logo
GALATEA
(30.7K)
FREE – on the App Store

Ang Tunay na Evie Chase

Labing pitong taong gulang na si Evie Chase ay meron ng lahat: fame, fortune, at career sa pagkanta ng kanyang mga pangarap. Pero pagkatapos niya mag-struggle sa anxiety at sa pressure ng superstardom, si Evie ay bumalik sa kanyang maliit na bayan, nakaharap sa mga old bullies, mga bagong kaibigan, at ang lalaki na naiwan niya…

Rating ng Edad: 16 +

(Trigger Warning: Mental Illness/Anxiety Disorder/Mention of Anxiety and Depression)

 

Ang Tunay na Evie Chase – Riss Concetta

 


 

Ang app ay nakatanggap ng pagkilala mula sa BBC, Forbes at The Guardian para sa pagiging hottest app para sa pampasabog na bagong nobela.

Ali Albazaz, Founder and CEO of Inkitt, on BBC The Five-Month-Old Storytelling App Galatea Is Already A Multimillion-Dollar Business Paulo Coelho tells readers: buy my book after you've read it – if you liked it

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

1

Summary

Labing pitong taong gulang na si Evie Chase ay meron ng lahat: fame, fortune, at career sa pagkanta ng kanyang mga pangarap. Pero pagkatapos niya mag-struggle sa anxiety at sa pressure ng superstardom, si Evie ay bumalik sa kanyang maliit na bayan, nakaharap sa mga old bullies, mga bagong kaibigan, at ang lalaki na naiwan niya…

Rating ng Edad: 16 +(Trigger Warning: Mental Illness/Anxiety Disorder/Mention of Anxiety and Depression)

Orihinal na May-akda: Riss Concetta

EVIE

In three…

Out five…

Talagang sinubukan kong mag-focus na i-steady ang aking paghinga,pasok at labas, habang nakatingin ng malalim sa nag-b-blink na mga camera lens. Ang malamig at hindi nakikitang mata ay nakatingin sa akin pabalik ng walang emotion, panghuhusga lang.

Click, click, click! Mula sa flash ng mga camera.

“Ngiti, doll! Beam! Kuminang! Kumislap na parang isang bituin na ikaw!” Sinabi ni Damon, ang photographer.

Hindi ko gaano ramdam ang pagiging isang bituin ngayon, Isip ko.

Hindi mahalaga kung gaano karaming mga empty compliments ang itinapon ng photographer sa aking direction, ang mga photoshoot ay hindi kahit kailan nabigo na iparamdam sa akin ang sobrang kamalayan sa sarili. Ang Adrenaline ay dumaloy sa aking mga ugat habang ang aking mga daliri ay magkasamang nakabuhol.

Ang mga ilaw ng flashbulbs na nag-bounce off sa puting backdrop ay nakakabulag, at ang fact na si Damon ay may isang fan para ma-achieve ang isang windblown effect ay nagpapatuyo ng aking mga mata.

“Ikaw ay isang reyna! Isang role model!” Nag-coo siya, kahit na naririnig ko ang insincerity sa boses niya. “Ikaw si Evie Chase!”

Binagsak lamang nito ang aking confidence at pinalaki pa ang aking anxiety.

Click, click, click!

“Evie, nakikinig ka ba sa akin?” dumating ang isa pang boses.

Napatalon ako sa attention. “Ay, sorry, Pam. Ano ang sinabi mo?”

Ang aking publicist, si Pam, ay nakasuot ng isang simpleng itim na damit, headset na bluetooth sa isang tenga, mga credential sa paligid ng kanyang leeg, at—sa kabila ng katotohanang malapit na ang gabi at kami ay nagsisiksikan sa loob—mga sunglasses sa itaas ng kanyang high bun.

Si Pam ay palaging dalawang bagay: loud at blunt. Pero nagtrabaho siya ng mahusay para sa akin, at pinahahalagahan ko ito ng higit sa kahit ano pa man.

“Meron lamang tayong isang oras hanggang sa maihatid ka namin sa premiere. O…” Tinignan niya ang kanyang smartwatch. “Fifty-six minutes. Ang limo ay darating dito sa ilang sandali. “

Tama. Ang premiere para sa pinakabagong movie ng aking nakatatandang kapatid na si Cassidy, isang series sa superhero franchise, Dark Titans.

Dadalo ang buong pamilya. Lahat ng tatlong babae na Chase.

