. Ang pakiramdam ng pagkapunit ng balat nito, ang pagkapira-piraso ng katawan nito at ang pagtulo ng pulang dugo sa kanyang mga kamay at braso.
Ilang oras na simula nang pinapahirapan niya ang lalaki. Hangga’t sa makakaya nito ay pinilit nitong huwag sumigaw sa sakit. Unti-unting nanahimik sa buong kagubatan at tanging ang ihip lamang ng hangin ang maririnig.
Unti-unting nawawalan ng buhay ang lalaki. Ang kanyang paningin ay dumako sa mga nagkalat na piraso ng kanyang katawan at maging sa kanyang dugo na bumalot sa paligid.
Hindi pa nakontento sa nakikitang paghihirap ng lalaki ay kinagat pa ng Alpha King ang leeg nito at sinipsip ang natitirang dugo ng lalaki. Kapalit niyon ay ang pagkalat ng nakakamatay na lason rito.
Nakangising tiningnan nito ang lalaki. May bahid pa ng dugo ang mga ngipin nito saka marahang tumawa.
Sa huling pagkakataon ay muli niyang tiningnan ang lalaking namimilipit sa sakit. Tinalikuran niya ito at nagshift bilang isang itim na itim na lobo. Bigla na lamang itong nawala sa kadiliman ng kagubatan. Iniwan niya ang lalaking ilang segundo na lamang ay maaari nang bawian ng buhay.
Nanginginig man ay unti-unting ibinaluktot ng lalaki ang kanyang katawan.
Tumutulo ang kanyang luha habang unti-unting kumakalat ang lason sa kanyang katawan.
Hindi na niya kaya.
Sobra na siyang nahihirapan.
Pinakawalan niya ang isang malakas na sigaw na siyang yumanig sa katahimikan ng kagubatan. Ang mga ibon ay mabilis na lumipad sa takot at pagkabigla habang ang katawan nito ay dahan-dahang natutunaw kasabay ng pagluwa ng nanunubig nitong mga mata.
Sa sandaling katahimikan, makikita ang pagkawala ng lalaki.
Dahil ito ay patay na.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!
2
“Okay na anak. Sa palagay ko mas mabuti kung umalis ka na sa lugar ng pagsasanay at bumalik sa bahay para tulungan ang iyong ina sa ilang mga gawain.”
Umiling at umungol ng pagtutol ang narinig ng matanda mula sa kanyang anak. Ginulo nito ang pulang nitong buhok at bahagyang sinamaan ang ama ng tingin.
“Ayoko. Gusto ko rito,” sabi rito. Ayaw niyang umalis sa lugar ng pagsasanay dahil ayaw ng kanyang ama na mamulat siya sa larangan ng pakikipag-away.
“Anak, hindi ito ang lugar para sa iyo. Naiintindihan ko na ito ang iyong unang buwan ng pag-s-shift at napakabata mo para mamulat sa kalupitan,” patuloy ng kanyang ama.
Sinusubukan nito na manatiling kalmado habang patuloy ang kanyang anak na binibigyan ito ng masamang tingin.
“Hindi na po ako bata! Labingpito na ako at nararapat na tratuhin bilang isang ganap na lobo. Hindi porket mas maliit ako sa kanila at medyo mahina ay hindi ko na kayang maging malakas.”
Umungol ng pagtutol ang kanyang ama habang pinipisil ang kanyang ilong at naniningkit ang mga mata.
“Sige na Pa, hayaan mo na akong magsanay. Naghihintay na sila at ayokong mapahiya ako,” nakikiusap niyang sabi. Umaasa siyang ititigil na ng kanyang ama ang pagtrato sa kanya na parang bata at payagan na lamang siya.
“Sige na. Maaari ka ng magsanay. Pero sa oras na marinig kong nasasaktan ka o umiiyak, kakaladkarin kita at hindi ka na pwedeng magsanay pa. Naiintindihan mo ba ako?” pinal nang sabi nito.
Napasigaw ang kanyang anak habang masayang tumango bago tumalikod at tumakbo papunta sa mga miyembro ng pack na naghihintay sa kanya para magsanay.
“Hindi mo siya mapipigilan, Nathaniel. Kailangan niyang matuto, at ang kakayahan niyang maging isang lobo ay kailangan niyang sanayin para maging malakas.”
Ang ama ng batang babae – si Nathaniel – ay pabuntong hiningang lumingon sa lalaki. Tiningnan niya ulit ang anak. Kaya niyang isakripisyo ang lahat maging ang kanyang buhay kung kinakailangan para lamang rito.
“Alam ko iyan, Mattel pero tingnan mo siya. Napakabata pa niya. Hindi niya alam kung gaano kapanganib ang mundo at natatakot ako para sa kanya.”
“Wala ka rin namang magagawa. Nariyan ka man o wala, malalaman niya. Parte na yan ng pagiging lobo natin. Maganda nga na matutunan niya yan ngayon habang bagong shift pa lamang siya,” sabi ni Mattel.
Napatingin siya nang diretso sa kanyang anak. Nagpupumilit itong i-posisyon ang kanyang katawan katulad ng iba.