Habang ako ay subsob sa trabaho para sa aking pangalawang album, si Cassidy na patuloy na nagbabyahe para sa press tours kasama si papa sa kanyang tabi, at ang aming nakababatang kapatid na babae, si Addison, na tumatakbo sa buong lugar para sa pagmomodelang mga gig sa tulong ni mama, hindi kami magkakasama sa loob isang silid ng halos limang buwan.

Nakakatawa ba na ang aming dating malapit na pamilya ay nagkikita lamang sa fancy, at highly publicized na mga events sa mga panahong ito? Mas madalas sa red carpet kaysa sa aming sariling bahay?

Tumayo si Pam sa tapat ng silid kasama ang aking tour manager na si Sophia, habang patuloy na kumukuha ng mga litrato ang photographer.

“Pinag-uusapan natin ang iyong paparating na mga tour dates. Malinaw na may kinalaman ito sayo, kaya baka gusto mong makinig ng mabuti,” sabi ni Sophia.

“Nakikinig ako, nakikinig ako,” bulong ko.

“Okay,” sabi ng photographer, na malinaw na naiinip, “bigyan mo ako ng mabangis! Itapon mo ang isang kamay pataas.”

Awkward na nag-f-fidget sa aking mga kamay, sumulyap ako sa aking mga kuko. Kapareho nila ang daring na pulang pantalon na napili para sa full-blown glamour na production na ito.

Ang kulay at malutong na tela nito ay tiyak na nagmumukhang mas matapang kaysa sa nararamdaman ko.

Si mama ay may isang puting gown sa isip para sa gabing ito, naalala ko na may isang medyo pagod na buntong hininga sa loob-looban ko. Isa pang kumpletong pagbabago ng damit, sapatos, accessories. Kakailanganin ko ng bagong makeup at ayos ng buhok.

Mga bagong kuko, pati na…

Click, click, click!

“Evie, darling, mag-angat ka ng tingin, jusko naman,” hiniling ng photographer. Sapilitang mas mabait, idinagdag niya, “Tingnan natin ang iyong kumikinang na hazel na mga mata!”

Nagmamadaling sumunod akong tumingin habang si Sophia ay nagpatuloy sa pagsabi sa kanyang listahan.

“Kaya't agad na nakasunod sa afterparty, gagawa tayo ng isang red-eye magdamag mula sa Chicago hanggang Miami para sa festival performance sa beach,” sabi ni Sophia.

“Huwag mong kalimutan na meron tayong charity brunch pagkatapos nun, kaya kailangan mong dumiretso sa kama pagkatapos,” dagdag ni Pam.

Click, click, click!

“Ang iyong mga kamay, Evie! Para silang mga claws. Relax ka ng konti. Gusto namin ng mabangis, hindi ng masamang bruha!”

In three…

Out five…

Alam kong kailangan kong mag-relax, kahit na wala ang masamang bruha na comment.

Ang aking buong katawan ay tensed, at makikita iyon ng aking mga fans.

Ipakita mo sa kanila na napakasaya mo, Isip ko. Gusto ka nilang nakangiti, malusog, at on point.

Sinasadya kong i-loosened up ang aking mga balikat, braso, at kamay habang patuloy na kumukuha ng litrato ang photographer.

Noong bata pa ako, pinangarap ko lang na ito ang maging buhay ko— isang legitimate career sa musika, ang pagkakataong ibahagi ang gusto ko sa milyon-milyon, na ginagamit ito para mapasaya ang mga tao, at pagsamahin sila.

Ni minsan hindi ko naisip na posible talaga ito para sa isang tulad ko.

Pero, narito ako, nabubuhay sa aking fantasy.

Paminsan-minsan, ang aking mga saloobin ay gumagala paatras mula sa tatlong taon na nakalipas. Bago kami lumipat ng aking pamilya sa L.A. at nagsimula ang aking career.

Ang lahat ay nagbago nang sobra mula noon, kung minsan ay pinapaikot nito ang aking ulo.

Napakasaya mo ngayon, Paalala ko sa aking sarili habang sinubukan kong mag-pose na confident.

Masyado pa ba akong stiff?

“At pagkatapos ay meron tayong pagtatanghal sa gabi sa Orlando…” pagpapatuloy ni Sophia.

“Meron siyang press event bago pa man nun,” paalala ni Pam sa kanya, bago saglit na sumulyap sa aking direction. “Handa ka para sa red carpet bago nun, di ba, Evie?”

Uh…

Nagsisimula nang bumagal ang aking isipan, lumabo, tumulo…

Nasa susunod na na topic, tinanong ni Sophia, “Pwede ka bang gumawa ng dalawang palabas sa isang araw, Evie?”

“Ay, hindi ko alam…” Pagsimula ko. Umiling ako sa pagsubok na linisin ito.

Umirap ang mata ng photographer. “Huwag kang gumalaw!” sigaw niya, medyo galit.

Click, click, click!

“Kaya niya,” pagkumpirma ni Pam. “Talagang kaya niya. Nagawa mo sa unang tour, di ba, Evie?”

Click, click, click!

“Posture mo, Evie! Fists sa hips, chest out, shoulders back, chin up.”

Teka, ano? Fists sa chest? Taas ang balikat? Chin back…?

Click, click, click!

Talagang sinubukan kong i-contort ang aking katawan sa isang satisfactory na hugis na makapag-fulfill kahit sa kalahati lamang ng mga utos na iyon.

Pero ang mga utos at katanungan, na tumatahol sa akin parang mula sa bawat anggulo, ay nagsisimulang magsama-sama…

Dahan-dahan akong pinangungunahan ng familiar, at mabigat na buhol sa aking dibdib.

“Evie, tumingala ka! Tumingin ka sa akin!”

Hindi ko kaya. Nagyelo ako, at lalong bumigat ang buhol.

“Evie, nakikinig ka ba?”

Nabulunan ako, hindi malunok ang takot ko.

“Evie!”

“Evie?”

Bigla, parang walang Evie na nag-e-exist.

Sino siya? Sino si Evie Chase?

Sa sandaling iyon, tinamaan ako ng aking superstar persona bilang walang iba kundi isang enigma. Napahinto ako kasama ang tension.

Pabulong akong gumawa ng hindi maintindihan na palusot at tumakas sa silid ng mabilis, tumalon mula sa mga wires and cords. Mabilis kong iginalaw ang aking mga paa, sa paghahanap ng isang banyo.

Para sa katahimikan. Sa pag-iisa. Sa kaginhawaan.

In three…

Out five…

Napalaban talaga ko, pero kahit na ang mga basic na numbers ay walang katuturan sa akin.

Nakahanap sa wakas ng isang banyo, binuksan ko ang pinto at dumiretcho sa salamin. Hinawakan ko ang mga gilid ng lababo, humahawak para sa aking buhay at humihingal ng mabigat.

At pagkatapos, sa labas ng aking kontrol, ang aking isip ay nagsimulang gumulong tulad ng isang sirang projection screen. Mabilis itong bumalik sa mga taon…

Isang taon … dalawa … tatlo…

***

Tatlong Taon ang nakakaraan:

Sumugod ako sa banyo ng pambabae, malayang tumulo ang luha sa aking pisngi.

Napadaan ako kay Valerie, na nakatitig sa akin, nakatulala.

Pwedeng siya ang aking pinakamalapit na kaibigan, maliban kay Adam, pero hindi niya alam ang kahit anong tungkol sa talagang nararamdaman ko sa kanya.

Sa kanya, palagi kong tinitiyak na kumilos na parang ako ang nag-iisang babae sa school na walang gusto kay Adam Fields.

Pero pagkatapos… ang libro.

Ang aking songbook.

Lahat ng aking mga pinakamalalim na saloobin at damdamin, na nakatago sa loob ng mga lumang page ng librong iyon, ay na-expose lamang.

Ang aking mga pinaka-kinatatakutan at mga lihim.

Ang aking pang araw-araw na anxiety sa kabila ng mga pinaka-simpleng gawain.

Gaano ko kinamumuhian ang pagiging ako minsan.

Ang takot na hindi ako masusukat kay Cassidy, o maging kaibig-ibig tulad ni Addison.

At ang aking walang katapusang pagmamahal para sa nag-iisang lalaki na akala ko ay mauunawaan ako.

Lahat ng ito ay hindi na akin lamang. Ito ay nabibilang sa lahat ng mga mag-aaral.

Lumaban ako para makontrol ang aking paghinga, pero imposible iyon.

Kaya't sa halip, nakatingin sa salamin ng banyo, umiyak lamang ako… at umiyak… at umiyak.

Dahil ang isa sa aking greatest escapes, ang aking passion at release, ay ginamit lamang laban sa akin.

At ang isang tao sa mundo na pinakamahalaga sa akin ay ang aking pangunahing suspect na siyang nagbenta sa akin.

***

Kasalukuyang Araw:

Ayos ka lang. Ayos ka lang. Ayos ka lang, Sabi ko sa sarili ko.