Malungkot na napatawa si Nathaniel sa sarili nang makita ang isa sa mga miyembro ng pack ay tumutulong sa kanyang anak na babae na ayusin ang kanyang pagtayo habang namumula ito sa kahihiyan.
“Sana lang ay kayanin niya ang lahat. Ang akala ko kapag nagsimula na siyang mag-shift ay lalakas na siya pero hindi. Nanatili pa rin siyang maliit at mahina kaya talagang nag-aalala ako sa kanya,” pagtatapat ni Nathaniel bago tumingin sa kaibigan.
Bumuntong hininga si Mattel habang tumatango. Ang mga kamay ay pinaraan niya sa kanyang kulay abong buhok.
“Huwag ngang ganiyan ang isipin mo. Kasi naman, kayo ni Kim, matagal niyo siyang bina-baby kaya hindi na ako magtatakang ganyan siya. Pero huwag kang mag-alala, lalakas din siya. At sana, pagdating ng tamang panahon ay isang malakas na lobo ang mapangasawa niya. Yung kaya siyang protektahan.”
Huminga ng malalim si Nathaniel bago tumango. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa anak na walang alam tungkol sa panganib na maaaring mangyari.
Nakatayo ang dalaga sa tabi ng kanyang matalik na kaibigan na si Greta. Nakakunot ito at bahagyang namamasa ang noo ng pawis dahil sa init.
Nakabuka ang kanyang binti kapantay ng kanyang mga balikat. Bahagyang nakabaluktot ang kanyang mga tuhod. Ang kanyang kaliwang paa ay nakatukod patungo sa kinatatayuan ng Beta. Pilit niyang ginagaya ang posisyon nito.
Nagpumilit siyang manatili sa ganoong posisyon habang pinapanatili niyang balansehin ng kanyang pagiging lobo.
Ang ibang mga nag-e-ensayo ay madali ng nakakatayo sa kani-kanilang mga posisyon. Lahat ay mukhang mas malakas kaysa sa kanya.
Ang Beta ay nakatingin sa kanilang lahat. Naghahanap ng anumang mga pagkakamali. Wala siyang makita hanggang sa maabot ng kanyang mga mata ang babaeng may mahaba at mapulang buhok. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Claire, panatilihin mong nakatingala ang iyong mga mata at nakababa ang iyong baba. Dapat palagi kang maging alisto kung nasaan ang kalaban mo dahil kung hindi…” huminto ito nang mapansin niyang iniiwas nito ang tingin at walang imik na bahagyang ibinaba ang ulo.
“Kundi patay ka sa isang segundo lang.”
Napangiwi siya nang biglang lumitaw sa harapan niya ang Beta. Mabilis iyon at walang tunog.
Nanlaki ang mga mata niya at halos magka-stiff neck dahil pa sa pagkakataas ng mukha niya. Hindi naman siya pinansin ng iba habang si Greta ay nakatingin sa kanya.
“Eyes up. Chin down.”
Tumango siya habang bahagyang namula at mabilis itong lumayo sa kanya.
“Ngayon naman, hanapin niyo na ang inyong mga kapareha…”
***
Naglakad si Claire palabas ng banyo habang nakatapis ng manipis at kulay purple na tuwalya. May isa pang nakalagay sa buhok naman niya.
Hinalungkat niya ang aparador sa sulok ng kanyang maliit na silid. Naghahanap siya ng damit para sa pagpupulong ng pack na pinamumunuan ng Alpha ang – Crescent Arc -.
Inilabas niya ang isang puting damit na may mahabang manggas at isang berdeng overall dress na gawa sa corduroy. Umabot lamang ito sa itaas ng kanyang mga tuhod.
Pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang mahabang buhok na umabot sa kanyang balakang.
Tuwid na tuwid ang kanyang buhok. Kaya naman kung gusto niyang kulutin ito ay kailangan pa niya ng curler. Hindi katulad ni Greta na mayroong kulot na buhok at bahagya niyang kinaiinggitan.
“Clarice! Tara na!” tawag sa kanya ng kanyang ina.
Napabuntong-hininga siya nang alam niyang wala na siyang oras para suklayin ng maayos ang kanyang buhok o maglagay man lang ng kaunting pampaganda sa kanyang maputlang pisngi.
Sinipsip niya na lang ang kanyang mga labi para lumabas kahit papaano ang pulang kulay nito.
Nilakihan niya ang kanyang mga mata para sana ay maging bilog iyon ngunit bumabalik pa rin ito sa pagiging almond-shaped.
Nagkibit balikat siya dahil pansin niyang wala man lang nagbago sa mukha niya. Ramdam niya ang pagiging ligalig ng lobo niya dahil tumingkad lalo ang kulay berde niyang mata.
“Clarice!”
Nagmamadali siyang tumakbo palabas at hinihingal na humarap sa kanyang inang nakatayo sa may dulo ng hagdanan. Bakas sa mukha nito ang pagkainis dahil sa kanyang katagalan sa pag-aayos.