Huminga ka lang. Itira mo ang iyong pagpa-panic para mamaya.

Hindi mo magagawa ito ngayon, hindi mismo bago ang premiere ni Cassidy.

Pero pawis ang tumusok sa aking balat. Bumagsak sa aking dibdib ang isang anvil.

Ang mga sintomas ay nagmakaawa para sa aking attention.

Bakit nangyayari ito ngayon? Tanong ako, na-curl ang aking mga outstretched na mga daliri para maging mga fists.

Ang aking mga laban sa anxiety ay hindi na bago. Nagsimula sila noong ako ay isang maliit na bata, nang akala ng lahat ay mahiyain lamang ako.

Si Adam ang nag-iisa kong matalik na kaibigan sa panahong iyon, at pagkatapos ay ang aking kamag-aral na si Grace, ang naging reason para maging trio ang aming duo.

Bukod sa aking pamilya, si Adam at Grace ay halos ang tanging mga tao na nakakausap ko.

Pagkatapos, sinabi ng isang guro sa aking elementary sa aking mga magulang ang tungkol sa isang posibleng karamdaman sa anxiety. Nagsimula akong makipag-usap kasama ang aming guidance counselor para maayos ito.

Ang deep breathing, therapy, at pag-explore ng aking hilig sa musika at pagsulat ay gumawa ng isang pagbabago, pero ang pinakamahalagang bagay ay ang aking malakas na support system.

Sa oras na dumating ako sa ikapito at ikawalong grade, halos pakiramdam ko ay gumaling ako, salamat sa encouragement mula sa aking mga magulang, mga kapatid na babae, kay Adam at ang kanyang pamilya, kay Grace, at sumunod ay sa kapwa “nerd” ko na si Valerie.

Hanggang sa ang buong mundo ko ay inalog noong freshman year sa aming school courtyard, segundo bago ako tumakas papunta sa banyo na iyon.

Iyon ay noong ang aking precious support system—ang isa na inasahan ko ng sobra para panatilihin akong matino— ay nagsimulang mabasag at gumuho.

Sa white-hot na frustration, hinampas ko ang aking kamao sa lababo. Ang aking anxiety ay napalitan ng galit.

Galit ako na nararamdaman ko ito.

Naiinis ako sa pakiramdam na para akong umuurong. Galit ako sa pakiramdam na parang nag-iisa ako. Galit ako sa pakiramdam na nadidismaya ko ang mga tao.

Nagsimula na akong maglakad.

Hindi ako maka-kawala sa sarili kong ulo. Nagiging anxious ako sa pagiging anxious! Patuloy akong natatakot sa pagkakaroon ng isang breakdown.

Hindi ko ito nadama mula noong mga araw na pag-iyak o pag-suka talaga ang ginagawa ko tuwing umaga bago ako pumasok sa school.

Nagdasal ako na sana huwag na akong makaramdam ng ganito.

Pero ngayon parang binabalikan ko ang lahat.

Ako… Hindi ko kaya ito.

Parang naka-oras, ang mga dingding na tiles sa paligid ko ay nagsimulang gumuho, ang sahig ay naging tubig sa ilalim ng aking unstable na mga paa, at ang salamin ay naghugis na parang isa sa mga makikita mo sa isang funhouse.

Hindi ako makahinga.

Ang aking tuhod ay sumuko.

Nanginig ang aking mga daliri.

Ang aking dila at lalamunan ay natuyo na parang sandpaper.

At sa gumagalaw, at distorted na reflection, bago pa tuluyang lamunin ako ng kadiliman, pinanood ko ang aking sarili na gumuho.

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

2

EVIE

Tatlong Taon ang nakakaraan:

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.

Ang aking pisngi ay nasusunog sa kahihiyan habang nakatayo ako roon, hawak ang aking lunch tray gamit ang nanginginig na mga kamay.

Ang araw ay bumagsak sa aking mga balikat, habang ang hangin ng September ay nagpadala ng panginginig sa aking spine.

Ang pagpintig ng aking puso ay tumitibok sa aking tenga habang ang mga mausisa na mga mata ay bumungad sa akin at mga tawa na gumapang sa karamihan ng mga tao.

Ang nagawa ko lang ay humakbang papunta sa damuhan ng bakuran, nang ang lahat ay nahulog sa hysteria. Kahit na kasama ko si Valerie sa tabi ko, tuluyan na akong pinagkaisahan.

Ang spotlight ay nasa akin, at walang paraan para makatakas ako sa nakakasunog nitong init.

“Ev-e-lyn,” isang matamis na tinig ang nag-coo habang ang isang blonde na figure ay inangat ang kanyang sarili mula sa isa sa mga mesa na bato at lumapit sa akin.

Grace— ang babae na minsang tinuring ko bilang isang matalik na kaibigan, at kung sino ang kasalukuyang girlfriend ng aking matalik na kaibigan.

Teka. Si Adam.

Nasaan siya?

Kasama ko lang siya fifteen minutes ang nakakaraan, naglalakad sa hall sa cafeteria para kumuha ng pagkain bago kami magkahiwalay.

Siguradong nasa isang lugar siya dito sa labas—dito siya karaniwang kumakain ng lunch, kasama ang iba pa, na mga sikat na kaibigan.

Ang lunch sa school ay isa sa ilang beses na kaming dalawa ay hindi magkasama.

Nag-aalangan, ibinalik ko ang aking attention kay Grace.

Nilinaw niya ang kanyang lalamunan habang hinuhugot ang isang piraso ng papel mula sa kanyang bulsa sa likuran.

Kasama ang isang ngiti, sumulyap muna siya sa akin at pagkatapos ay sa magkabilang panig niya bago basahin nang malakas:

”'Raven na buhok, mga mata na kulay chocolate, isang pag-ibig para sayo na hindi ko matatago. May isang bagay tungkol sa atin na parang tadhana, pero ang nararamdaman ko lamang ay lungkot. Kung makikita mo lang na yun ay ikaw at ako. Ako at ikaw. Kung makikita mo lang na ginagawa ko ang lahat para sayo habang siya—’”

Ang aking puso ay bumagsak sa aking sikmura, at ako ay nag-cringe. Sinubukan ko sa aking makakaya na hindi siya pakinggan, pero iyon ang AKING mga salita.

Iyon ang aking kanta.

“Teka, huwag. Grace, tumigil ka!”

Ibinagsak ko ang aking tray sa pinakamalapit na basurahan at tumakbo para punitin ang papel mula sa kanyang mga naka-manicure na mga daliri.

Nang malapit na ako, sinabi ni Grace ang huling linya ng koro.

“'At, mahal, ikaw yun. Sa piling ko lang—” Nagpakawala siya ng isang malakas na tawa. “Lang kung saan ka kabilang.’ Nakakamangha ito, Evelyn,” pangungutya ni Grace nang tumingin siya sa akin. “Tunay na nagbibigay inspiration.”

Ang kanyang comment ay sinundan ng isang dagundong na tawa.

Parang may sumuntok ng paulit-ulit sa aking tiyan.

Nang sa wakas ay halos magtapat ang aming mga ilong, sinubukan kong kunin ang page mula sa kanya, pero hindi ko ito magawa.

“Saan mo nakuha yan?” demanda ko.

Ang kantang iyon ay hindi sinadya para makita ng kahit sino— kahit kailan. Wala sa aking mga kanta ang sinadya para marinig.

Itinago ko sila sa pinaka-ilalim ng aking silid sa isang lumang notebook na nakalibing sa ilalim ng lahat ng aking mga socks.

Si Grace ay hindi dapat nagkaroon ng kahit anong idea na ang notebook ay nandoon sa simula pa lang.

Walang nakakaalam na naroon ito, maliban kay…

Adam.

“Kanino ito tungkol, Evelyn?” Tanong ni Grace. “Ay, teka.” Hawak niya ang page pataas at itinuro ang talata na nakasulat sa itaas ng kanta. “Ini-spell mo lahat diyan.”

“Ibalik mo yan.” Sinubukan kong kunin ulit ang papel sa kanya, pero hinugot niya ito.

“Ibabalik ko ito kung sasabihin mo. Kanino mo sinusulat ito? Sino ang 'love of your life'? Ang lalaking hindi nakakakita kung gaano kayong dalawa ay 'tinadhana'?”

Mas humihirap at humihirap ang paghinga, tulad ng pagkapahiya na sumasakal sa akin. Alam ko kung saan hahantong ang mga damdaming tulad nito.

Sa takot, sinuri ko ulit ang karamihan.

Nasaan si Adam?

Karaniwan, kaming dalawa ay hindi nangangailangan ng mga salita. Pitong taon bilang matalik na magkaibigan at kilala ang bawat isa mula noong nasa diaper pa kami ay sobra kaming in sync, sa kabila ng pagiging ibang-iba.