“Sorry,” pa-cute na sabi ni Claire.
Napatawa naman ang kanyang ina saka bahagyang ginulo ang kanyang buhok.
Ang ina ni Claire ay may buhok na katulad niya samantalang ang kanyang ama naman ay brown ang buhok. Ang mga mata ng kanyang ina ay doe-shaped at kulay asul katulad ng dagat. Mayroon itong mala-porselanang balat samantalang si Claire naman ay mana sa kanyang ama na kayumanggi.
“Tara na,” sabi ng tatay ni Claire nang dumating ito. Nakasuot ito ng malinis at asul na button down shirt at itim na pantalon.
Kinuha nito ang kamay ng asawa o mate sa kanilang lenggwahe. Nang magdampi ang kanilang balat ay makikitang mabilis na nagliwanag ang kulay na kanilang mga mata. Nangangahulugan lang sila ay itinadhanang magsama habang buhay.
Hindi maitago ni Clarice ang pagkamangha sa nangyari. Nagsimula na silang maglakad palabas ng kanilang bahay patungo sa pack house kung saan gaganapin ang pagpupulong.
“Alam mo ba kung tungkol saan ito, Nathaniel?” tanong ni Kim sa asawa habang dahan-dahang naglalakad sa bakuran patungo sa malaking bahay.
Naglakad si Clarice sa likuran nila. Patago siyang nakikinig sa kanilang pag-uusap – sana lang ay hindi nila mapansin ang pakikinig niya.
“Parang may ideya na ako pero sana ay mali ako sa naisip ko…” napatigil siya nang mapansin nitong nakikinig siya.
Kaya nilapit na lamang ng Papa niya ang kanilang mga ulo at nagsimulang mag-usap sa kanilang isipan. Pinaikot na naman ni Clarice ng kanyang mga mata sa inis.
Palagi na lamang silang ganito. Palagi siyang tinuturing na parang bata.
“Welcome Nathaniel, welcome Kim and Claire.”
Lahat sila ay yumuko ng bahagya sa Beta na nasa may harapan ng pack house.
“Hello, Beta Lance,” bati rito ni Nathaniel at ngumiti ang Beta bago isinara ang pinto sa likuran nila.
Naramdaman ni Clarice na nagsimulang gumalaw ang lobo sa loob niya kaya naman nagtangis ang mga bagang niya habang isinara niya ang kanyang kamao. Ngayon pa lang ang unang buwan niya ng pag-s-shift at hindi pa niya kayang kontrolin ang kanyang pagiging lobo. Natatakot siyang baka mag-shift siya nang hindi niya inaasahan at hindi niya makontrol.
“Okay ka lang, anak?” tanong ng kanyang ina habang naglalakad sila. Mabilis na tumango si Claire – pilit niyang pinapatigil ang lobo sa loob niya.
“Ang Alpha!” anunsiyo ng isang tao kaya naman nanahimik na ang lahat at mabilis na yumuko bilang paggalang – ang tunog ng mga sapatos sa sahig ang narinig lang sa buong silid.
“Kamusta kayong lahat. Alam kong nagulat kayo sa biglaang pagpupulong na ito pero kailangan natin itong pag-usapan…” Huminto siya nang nagsimulang ituwid ng lahat ang kanilang mga sarili at itaas ang kanilang ulo para tumingin sa kanya.
Nakatayo ito sa harap ng silid habang mababakas sa mga mata nito ang kapangyarihan. Ang kanyang buhok ay nagsisimula nang maging kulay abo. Matikas ito at matangkad kaya naman nakikita ng kaunti ni Clarice ang noo nito.
“Tungkol saan ba ito, Alpha?” tanong ni Beta Lance. Nagtaka ang buong pack dahil maging si Beta Lance ay hindi alam kung tungkol saan ang pagtitipon. Kaya naman seryosong nakinig ang lahat.
“Buweno, bukas ng hapon ay magkakaroon tayo ng bisita. Ang alam ko lang ay bibisitahin niya ang lahat ng mga nasa silangang packs. Napuntahan na niya ang Dark Crest, Red Blood, Opalescent Sparrow at tayo ang huling pack na bibisitahin niya.” Napasinghap ang Alpha at naramdaman ng lahat ang kaunting panginginig sa boses niya.
“Bakit siya dumadalaw?” tanong ng isang miyembro ng pack at na sumang-ayon naman ang lahat kasabay ng bulung-bulungan.
“Tahimik!” malakas na utos ng Alpha kaya naman kaagad na tumahimik ang lahat.
“Wala akong ideya kung bakit siya bumibisita. Sinabi lamang ng were-council na bibisitahin niya ang lahat ng mga nasa silangang packs kaya dapat tayong maghanda.”
“Okay. Pero sino ba siya?” sa pagkakataong ito ay si Kim, ina ni Clarice, ang nagtanong at sumunod naman ang lahat – sila ay gusto iyong malaman kahit si Clarice.
“Siya ang Alpha ng lahat ng Wolf Borne.”
Ang balitang iyon ay parang bombang bumagsak – at lahat ay biglang tumahimik.
Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!