Siya ay charming, confident, at sikat, at nagkaroon ako ng proclivity para sa mga awkward na situations.

Ako ay masyadong mahiyain para sa aking sariling ikabubuti kung minsan, at itinuturing ang aking sarili na masuwerte kung naalala ng mga tao ang aking tunay na pangalan.

Pero gumana ang aming pagkakaibigan. Gumana kami.

At sa ngayon, kailangan ko siya bilang suporta. Kailangan ko siya dito para sa akin, tulad ng palaging ipinangako namin sa bawat isa.

Nasaan siya?

***

Kasalukuyang araw:

Nagising ako sa isang malamig na pawis sa sahig ng banyo, kasama si Pam na nakaabang sa akin.

Pero may isa pang presence— isa pang pares ng mga braso ang humahawak sa akin, pinoprotektahan ako. Isang comforting na kamay na nagpupunas sa noo ko ng isang cloth.

Inikot ko ang pumipintig kong ulo…

Mama.

Mapagkakatiwalaan at maaasahan. Kasabay ng pagiging isang magulang, isang manager, at isang buong slew ng iba pang mga professions— guro, life coach, stylist, at—kasalukuyan—nurse.

Madalas namin siyang tinutukoy ng aking mga kapatid na babae bilang aming momager. Ang pamamahala sa aming mga career ay kung paano niya ipinapakita ang kanyang pagmamahal.

Ang physical na pagmamahal, sa kabilang banda, ay hindi isa sa natural na tendencies ni Hillary Chase.

Dahilan kung bakit nagulat ako nang makita ko siyang hawak-hawak ako sa sahig.

Sa kabutihang palad, nasa parehong gusali siya, namamahala ng isang hiwalay na shoot kasama si Addison.

Nagpasalamat ako sa aking mga maswerteng bituin na pwedeng kasama ko siya ngayon dito, kahit na ang kasalukuyang pag-coddle at pag-aalala ay nagparamdam ng parang nakakasakal.

“Evelyn,” huminga siya.

Sumulyap siya kay Pam. “Pwede mo ba kaming bigyan ng ilang sandali?”

Pinigilan ni Pam ang isang buntong-hininga, kitang-kita pa rin na nasa mode ng pagtatrabaho, pero magalang na umalis.

Habang ang parehong babae ay merong pantay na kapangyarihan sa aking career, palaging nakukuha ni Mama ang huling salita.

Sa sandaling mag-isa kami, siningkit niya ang mga mata sa akin at sinabi ng mahigpit, “Lilinisin natin ang iyong schedule para sa natitirang araw ngayon. Pwede kang umuwi para makapagpahinga. Ipapamaneho kita pauwi kay Mickey.”

Natataranta, sinubukan kong umupo, pero mas hinawakan niya ako.

“Pero ang premiere—” Nagsimula akong magprotesta.

Bihira akong nagkaroon ng pagkakataong makahabol sa aking nakatatandang kapatid na babae; Gusto kong puntahan at alalayan siya.

Ang aking mama ay hindi papayag dito.

“Evelyn, malinaw na masyado kang stress para sa isang bagay tulad nito ngayong gabi.”

Stress. Sige. Yun lamang yun, Nag-alinlangan ako sa sarili kong saloobin.

“Napakaraming tungkulin at responsibilidad ang pinagsasabay-sabay mo ngayon. Meron kang paparating na album, ang tour…”

“Haharapin ko lang po ang lahat ng iyon pagdating nila dito. Pero sa ngayon, ayos lang po ako,” sabi ko sa pinaka kapani-paniwala na tono na pwede kong gawin, “at pupunta po ako sa premiere.”

Kahit na malinaw na hindi pa mapakali, ang aking mama ay tinanggal ang kanyang mahigpit na paghawak sa akin para pahintulutan akong mag-wiggle palayo at tumayo ng dahan-dahan, nilalabanan ang pagkahilo.

“Hindi ka mukhang maayos,” sabi niya habang papalapit ako sa salamin.

Pinatakbo ko ang aking kamay sa aking buhok, inaayos ang aking itsura at nagpasiyang hindi sumagot.

Maayos ba talaga ang pakiramdam ko?

Hindi, pero may obligation ako, tama?

Hindi lamang sa aking pamilya, pero pati sa aking mga fans at aking career.

Kung iisipin, madali ko lamang mailalayo ang sarili ko sa aking nararamdaman ng sapat para malagpasan ko ito sa buong gabi. Mag-disassociate, kagaya ng nagawa ko na dati.

Kung pwede kong panatilihin ang aking isip mula sa pagbalik sa araw na iyon sa courtyard noong freshman year…

Kay Adam. Kay Grace.

Bakit ko nga ba iniisip ang mga ito? Tatlong taon na ang nakalilipas.

Ano ang nangyayari sa akin?

Pinili noon ni Pam na bumalik sa loob ng banyo.

“Kumusta siya?” tinanong niya ang aking mama, na nagdulot ng isang daing mula sa akin.

Minsan naiinis ako kung paano nila ako pinag-uusapang lahat, sa paligid ko, at sa akin, na para bang wala ako doon.

Labing-pitong taong gulang na ako! Gusto kong sumigaw. Pwede akong magsalita para sa aking sarili!

“Sabi niya na maayos lang ang pakiramdam niya para makadalo sa premiere ngayong gabi,” sabi ni mama, na parang nag-aalangan.

“Oh, mahusay, mabuti naman kung ganun.”

Bumukas ulit ang pinto— halos matanggal sa hinges nito sa pagkakataong ito— na nagpakita kay Damon, nasa kamay ang camera.

Oh, parang awa mo na, Isip ko.

Inirap ni mama ang kanyang mga mata, ipinapakita ang aking inis. “Jusko naman!”

“Kailangan nating gawin ulit ang lahat ng mga shots na nakuha natin,” anunsyo niya, siguro ay mas dramatiko kaysa sa kinakailangan.

Sumabog si Pam. “Niloloko mo ba ako?! Sa tingin mo may oras tayo para diyan ?! Kailangan nating ihanda si Evie para sa premiere at—”

“Ang kanyang mga mata, pero— tingnan mo lamang ang mga ito ng napakabilis,” nagpumilit siya, na nag-aalok ng pagtingin sa screen ng camera. “Ang kanyang titig ay walang laman at spacey. Parang ang weird. Medyo nakakatakot.”

Bumuntong hininga si Pam. “Tama siya,” pagsang-ayon niya.

Galit na galit, pero palaging handa para sa aksyon, pinagdikit ng aking publicist ang kanyang kamay.

“Sige, kung ganon. Bumalik na lamang tayong lahat sa silid at magmadali para isa pang round, lahat ng mga kamay ay nasa deck, at— ”

“Tama na!” Biglang sigaw ni nanay.

Pinagpag ang kanyang mga braso, pinatahimik silang pareho. Kahit na ang aking maingay na pag-iisip ay nanahimik sa ilalim ng kanyang malakas na tinig.

“Tama na. Tapos na tayo para sa araw na ito. Isasara natin ito at uuwi na—”

“Hindi!” Tumutol ako ng may higit na lakas kaysa sa inaakala ko.

Ang bawat mukha ay tumingin sa akin, tulad ng sa courtyard noong hapon na iyon.

Spotlight sa akin. Nakakasunog sa init.

Parang hinahabol ako nito at hinahanap ako saan man ako pumunta, maging sa isang matao na courtyard ng Connecticut o isang masikip na banyo sa L.A.

Pero sa pagkakataong ito, sasamantalahin ko ang pansin. Gamitin ito para maisigaw ang aking sariling decision, kahit na ang decision na iyon ay nangangahulugang karagdagang stress para sa akin.

Ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mas maraming tao sa pangkalahatan.

Dagdag pa, kung may pag-asa akong maitayo ulit ang aking gumuho na support system, kailangan kong magsimula sa aking mga relation sa aking mga kapatid.

At kailangan nun ng katapatan, kahit na gaano kalaki ang halagang kailangan.

“Pupunta ako sa premiere,” malinaw na sinabi ko. “Para sa aking kapatid na babae.”

Pero sa loob-looban, napuno pa rin ako ng pag-aalinlangan. Ito ang pinakapangit na panic attack na nangyari sa akin sa mga taong lumipas.

Pwede ko bang mapanatili ang aking anxiety sa ilalim ng aking kontrol ng matagal para malagpasan ang gabing ito?

 

Read the full uncensored books on the Galatea iOS app!

Colt

Maaari ngang kasal si Summer sa isang guwapong negosyante, ngunit may nalalaman siya tungkol sa kanyang ugali na hindi alam ng iba. Kapag nalaman ng kanyang kapatid ang pinagdadaanan niya, sisiguraduhin nitong proprotektahan siya ng MC. Tanging si Summer lamang ang walang pakialam sa buhay ng MC … hanggang sa makilala niya ang “The Devil,” at napagtanto niyang isang bad boy ang siyang magpapatibok sa kanyang puso.

Rating ng Edad: 18+

Touch

It’s been a while since Emily got laid. At ang kanyang last relationship? Hindi niya na talaga maalala, masyadong matagal na. But that means due na siya for isang exciting fling! Malapat nang mameet ni Emily ang isang someone one whose touch will set her on fire.

Age Rating: 18+

Feelin the Burn

Si Hannah Daniels has always been a little bit bigger compared sa iba pang women, pero it’s never been anything she’s cared about. Parati naman siyang happy in her own skin—most of the time, anyway. But then her doctor recommends she start seeing a fitness trainer. In fact, mayroon siyang perfect guy in mind: Jordan Mathis, na determined to make Hannah sweat…in more ways than one.

Age Rating: 18+

Home-Wrecking Alpha

Ginive up ni Brooke ang lahat para i-take ang kanyang pamilya on the road at tulungan ang kanyang husband na ma-i-fulfill ang kanyang bucket list. Little does she know, her happiness is part of his list, which is unfortunate, kasi a certain alpha is about to change their lives forever. Si Slate ay isang werewolf na na-curse to have a human mate, pero nang nakita niya si Brooke, he can’t see her as anything but a blessing. Too bad she’s married…right?

Age Rating: 18+

Savage

Isang language lang ang alam namin. Sex.

Hinawakan niya ako sa buhok, tense ang katawan ko sa kabilang braso niya.

Sobrang wet ko na na hindi ko alam kung kakayanin ko pag pumasok siya sa loob ko.

Agresibo siyang pumaibabaw sa akin sa desk, at ‘yun ang naging dahilan ng pagtaas ng libido ko. Naramdaman kong ikinikiskis niya ang matigas niyang ari sa pwet ko.

Napabuntong-hininga ako sa pagnanasa.

Kailangan ko siya.

Dito.

Ngayon na.

Ghosted Soul

Si Claire Hill, isang ordinaryong tao, at si Chloe Danes, isang werewolf, ay naging unlikely partners nang sila ay nakulong sa katawan ni Chloe. Nang pareho nilang nakilala ang kanilang mga mates, kailangan nilang maglakbay sa magical land ng Logia para makahanap ng solution o i-risk na mawala ang kanilang mga pag-ibig habang-buhay.

Rating ng Edad: 18+

Love Bites

There isn’t a person alive who doesn’t love Scarlet. Siya ay young, maganda, at may soul of an angel… Kaya it’s shocking as hell ng ang destined mate niya turns out to be the heartless at merciless na Alpha King. Feared by all—and for good reason—kakabalik lang ng Alpha after seven years to claim what’s his. Mabebreak ba ni Scarlet ang kanyang walls, or will she end up begging for mercy?

Age Rating: 18+

Undressed by the King

Sa tuwing binibigay ko ang sarili ko, iba.

Minsan nasa palasyo, at minsan naman nasa dumihan.

Minsan ako ang umiibabaw, at minsan naman nakabaon ang mukha ko sa unan para ‘di masyadong marinig ang pagsigaw ko.

Minsan mala-impyerno ang sakit, at minsan naman mala-langit ang sarap.

Pero may isang bagay na hindi nagbabago, kahit anong mangyari.

Sa bawat buhay, nahahanap mo ako.

Sa’yo ko lagi binibigay ang sarili ko.

Reaper’s Claim

Lahat tayo ay iba-iba ang upbringing.

Lahat naman ay tinuturuan ng mga essentials sa buhay ng kanilang parents, pero sometimes ‘yong mga life essentials nila ay hindi nakakabuti.

Natuto akong mag-roll ng cigarette bago ako tinuruang magtali ng shoelaces.

Sa tingin ko, sa karamihan ng mga pamilya, considered ito na kakaiba pero normal lang ‘to sa family namin.

Ang aking ama, si Jed Harrison, ay president ng Satan’s Sons Mother Charter.

Ang Kapalit

Kakatanggap lang ni Jessica sa trabaho na buong buhay nyang pinapangarap, siya na ngayon ang second-in-command ni Scott Michaels. Ang tanging problema ay si Spencer Michaels, isa pang CEO—and the man she was hired to replace. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kanya, hindi titigil si Spencer para matiyak niyang alam niya kung saan siya lu-lugar… At kahit na Si Spencer ay bulag, going through a divorce, at isang total dick, hindi mapigilan ni Jessica na mahulog sa kanya.

Age rating: 18+